Author's Note: Eto muna, before christmas meron na. Mga Dec. 23 or 24... Pasinsya na!
Christmas War
Jay-jay's POV
Malapit na ang pasko. Ang lamig ng simoy ng hangin. Para'ng lovelife ko lang.
Hindi ako bitter o anu. Naisipan ko lang talaga'ng ikumpara yung lamig ng hangin.
Pero sa totoo lang, hindi ko maramdaman yung lamig na yun. Siguro kasi dahil sa pawis ko at sa bilis ng tibok ng puso ko.
Ikaw ba naman ang makipaghabulan, tignan ko kung hindi ka pagpawisan.
"Anu?! Kala mo kaya mo kami'ng lahat?!" Mayabang na sabi sakin ng pinuno ata nila.
Sino'ng sila? Yung mga lalaki'ng bigla nalang ako'ng hinarang sa kanto namin. Akala ko magtatanung lang sila pero hinawakan nila ko.
Natakot ako bigla, akala ko kasi mauulit yung kay Ram dati. Napilitan ako'ng lumaban at ng makakuha ng pagkakataon mabilis akong tumakbo.
Yun nga lang na-corner nila ko sa isang eskenita. Lumaban pa rin ako, sa abo't ng makakaya ko.
Tatlo na!
Tatlo na yung napabagsak ko pero ang sakit na ng kamao ko. Ngayon ko lang napatunayan na ang tagal ko na pala'ng hindi nakikipag-away.
Mabilis ng kumikirot yung kamao ko kapag nanununtok ako. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Pagod na yung katawan ko at ang dami nila.
Asar!
"Sumama ka nalang samin... Hindi ka naman namin sasaktan. Tatanungin ka lang namin tungkol kay Keifer." Mapang-asar na sabi nung isa.
Eto na naman po tayo!
Ganyang ganyan din yung kay Ram. Jusme! Wala akong balak ulutin yung pang-yayari na yun. Matinding troma ang naranasan ko dun.
"Ayoko!" Sigaw ko.
"Matigas ang ulo mo! Ha?!" sabi nung isa at bigla nalang nanguha ng tubo sa kung saan.
Shit!
Never pa kong nakipag-away ng may tubo. Anu'ng laban ko dyan? Tang'na! Katapusan ko na ata.
"Miss... Tara na." Mahinahon na sabi nung isa sa kanila.
Unti-unti kong binaba yung kamao ko na kanina pa naka-porma sa harap ko. Bahagya'ng lumapit sakin yung huling nagsalita sa pagkaka-akala'ng sumuko na ko.
Pero agad ko sya'ng sinapa sa muka. Bagsak at dumudugo na ang ilong nya.
Apat na!
"Tang'na!" Sigaw nung isa pa sa kanila.
Bigla nalang sumugod yung may tubo at hinataw yun pahampas sakin. Agad akong umiwas at ng makakuha ng pagkakataon, sinikmuraan ko sya.
Bagsak at wala sya'ng tigil sa pag-ubo.
Lima na!
Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. Oo, nakikipag-away ako sa mga lalaki dati pero hangang tatlo lang ang kaya kong harapin.
Ngayon lang ako lumaban sa mahigit sa tatlo.
Lahat sila nakatingin sa mga kasama nila na kung hindi nakaluhod sa sahig ay nakahiga naman at hirap tumayo.
Naririnig ko yung phone ko sa bag. Malamang hinahanap na ko nila Ci-N. Ngayon ang christmas party namin sa resto nila Eman.
Yun ang dahilan kaya nasa kanto ako at nag-aabang ng masasakyan.
"Babae ka lang pero napabagsak mo sila!" Inis na sabi nung leader ata nila.
"Pagtulungan na natin!" Sabi nung isa at bigla nalang sumugod sakin.
Sumunggab ako ng suntok pero naka-iwas sya. Lagot na! Bumawi sya at agad akong sinikmuraan. Pvta!
Napaluhod ako sa sakit. Sisipain pa sana nya ko pero nakuha ko yung tubo'ng ihahampas sana sakin ng kasama nila kanina.
Pinatamaan ko sa sya sa----anu----basta yun. Bumagsak sya at namalipit sa sakit.
"Kala mo ah..." Bulong ko.
Ginamit kong tukod yung tubo para makatayo. Tinignan ko sila'ng lahat.
Anim na!
Bakit ganun? Para'ng hindi sila nababawasan. Parang lalu pa silang nadagdagan.
Narinig ko na naman yung cellphone ko. Bukod sa text sunod-sunod din ang tawag.
Asar!
Kung pwede ko lang sagutin yung tawag, kanina ko pa ginawa para nakahingi na ko ng tulong.
"Del... Panu na yung plano nating makaganti kay Keifer? Ni hindi nga natin malapitan tong babae na to!" Dinig kong sabi nung isa.
Anu nga ulit? Paki-ulit! Anu'ng gaganti?! Bakit ako gagamitin nila?!
"Gaganti kayo kay Keifer?! Eh bakit ako gagamitin nyo?!" Inis na tanung ko.
"Anu'ng klase'ng tanung yan?! Malamang ikaw ang girlfriend nya, kaya ikaw ang gagamitin namin!"
Girlfriend?!
"Sino'ng tanga nagsabi sa inyo na ako girlfriend nya?!"
Tumingin sila sa kasama nila'ng nasa dulo. Bahagya syang lumapit at nagkakamot ang ulong humarap sa leader nila.
"N-nakita ko sila'ng naghahalikan nung halloween party." Paliwanag nya.
Nasampal ko nalang ang sarili kong noo. Hanu ba yan?!
"Inutil ka! Basta nag-kiss magsyota na?! Hindi pwede'ng kasi gusto lang?!" Inis na inis na tanung ko sa kanya.
Nabatukan nalang nila yung kasama nila ng malakas.
"Hindi kayo, pero lagi kayong magkasama! At nagkiss pa kayo! Edi mahalaga ka sa kanya!" Bigla'ng sabi nung isa sa kanila.
Napangiwi ako ng di-oras. Napaka! Ay naku! Grr!
"Tsaka na pag-isipan yan! Andito na sya edi sya na gamitin natin!" Sigaw nung leader nila.
Bigla nalang sumugod yung tatlo sakin. Hinampas ko agad ng tubo yung isa sa kanila pero sinuntok ako sa muka nung isa.
Putik! Sa muka talaga?!
Sa inis ko! Pinaghahampas ko sya ng tubo, nawala sa isip ko yung isa. Huli na para lingunin ko at labanan ko sya meron syang inihampas na matigas na bagay sa likod ko dahilan para manlambot ako at bumagsak sa sahig.
"Tang'na! Pinahirapan mo kami!"
Ang sakit! Sobra! Napapamura nalang ako! Pinilit kong tumayo pero sinipa ako ng isa kanila.
Narinig ko tawanan nilang lahat.
Pakshit!
Tinignan ko ng masama yung wala'ng hiya'ng sumipa sakin. Yung leader pa nila'ng hunghang.
Ngumiti pa sya sakin. "Akala mo makakatagal ka?!"
Bigla nalang sya'ng bumwelo ng sipa sa muka ko. Napapikit nalang ako sa takot.
Masakit?!
Dapat masakit! Dapat nasaktan na ko. Pero wala, wala ako'ng naramdaman kahit dampi ng hangin.
Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Bumungad sakin yung maruming sapatos nung leader nila. Naka-hinto lang yun at parang hindi sya gumagalaw.
Bahagya kong tinaas ang tingin ko. May binti na naka-abang sa muka nung leader nila. Pero kaninong binti?
Nakatalikod sya sakin kaya hindi ko makita. Nakasuot din sya ng santa claus costume.
"Try to touch her face with your dirty shoes! I will cut your legs off for hurting my wife!" Banta ni... Keifer?
My wife?!
Napataas ang isang kilay ko. Pinapahamak nya ko sa ginagawa nya!
Binaba nung lalaki yung paa nya'ng nakaamba sa muka ko kaya ganun na rin yung ginawa ni Keifer.
"Sabi sa inyo sila eh." Dinig kong sabi nung isa.
Bigla nalang umikot si Keifer. Ang bilis ng pangyayari. Pag-ikot nya, pinatamaan nya ng sipa yung leader ng mga luko sa muka.
Knock out!
Nanlaki nalang yung mata ko sa gulat. Akala ko hindi na nya itutuloy yung banta nya.
"Here i am now! You want me right?!" Hamon ni Keifer sa kanila.
Narinig ko na naman yung phone ko. Agad kong kinuha yung bag ko para sagutin yung tawag.
Hindi ako nagkamali. Si Ci-N nga yung tumatawag sakin.
"Ci---"
["Please tell me na kailangan mo yung tulong namin!"] Putol nya sa sasabihin ko.
"Ci-N! Andi----"
["Jay! Andito lang kami para sayo! Handa kaming tulungan ka!"]
"Pakinggan mo----"
["Wag kang ganyan Jay! Anu ba?! Ginagawa mo kaming others!"]
Tengene!
"Ci-N! Kailangan ko tulong nyo! Pero panu ko sasabihin yun kung ayaw mo kong pagsalitain?!!" Sigaw ko.
Sandali'ng tumingin sakin si Keifer.
["Ay! Hehe sorry!"] Sabi nya at pinatay ang tawag.
Tinignan ko ng masama yung cellphone ko. Nakaka-gago kasi tong si----
"Andito na kami!" Sigaw ni...Ci-N?
Bigla nalang sya'ng nag-landing sa harap ko galing sa kung saan. Naka-costume pa sya ng elf ni Santa. Kasunod nya si David, Felix at Calix na normal naman ang suot.
Mula naman sa likod nitong mga luko'ng kanina ko pa kinakabalaban. Natatanaw ko sila Blaster, Josh, Calix at....Yuri.
Inalalayan ako ni David sa pagtayo.
"Anu'ng masakit sayo?" Tanung nya sakin.
"B-buong katawan..." Pabulong kong sagot.
"Bakit naman nauna kapa'ng nagki-party?!" Tanung ni Ci-N habang nakatingin sa mga pinabagsak ko kanina.
Party?!
"Edi humabol tayo! Problema ba yun?!" Mayabang na sabi ni Felix habang pinapatunog ang kamao.
Napatingin ako sa mga kakalabanin nila. Halata'ng natatakot pero pilit tinatago.
"Sulitin na natin tong christmas party na to?!" Sigaw ni Keifer at sabay sabay silang sumugod.
Naiwan ako'ng nakasandal sa pader at nanunuod lang sa ginagawa nila. Kasi naman, napaka-ganda'ng pamasko nito.
Pero hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. Akala ko kasi dati, wala ng dadating para tulungan ako sa mga ganito'ng pagkakataon.
Idagdag pa yung itsura ni Keifer. Naka-costume pa rin habang nakikipag-away. Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang suot nya.
Si Ci-N gets ko talaga. Bata eh, tsaka nasa personality naman kasi nya yung mga ganyan pero itong Hari ng mga Ulupong---nakakapanibago!
Pero muka'ng hindi lang sya yung naka-elf costume. Pati pala si Yuri ganun din yung suot.
Anu'ng meron?!
Bakit ba mga nakaganyan sila?!
Natapos ang suntukan. Si Keifer ang una'ng lumapit sakin.
"Why you didn't call us immediately?!" Inis na sabi nya sakin.
"Makakatawag ba ko kung nakikipag-away ako?!"
"Tss."
Lalakad na sana sya paalis ng meron akong naalala.
"Thank you Mr. Santa Claus!"
Napatingin sya sakin at sa suot nya.
"Oh crap!" Sabi nya at hinubad yung pang-itaas habang naglalakad palayo.
Napanu yun?
"Hahaha... Nakalimutan nya'ng naka-costume pa rin sya bago sumugod dito. Hahahaha..." Sabi ni Ci-N habang patuloy sa pagtawa.
Kaya pala ganun ang reaksyon nya.
Pati ako natawa na rin. Pero meron lang akong pinagtataka.
Panu nila nalaman na andito ako?
++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++