Magkabilang Mundo [★PUBLISHED...

By krizemman

143K 2.5K 327

|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginag... More

Prologue
ShamEul- One
ShamEul- Two
ShamEul- Three
ShamEul- Four
ShamEul- Five
ShamEul- Six
ShamEul- Seven
ShamEul- Eight
ShamEul- Ten
ShamEul- Eleven
ShamEul- Twelve
ShamEul- Thirteen
ShamEul- Fourteen [flashback]
ShamEul- Fifteen [flashback]
ShamEul- Sixteen [flashback]
ShamEul- Seventeen [flashback]
ShamEul- Eighteen [flashback end]
ShamEul- Nineteen
ShamEul- Twenty
ShamEul- Twenty One
ShamEul- Twenty Two
ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]
Epilogue

ShamEul- Nine

3.9K 91 15
By krizemman

Tumulong na akong maibaba ang mga gamit nila sa sasakyan ko. Hindi ko na din pinansin ang  mga sinabi ni Nikki dahil ayokong makipagtalo pa sa kanya.

"Bakit parang nagmamadali ka? May pupuntahan ka pa ba?" tanong ni Nico. Napansin nya marahil na nagmamadalai akong ibaba lahat ng mga gamit nila sa sasakyan ko.

"Gusto ko ng makauwi ng maaga, pagod ako at gusto kung magpahinga na" Pagsisinungalung ko. Napansin ko naman si Nikki na napatingin sakin. Umiling na lang ito.

"Sige aalis na ako" Malamig na paalam ko sa kanila, tumango naman si Mylene at Aira. Iling ulit ang sagot ni Nikki. Si Arail naman hindi na ako pinansin at pumasok na sa loob ng bahay.

"Ingat bro. Puntahan na lang kita bukas sa bahay nyo" Nico

"Sige" Sumakay na ako sa driver seat ng magsalita si Nikki.

"Eul magiingat ka, tawagan mo lang ako kung sakaling may problema." Malumanay nyang usal.

"Sige, salamat" Yun lang at tuluyan na akong umalis.

Hapon na kaya siguradong aabutin ako sa daan ng dilim. Hindi ko maintindihan kung bakit ganto ako ngayon. Babalik ako dun hindi para magpaalam kundi dun muna mamalagi ng ilan pang araw, hanggang dumating ang pasukan. Hindi naman din kasi ako nakakaramdam ng takot sa bahay na 'yun. Pakiramdam ko meron nag poprotekta sakin.

Tuloy tuloy lang akong nagmamaneho ng mapansin kung paubos na ang gas ng sasakyan. Kaya dumaan muna ako sa isang malapit na gasolinahan.

"Magkano sir?" tanong ng gasoline boy.

"Full tank po" Usal ko sa kanya.

Nagpasya muna akong bumaba para gumamit ng banyo. May nakita din akong convenience store kaya nag pasya muna akong kumain, 'Hindi pa pala ako kumakain simula kaninang umaga' Naalala ko, dahil sa nangyari, kaya hindi na namin nagawang kumain ng maayos.

"Hi!" Bati ng babae. Habang nakatayo ako at kumakain ng binili kong hotdog sandwich.

"Pwedeng maki share ng table?" blangkong tingin lang ang ipinukol ko sa kanya. "Wala na kasing bakanteng table" Dagdag pa nya. Inilibot ko naman ang tingin ko. Tama siya at wala ng bakante dahil maliit lang naman itong convenience store kaya ilang lamesa lang ang meron dito.

"Sure" Maikling sagot ko. Ibinaba nya na din yung binili nyang pagkain at inumin.

"San ang punta mo?" nagulat ako ng magtanong siya. "Magbabakasyon ka din ba? kasi ako magbabakasyon din"

Blangkong tingin lang ang ipinikol ko sa kanya. Ayokong makipag usap sa isang tao na hindi ko naman kilala. Lalo na sa isang babae na kung umasta ay parang matagal na kaming magkakilala.

"Suplado mo naman, boring naman kasi kung hindi tayo magkwentuhan habang nakain." Siya

"Hindi ako makakain ng ayos kung makikipag kwentuhan pa ako sayo. Nagmamadali ako." Walang emosyong usal ko. Pero mukhang makulit siya kaya nagtanong na. naman siya.

"San ang punta mo?"

"Sa cavite" walang ganang sagot ko.

"Ahh dun din ang punta ko." masiglang usal nya. 'Ano naman pakialam ko kung doon din ang punta nya' sa isip ko.

"Saan sa cavite? Baka pareho lang tayo ng pupuntahan?" Kulit pa nya.

"Miss pwede wag kang makulit" Pinahalata kong naiinis ako. "Kumain ka na lang kung kakain ka, ang ingay mo eh!" Pasinghal na usal ko.

"Suplado mo naman" naka simangot nyang usal sa akin. "Sige hindi na kita tatanungin, pero isa na lang. Anong pangalan mo?"

"Eul Cyrus" Pagkasabi ko nun, uminum na ako dahil ubos na yung kinakain ko. Paalis na ako ng magsalita ulit siya.

"Bastos mo naman, hindi ka man lang mag excuse. Bigla ka na lang aalis" Pasinghal na sigaw nya.

Blangkong tingin lang ulit ang ibinigay ko sa kanya bago tumalikod, para makalabas na sa lugar na yun.

"Ako nga pala si Shishai! Nice meeting you Eul Cyrus!" Sigaw na pahabol nya. Umiling na lang ako.

"Kuya tapos na po ba?" tanong ko sa gasoline boy na nagkarga ng gasolina sa sasakyan ko.

"Yes sir"

Sumakay na ulit ako sa sasakyan, tiningnan ko na din kung anong oras na, '7:00 o'clock pm na pala.'

Mabilis akong nagmaneho pabalik sa cavite.

"RIIIIIIIIIIIIING"

Kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa na pantalon. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Hello"

[Eul nasaan ka na?] Bungad na tanong ng nasa kabilang linya. Boses ni Nikki

"Dito sa sasakyan nagmamaneho" Walang buhay kong sagot sa kanya.

[Bumalik kana, hindi ka ba natatakot, baka kung anong mangyari sayo doon?] Halata sa tono nya ang pag aalala.

"Nikki kung tumawag ka lang para kulitin ako, pwede ba wag mo nang ipilit, babalik ako dyan kapag nakarating na ako don!" asar na saad ko.

[Eul  wag kana sabing tumuloy dun, baka kung mapaano ka pa, 'wag naman sanang matigas ang ulo mo] mariin na pakiusap nya sakin.

"Bye" yun na lang sinagot ko dahil ayoko ng makipagtalo pa sa kanya. Dahil sa inis, naibato ko sa may passenger seat ang phone ko.

'Ang kulit nya, sinabi ng babalik din ako'

 Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagmamaneho. Mga ilang oras lang nakalipas, nakarating na din ako ng cavite. Gabi na din marating ko ang bahay.

Hindi ko na tinawag pa si Tatay Jess para pagbuksan ako ng gate, Marahin tulog na yun dahil patay na yung ilaw sa labas ng bahay.

Nang mabuksan ko na at naipasok na yung sasakyan sa loob ng bakuran. Dahan dahan ko na itong minaneho hanggang makalapit na sa malaking puno. 'Bakit wala pa siya, hindi kaya umalis na siya at hindi ako hinintay?' Nakaramdam ako ng panlulumo, bumalik ako dahil sa kanya tapos hindi ko siya makikita.

Binalik ko ang atensyon sa harap ng sasakyan para magmaneho. Pero bago ko man ito mapaandar, nakita ko na siyang nakatayo sa daanan na nakaharang sa sasakyan.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, ang bilis na animo lalabas sa dibdib ko.

Hindi takot ang nararamdaman ko kung bakit ganito ito kabilis. Kundi tuwa na nakita ko yung dahilan ng pagbalik ko dito.

'Sa maikling panahon na pagkakilala namin, hindi ko aakalain na mamahalin ko na siya ng ganto kabilis.'

Mabilis akong bumaba sa driver seat para puntahan siya.

"Akala ko hindi ka na babalik" malungkot na usal nya habang ito'y nakayuko.

"Paano mong nalaman na umalis ako?"

"Nakita ko kasi kayong umalis na at may mga dalang mga bagahe" malungkot pa din nyang usal "Ngayon bumalik ka para lang magpaalam sa akin ng maayos"

"H-hindi! Nagkakamali ka. Bumalik ako dito para makasama ka" Bulong ko, at lumapit na ako para yakapin siya.

Kakaiba sa pakiramdam ng yakapin ko siya. Ilang segundo din kami sa ganung posisyon.

"Salamat bumalik ka aking mahal"

[O_O]?

Nagulat ako sa inusal nya. 'Mahal nya din ako? Mahal namin ang isa't isa?' Ang weird ng sitwasyon namin. Sa ilang araw namin magkakilala minahal na namin ang isa't isa.

Ngayon napatunayan ko, pwede din plang magmahal sa maikling panahon. Hindi mo kailangan na kilala mo ang isang tao sa haba ng oanahon para mahalin mo siya at ganun din siya sa'yo

Inilayo ko siya saglit sakin. Ngayon magkalapit ang aming mga mukha, magkatapat ang aming mga mata.

"T-tama b-ba yung narinig ko?" lakas ng pintig ng puso ko. Pinagmasdan ko siya, nakatitig ako sa mga mata nya habang naghihintay na sagutin ang tanong ko. Gamit ang liwanag mula sa sasakyan, kitang kita ko ang kabuuan ng mukha nya.

"Oo Eul, mahal kita. Noon at mapa hanggang ngayon" Mahinang usal nya.

Naguluhan man ako sa tinuran nya, hindi ko na lang ito pinansin. Mahalaga sakin ngayon ang nalaman kong mahal nya din ako.

"Halika ihahatid na kita sa inyo. Masyado ng malalim ang gabi." inalalayan ko siya pasakay ng sasakyan.

Muli akong nagmaneho.

Inihatid ko siya kung saan ko siya hinatid noon. Pero sa pagkakataong ito may dala na akong sasakyan.

"Kung pwede Shamy ihatid na kita malapit sa inyo. Masyado ng gabi at madilim. Wala pa din nadaan na ibang tao o sasakyan man lang." Nag aalala ako para sa kaligtasan nya. Pero gaya ng inaasahan hindi siya pumayag.

"Ihatid mo na lang ako kung saan mo ako unang inihatid."

Wala na akong nagawa kundi sumang ayon na lang.

-----

NIKKI POV

Tinapos agad ni Eul ang usapan namin. 'Antigas ng ulo nya. Hindi ba siya natatakot sa pwedeng mangyari sa kanya?' Bulong ko habang pabalik balik ng lakad dito sa labas ng bahay nila Arail. Andito pa din kaming magpipinsan, na bukod lang kay Eul na wala.

Ako lang ngayon magisa, dito sa labas habang nagiisip. Kung sasabihin ko ba sa kanila ko hindi yun pinagusapan namin kanina.

Malalim akong nag iisip ng biglang may tumapik sa balikat ko. Halos mapatalon ako sa gulat. Naalala ko na naman yung nangyari sa akin sa lumang bahay nila Lola Rosa at Lolo Gery. Nang hinawakan ako ng babae sa banyo.

"Nikki tumawag si Tita, tinatanong kung nasaan daw si Eul. Wala pa din daw sa kanila eh" Nico

"Tangina ka naman Nico ikaw lang pala yan, hayop na'to tinakot mo ako!!" Pasigaw na usal ko sa kanya.

"Pasensiya na, tumawag si tita" hinging pasenaiya nya. "Alam mo ba kung nasaan si Eul?"

"Bumalik sa lumang bahay, magpapaalam lang daw siya dun sa babaeng nakilala nya" medyo iritableng sagot ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Pano kung mapahamak siya?" nagaalalang sambit nya.

Magsasalita na sana ako ng biglang magring yung phone ko. 'Si Tita' Hindi ko muna agad sinagot yung tawag, nagiisip ako kung sasabihin ko ba na bumalik ulit si Eul sa cavite o hindi.

"Sino ba yang natawag sayo, hindi mo man lang sagutin?" turo ni Nico sa phone ko. Kaya naman lumayo ako ng konti sa kanya para sagutin ang tawag.

"Hello po Tita Kathleen."

[Nikki alam mo bang nasaan si Eul? Kanina pa kayo nakauwi pero siya wala pa din dito sa bahay] nag aalang usal ni Tita. Kahit ako nag aalala para sa pinsan namin.

"Tinawagan nyo na po ba siya" mahinanahon kong tanong.

[Oo pero ring lang ng ring hindi nya sinasagot]

"Ganun po ba tatawagan ko na lang po baka sakali pong sagutin nya"

[ Sige salamat. Hindi mo ba alam kung nasaan talaga siya?]

"Hindi po, siguro po may pinuntahan pang ibang kabarkada nya" Pagsisinungaling ko. Nakokonsensya man ako pero wala akong lakas ng loob sabihin kay tita ang totoo.

Binaba ko na din ang tawag na 'yun. Baka magtanong pa ng iba si Tita Kathleen.

"Bakit hindi mo sinabi kay tita Kathleen yung totoo?" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Nico mula sa likuran ko.

"Hindi nya kailangan malaman pa. Si Eul na lang bahala magpaliwanag kay Tita, Hindi ba sinabi nya naman na babalik din agad siya." sambit ko.

Tumalikod na ako kay Nico para pumasok ng bahay. Kung ano anong mga bagay ang napasok sa isip ko.

Kung bakit nagpapakita yung babae na 'yun sa amin ni Nico.

Kung bakit sa amin lang.

Nakita kong nag iinuman si Arail, Mylene at Aira sa mini bar ng bahay.

"Nikki nasaan si Nico?" Mylene

"Nasa labas. Kukunin ko lang mga gamit ko para makauwi na" Walang ganang sambit k sa kanila.

Bitbit ko na yung mga gamit ko  ng makasalubong ko si Nico papasok ng bahay.

"Sabay na ako sa'yo Nikki umuwi, ako na din magdala nyang mga bag mo. Hintayin mo lang ako saglit papaalam lang ako sa tatlo." yun lang at umalis na siyaa sa harap ko.

'Kamusta na kaya si Eul'  hindi ko maiwasang hindi siya isipin.

 "Tara na" aya ni Nico. Sabay na kaming naglakad palabas ng bahay. Sabay na din kaming uuwi. Dahil magkatabi lang naman ang mga bahay namin.

"Tawagan mo kaya si Eul kung nakarating na siya sa cavite" sambit nya habang naglalakad kami sa may gilid ng kalsada.

Kahit gabi na, maliwanag ang daan dahil sa nga ilaw na nasa mga poste.

"Hayaan muna natin siya, uuwi din yun. Magpapaalam lang naman daw siya dun sa babaeng yun." inis na anas ko. "Ano bang nakita nya dun sa babaeng yung at ganun na lang siya nagaalala kung hindi man siya nagpaalam"

"Hindi ko alam. Nikki anong tingin mo dun sa babaeng nagpakita sa atin?" Biglang tanong nya. Nakaramdam na naman ako ng takot.

"Ewan ko, wala pa akong ideya kung bakit siya nagpapakita sa atin." Ako

Tahimik lang kaming naglakad pauwi. Dumaan muna siya bahay.

"Tulog na ata sila Tita at Tito." Nico

"Oo, maaga daw silang aalis bukas" tukoy ko sa mga magulang ko. "Dyan ka muna kukuha lang ako ng makakain natin, nagugutom na ako. Hindi ako nakakain ng maayos sa buong maghapon na 'to." Usal ko pa.

Umalis na ako para kumuha na pagkain, iniwanan ko siya sa sala.

-----

NICO POV

Naupo muna ako sa may sala habang hinihintay si Nikki na kumuha ng makakain namin.

Nakita ko yung photo album namin na maagkakasamang magpipinsan.

Tiningnan ko isa isa yung mga kuha namin, natatawa ako sa ibang mga larawan. Dahil yung iba doon ay yung mga kalokohan namin nila Eul. Yung iba naman, mga outing na pinuntahan namin, mga gimik. Larawan na kasama din namin ang iba pa naming mga kamag anak.

Nang matapos kong tingnan isa isa yun, binalik ko na ito sa lagayan. Napansin ko ang isang photo album na may kalumaan. Dahil sa curiousity, kaya kinuha ito at tiningnan isa isa ang mga larawan doon.

Mga lumang litrato pala ito ng mga magulang naming magpipinsan kasama pati sila lolo't lola.

Naagawa ng atensyon ko ang isang larawan na magandang bahay. 'Ito yung lumang bahay nila lolo Gery at Lola Rosa ngayon, kung saan kami nagpunta.' Parang may party sa bahay ng mga oras na yun,

Nilipat lipat ko lang, habang natingin pa ng iba pang mga larawan.

[O.O]

May nakita akong larawan ng isang babae na pamilyar ang mukha. Pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Tinitigan kong mabuti para maalala ko.

"HOY!" Nagulat ako sa sigaw at tapik ni Nikki sa balikat ko "Ano bang tinitingnan mo dyan at titig na titig ka?" Tanong nya habang binababa yung mga pagkain sa center table.

"Ito tinitingnan ko yung mga lumang larawan nila tita kasama sila mommy pati sila lolo Gery at Lola Rosa." Turo ko sa hawak ko. "Itong isang 'to, tinitingnan kong mabuti, parang pamilyar yung mukha nya." tukoy ko dun sa babaeng nasa larawan.

"Patingin nga ako" Kuha nya sakin ng photo album.

PLAAANG

Nabasag yung baso ng mabitiwan nya 'to. Takang nilingon ko naman siya.

"I-ito...ito yung babaeng nakita ko. Siya yung nakita ko sa labas ng bintana ng kusina ng lumang bahay, siya din yung bababeng nakita kong ngumiti sakin bago tayo umuwi kanina. " Nalito naman akong konti sa huling sinabi nya.

Kaya tiningnan kong mabuti ulit ang larawan.

Halos tumayo lahat ng balahibo ko ng maalala ko na kung saan ko siya nakita. Siya din yung babaeng nagpakita sa akin.

"SINO YAN!! MAY TAO BA DYAN SA BABA?!" Dinig kong sigaw ni Tito, Daddy ni Nikki.

"Dad kami to ni Nico" Usal ni Nikki.

Pababa ng hagdan si tito kasama si tita na mom ni Nikki.

"Kanina pa ba kayo dyan, gabing gabi na gising pa kayo. Dito ka na matulog Nico baka wala ng gising sa bahay nyo." Tita

"Ano bang tinitingnan nyo dyan?" Taning naman ni Tito.

"Dad kilala nyo po ba 'to?" abot ni Nikki sa photo album kay Tito.

Pinagmasdan nya din itong mabuti. Tila inaalala kung sino yung nasa larawan.

"Bakit nyo natanong kung sino 'to?" Takang tanong nya sa aming dalawa ni Nikki.

"Wala naman po tito, may kahawig po kasi siya" Ako.

"Ito si Shamy." turo nya sa babaeng tinatanong namin "Kaibigan namin nung mga bata pa kami. Nakakatandang kapatid na ang turing naming sa kanya. Ang alam ko matagal na siyang patay. Namatay siya makalipas ang isang buwan pag katapos mamatay Tito namin."

"May picture po ba kayo ng tito nyo?" Tanong ko.

Iba ang kutob ko sa mga nangyayari. Naisip ko na sana mali ang nasa isip ko.

"Ito yung tito namin na lolo nyo." Pakita nya.

"Thart hawig pala ni Eul si Tito Van." Usal ni Tita.

"Oo nga nho" sang ayon naman nya.

"Dad magkasintahan ba silang dalawa ni Shamy?" Nikki.

"Hindi namin alam kasi mga bata pa kami nung panahon na yan. Pero isang beses ko silang nakitang masayang naguusap sa gilid ng lumang bahay."

"Doon po sa malaking puno?" Tanong kong bigla. Dahil naalala ko doon nakilala ni Eul yung babae.

Sandaling nagisip muli si Tito.

"Oo dun nga, andun pa pala yung punong yun. Hindi pala pinaputol nila Mama" Mahinahon pa nyang usal.

"Thart tara na sa taas inaantok na ako, iwan natin tong mga bata dito. Maaga pa ang alis natin." Aya ni tita kay tito.

Tahimik pa din kaming nakaupo sa sala, hindi na din nagawang kumain ni Nikki dahil sa nalaman namin.

"Nico naiisip mo na naiisip ko?" seryosong tanong nya.

"Oo B2 este N2" Biro ko.

"Tangina ka naman seryoso akong nagtatanong bigla kang sasagot ng kalokohan" asar na usal nya na sinamahan pa ng batok. "Itong si Shamy, siya yung nagpapakita sa atin. At yung shamy na kilala ni Eul, hindi kaya iisa lang?"

Posibleng ganun nga. Maaring iisa lang sila.

"Delikado si Eul, kaya siguro nya tayo tinatakot para umalis na tayo. Alam din nya na maaaring bumalik si Eul para sa kanya." 

"Anong gagawin natin?"

"Babalik tayo sa lumang bahay, susunduin natin si Eul doon" Nikki "Matulog kana doon sa guess room, maaga naman aalis sila daddy at Mommy, kaya magagamit natin yung isang kotse"

Tulad ng sinabi ni Tita, doon na ako natulog, tutal bitbit ko pa din naman yung mga gamit ko. Pagkatapos kong maligo. Agad na akong nahiga na para matulog.

*****

 VOTE COMMENT AND SHARE

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

Continue Reading

You'll Also Like

17M 234K 103
I hope this book may help us to know more tips and secret facts here on earth. Lahat naman po tayo ay gustong mapadali ang mga gawain o di kaya ay gu...
511 78 12
Following the aftermath of Thanos's universe-altering actions, the blip brings back those who have vanished, thanks to the Avengers' heroic efforts...
4.7K 433 37
"Isa lamang akong instrumento at ang Diyos ang dapat mong mas ibigin, higit pa kanino, higit pa sa akin."
188K 5.4K 30
13th Rose Copyright © 2013-2014 Chichi_Louise // Nang dahil sa isang aksidente, nasa bingit ng kamatayan si Nash, ang kasintahan ni Brigette. Ilang b...