The Gorgeous Nanny (The Neigh...

By jglaiza

6.8M 138K 5.5K

PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Mee... More

Author's Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II
Published under Pop Fiction

Twenty-One

138K 2.5K 49
By jglaiza

Chapter 21
Like and Love

**

Tulad ng napag-usapan, after lunch ay umuwi na kami sa Manila. Gabi na nang makarating kami sa bahay ng parents ni Joseff. Doon na kami dumiretso dahil naroon ang kotse niya na naiwan noong nag-celebrate kami ng Pasko. Sinundo naman kami ng driver ng parents niya sa airport.

Dahil gabi na, hindi na muna kami pinauwi ni Tita Melissa. Natatakot kasi siya na baka may mangyari pang masama sa amin sa daan lalo na at pagod kami. Hindi na umangal si Joseff kaya doon na kami natulog.

Kinabukasan, kumain muna kami ng late breakfast bago kami umuwi. Bago kami umuwi ay nangako pa si Joseff sa kanyang mga magulang na doon kaming lahat magce-celebrate ng New Year. Tita Melissa made sure that I'll celebrate with them again. Kahit nahihiya ay pumayag na lang ako.

Habang nasa biyahe kami pauwi ay naisip kong magpaalam kay Joseff. Gusto ko sanang puntahan sina Eunice at Bree para ibigay sa kanila ang mga pasalubong ko. Isa pa, nami-miss ko na rin sila kahit na ilang araw pa lang naman kaming hindi nagkikita. I miss hanging out with them.

I also have something to ask them.

"Seff, is it okay if I go out later?" I asked.

Napansin ko ang pagkunot ng noo niya habang diretso lang ang tingin sa daan.

"Where are you going?" he asked.

"I just want to visit my friends."

Nang sabihin ko iyon, nawala ang pagkakakunot ng noo niya. Napahinga siya nang malalim. Ako naman ang napakunot-noo dahil sa pagtataka sa ipinakita niyang reaksyon. Parang may problema siya nang sinabi kong lalabas ako pero nang sabihin kong pupuntahan ko ang mga kaibigan ko ay parang nakahinga siya nang maluwag.

"Okay," he said.

Nagkibit-balikat na lang ako at hindi na pinansin pa ang reaksyon niyang iyon. At least pumayag siya. Baka kapag nagtanong pa ako ay baka bawiin niya ang pagpayag niya. Anyway, gagawa at gagawa pa rin naman ako ng paraan para makalabas kung sakaling hindi siya pumayag.

Pagdating namin sa condo niya, sinabihan na lang niya ako na sila na ni Nana Sonia ang mag-aakyat ng mga gamit. Ako na lang daw ang bahala kay Zoey na kasalukuyang natutulog. Hindi na ako umangal at sinunod na lang ang sinabi niya.

Pagkatapos kong maihiga si Zoey sa kanyang kama, nagpasya akong tulungan na sina Nana Sonia at Joseff sa pag-akyat ng mga gamit. Pero mukhang huli na dahil nakita kong naipasok na nila sa condo ang lahat ng gamit. Pati ang gamit ko ay nakita kong naroon na sa sofa. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpasyang ayusin na lang iyon sa kwarto.

Nang matapos akong mag-ayos ng gamit ay naligo naman ako at nag-ayos para bisitahin ang mga kaibigan ko. I already texted them earlier that I want to spend some time with them. They said they'll be waiting in front of Eunice's house. Sinabi kong doon na lang kami kina Eunice dahil sigurado akong hindi ganoon kalinis sa bahay namin. Baka may mga alikabok na.

After getting ready, I grabbed my bag and car keys. Bago ako umalis ay kumatok muna ako sa kwarto ni Joseff para magpaalam. Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa akin ang kanyang gwapong mukha. Nagtaas siya ng kilay na parang nagtatanong kung bakit ako kumakatok.

"Aalis na ako. Babalik na lang ako mamaya. Kapag hinanap ako ni Zoey, just tell her I'm going out for a bit," sabi ko.

Tumango siya. "Okay. Take care."

Pagkasabi niya no'n ay sinara na agad niya ang pinto. Napanganga ako dahil sa ginawa niya. So, ganoon lang iyon? Anong problema niya? May galit ba siya sa akin? Ang sarap niyang batukan.

Napabuntong-hininga na lang ako at hindi na iyon pinansin. At least he told me to take care. Okay na rin iyon kaysa wala siyang pakialam. Wait. Why do I even think about that anyway? Ugh! Parang tanga.

Nagpaalam rin ako kay Nana Sonia na kasalukuyang nasa kusina nang mga oras na iyon. Hindi ko na binalak pang pumasok sa kwarto ni Zoey dahil baka magising ko pa siya. Hindi ko siya pwedeng isama ngayon dahil balak kong yayain sina Eunice at Bree na mag-party mamayang gabi. Sana lang ay pumayag sila. Minsan lang naman akong magyaya kaya sana ay mapagbigyan nila ako.

Mabuti na lang at walang traffic ngayon kaya mabilis akong nakarating sa bahay nina Eunice. Tulad ng inaasahan ko, naroon na nga sina Eunice at Bree na naghihintay. Napangiti sila nang makita ako.

I immediately hugged them after I went out of my car.

"Girls, I missed you!" I said before hugging them. Bigla naman silang tumawa na ipinagtaka ko. Humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kanila.

"Grabe ka, Saff. Noong Sabado lang ay nagkita tayo tapos na-miss mo na kami?" tanong ni Eunice.

Napanguso ako. "Nasanay lang kasi ako na lagi ko kayong kasama noon. Sus naman! Aminin niyo. Na-miss niyo rin ako."

Mahinang tumawa si Bree. "Oo na. Na-miss ka rin namin lalo na at ikaw ang pinakamaingay sa atin."

Natawa na lang ako sa kanyang sinabi. Hindi naman ako aangal doon. Napansin ko rin naman talaga na ako ang pinakamaingay sa aming tatlo. Pinakatahimik si Bree at si Eunice naman, sakto lang.

"Ang mabuti pa, pumasok na tayo sa loob," sabi ni Eunice. Sumunod naman kami ni Bree sa kanya.

Maliban sa mga katulong, si Eunice lang ang nasa bahay nila ngayon dahil nasa hotel nila ang kanyang parents. Ganoon din si Niel dahil doon ito nagtatrabaho. Of course, Ate Bea and Kuya Angelo are at their own house.

Sa kwarto niya kami dumiretso para magkaroon ng privacy. Nagpadala na lang siya ng meryenda roon. After a few minutes, kasalukuyan na kaming kumakain habang nagkukwentuhan ng kung ano-ano.

I told them what happened during my vacation. Sinabi ko rin na gusto kong bumalik ulit ng Camiguin pero gusto ko ay kasama ko na sila. They liked the idea and we agreed to go there next year.

Ngayon na nabanggit ko ang tungkol sa nangyari sa bakasyon ko kasama sina Joseff, biglang sumagi sa isip ko ang isang bagay na gusto kong itanong sa kanila. I don't know if they know the answer to my question but I'll still ask. Besides, imposibleng hindi nila masasagot  ang tanong ko lalo na ni Eunice. Sigurado akong alam ni Eunice ang sagot.

"Girls, may itatanong sana ako," panimula ko. "Paano mo ba malalaman kung gusto mo na o mahal mo na ang isang tao?"

Nahalata ko ang pagkagulat nila dahil sa tanong ko. Hindi na ako magtataka kung bakit. It's actually unusual for me to ask something like this. But I just really need to ask. Ayoko namang maging inosente tungkol sa bagay na iyon habambuhay.

"Whoa! Are you really asking us that, Saff? It's the first time you asked us something like that," Eunice said.

"I know. I just really want to ask," I replied.

"Why? May nagugustuhan ka na ba?" tanong ni Bree.

Nagkibit-balikat ako. "I don't know. Kaya nga ako nagtatanong sa inyo kasi hindi ko alam. I don't know if I already like someone. Paano ba kasi malalaman kung nagugustuhan mo na ang isang tao?"

"You've been flirting with a lot of guys tapos hindi mo alam kung may nagugustuhan ka na ba? Parang imposible naman yata iyon," sabi ni Eunice habang nakakunot-noo.

"Ayun na nga, eh. I was just flirting. It's not serious. Ang sinasabi ko, paano mo malalaman kung seryoso mo nang nagugustuhan ang isang tao?"

"Actually, wala akong masyadong alam diyan dahil hindi pa naman ako nagkaka-boyfriend. But I do have a lot of crushes before. I think counted naman iyon para masabi mong nagugustuhan mo na ang isang tao," sabi ni Bree. "Gusto mo ang isang tao kasi may isang bagay kang nagustuhan sa kanya. Or you just simply like him as a person. Maybe you like him because of his personality or how the way he treats you."

Napatango-tango ako. "Paano naman kung mahal mo na ang isang tao?"

Saglit siyang nag-isip. "Hmm… sa totoo lang, wala akong alam diyan kasi hindi ko pa naman nararanasang ma-in love. At tingin ko, kahit gaano karaming libro ang mabasa ko, hindi ko pa rin iyon maiintindihan. Siguro mararamdaman na lang talaga natin iyon."

Tumango ako. Kahit papaano ay medyo naiintindihan ko naman. Bumaling naman ako kay Eunice.

"Ikaw, Eunice? Paano mo nalaman na may gusto ka na pala kay Niel noon?" tanong ko. Napangiti siya sa tanong ko.

"Hmm… Paano nga ba? Sa pagkakaalam ko kasi, noong unang beses pa lang kaming nagkakilala, gusto ko na siya. Tuwang-tuwa talaga ako sa kanya noon kaya pinilit ko talaga na maging kaibigan siya," nakangiti niyang sabi. Para bang tuwang-tuwa siya nang maalala iyon. "Para sa akin, malalaman mong gusto mo na ang isang tao kapag gustong-gusto mo siyang kasama at kausap. Kapag gusto mo ang isang tao, masaya kang kasama siya. Usually, it's a mutual feeling.  Kapag madalas kayong magkasama, it means you like each other's company. Mahirap talagang ipaliwanag pero mostly, nararamdaman naman iyon sa mga magkakaibigan. Parang tayong tatlo. We like each other that's why we're together."

Napakunot-noo ako. "So, you mean you can just like anyone?"

Tumango siya. "Ganoon na nga."

Napatango-tango ako.

"Hindi ko na itatanong kung paano mo nalaman na mahal mo na pala si Niel. Ang itatanong ko na lang, paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao?" tanong ko.

Napangiti siya. "Alam mo, nagtataka talaga ako kung bakit mo tinatanong sa amin iyan, eh. Samantalang noong mga panahong namomroblema ako about sa love life, nandiyan ka para pagsabihan ako sa mga dapat gawin na para bang alam na alam mo ang dapat gawin."

Napairap ako. "Mga problema naman iyon na madali lang solusyunan. It's common sense. It's not like you asked us if you're already in love with Niel or not. You just asked us what to do for this and that."

"Alam mo, sagutin mo na lang. Baka sakaling may matutunan din ako para sa future," sabi ni Bree.

Tumikhim siya. "Ganito kasi iyan, girls. Between opposite sex, you can like anyone or everyone, but you can only love one."

"What do you mean?" I asked.

"What about our family? Kayo? Mahal ko rin naman kayo, ah," sabi ni Bree.

Natawa si Eunice. "Baliw. Siyempre, iba iyon. Iba naman ang love between family and friends sa love na sinasabi ko. It's love between a man and a woman."

"Oh, ano nga?" tanong ko.

"Kapag gusto mo ang isang tao, masaya kang kasama siya. Pero kapag mahal mo na ang isang tao, parang hindi na kumpleto ang araw mo kapag hindi mo siya nakikita. It's like you can't live without that someone anymore. Liking someone means you adore him but loving someone means you accept everything about him. Whether he's rich or poor, good-looking or ugly, arrogant or kind, you won't care anymore because you love him. You love him because that's who he is," she said. "There's a huge difference between like and love. Like is an instant feeling while love takes time to develop. Hindi pwedeng ngayon, gusto mo siya. Tapos bukas, mahal mo na."

"Paano naman iyong mga nasasaktan? Posible ba na kahit ilang beses ka nang nasaktan ng taong mahal mo, mahal mo pa rin siya?" tanong ni Bree.

Tumango si Eunice. "Oo naman. Sabi nga nila, hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Sa mundong ito, walang nagmahal na hindi nasaktan. Actually, mas mapapatunayan mo pa nga sa sarili mo na totoo ang pagmamahal mo sa kanya kapag ilang beses ka na niyang nasaktan pero mahal mo pa rin siya. Na kahit ilang beses ka na niyang nasaktan, kayang-kaya mo pa rin siyang patawarin at mahalin."

Natahimik kaming dalawa ni Bree. Napakunot-noo ako at napaisip. Ang komplikado pala. Mahirap intindihin pero tingin ko ay naiintindihan ko naman. Ang gulo ba?

Napabuntong-hininga ako at bumaling kay Eunice.

"Wala bang ibang paliwanag para mas lalo naming maintindihan? Naiintindihan ko naman pero parang ang komplikado kasi. Hindi ba pwedeng kapag naramdaman mong bumilis ang tibok ng puso mo ay ibig sabihin mahal mo na siya?"

She smiled. "Like I said, love takes time. Hindi dahil bumilis ang tibok ng puso mo ay mahal mo na siya. Pwede namang kinakabahan ka lang o napagod ka sa pagtakbo kaya ganoon. Pero para mas maintindihan niyo, magbibigay ako ng kaunting halimbawa."

Naging attentive kami ni Bree. Tumikhim muna si Eunice bago nagsalita.

"Mahal mo na ang isang tao kapag pakiramdam mo hindi na kumpleto ang araw mo kapag hindi mo siya nakikita o nakakausap. Mahal mo na siya kapag bago ka matulog ay naiisip mo siya at kapag paggising mo ay siya agad ang una mong naiisip. Mahal mo na siya kapag nacu-curious ka sa lahat ng bagay tungkol sa kanya, kung anong ginagawa niya ngayon, kung kumusta na ba siya, kung kumain na ba siya o kung bakit hindi pa siya nagte-text o tumatawag sa'yo. Mahal mo na siya kapag kahit sa simpleng joke niya ay sobra ka nang natatawa. Mahal mo na siya kapag nagsisimula ka nang mairita kapag nakikita mong may iba siyang kasama lalo na kapag babae. Mahal mo na siya kapag sobrang selos na selos ka na," sabi niya. "When you start to feel an unfamiliar feeling towards him that you haven't felt before, try to ask yourself why. Malay niyo, mahal niyo pala. Pero alam niyo kung ano ang mas malalang pwedeng mangyari para malaman mong mahal mo na pala siya? Kapag iyak ka na nang iyak dahil sobrang sakit na. Kaya ka nasasaktan ng sobra kasi nagmamahal ka."

Pagkatapos sabihin iyon ni Eunice, walang nagsalita ni isa sa amin. Kahit ako ay hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang tanging naiisip ko lang sa mga oras na ito ay ang nararamdaman ko para kay Joseff nitong mga huling araw na magkasama kami.

It's not love. Sigurado ako roon. Base na rin sa mga sinabi ni Eunice, hindi love ang nararamdaman ko para sa kanya. But I admit. I like him. Yes, I already felt an unfamiliar feeling towards him but I think it doesn't mean I'm already in love with him. Hindi ko pa naman nararamdaman lahat ng sinabi niya. Kaya ko pa namang mabuhay nang wala siya. Hindi ko naman siya madalas na iniisip. Curious ako sa ibang bagay tungkol sa kanya pero hindi ko naman madalas naiisip ang tungkol doon. I love his company, though. Kahit na nakakainis siya minsan, masarap pa rin naman siyang kasama.

Besides, I really adore his looks. Ang gwapo niya kaya.

Well, at least it's clear. It's clear that I like him. Like, not love.

Pero 'di ba nagsisimula ang love sa like?

"Iyon lang. Kapag naramdaman niyo na lahat ng iyan, siguro nga in love na kayo. Guides lang naman ang sinabi ko. Iba pa rin talaga kapag nararamdaman mo na. Maguguluhan kayo sa una pero mas mabuti kung tatanungin niyo na lang ng mabuti ang sarili niyo. Para malaman niyo kung mahal niyo na nga ang isang tao, listen to your heart. Not to your mind. Hindi niyan alam ang sagot," sabi ni Eunice at bahagyang natawa. "Pero tandaan niyo, like can turn into love. Doon naman talaga nagsisimula ang lahat."

Natigilan ako. Paano kung ang simpleng pagkagusto ko kay Joseff ay maging love?

Continue Reading

You'll Also Like

13.3K 291 8
How can loving someone be this hard?
160K 10.6K 57
What are you willing to invest for love? Published: March 24, 2017 Completed: May 21, 2017
24.5M 714K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
5.4M 164K 58
Kelvin Nikola Aragonza's story.