One Message Received

By schmidtz

578 0 12

More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Five
Final Chapter

Chapter Four

60 0 0
By schmidtz

Bago matapos ang 2011, naisipan ni Andy na gumawa na ng hakbang para sa kanila ni Emerald.

Sakto namang walang boyfriend itong si Emerald kaya't matatapos ang taon na single siya. Nagtext si

Andy kay Emerald "Psst! Tara, kaen tayo sa labas. Libre ko. Pamasko ko sa'yong kakulitan." Tumugon

dito si Emerald at ito ang kanilang unang pagkikita. Halos sa buong oras ng pagsasama nila, ay tila di

makatingin ng diretso itong si Andy kay Emerald, tila ba may kaba pa rin sa kanyang dibdib kahit na

pareho na halos na palagay ang kanilang loob sa isa't isa. Lumalim na ang gabi at sila'y umuwi

na. Hinatid pa ni Andy si Emerald upang sana'y makita din nito kung saan sila nakatira. Pag-uwi ni

Andy, hindi siya makatulog agad. Naisip niyang tawagan si Emerald. Buti na lang, gising pa siya.

As usual, kung ano-anong mga pinag-uusapan nila, masabi lang na hindi sayang ang pagpupuyat

nila. Simpleng kulitan hanggang mauwi sa mga seryosong tanungan. "Ano ba ang hinahanap mo

sa isang lalake, Emerald?" Ang tanong na ito ay simula na marahil ng mga da-moobs ni Andy.

Inabot ng hanggang madaling araw ang kwentuhan at tanungan na nagbigay pa sa kanila ng mas

malalim na kaalaman sa isa't isa. Dito ay nagkaroon na sila ng kwelang tawagan na KAMBAL.

Kambal kasi daw ay marami silang pagkakapareho ng ugali, mga gusto at ayaw, maging ang

kanilang mga kalokohan.

Continue Reading

You'll Also Like

152K 1.9K 35
(COMPLETED) Blake Teo Lauchico From hallways to tennis courts to stages. It seems to Blake Lauchico that it was too much to want Santi Loran. Their...
108M 2.2M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
Wattpad App - Unlock exclusive features