O_O
" WHAT. THE. HELL. " yan ang bungad ng maganda kong bibig pagkakita sa bagong 'look' ng bahay. Nahati nga talaga ito sa dalawa.
" O, ayan ha, nagpagawa na ako ng divider. Sliding divider ang tawag diyan. Pero di ka basta basta makakapasok sa kabila kasi pinalagyan ko ng customized lock yan. "
" Hindi naman kita papasukan e! Baka nga ikaw tong mamasok! "
Ngumiti siya at unti-unting lumapit sa akin.
" Bakit.. gusto mong...pasukan kita..? " A-ahh~ wait lang! ano na nangyayari dito? Nasapian? Nararamdaman kong inaapakan niya yung paa ko kaya syempre napapaatras ako habang siya umaabante papunta sa akin.
" A-ano bang s-sinasabi mo..? J-joke lang yun e.. " tapos nag-peace sign ako sa kanya habang nakangiti, hoping na titigil siya sa kanyang act. Pero hindi pa rin siya tumitigil eee~
" Hmmm... ganun ba--? " pagkasabing pagkasabi niya nun, napaupo na ako sa sofa. OH MY NO!!!
Nilalapit na niya yung mukha niya sa akin kaya lumingon ako sa left ko. Para in case na halikan niya ako, hindi matuloy! Girl scout ata to, maraming alam!
Nramadaman ko yung ilong niya sa tenga ko. Teka, nakapaglinis ba ako ng tenga? Ilang days na nga ba akong walang contact sa Johnsons bud? One week rin ata?
"Magluto ka na naririnig ko na tyan mo e. "
GRRR~
Yun pala yung kanina ko pang naririnig!!! AAARGH~ Pero teka? Bakit ako yung pinapaluto niya? Masakit pa nga yung katawan ko e!!
" Teka bakit ako?! " Tumayo siya ng maayos at tumingin nana naman sa akin with his natural poker face.
" Aba, ikaw ang gutom hindi ako! "
" Magpapadeliver na lang ako no! "
" Edi magpadeliver ka! Mind your own business nga diba! "
Pssh~ yan nanaman tayo sa mind your own business! Business niya utot niya!
Makatawag na nga lang. Gamit ng cellphone ko,tinawag ko nga Jollibee delivery dahil sa lahat ng chant ng delivery number yun lang ang hindi ko makalimutan.
*dialing 8-7000*
" Good eve-- "
" Isang Chicken bucket, spaghetti, burger steak at 4 coke. 6 rices please. Pag walang dumating dito, sisiguraduhin kong hindi ko na irerecommend ang Jollibe sa isang milyon kong kaibigan sa Luzon, Visayas at Mindanao! Yun lang Thnaks! "
" Y-yes maam. Deliver will be-- "
" In 20 minutes! " tapos naghung-up na ako.Wala na nga talaga sa matinong pag-iisip ang taong gutom!
=============================
After 20 minutes
Kinuha ko na kay kuya delivery boy yung pinaorder ko. At buti na lang yun at yun rin ang binigay nila sa akin. Una kong kinain yung spaghetti para bukas naman yung iba. Hindi naman siguro ito masisira kung ilalagay sa ref. Mabuti na lang yung dining area ay nasa side ko. =))
*BAAAAAAAAAARRRPPP*
Aaaah~ ang sarap ng feeling ng busog. Nilagay ko na sa basurahan yung kalat ko. Pati ba naman yung basurahan sosyal ang dating. May biodegradable, non-biodegradable at recycable. Nilagay ko na lang sa non-bio yung styro. Actually, namimili na nga lang ako kung saan ko ilalagay yan yung mga kalat ko.
" KYUNA! " narinig kong sumigaw si Night sa kabilang side. Problema nun?
" Papasok ako, gutom na ako e. "
Hmm... dahil hindi mo sinabi sa akin ang password~
" Mind your own business! "
Nagulat na lang ako ng bigla niyang binuksan yung divider ko. Aba! Ang daya nun ah!
" H-hoy! Ang daya nito! "
Pero hindi na lang niya ako pinansin. Pumunta siya sa kusina at sa halip na pagkain ang kinuha, kumuha ito ng beer.
" Sabi mo nagugutom ka? " tanong ko sa kanya.
" Mind your own business. "
Sana pala ang title ng kwentong to ay Mind your own business. Tss~
" Gusto mo? " Hindi pa man ako nakakasagot, binato na niya agad sa akin yung isang beer.
" Isa lang? " hinila niya ako papunta sa garden.
==============================
Dito lang kami walang divider. Sa labas. Garden... or should I say Field ang labas. Nakatambay kasi dito yung mga bermuda grass e tapos malawak pa. O diba, field na ang tawag dito.
Binuksan niya gad-agad yung beer. Ininom niya yun straight. Siguro nangalahati na yung beer. Ako naman nakatunganga lang... more of nakanganga sa harap niya. Sanay ako makakitang ng mga taong one-shot straight kung uminom. Pero kasi yung kay Night nasa lata mas marami yun e.
Ok lang ba 'to?
" Nacucurious ka kung ok ka lang ako? "
Lalong namilog ang mata ko. P-paano niya nalaman?
" Madali kang mabasa, kaya kahit di ka magsalita diyan, naiitindihan kita. "
" WOAH~ You're a GENIUS~ "
" Tss~ sadyang idiot ka lang. "
" Ano ba ang relasyon mo kay Ara? " parehas kasi nila akong tinatawag na idiot e Kaso yung isa goofus ata yung tawag sa akin. Tapos sinearch ko dictionary, parehas lang pala sa bopols ang meaning nun.
" Ex ko siya. " sabi niya habang nakayuko. Sh*t, oo nga, ang bobo ko!! Bakit di ko naalala! Kaya nga pala ayaw sa akin ni Ara, dahil akala niya kami ni Night. Tapos, nung araw na hinalikan ako Night akala niya ako si Ara, kaya nagsabi na rin siya ng I love you.
" A-ah.. AHAHAHAHA~ oo nga pala nakalimutan ko..ano ba yan.. " napakamot na lang ako sa ulo sa kahihiyan. Ahy buti nalang may beer. Nilagok ko rin yun. STRAIGHT!
" Bakit kayo umalis sa bahay na 'to? " siya naman ang nagtanong sa akin.
" Nagpakasal kasi ulit si mama sa ibang guy. At take note, pating ang nabingwit ng nanay ko! "
" Pating? Tch~ pera lang ang habol ng nanay mo? " ABA!! KAPAL!!
" HOY EXCUSE ME HA! Wag na wag mong sasabihin yan! Kasi ang mama ko pag nagmahal..totoo at tunay! "
" O talaga? E ang tatay mo? Bakit niya kayo iniwan? "
Natahimik ako bigla. Ang ayoko kasi sa lahat yung pag-usapan ang tatay ko. Hanggan ngayon kasi affected at bitter pa rin ako sa pagkawala niya. Tight kasi kami ng papa ko. Kaya siguro ganun.
" Iniwan niya kami... dahil...namatay siya... namatay sa mga kamay ng mga gangster...gaya mo...gaya natin... "
" Sorry... umiiyak ka ba? "
Sumingot ako, kasi sa totoo lang naiiyak na ako.
" hindi *singhooot * ang lamig e!!! "
" Ah ganun ba, di ka man lang nagsalita teka lang. " nung umalis siya, dun ko na nilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
After 5 minutes bumalik rin siya, tatayo na sana ako para maghilamos, pero wag na lang kasi baka makita niya ako asarin pa niya ako.
Binuklat niya ang dala niyang kumot at inabot sa akin yung kabilang dulo. WOW HA! Ang laki ng kumot!!
" Malamig pa rin ba? " tanong niya sa akin. Bait naman niya ngayon..
" Hmmm.. comfortable na ako. "
Walang nagsalita sa amin after nun. Kumuha pa ako ng isang beer dahil ubos ko na yung isa.
" Pwede ba? " paalam ko sa kanya. Baka kasi mamaya... sabihin nanaman niya yung favorite line niya.
" If you mind. "
Ngumiti ako at kinuha ang isang lata. Binuksan ko yun at uminom ulit.
" Ok ka lang ba? " tanong ko sa kanya.
" NAranasan mo na bang itaboy ka ng sarili mong pamilya. "
Pagkasabi niya nun, may pana na tumagos sa puso ko. Oo..naranasan ko na yun.. I think...
" Yun ba yung feeling na, kapg iba ang kausap nila, ang santa santa nila, pero pag ikaw na ang kinakausap parang halos lahat ng problema sa mundo sayo niya ibabagsak. "
" Tapos, pag hindi mo nagawa lahat ng gusto niya, magagalit siya sayo ng sobra pero pag sa iba, ok lang. Tapos, ikukumpara ka nila sa ibang tao. "
" HAHAHA~ nararanasan mo rin yun? " Paehas pala kami ng pinagdadaanan. Siguro naglayas rin 'to?
" Father's act. *inom beer* hindi ko nga siya maitindihan e. Kung ano yung ayaw kong gawin yun yung pinapaggawa niya, yung gusto ko naman, yun ang ayaw niya gawin ko. "
" Baka naman..para rin yan sa future mo..? "
" Baka naman para sa future niya. Ginagamit lang niya ako. Alam ko na yang style na yan. Tapos makikinabang yung walangyang step mom ko! Damn her! " Uminom pa siya ng beer.
" Simula nung dumating sa puder namin yang Lyanna na yan, naging basura na yung buhay ko. At tingnan mo, pinaalis ako ng matalino kong ama sa bahay namin dahil hindi ko tanggap ang relasyon nila! Ako pa ngayon ang naging masamang damo! E habol lang naman ng punyetang yun ang pera at kumpanya ng papa ko! "
Bigla akong natakot at naawa at the same time sa kanya. Nangagalaiti sya sa galit at yung mga kamao niya..feeling ko anytime pag sumabog siya sa akin niya isasalpak yan e! Lord, wag naman po san please *puppy eyes*
Pero hindi na muna ako nagsalita, siya muna. Sa kanya muna ang spotlight.
" Kahit ayokong humawak ng kumpanya, heto ako, at nag-aaral sa murang edad kung paano maghandle sa mga ganyan. Pero kulang pa daw ang ginagawa ko. Wala daw yung sa kalingkinan ng pinagdaanan ni papa dati. Ano 'kala niya sa akin? Memory card? Automatic na naproporcess yung mga ideas at may nastostore dun for a long time!? Tapos yung Lyanna na yun, walang ginawa kundi mag-ala Donya Victorina sa pamamahay namin! Mistress lang siya, at sisiguraduhin kong hanggan dun lang siya! "
" Pero alam mo kung ano yun pinakamasakit? Yung ikumpara ka ng tatay mo sa malanding babaeng yun. Bakit daw hindi ko mapasaya ang tatay ko? Bakit daw ang hirap kong turuan kumpara sa kanya? Puro na bakit at puro na lang siya. Kailangan ba talagang ipamukha sa akin na mas may karapatan yung Lyanna na yun sa bahay kaysa sa akin? "
Ang galing naman ng lalaking 'to. Humahanga ako sa kanya. Kahit na ganyan ang sitwasyon niya, hindi niya ito iniiyakan. Oo, naglalabas siya ng sama ng loob, pero hanggan dun lang. Di gaya ko, kahit anong pilit kong wag umiyak, wala talaga...
" Night... gusto mong hiramin? " nagtataka siyang tumingin sa akin. Siguro nagtataka dahil hindi niya alam kung ano yung sinasabi ko?
Sasabihin ko sana, ' you can lend my shoulder' kaso bigla akong nahiya...
" Aahh-- wala ... nevermind hehe... " naramdaman kong uminit yung mukha ko. Yes I can feel my redness -_- mas lalong nakakahiya.
Tumayo siya, kaya tumayo na rin ako. Nakakahiya talaga, bakit ko naman kasi nasabi yun? Kay Rhea lang naman ako nagpapahiram ng balikat eee >///<
Tinupi ko na yung kumot at binigay sa kanya.
" Ahh--s-sige goodnight~ " tumalikod na ako para umalis nang bigla niyang hawakan ang left shoulder ko. Naphinto naman ako.
" Maybe someday, kakailanganin ko 'to. Sapat na sa akin na you lend me your ears. " at unti unt niyang tinitrace gamit ng index finger niya yung right ear ko. Bigla akong nakiliti. Bakit pag ako yung gumagalaw hindi naman ako nakikiliti?
" Goodnight Kyuna. " tapos pinat niya ako sa ulo.
Jaw-drop na ako.. SANA LAGI NA LANG SIYANG NAKAINOM!!! SANA DUMAMI PA ANG PROBLEMA NIYA! Ang sama ko naman tata.. Pero kasi... nagiging crush ko siya pag mabait... ang-- ang-- ang ano e.. ahmm...aAARGH~ Speechless~
Bubuksan na na sana niya yung pinto sa loob ng bgla siyang tumingin ulit sa akin.
" Thank you " at pinakita na niya sa akin ang kanyang one-in-a-million smile. Tuluyan na siyang pumasok.
Naiwan akong tunganga at bigla na lang ako napaluhaod sa damuhan.
dug dug dug