She Was Bitten

By fbbryant

1.3M 48.4K 5.1K

Nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay napilitang lumipat ang pamilya nina Savannah sa Hellville... More

Disclaimer
...
1: Savannah
2: The Strange City
3: Glass Window
4: Party, T and Dream
5: Matteo Brigham
6: The Founding Families of Hellville
7: Town Council Meeting
8: Upstate Party
9: First Day of School
10: A Simmons Witch's Role
11: Simmons Mansion
12: Rights
13: A Puzzle
14: Coffeeshop
15: She Should Not Care
16: Council Meeting with Outsiders
17: O 💜 G
18: Upside Down World
19: Pleas and Intruder
20: Forgotten Secret
21: Truth and Awkward Dinner
22: Blood Moon
23: Side Effect and Gratitude
24: A Visitor
25: A Long Lost Friend
26: Mysterious Yaddie
27: Channeling
28: Vampire-Witch
29: Fitzgerald Vampires
30: Gratitude and Loyalty
31: A Bite In the Back
32: ISOP
33: ISOP President
34: Attack of the Turned
35: Amongst Them
36: The Hunt
37: Truce
38: Grand Plan
39: Lost Lives
40: Goodbye
41: Ghost From the Past
42: Sisters
43: Family Trouble
44: Moved On
45: Pain and Regret
46: Vacation
47: Love Wins
48: Bloody Town
49: For the Ultimate Power
50: Reinforcements
52: Ultimate Power
53- Death and New Beginnings
Epilogue
Special Chapter
Note
Announcement

51: The Battle

20.5K 699 37
By fbbryant

Nabuhayan ako ng loob nang makita ang mga bagong dating. Pakiramdam ko ay hulog sila ng langit at sila ang sagot ng aking dasal kahit hindi naman ako nagdasal.

"Marunong ka bang makipaglaban, Noelle?" tanong ni Nadine. "At sobrang yellow ng outfit mo. Madali kang makita n'yan."

Umingos si Noelle. "I trained. I'm a great fighter," aniya sabay taas ng kanyang hawak na long sword.

Gusto kong matawa dahil hindi talaga bagay sa hitsura n'ya ang makipaglaban. Nakasuot siya ng hapit na leather jacket at pants na parehong kulay yellow. Puti naman ang boots niyang may four inches na takong. Naka-high bun naman ang buhok niya.

Pero kung may training siya, why not?

"So, let's go?" yaya ni Matteo na pinatunog pa ang mga buto sa kanyang mga kamay.

"T, you lead the way," ani Noura na nakangiti ng sobrang landi kaya napasimangot nanaman ako pero tinawanan lang n'ya ako.

"Nichola, try to see what Lucinda is up to now," baling sa akin ni Titus kaya agad na kumunot ang noo ko.

Nakapagpahinga nanaman ako kaya kaya ko na siguro ito.

I closed my eyes and thought of the mausoleum. Agad na naglakbay sa katawan ko ang pamilyar na sensasyon na lage kong nararamdaman sa tuwing ginagamit ko ang kapangyarihan ko. Kasunod n'on ay ang paglabas ng pamilyar na lugar kung nasaan sina Lucinda.

May pentagram na nakaguhit sa sahig d'on at pinalibutan iyun ng mga kristal. Sa bawat point ng pentagram ay may kandila na may apoy na kasingpula ng dugo.

Tiningnan ko pa ang paligid. Nakita ko sa labas ng mausoleum ang mga bampira kasama si Florence. Lahat sila ay naghihintay na matapos ang ritual ni Lucinda.

At nag-init ang ulo ko nang makita ang pamilyar na mga mukha ng mga witches na nagpunta sa side ni Lucinda sa pangunguna ng mga Akitson.

Mga traydor! Marami-rami rin pala sila.

Nakita kong mas lumakas ang apoy sa bawat kandila at tila mas lumakas ang pagcha-chant ni Lucinda sa kanyang spell.

Pilit kong binuksan ang mga mata ko at nang makabalik ako sa sarili ko ay napansin kong hawak na pala ako ni Titus sa beywang.

"Are you okay?" banayad na tanong niya at tumango naman ako.

"Patapos na ang ritwal ni Lucinda kaya kailangan nating magmadali," seryoso kong sabi kaya sabay-sabay silang tumango.

Maayos naman akong itinayo ni Titus.

"Tara na bago pa nila matapos ang ritwal," ani Nadine.

"Alright. Follow me," sabi ni Titus saka nauna nang tumakbo papunta sa kakahuyan.

Walang salita na sumunod na lamang kami sa kanya.

Mabilis ang bawat pagtakbo namin upang maabutan at mapigilan sina Lucinda. Kapag nainom na nila ang dugo namin, ibig sabihin, mahihirapan na kaming pigilan sila. Or worse, they would be unstoppable.

Marami ang dugo. Pati ba mga tauhan nila? Ang mga Turned at witches?

Evil night creatures should not be given such strong powers.

"This is gonna be fun," narinig kong komento ni Noura habang patuloy kami sa pagtakbo.

Napailing na lang ako. Bakit hindi sila natatakot? Wala silang extra na kapangyarihan.

Nang mamataan ko na ang mga tauhan ni Lucinda na palakad-lakad ay alam ko na agad ang nangyari.

Kakaiba na ngayon ang aura nila. Mas nagmukha silang nakakatakot.

"Damn it. Can you feel that?" mahinang bulong ni Matteo nang magtago kami sa likod ng mga pananim.

"Yeah," tumatangong sagot ni Nadine.

They already had our blood. Ang bilis naman yata. Hindi na pala sila nag-aksaya ng panahon.

"Alright. You ready?" Titus' voice seemed more venomous. More scary. Alam kong nababahala rin siya dahil aware naman kaming dehado na kami ngayon.

"Let's go. Let's finish this once and for all," seryoso na ngayon ang tono ni Noura kaya alam kong hindi na biro ang sitwasyon namin ngayon.

Huminga ako nang malalim upang ihanda ang sarili ko. Nang sulyapan ko si Titus ay nalaman kong nakatingin pala siya sa akin nang may pag-aalala.

Nginitian ko na lang siya to ease his trouble kaya tumango siya at binalingan ang mga kasama namin.

"Alright. Let's go," pinal na sabi ni Titus at sabay-sabay na kaming lumabas mula sa pinagtataguan namin at tumakbo palapit sa mga tauhan ni Lucinda.

Agad akong lumuhod at nag-slide palapit sa isang babae na tumatakbo sa direksyon ko. Ang pula ng mga mata n'ya at ang mga crack sa mukha n'ya ay mas malalalim at mas marami kesa sa mga naunang Turned na nakita ko dati.

Agad kong sinuntok ang tiyan ng babae pero tila balewala lang ito sa kanya. She didn't even flinch. Agad akong tumayo at sinangga ng mga braso ko ang kanyang roundhouse kick kaya napaatras ako.

Ang sakit n'on ah.

Muli siyang sumugod at ilang beses na nagpakawala ng sipa na lahat ay nasangga ko pero namamaga na yata ang mga braso ko.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-atake sa akin at ilang beses na tumama ang sipa n'ya sa balikat at tiyan ko.

Kailangan kong kumilos upang maka-survive. Hindi ako maaaring mamatay na lang nang dahil sa isang 'to.

Mas nag-focus ako sa labanan namin. At tila nag-slowmotion naman ang pagsuntok n'ya sa akin kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na yumuko at umikot ako sa ilalim ng kanyang braso at sa isang iglap lang ay nasa likod na n'ya ako.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad kong itinaas ang aking kanang braso at ginaya ang ginagawa nina Titus. I cut her head off using my hand.

Napaatras ako nang bumagsak sa paanan ko ang ulo ng babae. Dilat na dilat ang mga mata n'ya na para bang nagulat siya sa nangyari.

"Ugh!" napalingon ako sa kanan ko at nakita ko ang biglaang pagtalsik ni Saide papunta sa isang puno.

Isang lalaking bampira ang gumagamit ng kapangyarihan ni Titus ngayon. Sa pamamagitan ng mga kamay n'ya lang ay napapatalsik n'ya si Saide sa kung saan.

This wasn't good. They had our blood powers!

Kikilos na sana ako upang tulungan ang kapatid kong may galit sa mundo pero naunahan na ako ni Noura. Sinaksak n'ya ang lalaki sa puso gamit ang wooden stake. Wala na itong buhay nang bumagsak sa lupa.

Nagkatinginan kami at agad n'ya akong nginitian bago s'ya tumalikod upang makipaglaban uli.

Yumuko ako at kinuha ang punyal na nakasabit sa beywang ng babaeng Turned na pinugutan ko.

"Yahhh!" gulat akong napaiwas nang bigla na lamang may lalaking umatake sa akin mula sa likod.

Napakabilis ng kilos n'ya pero tila nag-e-slowmotion talaga ang bawat kilos n'ya tulad ng babae kanina kaya agad akong nakakahanap ng tiyempo upang iwasan ang bawat atake.

"Nichola!" mabilis akong napalingon kay Titus at nakita kong may inihagis siya sa akin kaya agad ko iyung sinalo at isinaksak sa dibdib ng lalaking kalaban ko.

"Thanks," baling ko kay Titus at ngumiti naman siya bago bumalik sa pakikipaglaban.

Kinuha ko ang wooden stake na nakabaon sa dibdib ng bampirang napatay ko.

Tumingin ako sa paligid. Marami nang mga bangkay ng Turned, witches at mga sundalo ni Noelle na nakakalat.

Hinanap ng mga mata ko ang babae. For some reason ay nag-aalala ako sa kanya.

Pero laking gulat ko nang makita siyang ekspertong nakikipaglaban gamit ang kanyang long sword. Mabilis at precise ang kanyang kilos. Halatang sanay sa pakikipaglaban.

So, hindi lang siya puro arte. Lihim akong napangiti.

Nasa malapit niya si Rocco na ngayon ay puno ng dugo ang damit. Sana ay hindi galing sa kanya.

Isang bagay ang napansin ko. Parang mga nababaliw na nilalang ang mga Turned ngayon. Alam kong wala silang kontrol sa mga sarili nila kapag gabi pero base sa nakita ko noong tumatakas kaming apat, hindi naman sila agresibo. Parang napapakalma sila ni Lucinda. Siguro ginamitan n'ya ng spell ang mga Turned upang 'wag silang mawala sa sarili tuwing gabi.

Pero ngayong nakainom na sila ng dugo namin, bumalik ang kanilang uncontrollable behavior. Mas lumala pa yata. Mas agresibo sila at mas tila baliw.

Isang dahilan lang ang naiisip ko. Nag-uumapaw ang mga kapangyarihan na nasa sistema nila ngayon dahil sa dugo namin at hindi nila kayang kontrolin 'yun. Sugod lang sila nang sugod na para bang hindi nag-iisip. Walang direksyon.

Advantage iyun sa amin kung gan'on. Unstable ang mga kalaban namin.

Isang babae ang papalapit sa akin at agad kong na-realize na isa siyang witch. I wonder kung uminom din ito ng dugo namin.

Itinaas n'ya ang kanang kamay niya sa direksyon ko kaya mabilis akong kumilos. Gamit ang vampire speed ay agad akong lumapit sa kanya. Hindi ko na siya hinintay pang makapag-cast ng spell sa akin. Agad ko siyang sinaksak sa likod at siniguro kong tinamaan pati ang kanyang puso.

Isa na rin akong halimaw ngayon. Tila walang awa na rin akong kumikitil ng buhay. Pero wala akong magagawa. I had to survive and help save the city. And its' people.

I needed to grow my own horns just to cut the horns of the more evil ones.

Sabi nga nila, if you can't beat them, join them. Kailangan kong maging masama upang pigilan ang kasamaan. Kahit ayoko ay kailangan kong gawin.

Namataan ko si Titus na pinupugutan ng ulo ang mga nakakalaban niya gamit lamang ang kanyang kapangyarihan. Ni hindi na niya hinahawakan ang mga ito. Basta na lang nahihiwalay ang ulo ng mga kalaban mula sa kanilang katawan.

Kinilabutan ako sa kaya niyang gawin.

Si Nadine naman ay pinapatay ang mga kalaban n'ya sa pamamagitan ng pagbibigay ng intense negative emotions sa mga ito. Yung iba nga sinasaksak nila ang mga sarili nilang puso habang umiiyak o sumisigaw.

Si Matteo naman ay medyo nahihirapang gamitin ang kanyang mind reading ability dahil tila hindi naman nag-iisip itong mga kalaban namin. Sugod lang sila nang sugod. Kaya naman, brute force ang ginagamit niya.

At ang tatlong Gerhardt? Hindi ako makapaniwala sa galing nilang makipaglaban. Katulad ni Noelle ay halatang may proper training ang mga ito. Napaka-graceful pa nilang tingnan habang gamit ang kani-kanilang mga espada.

Dalawang Turned ang papalapit sa akin ngayon mula sa likuran ko. Napakurap-kurap ako dahil na-realize ko na vision pala iyun. My mind and body overrode my instincts.

Lumingon ako sa likuran at dalawang Turned na mukhang mga gutom na hayop ang mabilis nga na palapit sa akin.

Sabay nila akong pinaulanan ng mga suntok at sipa kaya hindi ko naiwasan ang iba. Sangga lang ako nang sangga sabay atras.

"Ugh!" napaluhod ako nang bigla na lang tumama sa mukha ko ang isang napakalakas na sipa ng isa sa kanila.

Ouch!

Bago pa man ako makakilos ay isa nanamang sipa ang parating kaya napapikit na lamang ako. Ngunit hindi dumating ang hinihintay ko kaya napamulat ako. Titus just snapped the neck of one of the two men bago niya iyun tuluyang pinugutan. Isang kumpas lang ng kanang kamay niya at tumilapon naman ang isa pa.

"You okay?" inalalayan n'ya akong makatayo. Nasa mukha niya ang labis na pag-aalala.

"Okay lang ako. Don't worry," sagot ko na lang kahit na nasaktan talaga ang mukha ko.

May palapit na limang Turned sa amin at agad nila kaming pinalibutan kaya tinalikuran namin ni Titus ang isa't isa upang harapin ang mga kalaban.

Patuloy kaming nakipaglaban hanggang sa unti-unti nang nauubos ang mga kalaban pero gan'on din ang nangyayari sa mga sundalo ni Noelle. Isa-isa silang nalalagas.

May mga tumatakas pa na Turned pero hinahabol naman ng iba pang sundalo at ni Rocco. Hindi sila pwedeng makatakas.

"Yadira!"

"Nadine!"

Sabay kaming napalingon ni Titus sa mga kasama namin nang halos sabay silang tumilapon. Si Yadira tumama sa puno at mukhang napuruhan dahil hindi na ito bumangon. Si Nadine naman ay duguang nakadapa. Bumagsak pala siya sa mabatong bahagi.

"They're here," sabi ni Titus kaya napatingin ako sa tinitingnan n'ya at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Florence na nakataas ang kanang kamay paharap kay Matteo.

"Matt," mahinang sambit ni Titus na para bang nawala siya sa sarili niya.

"Matteo!" sigaw ni Nadine habang pilit na tumatayo.

Nakita kong tila nahihirapan nang huminga ni Matteo at namumutla na siya kaya alam kong sinasakal s'ya ni Florence ngayon. Dahan-dahan din siyang lumutang sa ere.

Tila naman nagising si Titus mula sa gulat. Mukhang nagulat talaga siya na ginamit ng iba ang kapangyarihan n'ya upang saktan ang kanyang matalik na kaibigan.

"You wait here," aniya at hahakbang na sana. Pero hindi na namin napigilan ang sunod na nangyari.

I gasped when Florence snapped Matteo's neck.

"Matteo!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw ko nang makita ang paglupaypay ng ulo ni Matteo at pagbagsak ng mga kamay n'ya.

No. Not Matteo.

Dahan-dahan nang itinaas ni Florence ang isa n'ya pang kamay upang pugutan na ng ulo ang kaibigan namin.

"Matteo!!!" sabay-sabay naming sigaw nang makita ang sunod na nangyari.

***

Continue Reading

You'll Also Like

38.2K 1.4K 34
Vaughn Series 2 CREED VAUGHN |COMPLETE| Half Vampire half werewolf, met the pure human. Creed Vaughn. Kilala bilang isang strikto at seryosong Bamp...
703K 14.7K 58
(COMPLETED) Highest achieved rank #1 mystery/ thriller and #2 werewolf 10/20/2018 Cassandra the Bitch met the new Alpha Van Tyler Laurent . Masungit...
19.7K 885 82
Dalawang maninira, isang taga-gawa. Pano nga ba kung magtagpo ang tatlong to? Ano kayang mangyayari kung parehas silang mahulog sa patibong ni tadha...
4.9M 340K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...