Lucid Dream

By alyloony

14M 573K 277K

Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood... More

Intro
First Dream
Second Dream
Third Dream
Fourth Dream
Fifth Dream
Sixth Dream
Seventh Dream
Eighth Dream
Ninth Dream
Tenth Dream
Eleventh Dream
Twelfth Dream
Thirteenth Dream
Fourteenth Dream
Fifteenth Dream
Sixteenth Dream
Seventeenth Dream
Nineteenth Dream
Final Dream
Dream Goddess (Bonus Chapter)

Eighteenth Dream

412K 21.6K 8.4K
By alyloony

Eighteenth Dream

CALEB


Kailan ko nga ba siya unang nakita?

Bata pa lang ako, kung saan-saang panaginip na ako napapadpad. Nung una, akala ko sariling panaginip ko iyon. Pero nang makilala ko si Dream Goddess, ipinaliwanag niya sa akin ang kakaibang kakayahan ko.

Bukod sa paglu-lucid dream, kaya kong makapag-travel sa iba't-ibang panaginip ng mga tao.

Ako pa lang daw ang kauna-unahang mortal na nakilala niya na may ganoong kakayahan kaya naman tinuruan niya ako. Sa paglalakbay kasi sa panaginip, maari akong maligaw. At kung mapadpad man ako sa lugar na hindi ko dapat puntahan, pwede akong ma-trapped dito.

Binigyan niya ako ng isang kwintas na may star at half moon na pendant. Sa loob ng kwintas na ito ay nakatago ang isang liwanag na laging magbibigay sa akin ng direksyon para hindi ako maligaw.

But the thing is, I want to get lost. I want to be trapped in this wonderful world. My life in reality is hell.

Ayoko na roon. Gusto ko nang takasan.

May isang beses, sa paglalakbay ko sa panaginip, nakakita ako ng isang mahabang tulay. Isang tulay na nasa gitna ng tubig. Sa tubig ay maraming lumulutang na ball of lights.

Tumawid ako sa tulay na 'yun hanggang sa may marating akong pinto na kulay ginto. Binuksan ko ang pinto na 'yun at hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Isang kaharian na napapaligiran ng mga lumulutang na bituin. Sa kaharian na ito, puro mga elves at faeries ang nakikita ko.

Alam kong wala ako sa panaginip ng ibang tao. Alam kong tunay ang nakikita ko.

Dahil nandito ako sa Tala. Ang kaharian nina Dream Goddess. Ang reality sa gitna ng mga panaginip.

Dito sa kaharian na ito, kilala si Dream Goddess bilang Princess Celeste. Siya ang nag-iisang anak ng hari nilang si Sirius.

Mabait si Prinsesa Celeste. Gusto siya ng lahat. Matulungin siya. At kahit sa akin ay ang laki na nang naitulong niya.

Ngunit hindi niya magawang pagbigyan ang kaisa-isang kahilingan ko.

Gusto ko nang manirahan sa mundo nila. Gusto ko na nandito na lang ako sa Tala. Pero ayaw niya.

Hindi raw para sa mga mortal ang lugar na ito. Ikamamatay namin ang pamamalagi rito. Maaring manatili kami ng ilang taon pero sa kalaunan ay bigla na lamang mawawala ang existence namin.

At hindi na namin magagawang makabalik sa reality namin.

Pero sa akin, ayos lang 'yun. Parang patay na rin naman ako sa bahay namin eh. Laging sigawan nina Mama at Papa ang naririnig ko. Nakalimutan na nila ang existence ko.

Ano pang saysay na mabuhay ako?

Siguro hindi nila mapapansin na nawala na ako. Masyado kasi silang busy sa trabaho nila at sa pag-aaway nila. Gumawa ako ng paraan. Kung ayaw akong tulungan ni Prinsesa Celeste, ako na ang tutulong sa sarili ko.

May isang faerie na nakapagsabi sa akin na puntahan ko ang isang old elf na naninirahan sa isang kweba sa gitna ng kagubatan. Makakatulong siya sa akin kung ano ang dapat kong gawin.

Sinunod ko ang payo niya. Pinuntahan ko ang old elf na ito. At tama nga, ito ang nagbigay sa akin ng payo sa kung anong pwede kong gawin.

Dito sa Tala, ang mga elves at faeries ang bumubuhay sa panaginip ng mga tao. Kada gabi ay naghuhulog sila ng isang bola ng liwanag sa magical lake na nasa gitna ng Tala. Bawat isang bola ng liwanag ay katumbas ng isang panaginip ng isang tao.

Sabi ni old elf, kailangan ko lang daw ihulog sa magical lake ang kwintas na ibinigay sa akin ni Prinsesa Celeste. Naglalaman din kasi ng liwanag ang kwintas na iyon. At pag ginawa ko iyon, tuluyan na akong makukulong sa mundong ito.

Binalaan din niya ako sa kung ano ang pwedeng mangyari sa akin. Tatlong taon lang ako mabubuhay. Pag natapos iyon ay mawawala na ang existence ko. Pero mas pinili ko nang mamatay sa paraiso kesa sa impyerno kaya ginawa ko iyon. Inihulog ko ang kwintas na ibinigay ni Prinsesa Celeste.

At tuluyan na akong nakulong sa mundo ng mga panaginip.

Sobrang saya ng pakiramdam ko.

Feeling ko, for the first time, malaya na ako.

Marami akong naging kaibigan na elves at faeries. Gusto rin nila ako.

Dito, may nag-aalaga sa akin.

Dito, hindi ako invisible.

Dito, masaya ako.

Or so I thought.

Isang beses, nang bisitahin ko sa palasyo si Prinsesa Celeste, napadpad ako sa isang kakaibang kwarto. Kulay itim ang dingding at kisame pero may kumikislap-kislap na puting liwanag sa buong paligid. Parang kalangitan na puno ng bituin sa langit.

Walang kahit anong nakalagay sa kwartong ito maliban sa isang lamesang kulay ginto na nasa harapan ko. May isang maliit na bato na kulay asul na nakapatong sa lamesa.

Nilapitan ko ito at hinawakan. At nagulat ako sa narinig ko.

Si Mama. Ang boses ni Mama. Kinakausap niya ako. Sinasabihan niya ako na bumalik na ako. Na ako na lang ang meron siya. Paulit-ulit siyang nagso-sorry sa akin. Umiiyak siya. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa braso ko. Narinig ko ang sakit sa tinig niya. Gusto kong imulat ang mata ko. Gusto kong igalaw ang braso ko. Gusto kong magising. Pero hindi ko magawa. Ayaw gumising ng diwa ko. Hindi ko magawang buksan ang mata ko.

Nakaramdam ako ng isa pang kamay at nang tumingin ako sa gilid ko, nakita ko si Prinsesa Celeste na nag-aalalang nakatingin sa akin.

Ipinaliwanag niya sa akin ang nangyari. Isang magical object pala ang batong yun. May kakayahan na dalhin ako sa reality pansamantala. 'Yun nga lang, dahil sa reality talaga ako nakatira, nakabalik ako sa katawan ko na ngayon eh ayaw nang gumising.

Sabi ko kay Prinsesa Celeste, nagsisisi na ako. Gusto ko nang bumalik. Kailangan kong balikan si Mama. Nag-iisa na lang siya. Hindi na ako pwedeng mawala sa kanya.

Hindi.

Pero wala na raw paraan.

Sabi ko, gagawin ko ang lahat.

Ang lahat.

Sabi niya, may isang paraan, pero mahirap. Hindi maganda.

Tinanong ko kung ano ito. Willing akong subukan kahit mahirap pa 'yan.

Sabi niya, kailangan kong makahanap ng papalit sa akin. Isang mortal na gustong takasan ang reyalidad. Isang mortal na gustong tumira sa mundo ng mga panaginip.

Kaya umalis ako sa Tala at nagpalipat-lipat ulit sa iba't-ibang panaginip ng mga tao. Naghahanap ng mortal na pwedeng sumalo sa kapalaran ko. 'Yung gusto nang tumakas sa reyalidad nila.

At napunta ako sa panaginip niya.

Sa panaginip ni Angelique.

Unang tingin ko pa lang, alam kong lucid dreamer na si Angelique. Masyadong solid ang panaginip niya. At tama nga ako kasi nang bumalik siya, ganun pa rin ang scenario sa panaginip niya.

Kinokontrol niya ito.

Nandoon lang ako sa panaginip na 'yun at laging nagmamasid sa kanya. Minsan, iniikot ko ang paligid. Iniisip ko, ba't ganito ang setting ng panaginip niya? Bakit gustong-gusto niyang bumabalik dito?

Anong meron sa reality niya at ganito ang ginawa niya sa panaginip niya?

Naupo ako sa ilalim ng isang cherry blossom tree habang nakatingin kay Angelique na masayang nakikipag-usap sa isang lalaki na gawa rin ng panaginip niya. Pagpatong ko ng palad ko sa damuhan, may nakapa ako.

Isang pendant.

Inangat ko ito at nagulat ako nang makita ko ang kwintas na ibinigay ni Prinsesa Celeste sa akin.

Bakit ito nandito?

And then, it hit me.

Ang mga liwanag na inihuhulog sa magical lake ang nagbibigay buhay sa bawat panaginip ng mga tao.

Katumbas ng isang liwanag ang pendant na ito. At nang ihulog ko ito, nagkaroon ito ng bagong pwesto para sa isang panaginip.

Ang liwanag na hinulog ko ang dahilan kung bakit nabuo ni Angelique ang panaginip na ito.

Dahil sa akin. Kaya masyadong solid. Dahil hindi lang nag-iisang taong gustong makatakas sa reality ang bumuo ng panaginip na ito. Dalawa kami.

Fate bang matatawag 'yun? Si Angelique na ba ang taong papalit sa akin dito? Siya na ba ang magiging susi para makabalik ako sa reality?

Siya na ba ang sasalo sa kapalaran ko?

Mas lalo ko siyang in-obserbahan. Pero the more na pinapanood ko siya, the more na mas naku-curious ako sa kung anong meron sa reality niya.

May isang beses na nakita ko siya sa rooftop ng school na nasa panaginip niya. Nakatingin sa kabuuan ng ginawa niya.

Hindi siya mukhang masaya.

Malungkot ang itsura niya.

Nasasaktan.

Walang pag-asa.

Napaisip ako.

Baka may magulang din siya sa reality na naghihintay sa kanya. Baka may mga tao rin sa paligid niya na nagmamahal sa kanya.

Baka akala lang niya na pangit ang reality niya pero sa totoo lang, nabulag lang siya sa mga negative na bagay kaya hindi na niya napansin ang mga positive.

Baka katulad ko rin siya.

Parang hindi ko ata siya kayang i-sacrifice.

Bumuntong hininga siya at tumingala. Humangin at humawi ang buhok sa mukha niya.

Ang amo ng itsura niya.

Ang ganda niya.

Gusto ko siyang lapitan.

Gusto ko siyang kausapin.

Gusto ko siyang i-comfort.

Nagdaan ang araw, linggo at buwan. Lagi lang akong nakatingin sa kanya mula sa malayo.

Parang pakiramdam ko buhay na buhay ako kada nakikita ko siya. Paano kasi, ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso ko.

Mabilis. Hindi mapakali.

Ganito ba ang pakiramdam pag nahuhulog ka na sa isang tao?

Sinubukan ko siyang kausapin. 'Yun lang mali ata ang naging paraan ko eh. Mayabang at nakakabwisit ang naging dating ko sa kanya. Umpisa pa lang tuloy ayaw niya na sa akin.

Pero kasi kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung anong approach ang gagawin ko. Ayoko namang ipakita sa kanya na kinakabahan ako. Ayokong mahalata niya na gusto ko siya.

Buti na lang na-redeem ko ang sarili ko. Buti na lang, sa kalaunan, naging okay ako sa kanya.

At nung panahong nagagawa niya nang tumawa sa mga biro ko at ngitian ako...sumuko na ako.

Isinuko ko na ang lahat.

Hindi ko kayang i-give up si Angelique.

Hindi ko kayang i-give up ang kahit na sino pang nilalang.

Kasalanan ko kung ba't ako napunta sa lugar na 'to. Ayokong may madamay.

Haharapin ko ang pagkakamali ko.

Tinawag ko si Prinsesa Celeste sa panaginip ni Angelique. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng plano ko. Humiling ako na sana, pag dumating na ang araw na mawawala na ako, burahin niya ang alaala ni Mama at ni Angelique.

Gawin niyang parang hindi talaga ako nag-exist sa buhay nila.

Na walang Caleb na dumating sa mundo nila.

Na hindi nila ako nakilala.

Mas mabuti na 'yun para hindi na sila mahirapan.

Hindi ko akalain na darating ang point na malalaman ni Angelique ang bagay na 'to. Na mawawala na ako.

Hindi ko ipinaliwanag sa kanya ng buo dahil alam kong mas masasaktan siya.

And knowing her, baka mag-sacrifice pa siya para sa akin. At ayokong mangyari 'yun.

Masakit lang kasi nakita ko siyang umiyak ng dahil sa akin. Ang sakit kasi naramdaman kong ayaw niya akong mawala.

Na gusto niya akong maging parte ng buhay niya.

Hindi ko alam kung mahal ba niya ako o dahil sa itinuring niya na akong isang kaibigan.

Pero okay na 'yun. Ang mahalaga sa akin, nalaman kong mahalaga ako sa buhay niya.

Naramdaman kong mawawala na ako. Naramdaman kong unti-unti nang hinihigop ang buhay ko sa kawalan.

Kaya sinabi ko na kay Angelique ang nararamdaman ko.

Alam kong pagkagising niya, wala na siyang maalala. Pag nagising siya, mabubura na rin ang existence ko sa alaala niya.

Kaya okay lang na sabihin ko na.

Tinitigan ko ang mukha niya. Ang maamo niyang mukha. Ang maganda niyang mata. Ang labi niya, ang ilong at ang pisngi.

I love her. I love her so much.

Paano humantong sa ganito ang nararamdaman ko?

"Angelique... mahal kita..."

Bulong ko sa kanya.

At tuluyan na akong naglaho.

~*~

Pakiramdam ko lumulutang ako sa dagat. Tinatangay ng agos ng tubig. Ang sarap sa pakiramdam. Ang kalmado. Parang ang gaan. Wala na akong dinadala. Payapa ang lahat.

Alam kong masaya ako.

Alam kong wala akong problema.

Iminulat ko ang mata ko at sumalubong sa akin ang isang liwanag. Kumurap ako hanggang sa maglinaw ang paningin ko.

Isang puting kisame.

"Caleb... Anak?!"

Continue Reading

You'll Also Like

142K 3.5K 54
Ang storyang may konting action-romance-at fantacy..
1.8M 89.2K 18
a chasing hurricane and stay awake agatha side-story.
24.6M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...