Second Chance Book 2: Our Des...

By MiarraMaeM

950K 14.9K 3.8K

(2nd book) Sabi nga sa kasabihan "We were born to be true not to be perfect" Lahat ng tao nagkakamali. Ang ta... More

Chapter 1: Ang pagbabalik
Chapter 2: Asar
Chapter 3: Formality
Chapter 4: Argue
Chapter 5: Despedida
Chapter 6: Meet up
Chapter 7: Meeting
Chapter 8: LQ again
Chapter 9: Sakit sa ulo!
Chapter 10: Baboy.
Chapter 11: Next Level
Chapter 12: New home
Chapter 13: Together
Chapter 14: Night
Chapter 15: Malas!
Chapter 16: High-tempered
Chapter 17: Jealous
Chapter 18: Balik
Chapter 19: Sermon
Chapter 20: Welcome back!
Chapter 21: Bwiset >.<
Chapter 22: Time
Chapter 23: Special Day
Chapter 24: Lasing
Chapter 25: Bad day
Chapter 26: BV
Chapter 27: Pak dis layp.
Chapter 28: Bulag
Chapter 29: Unfortunate
Chapter 30: Alone
Chapter 31: Fake
Chapter 32: Mean.
Chapter 33: Karma
Chapter 34: Instant
Chapter 35: 1st day workout
Chapter 36: Truth
Chapter 37: Litrato
Chapter 38: Unexpected
Chapter 39: Batangas
Chapter 40: Buking
Chapter 41: OMG.
Chapter 42: Honest
Chapter 43: Over
Chapter 44: Official
Chapter 45: New
Chapter 46: Happy & Satisfied
Chapter 47: Gift
Chapter 49: Not again
Chapter 50: Sleep
Chapter 51: Instagram
Chapter 52: John's POV
Chapter 53: Resto
Chapter 54: Paul's POV
Chapter 55: 2 years after
Chapter 56: Unready
Chapter 57: A day to remember
Chapter 58: The Wedding Ceremony
Chapter 59: The Finale

Chapter 48: Parking instructor

13.8K 256 73
By MiarraMaeM

Sorry late update!

Naging busy kasi eh.

And magiging busy na ulit!

Tinaasan ko na ulit ang kota! 

Sa Jan 7 po pasukan namin so baka 2-3x na lang ulit ako maka-update per week ha! :)

__

PS: Di na rin magiging gaano kahaba itong story.

Kaya may konting pagskip ng days! HEHE pero yung flow ng story di naman gaano nag-skip.

___

Belated Happy New Year everyone:)

_____

P: "Ang sakit na ng batok ko -__-"

"Kasi, sabi naman sayo ngangayon nga ako nakahawak ng manibela eh."

P: "Ilang linggo na kitang tinuturuan, bale isa o dalawang beses kada linggo, pero hanggang ngayon. Yung pag-preno di mo pa makuha? Jam naman eh"

"Eh anong magagawa ko kung talagang hard akong mag-preno."

P: "Wag mo kasi biglain! Sa kakabigla mo, yung ulo ko titilapon na sa labas eh."

"Ang hirap naman kasi Paul!"

P: "Mapeperpekto mo na yan, konti na lang. Marunong ka na nga mag-drive. Pero problema talaga sayo, di ka marunong mag-preno ng dahan-dahan."

"Kasi naman natataranta ako eh."

P: "Bakit naman?"

"Baka kasi maya-maya, kapag mahina preno ko, may dumaan o ano, masagasaan ko pa."

P: "Paano ka makaka-sagasa? Eh nasa open field tayo? Wala ditong nakaharang o kaya naman dadaan!?"

"Aba masasabi ga naman natin sa totoong buhay?!"

P: "Sabagay, pero, dahan-dahan lang sa preno okay?"

"Madali na tong preno, ituro mo naman sakin kung paano mag-parking."

Napakamot sya sa ulo.

P: "Di kasi ako marunong magturo ng parking."

"Paano nangyare yon? Eh ang dami mong sasakyan!"

P: "Oo nga, ibig kong sabihin, I can't explain para maintindihan mo."

"Eh gusto kong matuto nyan kasi"

P: "Hmmn. Ganito na lang.... May tanong ako.."

"Ano?"

P: "Medyo matagal na rin naman simula nung naghiwalay kayo ni John, tama?"

"Oh tapos?"

P: "Naka-move on ka na diga?"

"Oo naman, bakit?"

P: "Sya lang ang kakilala ko na magaling magturo kung paano magparking ng sasakyan."

"Anong gusto mong mangyare?!"

P: "Tutal, sure naman ako na di ka na magpapaapekto o kaya naman wala na sayo to. Gusto mo sya na lang magturo sayo kung paano mag-park?"

"ANO?!?!! Gusto mo Nanay ko mismo ang bumugbog sayo ha?!"

P: "Tuturuan ka lang naman nya at least once a week. Eh di kung gusto mo na di na sya makita agad agad, eh di kailangan mong matuto as soon as possible"

"Maghanap na lang tayo ng iba!"

P: "I'll assure you, he's the best driver in town!"

"Pero alam mo naman yung ginawa nya sakin eh."

P: "Sabi mo naka-move on ka na? Kung ganon, dapat okay lang sayo. Dapat wala na sayo."

"Oo naman, ok na ok na sakin, ang problema ko kasi sina Mame."

P: "Gusto mo matuto?"

"Aba malamang!"

P: "Then let's keep it a secret!"

"Paul naman eh!"

P: "Jam, I'm serious!"

"Ano namang pumasok dyan sa isip mo? Di ka man lang nagseselos?!"

P: "I trust you."

"Lagot ako nito sa bahay."

P: "Trust me! Basta kapag natapos ka ng matuto. We'll get rid of him. He's still my friend and you know that. Kahit anong nangyare noon, nadadaan sa mabuting usapan ang lahat."

"Nakikipagusap ka sa kanya?!"

P: "Jam, kung ano mang meron sa inyo noon, labas ako don."

Bigla kong pinreno ang sasakyan.

At dahil di handa si Paul sa preno.

Kamuntikan na namang tumama yung ulo nya sa bintana.

P: "ARAY!!!"

Hawak-hawak nya yung batok nya.

Well, kanina pa naman at masakit nga ang batok nya.

"Ay sorry! Ikaw nman kasi binibigla mo ko! Paano naman kasing magiging labas ka don?! Eh boyfriend kaya kita!!!!"

P: "Yes I know, pero yung away nyo, hindi ako kasali don. Siguro kung iinsultuhin ka nya ulit o kaya naman sasaktan, dun ako involve."

"Hay nako Paul! Ewan ko sayo!"

P: "Bakit ka nag-woworry?"

"Hindi kaya! Nakakainis lang kasi alam mo naman na magagalit si Mame."

P: "Akong bahala."

"At sigurado ka ga na katiwa-tiwala yang si John?!"

P: "Kasama nyo pa rin naman ako. Kaya wala kang dapat ipagalala."

"Sabi mo yan ha!"

P: "Oo! Eto naman, parang pababayaan eh."

-___-

Siguro, okay na nga to.

Dahil alam ko na maliit nag mundo namin ni John.

So, sasanayin ko na sarili ko na makita sya.

Kahit pinaiyak nya ako nung huling nagpakita sya para invite sa relaunching ng resto nya.

Balita ko nga, super sikat ng resto na yun ngayon.

Happy for him.

____

P: "Bangon na!"

"Ano?!"

P: "Driving lesson ulit ngayon!"

"Naman eh, pass muna! Sarap matulog! DI mo ga alam na may function kahapon, pagod na pagod ako sa resto, tapos nag-gym ako pagkatapos!"

P: "Okay lang yan!"

"Papatayin mo ga ko?! Kainis naman to eh, magpatulog ka nga jan!"

P: "Hindi! Bumangon ka!"

Binuhat nya ako.

"PAUL!!!!"

Dinala nya ako sa may banyo.

At dun nilapag.

P: "Manligo ka na!"

"Kainis to!"

Nan-dila pa.

Kaasar -___-

Tumayo na nga ako.

"Paano ako liligo kung nakatayo ka dyan?!"

P: "Ay oo nga pala!"

Lumabas sya.

Ginawa ko umupo muna ako sa tabi.

Sabay nakatulog ulit.

zZz

Zz

ZzZ

Kumalampag yung pinto.

P: "Bakit ang tagal mo?! May isang oras ka na dyan ah?"

Naalimpungatan tuloy ako.

Lagot.

"Wag ka nga dyan!"

P: "Mga babae nga naman!"

Dali-dali akong nanligo.

After an hour.

Nakaupo at inip na inip si Paul na nakaupo sa kama ko.

P: "Anong ginawa mo sa loob? Daig mo pa ang nagsimba eh."

"Eh pasensya naman, nakatulog ako."

P: "Sa banyo? Nakatulog ka pa?"

"Aba, eh antok na antok nga sabi ako."

P: "Oh sya sige, paki-bilisan na lang at malelate na tayo."

"OA mo naman, eh tuturuan mo lang naman akong mag-drive."

P: "Baka nalilimutan mo, may magtuturo sayo ngayon."

"Ay oo nga pala."

P: "Okay lang naman sayo diga?"

"Okay na okay lang no."

Hinawakan nya ang kamay ko.

P: "Hanggang ngayon, hindi pa rin ito naalis?"

"Hindi nga eh."

Ngumiti sya.

P: "Panahon na lang siguro ang magtatanggal nyan :D"

"Agang aga wag mo kong bwisitin Paul ha."

P: "Ang init ng ulo nito parati."

"Di naman kaya! Ikaw kasi lagi kang nag-aasar. Parang ang babata pa natin ha."

P: "Osige, babawi ako."

"Ano na naman?"

P: "Napanood mo naman siguro si Peter Pan ano?"

"Oh tapos?"

P: "Sabi ni Peter Pan, If you think of happy thoughts you will fly, pero bakit nung inisip kita, nahulog ako?"

Sabay ngiti syang wagas.

Ako poker face.

P: "BOOOOM!"

Binato ko sa kanya ang towel ko.

"Agang-aga namapak ka na naman ng mais. Napaka-mais mo!"

P: "Ni-research ko pa yun ah."

"Waley naman eh."

P: "Asus, ang sabihin mo, kinikilig ka lang, pero tinatago mo."

"Oo na sige na, kung yun gusto mo eh, sya labas ka muna at mag-aayos pa ako."

P: "What? Mag-iintay na naman ako ng matagal?"

"Eh kung lumalabas ka na, eh di sana di sayang oras?"

Nag-pout na naman sya ng lips.

P: "Kiss ko?"

Tumawa ako.

Nag-pout din ako.

Nilapit ko yung mukha ko sa mukha nya.

Nung malapit na.

Tinakpan ko ng kamay ko ang mukha nya.

"Dami pang kaharutan eh, Sige na."

P: "Hopia."

HAHAHA.

Baliw talaga neto.

After 30 mins.

Bumaba na ako.

At nagpaalam na sa magulang ko.

Lumabas kami na HHWW.

Kumportable na ulit kami sa isa't isa eh.

Pero basta parang barkada lang turingan, okay na yun, kapag sobrang seryoso naman kasi, ang boring.

Ginamit namin ang sasakyan na bigay nya sa akin papunta dun sa open field.

__

Dumating kami doon.

Bago bumaba.

P: "Goodluck!"

"Saan?"

P: "Alam mo na yun!"

Tumawa sya, sabay baba ng kotse.

P: "Oh Pare, kamusta?"

J: "Ayos lang naman."

P: "Pasensya ka na ha, matagal kami. Eto kasing si Jam. Tulog mantika."

Nakakapanibago talaga yung itsura nya, pero in a positive way!

Ngumiti lang ako.

I'm showing na positive ako at okay na sakin ang lahat.

Nag-nod sya sakin at ngumiti.

P: "Ano pare, simulan mo na pagtuturo kay Jam?"

J: "Okay lang ga sayo Jam?"

"Of course!"

J: "Good"

Ang aliwalas ng mukha nya.

Alam nyo yung parang stress free?

Ganon yung mukha nya ngayon :)

Sumakay na kami sa sasakyan.

Ako sa driver's seat, si Paul sa tabi ko, sa likod si John.

P: "Show him what you've got, Baby"

Nag-simula na ako mag-drive.

Pasikat. :P

--

J: "Not bad! Magaling ka na pala talagang mag-drive Jam!"

P: "At mabuti ngayon, hindi na sumakit ang batok ko dahil hindi na sya hard mag-brake."

"Naman! Nagpa-practice din kaya ako minsan."

P: "Ang problema, yung sa parking naman."

"Right."

P: "John, gusto mo dito ka muna sa harapan?"

J: "No, I'm fine here."

P: "Bibili rin muna ako ng miryenda. Panulak na rin. Ang init."

"Softdrinks na lang sakin."

P: "Diet ka remember?"

"Yaan mo na, ngayon lang naman ulit eh. Kailangan ko ng energy."

P: "Bilhan na lang kita ng energy drink!"

"Sige ikaw na nga bahala, basta yung malamig na malamig ha?"

P: "Eh pagkain, may gusto ka?"

"Burger na lang."

P: "Jam, sabi mo sakin, kapag magkasama tayo wag kitang tuksuhin sa mga pagkaing nakakataba, eh bakit ngayon gusto mo na naman ng fatty food?"

"Hello! Di kaya ako nag-agahan! Ang aga-aga mo sa bahay kaya!"

P: "Okay fine, ako na naman."

Gumagawa ako ng funny faces habang nakatalikod at bumababa sya ng sasakyan.

P: "I can see your face on the side mirror! Ikaw talaga!"

Sabay inabot pa ng kamay nya ang pisngi ko at kinurot ng bongga!

"ARAY NAMAN!!!"

Sya naman yung gumawa ng funny faces -__-

Arggg!!

J: "Pre, you can use my wheels if you want."

Hinagis nito ang susi kay Paul.

P: "Salamat."

Naglakad na sya palayo.

Tapos tumabi sakin si John.

Wooo.

Napa-hinga ako ng malalim.

Kaya mo yan Jam!

Natural lang yan, 1st time ito na kayong dalawa lang after nung pag-lipat mo ng bahay.

Nag-drive ako at lumingon lingon kunwari sa bintana.

J: "Bilis mong matuto ah." naka-ngiti pa sya.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti din.

"Magaling magturo tong si Paul eh. Kapag naman di ko nasunod, kung hindi kurot sa pisngi, kiliti naman ang gagawin sakin."

J: "Like the old days?"

Nag-nod lang ako.

J: "Oww sorry, don't get me wrong, wala akong ibig sabihin na iba."

"No! Okay lang, wala yun."

J: "So, do you want to learn how to do the parking?"

"Oo sige."

J: "San mo gustong unang malaman, kung paano mag-parking?"

"Yung talagang gusto ko matutunan. Yung sa mga malls, resto, ganon."

J: "Okay. Here are some safety tips. First, Stay at a safe distance from parked cars so that you can see and maneuver better once you have found an empty spot. Second, Stay alert for cars backing out to leave their space. Lastly, Always signal to show that you are ready to make a turn."

Tinuruan nya ako gamit ang strings na kunwari ay parking lane.

Habang tinuturuan nya ako.

Nakikipagkwentuhan sya.

J: "So, How's your job?"

"Okay naman. Sobrang nag-eenjoy ako."

J: "Sa Salvino Hotel sa Taal ka nagwowork right?"

"Yup."

J: "That's good. Kamusta naman kayo ni Paul?"

Yung ngiti sa mukha nya, halatang sincere at hindi sarcastic.

"Okay naman, ayun para kaming ewan, may sariling mundo madalas. Tsaka kung magkulitan wagas." sabay ngiti.

J: "Sabi sayo noon eh, okay naman si Paul."

"Oo naman, sobrang okay."

J: "Sumabit ka sa lane. Bwelta ka ulit."

Habang umaatras.

"Eh ikaw, you changed. More on your physical appearance."

J: "Baduy ga?"

Natawa ako, kasi parang na-conscious sya bigla sa itsura nya.

"No, hindi naman. Astig nga eh!"

J: "Kung kelan 20's na saka pa nag-bagets ano?"

"Late bloomer lang ang peg."

J: "Ikaw, ang laki na ng pinayat mo ah!"

"I have to e"

J: "Tsaka kailangan yan sa panahon ngayon, we need to be healthy. Panahon ng sakit ngayon eh. Mahirap na."

"Hindi na rin mahirap tumalon."

Napatawa sya.

J: "Hindi na rin mahirap tumakbo."

"Hindi na rin mahirap yumuko."

J: "Hindi na rin mahirap humanap ng size."

"Hindi na rin mahirap mag-split."

Nagulat sya.

J: "Marunong ka pala mag-split?"

"Echos lang." sabay tawa.

Nag-tawanan kami sa loob ng sasakyan.

Maraming nagbago, yung personality and attitude nya nagbago din.

I mean, naging mas positive.

Syempre, good yun! :)

Nang matapos magtawanan

Napatahimk kami bigla.

Nag-focus ako sa pag-papark.

Ang hirap pala -___-

J: "Focus Jam. I know you can do it!"

"Di ko yata kaya to ng isang araw lang."

J: "Okay lang yan, di naman kailangan matuto agad eh."

"Pero kailangan matuto na ako kaagad."

J: "Bakit?"

Alangan namang sabihin ko na para di ko na sya ulit makita.

Ang mean ko naman.

Eh para sa kanya wala na naman yung noon, syempre sakin pa kaya?

What I've learn this past few weeks is that changing your thoughts will change your world :)

"Eh kasi gusto ko na rin mag-drive sa daan mismo. Ayoko na sa field"

J: "Let it be your motivation! Kaya mo yan!"

Pina-ulit-ulit ko ang pagpapa-park.

"SHTTT!!! YESSS!!!!"

Tuwang tuwa ako!!!

Nagawa ko ng tama :D

Bumaba ako para icheck ito, at ganon din si John!

Talon ako ng talon at parang nawala ang pagod ko kasi nagawa ko rin ng tama! After ilang oras!!!

Yey!! :)))

Pumalakpak si John.

J: "Sabi sayo eh!"

Nag-thumbs up ako sa kanya.

Sabay nakipag-apir naman sya.

"Nice one, my parking instructor!"

Kinuha ko kaagad ang phone ko.

Sabay pinicturan.

"Jusko, 1st perfect parking!"

Tumawa na naman si John.

J: "Di naman mukhang makatotohanan kapag pinost mo yan. Strings lang naman yung kita."

"Jusko, okay na to. Basta ako alam kong nagawa ko!"

Inabot ko sa kanya ang phone ko.

"Pa-picture naman please!"

J: "Vain ka pa rin pala talaga."

"Sige na!!!"

Nag-pose ako sa may tabi ng gulong.

Tapos isa pa na nakaupo sa may harapan ng kotse.

Isa pa na nasa loob ako ng driver's seat, nakahawak sa manibela at naka-thumbs-up.

Kinuha ko kay John ang phone.

At tiningnan ang mga pictures.

"Alam mo, pwede ka na ding maging photographer."

J: "Bakit?"

"Kasi ang galing mong mag-shot. Tingnan mo."

Pinakita ko sa kanya yung mga shots nya na LAHAT blurred -___-

Napakamot sa ulo si John.

J: "Sorry!"

"Ano kasi, ganito..."

Tinuro ko sa kanya kung paano.

"Ito pipindutin mo, tapos kapag nag-click kailangan intayin mo na mag-appear yung pict bago mo igalaw. Kapag ginalaw mo kasi kaagad, magiging blurred talaga. Tapos kapag gusto mo i-focus sa isang bagay, click mo kung san yung main object, parang dito, ako. Click mo ganon, para naka-focus sakin. Okay?"

J: "Sorry. I'm not used to use cameras in mobile phones."

"Oh, tinuruan na kita sa phone ko ha. Sa susunod, dapat alam mo na."

J: "Puro selfies lang kasi ako."

"What? Nagseselfie ka?"

>=))))

J: "What's wrong with selfies?"

"Wala naman."

HAHAHA.

J: "Okay, pose ka ulit!"

"Nakakapagod din ito ha! Jusko! Iperfect mo na yan"

Pumwesto ulit ako.

Gulong.

Harap ng sasakyan.

Loob ng driver's seat.

Balik ako sa kanya.

At tiningnan ang pictures.

J: "Okay na? Or is it worst?"

Tumingin ako sa kanya sabay ngiti at naki-pag apir.

"Yes naman! Yan!!! Okay na to!! Odiga, parehas tayong may natutunan ngayon!"

J: "Thanks, my camera instructor!"

"Huh? May ganon?"

He sheepishly smiled.

"Di! Okay lang yon!"

J: "Selfie tayo!"

"Ha?"

J: "Ah wala wala."

"Selfie? Vain ka na rin?"

J: "Hindi naman. But I have my Instagram account na rin kasi."

"What?!!?!!! Yan ang epekto ng bad boy look?"

Sabay tawa.

J: "Naka-private naman yon & I have no follower/s."

"Huh? Anong sense ng instagram mo kung wala kang followers?"

J: "Nothing. Wala namang rules ang instagram na bawal ang walang followers right?"

"Oo nga naman. Grabe nakakagulat talaga yung pagbabago mo."

J: "We all have big changes in our lives that are more or less a second chance."

"Ah eh. Ano, kala ko selfie!"

J: "Osige!"

K. 

Awkward.

Ngumiti lang ako....

Isang shot, medyo blurred pa kasi nangangatal (nanginginig) kamay nya.

J: "Okay na to. Pang-Insta.."

Nag-nod na lang ako.

J: "Wait, ulitin natin pagpa-park mo.. Try mo nga ulit!"

Sumakay ulit kami.

PARK.

PARK.

PARK.

PARK!!

SABLAY =(

Bumaba ako ng sasakyan.

"Nu ga yan. -___- Natyambahan ko lang yata yung kanina eh."

J: "Okay lang yan, baguhan ka pa lang naman. Kaya di naman talaga mapeperfect yan kaagad."

"Pero nagawa ko na kanina eh. Sayang!"

J: "At least may remembrance ka!"

"Ay oo nga pala! Buti na lang!!!"

Nakita ko may isang message.

"Ay nagtext pala si Paul."

J: "Anong sabi?" nag-papahid na sya ng pawis sa mukha at katawan.

Ang init kasi -__-

Tanghaling tapat pa man din.

"Traffic daw. Tanghalian na lang daw kasi binili nya, eh wala naman daw malapit dito. Kaya sa may bayan pa sya bumili."

J: "Ah. Sige."

"Pahinga muna tayo kung gusto mo."

J: "Ang init no? San ga kaya may malilong dito."

(Malilong = lugar kung saan hindi tinatamaan ng init ng araw)

Nakakita kami ng puno.

Malilong doon.

Mahangin naman eh, kaya nga lang kapag nasa gitna ka ng field na sobrang taas ng sikat ng araw.

Hindi mo mararamdaman ang hangin.

Dali-dali kaming pumunta roon.

Naglatag kami ng kustal (sako).

Umupo ako tapos sya humiga.

J: "Jam."

"Oh?"

Sa parang (field) kasi ako nakatingin.

Ang sarap ng hangin.

J: "Magtatanggal lang ako ng pantaas ha? Medyo mainit kasi. Okay lang kahit hindi ka tumingin sakin."

"Sanay na ako sa ganyan."

Kahit hindi.

J: "So ano, okay lang?"

Nag-nod ako.

Sabay balik ang tingin sa parang.

Anong tagal ga naman nitong si Paul -___-

Hmmmn.

Ang dami kong gustong itanong kay John.

Pero syempre hinay hinay lang.

But it's really good na I don't felt that awkward kanina.

Siguro dahil may friendship pa rin na natira saming dalawa kahit papaano.

"John. Kamusta naman buhay mo?"

Nagulat sya sa sinabi ko.

J: "Okay naman. Life goes on. Naging mas responsible and balance na ako ngayon."

"How about.... hmmn."

J: "Alin?"

"Alyna?"

Binigyan nya ako ng tipid na ngiti.

Sabay pumikit.

J: "She still exist.. but not in my life anymore."

"Really? Why?"

J: "4 months and I dunno how many days ago, as I remembered. I rejected her to live in my condo. After that, nagkikita pa rin kami sa resto and office. But yun na lang. Hanggang ngayon, para syang aso na bumubuntot sakin."

"Eh bakit naman ganon?"

Sumilip isang mata nya.

Kaya na-conscious ako bigla.

Nakatingin pa man din ako sa kanya.

Napaiwas tuloy ako ng tingin.

"Nevermind.. Medyo private na yata yon."

J: "No, okay lang. Hmmn. Sabihin na nating naumpog ako and now I have chosen to be more mature and di na ako nagpapaapekto sa mga ganong bagay, at sa ganung tao. Tsaka sa panahon ngayon tanghali na lang ang TAPAT." sabay rinig ko paghagikhik nya.

"Yan siguro nakikita mo sa Instagram no?"

J: "No. Someone gave me this book of quotes. Kaya yun."

"May passion ka na pala sa book ngayon."

J: "Not so, natry ko lang basahin."

"Ahhh."

Moment of silence.

J: "Jam."

"Oh?"

J: "Sorry sa bigla kong pag-appear nung huli ha? Dun sa inyo? I just wanted to invite you sana sa relaunching, akala ko kasi okay na tayo non after nung dinner, I mean ok ka na. Kaya naisipan ko na invite ka."

"Ah... Ok lang."

Bumangon sya.

Tapos nagpunas ng pawis.

Sa kabilang side ako nakatingin..

J: "Pwe! Pwe!"

Napalingon ako.

At nakita ko yung buhok ko nakakain nya na.

Mahangin nga pala, tapos mahaba pa yung buhok ko.

Agad kong pinulupot ang buhok ko.

"Nako! Sorry!" napatawa na naman ako sa itsura nya.

J: "Okay lang yon."

Ewan, bakit ako natatawa :D

J: "Bakit ka tumatawa?"

"Wala hahaha!"

J: "Mabuti di ka awkward sakin ngayon."

"Wala na naman sakin eh"

Though hindi 100% pero I think kaya ko naman na ganito.

Friends pa rin naman kami.

Siguro oras na nga talaga para kalimutan ang nakaraan.

Kahit gaano pa ako kagalit.

Nangingibabaw pa rin yung pagmamahal bilang kaibigan siguro.

And it's a good thing!

Magiging way to para tuluyan na akong maka-recover! :)

Tahimik ulit...

Tapos dumating si Paul.

Dali-dali akong tumakbo sa kanya.

Hinarang ko na nga kotse e.

Bumaba na sya ng sasakyan at dali-dali kong pinakita sa kanya ang picture.

"PAUL oh!!!!!!! Ang galing ko!!!!"

Tumalon-talon ako.

P: "Sus, si John naman yata gumawa nyan."

Kumunot ang noo ko.

Sabay pompyang sa kanya.

"Oy ha!!! Pinaghirapan ko yan!!!! Right John?"

Na naiwang nakaupo sa kustal, tapos nagsuot ng bagong damit.

J: "O-oo!"

"See!"

Nag-spread ang arms ni Paul.

Tinaas ko ang kilay ko.

"Oh, ano yan?"

P: "Give me a big hug!!!"

Lumapit ako..

Sabay hampas sa dibdib nya.

"Hug ka dyan! Bakit ang tagal mo?!"

P: "Traffic!"

"Kasi naman! Ang layo ng binilhan!"

P: "Galit ka pa nyan? Nako, sayang may binili pa naman akong double dutch na ice cream."

O___O

"OMG. Seryoso?!"

Pinakita nya to sakin.

At napa-irit ako.

Sabay hinila ang ulo nya at sinipit sa kili-kili ko sabay ginulo ang buhok nya.

"Ikaw talaga!!!!"

P: "Pagbbgyan na kita na kumain ka ng mga bawal para sa diet mo, alam ko naman na msyado kang pagod these days!"

"Susss!! Ka-sweet naman!!"

P: "Oh John, softdrinks tsaka pang-tanghalian."

Inabot nya ito kay John.

J: "Salamat pre!"

Umupo kami sa may kustal.

At ako walang pakialam sa mundo dahil may ice cream ako.

May ilang buwan na rin akong di kumakain nito.

Jusko ha -___-

Nasa kaliwa ko si Paul, tas kanan si John.

P: "Hinay hinay lang. Baka gusto mong mamigay?"

"Hindi."

P: "Damot!"

"Eh di sana bumili ka!"

P: "Kala ko kasi mamimigay ka! Di pala, buwaya ka talaga pagdating sa ice cream!"

"Alam mo naman pala eh, dapat bumili ka na ng sayo."

Nangonsensya sya.

Patungo-tungo.

Tapos palingon lingon.

Binatukan ko nga.

"Daming arte! Ito na nga!!! Kuha ka na! Isang kutsara lang ha!"

Sumandok ako.

Sabay isinubo sa kanya.

P: "Isa pa!"

"Wag ka nga! Tama ka na! Mag-diet ka!"

P: "Buwaya sa ice cream!"

"Che!"

=))))))))

____

Paguwi sa bahay.

Pagod na pagod at amoy araw kaming dalawa ni Paul.

Iba ang daan ni John malamang.

Nag-thank you naman ako.

Pagdating sa bahay.

Bagsak kami ni Paul sa may sofa.

Pinatong nya pa yung paa nya sakin.

Tinulak ko nga ito. -___-

"Eto naman parang sya ang pagod eh!"

M: "Oh, kanina pa kayong dalawa dyan?"

"Di Me, kadadating lang namin."

P: "Hi Tita!"

M: "At talagang di na kayo makatayong dalawa dyan ha."

P: "Nakakapagod po eh."

M: "Ano naman ang tinuro mo ngayon sa anak ko Paul?"

P: "Ay hindi po ako........"

Sinipa ko sya!

P: "I mean..... parking po tita."

"Opo me, grabe ang hirap pala non."

M: "Natural! Oh manligo kayong dalawa maya-maya pagka-pahinga. At amoy araw kayo!"

P: "Talaga tita? Kaming dalawa?"

M: "Ibig kong sabihin, manligo kayo, pero di ko sinabi na sabay!"

Kinurot ko nga tong si Paul.

Mga iniisip baga!

P: "Biro lang po tita!"

M: "Basta manligo kayo mamaya!"

Nagtakip pa ng ilong ang Mame.

Di rin naman kasi kami nakapagdala ng damit pamalit.

"Arte ni Mader!"

Natawa na lang kami ni Paul.

P: "Ano kamusta naman kanina habang wala ako? Baka pinagpalit mo na ako ha!"

"Ulul! Di no!"

P: "Di awkward? Or di nakakainis?"

"Hindi naman. Naka-move on na nga kasi ako! Kasi kung hindi pa ako naka-move on, siguradong makita ko lang sya, hindi na ako papayag."

P: "Fully moved on na ga?"

"Ah eh...."

P: "Okay lang yun, at least way ito para tuluyan ka ng maka-move on. Hanggat di ka pa kasi naglelet go sa past, di ka pa pwedeng maging open sa future."

"Oy ha! Open naman ako! Loko ka! Basta okay naman."

P: "Akala ko nga kanina, uubusin mo na ang buhok ko dahil ayaw mo makita si John."

"Akala ko din, pero I guess naka-move on na nga ako.. DI man 100% pero at least diga di na awkward msyado!"

P: "Mabuti naman. Kasi mauulit pa yan, dahil tsamba mo lang pala ung picture na pinakita mo sakin kanina!"

Ay nalimutan ko pakita sa mga Mame!

Di bale mamaya na! Pagod pa ako eh!

"Kaya nga eh! Kainis!"

P: "Practice makes perfect naman eh."

_______

Will update if there would be at least 70 votes and 60 comments :)

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 20.9K 84
This novel is UNDER EDITING / REVISION! "Hindi palaging libre ang SECOND CHANCE kaya kapag pinagbigyan ka, umayos ka! Wag kang TANGA!" Ang pagbibigay...
121K 990 12
A very mysterious story that has many clues and treasures. PROPERTY OF WARRIORPRINCESS220
368K 19.4K 31
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
130K 3.2K 26
Magkakasundo ba ang dalawang tao na hindi gusto ang isa't isa lalo na na ikakasal sila? [DONE REVISION AND EDITING.]