J A N U A R Y 2 5 2 0 1 7
Happy 25 💙
------------------------ 🌸 -----------------------
Hermione's Point of View
Mag-isa akong pumasok sa school ngayon. Badtrip pa rin ako kay Hiro. Aba, natiis niya akong hindi kausapin kahapon.
Bwiset!
Kaya mag-isa akong pumasok ngayon. Mabuti na lang at inabutan ko pa si Kuya Ron kaya nakisabay na ako.
"Mukha ka nanamang drawing ng grade one. Wag mo ngang sanayin na nakasimangot ka." Sinabayan ako sa paglalakad ni Bella.
"Kainis kasi si Hiro." Sambit ko.
"Dahil nanaman ba yan kay Nikka?" Tanong niya. Dumating naman si Astrid at nakisali sa pinag-uusapan namin.
"Oo. Nagpasama kasi siya saakin kahapon sa mall para bilhan ng regalo yung bitch na yun. Tapos yun, nag-away kami. Dami kasing binibili. At natiis niya akong hindi kausapin a!" Gigil na gigil kong kwento.
"Herm, dapat ngayon pa lang nasasanay ka na na hindi lang ikaw ang babae sa buhay niya. Tulad niyan, may iba na siyang mahal. Hindi na kayo bata.." Natigilan ako dahil sa sinabi ni Bella.
"True. Kung yun ang ikaliligaya niya, let him na lang." Pagsangayon naman ni Astrid.
"Pero niloloko lang siya ni Nikka." Pangangatwiran ko.
"Tell him na kase. Kapag hindi naniwala sayo, hindi mo na kasalanan iyon." Sabi naman ni Astrid.
"Fine. I'll tell him." Huminga ako ng malalim at sakto namang nakita ko si Hiro kasama si Nikka. Nagtatawanan pa sila.
I don't want to hurt you, Lyles. Pero kung katotohanan naman ang magpapaluha sayo, okay lang saakin. Kesa sa tumatawa ka dahil sa isang kasinungalingan.
Sana lang maniwala ka saakin.
Nilabas ko ang cellphone saka ako nagiwan ng text sa kanya. Sinabi kong magkita kami mamayang dismissal.
Nagpunta na kami ng classroom at nag-umpisa nanaman ang araw ko.
Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ang mga teachers namin sa katahimikan ko. Naglinis din ako kanina nang utusan ako ni Ma'am Anj kahit hindi ako cleaner.
At umi-English ako kanina sa English subject namin. Nakakamiss din mambara ng guro kaso wala akong gana ngayon.
Dapat sulitin na nila ang kabaitan at kasipagan ko dahil baka hindi ito magtagal.
OoooOoooOooo
Dumating ang dismissal at hinihintay ko nanaman si Hiro dito sa waiting area ng school.
Ang tagala talaga niya. 30 minutes na siyang late! Baka naman hindi nanaman niya ako siputin, babangasan ko na talaga siya.
"Oh, Hermione, nandito ka nanaman." Nakangiting sabi saakin ni Marc.
"Marc, uy, hinihintay ko kasi si Hiro. Sabay kaming uuwi." Sagot ko. Naupo naman siya sa tabi ko.
"Hmm.. Gusto mo samahan muna kita? Para hindi ka mainip." Napatitig ako sa kanya. Mabait naman si Marc, gwapo, matalino, gentleman pa. Bakit hindi ako nagkagusto sa kanya?
"Ikaw bahala. Wala ka bang ibang gagawin?" Tanong ko. Ayaw ko rin naman kasing maabala siya. Ayaw ko rin naman mag-isa tumunganga dito.
"Wala. Natapos ko na yung homework kanina sa library." Sagot niya habang nakangiti pa rin saakin.
"Ahh ganun ba.." Wala na akong masabe.
"Kanina ka pa naghihintay dito?" Tanong niya saakin. Tumango ako ng marahan "30 minutes na." Sagot ko.
"Tagal na rin. Nasaan daw ba si Hiro?" Nakakunot na ang kanyang noo.
"Ewan. Hindi naman nagrereply sa mga text ko. Tinawagan ko na kaso hindi niya sinasagot." Napakibit balikat na lang ako.
"Di bale, kapag hindi ka niya sinipot, nandito naman ako. Hindi kita iiwan.."
Ang swerte ko naman mahal ako ni Marc. Kaso malas ako dahil hindi ko siya mahal. Maswerte ang babaeng mas mamahalin niya kesa saakin.
"Marc, bakit nililigawan mo pa rin ako kahit hindi ako pumayag?" Bigla kong naibulalas.
Akala ko magugulat siya sa tanong ko kaso nginitian lang niya ako.
"Dahil mahal kita." Sagot niya. "Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ako pabalik. Pero nagbabaka sakali ako. Basta pabayaan mo lang akong mahalin ka. Ayos na ako dun." Nginitian niya ako kaya napangiti na ako. Nakakahawa ang pagiging masiyahin niya.
Mag-iisang oras na kaming nagkukwentuhan ni Marc, wala pa rin si Hiro.
Aba langhiyang lalaki na yun! Hindi nga ako sinipot!
"Hmm.. Mukhang hindi nanaman darating si Hiro. Tara na?" Tumayo na ako saka inoffer ang kamay ko kay Marc para tumayo na siya.
Kinuha naman niya ito.
"Sigurado ka ba na hindi na tayo maghihintay?" Tanong niya saakin.
"Hindi na. Pabayaan mo yun. Nakakasawa siyang hintayin." Nakangusong sabi ko. Tinawanan niya ako saka ginulo ang buhok ko.
Si Marc na ang naghatid saakin pauwi. Ang sarap talaga niyang kasama. Parang ang gaan sa pakiramdam.
"Marc.. Uhm.. Sana maging magkaibigan tayo." Tinitigan niya ako habang nakangiti.
"Ang sakit pala mafriendzone. Pero, sige na nga. Best friend?" Pinaghiwalay niya ang mga braso niya kaya niyakap ko siya.
"Best friends." Sagot ko. Nagpaalam na ako sa kanya na papasok na ako sa loob. Inaya ko siyang pumasok kaso next time na lang daw.
"Ingat ka!" Kumaway lang siya saka na umalis.
Bumuntong hininga ako saka tinignan ang bahay nina Hiro. Mukhang wala pa siya dahil wala yung kotse niya.
Bayaan na nga! Baka nakikipaglandian pa.
Pumasok ako sa loob ng bahay at kaagad namang bumungad saakin si Kuya Harry at Kuya Ron na pinag-aawayan ang isang slice ng pizza.
"Hoy, wag na nga kayong mag-away dyan. Mabuti pa akin na yan." Kinuha ko sa kanila yung pizza saka kinain. Natameme naman sila.
Nginitian ko muna sila bago umakyat ng kwarto ko.
"HERMIONEEEE!" Natawa na lang ako nang isigaw nila ang maganda kong pangalan.
Sarap talaga maging bunso. Lalo na't nag-iisa akong babae. Hindi naman nila ako masusuntok. Sila susuntukin ni Daddy. Kaya kahit inis na inis na sila saakin, wala. Hanggang salita lang sila.
Binitawan ko ang gamit ko sa may closet ko saka kumuha ng komportableng damit na maisusuot.
Tinanggal ko ang sapatos ko saka kinain ang isang slice ng pizza. Nakakabitin naman!
Nagbihis na muna ako saka bumaba para kumain. Gutom na ako..
"Hermione, yung pinaghubaran mo ilagay mo kaagad sa laundry. Bukas ipapalaba natin. Kapag nakakalat yan, bahala ka na maglaba sa mga damit mo." Salita lang ng salita si Kuya Harry habang papunta ako ng kitchen.
"Wag kang mag-alala Kuya, maayos ang gamit ko. I'm so organize kaya." Kumuha ako ng tinidor ko saka tumusok ng carrot at kinain.
"Organize ha? Siguraduhin mo lang.." Bakit ba todo makasermon si Kuya? Daig pa niya si Kuya Ron.
"Nasaan sina Mommy at Daddy?" Tanong ko para naman hindi na niya ako sermunan. Nakakasawa boses niya.
"Nasa work pa." Sagot naman ni Kuya Ron saka hinanda ang pagkain namin.
"Hindi natin sila hintayin?" Tanong ko.
"Mamumuti na ang mga mata mo kung gusto mo silang hintayin." Sinamaan ko ng tingin si Kuya Harry. Baka marami nanamang work sina Mommy at Daddy kaya hindi sila makakasabay saamin.
Nagsimula na kaming kumain. Nang matapos kami, ako ang pinaghugas nila ng pinggan.
Nakakainis! Wala daw kasi sina manang at humingi muna ng bakasyon sa probinsya nila.
"Napipilitan ka sa ginagawa mo?" Pang-aasar saakin ni Kuya Harry.
"Ewan ko sayo, Kuya. Lubayan mo na nga ako." Winisikan ko siya ng tubig sa pagmumukha niya kaya umalis habang tumatawa. Kapag bunso ka nga naman o!
Pagkatapos ko, nagpunta na ako ng kwarto ko at gumawa ng homework. Magpapakaresponsableng estudyante muna ako. Sayang ang tuition fee na ibinabayad ng mga magulang ko.
Bago ako naupo sa tapat ng study table ko, napalingon ako sa terrace ng kwarto ko. Katapat lang kasi ng kwarto ko ang kwarto ni Hiro.
Pansin kong nakabukas ang tv niya. Natanaw ko rin siya na kasama si Nikka. Nanonood siguro ng movie habang nagtatawanan.
Grabe, pinaghintay niya ako dahil lang kay Nikka. Ano bang nangyayare saamin?
------------------------ 🌸 -----------------------
Remember, you are beautiful
and loved.