So nagbubukas na lang ako ng Wattpad ngayon kung [a] Magsusulat ako, or [b] Titingnan ko kung mayroon nang nagpapadala sa akin ng mga death threat.
The Wattpad Lords have spoken - sabi nila busy ang mga tao ngayon. Including me. And, fakfakfak, kung high school student pa lang naiistress nang ganito, paano pa kaya ang mga nasa college na? Stressed yata lahat ng matatanda. Lalo na 'yung mga nagtatrabaho. Case in point: 'yung presidente. O 'yung may-ari ng SM.
--x--
Ang Araw ng Walang Katapusang Kamalasan
Ika-6 ng Enero, 2014
Anak ng pastillas de leche! Paboritong numero ko ang 6 pero uh, medyo malas? So dahil dalawang oras lang akong nakatulog dahil may kabag ako (wow author, maraming salamat sa TMI tidbit na 'yan), bumili ako ng hot chocolate (wala kasing kape) doon sa tindahan malapit sa school. Tapos dumaan naman 'tong mga napakagaling na lowerclassmen sa harap ko. Tumapon na siguro 'yung kalahati ng hot chocolate sa damit ko. Well that's an interesting sight.
Tinatamad na akong mag-elaborate, so to keep it as concise as possibe: natapunan ng hot choco ang uniform, nasira ang eyeglasses, napigtas ang strap ng bag, natapunan ng yang chow ang uniform. Oo uniform ulit. Baka gutom siya.
Parang galing lang sa bulok na sitcom ang peg. Anyway, kung aakalain niyong malas na 'yan, mali kayo, dahil 'di hamak na mas masahol pa ang pinagdadaanan ng ating mga "kapatid" na hindi pinalad sa buhay. God loves you, but sending you on a little guilt trip every once in a while won't hurt. Daw.
===
January 9, araw ng nazareno chuvaness. Syempre may pasok kami nun dahil hindi kami taga-Manila, at syempre hindi na mawawala sa school ang mga mokong na nagpupunas at naghahagis ng tuwalya sa kaklase nilang... sabihin na nating hindi ganoong kaputi. Buti na lang nakiki-ride 'yung si nazareno kuno. Isinakay siya sa upuan at nag-tour sila sa corridor naming mga 4th year tapos pinapanood ko sila, sabay isip na hindi ko alam kung may karapatan akong matawa dahil baka masama 'to.
===
January ngayon. Malamig. Wrong timing ang weather. Dapat sana nung December na lang lumamig dahil mahirap maligo sa umaga. Maraming nagsasabing "sana January na lang ang christmas vacation", which in turn implies na "sana January na lang ang pasko", which in turn implies that... well, you know the rest.
Naka-aircon 'yung classroom namin kaya syempre suki nanaman sa CR ang mga taong giniginaw (and in turn feeling naiihi) doon. Minsan nakakaantok din sa room, pati mga teacher nahihikab na sa sarili nilang discussion. No, really. At napapadalas na ang tanong ng mga teacher ng "nag-snow ba sa classroom niyo?" at "dito ba 'yung classroom na sinasabi nilang naka-gloves pa 'yung mga estudyante?".
Pero dahil sa sobrang lamig, minsan nakakagutom din. O baka matakaw lang kami. Minsan talaga na-i-imagine mo na lang 'yung sarili mo na kumakain ng chocolate, or steak, or sopas... 'yung masarap kainin kapag malamig. Tapos sa sobrang pagpapantasya mo sa pagkain e aantukin ka, tapos hindi ka makakasabay sa discussion, tapozZzZzZzZz....
[insert teacher na nanggigising sa estudyante here.]
===
At habang nagbabasa ng news feed sa Facebook... ito ang mga atraksyong nakita ko. Special features. Paulit-ulit nga lang. Parang commercial na nakikita mo every 20 minutes. Absolutely cliché.
Ang mga sumusunod ay ang kadalasang nakikita sa news feed KO:
Mukha ni justin bieber, selfie na nasobrahan sa filter (via instagram), selfie na may comment na "omg ampanget ko", selfie na dinaan sa Camera360, selfie na pinatungan ng picture ng pusa ang mukha, selfie habang naka-flower crown, "bags and shoes for sale", "share if you love GOD, ignore if you love SATAN", picture ng night-out in da club, status na copy-pasted bible verse, "and in that moment I swear we were infinite", corny na meme mula sa 9gag, "1 like = 1 prayer", nagbebenta ng bra.
Noong unang panahon, mga apo, noong wala pang "seenzoned" at "profile" pa ang tawag sa mga timeline, at highit sa lahat, talagang nakakatuwang magbasa ng news feed. Minsan.
In some instances, umaabot sa 100 ang notifications mo dahil ginawang chatbox nung mga kaklase mo 'yung status mo. That time, hindi pa gaanong uso ang group chat.
At 'yung tagging games - dang, usong-uso sa amin 'yun noon. Parang 'yung mga status na "i-tag mo ang friend mo na laging natutulog sa klase" at "i-tag mo ang friend mong most likely maging Ms. Universe sa taong 2084". Pati na rin 'yung mga apps na sasagot ka ng mga tanong. "Phrases" ba tawag dun? 'Yung mga tanong e parang "kung natapunan mo si *insert name of friend here* ng ice cream sa brief, didilaan mo ba 'yung ice cream o tatapunan mo rin ng ice cream 'yung brief mo para patas kayo?".
Tsaka 'yung mga fan page - uso pa ba 'yun? Once upon a time, parang tuwing magkakaroon ng nakaka-aliw na commercial, gagawan ng fan page 'yung punchline niya. For example: gusto ko lang naman ng McDo fries eh!!! :"> tapos walang kinalaman sa McDo (or sa fries, for that matter) 'yung laman nung page.
'Yung games naman. Wala pang candy crush noon, uso pa ang FarmVille, CityVille, at ang paborito ng lahat... Friends For Sale. Diyan nauubos ang free time ng mga bagets (at ng mga tito at tita at pinsan at magulang mong walang magawa). Wala ka nang makausap ng matino minsan, puro "bilhin mo nga ako sa FFS <3" tsaka "paki-gift naman ako ng baka at baboy sa FarmVille" ang bukambibig online. Kung walang nagpapadala sa 'yo ng gift, gagawa ka na lang ng bagong account para regaluhan ang sarili mo. I've been there. (fun fact: pito ang account ko sa Facebook)
Second year HS ako noong nauso 'yung Tetris Battle. Ang larong nakakapagpabayolente ng mga bata. At kung hindi ka gumawa ng bagong account para i-challenge 'yung main account mo (dapat naka-login sa ibang browser 'yung 2nd account) at magpatalo, you don't know what you've missed.
Ako, hindi nagkaroon ng friendster. Sabi ko nga roon sa isang chapter, hindi rin ako nagkaroon ng jejephase. 'Yung tipong ang pangalan mo sa friendster ay bHosXz mHaLdiTAh aCq0uHx tapos black+red/black+pink 'yung color scheme ng layout mo, 'yung address mo ay "edii sa puso m0h", 'yung display photo mo ay 'yung magkayakap na babae't lalaki na emo, naka-autoplay sa profile mo ang "Bleeding Love", "Fall For You", "Your Guardian Angel", "Nobody Wanna See Us Together", pati 'yung kanta ni Soulja Boy na nakalimutan ko na ang title, alam ko lang 'to dahil sa mga pinsan kong nagkaroon ng jejephase. Nagkaroon din kayo nun. Tatamaan daw ng kidlat ang magsisinungaling.
===
AT DAHIL mukhang nag-u-update ako (este nagdadagdag ng nakasulat sa chapter, or something). tuwing nagkakaroon kami ng CAT (citizenship advancement training, hindi pusa), eto ang kwento para sa araw na ito: JANUARY 10, 2014.
Maganda ang umpisa ng CAT ngayon, naligaw kami nung kasama ko kasi akala niya doon kami sa hall magkakaroon ng drills. Doon pala sa grounds. Such wow. Na-late kami, buti walang de-merit dahil masyadong busy 'yung officer sa katatawa sa amin. Let's try to justify: hindi kami late, naligaw lang. It's the thought of being early that counts.
Wala pa kaming rifle ngayon. Yehey. Nakakatamad kasing magbuhat. Syempre nag-martsa kami ng kaunti: 2nd least favorite command ko 'yung pag-martsa, 1st ang "harap sa likod" na hanggang ngayon hindi ko pa rin magawa ng matino. Biotch please, ipinanganak akong lampa.
Puro lang kami "pasulong" kanina, 'yung parang naglalakad lang kayo... ng sabay-sabay. Like a leisurely afternoon walk. Sinisigawan ka nga lang.
Pagkatapos ng CAT, bumili ako ng donut para sa mga ka-service ko. Yehey!
===
Siyang tunay na nakakaBAGOT!!!
Okay, nakakabanas talaga 'yung teacher kuno na kung nag-di-discuss e babasahin lang 'yung nakasulat sa libro. Tapos magtatanong siya ng chubaekek sa estudyante, kahit hindi naman niya na-discuss 'yung topic thoroughly. Tapos magagalit siya dahil walang naka-gets.
Madalas siyang magsabi sa amin ng "mag-research kayo tungkol sa topic na ito", pero alam naman namin na ang ibig sabihin niya ay: [a] Tinatamad akong mag-discuss, [b] Tinatamad akong pumunta sa classroom niyo, or [c] Galit pa rin ako sa section niyo dahil nakasira kayo ng dalawang double-deck nung retreat (for further information regarding this topic, refer to the chapter entitled Wattpad Killed the Hardbound Star).
At kapag nagbibigay ng pointers to review para sa exam. GAHD STAHP. Karamihan nung mga topic na kasama sa pointers ay hindi na-discuss. Hindi man lang pina-lecture o pina-research kuno. But at least na-inform na kami tungkol sa kabalbalang ito prior to the exam itself. Ika nga, a warning of what's in store for us. Anak ng punyemas na kalabaw, hindi kami nagbabayad ng █████ pesos para sa sloppy, half-assed botchamania na ito.
[audience: such is the life of a college student.]
===
Nalagyan ng 9 GB worth of viruses 'yung USB ko noong hiniram nung teacher-slash-club moderator ko. Huhubels. Pakdatsyet holy crap tapos ayaw matanggal. Sinaksak ko pa naman 'yun sa pinakamamahal kong laptop. Sana lang hindi na-infect, considering that malakas naman 'yung defense(s?) nung laptop ko.
'Yung tipong kunwari may kuto 'yung bata tapos hahawaan pa niya 'yung ibang tao. Maganda sana kung ipatanggal na lang niya 'yung kuto niya instead na hawaan pa niya 'yung iba. Anlaking perwisyo kasi eh. Kuto = virus, gandang analogy.
Sabagay, may mga taong pinagkakakitaan ang paggawa ng virus. Some men just want to watch the world burn.
--x--