EDITED
Habang natakbo tinignan ko ang orasans--
Booggsshhh
Hindi ko naituloy na tignan ang orasan ko sa cellphone ng may nakabangga ako
"Aray!!"
Sigaw naming dalawa ng nakabunggo ko, totoo namang masakit eh. Eh kasi naman napaupo ako sa sahig, pati narin yun na nakabunggo ko. Bat kasi ang tigas ng sumento?
"Oohhhhhhhhhh" rinig kong sigaw ng mga classmates ko. Yun iba nagbubulungan pa. Hala ano nanamn meron dun? Pati ba naman sila meron ding topak.. hayyys buhay nga naman
"Oh oww she's dead "
"Run for your life "
"Pustahan hindi yan tatagal ng 2 weeks"
"She deserves it "
"Kawawa naman si ate "
Ayan ang mga naririnig kong mga bulungan nila
Weird
Nakita ko naman na may dalawang nerd na lalaki , tumulong dun sa lalaking nakabunggo ko
Pagkatyo na pagkatayo ko ay agad kong sinabi ito
"Sorry kuya! Di ko po sinasadya Sorry po talaga" sabi ko na ikinagalit ko. Kasi naman eh! First time kong mag sorry sa lalaking di ko kakilala
"Hindi ko kailangan ang sorry mo at Anong gagawin ko sa sorry mo ? Ha?! Mababago ba ng sorry ang sakit na nararamdaman ko?! " hugot ni kuya este sabi ni kuya. Umiling iling nalang ako bilang sagot sa mga tanong niya at sinabi ito
"Syempre walang magagawa ang sorry sa nararamdaman mo kasi ang sorry, salita lang yan at HINDI GAMOT para pagalingin ka! At kung gusto mo ng gamot sa nararamdaman mo, ehh di maghanap ka!" Sigaw ko kay kuya
"At tsaka hindi lang naman ikaw yun nasaktan eh " bulong ko
"Huh? May sinasabi ka? Tanong niya
"Ahh wala po kuya ang sabi ko lang aalis na ako. Kaya excuse me PO , dahil malelate na PO ako sa klase ko" sabi ko, diniin ko talaga ang salitang 'po' para mas lalo siyang mainis, nakakatawa kasi itsura niya pag naiinis eh, haha
Aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko kaya napaharap ako sakanya
"Where the heck do you think your going? Wag na wag mo kong tatalikuran pag kinakausap kita" sabi niya
"Ano nanaman ba kuya? Nag sorry na ko at sinagot ko na ang mga walang kwenta mong tanong kanina, kaya ano nanaman kailangan mo? Para matapos na to" sabi ko. Nakakainis na kasi eh
He smirked, kaya medyo kinilabutan ako. Medyo lang ha, hindi sobra
"Your new at this school, aren't you?" Tanong nanaman niya
"Hindi ba halata?" Tanong ko naman sakanya
"Halata" Sabi niya. Eh ayun naman pala eh! Bakit kailangan pa mag tanong?
"Eh ayun naman pala ehh.. bakit kailangan mo pang mag tanong " sabi ko. Aiisshh nakakairita talaga yun mga walang kwentang kausap
"Naninigurado lang" sabi niya
"Tapos ka na ba koya ?" Sabi ko
Hindi siya sumasagot at hawak hawak niya parin ang braso ko
"Kung tapos ka na, edi aalis na ko" sabi ko. Aktong tatanggalin ko na yun pag kahawak niya sa braso ko ng higpitan niya ito
"Ano ba kuya. Ano pa ba kailangan mo sakin? Dali sabihin mo na para matapos na to" Sabi ko. Pasalamat ka tinuruan ako ng tita ko kung paano mag karoon ng patience
Hindi ulit siya nagsalita kaya mas lalo kong hinigit ang braso ko sa pag kahawak niya. Buti naman may namana akong lakas kay kuya alfred
Naglalakad na ko paalis sakanya l.
Ano na kaya oras ngayon? Letche kasi si kuya eh, hindi ko tuloy nakita ang oras. Kinapa ko naman sa bulsa ko ang cellphone ko. Nang kinapa ko na lahat ng bulsa ko dun lang ako napatigil sa pag lalakad
"Hala nasaan na yun?" Tanong ko sa sa sarili ko. Hmmpp hawak hawak ko lang yun kanina ah. Ah oo hawak hawak ko yun tapos ....
"Looking for this?" Tanong ni kuya kaya napaharap ako sakanya
Wow pareho kami ni kuya ng cellphone ?
"Pareho pala tayo kuya ng cellphone " nakangiti kong sabi habang kinakapa parin ang cp ko sa bulsa ko. Hala nasaan na ba yun
"Cellphone ko?"
Nag flashback lahat ng nangyari kanina. Nang matandaan ko kung ano ang mga nangyari agad agad akong pumunta sakanya
"Hala! Kuya akin na yan! Hindi yan sayo! Akin na!!" Sigaw ko. Kasi naman eh. Diyan ko sinusulat lahat ng sikreto ko! Parang diary na yan para sakin eh! Wala panaman yang password!
"Pagkatapos mo kong banggain , sigawan at kung ano ano pa , ibibigay ko to sayo ? Ano yun lokohan ? Tanga na lang ang gagawa non" sabi ni pangit. Aaaiishhhh kainis talaga! Bwisit ! Sana maagaw ko!
Nang malapit na ako sakanya, kukunin ko na sana nang tinaas niya ang kamay niya para hindi ko maabot. Bwisit bakit pinanganak akong maliit
"Akin na kasi! Nag sorry na ako kanina ah. Kaya akin na!"
Habang sinasabi ko yun natalon ako para maabot ko. Pero wala talaga eh. Bwisit ka!
"Sinabi ko na hindi ba? Na ayaw ko ng sorry mo!" Sabi niya
"Eh ano ba kailangan mo? Dali na! Para matapos na to!" Sigaw kong sabi
Hindi niya ako sinagot at patuloy parin ang pag talon ko para maabot ang cellphone ko
"Sige na kuya! Akin na! Gagawin ko lahat para lang makuha ang cellphone ko!" Sabi ko
Pag karinig na pagkarinig niya nun bigla siyang nag smirk. Pinagsisissihan ko na na sinabi ko yun
"Sigurado ka? Lahat gagawin mo para lang makuha ang cellphone mo?" Sabi niya ng dahilan ng pag taas ng balahibo ko at napa tigil din sapag talon dahil na rin sa pagod
"Kakasabi ko lang kanina hindi ba?" Sarkastik kong tanong
"Naninigurado lang kasi, wag kang atat" Sabi niya
"Oo na lang, kaya ano na ? " Sabi ko
Sinensiyahan niya naman ang mga tao sa paligid namin na umalis na sila kaya kaming dalawa nalang ni kuya ang nandito
"I want you to be my Slave for..2weeks, is that clear?" Sabi niya ng dahilan ng pag ka tulala ko
S-slave?!
SLAVE!! FOR 2 WEEKS?!
Pag katapos na pag katapos niyang sabihin yun bigla nalang nag bell at lahat sila nag si alisan na pati na rin si kuya kasama ang cellphone ko
Gusto kong tumakbo at kunin ang cellphone ko sa kamay ng ugok pero hindi ko magawa kasi hindi parin ako maka get over eh ... But that's the only way para makuha ang cellphone ko sa kamay ng kumag
What the heck just happend ?!