WANTED PERFECT BOYFRIEND for...

By VixenneAnne

32.4M 828K 96.3K

She's cruel. She's cold. She's Beautiful. She's Powerful. And she badly needs a boyfriend! Sabrina Vee Suarez... More

Author's Note
1. She's the Boss
2. No Suitor? No Boyfriend?Why....?
3. The BF Pressure
4. Her Black Encounter
AUTHOR'S NOTE
5. Pressure!Pressure!
6. Black Encounter Strike 2
7. Black Back Again
8. Black Part of Him
9. The Proposition
10. The Reunion
11. After Shock
12. The Girl for Black
A/N
13. BLACKmail
14. The Demetri's
A/N
15. Missing BLACK
16. Teasing Black
17. Morning Break
18. Spell SELOS
19. Love Game
19. Love Game(2)
20. Beware: Mga lalaking pa-fall
21. Boyfriend on Duty
22. Black all day
23. A rose for an angry lady
24.Moments with Black
25.Diamond Vs Darkness
26.The Fallen Angel
27.Black Tricks
28.Black Intruder
29.The Revelation
30.Lady Veronica's Warning
31.Black Identity
32.Pride and Prejudice
33.When the Devil Returns
34.Chasing Black
A/N Facebook ni Black
A/N Promoting Drico Antonio Divanne
35.The Elusive Black
36.The Plan
37.Black Motives
A/N A Poem from a Reader
38.Black Cares
AUTHOR'S NOTE: FACEBOOK UPDATE
39.Prince Vs. Prince
40.The Devil's Proposition
41.Teenage Dream
42.The Fall
43.The Heartbreak
44.Black Thoughts
45.Wildflower
46.b-LIE-vee
A/N: Recently in Facebook
47.It's a beautiful day..
48.Two-Faced Devil
50. The Dream
A/N Facebook Fun
51.The Conflict
52.Beautiful life.
EPILOGUE
Published under Psicom
SMX Mall of Asia
Shopee

49. Black Karma

529K 17.1K 2.6K
By VixenneAnne


“Are you not going out Sabrina? Magdamag ka nang umiiyak diyan wala ka man lang balak kumain? O uminom man lang, para naman may iluha ka pa, mukha kasing nadehydrate ka na diyan eh.” Nakapameywang na turan ng Mama niyang si Marie na nakatayo sa may pintuan ng kwarto niya.

Umaga na, mataas na ang araw pero madilim at magulo pa sa buong kwarto niya. Nakasara lahat ng kanyang bintana at halos walang pumasok na liwanag mula sa labas. Nasa gitna siya ng malaking kama, nakadapa at halos malunod na sa tissue.

“Ma, pwede ba, sa buong buhay ko ngayon lang naman ako nagdrama, hindi ba pwedeng pagbigyan mo muna??” angal niya dito.

Narinig niya ang asar na pagbuntong hininga ng ina. “Akala ko ba magaling ka? Pagibig lang nagpatalo ka na? It’s not like Christian is going away, getting married with someone else or something para magmaktol ka ng ganyan.”

“Mama, masama ang loob ko! Makisama ka naman. Alam mo bang binili niya ang halos kalahati ng SmartView mula sa co-owner kong si Riley? At ginawa niya yun ng wala man lang pasabi sakin! Hindi ko maintindihan kung ano ang motibo niya sa paglapit-lapit niya sa kin ngayon, naguguluhan ako, ang nasa isip ko baka pinagkakatuwaan lang ako ng abnormal na yun. Baka balak niya talagang magdusa ako, mawalan ng trabaho at maging miserable na katulad ng mga naging girlfriend niya noon.”

“Kung yun ang balak niya, mukhang nagtagumpay na siya. Kung makikita ka niya sa ganyang kalagayan, baka magpaparty pa siya, gusto mong kunan kita ng picture ngayon at ipadyaryo natin? Malamang gugulong sa tuwa si Christian niyan.”

“Ma!!” asar niyang naibalibag ang box ng tissue. Tinamaan nun ang alarm clock sa side table, nahulog iyon at nabasag. Napipikon siyang napabangon at tumingin ng masama sa ina.

“Hoy, Sabrina, wag mo akong papairalan ng tantrums mo ngayon ah, baka tamaan ka sakin!” Angil ng Mama niya na nanlalaki ang mga mata sa kanya.

“Eh kasi naman kayo eh…” nakabusangot niyang sabi na namumula pa ang mga mata at sabog ng eyebags ang mukha.

“Ba’t di ka kaya bumangon diyan at pumasok ng opisina.Ganyan bang ugali ang ipapakita mo sa mga empleyado mo? Hindi ka na nahiya.”

“Wala na akong kompanya, at wala na rin po akong mga empleyado. Ngayong araw na to mapupunta na kay Drico DiVanne ang buong parte ko sa kompanya, kailangang ibenta ko yun sa kanya ayon sa napagkasunduan namin. But I’ll start all over again. This is not gonna be the end of my career.”

“Panu mo ipapaliwanag sa Papa mo yan? Malapit na siyang umuwi..”

Mas lalo siyang namutla dahil sa paalala ng ina. Oo nga pala, malaking problema ang Papa niya, dahil siguradong mangingialam yun. Magkakagulo, pag nagkataon dalawang Prince of Hell ang makakabangga ng Papa niya at hindi niya alam kung papanu ito i-iiwas sa mahahaba at matatalim na mga sungay ng mga demons na yun na umagaw ng SmartView mula sa kanya. Patay na talaga siya.

“Pero bago mo problemahin ang paliwanag tungkol sa kompanya, ito muna ang pag isipan mong ipaliwanag sa kanya.” Saka lamang niya napansing kanina pa may hawak na glossy magazine ang mama niya. Napatitig siya sa cover ng magazine na yun. Her vision was a bit blurry, pero sa laki ng mga letrang nakasulat doon, imposibleng hindi niya mabasa.

Sabrina Vee Suarez,

Marry Me.

Christian Demetri.

The asshole! Scandal Again??

“Anong kalokohan to??” patakbo siyang lumapit sa ina upang agawin mula dito ang magazine. HIndi nga siya nagkamali, marry me nga ang nakalagay sa magazine na iyon. Anong kabaliwan ang pumasok sa toktok nito’t nagpropose sa kanya sa front page ng isang magazine?? Naalala niya ang insedente sa opisina ni Drico when she dared him to propose in writing! “Sira ulo talaga!”

“Ano na gagawin mo diyan?” tanong ng ina. Napatingin lang siya dito ng blanko. Wala siyang ideya kung ano ang gagawin niya. Ang alam niya lang gusto niyang bangasan sa mukha si Christian Demetri dahil kung ano-anong kalokohan ang pinagagagawa nito sa buhay niya simula nang makilala niya ito.
And after all the heartache, after taking everything away from her biglang aalukin siya nito ng kasal?? At di lang simpleng proposal ang ginawa nito, inannounce pa nito sa buong mundo!

Inabot niya ang cellphone upang tawagan si Candy para sana itanong kung saang parte ng Pilipinas niya mahahagilap si Christian. Pero naunang nag-ring ang cellphone niya.

“Miss Vee” si Candy. “Mr. Drico DiVanne is here, he said he has an important thing to announce, alam niyo daw po ito.”

Hindi siya nakaimik. Muling nagsalita si Candy, halata niya ang tensyon sa boses nito. “Dahil po ba ito sa hindi natin na-meet ang quota? Miss Vee, mawawalan na po ba kami ng trabaho?”

Nanginig ang buong katawan niya sa narinig. Bigla siyang nanghina, napakabilis namang kumilos ni DiVanne, naroon na kaagad ito at nagongolekta na ng napanalunan. Napakatuso talaga nito. Well, served her right for choosing to ally with a devil prince. Umiwas siya sa isang demonyo, para lang pumasok sa kweba ng isa pang demonyo. Katangahang maituturing.

“Papunta na ko diyan…” bulong niya sa nahihintakutang assistant.







Pagdating niya sa opisina, all her staffs were gathered. DiVanne’s men in black suits were all over the place kaya hindi makakilos o makaimik man lang ang mga tao niyang naroon. Naasar siya, hindi niya gusto ang ganitong pagtrato sa mga tauhan niyang matatapat sa kanya at sa kompanya.

“Ms. Suarez, late ka yata ngayong araw, wala ka bang balak pumasok?” bungad sa kanya ni Drico DiVanne.Kahit na napaka-gwapo ng mukha nito hindi niya napigilan ang maasar sa mga ngising nasa mga labi nito na para bang pinangangalandakang isa siyang talunan.

“Ba’t pa ako papasok eh nandito ka na. HIndi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag sa mga tao ko dito. Ginulat mo sila, kaya sige na, ikaw na bida, ipakilala mo na ang sarili mo bilang bagong CEO ng kompanya.” Nagngingitngit niyang turan dito.

“Well, sana nga pwede kong gawin yun…ang kaso, may sumabotahe sa mga plano ko at mukhang desidido siya sa gusto niya.” sabi pa ni Divanne na kumakamot sa noo.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Wala ka ba talagang alam?”

“ Tsk. Ano ba kasing sinasabi mo?” ubos na ang pasensyang sabi niya.

Inabot ni DiVanne ang isng folder mula sa tauhan nito at binuksan iyon. Naglalaman iyon ng mga dokumentong wala siyang ideya kung ano. Batid niyang nakatingin lahat ng mga mata ng tauhan niya sa kanila kaya mas lalo siyang kinabahan.

“This is about SmartView’s ownership and exclusive handling rights to both Golden Crown and DiVanne Realty’s clients.”

Napalunok siya. “Anong ibig mong sabihin?”

“Christian Demetri purchased all the remaining properties you need for you to reach your quota. I don’t know what kind of magic he used but he did this over night. So technically speaking, wala na akong karapatang panghimasukan pa ang management ng kompanya. Bukod pa dun, ipinasa na niya sayo ang 40% shares na nabili niya mula sa co-owner mo. Meaning to say, Ms. Sabrina Vee Suarez, ikaw na ang nag iisang may-ari ng buong SmartView, ikaw lang at wala nang iba.

Ang about the exclusive rights for DiVanne Realty’s clients’ handling, he arranged all that for a large sum of money. Akala ko nga hindi siya papayag sa presyong gusto ko, pero akalain mo yun, he just paid me without any negotiation.”

Napatitig siya kay Drico, isa-isang kinakalkula ng utak niya ang mga salitang lumabas sa bibig nito. Totoo ba talaga ang sinabi nito at hindi imahinasyon lamang? Siya nang mag-isa ang may-ari ng kompanya at bukod pa dun, dalawang pinakamalalaking Real Estate Company sa Pilipinas ang exclusibong hawak niya? Ibig sabihin nun, lahat ng malalaking buyer ng mga kompanyang yun ay sa kanya pupunta upang magpaasikaso. Hindi siya mawawalan ng kliyente kung ganun, pipilahan pa siya!

And wait, Christian arranged all this? At nagbayad pa ito ng malaking halaga kay Drico para sa exclusive rights na yun?? “Imposible.” bulong niya.

“Imposible talaga. Pero mukhang desidido siyang pakasalan ka…tatanggapin mo ba?”

Hindi siya nakasagot. Ang bilis ng mga pangyayari, kahapon lang wala na siyang kompanya, tapos biglang paggising niya ngayong umaga nasa kanya na ang lahat?

“Wag mong tanggapin.” diretsahang sabi ni Drico.

“Bakit?” kunong noong tanong niya.

“Wala lang. Mas maganda lang na cover sa newspaper ang luhaang mukha ni Demetri with the caption, Karma came his way.” sabay tawa ng malakas. “I need to go, I trust you will take care of all my clients in the future. Congratulations!”

She reached his hand for a hand shake. At bago ito umalis ay inabot sa kanya ang folder kung saan nakapaloob ang mga sinabi nito.

Napaluha siya nang biglang magpalakpakan sa tuwa ang mga tauhan niyang nakapaligid sa kanya. This was all because of one man, and that’s Christian. Kung anuman ang dahilan nito sa pagbibigay sa kanya ng isang stable na kompanya, kailangan niyang malaman sa lalong madaling panahon. Kailangan niya itong makausap.

He proposed marriage to her after all. Dapat lang na humarap ito sa kanya at magpaliwanag tungkol dun.

“Miss Vee congratulations!! Sabi ko na nga ba’t malalagpasan natin to!!” nagtatatalon sa tuwa si Candy at yumakap pa sa kanya.

“This is all because of Christian..Alam mo ba kung nasaan siya? Dumaan ba siya dito?”

Pero umiling si Candy. “Hindi po eh, wala rin po kaming natanggap na tawag mula sa kanya.”

“Samahan mo ko, naalala mo ang address na binigay niya nang nagvolunteer siyang piloto natin?Tanda mo pa ba yun? Pakiramdam ko yun ang totoo niyang bahay eh..”

“Nandito pa sakin ang address, sasamahan ko po kayo. Sasagutin niyo na po ba ang alok niyang kasal??”

Napatingin siya kay Candy. “Nabasa mo din ba yun?”

“Imposible pong hindi. Nasa newspaper, magazines at internet na po yun…inaantay naming lahat ang sagot mo. Ang swerte niyo po talaga Miss Vee!!”

Ayaw niya munang umasa dahil baka lumagapak na naman siya. Kailangan niyang linawin ang lahat kay Christian at kailangan niya itong makita.

Hindi nila inaasahan ang pagkuyog ng mga reporter sa kanila sa labas ng building. HIndi lang local news team ang naroon pati na rin ilang mga international reporters, pilit silang hinarang ng mga ito upang kuhanan ng statement tungkol sa biglang proposal ng isang Prince of Hell.










(Black thoughts)

“Ma, ano pang ipupunta mo dito? Dyan ka nalang sa Italy, you’re not needed here.” inis na pahayag niya sa ina. Kavideo chat niya ito ang she informed him she’s on the plane going to the Philippines to support his proposal of marriage to Vee.

“Of course you need me there. Come on Christian stop being an asshole, kapag pumayag na si Vee, we’ll formally introduce ourselves to her family and I will personally arrange a grand engagement party for both of you. Son, you don’t know how excited I am about this whole thing! Finally, my heartbreaker son met his match!”

Umikot ang paningin niya dahil sa tinuran nito. Hindi niya kakailanganin ang sermon ng Mama niya kapag tinanggihan na ni Vee ang proposal niya. Gusto niya lang namang patunayan dito na hindi na siya nagsisinungaling. Na this time, after all the women he had hurt and ruined, nagsasabi na siya ng totoo at handa niyang tanggapin ang mabigat na parusa at matinding karmang deserve niya naman talaga.

There were plenty of times na gustong-gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo kung gaano niya kamahal si Vee, pero hindi niya magawa, malaki ang takot niyang maging katawatawa siya sa paningin nito, o kaya naman ay mas lalo nitong isiping sagad na sa buto ang pagkasinungaling niya.

Pero sana naman kahit papanu ay nakabawi siya dito nang ibalik niya ang SmartView ng labis-labis at walang kakulang-kulang. Sa laki ng binayad niya sa mandurugas na DiVanne na yun, sana naman matino nitong nagawa ang pabor na hiniling niyang ito na ang magbigay ng mga dokumento kay Vee at magpaliwanag sa bagong status ng SmartView sa local real estate business.

Sana naman ay natuwa na sa kanya si Vee at bigyan man lang ng kahit na katiting na pag asa ang alok niyang kasal. Naglakas loob na nga siyang magpropose in writing kahit pa sinabi nitong wala siyang aasahan, sana nagawa ng maayos ni DiVanne ang surprise na hinanda niya para magkaroon si Vee ng kahit na gabutil na dahilan para pag isipan muna ang alok niya bago umayaw.

Ang balak niya ay suyuin ito hanggang sa di na nito makayanan ang kakulitan niya at mapilitan nalang na pakasalan siya.

“Sunduin mo ako sa airport Christian..”

Nawala ang atensyon niya sa sinasabi ng ina nang lumabas sa malaki niyang smart TV ang isang breaking news. Mukha ni Sabrina Vee ang nakita niya sa malaking monitor, halata ang mugto sa mga mata nito at namumutla din ang buong mukha. Hindi ito lumalabas ng bahay na walang make-up pero sa pagkakataong yun kung kelan ito nakorner ng mga reporters she looked like a total mess.

Nakaramdam siya ng matinding kagustuhang kumaripas papunta dito upang siguruhing wala itong masamang nararamdaman sa katawan. Pero nahigit ang paghinga niya nang isa sa mga reporter ang nagtanong ng mahiwagang tanong na dapat sa bibig niya manggaling.

Ang tanong ng reporter ay kung ano raw ba ang sagot nito sa alok na kasal.

Tarantadong yun ah. Bubutasan niya sa ngala-ngala ang isang yun pag nakaharap niya.

Nakafocus sa mukha ni Vee ang camera. Nagdasal na siya ng malala. Nagtawag na ng mga santo, pati mga hindi niya kilalang maligno tinawag na niya para ipaki-usap na sana, Oo ang isagot ni Vee sa tanong na yun.

Anak ng talangka. Naiihi na siya sa bagal nitong sumagot sa tanong.

“NO”

Napakurap-kurap siya!

Anak ng tokwa naman oh! No talaga?? Seryoso ba to?

Teka sandali, alam na ba nitong naibalik na niya ang SmartView sa pangalan nito? Hindi man lang naghunos-dili??

Malilintikan sa kanya si DiVanne kapag sinabotahe na naman siya nito! Sa pagkakataong yun wawasakin na talaga niya ang makapal nitong pagmumukha!

No Talaga??

Napahawak siya sa sentido.

“Was that Vee?” his Mom heard it.

Napahilamos siya sa sariling mukha. Biglang pakiramdam niya mawawalan na siya ng kontrol sa sarili baka maihagis niya ang lahat ng gamit niya sa bahay.

“Did she say no??” giit na naman ng Mama niya na nasa laptop.

“Mom, can you just shut up for one second??”

“Don’t shut up me, Christian, do something!!”

“Mom. Bye. See you tomorrow.” iritado niyang sagot, pagkatapos ay sinara ang laptop.

Ang lakas ng amats ng babaeng yun. Talagang nireject siya?? Wala man lang soft words na ginamit, talagang hard no?? Hindi ba nito alam na masasaktan ang damdamin niya? Well, alam niyang konti nalang hindi na sila nagkakalayo ng mga katangian ni Superman, pero deymmm, tao pa rin naman siyang may damdaming nasasaktan.Walang konsiderasyon ang babaeng yun. Akala mo Virgin, ang lakas makapang-reject, eh may balat naman sa singit!

Napasuklay siya sa sariling buhok. Tinawagan si Paola.

“Boss.”

“Paola, what am I gonna do now?”

“Boss? About you being dumped in public for the first time?”

“Oh shut up! You don’t have to crack that on my face. Just tell me what should I do now.”

“Sir you know for a fact you’re a hundred times smarter than I am, at never kang humingi ng opinyon ko sa lahat ng mga business deals mo. Isang ma-pride na babae lang po yan, relax lang kayo.”

“I was dumped in public, you realized that don’t you? Tapos sasabihin mo sakin ngayon na relax lang ako, eh kung sisantihin kita? Ngayon nga lang ako humingi ng tulong sayo di mo pa magawa??”
“Boss naman. Blessing nga na na-dump ka in public, at least burado na ang notorious playboy image mo sa mga tao. Na sayo na ulit ang simpatya nila..”

“Anong simpatya? Baka nga pagtawanan pa ako nito”

“Hindi Boss. Take Vee as your karma now, pero kung wala kang balak pakawalan siya, kahit binasted ka na, pilitin mo pa rin. Magtapat ka na kasi….”

“Akala mo ba hindi ko pa ginagawa yun? Madaming beses na, hindi siya naniniwala!”

“Ah yun lang..sinungaling po kasi kayo eh..karma niyo po talaga siguro yan…”

“Tsk. Wala kang kwentang kausap. You’re fired!”

“Bo--”

Pinatay niya ang phone bago pa man makapagsalita si Paola. Inis niyang binalibag iyon sa carpeted floor ng bahay. Sunod-sunod ang murang lumabas sa bibig niya. Hindi niya mapapatawad ang reporter na yun na malakas ang loob na pangunahan siyang magtanong. Babalatan niya yun ng paunti-unti gamit ang nailcutter! Bwesit!


A/N; Guys, share and vote po plzplzplz...thankyou.

Continue Reading

You'll Also Like

605K 15.3K 27
What if his madness turns into dangerous obsession?
158K 2.9K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
491K 21.1K 53
There are things science can't explain to us. And one of that is how I fell for you. But like you said, things don't need to be explained all the tim...
933K 32.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.