Miss Astig 2

By cursingfaeri

1.6M 34.7K 13.5K

"I won't go easy... on anyone," Louie Antoinette. *TAGLISH* *NO SOFT COPIES* This is a work of fiction. Nam... More

Uno
Dos
Tres
Cuatro
Cinco
Seis
Siete
Ocho
Nueve
Diez
Once
Doce
Trece
Catorce
Quince
Dieciseis
Diecisiete
Dieciotso
Diecinueve
Veinte
Veintiuno
~BONUS CHAPTER~
Veintidos
Veintitres
Veinticuatro
Veinticinco
Veintiseis
Veintisiete
Veintiocho
Veintinueve
Treinta
Treinta y uno
Treinta y dos
Treinta y tres
Treinta y cuatro
Treinta y cinco
Treinta y seis
Treinta y siete
Treinta y otso
Treinta y nueve
Cuarenta
Cuarenta y uno
Cuarenta y dos
Cuarenta y tres
Cuarenta y cuatro
Cuarenta y cinco
Cuarenta y seis
Cuarenta y siete
Cuarenta y otso
Cincuenta
Cincuenta y uno
Cincuenta y dos
Cincuenta y tres
Cincuenta y cuatro
Cincuenta y cinco
Cincuenta y seis
Cincuenta y siete

Cuarenta y nueve

11.2K 438 174
By cursingfaeri

~49~
Rodriguez Residence

Sabay-sabay kaming napalingon nina Kuya K at Kuya J nang marinig ang mga katok sa pinto. Nasa game room kami at kasalukuyang kausap sa Skype sina Kuya Kurt at Kuya Justin. Ako na ang nagpresintang buksan ang pintuan dahil mukha namang walang balak sina Kuya na tumayo.

Isa sa mga kawaksi ang nabungaran ko.

"Hi ate. May problema po ba?" nakangiting tanong ko dito.

Family day namin ngayon sabi ni lola. It can be so relaxing, but sometimes, doon din nagsisimula ang pikunan lalo na sa'ming magpipinsan. Pero noon 'yon. Lalo nung kumpleto pa kami tsaka siguro kasi masyado pa kaming mga bata noon. Nagkakapikunan sa paglalaro. Ngayon kasi nangyayari pa din naman pero hindi na ganoon kadugo. Medyo tamed na kaming lahat, hahaha.

I can almost feel the Christmas in the air lalo na kapag ganitong halos kumpleto kami sa bahay. Simula din kasi nang pumatak ang buwan ng Disyembre, they have already decorated the interiors with Christmas decors. Madami na ngang mga regalong nakalagay sa ilalim ng Christmas tree. Hindi lang namin alam kung para kanino. We did draw lots para sa Christmas eve's exchange gift at ang iba ay naka-ready na ang gifts malayo pa man.

"Wala naman Louie," sagot ng kawaksi na humingi pa ng pasensya kung naistorbo daw nito kami. "Sinabihan lang ako ng lolo niyo na i-remind kayo na mga alas diyes daw mamaya dapat ay nasa dining hall na kayo para mananghalian. Baka daw mapasarap kayo sa paglalaro."

"Ganun po ba. Sige po, ako na'ng magsasabi kina Kuya. Thank you po."

Agad naman itong umalis pagkasabi niyon. Sinabi ko na din sa mga pinsan ko ang bilin ni lolo. Maaga pa naman. It was just a little past eight in the morning. Halos kakatapos lang naming magbreakfast. We can still play a few games before ten.

I don't blame lolo though, this is a family bonding. Although we are staying home and there might be nothing fancy about it, pero ini-schedule nito ang araw na iyon na lahat kami ay nasa bahay. Kaya nandun sina Kuya, Mama, at mga tita ko. But mostly kapag ganitong family day, kumakain lang naman kami and then while the elders would allow us to play sa game room, naglalaro din sila lola ng mahjong sa lanai. Kinagabihan niyon ay may barbecue party sa pool side.

"Magkano ang at stake?"

Narinig kong tanong ni Kuya J. Hindi ko na kasi nasundan ang usapan nila nang kausapin ko si ate kanina. Ang alam ko lang ay plano nilang maglaro ng League of Legends, a kind of multiplayer online battle arena game o tinatawag na MOBA. Tsaka malamang ay hindi naman ako kasali kung maglalaro man sila against each other unless team up kaming lima. Which is fine kung sakali mang sila lang apat ang maglalaro kasi hindi ko pa gamay 'yon.

"Place your bet 'to. Bawal ang pera, but it should be something valuable para challenging," sagot naman ni Kuya Just.

It didn't take long enough for Kuya J to decide. "Five months use of my sports car. What's yours K?"

"Hmm." Saglit na napaisip si Kuya K while tapping his fingers sa billiard table. "Alright, five months use of my Harley."

Gulat na napatingin ako dito. Masyadong malaki ang at stake. Last month lang ito bumili ng big bike and he doesn't even want us to touch it. Hindi pa daw niya napagsawaan iyon.

"This should be interesting. Pero paano naman kung kami ang mananalo ni Kurt? How can we use your wheels?" saad ni Kuya Justine, which kinda makes sense.

"What do you suggest?" Kuya J inquired.

"I want his transformer action figure collections. All of them," saad ni Kuya Kurt at nakita kong bahagyang napatiim-baga si Kuya J niyon. He did hit the right spot.

"What made you think that you can easily beat me Kurt?" sagot naman ni Kuya J.

"It doesn't hurt to try. We have the same League ranking anyway." He calmly said saka binalingan si Kuya K. "Aren't you going to change your bet, K? Or you're willing to ship your Harley here in case Justin or I wins this?"

"Hell, no! Maybe my star wars collec—"

"Definitely not, K. Bet your chess set. I'm not really after it, but knowing how you treasure it," Kuya J smirked as the other cursed under his breath.

This is getting too serious base sa mga reaksyon nila. And being a mere spectator of them... Hindi naman siguro sila magpapatayan nito mamaya?

Ngumisi si Kuya Justine, seemingly happy with the turn of events. "I'm betting my hardbound graphic novels then. Half of the total. That means 250, I believe."

Damn. Nakakatakot na talaga 'to. Ni hindi ko madala sa labas ng bahay ang isang comics niya tapos ngayon?! It might not be that much sa iba pero I do know how much it means the world to them. Yung mga pinupusta nila.

Buti na lang hindi ako kasali. Wala naman akong maipupusta, hahaha.

Or so I thought.

"And since I have classes in an hour, si Louie na lang ang representative ko," sabi naman ni Kuya Kurt.

"Kuya, wag," agad na tanggi ko. I was starting to get rattled too. "Hindi ako marunong mag-League. Baka matalo ka."

"No, it's fine. League of legends is almost the same as DOTA. Parehas lang namang MOBA game yan so you'll be fine. We played that a couple of times, right?"

Tumango ako. "Pero panay bots lang naman 'yon at hindi ko pa alam ang skills ng iba. I'm hardly at level 30."

I may be competitive pero I know when to fight the right battle for me. Buti sana kung kampante ako sa skills ko kahit papaano pero medyo nangangapa pa ako.

Si Kuya Kurt ang nag-introduce ng League sa akin. Mas madalas kaming nag-uusap sa Skype kumpara kay Kuya Justin pero naglalaro din kami at the same time. Yun yung bonding namin. Pero I'm new to it. Tulad ng sabi ko, wala pa ako sa level 30. Ni wala pa akong pambili ng runes at kulang ang mastery na very essential sa game.

"No need to fuss," he calmly said. "Account ko naman ang gagamitin mo eh. So okay lang ba? I swear I don't mind 'cause I know you're going to give your best on anything."

Matagal ako bago napatango. Pero sigurado ba talaga 'to? "Sige, try ko. But don't hate me if we lose ha?"

Marahang natawa ito, probably knew why I said that.

He may be very calm pero I was actually surprised how hustler he is during MOBA games. Nang-aaway siya ng player!

I remember one time when we were playing at the bottom lane together. I was new so he'd chat the other members that we will be teamed up at the bottom lane. He's my support that time and I was the attack damage carry champion. Tinatrash talk niya yung mga hindi marunong maglaro at inaaway niya ang nang-aaway sakin tuwing namamatay ako. Medyo napipikon din siya kapag parang matatalo kami. That's a different side of him na nito ko lang nasaksihan.

But I also realized na hindi ako ganoon kagaling maglaro sa bottom lane kapag hindi siya ang support ko. Hard to admit, but I would totally suck without him. Ugh.

Naputol ang pagmuni-muni ko nang marinig ang pagsipol ni Kuya J.

"Ipapadala mo yan, sigurado ka? Di ba mahal yan?"

"Ha? Ang alin?" tanong ko sa kanila.

"He's betting his exceptional toy worth $2,500--"

"It's settled then," putol ni Kuya Kurt. "I'm betting my vapor crossbow. So, here's my deal, Louie." Tumingin ito sakin. "If we lose, alam mo kung ano'ng mawawala sakin. If we win... you're going to have them. Consider it my Christmas gift to you. You just have to work for it nga lang."

Fucking gosh. Nakakanginig ng laman!

To be honest, kay Kuya Kurt ako unang na-inspire matutong mag-archery. At sobrang napakinabangan nito iyon sa university nito ngayon dahil varsity ito. It used to be just his hobby when he was here. Pero kung totoo mang ganoon ang presyo niyon, siguradong sobrang gara 'non!

And it will be mine kung mananalo kami, ohmygod. Pero! Huhu. Hindi ako confident sa League! Dapat nagcounter strike na lang kami. O basketball. O Billiards. O kaya DOTA. Bakit kasi League of Legends pa!

I have to use my brain. I have to strategize pero paano?!

Sigurado akong dadanak ng dugo 'to mamaya dahil sa mga pinusta nila. I know they will do everything and anything just to win this. Lalo't it will approximately take about 30 minutes to an hour bago matapos per game. At hindi ko alam kung ilang rounds 'to.

Napabuntong-hininga na lang ako sa iniisip.

Bahala na.

"So paano ang team up? Tsaka 5 players 'to, iku-customize ba natin?" tanong ni Kuya K.

"Yeah. Mid at Jungle or gusto niyo, gawin na nating 5v5 pero ang top, mid at jungle lane ay intermediate bot players?"

"Bale bottom lane lang tayo maglalaro?" pagka-klaro ko.

Tumango silang lahat.

Shit. Mas nadale na. That's good kasi bottom lang ang pinaka-kumportableng game play ko pero hindi ako magaling sa bottom lane kung magsu-support player ako at mas lalong hindi ako magaling mag-ADC kung hindi si Kuya Kurt ang support ko, huhuhu.

They finally settled sa 5v5. Nang magdraw lots, I was paired with Kuya K.

Mga panganay versus mga bunso pa ang labas pala sana.

May apat na computers na magkakatabi sa gaming room pero Kuya J kept a seat apart in distance and I was sitting at the end right beside Kuya K. Ito ang medyo malapit kay Kuya J. Kuya Justin was still on Skype pero sila na lang ni Kuya J ang nagkakarinigan via head set.

"May tendency bang mandaya si Kuya J kapag mga ganito Kuya?" bulong ko kay Kuya K kahit na lumabas yung isa para kunin ang gaming mouse and keyboard set nito sa taas.

"I'm not sure, but he might try any means. Kahit ako eh ayokong matalo. Kahit hindi singmahal ng pusta ni Kurt ang chess set ko over $1,500 din yun ha at galing sa sariling ipon ko yun for eighteen months. Kaya galingan mo," ngisi nito.

Napalunok lang ako ng laway. Ang mahal pa din kaya ng $1,500!

Three games. At 2 out of 3 ang kailangan.

If I get lucky...

We started at quarter to 9. At masakit mang aminin, mabilis kaming natalo ni Kuya K sa first game. Si Kuya ang Attack Damage carry o Attack Damage ranged. During the game, ADC o ADR ang tawag sa kanila. Pero naman kasi nung naglaro kami sa first game... Laging ako ang inuuna nina Kuya J na patayin kasi alam nila na ako ang weakest link, huhuhu.

Thankfully, we won the second match. By luck. Nagchange kami ng position ni Kuya K. He was a little reluctant pero I told him, iyon lang ang alam kong game play sa League at the moment. At halos atakihin ako sa kaba dahil nagsisigawan na sila Kuya J at nagmumurahan when I almost died, but I managed to use a flash to our tower kaya na-double kills ko pa sila. Kuya K, on the other hand looked worried. Kasi we almost lost. Hindi nito itinago na sobrang kinakabahan din ito tuwing aatake ako.

Paano pa sa deciding game?

"Lunch break?" Nakangising tanong ni Kuya J nang tuluyang matapos ang second game. "Almost ten na."

My winning smile na talaga ito. They knew we wouldn't stand the chance.

"Yeah," saad ni Kuya K saka bumaling sakin. "Tara muna sa taas."

"Whoah. May meeting ba na magaganap? Katakot naman, baka matalo na talaga kami." Pang-aalaska pa ni Kuya J bago ko sinundan si Kuya K palabas ng game room.

Suntukin ko siya eh, kaasar.

"You seemed to get the hang of it." Sabi ni Kuya K nang makarating kami sa kwarto nito.

"Kuya, sorry. Hindi kasi talaga--"

"It's fine. Ayokong mas i-pressure ka, it's just... I really want to win this."

Lumabi ako. "Ako din naman po."

"I know. And you're doing your best, I can see. But this last game is crucial. Sino ang gagamitin mo?" he asked.

"AD ako ulit?" gulat na tanong ko.

"Well, I can see na doon ka kumportable," he said and explained further. "Louie, naglalaro ng ranked game yang dalawa at gold holders na sila nagsisimula pa lang ang season. So they really have the advantage if we are not careful. I play ranked too, but you don't. You get what I mean here?"

Tumango ako. "Kaya kailangan mong mag-adjust sa strength ko. So paano po? What should we do?"

"I don't know. Maybe just... play safe for a few minutes. Play passive. Magfarm ka para marami kang pambili ng items and when you get them, you have a deadly attack. Stay sa tower lagi. Hayaan mo silang mainis. Just don't engage while you know, you're still defenseless. Wala namang time limit ang game."

So that's a gaming strategy. Napatingin ako dito. "Do you trust me, Kuya K?"

"Oo naman, pero kinakabahan din ako kasi alam ko kung paano maglaro ang mga yan. So now, sino ang gagamitin mo? Yung alam mong kumportable ka. Bawal ulitin 'di ba ang ginamit mo kanina."

Oo nga pala. One time use of champion per game. Iyon ang tawag sa character na ginagamit mo, Champion.

"Si Miss Fortune na lang."

Napaisip ito. "She's easy to use, but too squishy. Madaling i-shut off ang ultimate power niya. Are you sure?"

Ako naman ang sandaling natigilan. "May iba ka bang gusto? I'm not too good with Jinx though mas okay sana ang damage niya. Pero with MF, using the right items, right pokes, good support... she can kill every champion during the whole course of the game. She can be overpowered."

Hindi ko alam kung bakit napangiti ito sa sinabi ko.

"You're learning fast, comrade. Alright, tara lunch na muna tayo."

"Sino naman ang gagamitin mo, Kuya?" hindi ko napigilang tanong habang pababa kami ng hagdan patungo sa dining.

"Either Sona or Blitz."

I can see why they were his choices. Pinaka-ayoko si Blitz na kalaban kapag ADC ako. His grabbing skill can be so annoying. While Sona has the perfect stun and can heal you.

***
Game 3, deciding...

Thirty minutes have passed, pero mukhang seryosohan na talaga ang laro. Yung tipong parang hindi ka na makausap.

I thought I heard Kuya J call me pero medyo engrossed ako sa paglalaro para mapansin. Kaso narinig ko na lang ang inis na paglatak ni Kuya K sa tabi ko.

"Bro, ano ba. Wag mong istorbohin si Louie. Let's play clean."

"What?" patay-malisya namang sagot ni Kuya J. "Parang nagtatanong lang. Wala naman sa rules na bawal makipag-usap sa kalaban while gaming."

"I know what you're doing," sagot lang ni Kuya K.

"Bakit Kuya J?" I asked. "Sorry, hindi ko narinig eh. It's fine, I can multi-task."

"O see, bro? Tss. Sabi ko kako kumusta na kayo ni C2 red? Balita ko magkasama kayong nanood ng Lantern Parade ah."

Tumango ako. "Oo, magkasama kami."

"Nanliligaw na siya sayo? Umamin na finally? Iyon bang reaksyon mo noong nakaraang gabi eh..."

Hindi lang nanigas ang kamay kong hawak ang mouse, nabingi din yata ako.

How did he...

"Louie! Anak ng tinapa. Wag ka ngang nakikinig sa kanya. He's distracting you! Ano ba, J?!" asik nito sa kapatid.

"Awww, my bad bunso. You said you can multi-task," sagot naman ni Kuya J na alam kong kahit hindi ako nakatingin ay nakangisi ito.

Namatay kasi ako pagkatapos kong matigilan sa tanong nito. Kaya umabanse sila dahil doon. Soon after I died, they managed to kill Kuya K too and destroyed two of our towers. Now they're almost at our base while we are still re-spawning.

Dahil doon, nagsama-sama na ang emosyon ko. Napagalitan na nga, nakakainis din na inisahan ako nila Kuya J.

Utakan lang din pala 'to ha.

"Sorry Kuya K, hindi na mauulit."

"We need to kill the dragon to increase our buff," bulong nito. "Be careful this time. Baka naman ayaw mo na yung crossbow ni Kurt?" Nanantiyang tanong nito.

Hindi ako kumibo.

Now that he mentioned that...

Hindi lang bow ang kukunin ko, Kuya K. Pati ego ni Kuya J dudurugin ko na talaga! Masyadong confident. Lihim na saad ko sa utak.

"Okay naman kami ni Mason, Kuya J." Simula ko habang nag-a-advance na sila sa base namin.

I can't let this pass. I can't just let him use it to defeat us. If he's trying to distract me that way, then let me use it against him, too.

Bahagyang natigilan si Kuya K, pero hindi naman nagsalita. Lihim akong ngumiti dito, somehow sending a message that I can handle it. It wasn't bad dying, nabili ko na ang mga items na kailangan ko.

"Sinabi na nga pala niya sakin na ako si sapio girl. I was surprised, but you know..." pabitin na dagdag ko.

Edi ikaw naman ang natigilan ngayon? Muhahahaha.

"Holy fuck!" mura nito and instructed something kay Kuya Justin, but still. We were able to kill them both.

It's payback time!

Doon na kami nakalamang. Hindi na kasi ito nakahuma. Nakuha namin ang dalawang dragon at tuloy-tuloy na kami sa base nila kasi matagal na silang magre-spawn.

Hindi na sila nakabawi dahil naka-full build na din kami ni Kuya K 'non. That means, kumpleto na ang kailangan items to sustain an attack at umatake din at the same time. Nang muntik na akong mapuruhan nang mag-respawn sila ay mahinang napamura ako.

"Kuya J!" Halos mapatayo na ako sa upuan ko habang bahagyang nilingon ito. "Baka magdate din pala kami ni Mason before Christmas. May sasabihin din daw siya eh. Baka gusto mo ding malaman? Tingin mo manliligaw na nga kaya siya? If yes... Sagutin ko na din ba agad?" mabilis na salaysay ko dito habang hinihintay ang last three seconds cool down ng ultimate power ng champion ko. Or what they called as Ult.

"What the fuck, Louie Antoinette?!" bulalas ni Kuya J.

Malakas na humagalpak si Kuya K.

Because. Edi wow. I got penta kills with my Ult. Sabog silang lahat. Hahahahahahaha.

"Yeah man! And fuck you all!" masayang sigaw ko na tinaas pa ang dalawang kamay sa ere at mabilis ding napatutop ng bibig nang ma-realize na it's supposed to be just in my head. "Ay sorry po, na-carried away lang. Joke lang pala lahat ng sinabi ko Kuya J. Okay, bye!"

Kumaripas na ako palabas bago pa ako masapak ng dalawa.

Promise, joke lang lahat ng sinabi ko.

***
December 22nd

"Nak, tuloy ba Ang dinner natin mamaya?"

Napatingin ako kay Mama. "Oo naman po."

"Hindi ka gagabihin sa date mo?"

"Ma, hindi date 'yon." Napaungol na lang ako kasabay ng biglang pamumula dahil sa sinabi nito. "Tsaka bukas pa kami magkikita. Sabi niya may sasabihin lang naman siya."

"Na pwede namang i-text," tukso nito sakin habang pilit ko namang nilalabanan ang pagngiti.

Kainis, wala namang nakakangiti sa sinabi ni Mama pero bakit ganito na lang lagi ang reaksyon ko tuwing nababanggit ang nalalapit naming pagkikita.

Pagkatapos kong sabihin kay Kuya J during the game na magkikita kami ni Mase before Christmas, talaga namang gumanti ito by telling every single person in our household. And it gave me a little frustration at some point. Naku-curious sina Lola at maya't mayang nagtatanong. Gosh.

Etong si Mama naman, mukhang sinasakyan pa.

"Gusto mo bang ihatid ka ni Mang Tonyo o ni Kuya Drigo mo?" narinig kong tanong ni Mama na nagpagising sa diwa ko.

"Kahit hindi na Ma. Pero siya nga pala, baka dumaan ako sa condo mamaya kasi may nakalimutan lang ako and then bukas, babalik ulit ako kasi magkikita kami ni Charlie sa umaga. Baka sa condo na din kami maglunch niyan."

"Kung ganoon, bakit hindi ka na lang sumabay sa office mamaya? May ibibigay ako sayo. Baka makalimutan ko na naman eh. Naiwan ko kasi sa opisina."

Tumango ako. "Okay lang, Ma."

Nang makarating kami sa entrance ng building ay tinanong pa muna niya ako kung nagmamadali ako. Umiling ako. And I later understand why she asked. She makes time for her employees. Lahat kinukumusta niya. And they didn't just greet my mother with respect, nandoon ang paghanga. Kahit boss siya, hindi takot ang mga empleyado nito dito. She's truly down to earth. Napangiti na lang din ako habang nagmamasid. Lihim ko pa siyang inasar habang nasa na elevator kami.

"Parang kandidato lang, Ma?"

"Ssh," natatawang saway nito dahil natawa din si Kuya Drigo.

Nang makapasok kami sa pinaka-private office niya ay may kinuha ito sa drawer. It looked like a jewelry box.

"Advance Christmas gift mo ba 'to?"

"Kailangan ba ng okasyon para bigyan kita ng regalo, anak?" nakangiting tanong nito. "That's a personalized necklace. Look." Hinubad nito sa leeg ang nakatagong suot na kwintas. It has a round shaped pendant. Kung hindi mo titignan ng mabuti, aakalain mong spiritual kind of thing siya. Akala ko nga si Mother Mary ang naka-engrave doon. But when I look at it intently, I realized, it was me. And at the back was the script written the words: You and Me. Forever.

Binuksan ko ang box na binigay niya and I saw that mine was her face engraved on it and with the same script at the back.

"I love it, Ma. Thank you for this. Pero hindi ko naman kailangan ng necklace para maalala ka lagi," nakangiting saad ko dito.

"I know you're not fond of jewelries pero gusto kong kahit yan lang, kung hindi mo man suot... basta lagi mong dala, okay? Maipapangako mo ba sakin yan, anak?"

"Yes, Ma."

"O siya, baka ma-late ka sa date mo mamaya."

I blushed. "Mama! Bukas pa nga kami magkikita."

Ngumiti lang ito sa reaksyon ko.

"Young love... Hmm." Narinig ko pang usal niya bago ako tuluyang nakalabas ng pinto.

I was truly impressed by the necklace na sa sobrang butingting ko niyon habang palabas ng building ay may nakabunggo tuloy akong babae. Nakakahiya. Grabe nga ang pa-sorry ko eh mukha kasing suplada. Nasa early forties na yata 'yon. Baka mamaya kliyente pa pala ni Mama.

Hinatid naman ako ni Tatay sa condo at saka ako umakyat sa unit para kunin ang eco bag kasi mamimili ako ng groceries para sa plano naming pagbe-bake ni Charlie bukas. Hindi ko alam kung tama na lahat iyon kasi ni-research ko lang sa internet. Ipapa-check ko na lang kay Charlie bukas kung may dagdag siya.

Kinagabihan, natuloy naman ang dinner namin ni Mama. Sa Yakimix kami kumain sa Podium. Nilakad lang namin mula sa condo. Kasama din namin dapat 'non si Kuya Drigo pero sabi niya mag-iikot-ikot lang daw muna siya sa mall habang nagba-bonding kami ni Mama. Busog pa naman daw siya.

Mama and I talked and talked like we're making up for the lost times. Minsan sinasaway niya ako at pinapangaralan kapag tingin nitong ang mga ginagawa ko ay out of hand pero most of the time, she just listens. It's like she wants to hear all of my thoughts. Ganito talaga kami minsan kapag kumakain kami ng dalawa ni Mama sa labas. It feels like we are the only people inside the room.

And we don't mind at all.

We would make plans. Out of town or out of the country trips.

At minsan pa, tinutukso niya ako kay Mason. She asked me kung kumportable akong pag-usapan iyon, kung gusto kong magshare. Matagal ako bago sumagot ng, oo. The point is, bakit ko kailangang magtago sa nanay ko? Wala naman akong ginagawang masama, hahaha. Pahapyaw na naikwento ko dito ang nangyari sa Lantern parade at kung paano ko nalaman na si sapio girl at ako ay iisa. Maya't maya nga siyang natatawa sakin.

And although I thought she will bombard me with questions, she only asked about how I feel and gave possible scenarios of what might happen kapag nagkita kami ni Mason.

It was a calm, straightforward question coming from her pero kumakabog pa din ang dibdib ko habang nakatingin dito na tila nakasalang ako sa witness protection program ng high profile criminals. Yung tingin mo anumang oras may papatay sayo.

Ganito ba talaga kapag may gusto kang tao at nagtanong ang nanay mo?

Hindi ko alam kung may alam si Mama tungkol kay Aidan. Kung may nasabi sina Kuya sa kanya. But it's all in the past now and I shouldn't think of that. Pero the feelings that I have right now parang...

Napabuntong-hininga ako. "Parang... gusto ko siya, Ma. Kasi... parang lagi ko na siyang iniisip. Minsan, ina-anticipate ko pa ang mga text niya."

At ayoko na ding idagdag pa kay Mama na minsan kapag wala akong magawa, babalikan ko ang mga palitan namin ng text at mangingiting mag-isa. 'Cause I already know that by telling her what I just said, I am already blushing from my own embarrassment. Baka pagkamalan na naman akong baliw ng sarili kong ina.

Pero si Mama... tss. Hindi ko alam kung pinipigilan niya ang pagngiti o tawa kasi kagat-kagat nito ang ibabang labi. Nagmukha siyang mas bata tignan sa ginawa pero dahil doon ay mas lalo lang akong namula sa sariling kahihiyan.

"Mama!" ungol ko.

Tuluyan na itong natawa. "I'm sorry, but you looked so cute right now, baby."

Umirap lang ako dito at yumuko.

Saglit itong tumigil bago marahang inabot ang baba ko paharap dito. "I don't see any problem kung magkagusto ka kay Mason. Hindi lang naman siya magandang lalaki, matalino din at mabait. But my follow up question is... Kung sakaling manligaw siya sayo, what will you do? There's a possibility na iyon ang rason kung bakit niya gustong makipagkita ng personal. To personally ask your permission to court you."

Matagal akong nag-isip kung paano iko-construct ang sagot ko. I was trying to visualize the scenario in my head, the time we are facing each other and he will finally ask that question.

Napatingin ako kaya Mama. Obviously, naghihintay ng sagot ko.

"Well? Was it too hard for you?" She said, rather amused by my deep thinking.

"No. Not really. Pero kasi... uhm. Ano. Alam ko na ang sagot ko, pero paano ba sumagot nang hindi ganoon ka-eager Ma, kapag sinabi ko sa kanya na okay lang na manligaw siya?"

Napuno na lang ng halakhak nito ang table namin.

"My Louie Antoinette. You are really something, anak," saad pa nito na tawa pa din ng tawa.

There's no point denying that I really like Mason. That this feeling that I have for him is not purely friendship. We have crossed that line, I know.

For the past months, alam kong lalo ko lamang siyang nagugustuhan. I've thought about it in a while and I guess if he is really willing to court me, it's worth a shot to somehow let him show me how he truly feels about what we have.

Walang masama. Walang masama kung hahayaan ko ang sarili kong maramdaman 'to 'di ba?

AN:
Hinati ko yung pang-update. Hindi ko mapulido ang pasok ng last scene, so ewan kung mahahabol ko before Christmas pero unang installment muna tayo. Sabi ni ate hunnydew sa December 23rd daw mag-update ako ulit hahaha. Sige, try ko tapusin at ipulido 'to. Pasensya ang bagal. Hirap isingit eh. Student life plus working and adulting got me so bad. :'(

Continue Reading

You'll Also Like

19.1K 1.9K 63
KF BOOK 2: SEMI EPISTOLARY Date Ended: November 16, 2022
1.3M 26.5K 47
[ Stanford Series #1] [FIN] She tends to forget a lot of things. She often forgets locking her unit. She forgets doing her grocery. She forgets her f...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
477K 23K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...