GANGSTER'S GIRLFRIEND?!

By xheyzii

262K 1.4K 99

"4 years . 4 years na kitang pinagmamasdan sa malayo.. 4 years ko nang pinapangarap na sana ako naman ang tin... More

PROLOGUE:
CHAPTER 1 - THE AFTER EFFECT
CHAPTER 2 - PARTNER?!
CHAPTER 3 - THE REVENGE OF THE FAN GIRLS!!
CHAPTER 5 - HE LIKES ABBY?!

CHAPTER 4 - HE's BACK!

7.2K 211 12
By xheyzii


"ah eh--"


>____<

wala akong masabi!


"Ok ka lang? Tsk.. tara!" turan nya, kinuha nya ang bag ko at hinawakan ako sa braso.

"Aray!" daing ko naman kaya bigla siyang napabitaw.


'yung sugat sa braso kasi 'yung nahawakan nya!

Grabe naman kasi ang kuko ng mga 'yun, bumaon talaga.


"Aish! Saan kita hahawakan?" frustrated na turan nya at kumunot ang noo.


Hindi ba nya alam na duguan siya?


=_____=


Inabot ko na lang ang kamay ko, tinitigan nya lang naman 'yun at umiling..

tapos,


O_____O


BINUHAT NYA AKO!


Bridal Style!


*dugudug.. dugudug*

*dugudug.. dugudug*

*dugudug.. dugudug*


Sheet!

Para saan 'yan Mr. Heart?


"Hoy! Te-teka ibaba mo ako!"  pagpo-protesta ko pero walang nangyari..


Dire-diretso lan siyang naglakad..

may mangilan-ngilang estudyanteng nakakakita..


Nakakahiya..


>____<


Pero, kung titingnan mo siya, parang wala siyang nakikita. Seryoso lang siya.


at 'yung noo nya..


dumurugo pa rin!


Natutuluan na nga ako..


>____<


Kaya lang, parang hindi nya alam..

manhid ba 'to?


Ako ang nasasaktan para sa kanya.


"B-bakit ngayon ka lang nagpakita?" I asked.


Curious lang..


"Why, did you miss me?" he smirked.

"Kapal!" inirapan ko nga, tinawanan lang naman ako..


Ano naman kayang nakakatawa..


Napatitig tuloy ako sa kanya. Gwapo nga siya. Pero may bago na naman siyang mga pasa sa mukha..


Araw-araw kasi hindi nawawalan ng band-aid at pasa ang mukha nya..

Ganon ba talaga kapag gangster?


"Crush mo na ako nyan?" he said, napansin nya yatang nakatitig ako.. tapos tumawa na naman..


Good mood ata ang lalaking 'to. Tawa ng tawa.


Inirapan ko na lang at itinago ang mukha sa dibdib nya..


Ang bango..


*erase* *erase* *erase*



"God! Floyd, anong nangyari sayo?!" bati nung nurse ng marating namin ang clinic.


Ibinaba nya naman ako sa isang kama.


"Gamutin mo siya.." utos nito.

"Ha? Bakit anong nangyari?"

"Psh.. sina Kate.."

"Patay na patay talaga sayo 'yung mga 'yun.."


Umiling lang naman si gangster at umupo sa tabi nung kama.

Sinimulan naman akong asikasuhin nung nurse..


"Mga galos at pasa lang naman 'to Miss.. sa susunod iwasan mo na lang sila ah.." saad sa'kin nung nurse.


Tumango naman ako.


"Galos at pasa, bakit may dugo sa damit nya?" singit ni gangster.


Tiningnan naman nya ng masama si gangster.


"Manhid ka talaga! 'yang noo mo ang nagdurugo!" turan nito at pinaharap pa si gangster sa salamin na andon.

"Oo nga no.."


=_____=

Seriously, ngayon lang nya narealize?

Abnormal talaga 'tong lalaking 'to..


Bumangon na naman ako.

Ok na rin naman ang pakiramdam ko, kahit medyo kumikirot pa 'yung mga braso at anit ko..


"Bakit bumangon ka?" tanong ni gangster.

"Ok na ako.. ikaw 'yung hindi!" sagot ko.

"Ok naman ako ah.."

"Mauubusan ka na kaya ng dugo dahil dyan sa sugat mo!"

"Malayo sa atay 'to!"

"Malapit naman sa utak mo!"

"Concern ka?"

"Asa!"


"Ehem!" singit naman nung nurse at ngumiti. "Sige na Floyd, gagamutin ko na 'yang noo mo ng hindi na magalit 'tong girlfriend mo!"


O_____O

Hala, pati nurse, updated sa tsismis?


"Psh!" turan naman ni gangster at siya naman ang nahiga sa kama.


Umupo lang ako sa monoblock na andon habang pinanonood 'yung paggamot sa kanya.


"Anong nangyari at nagkasugat ka?" tanong ng nurse. "Medyo malalim Floyd.."

"Baseball bat.."

"What?! Sasabihin ko talaga kay papa, ikick-out na 'yung grupong yun.."

"Ge.."

"Teka? Bakit hindi mo na lang iniwasan at nagpatama ka pa talaga.."


Napaisip naman si gangster


"Oo nga no.."


=_____=


Napafacepalm naman 'yung nurse at tinapos na ang paggamot sa noo niya.


"Martinez.." tawag ni gangster ng matapos siyang gamutin, nagpaalam muna 'yung nurse na pupuntahan 'yung papa nya.


Anak pala siya ni Mr. Kim, 'yung may-ari ng school!

At pinsan nya pala itong si gangster kaya pala medyo close sila.. kaya din pala kahit suki 'to ng Detention Room hindi nakikick-out..


Pamangkin ng may-ari ng school e..


"Bakit?"

"Pumasok ka na.." turan nito habang nakapikit.

"Paano ka?"

"Concern ka?" tanong nya at natawa. "Dito lang ako, matutulog.."

"Bantayan na lang kita.."


Kahit paano naman nakokonsensya ako.. iniligtas nya ako tapos, nasugatan pa siya dahil sa'kin.. tama lang naman na bantayan ko siya diba..


"Wag na.."

"Basta.."

"Pasok ka na.."

"Ayaw.."


Hindi na naman siya nagsalita, tiningnan ko siya..


nakapikit pa rin..


Naka T-shirt na lang siya, kulay red. Duguan na kasi ang polo nya kaya tinapon nya sa basurahan..


=_____=


"Martinez.." tawag ulit nito..


Akala ko tulog na..


Sasagot na sana ako pero nagsalita siya ulit.


"Ok lang na may ibang lalaking maghatid-sundo sayo o makipagdate.."


Sheet!

Kailangan ko bang mag-explain?

pero hindi ko naman talaga siya boyfriend di ba?


Krisha 2: Pero para sa kanya girlfriend ka niya..


Ano bang dapat kong sabihin?


Hindi pa ako tapos makipagtalo sa sarili ko nang magsalita ulit siya..


"Basta, wag ka lang magpapahuli sa'kin.." malamig nyang turan at tinalikuran ako..


Bakit parang may bitterness, may pain at may sadness sa mga salitang binitiwan nya?


Krisha 2: Guilty ka lang..


Oo na, ako na ang guilty..


Anong magagawa ko, may iba akong mahal.

Kasalanan ko ba 'yun?



copyright©xheyzii, 2013

Continue Reading

You'll Also Like

313K 4K 21
This is not the official sequel.
136K 6.4K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
12K 1.9K 15
(UNEDITED) Sabi nila, sa pag-ibig. Hindi mahalaga kung nakikita mo siya o hindi. Dahil ang pag-ibig, hindi mata ang ginagamit. Kundi ang puso natin. ...
5.1K 1.6K 62
This book is full of poems❤️ ---- Start: September 26,2018