The Crushed

By EiffelInLove

6.2K 113 72

A collection of short narratives about how I had my heart crushed over the years. More

The Crushed
Umbrella ~ Ethan
Just A Dream ~ Ting
Music Video ~ Elmo
A Friend of Mine ~ Ralbert
Banana Cue ~ Harold
Mr. Torpe ~ Justin Dale/JD I
Mr. Torpe ~ Justin Dale/JD II
Mr. Torpe ~ Justin Dale/JD III
Summer Grasshopper ~ Kevin
Summer Grasshopper ~ Kevin II
Tu Siks ~ Sire Nobody
Mean ~ The Jesus Crux wannabe
Wish (GJ)
Words of Thanks

Mr. Torpe ~ Justin Dale/JD IV

204 6 11
By EiffelInLove

Mr. Torpe

Part IV 

Sobrang gulat ko talaga nung tinotoo ni JD yung pagpunta kay Gracia. Parang gusto ko na magwala. That was supposed to be a joke. At dahil sa lintek kong joke, mukhang mawawalan pa ako ng partner. Syeeeeeeeet.

Naghahyperventilate na ako.. Malapit na talaga akong umiyak. Natataranta na si Dee kung paano ako pakakalmahin. Parang makakapatay ako ng kahit na sino within 30 mile radius. Maya-maya pa.. Bumalik sya. Umupo sya sa tabi ko.

Pinilit kong kumalma.. “O nasan si Gracia?”

Hindi sya sumagot.

My gas. Ano kayang meron? O.o

“Umalis ka nga dito..” Utos ko sa kanya.

“Bakit?”

“Di ba gusto mong partner si Gracia? Ba’t hindi mo sya puntahan? Ba’t di kayo magsama na dalawa?” Galit kong tanong. Kung makaasta ako parang garlfrend lang e. Hahaha

“May partner na sya. Saka.. Ikaw ang partner ko. Bakit ako pupunta sa kanya?”

LECHE KAAAAAAAAAA!

“A ganun? E bakit umalis ka agad-agad nung sinabi ko na pwede mo syang puntahan?” Tumayo ako. Kinuha ko ang bag ko. Kinuha ko rin yung bag nya na katabi ng bag ko tapos tinapon ko yun sa kanya. “Gusto mo sya di ba? Edi magsama kayong dalawa! O! Bag mooooooo!”

Nag-walk out ako.

Tingini. Magsama sila ng babae nya! Tutal naman ayaw nya talaga sa akin e. Edi sila na lang. Hindi ko kailangan ng partner. Hindi ko kailangan ng tulad nya. Hindi kita kailangan JD. Kapal ng mukha mo.

Sobrang sama talaga ng loob ko. Nakauwi ako sa bahay ng hindi oras.

Nag-away kami one day before Prom. Paano na ako bukas? =/

Syempre. Hindi naman pwede na hindi ako tumuloy. Mapapatay ako ng Nanay ko dahil ginastusan na nya ako ng bongga. Saka ako kaya yung sobrang excited. Tss. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa akin? Sana hindi na ako nangarap sumali sa prom.

Since member ng faculty si ina.. Maaga pa lang nandun na kami. Nagulat ako kasi pagdating ko, nandun na rin si JD. Ang kapal talaga nya. Nakuha nya pa magsuot ng white suit. Samantalang hindi naman sya kaputian. Bwiset. Hindi ko sya pinansin. Bahala sya sa buhay nya. Manghihiram na lang ako ng partner sa entrance. Hindi ko naman ikamamatay ang kawalan nya.

Lumabas ako sa venue habang di pa start. Um-emote muna ako sandali. Lanya. Maiiyak na naman ata ako. Feeling ko nag-iisa na naman ako sa mundo, Ang lungkot. Kung pwede lang na umuwi na lang ako uuwi na lang talaga ako.

Hanggang sa magstart na ang program. Pumila na raw kami. Busy pa ako sa paghila ng lalakeng pwedeng makapareha sa entrance ng biglang..

“San ka ba pupunta?”

May humawak sa braso ko. Tinignan ko kung sino..

“Magsisimula na. Aalis ka pa?”

MY GAAAAAAAAAAAAAAAAS. Si JD! Ang pogi nya pala pag malapit. Hahahahaha xD Grabeng kiligness ko nung moment na yun. Mwaahaha. Naextend na naman ang hair ko. OMG.

Hindi na ako nakapagsalita pa kasi nga hinila na nya ako papunta sa entrance. Naglakad kaming dalawa. Hindi ako makapaniwala. Sa huli ako rin ang pinili nya. Feeling ko wala na syang choice. Hahahahaha!

Pagtapos ng entrance.. Pumunta na kami sa likod kasi nga sumunod na yung mga magcocotillion. Napansin ko lang naman na halos lahat ng mga kaibigan ko may hawak na rose. Actually.. Hindi lang sila. Lahat halos ng babae dun. Feeling ko ako lang yung wala. Hindi siguro ako nakakuha nung namigay. Kainis nemen.

“San nyo nakuha yan?” tanong ko sa kanila.

“Hindi ka ba binigyan ni JD?”

Hinanap ko agad kung nasaan ang hudas. Pumunta ako sa kanya para hingin ang rose ko.

“Mamaya na..” sagot nya sa akin.

“Bakit? Binayaran ko rin naman yan e!”

“Mamaya ko na nga ibibigay.. Pag magsasayaw na tayo.”

Naiinis na talaga ako. Pati ba naman yung katiting na rosas ipagdaramot pa sa akin? “Hindi naman tayo magsasayaw e! Di ba ayaw mo nun? Akin na yan. Ibigay mo na yan sa akin!” Pilit kong kinukuha sa kanya yun.

“Ayaw nga.”

Tapos nag-away na lang kami. Hahahahaha. Dahil sa lecheng rose nay un. Bwiset. Ang damot-damot. Di pa ibigay. Daming kaek-ekan.

Sa huli binigay nya rin sa akin ang rose. Tapos nag-away pa kami nun kasi nga ayaw ko na tanggapin. Haahaha. Ilang beses kaya kaming napagalitan. Ang ingay daw naming dalawa xD

To make this epic short..

Ayun. Tinanggap ko si rose pero puro away kami. Hindi nga kami nakapagsayaw e. Malas! Hahaha

Pero okay lang.. Natuwa naman ako. Kahit papano. Kahit masaklap. Sa huli ako pa rin. Sa huli sya pa rin. Sa huli kami pa ring dalawa :) Walang impaktang nakapigil. Walang asungot na humadlang. In all fairness.. Natuwa ako kay JD. Akala ko talaga iiwan na lang nya ako. Kahit papano hindi naman nya ako pinabayaan :>

After ng prom.. Nabalik ulit sa normal ang lahat sa pagitan namin. Pero hindi naman as in yung dating normal. After kasi ng prom lagi na kaming inaasar. Syempre ako si deadma queen hindi ko pinapansin. Pero deep inside.. Kinikilig na talaga ako sa mga pang aasar nila. Haahaha

Hindi talaga kami nagpapansinan. Yung ang akala ko. At yun din ang akala ng mga tao. Isang sabado.. Itong si JD tinetext ako.

JD: Hello :)

Nacha: Sino ka?

JD: JD..

Tapos nun lagi na kami magkatext twing weekend. Ewan ba. Isang sabado nga tinext nya ako.. Dito kiniligs talaga me. Hahaha

JD: Kahit ganyan ka. Nakakamiss ka. Namimiss ko na kakulitan mo :>

Sinave ko pa talaga ang msg na yan. Hanggang ngayon nandun yan sa phone kong ninakaw. Hahahaha. Feeling ko lang dun pa. Bakit pala? Hihi. K~

Hanggang sa dumating ang March. Graduation naaaaaaaa!

 

Graduation day…

Araw ng pamamaalam para sa kanila. Araw ng paglaya para sa akin! Hahahahaha. Yesssssss~ Sa PSU na ako next year. Magkakasama na kami ni Thirdy kooow :)

Ako lang ata ang natuwa sa grad. Hahahaha.

Pero syempre.. Bago kami magkahiwa-hiwalay. Kailangan ko munang patawarin ang mga nagkasala sa akin. Tapos humingi na rin ng tawad sa mga taong nasaktan ko. Yung una, ginawa ko talaga. Sa pangalawa, nahirapan ako. Kasi nga sobrang dami ng nasaktan ko! Panlalait ko pa lang di na mabilang. Paano na lang yung mga pamimisikal ko pa? Hahahaha

Humingi na lang ako ng tawad sa mga taong feeling ko nsaktan ko talaga. Inuna ko yung coach ko sa mga spelling bee, essay writing contests at kung ano pang bee na nasalihan ko na related sa English. Sa kanya ako unang nagpasalamat at humingi ng despensa. Ilang beses ko nga bang binreak ang tiwala nya sa akin? Marami rin yun. Hahahaha

Nung feeling ko.. Naubos ko na lahat. Nakita ko si JD na nakatayo na parang may hinihintay. Lumapit ako sa kanya. Tutal naman last na ‘to kakainin ko na si Pride ko.

“JD..” pangalan nya pa lang ang nasasabi ko tumulo na luha ko. Para akong tanga. Ewan ba. Hahahahahaha.

At yun pa lang ang sinasabi ko.. Nagtake advantage na ang unggoy! YAKAPIN ba ako? Tinola. For the first time niyakap ako ng ibang lalake maliban sa tatay ko. Ang landi! Kinilig ako dun a! Hahahahahahaha xD

Umiyak lang ako. “JD.. Sorry.”

Hindi ko nga alam kung bakit ako nagsosorry e. Parang tanga lang talaga ako.

“Okay lang.. Tahan na.” Sabi nya habang yakap ako.

Tapos.. Damang-dama ko pa yung moment nay un. Nang biglang may sumigaw..

“Hala! Si Nacha at si JD o! Ayeeeeee!”

Nagtilian ang mga kaklase ko. Bumitaw ako kay JD. Syet lang. Mga panira ng moment. Bwiset. Haha

Ngayon.. Hindi ko na alam kung nasaan na ang hayop na si Justin Dale. Ang lalakeng naging dahilan kung bakit nung pers yer ko pa lang bilang isang kolehiyala nakakatanggap na ako ng mga text mula sa fangirls nya na tigilan ko na raw si JD, na tapos na raw kami wag na ako maghabol, etc. Tinola. As if naman naging KAMI ng JD nila? E hindi naman. Isa pa.. Hindi sya yung hinahabol ko. Kung may hahabulin man ako. Isang kawayan lang yun. Lecheng mga babae. Panira ng araw.

Naiinis ako kasi wala man lang kaming closure. Kung sa bagay.. Hindi naman kasi kami nagsimula. Hahahaha. Pero kahit ganun yun si JD.. Nagpapasalamat pa rin ako dahil nakilala ko sya. Kasi dahil sa kanya.. Nafeel ko naman na pahalagahan at paglaanan ng effort kahit na minsan xD

Dear JD,

 Kung nasaan ka man ngayon. Yung utang mong bente. Pakibayaran naman. Salamat.. I love you.

Nagmamahal,

Nacha :>

Continue Reading

You'll Also Like

80.8K 4K 28
Porcia Era Hart x Chrisen
26.8K 2.6K 81
What if bigla mong maisakay ang ex mo bilang customer sa isang ride-hailing service? 02/19/2024 - 03/16/2024
Masahista By Luci

Short Story

2.2K 1 9
R18
7.9K 257 43
University Series #01: Charlotte Grace Reyes & Flair Keyne Ross "She's the girl who own my lips." ©shaitamad Allrightreserved2K21