RED
Sabado ngayon.
I decided to go home for a while. Kung saan nakatira sila Mom. Nami-miss ko na din kasi doon, tsaka magpapaturo akong magluto para naman maging asawa ako sa paningin ni Jacob. Nakakahiya naman kasi sa dragon na to.
Nasa salas ako at nagsisintas ng sapatos. Di naman ako mahilig sa sandals at dress kaya naka-jeans lang ako at three fourth na damit. Nagpaalam na din ako kay Jacob kagabi. Nag-away pa kami.
•••
"Hayst! Nakakapagod!" Sabi ko at binagsak ang sarili ko sa kama nang makapasok na kami sa kwarto namin.
"Kasalanan mo yan."
Kasalanan ko pang napagod ako? Di naman kasi sana ako pagod kung hindi siya nagpaka-ninja turtle at meron pa siyang pa-kidnap kidnap na nalalaman.
Pero in fairness, sa ginawa niyang yun feeling ko ang ganda ko. Kaso, di ko naman maiaalis yung katotohanang isa lang akong nerd sa paningin niya.
"Ako na naman?" Pagsusunget ko.
Naghubad lang siya ng pang-itaas at tumabi na sakin. Agad ko siyang naitulak.
"Ano ba?!" Iritado niyang sigaw.
"Magdamit ka nga! Babae ang katabi mo! Babae ako!"
"Asawa kita kaya okay lang yan!"
Napabangon ako at umupo sa kama. Tapos sinampal ko siya.
"Bastos ka! Babae pa rin ako. And excuse me, huwag mong sabihin na okay lang yan kasi asawa kita, birhen pa ko!" Galit kong sabi.
Nanahimik naman siya. Lumambot yung itsura niya kaya nakonsensya ako. Parehas lang kaming pagod tapos sinigawan at sinampal ko pa siya. Samantalang nakatabi ko naman na siya nang naka-boxer lang. Di ko na naisip na baka init na init na siya dahil sa ninja turtle suit niya.
Di ko na naisip na nag-effort pa siya para lang sabay kaming makauwi.
"S-sorry Wife." Pabulong niyang sabi at umupo na rin at niyakap ako. "I used to be like this noon kay Darline. Sorry Wife, sorry." Buong sinseridad niyang pagsasalita.
Di ko alam pero ang sakit nun. Yung maisip ko lang na magkatabi sila ni Darline noong di pa kami kasal ay masakit na. Nakaramdam ako ng mga luha galing sa mata ko, di naman pwede sa bibig galing kasi laway na ang tawag dun.
Hanggang sa yung luha ko ay naging paghikbi na.
"D-di ako si Darline." Pilit kong inaayos ang boses ko para kahit papano ay di niya mahalata na nasasaktan ako at umiiyak.
Hinaplos niya ang buhok ko. It comforts me. Unti unting nahinto ang pag-iyak ko.
"Alam ko Wife. Ikaw lang ang Red Blynt sa mundo. Ikaw lang ang asawa ko. Ikaw lang ang mataray na nerd. Ikaw lang.." Bulong niya.
Naramdaman ko ang pagtambol ng puso ko sa sinabi niya...
Red Blynt.
•••
Iyan yung away namin na nauwi sa kilig. Syempre ako lang yung kinilig, ako lang kaya nagmamahal dito. Nakapagpaalam lang ako kay Jacob nung patulog na kami at wala na siyang nagawa kundi ang pumayag dahil antok na siya.
Tumayo na rin ako nang naayos ko na yung sapatos ko.
"Aalis ka na?" Pupungas pungas na tanong ni Jacob habang pababa ng hagdan.
"Hindi." Sagot ko. "Matutulog ako ulit, kaya nga ganito suot ko e." Sagot ko pa.
Tiningnan niya lang ako ng masama. Inirapan ko na lang siya tutuloy na sana sa paglakad kaso nagsalita na naman siya.
"Huwag kang umalis mag-isa." Sabi niya.
Nilingon ko siya habang naglalagay ng palaman sa tinapay. Aish. Wala tuloy siyang makain na almusal kasi di ako marunong. Wala na ding bacon sa ref, tsaka last time na nagluto ako nun nasunog lang.
"Bakit naman? Dapat ba may kasama pa?"
"Oo." Sagot niya. "Hintayin mo ko saglit. Ihahatid na kita." Sabi niya.
Tumango na lang ako. Umupo ako sa may tapat niya. Di pa ko nagbe-breakfast. Well, okay lang, di naman talaga ako kumakain sa umaga e.
"Kumain ka na ba?" Pagtatanong niya. Tumango ako kahit di naman.
Pinanliitan niya ako ng tingin. Yung para bang sinusuri niya kung nagsasabi ako ng totoo. Kinokonsensya ako ng mga tingin na yun at the same time, natatakot.
"Hehe.. h-hindi pa pala. Joke lang yun." Umamin na lang din ako bandang huli.
"Dito ka sa tabi ko." Utos niya at siya pa ang nag-urong ng upuan para makaupo ako. Sumunod na lang ako.
"Simula ngayon di ka na pwedeng mag-skip ng breakfast." Sabi niya. "Sasamahan kita lagi mag-breakfast. Sabay tayong kakain. Naiintindihan mo?" Masunget niyang sabi.
"Oo na." Sabi ko na lang. "Napakasunget." Bulong ko.
"May binubulong ka ba Wife?"
"Wala!" Sabi ko na lang.
Kumuha na din ako ng tinapay at nilagyan ng palaman. Kaya ko naman tong gawin, pagluluto lang yung di ko alam.
Nang isusubo ko na sana yung tinapay ay inagaw naman iyon ni Jacob. Psh. Gutom na gutom na ba talaga siya at inaagawan niya pa ko ng pagkain? Grabe, pwede naman siyang magpagawa sakin. Di naman niya kailangang agawin pa.
Hays, naawa ako sa asawa ko gutom na gutom na pala siya.
Napahawak ako sa noo ko ng maramdaman kong binatukan ako ng patay gutom kong asawa.
"Tulala ka. Baka kung anu anong iniisip mo diyan." Sabi niya sakin.
"Iniisip kong gutom na gutom ka na kaya inagaw mo yung f----"
"Kapag sabay tayong kakain, ako ang magsusubo sayo. Kaya ko kinuha kasi susubuan kita." He said. "Now say ahhh."
Napatulala na lang ako at ngumanga. Wala sa sarili kong nginuya yung pagkain sa bibig ko at nilunok.
Yung puso ko parang gumagawa ng banda tapos nagtatambol ng sobrang lakas. Napatingin ako kay Jacob. Kung ituring niya ko para akong prinsesa. Para bang espesyal ako sa kanya at mahal na mahal niya ko.
Napa-iling ako.
Di niya ko mahal.
"Wife.." Mahina niyang pagtawag kasabay ng paghawak sa kamay ko.
"Diba ang sabi ko huwag mo kong tawaging 'Wife' kasi di naman tayo nagmamahalan?" Nanlulumo kong sabi. Ako lang naman kasi ang nagmamahal, di naman niya ko mahal.
"Pero Red----"
"Kung tatawagin mo kong 'Wife', papaasahin mo lang ako." Diretsahan kong pagsasabi.
"H-huh?"
"W-wala." Napaiwas ako ng tingin. "Tapos ka na ba? Mauna na ko sa kotse." Sabi ko at tumuloy na nang lakad. Tinawag niya pa ko pero di na din ako lumingon.
.
.
.
.
Papunta na kami kina Mom. Actually, medyo malapit na kami roon.
"Pwede ba kong sumama?" Tanong ni Jacob.
Nagulat ako sa biglaan niyang pagsasalita. Nakatingin lang kasi ako sa bintana. Ayoko kasi siyang tingnan, kasi wala lang. Hinarap ko na lang siya.
"Ikaw bahala." Sabi ko lang at tumingin na sa daan.
"Bakit nga ba ko nagpapaalam sayo?" Biglang naging masunget ang pagsasalita niya. Napataas na lang ako ng kilay. "Sasama ako kung gusto ko. Mama ko na rin ang nanay mo kaya may karapatan akong pumunta sa inyo." Sabi niya pa.
Mama ko na rin ang nanay mo..
"Red."
"Bakit?"
"I love you."
"I love you too."
Wait. What?!
***