Magkabilang Mundo [★PUBLISHED...

By krizemman

143K 2.5K 327

|★|NO SOFTCOPY|★| |★|COMPLETED|★| Paano mo makakasama ang taong mahal mo kung magkaiba kayo ng mundong ginag... More

Prologue
ShamEul- One
ShamEul- Two
ShamEul- Three
ShamEul- Four
ShamEul- Five
ShamEul- Six
ShamEul- Seven
ShamEul- Nine
ShamEul- Ten
ShamEul- Eleven
ShamEul- Twelve
ShamEul- Thirteen
ShamEul- Fourteen [flashback]
ShamEul- Fifteen [flashback]
ShamEul- Sixteen [flashback]
ShamEul- Seventeen [flashback]
ShamEul- Eighteen [flashback end]
ShamEul- Nineteen
ShamEul- Twenty
ShamEul- Twenty One
ShamEul- Twenty Two
ShamEul- Twenty Three [Huling Kabanata]
Epilogue

ShamEul- Eight

4.4K 86 3
By krizemman

NICO POV

Tahimik pa din akong nakaupo dito, hanggang makaalis si Nikki at Arail.

"Bro pasensiya na kung nasapak kita, yun na lang kasi naisip kong paraan para tumigil ka sa pag wawala." hingi nya ulit ng paumanhin. "Susundan ko lang yung dalawa sa taas"

Tumayo na si Eul para sundan si Nikki at Arail sa taas. Naiwan naman kaming tatlo nila Mylene at Aira.

"Nico kamusta na pakiramdam mo?" Mylene

"Okey na. Medyo gumaan na pakiramdam ko nung naikwento ko na sa inyo kung anong nangyari. Pero hindi pa din nawawala yung takot ko kapag naalala ko yung mukha nung babaeng yun" Ako

"Pero Nico tingin mo panaginip lang yun? Kasi kung totoo man yun, bakit buhay kapa? Kung nalaglag ka sa hagdan at tumama yang ulo mo, siguradong hindi ka na namin kausap ngayon." Aira

Napaisip naman ako sa sinabi nya. 'Tama siya, kung totoo yun siguradong patay na ako, dahil alam kong masama ang bagsak ko. Hindi kaya pahiwatig yun. pinakita nya lang sakin na kaya nyang manakit.' Lalo akong natakot sa isiping iyon paukol sa babae. 'Pero bakit kailangan nya kaming saktan?'

"Pinsan baka naman bangungut mo lang yun. Kasi kanina ang hirap mong gisingin. Natakot na nga kami ni Arail na hindi ka magising" Mylene "Pero nakakapagtaka lang, kung panaginip mo lang yun, Saan mo naman nakuha yang dumi sa mukha mo?" Turo nya sa dumi na nasa mukha ko

Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Mylene. Dahil hindi ko din alam kung ano bang dapat na isagot, kahit ako ay nalilito din.

Naalala kong bigla yung babae. Marumi yung katawan nya na puro putik na natuyo sa kanyang damit pati sa balakt. Lalo akong naguluhan sa kaiisip kong panaginip o hindi. Kung paano ako napunta dito. Dahil ang natatandaan ko nasa baba ako ng hagdan. 'Maaari nga atang pahiwatig nya yun sa akin, at totoong nagpakita siya'

"Hindi kaya totoo yung nangyari sayo Nico. Idinaan nya lang sa panaginip mo. Hindi kaya binibigyan nya lang tayo ng babala na h'wag na tayong magtagal pa dito. Na umalis na tayo. Na kaya nya tayong saktan kapag nagtagal pa tayo dito" biglang usal ni Aira.Dahil don napatingin sa kanyang si Mylene, gayun din ako

'Pareho pala kami ni Aira ng iniisip'

"Pwedeng tama si Aira, 'yang dumi sa mukha mo ang patunay na totoo yung nangyari at hindi bastang panaginip lang. Maaring sinaktak ka na nya pero bandang huli hindi ka din niya pinabayaan. Kaya dinala ka nya dito sa sofa para akalain mo na panaginip lang. Pero nagiwan siya ng bakas. at yan nga yung dumi" Mylene

"Totoo siya, dahil hindi naman tulog si Nikki nung nagpakita siya sa banyo nyo sa taas hindi ba.?" Aira

Naalala ko yung nangyari kay Nikki sa banyo namin.

Bigla akong kinilabutan sa isiping iyon. 'Ayoko na magtagal kami dito. Baka may sumunod pang mangyari. Hindi man sa akin ulit. Baka sa mga pinsan ko na.'

"Tara na sa taas mag ayos na tayo ng mga gamit natin para makauwi. Mamaya na lang tayo magpaalam kay Tatay Jess" Aya ni Mylene. Tumayo na silang dalawa ni Aira. Ganun din ako. Paakyat na kami nang makita naming lumabas ng kwarto nila si Eul na nakasimangot.

"Anong nanyari sa isang yun?" Mylene.

Nagkibit balikat na lang kami Aira bilang sagot. Dahil magkakasama kami. Tapos sa amin siya mag tatanong.

"Magaayos kana din Nico ng mga gamit mo, bilisan mo para naman maaga tayong makaalis sa bahay na 'to." Aira

Tango na lang sinagot sa kanya. Pumasok na din ako ng kwarto namin. Naabutan kong nagiimpake na ng mga gamit namin si Eul.

"Bro ako na magaayos ng mga gamit ko" kuha ko sa kanya ng maletang hawak nya. "Bro nagtalo na naman ba kayo ni Arail?"

Tumingin muna siya bago magsalita. "Oo, sige na bilisan na natin magimpake tapos ibaba na natin itong mga gamit sa baba." walang emosyong sagot nya.

Kaya hindi na kami nagusap ulit. Nagligpit na kami ng mga gamit namin. Matapos namin magimpake, sabay na kaming bumaba ni Eul, bitbit ang maleta namin.

Tiningnan ko lang siya habang papaba kami. 'Bakit ang tahimik nya, ano kaya pinagawayan nila ni Arail?'

"Bro ok ka lang ba, nakita ka kasi namin nila Aira palabas ng kwarto nila na nakasimangot. Ano bang pinag awayan nyo ni Arail?" Hindi na ako nakatiis na hindi magtanong. Pero tanging blangkong tingin lang ang sinagot nya sakin. Hanggang sa makarating kami sa baba ng hindi siya naimik.

"Tara Nico samahan mo ako kay Tatay Jess na magpaalam." si Eul habang naglalakad palabas ng bahay. Wala na akong nagawa kundi sumunod na lang din sa kanya.

Paglabas namin nakita na agad namin si Tatay Jess na palapit sa amin.

"Mga totoy ang aga nyo naman atang nagising. O sadyang natanghali lang ako." Nakangiting bungad nya. "Sa pagod ko kaya siguro napasarap ang aking tulog, sabayan pa ng lambanog na ininum natin. Ah san ba ang punta nyo at bihis na bihis kayo?"

"Tay babalik na po kami sa manila" Eul

"Ganun ba, bakit hindi ba kayo naging masaya sa ilang araw na pamamalagi dito at hindi nyo na tatapusin pa ang ilang nyong bakasyon?" Tatay Jess

Walang alam si Tatay Jess sa mga nangyari samin dito sa loob ng bahay. Dahil doon siya natuloy sa likod bahay kung saan may maliit na kubo. Doon muna daw siya matutulog hanggat nandito pa kami.

"Masaya naman po, kaso lang kailangan napo namin umuwi dahil may mga project pa po pala kaming kailangang gagawin." Pagsisinungaling ni Eul.

"Ganun ba, eh kamusta na naman na si Nikki, mabuti na ba pakiramdam nya?" Tatay

Dalawa lang sila naguusap habang ako naman ay nakatayo at nakikinig lang sa kanila.

"Opo, pagnakauwi na din po kami, makakapag pahinga na din siya ng ayos"

"Ah sige, kung ganun eh ingat kayo sa byahe. Maiwan ko muna kayo dyan." Pagkasabi nun umalis na siya. Kami naman nagpunta sa sasakyan.

"Bro balik muna ako sa loob, tingnan ko lang yung mga babae kung nakapag impake na. Tulungan ko na din silang magbuhat." Paalam ko. Dahil mas maraming dalang gamit ang mga babae kaya siguradong mahihirapan silang mag baba nito.

Nakita ko na silang pababa, bitbit ang mga gamit nila. Kinuha ko naman yung iba para hindi na sila mahirapan pa.

"Asan si Eul?" Nikki

"Andon sa labas, nasa sasakyan. May inaayos" Ako. "Dito muna natin ilagay 'tong mga maleta, dito na lang rin natin antayin si Eul." usal ko pagkababa namin.

"Nakita ko kayong kausap si Tatay Jess, nakapagpaalam na ba kayo?" Arail

"Oo, si Eul na ang nagpaalam, sinabi nya na may tatapusin pa tayong mga project" sagot ko. "Anong pinag usapan nyo kanina Arail at mukhang may sumpong yung isa na 'yun?" tukoy ko kay Eul.

"Ayaw pa nyang umuwi, gusto pa nyang tapusin yung ilang araw na natitira" Nakasinghal nyang usal "Tsss, tingin ko iniisip nya yung shamy na yun kaya ayaw nyang pang umalis dito"

"Hindi naman siguro, kakakilala pa lang nya nung nakaraang araw, tapos yun na agad magiging dahilan nya, imposible. Kilala natin yang si Eul hindi basta basta papatol sa isang babae na kakakilala pa lang." Mylene. "Hindi pa nga natin nakikita kung anong itsura nung Shamy na yun.  Para mag kaganyan si Eul."

"Tsss yun lang naman ang kutob ko" sagot ni Arail kay Mylene "Hindi ko naman sinabing iyon mismo ang dahilan nya." Ilang sandali lang narining na namin yung tunog ng sasakyan sa labas ng bahay. Kaya lumabas na kami dala ang mga gamit namin.

-----

EUL CYRUS POV

"Bro balik muna ako sa loob, tingnan ko lang yung mga babae kung nakapag impake na. Tulungan ko na sin silang magbuhat." Paalam sakin ni Nico. Naiwan akong mag isa dito sa sasakyan pa i check ang makina.

Labag man sa loob ko ang pag uwi namin sa manila, wala na akong nagawa. Nag aalala din naman ako sa mga pinsan ko. Pero, parang may napigil sakin na wag kami o akong umalis.

Habang tinitingnan ko ang makina , iniisip ko siya, iniisip ko yung nangyari sa amin kagabi. Namalayan ko na lang, nasa labi ko na ang kanang kamay ko.  'Hindi man lang ako makakapagpaalam sa kanya. Nakalimutan ko din hingin yung phone number nya.' paghihinayang ko. Bigla naman may pumasok na ideya sa isip ko. Kaya naman nagmadali akong pumasok sa sasakyan para idrive ito papunta sa harap ng bahay.

 "Tara na" Aya ko na sa kanila, tumulong na din ako sa pagdala ng mga gamit namin papuntang sasakyan.

"Bilisan natin, ayoko ng magtagal pa tayo dito sa bahay na 'to." Nikki

Sabay sabay na kaming lumabas ng bahay dala ang mga gamit namin.

"Bilisan nyong kumilos para maaga tayong makarating ng manila." pasinghal na usal ni Arail. Hindi na lang ako naimik habang inaayos namin ang mga gamit namin sa loob ng sasakyan. Baka ako pa mapag buhusan ng init ng ulo ni Arail.

"Magpaalam muna tayo kay Tatay Jess. Baka sabihin nun mga bastos tayo' t umalis ng walang paalam" Mylene.

Lalakad na sana kami papuntang likod bahay kung saan nandoon ang kubo ni Tatay ng makita namin siyang palapit sa amin.

"Mga ineng at totoy, naayos nyo na ba yung mga gamit nyo?"

"Opo, pupuntahan na sa namin kayo para makapag paalam at makapag pasalamat." Aira "Andito na  din naman po kayo"

"Ganun ba, walang anuman yun. Wala na ba kayong naiwan na mga gamit sa taas." Umiling ako bilang sagot.

"Tay aalis na po kami, salamat mo sa pag aasikaso nyo sa amin ng ilang araw namin pamamalagi dito." Sinserong pasasalamat ko.

"Wala yun, tungkulin kong pagsilbihan kayo, bilang apo nila Madam Rosa." Masiglang sabi nya.

Sumakay na kaming mag pipinsan sa sasakyan.

"Totoy mag ingat sa pamamaneho. H'wag masyadong mabilis sa pagpapatakbo." Paalala pa nya.

"Opo, sige po aalis na po kami." sagot ko sabay tango.

"Oh siya mga ineng at totoy magiingat sa daan. Sana sa darating na bakasyon dito ulit ninyo maisipan pumunta."

Hindi na lang nila sinagot ang huling sinabi ni Tatay Jess. Alam ko naman na hindi na sila papayag na dito ulit magbakasyon.

"Tangina hindi na ako babalik sa lugar na 'yun. Mamatay ako sa sobrang  takot." Asar na sabi ni Nico  Nang maisara na namin ang pinto ng sasakyan.

Tiningna ko naman yung iba sa backseat, mga tahimik lang. Ini start ko na ito para umalis na. Medyo binilisan ko na ang pag mamaneho.

Nang matanaw ko ng puno, bigla kong binagalan ang takbo. 'Pasensiya na Shamy hindi ako nakapag paalam sa'yo ng maayos' mahinang usal sa sarili ko.

"Nikki ayos ka lang ba?" Dinig kong tanong Aira sa kanya. Napatingin naman ako sa kanya gamit ang side mirror ng sasakyan. Tanaw ko siya ang nakapwesto sa likod ng driver seat. Nakita kong nakatingin ndin siya sa puno.

"Ha? O-oo. Bilisan mo Eul sa pamaneho, para makabalik na agad tayo sa manila." Nikki

Hindi pa din ako umimik. Pero binilisan ko na lang pagmamaneho. Tumingin muna ulit  ako sa may puno bago tuluyang lumabas ng gate.

Kung anong ingay namin sa byahe ng papunta kami dito. Ngayon naman ay sobrang tahimik ng pauwi kami. Wala din nagtangka na pang pagusapan ang mga nangyari sa lumang bahay nila Lolo Gery at Lola Rosa.

-----

NIKKI POV

Bago lumabas ng gate ang sasakyan, naramdaman kong bumagal ang takbo nito. Kaya napatingin ako kay Eul na nakatingin sa labas, kaya pati ako napalingon din, nakita ko ang punong malaki sa loob ng ng bakuran.

Nangilabot ako ng may makita akong babae na nakatayo dun. Alam kong siya yung babaeng nagpakita sakin sa banyo ng kwarto nila Nico. Pero sa pagkakaton na 'to nakatingin ito sa dereksyon namin.

'Siya din yung babaeng nakita ko sa labas ng bintana' naalala ko yung mukha nya dahil tinitigan ko iyon nung nasa labas ito.

Bigla akong napa iktad, dahil nakatingin na ito sa akin at ngumiti. Ngiting kakaiba. Ngiting nakakakilabot. Nanlamig ang pakiramdam ko sa takot

"Nikki ayos ka lang ba?" Tanong bigla sa akin ni Aira.

"Ha? O-oo. Bilisan mo Eul sa pamaneho, para makabalik na agad tayo sa manila." Utos ko kay Eul. Pero hindi man lang siya umimik. Naramdaman ko naman na unti unting bumulis ang takbo ng sasakyan.

Gustohin ko man matulog pero hindi ko magawa. Natatakot akong mapanaginipan ang mukha ng babaeng yun. Tumingin na lang ako sa labas. Pinagmasdan ang mga sasakyang nakakasabay namin sa kalsada. Lumingon ako para tingnan sila isa isa kung anong mga ginagawa. Mga natutulog na, Dalawa na lang kami ni Eul ang gising. Dahil siya ang nagmamaneho. 'Siguro naman makakalimutan ko na din yung pangit na nangyari sakin, hindi lang pala pangit, kundi nakakatakot. Pagbalik namin sa manila maka pagrelax na ako.'

"Nikki" Eul

"Hmm?" sagot ko habang nakatingin sa labas.

"Babalik ako ulit dun sa bahay nila lolo at lola mamaya pagkahatid ko sa inyo kina Arail" pabulong nyang usal. Alam kong ayaw nyang may makarinig. Dahil sa likod ko ng driver seat, sapat na yung lakas ng boses nya para marinig ko.

"Nababaliw ka na ba Eul Cyrus? Alam mo naman siguro yung nangyari sa amin ni Nico hindi ba?" galit kong tanong sa kanya. Mahina  din akong nagsalita dahil ayoko din na may makarinig sa pinaguusapan namin.

"Babalik ako para lang makapag paalam kay Shamy. Hindi para mamalagi pa dun. Nangako kasi akong magpapaalam sa kanya kapag uuwi na tayo." sa tono ng pananalita nya, bakas ang determinasyon.

"Hindi Eul, hindi ka na babalik dun. Ano naman kung hindi ka nakapag paalam sa kanya? kaano ano mo ba siya? At paano kung mapahamak ka kapag bumalik ka pa dun mapoprotektahan ka ba niya." Tutol ko.

"Nikki sinabi ko sayo 'to hindi para magpaalm na payagan mo ako o hindi. Sinasabi ko sayo para ipaalam kina mom at dad, kapag nalaman na nakauwi na kayo." asar na salita nya. "Ihahatid ko lang kayo, tapos nun aalis na ulit ako. H'wag mo na lang banggitin sa kanila" malamig na dugtong nya.

Gustuhin ko man makipagtalo sa kanya. Hindi ko na ginawa pa. Alam kong hindi naman siya makikinig sa akin. 'Ano bang klaseng babae ang Shamy na yun at nakuha nya na agad yung loob ng pinsan namin?' Hindi ko maiwasang hindi mainis sa tao na yun.

Sa haba ng byahe namin, hindi na kami nag usap pang muli ni Eul. Mabuti na din yun para hindi kami magaway kakapigil ko sa kanya. 'Sana nga hindi siya mapahamak' munti kong dasal para sa kanya.

Nakarating kaming manila ng hapon na. Sa bahay na kami nila Arail dumiretso. Dahil nga sa iisang village lang kami nakatira kaya isang lugar na  lang kami inihtid.

Tumulong din siyang ibaba lahat ng gamit namin sa sasakyan nila. "Hindi ba hapon na ra bumalik ka pa  ulit doon?" tanong ko ng tinabihan ko siya habang nagbaba ng mga gamit.

"Ipasok mo na yan sa loob ng bahay nila Arail" Usal nya sabay abot ng isang bag sa akin. Halatang hindi nga siya papipigil. Dahil hindi man lang pinansin ang sinabi ko sa kanya.

*****

 VOTE COMMENT AND SHARE

_krizemman_

WATTPAD: http://www.wattpad.com/user/krizemman

Continue Reading

You'll Also Like

27.6M 702K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
13.6M 608K 32
Sikat siya at hindi ka niya kilala. Kaya bakit sa dami ng taong nakapaligid sa kanya, ikaw na walang kamalay malay ang minumulto niya? THE JERK IS A...
4.2M 91.3K 41
Heaven and hell have conditions for you to enter. They won't base it on how you have live your life. They'll give you the privilege to choose. ...
1.3M 18K 15
One and Only Rule: Bawal pumasok ang magandang babae sa loob ng BAHAY ni MARIA.