CHLOE's POV:
nakahiga na kami sa kama ni Dylan.. Magkatabi pero andun pa rin ang limitation between us. Tumingin ako sa kaniya.. Tulog na.. Hinawakan ko yung mukha nya.. Mamimiss ko ang Dylan na to. Napapaisip ako sa darating na graduation. Haist.. Paano na kaya ako nun?
"matulog ka na.. May pasok pa bukas. Wag mong isipin masyado yun.." nagulat ako .. Gising pa pala..
Tumagilid na ko ng higa. Natulog na rin ako.
------
nandito na ko sa room.. Si Dylan andun na rin sa private room nila kasama sina Ken.
Haaay.. Walang bago. Lecture. Quiz. Recitation. Sulat.
Hanggang sa matapos.. Naisip ko pa si Jacob. Pag ganitong tapos na ang klase namin.. Sabay kaming naglalakad.. REMINISCING.. ToT
naglalakad ako mag isa ngayon sa corridor.. Nang may biglang humarang sa daraanan ko.. Tumingin ako kung sino..
"tignan mo nga naman.. Sa lahat ng makakasalubong bakit ito pang ordinaryong babae na to.. Tss!" si Maureen. Kung sipain ko kaya to.
"anong tingin mo sa sarili mo? Alien? Sabagay, obvious naman." tas ngumiti ako ng ma-ala-devil. WAHAHA!
"a-alien? Kapal ng mukha mo!"
"tulad mo sa mukha mo, manipis.. HAHAHA!" dumarami na ang audience namin. Ge lapit lang kayo. HAHAHA! Napakagandang laban to..
"aaarrrggh!! You'll pay for this!" bigla syang tumakbo paalis.. Sumigaw ako..
"ano naman sakin?!"
"wow! Nice Chloe!" may pumalakpak.. Si Ken.. Mico.. Si Dylan?
"gandang eksena nun ah! Sana pala vinideohan ko.." sabi ni Mico.
"palaban talaga! Teka. Kung hinahanap mo si Dylan, nandun sya sa Gym kasama yung iba naming kasamahan.."
"di man lang nagsabi sakin." sabi ko.
"gusto mo puntahan natin?" tanong ni Ken.
"oo sige.."
papunta na kami ngayon sa Gym..
Eto nakarating na..
"yow!" si Ken.. Biglang nagtinginan yung mga kasamahan nila sakin.. Pati si Dylan parang nagulat.
"ang cute! Bago mo Ken?" tanong nung taas-taas na buhok na lalaki..
"hindi ah.." tanggi ni Ken..
Palapit na sila sakin.. Bigla akong kinilabutan.. Ano ba to?!
Nagulat kaming lahat ng biglang binato ni Dylan yung bola sa direksyon namin na tumama sa pader.. At nagbounce at nasalo naman nung isang lalaki na chinito.. May mga itsura silang lahat. Pansin ko lang. Biglang nagsalita si Mico.
"guys! Relax kayo! She's Chloe.."
"Don't touch her or else--"
"ok boss! Di na.. 'to naman. Galing mo rin pipili ah.." sabi nung kasamahan niya..
"ou nga boss..Chill""
biglang lumapit sakin si Dylan.. Lumayo kami ng konti s kanila.
"what are you doing here?!" tanong nya na parang naiinis.
"namimiss lang kita. Ayaw mo ba?" tanong ko..
"tss! Mauna ka ng umuwi. May practice pa kami. Mamaya pa tapos nito." bakit parang ayaw niyang nandito ako??
"ayaw mo bang nandi---"
"Chloe..O gusto mo ipahatid nalang kita kung ayaw mo umuwi mag isa?" iba ang aura niya.. Para akong nasasaktan.. Gusto ko lang naman sya makita.
"sige. Ako na lang.. Ingat ka na lang.." tumalikod na ko pagkatapos nun..
Parang gusto kong umiyak kasi feeling ko ang sakit. Parang ang lamig nya sakin ngayon. Di naman siguro.. Ganito lang talaga siguro..
Nakalabas na ko ng gym. Akala ko hahabulin nya ko. Hindi pala.. Nag taxi ako papunta sa condo ni Dylan.
Dito na ko. Nagluto na ko,para pagdating nya.. May kakainin sya..
Nandito ako sa sala.. Nakaupo. Hinihintay na may pumasok mula sa pinto. Tingin sa fone kung may text. Wala rin.. Pass 9pm na wala pa rin sya.. Tawagan ko na kaya..
--ring--ring3x
--toot--toot--toot
number busy
bakit nya pinapatay? Baka busy lang sa practice.. Humiga na ko rito sa sofa..
Naidlip na pala ako.. 11pm na. Bakit wala pa rin sya?
Sakto pagtayo ko sa sofa.. May pumasok mula sa pintuan..
"bakit ngayon ka lang?" tanong ko..
"tss. Pagod ako. Let me sleep.."
"kain ka muna.. May niluto ako.."
"kaw na lang kumain. Busog ako.."
"busog din ako .."
"tapon mo na lang. Gusto ko na matulog!"
"Dylan teka nga.. Wag mo kong sigawan. Napapansin ko mula kanina, parang may bago? May nagawa ba ko?"
"tss! Wala." nagtuloy-tuloy sya sa kwarto.. Ako? Naiwan dito sa salang nakatayo. Patuloy na umaagos ang mga luha.. Masakit yun.. Kala ko nakangiting Dylan ang sasalubong sakin.. Hindi pala.. Mali..
----