WANTED PERFECT BOYFRIEND for...

By VixenneAnne

32.4M 828K 96.3K

She's cruel. She's cold. She's Beautiful. She's Powerful. And she badly needs a boyfriend! Sabrina Vee Suarez... More

Author's Note
1. She's the Boss
2. No Suitor? No Boyfriend?Why....?
3. The BF Pressure
4. Her Black Encounter
AUTHOR'S NOTE
5. Pressure!Pressure!
6. Black Encounter Strike 2
7. Black Back Again
8. Black Part of Him
9. The Proposition
10. The Reunion
11. After Shock
12. The Girl for Black
A/N
13. BLACKmail
14. The Demetri's
A/N
15. Missing BLACK
16. Teasing Black
17. Morning Break
18. Spell SELOS
19. Love Game
19. Love Game(2)
20. Beware: Mga lalaking pa-fall
21. Boyfriend on Duty
22. Black all day
23. A rose for an angry lady
24.Moments with Black
25.Diamond Vs Darkness
26.The Fallen Angel
27.Black Tricks
28.Black Intruder
29.The Revelation
30.Lady Veronica's Warning
31.Black Identity
32.Pride and Prejudice
33.When the Devil Returns
34.Chasing Black
A/N Facebook ni Black
A/N Promoting Drico Antonio Divanne
35.The Elusive Black
36.The Plan
37.Black Motives
A/N A Poem from a Reader
38.Black Cares
AUTHOR'S NOTE: FACEBOOK UPDATE
39.Prince Vs. Prince
40.The Devil's Proposition
41.Teenage Dream
42.The Fall
43.The Heartbreak
44.Black Thoughts
45.Wildflower
46.b-LIE-vee
A/N: Recently in Facebook
48.Two-Faced Devil
49. Black Karma
50. The Dream
A/N Facebook Fun
51.The Conflict
52.Beautiful life.
EPILOGUE
Published under Psicom
SMX Mall of Asia
Shopee

47.It's a beautiful day..

578K 15.6K 2K
By VixenneAnne

A/N: Shout out to Mrs. JONA OCAMPO. Inggit ako sayo girlie. You are blessed with a very loving and a very thoughtful husband. He personally asked me with a very touching letter to dedicate this chapter for you, kaya para sayo talaga to. Pinagpuyatan kong maisingit to sa schedule ko para sayo. Sana magustuhan mo. Thank you!

To all my beloved readers, sori na, tampo na ba kayo??? Bawi nalang ulit ako.







She tiptoed to her room in a hope na wag magising ang Mama niya. HIndi niya alam kung paano ito haharapin at kung paano ipapaliwanag dito na pagkatapos ng dalawampu't anim na taon isinuko niya ang Bataan ng ganun-ganun na lang sa isang lalaking ni hindi niya boyfriend. Buti sana kung pwede siyang magdahilan sa ina na niloko siya ni Christian, sinabihan ng matatamis na salita at pinaniwalang pakakasalan, may maidadahilan siya. Kaso wala, wala itong sinabi, siya itong si tanga na may malanding buto sa katawan, nagpaubaya ng walang kahit na anong pangakong lumabas sa bibig ni Christian.

Gusto niyang sabunutan ang sarili. Buong akala ng pamilya niya nagpunta siya sa Italy para turuan ng leksyon si Christian, pero ang nangyari siya itong naturuan ng leksyon. Ng masakit na leksyon. Kaya malabong harapin siya ng ina nang hindi tinatamaan.

Nakahinga siya nang maluwag nang lumampas na siya sa kwarto ng Mama niya.

"Sabrina.."

Tumigil ang mundo niya.

Nakagat niya ng mariin ang ibabang labi. "Po?"

Dahan-dahan siyang pumihit paharap sa nakabukas na pinto ng Mama niya na halukipkip na nakatingin sa kanya.

"Can we talk for a moment, Sabrina?"

Nahugot niya ang hininga. Sa tuwing Sabrina ang tawag nito sa kanya, alam niyang masama ang timpla nito..

"Of course, Ma!" pinilit niyang ngumiti na may kasamang ngiwi. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto nito. Naupo siya katabi nito sa gilid ng kama.

"You have got a lot of explaining to do Sabrina. You can start now."

Namula siya. Ni hindi makatingin ng diretso dito, meron pa bang mas o-awkward sa nanay mong nag-uusisa tungkol sa first sex experience mo at the wrong place, at the wrong time and definitely with the wrong guy?? Well, hindi siguro wrong guy, kasi mahal naman niya yun, not the legal guy lang siguro.

"Ano na..?"giit nito.

"I'm sorry Mama, it was not planned. Hindi ko sinadya, ganun siguro talaga kapag yung taong mahal mo na ang kasama mo sa iisang kwarto. Tsaka po, lasing pa ako nun, hindi ko nga po masyadong alam ang ginagawa ko, nadala lang ako ng sobrang pagka-miss ko sa kanya."

Kumunot ang noo ng kanyang ina. Tila hindi tinatanggap ang explanation niya. Kunsabagay, wala naman talagang katanggap-tanggap na explanation sa ginawa niya.

"Tsaka, first time lang po naming ginawa yun, hindi na po naulit yun! Nasa tamang edad naman ho ako eh, at hindi naman po ako nabuntis--"

"Sandali. May nangyari na sa inyong dalawa ni Christian Demetri??" tumaas ang boses ni Marie.

Natutop niya ang bibig. Napalunok. "Ahh.. ahmm.. akala ko po, sinabi na ni.. Christian sa ..inyo?"

"Wala siyang sinasabi sa akin! Ikaw tong unang nagsalita ngayon. Ba't ngayon mo lang sinabi to? Kaya mo ba inamin kasi akala mo sinabi ni Christian sa akin??"

God damn that stupid mongrel!

"Kung hindi niya po sinabi, bakit niyo ako gustong makausap?"

"Kasi gusto kong malaman kung ano na ang namamagitan sa inyong dalawa ng prince of hell na yun. Pero mukhang hindi ko na kailangang magtanong. Mukhang alam ko na. Papakasalan ka ba niya?"

Napangiwi siya. "Hindi naman po dahil nagsex, pakakasalan na. Iba na po ngayon...tsaka, hindi ko po siya boyfriend..."

"Sabrina! You did it with a guy who's not even your boyfriend??" Napahawak sa sentido ang ina. "Anong sinasabi mo? Pinalaki ka namin ng maayos ng Papa mo, may maganda kang disposisyon sa buhay, at mataas ang respeto mo sa sarili. Ngayon ka pa ba naman magpapasaway ngayong malaki ka na at nasa tamang edad na??"

"Ma, lasing ho ako ng nangyari yun.."

"Hindi dahilan yun!"singhal nito. "Eh si Christian? Lasing din ba siya?"

"H-hindi po.."

Tumitig sa kanya ang ina. "Kailangan malaman ng Papa mo to. Tatawagan ko siya, ipapaalam ko sa kanya--"

"Ma!" sigaw niya. "Wag mong sabihin kay Papa, parang awa mo na. Pipilitin nun si Christian na pakasalan ako, at ayokong mangyari yun."

"At bakit ayaw mo? Naisip mo ba ang magiging reaksyon ng Papa mo nang magpa-uto ka sa lalaking yun? Kung nagawa niya yun sa maraming babae noon, hindi sayo. Hindi papayag ang Papa mo!"

"Ma, it's pointless, ok? Walang magagawa si Papa against a prince of hell like Christian Demetri. I personally saw how powerful he is when I was in Italy, hindi siya ordinaryong tao."

"But your father can talk to him.."

"Hindi na po kailangan. Hindi na ako teenager Mama, matanda na ako alam ko na ang ginagawa ko. Hindi natin kailangang pilitin si Christian na pakasalan ako.Ayokong gawin yun. Mahal ko siya Ma, at masasaktan ako kung papayag siyang magpakasal dahil lang kinausap siya ni Papa."

Napabuntong hininga ang ina. "Kunsabagay, nasa tamang edad ka naman na talaga. At sa palagay ko hindi kailangan pang pilitin si Christian na pakasalan ka."

Napamaang siya sa ina. Panu nito nasabi ang bagay na yun? " May sinabi po ba si Christian sa inyo?"

"Wala, he just told me na mapapadalas ang dalaw niya dito, humingi lang siya ng permiso."

"Ganun po ba?" Ano na naman kayang pakulo ng isang yun?

At bakit nito sinabi sa kanya na alam na ng Mama niya ang nangyari sa Italy?

"Anyway, I see your point now, sa dami ng pasakit na dinulot sayo ni Christian Demetri, baka nga ayawan pa ng papa mo ang lalaking yun. Kung manliligaw siya, ligawan ka niya ng matino, wag yung dadaanin niya sa impluwensya at kapangyarihan. Matanda ka na Sabrina, ayusin mo ang mga desisyon mo sa buhay. Minsan mo nang pinairal yang puso mo, naagrabyado ka lang, sa susunod gamitan mo ng kaunting utak ha? Wag kang tatanga-tanga sa pagibig, marami na ang naging biktima niyan."

Dahan-dahan siyang tumango.









The next morning she tried to make herself believe na panaginip lang ang lahat ng nangyayari sa buhay niya. Na siya pa rin ang maganda at matalinong CEO ng SmartView na si Sabrina Vee Suarez. Wala siyang problemang pinansyal, at wala ring bahid ng kahit na anong kahihiyan ang pangalan. Tinitingala pa rin siya ng halos kalahati ng populasyon ng mga babaeng entrepreneurs sa Pilipinas. At higit sa lahat ng gusto niyang kalimutan, ay ang aksidenteng nalaman ng Mama niya ang katangahan,na may halong konting kalandiang pinaggagagawa niya sa Italy.

Lintik na Christian yun!

"Uuwi daw ang Papa niyo as soon as he got the permission from his office.."

"Talaga Ma? I'm supeerr excited!! He said he will buy me a new Chanel bag paguwi niya!" Nanlaki ang mga mata ni Cassy nang marinig ang announcement ng Mama nila sa breakfast table. Napatayo pa nga itong bigla.

Kung si Cassy namumula sa excitement, siya naman parang manggang hilaw na nabuhusan ng suka sa putla. Halos maubos lahat ng dugo niya sa mukha dahil sa narinig.

"Ma..."aniya. "Sinabi mo kay Papa?"

Inirapan ni Marie si Cassy, at siya naman ay tinaasan ng kilay. "Hindi. Gusto niya lang umuwi, ba't parang hindi ka yata excited?"

"May dapat ka bang sabihin kay Papa?" singit ni Cassy.

"Don't put your nose where it shouldn't be. Finish your breakfast brat, sasakalin kita pag nalate ka!" she glared at her curious sister.

Lumiko lang ang bibig nito. "Hindi ako malilate, Kuya Black said ihahatid niya ako sa school today. He'll be here in few minutes--"

"Wait, what??"singhal niya sa kapatid. "Sinong maghahatid sayo?

"Ate, I said what I said. Kelan ka pa naging bingi??" pairap na sagot ng kapatid.

"At bakit ka magpapahatid sa psychotic na yun? Hindi pwede ah! May driver tayo diyan, si Manong ang maghahatid sayo--"

"Ate, no! I'm the campus most sensational Queen Bee now, I will even be more famous kapag hinatid ako ni Kuya Black in his very expensive luxury car. And you are not going to ruin my reputation sa school, don't you dare!"

Tumayo siya upang hatakin ang buhok ng kapatid, pero parang nahulaan nito ang gagawin niya kaagad na itong lumayo sa kanya.

"At bakit ka ba nagagalit, Kuya Black is your boyfriend, so naturally pwedeng magpahatid ang sole sister mong mas maganda sayo at ako yun!"

PInanlisikan niya ito. " He's not my boyfriend, hindi mo ba nabalitaang muntikan nang mabankrupt ang SmartView dahil sa kanya?"

"Syempre alam ko! HIndi ikaw ang kinuyog ng mga reporters ng mga panahong yun noh! Ako! Pero ate, tama na yang drama mo, tama na ang sobrang pakipot, ang haba na nga ng hair mo isang Prince of Hell ang naghahabol sayo tapos inarte ka pa! The guy loves you, I can feel it. I can see it in his eyes whenever he looks at you, isa pa, hindi ka niya susundan dito sa Pilipinas kung hindi ka special para sa kanya. Wag tanga teh, ambisyosa kang tao alam ko, wag mo nang pakawalan yan, para kang nakahukay ng diamanteng kasing laki ng globe sa mall of asia, alam mo ba yun?!"

HIndi niya alam kung saan pinagkukuha ni Cassy ang mga salitang yun, isa lang ang sigurado niya, pag nagkamali itong lumapit sa kanya, kakalbuhin niya ang bangs nito!

Nagtatalon pa nga ito nang makareceive ng mensahe sa cellphone.

"He's here! Mama, I'll open the gate for him!" tili nito sabay takbo.

Napahawak siya sa sentido. Tiningnan siya ng ina. "HIndi ka ba papasok ng maaga sa office? Hindi ka pa nakabihis?"

Lumungkot ang mukha niya. "I'm running out of clients Ma, mamaya pang lunchtime ang schedule ko with a prospective buyer....buti nga hindi ako iniiwan ng mga loyal staffs ko, hindi sila tumitigil maghanap ng kliyente, kahit paubos na ang oras namin."

"Do you think you can reach the goal?"

"I'm waiting for a miracle. Otherwise, I have to let go of my company.."

"Are you not going to ask help from Christian Demetri? After all that's what you originally planned when you went seeking for him in Italy. Its a bit late, pero sa tingin ko, that campaign was successful, you're able to lure him back."

"HIndi na kailangan Ma, kaya ko na to. Ayokong mabaon sa utang na loob sa taong yun."

Sabay silang napalingon ng Mama niya nang marinig ng muli ang hagikhik ni Cassy. Nakapulupot na ang mga braso nito sa kasamang matangkad na lalaki.

The poker-faced devil.

He was wearing a plain white shirt, faded blue jeans, converse shoes and a silver wristband. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang maitim at manipis na bilog nitong hikaw sa kaliwang tainga. Nang salubungin niya ang tingin nito, nakalimutan niyang huminga. Lintik. Kailangan ba talagang ganito ito kagwapo araw-araw? Kahit na sa simpleng pormahan, natutunaw ang ulirat niya! At sino ba kasing may sabing umihip ang hangin mula dito papunta sa kanya? Nanunuot tuloy sa ilong niya ang pamilyar at nakakaadik nitong bango.

"Good morning po, Ma.." naulinigan niyang turan nito. Imbes na magmano, humalik pa ito sa kamay ng Mama niya.

Konyo.

"Maaga ka yata, Christian.."

Ngumiti pa ito kay Marie ng pagkatamis, halos maningkit ang mga mata nito. "Yung bunso niyo po nagpapahatid sa school eh.."

"Hindi ka ba busy? Baka nakakahiya sayo..."

"Hindi po Ma, ok lang talaga! Besides, gusto ko pong makita ng maaga si....Vee." saka lamang ito tumingin sa kanya. Gustong malaglag ng puso niya. Pero may maliit na tinig na nagbanta sa likod ng utak niya. Kung dati siya lang ang ginagayuma nito, ngayon pati pamilya niya! Sumusobra na talaga to.

"Ayaw kitang makita, pakiramdam ko magkaka-sore eyes ako, lumayas ka sa harapan ko."angil niya.

Ngumiwi ito. Tapos ay ngumiti lang din ulit na parang nakakaloko. "Ang sweet mo talaga kahit kelan! Kaya ang ganda mo sa paningin ko eh."

Inirapan niya ito. "Matagal na akong maganda sa paningin ng lahat ng tao. Para sabihin ko sayo, hindi ako pumapayag na ihatid mo si Cassy, kaya makakaalis ka na, wag mong I-brainwash ang kapatid dahil baka tamaan ka ng takong sa noo."

Para itong batang napahawak nga sa noo. Tapos ay napalunok.

"Ma! Si ate! HIndi ako papasok kapag hindi si Kuya Black ang maghahatid sakin, alam na to ng lahat ng tao sa campus, mapapahiya ako kapag si Manong ang naghatid sakin. Baka batuhin nila ng bulok na kamatis ang mamahalin kong dress at maganda kong buhok..eeewww...nakakadiri yun, ayoko nun Ma. Pleaaassse!!" palahaw ni Cassy.

"Sige na Christian, kung ok lang sayo, ihatid mo na si Cassy.."pa-iling na sang ayon ng Mama niya.

"Ma!" saway naman niya.

Dumila pa ng nakakaasar si Cassy.

"I'll be right back, honey!" kumindat sa kanya si Christian bago umalis kasama ng kapatid niya.

BInaling niya ang paningin sa Mama niya. Makahulugan din ang ngiti nito sa kanya. "Ma, pinaiyak ako ng balde-balde ng taong yun, hindi kayo galit sa kanya??" akusa niya dito.

"You can't blame me. It's hard not to like the guy." tumayo na ito mula sa mesa.

"San kayo pupunta?" aniya.

"Magyo-yoga, magpapasalon, malapit nang dumating si Papa mo, remember? I have to be fit and beautiful."

TUmirik ang mga mata niya dito. Nasapo niya rin ng dalawang kamay ang noo. Ang agang sakit ng ulo ng pamilya niya. KUng tanggapin ng mga ito si Christian parang wala itong ginawang atraso sa kanya. Mababaliw na talaga siya!








Pagkatapos niyang magbigay ng ilang instructions kay Candy via email, she decided to take a bath. Kailangan yun ng katawan niya, higit sa lahat, kailangang malamigan ng utak niyang walang ginawa kundi ang isipin ang mga kakaibang kinikilos si Christian. Hindi siya naniniwalang dahil lang sa sex ay nagbago ang pagtingin nito sa kanya. Imposible yun. Kahit gaano pa siya kasexy, hindi siya ganun kaswerte.

Nang matapos maligo ay binalot niya ang basang katawan sa puting tuwalya. Kahit makapal, medyo maiksi iyon na umabot lamang sa mid-thigh niya. Wala namang problema kung ganun ang ayos niya, siya lang naman mag isa sa kwarto.

Yun ang akala niya.

Pagbukas niya ng pinto, muntik na siyang mapalundag nang mabungaran si Christian na prenteng nakaupo sa gitna ng kama niya, habang nakasandal ang ulo sa headboard. Hawak din nito ang laptop niya, nakabukas yun. Panu nito nalaman ang password niya??

"Anong ginagawa mo? Panu ka nakapasok dito???"

Napaangat ang paningin nito mula sa laptop papunta sa kanya. Hindi ito sumagot, sa halip ay tumitig lang sa kanya, tapos bumaba pa ang tingin sa katawan niyang nababalot lamang ng kapirasong towel. Napangiti ito sa nakita. Namula ng husto ang mukha niya.

"I borrowed your key from Cassy...I hope you don't mind." naasar pa siyang lalo nang iangat nito ang hair pin na pag-aari ni Cassy. Ibig sabihin yun ang ginamit nitong pambukas sa pinto ng kwarto niya.

"Napakabastos mo talagang bwesit ka! Kapag hindi ka lumabas ngayon din, masasaktan ka! At bitiwan mo yang laptop ko!"

Sumunod naman ito sa kanya. Binitiwan nga ang laptop niya at umahon sa kama nang nakatitig pa rin sa kanya.

His gaze bored her skin, nagmadali niyang tinungo ang malaking cabinet para kumuha ng robang pantakip man lang sa kahubdan niya, ngunit dahil hindi siya nakapagpunas ng maayos ay aksidenteng nadulas ang mga paa niya dahil basang sahig. Napasigaw siya, pakiramdam niya mauunang bumagsak ang bungo niya sa matigas na marmol ng sahig.

Mabuti na lamang at abot kamay siya ni Christian, naging maagap ang pagsagip nito sa kanya na napigilan nito ang pagtama ng ulo niya. Sabay silang nabuwal sa sahig dahil napakapit siya ng mahigpit sa katawan nito.

"Careful, babe, damn it!!" tagis ang bagang nito! Naningkit ang mga mata nito dahil sa pinaghalong kaba at pag aalala. "Ano ba kasing kaartehan to? Minamadali mong magbihis, akala mo may maitatago ka pa sakin! Damn!" Umangat ang boses nito na halatang nairita sa ikinilos niya.

Nang mga oras na yun, nakatitig lang siya sa namumula nitong pisngi. Ang sarap sa matang pagmasdan ang isang Christian Demetri na halos mawalan ng kontrol sa sarili dahil sa pag aalala. Parang tumigil ang mundo niya, buong atensyon niya ay nakatuon sa maingat nitong pag-ayos sa tuwalya niyang nawala sa pwesto, at sa marahan nitong pagbuhat sa kanya upang makaupo sa kama.

"Are you ok? Are you hurt somewhere?"

Hindi siya sumagot.

"Shit! Talk!"

Napapitlag siya. "I'm fine." usal niya

"Tsk. Take care of yourself, idiot! Don't make me nervous again..." he said then ran his hand through his jet black hair.

Tinawag siya nitong idiot. Ewan ba niya, in normal circumstances, malamang nabatukan na niya ito. Pero sa mga oras na yun hindi nya kayang magalit dito lalo't nakikita niya sa mukha nito ang nag uumapaw na pag aalala para sa kanya.

Napansin niyang bumaba ang tingin nito sa leeg niya.

"You don't wear the necklace anymore.."

Napahawak siya sa leeg. "I realized its too expensive, it can threaten national security kung ipaparada sa labas."

Napatawa ito. "Dummy."

Hindi niya talaga magawang maasar. Ginala nito ang paningin sa kabuuan ng kwarto niya. Naapuhap ng mga mata nito ang isang nakalock na drawer. "I bet it's there?"

Tumayo ito upang puntahan iyon. He took out his magic hair pin again and loosen its lock in a minute.

"Sandali!" nanlaki ang mga mata niya nang may maalala. "Wala diyan!"

Pero huli na ang lahat. Hawak na nito ang bagay na pinakatatago niya. Ang kanyang kapirasong sekreto. Napatakip siya nang mukha nang biglang umaliwalas ang mukha nito at nakakalokong ngumisi sa kanya.

"Huhulaan ko, parang kilala ko to eh..!" sabay tawa.

He was holding his picture. Yung gawang tronix that she kept for the longest time.

Gusto niyang magwala sa sobrang kahihiyan.

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
123K 2.6K 52
"Change is the only constant thing in this world. Feelings change. Situations change. And sadly, we did too.." Aiza and Chuck's story after College...
194K 5.4K 56
Being left broken by her ex-boyfriend, Wendy Salazar opted to follow her friends' advice. That is-to move on. Pero ewan ba niya. Kahit anong gawin ni...
12.2M 195K 36
Muriel was forced by her Boss to be her son's PRETEND GIRLFRIEND because of one reason- her VOICE. His Ex and her voice sounds very alike. Ang tangin...