Mabuhay ng tahimik yun ang kanyang nais,
Ang pumatay ay hindi kanyang hilig.
Ginamit ang kanyang buhay para pumatay,
Kapalit nun ay ang buhay na panghabangbuhay.
Dahil sa kanyang Mahal napilitan siyang pumatay,
Ang dating inosente ngayon ay Mamamatay.
Hindi na mababago dahil yun ay sumpa ng demonyo,
Mapatay mo man ang pasimuno nito damay pati ang taong ito.
Wala ng paraan para siya'y baguhin,
Isa lang ang dapat gawin,
Yun ay ang PUKSAIN lahat ng salarin.
**
Killer's Pov.
Sino ang isusunod ko?
Gusto ko ng pumatay ulit,gusto kong maka amoy ulit ng ng sariwang dugo,makarinig ng sigaw..sino??
Naglalakad ako papuntang classroom,nagbabasakali akong may matiyempohan na kaklase para patayin ngayong gabi
Malayo pa man ako ay tanaw ko na ang classroom namin,may ilaw sa loob kaya alam kong may tao roon
Bago ako pumasok ay sumilip muna ako
"Siya?Aist!Papatayin ko ba siya?" nagtatalo ako at ang utak ko ngayon
"Pumatay ka.. Patayin mo na siya.."
Bigla akong nakaramdam ng pagkaasam na pumatay ulit,agad kong hinablot ang maliit na kutsilyo sa bulsa ng pantalon ko
"Patay ka ngayon.."
Third Person's Pov.
Nagdadalawang isip siya kung papatayin niya ba ang kaklase niyang nasa loob ng kanilang classroom
Pero biglang nagbago ang kanyang mukha matapos marinig ang isang boses na nag uutos sa kanyang pumatay
Nanlilisik ang kanyang mga mata,nanginginig ang kanyang katawan dahil sa pagkaasam
Dahan-dahan siyang lumapit dito,napansin siya nito kaya agad siya nitong nilingon
"Gabi na,bat ka pa nandito?" maamong mukha ang isinalubong nito sa kanya
"Laro tayo" sabi niya
"Anong laro?" tumayo ito sa kanyang kinauupuan at hinarap siya
"Q&A" diretsong sagot niya
Tumango ito at ngumiti
"Kung sabihin ko sayong ako ang killer,anong gagawin mo?"
Hindi alam nito kung anong isasagot sa tanong sa kanya,imbis na sagutin ay tumahimik lang siya
"Sagutin mo ako.." maamong sabi niya
"Imposible maging ikaw y--"
Ginamit niya ang kanyang hintuturo para mapatigil ito sa pagsasalita
"Patawad.."
Isang malalim na saksak ang kanyang binitawan sa dibdib nito,hindi siya nakuntento at dinagdagan pa niya ng napakaraming malalalim na saksak ito sa dibdib
Imbis na sumigaw ito sa sakit ay pumikit lang ito at pinipigilan ang sarili na sumigaw
Nagtataka man ay pinagpatuloy niya parin ang pagsaksak rito
Ng mawalan na ito ng buhay ay ngumiti siya na parang demonyo
"Walang kahirap-hirap" bulong niya saka nilisan na ang classroom
Yzel's Pov.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" isang sigaw ang umalingaw-ngaw galing sa room namin
Bumulaga sa amin si Nicole na halos mahimatay na dahil sa gulat at kasisigaw
"James??"
Napatingin naman ako kay Kirsten kasabay nun ang pagbagsak niya sa sahig
"Kirsten,gumising ka!" tinulungan naming yugyugin ang balikat ni Kirsten para gisingin siya
Makalipas ang ilang minuto ay nagising narin si Kirsten
Tumayo siya agad ng makitang inilabas na ang bangkay ni James sa classroom
Agad siyang humagulgol,ramdam ko kung gaano kasakit ngayon ang nararamdaman niya..
Niyakap siya ni Ianna sabay haplos sa balikat nito
"Bat siya pa?Kung kailan nakita ko na siya,ang taong mahal din ako..." maraming hikbi ang binitawan niya,maraming luha ang lumabas galing sa kanyang mga mata
Niyakap narin ni Bianca si Kirsten at tinulungan si Ianna na patahanin ito
Napunta ang atensyon ko kay Nicole na nakaupo sa sahig habang pinaglalaruan ang kanyang mahabang buhok,lumapit ako sa kanya at naupo na rin sa sahig
"Sabihin mo sakin Nicole..may alam ka ba sa mga nangyayari??" mahinahon kung tanong sa kanya
Bigla niya akong hinawakan sa aking balikat,ramdam ko ang panginginig ng kamay niya
"Malapit nang maubos lahat ng estudyante sa eskwelahang ito,huling taon na to" nanginginig rin ang kanyang boses pero yung mga mata niya ay nakakatakot dahil nanlilisik ang mga ito
"Please Nicole,sabihin mo sakin lahat ng alam mo" pagsusumamo ko
Bigla niyang inilapit ang mukha niya sa tenga ko kaya ngayon ay ramdam ko ang mainit na hininga niya
"Samantha.."
Ito na naman siya,bago niya itinuloy ang sasabihin niya ay rinig at ramdam ko ang mahina at nakakatakot niyang pag tawa dahilan para magsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan
"Samantha.. Malapit na" hindi parin niya inaalis ang kanyang mga kamay sa balikat ko,ramdam ko ang unti-unting paghigpit nito
"Wag kang matakot,kunin mo ang puso at sunugin mo ito" nagulat ako sa sinabi niya,alam niya rin ang tungkol dun??Pano..
"Alam kong may alam ka Nicole" seryoso kong sabi,natigil ang panginginig ng kamay niya at maamo at seryosong napatingin sa mga mata ko
"Pinipilit niya ako,pinipilit niya akong gawin ngayon ang mga ito,kahit ako natatakot rin..please pigilan mo siya,hirap na ako." tumingin siya sa aking mga mata pero ang maamo niyang mukha ay agad napalitan ng nakakapangkilabot na ngiti,nanlilisik na naman ulit ang kanyang mga mata
"Mag-ingat ka,yan ang payo ko sayo.." tumayo siya at dire-diretsong nilisan ang classroom
Tinulungan naman ako na tumayo ni Bianca
"Anong oinag usapan niyo ni Nicole??" tanong niya sakin ng maitayo na niya ako
"Hindi ko alam,hindi ko siya maintindihan eh" blanko kong sabi
"May kutob akong may kinalaman si Nicole sa killer" dagdag ko dahilan para magulat siya
"Talaga,seryoso?Pano mo naman nasabi yan??" sunod-sunod na tanong sa akin ni Bianca
"Ramdam ko.."
Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman siya sa killer,naguguluhan na ako..
Third Person's Pov.
"Magaling" pumalakpak siya ng tatlong beses
"Tandaan mo lang.."
Itinaas niya ang ulo sa pamamagitan ng paghila sa buhok nito
"Manatili kang tahimik sa lahat ng nalalaman mo" madiin nitong sabi
"Kapag may nalaman akong may sinabihan ka,patay ka,patay siya,patay rin ang pamilya mo,Maliwanag?!" pinaningkitan niya ng mata saka binitawan ang buhok nito
Tumango lang ito bilang sagot sa mga sinabi niya
Pinalabas niya na ito at ngumiti ng nakakaloko
"Mukang magtatagumpay ako..Samantha,samantha" hinaplos-haplos niya ang isang maliit na picture na may mukha ng isang batang babae
"Samantha.."
To be continued...