When ;

By VicerylleBruhs

79K 2.9K 323

We just write WHEN ; • Inspired • Kota • Bored • Durog • Tigang And any feeling under the sun.. More

Secret Love Song
Captured
KaMeo
BarRylle
Paano Ko Tuturuan Ang Puso
When I Was Your Man
Choose Me
The One That Got Away
TAKEN FOR GRANTED?
Don't Cry Ana
The Gay Next Door
Basically
NO
Minute To Win Me
Group Chat • 1
Group Chat • 2
SneaKISS
Confession Room
The Blind Item
Unconditional Love
Maddie
sNOw
Captured 2
Stigmés ViceRylle
Till Death Do Us Part
P&N
The Game
Love Team
Left x Added
Tangled Fairytale
BABIES
My Debted Love
VhongRylle
A Not So 'Bad Things' To Do

#1 Fan

2.2K 133 22
By VicerylleBruhs

"Hi Vice. May dala ulit akong food for you, sorry binili ko lang, i dont have time to cook na kasi"

Ngiting-ngiti na sabi ng dalaga na naka-uniform pa.

"Naks naman dyan o! Di mo naman sinabi Bakla na balik loob ka, di ka na ata nararapat dito hahaha"

Pang-aasar naman ng mga kasama ni Vice sa Comedy Bar.

"Tse! Manahimik nga kayo! Ikaw nga Ate Girl tara dito, nakakaloka ka nung kelan ka pa ha"

Pangangaladkad ni Vice sa Babae at dinala ito sa Backstage.

"Bakit ka ba nagdadala ng kung ano-ano para sakin? At talagang nakauniporme ka pa ha"

Pangongompronta ni Vice dito.

"Kasi...Gusto kita"

Naka-yukong sagot ng Dalaga.

"Gusto? So Fan kita? Ganon?"

Inosenteng sagot pabalik naman ni Vice.

"Gusto kita"

Pag-uulit naman ng Dalaga.

"Oo nga, gusto mo 'ko, so Fan kita. Okay sige Ate Girl, sige fan kita, huwaw naman, thank you por that. Pero Ate Girl inaasar na kasi 'ko ng mga kapwa bakla 'ko, kaya kung pwede wag mo na 'ko dalhan ng kung ano-ano. At tsaka ate girl jusko, naka-uniporme ka pa talaga tapos diretso kang Comedy Bar?"

Naka-yuko lang naman ang Dalaga.

"I like you. Not as your fan. Gusto kita.........ligawan"

"HUWAT?!"

Wala namang paglagyang gulat na bulyaw ni Vice.

"From the very first time that i saw you and watched you here at Comedy Bar when my Friends invite me...Nagustuhan na kita"

Pag-amin naman ng dalaga.

"Pero Ate girl----"

"Karylle, Im Karylle"

Pagpapakilala naman ng Dalaga.

"Pero Karylle...Alam ba 'to ng mga magulang mo? Kasi mukhang galing ka pa sa eskwelahan mo diretso dito para lang puntahan ako"

"No, hindi naman nila 'ko papayagan if magpaalam ako"

Napa-buntong hininga naman si Vice.

"Ate gir---Karylle, ahm pano ba 'to, Beh kasi ano...Bakla ako, alam mo naman siguro 'yun diba? Halata naman sa muk ap ko. Bakit mo 'ko gustong ligawan? Ang ganda mo, imposibleng walang nanliligaw sayo kaya ikaw nalang ang manliligaw?"

Kunot noong sambit naman ni Vice.

"Madami, madaming nanliligaw sakin, but i dont like them, I like you"

Pagpupumilit naman ng Dalaga.

"Jusko baka naman makasuhan pa 'ko sa mga ginagawa mo, bata-bata mo pa Girl"

Namomoblemang sabi naman ni Vice.

"Im already 20, graduating na 'ko, kaya no worries"

Napa-ngiwi naman si Vice dahil halatang desidido ang Dalaga sa kanya.

"Kaso Karylle, gabi 'tong trabaho ko, baka mapahamak ka naman sa labas, tapos byahe pa"

Panunubok naman muli ni Vice at baka sakaling makakuha siya ng lusot upang mapatigil ang dalaga.

"I have my car, if you want, ikaw maghatid sakin, im okay with it"

Ngiting-sagot pa ni Karylle kaya napapa-facepalm na lamang si Vice.

"Beh, Bakla ako----"

"I know, but i still like you, i still want you"

Singit naman ni Karylle.

"Nakakaloka ka! Desidido ka din talaga eh"

"Yes i am, at tsaka you're single naman diba? Besides, if ayaw mo sakin, sana pinagtabuyan mo na 'ko kanina pa, but no, you asked me a lot of questions pa, means you're interested din sakin"

Taas-babang kilay pa na hirit ni Karylle.

"Yuck! Babae! Kadiri! Never!"

Protesta naman ni Vice, kaya napa-yuko naman si Karylle.

"Okay fine, i wont pursue you anymore, alam ko namang walang chance"

Malungkot na saad ng Dalaga kaya napaseryoso na din si Vice.

"But i'll still be here every night to watch you. 'Cause im your Number One Fan. Kahit treat me as your Fan lang, im okay with that na, kunin mo mga binibigay ko sayo as your fan"

Kahit nag-aalinlangan ay napatango nalang si Vice. Ang weird lang kasi para sa kanya, na isang Disenteng Dalaga na halatang galing sa mataas na uri ng pamilya, ay nagkagusto sa isang tulad niya.

"Yay! Thank you"

Nagulat naman siya ng yakapin siya nito, wala naman na siyang nagawa kung 'di ang yakapin na lamang din ito pabalik.

"Kain ka na"

Ngiting-ngiti na sabi ni Karylle.

"Ku--kumain ka na ba? Tara sabayan mo na 'ko"

Pag-aaya naman ni Vice.

"Ahm not yet, but dont worry pag-uwi ko naman kakain na din ako, sige na kain ka lang dyan dont mind me, dito lang ako, tatahimik lang ako dito hehe"

Wala sa loob na napa-ngiti naman si Vice dahil sa ka-kyutan ng dalaga.

"Tsk, tara na, salo na tayo dito sa pagkain ko dali, kain na tayo my number one fan hahaha naks, upo ka na dito sa tabi ko"

Pinipigilan naman ni Vice ang matawa dahil halatang kinikilig si Karylle.

Nagsalo nga sila sa pagkain na binigay ni Karylle at pagkatapos noon ay nagpaalam na si Vice sa mga katrabaho dahil tapos na ang show niya.

"So pano ka?"

Tanong ni Vice sa dalaga ng makalabas sila ng comedy bar.

"I have my car with me, dont worry, ahm... gusto mo ba hatid na kita?"

Nabigla naman si Vice sa sinabi ng Dalaga.

"Loka-loka ka ba, gabi na ihahatid mo pa 'ko, ako pa nga dapat ang maghatid sayo dahil ako ang pinunta mo dito"

Sambit naman ni Vice.

"Eh wala ka namang car. Kaya ako nalang maghahatid sayo. Sige na, please? Ihahatid kita as your fan"

Napa-iling naman si Vice dahil sa kakulitan ni Karylle.

"Please? Hindi naman kita re-rape-in promise"

"Oh my gosh! Hahaha"

Natawa naman si Vice sa sinabi ng dalaga.

"Sige na kasi, payag ka na, anong oras na o"

Pamimilit ni Karylle.

"Kaya nga, anong oras na, kaya umuwi ka na sige na, magdadrive ka pa, nakakaloka kang bata ka"

"I wont go til you join my ride"

Pagmamatigas naman ng dalaga na nag-cross arms pa. Napa-buntong hininga na lamang si Vice at pasukong napatango.

"Oo na, sige na ihatid mo na 'ko at para makauwi ka na, for sure nag-aalala na mga magulang mo sayo, pasayaw ka"

Saad ni Vice kaya agad na nagliwanag ang mukha ni Karylle.

"Really?! Oh my gosh. Lets go na"

Tuwang-tuwa na sambit ni Karylle at binuksan na ang kotse niya.

"Saan ba place mo? Para i-google map ko nalang"

At doon ay sinabi naman ni Vice ang lugar ng pinagtitirhan niya.

"Ah Beh, hindi na kita maaya sa loob ha? Nakakahiya kasi. Basta salamat sa paghatid, umuwi na agad ha? Thank you"

Sincere na paalam ni Vice at bineso si Karylle.

"Everything for you. Ofcourse i'll take care, papanoorin pa kitang umangat 'no, at ako ang unang-unang titili when that time comes"

Natouched naman si Vice sa binitawang salita ni Karylle.

"Bye my happy pill! I love you! Isa namang I love you too dyan sa Number One Fan mo, hahaha joke, byeee"

Pangungulit pa ni Karylle, akmang sasakay na siya ng bigla siyang tawagin ni Vice.

"Karylle!"

"I love you too. Ingat ka, sige na"

Napatulala naman si Karylle.

"Sige na uwi na, bukas ulit"

Ngiting-sambit ni Vice at doon ay dumiretso na nga si Karylle na kilig na kilig.





























.

Ilang Buwan ding ganoon ang set up nilang dalawa, sabay na kakain at ihahatid ni Karylle si Vice. Hindi na lamang pinapansin ni Vice ang pang-aasar sa kanila, dahil maging siya ay natutuwa din sa ginagawa ng Dalaga.

Not until One Night kung saan may performance si Vice, na sana'y handog niya para kay Karylle, ay wala ito.

"Wala pa ba si Karylle?"

Tanong niya sa mga kasama dahil susunod na siyang kakanta.

"Wala pa bakla eh, baka late lang"

Palinga-linga namang sinisilip ni Vice ang labas at nagbabakasakaling makita ang dalaga, hanggang sa sumalang na siya ngunit wala siyang Karylle na nakita.

"Aw wala si Merlat? Baka natauhan na Te! Hahahaha charot lang"

Hindi man aminin ni Vice ay he felt off sa biro ng kasamahan.

"Hindi, graduating eh, tsaka nabanggit din niya sakin na magiging busy nga siya"

Saad naman ni Vice at malungkot na pumuntang backstage.

/

Kinabukasan ay ganoon muli, wala siyang Karylle na nakita.

/

Tatlong araw

/

Apat na araw

/

Limang araw

/

Anim na araw

/

Isang linggo

/

Dalawang linggo- na walang Karylle, na siyang kinabago ng sistema ni Vice, nasanay na siya sa presensya ng dalaga kaya ganon na lamang na pagbabago ang nararamdaman niya.

Pero iniisip niyang busy lang ito dahil Graduation na din ng Dalaga.

Halos late naman ng nakadating si Vice sa trabaho dahil natraffic siya sa dahilang Graduation ngayon at maraming nagcecelebrate.

Pagdating sa trabaho ay nagtaka naman siya ng takbuhin siya ng kaibigan.

"Bakla! After how many years, nandyan na si Merlat mo!"

Nabuhayan naman siya at agad ding nagpunta sa backstage.

"Karylle!"

Ngiting-bungad niya at niyakap ang dalaga na naka-make up at naka-ayos.

"Congrats, graduate ka na"

Ngiting-sambit ni Vice at hinawakan pa ang pisngi ni Karylle. Nabother naman siya ng walang kibong Dalaga.

"Uy, okay ka lang? Namiss kita"

Malambing na saad ni Vice at doon naman ay napansin niya ang bumagsak na luha sa mata ni Karylle.

"O, bakit naiyak ka? Okay ka lang ba? Sabihin mo, may problema ba? Kasi dapat masaya ka ngayon, graduate ka na o"

Alalang tanong ni Vice at nagulat na lamang siya ng yakapin siya nito kasabay ng pagsinghot nito.

"Magmamigrate na kami sa Canada, tapos no communication at all na daw dito sa pilipinas, kasi nalaman nila Mommy't Daddy yung about sa pagpunta-punta ko sayo dito....Kaya--kaya hindi na din ako nakakapunta sayo. Im sorry, I tried to convince them na wag ng umalis, pero nafinalized na nila yung pag-alis namin, im sorry, ayaw kitang iwan, pero wala akong magagawa. I love you, i love you Vice, if i could just stay with you"

Hindi naman maiwasang matulala ni Vice at maiyak na din at the same time, naging parte na din ng buhay niya si Karylle.

"But dont worry, i'll still be your Number One Fan. I believe in you. Always remember na in everything you do, may Karylle na nakasuporta at proud sayo. May Karylle na nagmamahal sayo. I love you Vice, hindi man kita naging Boyfriend, pero minahal na kita talaga. As your fan, i'll love you Forever"

Lalo namang naiyak si Vice sa mga narinig niya.

"I'll miss you my Number One Fan"

Tanging nasabi ni Vice at niyakap ang dalaga.

"Proud din ako sayo, kasi nakagraduate ka na. Mag-iingat ka sa Canada ha? Doon wag kang magpapagabi tulad ng ginagawa mo dito. Tapos...tapos doon, ikaw ang magpapaligaw ha, wag yung ikaw manliligaw. Pumili ka ng right guy for you, yung deserve mo. Mamimiss kita Karylle"

Bilin ni Vice at muling niyakap ang Dalaga.

"Can i ask for a favor before I leave?"

Tumango naman agad si Vice.

"Can i have a kiss from you, isa lang Vice, isa lang, pagbigyan mo na 'ko...As your fan? Sige n---

"Ayan na"

Nanlaki naman ang mata ni Karylle ng lumapat na ang labi ni Vice sa labi niya.

"Oh my gosh. I love you, i love you, i love you. I'll super miss you my Happy Pill"

Naiyak naman muli si Vice ng marinig niya ang tawag sa kanya ng Dalaga.

"I'll super miss you too my Number One Fan"



















































.

" I'll be Having a Concert sa Canada! Kaya see you Madlang People sa Canadaaaa! "

Nagniningning na kasuotan, nagniningning na kolorete sa katawan, at nagniningning na kasikatan ang ngayon ay tinatamasa ng isang Vice Ganda.








































"Thank you Madlang Canada!"

Pasasalamat ni Vice matapos mairaos ang Concert ng maayos, bago bumaba ng stage ay halata namang iniikot niya ang mata hoping na may makita.

"Baka wala na sila dito"

Bulong niya at doon ay kumaway ng muli at bumaba na.

"Meme may pa-flowers at chocolates yung isa mong fan o"

Inabot naman ito ni Vice at binasa ang Card sa Flowers. Walang message ngunit may nakalagay kung kanino galing.

From: Your #1 Fan

Pagkabasa doon ay nakaramdam na ng kakaiba si Vice.

"Buern, nandyan pa ba yung nagbigay ng mga 'to? Pakitawag naman o"

Utos ni Vice.

"Eh baka Meme, di pa naman nakakalabas lahat eh"

Sagot naman ni Buern.

"Tawagin mo....Papasalamat lang kamo ako"

Palusot ni Vice habang palaks ng palakas ang tibok ng puso niya.

"Madlang people! Sino nga dito yung nagbigay ng flowers kay Meme?"

Tanong ni Buern using the mic na nasa stage.

"Ay te-teka Ate Girl na kulot! Ikaw yun diba? Tara tawag ka ng meme, papasalamat lang, dali tara pa-fansign ka na"

Bibong saad ni Buern at nilapitan ang Babaeng Kulot.

"Ano Buern nakita mo ba sya----"

Nahinto naman si Vice ng may ilahad na Babae si Buern sa kanya. Nakayuko ito, pero hindi siya pwedeng magkamali, kilalang-kilala niya ito.

"My Number One Fan?"

Halos mahigitan na ng hining si Vice dahil sa tensyon, inangat naman na ng babae ang ulo niya, at ng makumpirma kung sino ito ay tinakbo itong niyakap ni Vice.

"Karylle"

Naiiyak na bulong ni Vice kasabay ng pag-hug back ni Karylle sa kanya.

"Akala ko hindi na kita makikita"

Longing na sambit ni Vice at bumitaw na sa yakap as he cupped her face.

"Ibang-iba ka na, ibang-iba sa Neneng Karylle na nakilala ko hahaha pero ang ganda mo pa din"

Ngiting-puri naman ni Vice.

"Ikaw nga yung nag-iba eh o, ang ganda-ganda mo na, nakaka-insecure na nga eh hahaha"

Sagot naman pabalik ni Karylle.

"Belo lang 'yan hahaha"

Natatawang sambit naman ni Vice at pinunasan na ang luha niya.

"Sikat na sikat ka na. Sabi sayo eh, may kakayahan ka. Alam mo ba? Umiyak ako nung nalaman kong host ka sa Showtime, sobrang proud na proud ako sayo, lalo na ngayon, dati ako lang Fan mo eh, ngayon sobrang dami na, hindi na mabilang"

Ngiting-sambit ni Karylle kaya napaluha na naman si Vice.

"Sabi ng Hairstylist mo pa-fansign daw ako, singit ko na din mga magazines at books mo sakin hahaha"

Naamaze naman si Vice sa narinig.

"May mga magazines at books kita?"

"Oo naman 'no, kumpleto ko. Sabi ko naman sayo, i'll forever be your Number One Fan....My Happy Pill"

At doon ay hindi na din naiwasan ni Karylle ang maiyak.

"Tara nga dito, ikaw naman yumakap sakin"

Saad ni Vice at niyakap naman siya ni Karylle.

"I missed you so much, i missed you"

Rinig niyang bulong ng Dalaga.

"Namiss din kita. Sobra"

Sagot naman ni Vice.

"You know what? Humingi ako ng sign kay Lord"

Panimuga ni Karylle ng humiwalay siya sa yakap.

"Ano naman 'yan?"

Curious na tanong ni Vice.

"Sabi ko, pag single ka pa din hanggang sa sumikat ka na, at pag pumunta ka dito sa Canada, it means, may...may chance na tayo.....So, meron ba?"

Natawa naman si Vice dahil umiral na naman ang pagka-cute ni Karylle.

"Nakakaloka ka! Hindi ka talaga naghanap ng iba?"

Umiling naman si Karylle.

"Sabagay, ako din naman. Minahal na rin kasi kita"

Napa-laki naman ng mata si Karylle.

"So...so...pano ba 'to, nanginginig ako omg"

Napatawa naman si Vice at nilock nalang sa mga bisig niya ang Dalaga.

"I love you my Number One Fan, more than you love your Happy Pill"

Bulong ni Vice at humiwalay sa yakap, he stared at her eyes as his eyes went down to her lips.

Kasabay ng pagpatay ng ilaw sa venue, ay ang paglapat naman ng labi nila.


Happy 58th Monthsary ViceRylle 💛💛💛

Continue Reading

You'll Also Like

341K 7.7K 33
Bored ako
229K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
816K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
10.9K 379 69
neardy type na mahilig magbasa ng novel about reincarnation ngunit paano kapag napunta Siya sa pinaka favorite niyang libro?... nanaisin niya pa bang...