End This War (Alegria Boys #3...

By jonaxx

91.6M 2.2M 1.1M

Alam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit... More

End This War
Ang Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Kabanata 66
Kabanata 67
Kabanata 68
Kabanata 69
Kabanata 70
Ang Katapusan
Notes

Kabanata 62

1.3M 31.5K 10.1K
By jonaxx

Kabanata 62

Si Carolina at Si Francis

Niyayakap ko ang mga tuhod ko habang nakaupo sa gazebo. Malalim na ang gabi ngunit ayaw ko paring umalis doon. Unti unti kong naramdaman ang init ng katawan ni Hector sa likod ko. Mainit niya akong hinagkan. Ibinaon niya ang kanyang mukha sa leeg ko. Hinalikan ko ang tuhod ko habang pinupulupot niya ang kamay niya sakin.

"Nilalamig ka na. Balik na tayo?" Bulong niya.

"Sandali lang..." Sabi ko.

I want to feel him. Iyong kaming dalawa lang talaga. Iyong walang nanggugulo. Walang problema. Naramdaman ko ang nakakakiliting hininga niya sa leeg ko. Naramdaman ko ang unti unting pag gapang ng kamay niya sa tiyan ko. Napapikit ako dahil doon.

"Hmmm. Nararamdaman mo parin ba ako?" Bulong niya.

Gusto kong mag kunwari na hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin pero nang tinanong niya iyon ay hindi ko maipagkakailang alam ko agad kung ano ang ibig niyang sabihin. Mas lalo kong pinagdikit ang mga binti ko ngunit mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

"We did it thrice, Hector. How can I not feel you?"

Humalakhak siya. "Gusto ko lagi mo akong nararamdaman. Palagi, Chesca, Palagi."

Huminga ako ng malalim. Masyado akong nalalasing sa boses niya kaya kailangan kong hawakan ang sarili kong kaluluwa tuwing malapit siya sa akin at nagsasalita siya. Ni hindi ko nga alam kung paano namin nagawang pangatlo ngayong gabi. Siguro ay masyado ng maraming nangyari at kulang ang isa. Oh, damn it!

"Pero nung una pa lang, ramdam ko na naman agad." Ngumuso ako lalo na tuwing bumubuhos sa akin ang buong alaala ng nangyari. "Paano kung mabuntis ako?"

Hindi naman sa hindi safe iyong ginawa namin. Lagi kong sinisigurado na safe iyon, kaya lang hindi ko maiwasang magtanong.

"Edi mas mabuti!" Humalakhak siya.

Kinurot ko ang braso niya. "Hindi yan mabuti! I'm still nineteen, Hector!" Wika ko.

"But I love you."

Uminit ang pisngi ko. "Pero hindi pa ako ready, Hector."

"Edi hihintayin ko kung kelan ka magiging ready. Pakasal muna tayo tapos hintay tayo kung kelan ka ready. Ayos yun!" Ngisi niya.

Napangiwi ako at napatingin sa kanya. "I'm still nineteen and I'm a model for God's sake."

"Model din naman ako. So what?"

Umiling na lang ako.

HIndi ko alam kung hindi niya ba naiintindihan ang gusto kong iparating o mas pinili niyang mag bingibingihan na lang.

"Hmmmm... Anong iniisip mo?" Bulong niya sa tainga ko nang nanahimik ako.

Nagulat ako nang hinalikan niya ang likod ng tainga ko. Mga halik na nakakapukaw ng damdamin. Iyong tipong hindi ka papakawalan hanggat di ka nag iinit. Kinagat ko ang labi ko at pinilit kong tumayo.

"Hector!" Sigaw ko.

Humahalakhak siya at tumayo na rin kasama ko. Hindi parin ba siya tapos? Nang tinitigan ko siya ay kitang kita ko ang gumuguhit na alab sa kanyang mga mata. Dahil doon ay hindi ko maiwasang mag alab din ang kaloob looban ko. That was all that it takes. Iyong mga mata lang niya ang kailangan ko para bumigay din.

Naglalakad na kami pabalik ng mansyon. Ang ganda pala talaga ng rancho. Nakakatakot nga lang sa gabi dahil masyadong madilim. Iyong bawat sulok lang ng mga farm ang may ilaw. Sa gitna doon ay wala na. Ngunit tuwing walang ilaw ay kitang kita mo ang mga bituin. At ang nagsilbing liwanag sa paglalakad naming dalawa ay ang full moon. May naaalala tuloy ako.

"Full moon din noong una natin." Aniya.

Naaalala niya rin pala. Hindi ako umimik. Magkahawak ang kamay naming dalawa habang nilalandas ang buong rancho.

Nang malapit na kami sa mansyon ay nakikini kinita ko na silang lahat. Naroon pa ang ibang ranchero nina Hector at mukhang kanina pa kami pinaghahanap.

"Hector! Where have you been?" Sumugod agad si Tita Lina sa amin.

Mabilis ang lakad niya ngunit unti unti ring humina nang nag baba siya ng tingin at naaninag niya ang magkahawak naming kamay. Lumapit ang mga ranchero na may dalang sulo. Nakakabayo pa ang iba habang lumalapit sa aming dalawa. Walang ni isang gumalaw sa mga kaibigan ko. Nakita ko na lang na tumalikod at nag mura si Clark.

"Akala namin nawala na kayo sa rancho?! O baka kinidnap or something!" Unti unting napalitan ng ngisi ang pag aalala ni Tita Lina. Sumulyap siya sa akin at kumindat.

Hindi ko magawang ngumisi sa kanya dahil sa kahihiyan. Pakiramdam ko kahit na wala silang nakita ay may clue sila kung ano ang ginawa naming dalawa at bakit ginabi kami.

"Tita, pag aari ko ang rancho na ito. Dito pa ba ako mawawala?" Natawa si Hector.

Umiling ang tita niya. "You spoiled... Ugh! I'll call your tito! At umiiyak na si mama dahil sa pagkawala ninyong dalawa. Excuse me..." Aniya sabay kuha sa cellphone niya.

Nagpasalamat si Hector sa mga ranchero. Kinabahan tuloy ako. Inisa isa ko silang tiningnan. Mas lalo akong kinakabahan tuwing may tumititig sa akin. Siniko ko si Hector.

"Hector, paano kung may nakakita sa ating ranchero?" Bulong ko.

Ngumisi siya at nilapit ang kanyang labi sa tainga ko. "Edi makita niya. Nang malaman ng lahat kung anong meron tayo-" Humalakhak siya kaya kinurot ko ang baywang niya.

Agad siyang lumayo na tumatawa. Baliw! Sira ulo! Nakakainis! Inirapan ko siya at humalukipkip ako.

Nakita kong tumalon at medyo tumili si Tita Lina pagkatapos sumulyap sa amin. Nanliit ang mga mata ko. Si lola ba ang katawag niya? Malamang? Damn, I wouldn't be surprised kung may lechon sa hapag mamaya.

Hindi nga ako nagkamali. May lechon sa hapag! Laglag ang panga ko nang nakita ko iyon na nasa lamesa. Tuwang tuwa ang mga lalaki maliban kay Clark na mukhang walang gana.

"Oh, hijo! Kumain ka na!" Sabi ni Tita Lina sa kanya.

Hindi umimik si Clark. Nakita kong sumulyap si RJ sa kanya at pabalik sa akin. Nag iwas na lang ako ng tingin. Ngayon ay sina Desiree naman ang nakatingin sa akin. Si Janine at si Clark ay parehong walang gana sa pagkain. Pinaglalaruan lang ni Janine ang kanyang lechon habang si Clark ay hindi talaga kumain.

"Chesca..." Sabay kalabit ni Desiree sa akin.

KItang kita ko ang ilang sa kanyang mukha. Nagkatinginan pa sila ni Tara bago nagsalita muli.

"May past pala kayo ni Hector?" Tanong nila nang nagkasarinlan kami.

Tumango ako ng marahan.

"Sinasabi ko na nga ba!" Sabi ni Tara. "May na se-sense na ako, e. Sa Maynila pa lang."

Ngumisi ako.

"Ako yung na sense ko lang ay yung kay Janine. Grabe sobrang taray mo sa kanya. Parang lagi mo siyang binabara!" Sabi naman ni Desiree. "Ba't di mo agad sinabi? Ayan tuloy!"

"Kasi... wala na iyon sa akin. Nung una hindi ko alam kung paano sasabihin sa inyo. Tapos kalaunan, wala na iyon. Kaso naiirita ako pag naglalandi si Janine. Lalo na kay Hector."

Bumuntong hininga si Desiree. "Alam mo namang malandi talaga ang isang iyon, diba."

Umiling ako. "Pero kahit kailan hindi ako nagduda sa loyalty niya sa akin. Sa atin. Kahit kailan hindi ko naisip na magagawa nila iyon." Sumulyap ako sa kay Clark na nakatingin din sa akin.

"I know... And I'm sorry about it, Ches." Utas ni Desiree.

"Alam kong di ka mamumutol ng communication ng walang dahilan. So this is the reason, huh?" Ani Tara.

Magsasalita pa sana ako nang biglang nagpakita si Janine sa hapag. Namumugto ang kanyang mga mata at mangiyak ngiyak pa siya nang nagpakita sa amin. Noong una ay akala ko aalis na siya. Ngunit nagulat ako nang umupo siya sa tabi ni JV para kumain.

"O? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni tita sa kanya.

Tumango naman si Janine at nagsimulang kumain ng mga pagkain. Nagkatinginan na lang kaming lahat at natigil sa usapan.

Pagkatapos ng hapunan ay napagdesisyunan ng mga boys na mag edit na ng video na nakuha galing sa tito ni Hector at sa papa ni Oliver. Magaling mag edit si Clark kaya siya ang pinagkatiwalaan nila. Kahit na hindi ito umiimik at mukhang laging galit ay medyo gumagaan naman ang tensyon dahil sa tawanan nina RJ, JV, Billy at Oliver. Si Hector naman ay abala sa pamimigay ng beer sa kanila para may mapagkatuwaan habang ginagawa ang pag eedit.

Pagkatapos kumain ay agad dumiretso si Janine sa kwarto niya. Pupunta na rin sana si Tara ngunit pinigilan siya ni Desiree.

"Bakit?"

"Hindi ko ata kayang makasama siya." Sabi ni Desiree.

"Sa bagay."

"Really. What if ako yung nasa place ni Chesca? Paano kung yung boyfriend ko ang inagaw niya?"

Kaya nagpasya kaming doon na lang muna sa veranda nina Hector tumambay. Dungaw namin ang mga boys na nag eedit sa labas at nag iinuman. Kitang kita ko na mukhang mapaparami na naman sila. Kumpara kagabi ay mas maraming inumin ngayon at mas ganahang uminom sina RJ dahil tapos na ang project namin.

Napag usapan namin kung paano kami nagkakilala ni Hector at paano nangyari ang lahat.

"Whirlwind relationship na nauwi sa wasakan at balikan?" Tumatawang sinabi ni Desiree.

"Of course, that wasn't healthy yet. Yun mismong mga panahon na nahulog si Chesca sa kanya, hindi yun healthy. Kakagaling lang ni Chesca sa isang relasyon, Hindi pa nga lumalagpas ng three months, diba ay agad naging kayo? Kaya siguro medyo natitibag pa ang trust ni Hector noon. Unlike him, you've been with a man, Ches." Paliwanag ni Tara.

"May point ka, Tara. I mean... Hindi naman sa pumapanig ako kay Hector, mali iyong ginawa niya pero may reason kung bakit nawasak yung tiwala niya sayo."

"Wala rin akong tiwala sa kanya noon. He's a Dela Merced and I'm an Alde. May issues sa pamilya na hindi ko kayang kaligtaan."

Ilang sandali ang nakalipas ay nagulat ako nang may isang katulong na lumapit sa akin.

"Miss Alde, tawag ka po ni Donya." Wika ng katulong.

Sigurado akong si lola iyon. Tumango ako at mabilis na tumayo para sumunod sa katulong. Iginiya niya ako sa isang malaking kwarto na may veranda. Punang puna ko ang mamahaling muwebles na naroon. Kitang kita ko rin si Lola na nakatingin sa mga frame na nasa ibaba ng piano.

Sinarado ng katulong ang pinto kaya kaming dalawa lang ni lola ang naroon. Nagsalita siya kahit hindi niya pa ako nililingon.

"Masaya ako dahil nagkabati na kayo sa wakas ng apo ko." Aniya.

Naglakad ako patungo sa kanya. Nilingon niya ako at kitang kita ko ang pangingislap ng mga mata niya dahil sa luha. Niyakap ako ni lola at niyakap ko rin siya pabalik.

"Ngayon, siguro mas kilala niyo na ang isa't isa." Aniya.

Tumango ako at pumikit sa kanyang dibdib.

Ah! Pakiramdam ko lola ko na rin siya. Hindi naman talaga ako yung tipong mabilis gumaan ang loob sa mga tao pero kay lola, magaan talaga ang loob ko.

"Sorry po." Untag ko. "Sorry sa lahat ng nangyari."

"Don't be sorry. Alam mong mahal ko ang apo ko pero hindi ko ipagkakaila ang mga kasalanan niya. Chesca, nung una pa lang, alam kong ikaw na talaga ang para sa kanya."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako umimik dahil hindi ko alam kung anong idudugtong doon.

"Matalik kaming magkaibigan ng Lola Siling at Lolo mo noon. Gusto ko nga sanang si Lina at si Francis ang magkakatuluyan."

Nanlaki ang mga mata ko.

Tumango si Lola. "Oo. Pasensya na pero ipinilit ko iyon. Si Carolina, ang babaeng anak ko, gusto kong ang papa mo ang makakatuluyan niya. Hindi naman umaangal si Lina. Masunirin siya kumpara sa papa ni Hector. Gusto din iyon ni Siling. Gusto niyang silang dalawa. Ngunit... yung papa mo? Si Francis?" Umiling si lola. "Galit siya. Ayaw niya."

Nalaglag ang panga ko. Hindi ko inakalang may ganitong istorya sa likod ng lahat.

"Ayaw niya kay Lina."

"B-Bakit?" Hindi naman sa gusto kong maging sila pero nakaka curious.

Nagkibit balikat si lola. "Simple lang. Si Michelle ang mahal niya."

Wala ba talagang rason? Pwede na ba talagang maging rason ang pagmamahal?

"Kung nagtataka ka kung bakit nabuntis ng maaga ang mama mo, iyon ay dahil desperado ang papa mong maging silang dalawa habang buhay. Nang nalaman kong buntis si Michelle ay agad akong nagalit kay Siling! Iyon lang siguro ang naging galit ko sa kanya. Dahil hindi niya binantayang mabuti ang dalawa! Dahil hinayaan niya si Francis sa iba! I hated your mother. I hated Francis. Your whole family! Buong angkan ng Alde!"

Mabilis ang pintig ng puso ko sa mga sinabi ni lola. Hindi ko alam iyon. Nag fa-flashback sa utak ko ang mga ngiti ni Tita Lina. Si papa. Si mama. Si lola Siling. Lahat.

"Pero nung nakilala na ni Lina ang asawa niya ay unti unti na akong naliwanagan. Kahit na may tabang parin sakin na dapat ay si Francis iyon. Dapat ay hindi ibang tao. Iyon ang tunay na naging alitan namin ni Siling kaya hindi agarang naayos ang tungkol sa lupa."

Tumango ako.

"Sa Maynila ka ipinanganak, hindi ba? Of course, Francis needed to get away! Pero kalaunan, nang ipinanganak si Hector at nakalimutan ko na ang lahat ng issue dahil sa sariling issue ng pamilya namin... napatawad ko rin naman sila. Wala naman talaga akong karapatang magalit, diba?" Tumawa si Lola at hinaplos ang buhok ko. "When I saw you, alam ko agad na Alde ka. Iyong mga mata mo ay tulad ng sa iyong ama. Pero ugaling Alde, suplada, malakas... I knew Hector needed you, Chesca. Dahil ang batang iyan..." Umiling siya. "Spoiled dahil sa mga pagkukulang ko. But you see, simula nang nakilala ka niya, mabilis siyang nag mature. Nung una ay palaboy lang siya sa buong rancho. Pero ngayon? Marami na siyang plano? I don't know if you've heard about this but he's planning to expand the farm. Kaya naghahanap siya ng investors na pwedeng mag import ng mga produkto namin sa rancho. Specifically our cattle ranch." Tumango siya.

"Hindi ko po alam iyon." Sabi ko.

"Oh maybe because he was too busy winning you back. Iyong tipong ikaw lang ang gusto niyang pag usapan pag magkasama kayo." Tumawa si lola. "Coz you made him realize that money and power isn't enough. Kailangan niyang dumiskarte para makuha ang gusto niya. That is why you are perfect for each other. This is the end of our war, Chesca."

Bumuga ako ng hininga. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil masyadong na ki carried away si lola sa mga sinasabi niya.

"So? Kelan kami mamamanhikan?" Tumatawang tanong ni lola.

Hindi ko maalis sa isip ko ang lahat ng pinag usapan namin ni lola. Lahat ng tungkol kay Tita Lina, kay mama, kay papa. Marami akong gustong malaman. Dahil alam kong may mas malalim pang istorya doon pero hindi ko lang alam. Hinagkan ko ang unan sa kama naming apat.

Hindi ako makapaniwalang kayang ipatulog nina Desiree at Tara si Janine sa baba ng kama. Pumayag din naman si Janine ng walang imik. Maaaring tanggap niya ang trato ng dalawa sa kanya. Nasa gilid ako at ako na lang yata ang hindi pa tulog nang biglag bumukas ang pintuan.

Tumindig ang balahibo ko dahil paunti unti ang pagbukas nito.

Hindi ako bumangon dahil sa hubog ng katawan pa lang ay alam na alam ko na kung sino. Bumagsak siya sa kama ko at kinulong niya ako sa bisig niya. Amoy na amoy ko ang beer sa bawat paghinga niya at bawat halakhak.

"Why are you here, huh?" Bulong ni Hector.

Hindi ako gumalaw kahit na ramdam ko na ang katawan niya sa katawan ko.

"Akala ko dadatnan kita sa kama ko ngayong gabi..."

"Shhh!" Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil gumalaw si Desiree at Tara.

"Oh? Bakit? Come on, Francesca, sa kwarto ka na. Papeles lang naman ang kailangan natin para opisyal na." Humalakhak ulit siya.

"Hector! Shhh!" Bulong ko.

Narinig kong umubo ng patawa ang dalawa sa gilid ko.

"Sige na, Ches, doon na kayo. Okay lang samin. Di kami magtatampo." Tumatawang sinabi ni Desiree.

Ugh! Hector and his amazing authoritative genes. Pati mga kaibigan ko ay iniispoil siya. Brat! I hate and love you at the same time.

Continue Reading

You'll Also Like

11.6M 296K 33
Breaking the Bad Boy prequel/sequel Written by blue_maiden Start: September 15, 2016 End:
43M 1.4M 43
Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all - friends, popularity, riches, boys. But...
3.4K 306 53
LSU Series #1 Lee State University is a fictional school located in Tanay, Rizal. This story is also the first installment of Lee State University se...
64.1M 1.3M 54
If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden...