When a playboy loves... [Shor...

By PrincessInJeans

10.3K 295 79

Playboy ako. Linggo-linggo akong nagpapalit ng girlfriend. Pero isa akong playboy na inlove. Walang aangal... More

When a playboy loves... [Short Story]

10.3K 295 79
By PrincessInJeans

Dedicated kay Ate Aly na idol ko simula pa lang sa CC. ^^~ Danda danda ng stories niya.

ATE ALY, pahiram lang saglit kay Stephen ah? hihi.

=========================

(Gelo's POV)

"Taralets tara tara taralets

'di ka na mabibigo

Taralets tara tara taralets

'di ka na mabibigo

'wag kang mabibigla

Isasama kita'wag ka magtanong

Basta sumama ka lang

'wag mong unahan

Abonado ang pagasa"

Di ko mapigilang hindi tumitig sa kanya habang kumakanta siya. 

Oo na. Ganda mo na. =___=  Asar. Lalo tuloy akong nahuhulog. Grr.

Nandito ang buong barkada sa garahe ng bahay ni Migs. Eto na rin ang nagsisilbing studio ng banda namin, ang Fly High.

Ako ang lead guitarist, sa bass ay si Johnny tapos si Migs naman sa drums. Tapos syempre ang vocalist, si Kaycee...

 

"Okay! Break muna tayo!" Sigaw ni Migs.

"Yes! Buti naman. Haha.." Si Kaycee yan. Tapos takbo naman siya sa may lamesa at titig sa laptop niya. Tsk..

Umupo ako kasama ng iba habang si Kaycee ay may sarili na namang mundo kasama ng laptop niya. Nakakaasar.

"Oh couz, bad mood? ^___^" Si Janette, pinasan ko na close na kaibigan ni Kaycee.

"Kelan ba naging hindi? Haha." Si Trisha naman, girlfriend ni Johnny at isa pang close na kaibigan ni Kaycee. Hindi sila kasama sa banda namin pero lagi silang nanonood sa practice namin.

"Asar kasi. Laptop na naman! Tss.. -____- Anong saysay pa ng pagtaboy ko sa lahat ng lalaking may gusto sa kanya?" Bwisit talaga.

Pakilala na nga muna ako at ng mabawasan ang inis ko. -____- Ako si Angelo. Gelo for short. Kababata ko yang si Kaycee. Magbebestfriends kasi yung mga magulang namin kaya baby pa lang kami magkasama na kami. Kabarkada ko siya, katropa, kaibigan. pero di kami close. Gulo noh? Ganito kasi, asaran, kwentuhan, biruan, basta kung anu-anong trip okay kami. Pero seryosong usapan, dun siya kina Trisha at Janette.

Obvious naman yun. Ni hindi ko nga masabi yung nararamdaman ko sa kanya. Oo na! May gusto ako sa kanya! Bata pa lang kami.

Pero nakakabwisit talaga. Grr. 

"Pre naman. Lam mo na kausap si Stephen. haha." Sabat ni Migs.

"Selos ka lang eh. Hahahaha." --Johnny. 

Ayun, tawa lang sila. Pagtawanan daw ba ako. =___=

At oo, alam ng buong barkada na gusto ko siya. Siya lang ang hindi may alam! 

"Tss. Hanggang text at laptop lang naman. Kelan ba natin makikita yung Eboy na yun?" E-boy. Short for Electronic Boyfriend. Boyfriend na boyfriend di man lang nagpapakita samin, ilang araw na rin mula nung naging sila.

"Bakit uupakan mo? O papalayuin mo tulad nung dati? Hahaha." --Migs

Isa sa mga kalokohang pinaggagagawa ko para sa kanya. Lahat ng lalaking naririnig kong may gusto sa kanya, kahit pa sa mga tsismisan lang ng mga babae, pinupuntahan ko at pinapalayo sa kanya basta wag lang niyang malaman na may gusto sa kanya. Oo na. Possessive na. =__= 

Gusto niyo pang malaman ang isa? O sige! Nalaman ko dati na naging crush niya yung isang basketball player sa school namin. Ayun, nagpractice ako at sumali sa team. Di ko tinantanan hanggang di ako nagiging captain.

Pangalawa, nung elementary, niyaya niya ang barkada na gumawa ng banda sa highschool. Kaya't kahit hindi ako marunong kumanta o magplay ng kahit anong instrument, nag-aral akong maggitara nung summer para masama sa banda niya. Kasugat sugat pa kamay ko. Lintek lang.

Tapos eto! Biglang may boyfriend na siya! Di mahiwalay sa laptop at cellphone niya. Haist! Sino ba kasi yung bwisit na STEPHEN CRUZ na yun.

"Tss. Oo ba! Mas gwapo naman ako sigurado dun!"

"HAHAHAHA!!" --Si Trisha at Janette. Tuwang tuwa masyado eh.

*riiiiing! riiiiing!*

 Sinagot ko yung cellphone ko. 

"Hello?"

"Babe! Date tayo!" Tss. oo may girlfriend ako. ANGAL?

"Sorry, may practice kami."

"Practice na naman! Pag di mo ko pinuntahan ngayon, break na tayo!"

"Okay"

"What----?" Di ko na pinatapos. Binabaan ko na ng phone.

"Break na kayo ni Ann?" --Migs

"Oo."

"Hanep! record ah! 2 days lang kayo. Hahaha." ---Janette.

Isa pa palang ginawa kong kalokohan dahil sa kanya. Simula nung matutunan ko yung salitang girlfriend at selos, nagkagirlfriend na ako para pagselosin si Kaycee. La naman epek. Tss. 

Labas ko tuloy ngayon? Hearthrob sa school namin. Pano, GWAPO, captain ng basketball team, lead guitarist ng pinakasikat na banda sa school namin tapos playboy. Habulin tuloy ako ng mga babae. Pero langya! Yung gusto kong babae di pa rin ako napapansin.

"KYAAAAHHHH!" Napatingin kaming lahat kay Kaycee. Kilig na kilig siya. May kung ano sigurong sinabi yung Stephen niya na yun. Tss. Asar talaga. Buti sana kung dahil sakin kaya siya kinikilig di ba?

"Oi pre, parang makakapatay ah. Hahaha." --Migs

Tss. Tawa pa. =____=

"Cee! Lika na?" Tawag ko Kaycee. 

Tapos na yung practice at sabay kaming uuwi. Bakit? Kasi magkapitbahay kami. =___=

"Sabay tayo? Wala kayong lakad ni Ann?" 

"Wala na kami."

"Oh. Kaw ah. May biniktima ka na naman. Sige ka, makarma ka. :)" Tae! Ganda niya talaga ngumiti. Para siyang anghel. At mas lalong tae, ang bading ko na naman.

Hay. Di lang niya alam. Bago pa man ako maging playboy, nakarma na ako. Dahil sa kanya.

"Tss. Di yan."

"Hahaha. Baliw ka. Teka, paalam lang ako." Tumingin siya sa iba. "GUYS! AND GIRLS! Una na kami ni Gelo. BABAY!" 

"Yieee. Kayo ah."--sabay sabay na sabi nila.

"Baliw! Hindi noh! Trip niyo ah!" Ouch. Deny agad? wala munang isip isip. Tss. Engot Gelo. May boyfriend na nga eh.

Naglakad na kami ni Kaycee pauwi. Syempre, may kasamang asaran at kwentuhan.

*plok plok plok*

Biglang umulan.

"Hala! Gelo, silong tayo dali."

"Wag na, dito na lang tayo."

"Baliw ka? Magkakasakit tayo!"

"Di yan. Tsaka basa na rin tayo oh."

"Ehhhh." Ang cute niya. Nakapout pa siya. Shet! Gusto ko siyang halikan. asar.

Para maaliw ako at hindi ko na ulit maisip yung-- yung-- naisip ko kanina. Bigla ko siyang pinahiran ng putik sa ilong. Oo, dugyot lang. Haha.

O__O ----> gulat na gulat yung mukha niya.

"GELOOOOO!!!" At hinabol niya ako ng putik kaya tumakbo naman ako. In short, naghabulan kami sa ilalim ng ulan na parang mga bata.

Sana laging ganito... Walang epal na Eboy na Stephen Cruz. ^0^

"Hahaha! Ang putik putik mo na oh!" Nasa harap na kami ng mga bahay namin. Tumila na yung ulan. Kaso mukha kaming mga taong grasa dahil puro putik kami. Hahahaha.

"Hahaha. Mas lalo ka kaya!"

"Hindi din. Hahaha." Tumawa lang kami hanggang sa maubos yung tawa namin. Haha. Ano daw sabi ko?

"Uhm.. Sige, Gelo. Pasok na ko Kita kits na lang sa monday ^___^" Yung ngiti na naman niya. Hayyy.

Papasok na sana siya sa bahay nila pero hinawakan ko yung braso niya para pigilan siya. Tsk! Bahala na! Yung ngiti niya kasi eh.

"Bakit?"

"Ah.. Kasi, Kaycee.. ano.."

"Hmm?"

"Ano.. I-I... I love.. Yo---- gurt. " Pakshet! Anong sabi ko? Tsk! Torpe! Torpe!

"Ha?"

"W-wala. Sige. Bye." Tapos tumakbo na ako papasok ng bahay namin.

Langya lang. Laking kahihiyan.

"Guys! At Kaycee! Kayo na ang next na magpeperform!" --Trisha

"Goodluck ^^" --Janette.

Ilang linggo na nakalipas. Battle of the bands na namin. Walang nangyari masyado. Langyang 'I love yogurt' yan.

Si kaycee naman nakaupo sa tabi, hindi ata napansin yung sinabi nila. Tutok na tutok kasi sa cellphone eh. Si Eboy este Stephen Cruz na naman.

Nilapitan ko.

"Cee.. Next na daw tayo. Prepare na tayo."

Tumingala siya at tumingin sakin. 

Pero teka--- shit! Langya talagang Stephen Cruz yan! Mukhang makakapatay ako ng tao. Ba't umiiyak 'to?!

"K-Kaycee? T-teka.. Anong nagyari? S-si.. Si Stephen ba?"

Nanlaki yung mata niya. Nagulat ata sa sinabi ko. "P-pano mo *sniff sniff* nalaman?"

Lechugas naman oh! Sabi na nga ba! Langya siya! Mahal na mahal ko 'to tapos papaiyakin lang niya?! Bahala siya. Wala ng torpe torpe. Magtatapat na ako nagyon din!

"Kaycee, I LO---"

"Huy! Kayo diyan! Tayo na!" --Sigaw ng epal na si Johnny. -____- Nice timing.

"And now, the band you've all been waiting for, FLY HIGH!!!!"

Pumunta na kami ng stage. hiyawan mga tao. Sikat kami eh. -__-

"Hi everyone! Kami po ang Fly High! We have Gelo as the lead guitarist, Johnny sa bass, Migs on the drums, and yours truly as the vocalist!" Hiyawan ulit mga tao.

Pansin ko lang. Ang saya saya ng boses ni Kaycee. Parang di nanggaling sa iyak. Tapos ngiti pa sya ng ngiti. Pero alam ko, nagpapanggap lang yan.

"Now for our first song..." Tapos nagsimula na kaming tumugtog...

FAST FORWARD.

"And that's for our performance tonight! Thank you!!" hiyawan mga tao. 

Nagsialisan na sa stage yung banda pero nanatili ako sa pwesto ko at kinuha yung mic. Tss. Now or never!

"KAYCEEEE!" Tumahimik yung mga tao at mukhang naguguluhan.

Pano ba naman, sumigaw ako sa may mic. Dyahe 'to pag nabasted ako.

"Unang-una, alam kong may boyfriend ka na at hindi na ako dapat makigulo pero kanina.. nung nakita kitang umiiyak ng dahil sa kanya.. Di ko napigilan.. Di ko kayang may isang taong sinasaktan lang yung taong... taong PINAKAMAMAHAL ko."

Hindi nagsasalita si Kaycee. Nakatingin lang siya sakin.

"Oo.. Nung una pa lang, Kaycee. Simula nung mga bata pa tayo, gusto--mali--mahal na kita. Mahal na mahal. Lahat ng mga bagay na ginagawa ko, para sa'yo.. Dahil sa'yo.. Kaya nga ako nagpakaplayboy eh, para pagselosin ka.. Pero wa-epek naman.."

"YIHEEEEE." sabat nung audience. Nakalimutan kong nasa stage pa din nga pala kami. Nanood ang buong school sa drama ko. =___=

O_O

Biglang umiyak si Kaycee. 

Hala! Anong nagawa ko?

"T-teka.. S-sorry.. Di ko namang gusto sirain yung pagkakaibi---"

"Kainis ka! Baliw ka! Torpe ka!" Galit nga siya. *gulp*

"Alam mo bang ilang beses na kong nasaktan dahil sa'yo? Pano ba naman halos linggo linggo may bago kang chicks! Tapos papakilala mo pa agad sakin! Parang nanadya ka eh!"

Lumapit siya sakin tapos pinalo-palo ako. Diyahe. May audience kaycee! buong school. Nasa stage tayo!

"T-tapos... sasabihin mo mahal mo ko? E bwisit ka pala eh! Dami mo nang naging babae tapos natotorpe ka pang magtapat sakin. E MAHAL DIN NAMAN KITA EH!"

O___O

"AYIEEEEE!" Sigaw ulit nung audience. Sa pangunguna ng barkada namin. =___=

Pero teka! Mahal din daw niya ako.

"T-talaga? M-mahal mo din ako?"

"Ayaw mo ata eh! E di wag!"

"H-hindi! Sinisigurado ko lang!" Tapos niyakap ko siya. "Mahal na mahal kita, Kaycee..."

"I love you too, Gelo." Niyakap din niya ako.

So kami na? haha. joke.

Pero may naalala ako bigla. 

"Kaycee.." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.

"oh?"

"Pano si Stephen?"

"Stephen?"

"STEPHEN CRUZ."

"Ahh. Si Stephen! Oo nga pala!" Tapos nilabas niya yung cellphone niya.

T-teka! Kala ko ba mahal niya ko?

"Kaycee!" Tapos inagaw ko yung phone niya.

"Waahhh! Gelo! Teka lang naman! Nasa epilogue na ako eh!"

"Epilogue?"

"Oo! Magpopropose na si Stephen kay Naomi eh!"

"Ano?!"

"Oo! Tsaka bakit ba? Pano mo nakilala si Stephen? Nagbabasa ka din sa Wattpad?"

Epilogue? Wattpad?

Tinignan ko yung barkada na magkakasama na ngayong nakatayo sa harap ng stage.

"HEHEHE. Peace Gelo!"

"Hehe. Oo nga. Gusto lang naman naming pagselosin ka para gumawa ka ng move!"

"Oo nga. Naging kayo naman oh!"

"Wait wait wait! Anong akala mo kay Stephen?" Tanong ni Kaycee.

"Err. Sabi nila boyfriend mo daw."

"HAHAHAHA!"

"Tss. Tawa pa."

"Eto naman. Wag ka nang magtampo. I love you ^^" Maglambing daw ba?

"I love you too :)" 

"AYIEEEE!"

 When a playboy loves... he gives it his all.

The End.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
171M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
63.8M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...