One Shot Collection

By yeppome

999 16 0

Random stories that my random might has thought of. Kwentong katatawanan, kakikiligan, karerelate-an niyo ngu... More

One Shot Collection
That Story Without A Title
Pagpag
Liham ng Pagmamahal
Totohanin na kasi!

Amats

75 2 0
By yeppome

YeppoMe's Note:

Ito pong storya ito ay hango sa isang kanta na paborito ko. "Amats" Kanta ng Parokya ni Edgar. Di ko gets kung ano yung Amats, alam niyo ba? Pero gandang ganda ko sa storya na binubuo noong kanta. Naisipan ko tuloy gawan ng storya.

Read it! Maaring may makarelate. Hahahaha.

Naka-THIRD person's P.O.V. ito. At puro kakornihan ang pangalan dito. Hahaha. 

-

♪ Dalhin mo ako sa iyong palasyo

Maglakad tayo

Sa hardin ng 'yong kaharian

Wala man akong pag-aari

Pangako kong habang buhay

Kitang pagsisilbihan

O aking prinsesa ah

Prinsesa, prinsesa, prinsesa ♪

Nang matapos ang tugtog ay ngumiti ang lead singer at ang lahat ay nagsigawan at nagpalakpakan, syempre lalo na ang mga kababaihan noong gabi sa Bar na iyon. Umakyat ang nagsisilbing emcee ng pumapalakpak. 

"Very nice! Walang kupas pa rin" sabi niya ng pumapalakpak habang hawak ang micropono. "At napakagwapo" malandi niyang sinabi habang nakatingin siya sa Lead Singer.

"Thank you, thank you" nakangiting sinabi ng Lead Singer na si Joaquin Manankwarto habang nakatingin sa mga audience sa bar na iyon. 

Yes, kung may Joaquin Manansala tayo sa G2B. Pinapakilala ko nga pala si Joaquin Manankwarto. Magaling siyang kumanta. Swabe. Gwapo. At kinakakiligan ng kababaihan. Ano pa nga ba ang ieexpect mo sa bida natin, hindi ba?

"Siya lang? Leche. Di na napansin dito sa likuran" himutok naman ng gitarista na si Choc Nut sa may likuran ni Joaquin. Agad naman siyang binatukan ni Pea Nut. 

"Inggit ka nanaman. Inggitero ka talaga, Kuya" sabi ni Pea Nut.

Magkapatid nga pala sila. Parehas silang may gift sa music. Di nila niregaluhan ang musika. Ang sinasabi ko ay meron silang kakaibang taste at talento pagdating sa musika. Si Choc Nut ay gitarista ng banda. Kaya niyang tugtugin lahat ng gusto mo ipatugtog sa kanya. Wag mo lang papagawain ng gawing bahay dahil malamang, lagapak yan.

Kaya nga magkaaway sila lagi ni Pea Nut sa bahay. Masipag kasi itong si Pea Nut na bahista naman. Maganda si Pea Nut. Maraming nanliligaw pero dahil nga sa laging kasama ay mga lalaki. Naging tomboyin na rin. Tila, nanigas na yata ang puso. Tinatamad daw magmahal. Pwede pala yun. 

"Once again, palakpakan natin ang band natin for this month. Ang Band-aid!" 

At napuno nalang ng sigawan, hiyawan, at palakpakan sa loob ng Chocolate Bar. Yan ang pangalan ng Bar na nakapili kina Joaquin Manankwarto at sa banda niya para sa buwan na ito. Sumisikat na kasi ang Band-Aid at yon, sa di inaasahang pagkakataon. Nadiscover sila, hanep. Ayan, may part-time job na tuloy sila. Ansaya no? Hahahaha. 

Bumaba na ng stage ang Band-Aid at sinalubong naman sila ng mga kaibigan nila. Papakilala ko nga pala sila sa inyo para di kayo maguluhan.

Si Lee Bag na pinaka kaclose kumbaga nila. At kunwari pang hindi rin gusto si Choc nut. Sus. Maharot. Hahaha.

Si Aye Bag na normal ang pagkatao. 

Si Kae Bag na normal din naman ang pagkatao.

At itong si Love Bag na parang kakambal ni Kae Bag. Hahaha. 

Hindi sila magkakapatid. Secret nalang kung bakit pare-parehas sila ng surname. Gusto ko kasi. Pakielam niyo? Hahahaha. 

"Oy Maku Nat, galing mo talaga magdrums!" hinigit siya sa leeg ng sumalubong sa kanyang si Lee Bag at palarong kinutusan ito. Tumawa naman si Maku Nut, siya nga pala ang drummer ng Band-Aid. 

"Naku, mas magaling nga sakin yang si Lag Nat. Ewan ko ba dyan kung bakit ayaw maging drummer" reklamo ni Maku tapos umupo sa pwesto nilang magkakaibigan. 

"Eww! Heck no. Mas gusto ko ang sound ng keyboard. Ang soft soft" sabi ni Lag Nat na paarte pa bago umupo. Siya nga pala ang gwapong pianist ng banda.

"Ang soft soft, gaya mo" asar ni Joaquin sa kanya at nagtawanan naman sila.

"Bureche!" sumimangot si Lag at tumingin sa ibang direksyon. 

"Teka nga lang" tumayo si Joaquin at tiningnan silang lahat. "Bakit ba andito lahat ng Bag ngayong gabi?"

"Duhh. Gusto namin kayo mapanood no! Balita kasi namin ito na yung way to stardom niyo. Excited na kami!" pumapalakpak na sinabi yon ni Kae habang inaalog alog si Love na parang naliliyo na sa kaartehan ng katabi. 

"And besides, di mo ba alam?" tanong ni Pea. 

"Ang alin" sinagot na tanong nanaman ulit ni Maku.

"It's my birthday, you idiots! Kaya batiin niyo ako kung hindi, di ako magpapalibre tonight" taray ni Lee. Magpapablow out. Nagcross-arms siya at inirapan silang lahat. 

"Talaga girl? Happy Birthday!" tumayo si Lag at nakipagbeso kay Lee. Nakakapagtaka talaga tong lalaking to. Ay ewan kung lalaki. May soft side e. Kasing soft ng kilay niyang bagong ahit. 

"Oo, kaya kami pumunta dito kasi birthday ni Lee" gatong pa ni Love. Tumango naman yung apat na Bag na babae. 

"Kung ganoon, papainom ka?" tanong ni Choc na katabi ni Love. Klaseng chachansing ito mamaya. 

"Oo, kaya nga andito ako sa Chocolate Bar eh! Timangerz! Pero kantahan niyo muna ako" hirit pa ni Lee. Nagkatinginan ang magkakabanda at tumango sa isa't isa. O edi alam na. Tumayo sila at umakyat ulit ng stage. Kinantahan nila ng Happy Birthday si Lee. Kailangan may tugtog pa? Ang arte nila no? Hahaha. 

Pagkatapos kumanta ay nagpasalamat naman si Lee. Umorder sila ng sandamak na drinks at snacks. Minsanan lang naman daw ito kaya okay lang. Once a year lang ito. Ows. Maniwala kayo. Hahahaha. Ilang bote na ang lumipas pero mukhang wala pa nalalasing sa kanila. 

"Huy Love, bakit mukha kang butiking nangangarap dyan?" tanong ni Choc sa kanya. 

"Epal ka!" sinapok siya nito ng mahinhin. Ay, may something talaga to. Uminom siya sa bote niya at tumingin nanaman sa itaas ng bar. "Naisip ko lang kasi, paano kaya tayo mga 7 years from now?"

"Magkakaibigan pa rin tayo, syempre!" umimik bigla si Aye Bag non. Aba, at umimiik din pala ang mokong. Narealize niya siguro na kasali pala siya sa storya na ito. Or baka malapit ng malasing. Kaya umiingay na. 

"At magkakasama pa rin tayo!" sabi ni Maku. At sinangayunan siya ng buong barkada. 

"Alam ko, alam ko. Pero ano na kaya mga buhay natin non?" nagisip ulit si Love non. Napaisip din ang buong barkada. Aba, at nagiisip din pala. Hahahaha.

After 5 minutes...

Wala silang maisip. Hahahaha. De joke lang, syempre meron. Dahil mga lasing sila, puro kalokohan nalang naiisip nila. Unang umimik kasi si Maku Nut.

"7 years from now. Nakikita kita ko na si Choc Nut na at si Lee Bag. Hahahaha. Mag-asawa na sila" sabi ni Maku sabay tumawa siya.

"Eww! No way!" inarte naman ni Lee. Inakbayan siya ni Choc.

"Magandang pangitain yon ah! Gusto ko yon. Hay pero sana 7 minutes from now, marealize na nitong si Lee ang pagibig ko sa kanya ay totoo talaga" korning sinabi ni Choc. Ang korni korni korni. 

"At nakikita ko rin na mag-asawa na sila! Lee Nat. Ang cute lang!" sabay tawa ni Kae Bag.

"At dahil mag-asawa na sila, isang araw makikita ko bigla si Lee at si Choc. Nasa tabi ng kalsada, naninimot ng basura. Hahaha. Wala na kasi silang makain, napakatamad kasi ni Choc na asawa" hindi mapigilan ni Pea ang pagtawa niya sa naisip niya.

"Hoy ang sama niyo naman! Di naman siguro no" yumuko si Lee. 

"Don't worry my chikabeybs  kapag mag-asawa na tayo, hindi ka makakatikim ng tuyo, payless, sardinas, at miski corn beef" pagpapahanga ni Choc habang kaakbay pa rin si Lee. Tinatanggal na nga ni Lee yung akbay kaso ayaw niya eh. Madikit talaga tong si Choc. 

"Malamang lamang siguro. Dahil miski tuyo, payless, sardinas, at corn beef. Di mo kaya bilhin! Wahahahaha" sabi ni Love at nagtatawa na kasama si Pea. 

"Hoy kayo. Mga HU U kayo sakin kapag yumaman talaga ako. Kapag nadiscover na ako ng--"

"Animal Planet?" pangaasar ni Joaquin. At nagtawanan ang buong barkada. Yon, lasing na nga. Sabi na eh. Sinapok naman ni Choc lahat ng nang-aasar sa kanya at tumawa. Kasama yung mga babae pwera syempre kay Lee. Bias e. Loves niya. Hahaha. 

Sumimangot nalang si Choc. Pero may something e, may something na nakapagpangiti sa kanya.

"Siguro di naman ganon maging asawa si Choc. Ang hard niyo guys. Don't worry, I believe in you Choc Nut" nakangiting sabi ni Lee. Namula naman si Choc ng kantyawan siya ng mga kaibigan niya. Aba, nanahimik ang gago. Hahaha. 

"Hoy ikaw Pea. Kala mo ligtas ka ha? Siguro after 7 years, wala ka pa ring asawa. Dahil di ka marunong magmahal!" dinuro siya ng mismo niyang kapatid na si Choc. 

"Eh bakit, nakakatamad kaya" sumimangot si Pea sabay ayos ng buhok niya. 

"Anong nakakatamad sa pagmamahal? Masaya kaya" paglaban ni Kae na sinangayunan naman ni Love. 

"Basta, ayoko" malungkot na sabi ni Pea. 

"Ayaw mo pa kasing umamin, Maku. Alam naman namin na nagkakahiyaan lang kayo. Alam namin na gusto niyo isa't isa. Hay nako. Amin na kasi!" pangangantyaw ni Joaquin kay Maku habang sinusuntok ito ng mahina sa braso.

"Asa pa naman na magustuhan ako niyan, babae din yata gusto niyan" sabi ni Maku na nakatungo. Agad siyang binato ng bag ni Pea.

"Hoy walanghiya ka. Kapal mo no! Di talaga kita magugustuhan! Ew!" Ang hard naman ni Pea T___T 

"Sinasabi ko na nga ba, kahit maging mag-asawa kayong dalawa. Siguro laging may sugat at pasa tong si Maku" sabi ni Joaquin.

"Bakit?" tanong ni Lee.

"Tinatanong pa ba yan? Napaka-sadista niyang si Pea!" sagot niya.

At nagkantyawan nanaman ang barkada. Maganda naman ang pangitain ng barkada kina Kae at Love Bag. Isang araw daw magiging CPA sila parehas. Parehas kasing Accountancy ang kinuha nilang kurso at matalino din sila. Kaya yon. Yon ang hatol. Hahaha. At alam niyo ang hatol kay Lag Nat? After 7 years baka nurse na. Pero kapag di nakapasa sa Board Exam.

Magiging parlorlista nalang T______T

Saksakan naman daw kasi kabading. Gwapo na gwapo eh. Ewan ko ba dyan. Kasing soft talaga siya ng kilay niyang bagong ahit. Hay. Teka, sino nalang ba ang walang hatol sa magkakabarkada? Ah! Tama! Si Joaquin Manankwarto at si Aye Bag. Matagal din silang pinagisipan ng mga barkada. Syempre, joke lang. Di naman nagiisip ng matagal yung mga yon e. Kaya ito na...

 "

"Hoy kayong dalawa, kala niyo lusot na kayo ha!" dinuro sila ni Lag Nat na sobrang lasing na lasing na hawak pa ang baso niya. Namula naman agad itong si Aye. 

"Nakikita ko na after 7 years..... Si Joaquin at si Aye? Sila na. Malamang. Sure ako don" paniniguradong sinabi ni Maku.

"O kaya naman, pwedeng bukas, sila na" sabi ni Lee na kinilig ang lahat.

Nakangiti lang naman yung dalawa di apektado.

"Pero maghihirap din sila. Sa sobrang hirap, sako na rin kakainin nila gaya ni Lee at Choc. Hahahaha" pangaasar ni Lag. Hindi naman ito pinansin ng barkada kasi tumayo na ito at nakipagsayaw sa Dance Floor. Lasingero talaga ay mali. Lasingera pala. Hahahaha. 

"Bakit nga pala hindi maging kayo Joaquin at Aye? Parehas naman kayong single" sabi ni Lee.

"Bagay pa naman kayo" dagdag ni Kae.

"And alam ko naman na nagkakahiyaan din kayo ng nararamdaman niyo e" dagdag ni Maku.

Palagi nalang tinutukso itong dalawang ito sa barkada. Si Aye, wala naman. Poker face lang, mukha kasing nakainom na. Tinabihan siya ni Joaquin at inakbayan.

"Utol ko ito" sabi ni Joaquin habang hawak ang balikat ni Aye. Di naman umimik si Aye kasi nga lasing na. 

Wala namang nararamdaman si Joaquin kay Aye. Parang mukha niya lang, poker face. Okay lang na OO, okay lang na hindi. Aye is just another normal girl for him. Isa isa ng umalis sa pwesto ang mga kaibigan niya at nagsisayawan sa dance floor. Mukhang malalakas na ang tama.

Ilang bote na ang lumipas at naiinom ni Aye. Sila nalang dalawa ni Joaquin ang nasa pwesto. Marami na rin silang naiinom. Lasing na si Aye. Pero si Joaquin, aba tibay!

"Bakit ayaw mo sumayaw?" tanong ni Aye kay Joaquin.

"Ayaw ko. Pagkakaguluhan lang ako doon" tumawa si Joaquin. 

"Hahaha. Lakas mo din e, no? Yan gusto ko sayo e" sabi ni Aye sabay pisil sa pisngi ni Joaquin. Di alam ni Joaquin kung bakit bigla nalang siya namula. Ano ba yun daw. Ang weird. 

"Ikaw, bakit ayaw mo sumayaw?" tanong ni Joaquin kay Aye.

"Ayoko. Gusto ko dito. Kasama ka" tiningnan ni Joaquin si Aye. Mapupungay na mga mata niya. Parang di niya alam mga sinasabi niya. "Tsaka baka madapa lang ako at matapaktapakan" 

Tumawa sila parehas.

"May pagkalampa ka ba at pagkatanga?" tanong ni Joaquin.

"Parang ganon na nga!" sagot ni Aye. Nagapir silang dalawa at tumawa. "Alam mo ba noong isang araw, doon sa may kanto paglabas ng Chocolate Bar, nadapa ako. Takte! Pinagtawanan ba naman ako ng mga tanod. Inis na inis ako. Hahaha"

"Di ka man lang tinulungan? Hahaha! Ikaw kasi. Dapat sinabi mo na plano mo talaga yon para mapansin"

"Oo nga e. Hahaha. Naalala ko tuloy noong isang araw, don sa may kanto malapit lang dito. Nadapa ako! Hahaha" napakunot ng noo si Joaquin. "Di man lang ako tinulungan ng tanod" 

"Kakasabi mo lang" sabi ni Joaquin. Nasapo niya yung noo niya kasi alam niyang nababaliw na itong katabi niya. Ihagis kaya niya? Hahaha. 

"Naikwento ko na ba sayo yung nadapa ako dyan sa may kanto? Nakakatawa kasi. Alam mo na--"

"Naikwento mo na! Tama na" inis na sabi ni Joaquin. At chineck ang cellphone niya. 

"Sorry naman Tay. Porke't di maganda ang grades ko this month" sabi ni Aye na tumatawa. Tiningnan siya ng masama ni Joaquin. 

"Ewan ko sayo" bulong ni Joaquin. Matagal na tahimik si Aye. Tapos biglang..

"Lee, alam mo ba kanina noong katabi ko si Choc? Amoy na amoy ko putok niya. Eww! Wag mo sasagutin yon ha! Hahaha" tumawa ng malakas si Aye. Di nalang siya pinansin ni Joaquin at tinawanan nalang siya.

"Lasing ka na talaga Aye. Hahaha. Iuwi na kaya kita?" tanong ni Joaquin habang natatawa. 

"Tsaka alam mo ba Lee, kanina kita ko habang nagpeperform si Joaquin? Bukas zipper niya! Hahahahaha" 

Nanlaki yung mata bigla ni Joaquin sa pagkasabi yon ni Aye. Agad niyang tiningnan ang may parteng "ano" niya. At anak ka naman ng excited. Bukas nga! Nakakahiya. Ano ba yan. Agad niyang sinarduhan ito. At tiningnan si Aye ng masama. Si Aye naman, tawa ng tawa. Walang katapusan. 

Napailing nalang si Joaquin at ngumiti. Ngayon niya lang narealize na maganda pala si Aye kahit lasing na siya. Ang cute niya kapag madaldal siya. Dahan dahan niyang inihiga ang ulo nito sa balikat niya. Wala naman siyang itensyon. Baka kasi mahilo kakatawa e. Chansing din. Hahahaha. 

"Ganito ka pala malasing" sinabi ni Joaquin kay Aye.

"Di ako nanananchansing!" sinuntok ni Aye si Joaquin sa mukha na tinawanan lang ni Joaquin. Lasing na nga, bingi pa. Hahaha. 

"Oo na. Lika dito sa balikat ko ulit. Hahaha" anyaya ni Joaquin. Ngumiti lang si Aye sa kanya at dahan dahan na lumapit. Papalapit sa mukha niya. 

"Alam mo. Masarap ka palang kausap, buong maghapon o magdamag. Alam mo ba ang sikreto ko?" tanong niya kay Joaquin na umiling lang si Joaquin. Ngumiti. Lasing nga siya talaga naisip niya.

"Osige, ano?" tanong ni Joaquin.

Ngumiti si Aye ng nakakaloko. At inilapit pa lalo ang mukha niya. Hindi alam ni Joaquin kung bakit namula ang mukha niya bigla. Tiningnan niya si Aye sa mata.

"Matagal na kitang gusto"

Sa pagbulong ni Aye noon, lumayo ito sa kanya at ngumiti. Nanatiling tulala at naninigas ang buong kalamnan ni Joaquin. Di siya makapaniwala sa narinig niya. Di kaya siya ang lasing at hindi si Aye? Ay teka. Si Aye ng pala!

"Aye, uwi na tayo. Hinahanap na tayo sa dorm" yaya ni Lee. 

Yon nalang ang narinig niya ng gabing yon bago siya umuwi. Nanatili siyang tulala at iniisip si Aye. Ano ba itong nangyayari sa kanya? Napasigh nalang siya. Siguro lasing lang siya. Pero sa pagkakaalam ng lahat na kapag lasing isang tao, saka ito nagiging totoo.

Posible kaya na may gusto sa kanya si Aye?

Isang linggo ang lumipas, pinagiisipan pa rin iyon ni Joaquin Manankwarto. Napaisip siya. Parang normal naman kung makakilos si Aye kapag kasama siya. Walang pagkakaiba. Hm. Ano kaya magandang gawin? Aha! 

"Papakiligin ko siya" sagot sakin ni Joaquin. Aba at bakit narinig ako nito. 

Sumunod na araw, maagang maaga si Joaquin Manankwarto para sunduin si Aye Bag. Pero malas niya, nasa school na daw si Aye. Bwahahaha. Effort din kasi. Pag manliligaw kayo, effort din ha?

Pagkadating ni Joaquin sa school, nakita niya agad ito. Sinundan niya ito ng palihim. Sino pa ba? Edi si Aye. 

"Ito na talaga to" inayos ayos ni Joaquin ang buhok niya at habang nasa may locker si Aye at mga kaibigan niya. Nilapitan niya ito at nginitian.

"Aye. Andyan ka pala! Hindi kita nakita" preskong sabi ni Joaquin sa kanya. Napakunot nalang ng noo si Aye.

"Uhh--"

"Sinusundan mo siguro ako, Aye" banat naman ni Joaquin. Nanlaki yung mata ni Aye at natawa nalang. Sabay sapok kay Joaquin. 

"Baliw ka talaga no?" ngumiti lang si Aye at nakipagusap sa barkada.

Oops. Mukhang epic fail itong si Joaquin ah. Nagisip siya. Aha! Nakaisip nanaman siya. Habang nakaharap si Aye sa barkada, sumandal siya sa may locker gamit yung kaliwang braso niya at iniharap si Aye sa kanya. Presko. 

Nagulat naman si Aye at akmang magsasalita na siya ng ilagay ni Joaquin ang kanyang hintuturo sa kanyang labi na sumala pa ang lagay kaya umabot ito sa ilong ni Aye. Bastusing bata talaga.

"Ssh, don't speak. Alam ko na sasabihin mo" sinabi ni Joaquin na parang ginagaya ang boses ng isang hunk actor.

"Ah--" di na siya pinasalita ni Joaquin. 

"Oo, alam ko. Nagwagwapuhan ka sakin no? Nababanguhan ka rin. Halatang halata kasi dyan sa mga mata mo e" dagdag pa ni Joaquin kahit wala naman yatang pagbabago sa mga kinikilos ni Aye. 

"Per--" di ulit siya pinatapos ni Joaquin. 

"Namumula ka yata. Nakakapagtaka?" sabi ni Joaquin. Kahit di naman namumula si Aye, kung oo man. Siguro dahil sa inis niya sa baho ng daliri ni Joaquin sa bibig niya. Ew nga naman diba? Kaya pinikot niya ito at sinamaan ng tingin si Joaquin. Napa-Aray si Joaquin kaya di niya napigilan magsalita si Aye. 

"Excuse me lang ha? Ang sasabihin ko lang naman kasi ay....BASA yang kili-kili mo. Ge alis na ako" sabay tumawa si Aye at tumalikod, lumakad papalayo kasama ng mga kaibigan.

Napatingin si Joaquin sa kili kili niya. Tama. Baskil nga! Kadiri naman oh T____T Siya lang yata ang tatanga tangang leading man sa isang storya. Umiling nalang siya. At inamoy ang kili kili.

"Mabango naman kahit basa. Umaarte lang siya, pakipot talaga"

Pero di pa rin nagpaawat si Joaquin sa pagiinvestigate ng gusto niyang malamang. Dahil sabi niya sa sarili niya, kailangan bago matapos ang araw na ito.

Alam ko na ang totoo.

Kaya una niyang pinuntahan ang magbest-friend at mukhang kambal na si Love Bag at si Kae Bag. Sakto naman na magkasama sila lagi kaya pinuntahan sila ni Joaquin. 

"Wala e, walang syota si Aye. Bakit mo natanong Joaquin?" sagot ni Kae.

"Wala naman. Wala ba siyang nagugustuhan na lalaki?" tanong ulit ni Joaquin.

"Ewan ko eh. Tahimik type kasi magkagusto yang si Aye. Torpe kumbaga. Bakit? Liligawan mo ba siya?" tanong ni Love.

"No way! Hind no! Baka siya pa nga manligaw sakin. Hahahahaha" dire=diretso ang tawa ni Joaquin pero nagkatinginan lang ang dalawang Bag. Awkwaaaaaaard! Tumigil tuloy ng pagtawa si Joaquin ng maisip na para siyang tanga. Nagpasalamat siya sa dalawa at hinanap si Lee. Ang best friend ni Aye.

"Hoy Lee!" hingal na tawag ni Joaquin kay Lee. Habol habol niya kasi to. 

"Oh bakit Joaquin?" nakangiting sabi ni Lee.

"May gusto ba sakin si Aye? Ay este. May nagugustuhan ba si Aye na lalaki?" tanong ni Joaquin.

"Bakit mo tinatanong?" naging nakakaloko yung ngiti ni Lee kay Joaquin na parang gustong mang-asar. 

"Tinatanong lang! Walang masama naman diba? May syota ba yun? Kamusta ba lovelife non? Dali na. Spill the beans naman sakin o. Sige ka, di kita lalakad kay Choc" pangaasar ni Joaquin.

"Ipromise mo muna na ililibre mo ako ng kwek kwek mamaya" itinaas ni Lee ang isang kilay niya kay Joaquin.

"Baluga, ayoko nga!" 

"Oedi sige, bahala ka" tumalikod na si Lee pero iniharap siya ni Joaquin.

"Oo na, oo na. Kwek kwek na kung kwek-kwek. Sabihin mo na kasi!"

"Promise, libre ako?" 

"Oo na, promise!" naiinis na sabi ni Joaquin, ngumiti naman si Lee. 

"Yey! Osige ganito. Wala. Wala akong alam sa love life ni Aye. Ang alam ko lang mataas ang standards niyan sa lalaki kaya wala pa siyang boyfriend. Tara libre mo na ako" kumapit si Lee sa braso ni Joaquin pero tinanggal ng binata ito.

"Teka, yon lang? Yon lang? Yon lang talaga masasabi mo?" 

"Oo nga! Ba't ba? Type mo na si Aye no? Bagay kayo" panganatyaw ni Lee habang sinusundot sundot ang braso ni Joaquin. 

"Di no! Curious lang ako. Parang wala akong nababalitaan na nagiging syota ni Aye eh. Yon lang yon!"

"Hmp!" pinalo ni Lee sa braso si Joaquin.

"Hmp ka dyan. Isusumbong kita kay Choc" 

"Isumbong mo. Baka yon ay mahampas ko ng tambo sa pagmumukha! Wag mo ngang mabanggit banggit ang pangalan ng kutong lupa na yon. Kakain tayo e! Baka mawalan ako ng gana. Tara na!" hinigit na siya ni Lee kaya wala siyang magawa. 

Napagastos tuloy si Boss Joaquin sa mga investigation niya. Yan T____T Pagkatapos niyang mailibre ng letseng pugo na binalot sa harina yang si Lee Bag ay pinuntahan niya ang locker ni Aye. Naisipan niya na maghulog ng sulat doon. 

Ginandahan pa ni Joaquin ang sulat niya para naman daw kiligin si Aye. Nilagyan pa niya ng pabango niya yon para mabango. At ang laman ng sulat?

Meet me at the gate at 4pm. Let's talk. 

-Joaquin San Two Manansala (Full name po yan ng ating bida. Hahahaha)

Inintay ni Joaquin si Aye na buksan ang locker niya. Matagal rin siyang nagintay a? Mga 30 minutes siguro. Matagal na yon para sa kanya. Malapit na rin kasi maguwian. Pero nakaramdam ng tuwa si Joaquin ng malaman niya na  di daw basta basta pumapatol si Aye sa kung sino sino lang kaya wala pang boyfriend.

Tumaas tuloy tingin ni Joaquin kay Aye. Very nice!

"Ay, ano to" yumuko si Aye para kunin ang nalaglag na note sa pagbukas ng locker niya. Nagtagong maigi si Joaquin.  Sinisilip silip niya ang reaksyon ni Aye. 

"Malamang, sulat?" pambabara ni Lee.

"Galing kanino?" inamoy muna ni Aye ang sulat bago buksan. "Amoy tae ng pusa. Nubayan"

T_____________________________________T 

Nanlumo si Joaquin. Papaltan na niya ang pabango niya mamaya. Ang mamahalin niyang Afficionado na hindi niya matandaan kung anong number? Ay ano? Tatawagin lang ng babaeng yon na amoy tae ng pusa? That's insane! Pero di nakaramdam ng inis si Joaquin. Sa halip, naging encouragement ito para magipon ng mamahaling pabango. Yes naman. Hahaha. 

"Buksan mo na, dali!" paexcited na sabi ni Lee. At binuksan na ni Aye.

"Galing kay Joaquin. Magkita daw kami sa may gate mamayang uwian. 4pm. Bakit kaya?" pagtataka ni Aye.

"Naku, wag mong siputin! Ang kuripot sa kwek-kwek kanina sakin. Hmp!" pagtataray ni Lee.

Aba. Napailing si Joaquin. Napakatraydor daw naman ni Lee. Sarap daw tusukin ng stick ng kwek-kwek. Hay. Pero wala ang atensyon niya don. Nasa reaksyon lang ni Aye. 

"Baka naman mayy sasabihin na maganda? Ano ba oras na?" tanong ni Aye kay Lee. Tiningnan ni Lee ang orasan niya.

"Sakto, 4pm na. Puntahan mo na" yaya ni Lee. 

Nagpaalam  naman si Aye kay Lee at tumakbo papuntang gate.

"Yes! Mas excited pa siya sakin. Boom talaga. Mapapaamin ko rin ito" sabi ni Joaquin sa sarili. 

Pero nagtataka siya kung bakit di man lang excited si Aye sa itsura niya o kaya naman kiligin. Tutal, kaharap naman si best friend, diba? Pwedeng ipahiya sarili. Pero bakit ganon?

Naisipan ni Joaquin na magpalate. Para paimportante kunwari. Palate lang ng mga 10 minutes. Pinagmasdan niya lang si Aye sa malayo na nagiintay para sa kanya. Noong napansin niya na pinapapak na ng lamok ito sa gate, saka ito nagpakita.

"Hi Aye" bati ni Joaquin.

"Joaquin! Ano ba sasabihin mo?" nakangiting tanong ni Aye.

"Wala naman, gusto lang kitang ilibre. Tara?"

"Huh?" hinigit nalang basta ni Joaquin si Aye sa tindahan ng street foods.

At nahihiya pa noong una si Aye pero sige, libre naman daw ito ni Joaqui boy eh. Sige lang! Bumili sila ng kwek-kwek at kung ano ano. Libre lahat ni Joaquin. Ano ba kayo. Mayaman yan eh. San Two eh. 

"Aye, matanong ko lang. Bakit wala ka pang boyfriend hanggang ngayon?" tanong ni Joaquin. Sabi niya sa sarili niya namula daw si Aye pero hindi naman ata, epekto lang siguro ng spicy at mainit na sawsawan. 

"Hmm. Mapili kasi ako sa lalaki e. Mataas standards ko. Bakit?" tanong ni Aye.

"Ano ba standards mo sa isang lalaki? Ano ba yung mga type mo?" tanong ulit ni Joaquin.

"Hm. Syempre, gwapo" tumawa si Aye. At napahawak naman sa baba si Joaquin. Feel na feel niyang gwapo siya. "Matangkad" napatiad sa kinalalagyan si Joaquin. Nagisip ulit si Aye.

"Sweet. Caring. Mapagbigay. Funny. Matalino. Ano pa ba? May takot sa Diyos. At syempre, gusto ko yung talented! Yon. Yon ang gusto ko sa lalaki!" ngumiti si Aye. "Bakit mo nga pala natanong Joaquin?"

Napahawak ulit sa baba si Joaquin. Sweet? Caring? Mapagbigay? Funny? Matalino? God fearing? At aba, talented?

Yon pala tingin niya sakin!

Naisip yon ni Joaquin. Kasi syempre, ang alam ni Joaquin siya ang iniisip ni Aye habang nagiisip ng standards. Bakit nga ba? Syempre.

May gusto nga sa kanya si Aye diba?

Yon ang alam niya.

"Ah wala wala. Eh bakit wala ka pang boyfriend? Wala ka bang nakikitang ganon? Kahit dyan sa.." tumiad ng kaunti si Joaquin. "Tabi tabi man lang? O kaya sa harapan mo?" sinabi niya yon kasi nasa harap siya ni Aye.

"Hmm--" iimik pa lang si Aye ng marinig niya ang busina ng service niya. Napalingon ito. "Ay sorry Joaquin, uuwi na ako ha? Salamat dito sa libre mo. Salamat talaga!"

Niyakap ni Aye si Joaquin at tumakbo papalayo. Chansing. Bwahahaha. Isip talaga ni Joaquin oh. Chansing daw? Pero teka, may sinasabi si Aye. Nagtataka nga si Aye kung bakit naging ganoon kabait si Joaquin sa kanya.

Normal days kasi, di man lang pinapansin ni Joaquin si Aye. Wala. Deadma lang. Ngayon may palibre libre pa.

"Aye, wait lang! Wala ka bang sasabihin man lang sakin?" tanong ni Joaquin na napatigil si Aye.

"Ah? Salamat?" 

"I mean. Aaminin sakin. Baka gusto mo ng sabihin ngayon. Kasi alam mo na..Sayang..Diba? Amin na!" napakunot ng noo si Aye sa sinabi ni Joaquin.

"Wala nga! Hahaha. Sige bye bye!" kumaway si Aye kay Joaquin at sumakay na.

Nasapo ni Joaquin ang noo niya. Gastos lang, naisip niya. Buhay pag-ibig nga naman. Habang tinitingnan niyang umalis ang sasakyan ni Aye, naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Hala. Ano ito? Umiling nalamang siya at umuwi.

Ano kayang problema ng babaeng yon at ayaw pang umamin nga naman?

Pakipot =_______________________________= Nasapo ni Joaquin ang kanyang noo at napailing muli. Inisip niya. Pinakilig ko na nga siya. Nageffort na ako para sa kanya pero still wala siyang pinapakitang somethin sakin? Ano ba yun. 

Pakipot nga talaga. Ayaw niya na mahahalata siya. 

"Mga babae nga naman" nasabi ni Joaquin habang hawak ang gitara, gumagawa ng kanta. 

Magpe-perform kasi sila sa Friday ulit. Kailangan niyang maglabas ng bagong kanta pero paano siya makakagawa kung puro si Aye ang naiisip niya? Hay. Napabugtong hininga nalang siya.

Naisip niyang mag-Facebook muna. Naisip niya rin na tingnan ang Facebook ni Aye. Habang iniistalk niya ang lahat ng kinocommentan nito, nililike nito, at status niya. 

Napapangiti nalang siya ng di niya nalalaman.

Marami siyang nalaman sa pagiistalk niya sa Facebook nito. At ano ano yun?

1. Maganda daw pala ang boses din ni Aye. Songer kumbaga.

2. Sumasama siya sa mga charity work.

3. Matalino pala siya.

4. At higit sa lahat, mabait sa mga nakakachat at kung ano ano pa.

Dugdug. Dugdug.

Hindi yun katok ng pinto. Hindi yon kung ano. Nilibot ni Joaquin ang mata niya sa kwarto niya. Napahawak siya sa dibdib niya. Bakit tumitibok ito ng ganito? Basta ang alam niya, natuwa siya sa mga nalaman niya sa future manliligaw daw niya. Humanga siya. Pero bakit ganito kabilis ang tibok ng puso niya para dito?

Ay ewan. Ang gulo! T_______________T 

Ilang araw ang lumipas, wala pa ring nakukuhang ebidensya si Joaquin. Ang tanging ebidensya lang na nakukuha niya ay ang mga simpleng ginagawa ni Aye. Simpleng ngiti, simpleng yakap, simpleng pagsama at pagusap sa kanya na para sa kanya ay malaki na. 

Bakit nga naman ganon?

Kapag nagkagusto ka sa isang tao, sa mga simpleng inaakto niya kapag kasama ka. Iniisip mo na agad ginagawa niya yon para sayo. Kasi may gusto rin siya sayo.

Sadyang assumera lang siguro lahat ng tao. Kaya nasasaktan tayo e. Tayo rin naman pala ang nananakit sa mga damdamin natin no? Ang ironic nong thought na yon.

Araw araw, ginagastusan ni Joaquin si Aye. Araw araw hinahatid pa sa bahay. Effort nga naman ni Joaquin. Kasi nga gusto niya malaman ang totoo. Kahit clue lang. Pero sa araw araw na magkasama sila. Iba na nararamdaman ni Joaquin. Samantalang si Aye, nagtataka lang. Yon lang.

Napahawak si Joaquin sa dibdib niya paguwi niya. Mukhang iba na yata to.

"Tinamaan na yata ako" sabi niya sa sarili. 

Sumunod na araw, di na niya napigilan ang sarili niya. Gusto na niyang paaminin si Aye sa nararamdaman nito para sa kanya. Gusto na niyang sabihin din na gusto niya rin ito kaya wag na matakot diba. Bumili pa siya ng bouquet of roses. Pero noong pupuntahan niya si Aye.

Nakita niya itong kasama ang barkada niya.

At may kaholding hands na lalaki.

O_________________________O

>__________________________________<

UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! T^T

Di na napigilan ni Joaquin ang sarili. Dala dala ang bouquet ng roses, iniharap ang kaholding hands ni Aye at sinuntok ito sa mukha. Napahiga sa sahig ang lalaking kaholding hands nito. Nagsigawan ang barkada ni Aye at miski si Aye ay takot na takot. 

"Para saan yon Joaquin?!" sinigawan ni Aye si Joaquin.

"Ikaw! Bakit mo kaholding hands yang ungas na yan?!" tinuro niya ang lalaking nasa sahig.

"Pakielam mo ba?!" itinayo niya ang lalaki at pinunasan ang dugo sa may noo. 

"Baka nagseselos" bulong ni Lee. 

"Selos ka koya?" umimik yung lalaking nasuntok niya. 

"Ano ka ba! Cheverlu ka naman! Nakakainis ka! Yon lang naman pala eh! Ay nako. Gorabels na nga ako. Baka majumbag pa ako ng isa pa nitong si Papa Joaquin" 

O_________________________________O

"Ba..Ba..Bading...Ka?" nauutal na tanong ni Joaquin.

"Oo! Bading siya kaya wala kang pakielam kung nakaholding hands kami!" sigaw ni Aye. 

"Ay nako Papa Joaquin. Crush pa naman kita. Hmp!" inirapan siya ng bading at lumakad papalayo.

Napasigh nalang si Joaquin at nasapo ang noo niya. Itinulak siya ni Aye at napagasp ang barkada niya. 

"Oh ano nanaman ba?!" tanong ni Joaquin.

"Ni hindi ka man lang nagsorry sa kanya. Ano ba problema mo at sinuntok mo yon?!" tanong niya.

"Eh kasi nga kaholding hands mo!" 

"Eh bakit? Nagseselos ka?" tanong ni Aye.

"OO! OO NAGSESELOS AKO. NAGSESELOS AKO SA INYO. Ikaw ah!" pinitik niya sa noo si Aye. "Nangangaliwa ka na, porke't wala ako"

"What the fcuk? Nangangaliwa? Bakit tayo ba?" tapang ni Aye. Naramdaman nalang ni Joaquin na parang may kumirot sa dibdib niya.

"Hi..Hinde! Pero malapit na naman diba? Aminin mo na kasi! May gusto ka sakin diba?

Hindi na napigilan ni Joaquin. Kailangan na niya kasing malinawan.

"Tanginang yan! Saan mo naman nakuha yang pagiisip na yan?" minura siya ni Aye na kinagulat ng barkada.

"Aminin mo na kasi! Wag ka ng matakot. Gusto  rin naman kita e. Inaamin ko na. Kaya sabihin mo na. Umamin ka na. May gusto ka sakin. Matagal na. Yon ang sabi mo diba?" 

"Sabi ko?" tinuro ni Aye ang sarili niya. "Kailan yon ha? Gago?"

"Noong isang linggo noong nasa Chocolate Bar tayo. Muntik mo nga akong mahalikan non e! Sabi mo matagal mo na akong gusto. Oh tanggi ka pa?" 

Napahawak nalang sa mukha si Aye ng kanyang dalawang kamay pagtanggal niya nito ay natawa siya. Tawa siya ng tawa. At sa bawat tawa niya, kumikirot ang puso ni Joaquin. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang rosas. 

"Joaquin! Lasing ako non! Hahahahaha" tawa ng tawa si Aye.

"Diba pag lasing, sinasabi ang totoo? Umamin ka na Aye. You like me right?" 

"ANG KAPAL MO! HAHAHAHAHAHA"

Napailing si Joaquin sa sinabi ni Aye. Wala na. Nasaktan na talaga siya. Kaya nagwalk-out nalang siya. Di pa siya nakakalayo ay naisip niya na may hawak pala siyang rosas kaya bumalik siya at ibinigay ang rosas kay Aye.

"Oh para sa nakakalokong nararamdaman  mo na hindi mo pala ramdam" umalis na siya ulit pero sa sakit na nararamdaman ay may gusto pa siyang sabihin kaya humarap siya.

"Aye. Ang labo mo naman palang kausap e. Kapag lasing ka lang matapat tapos itatanggi mo pa. Psh"

At tuluyan na siyang umalis. Dumiretso siya agad sa bahay niya at gaya ng kinagawian kapag may dinaramdam, ibubuhos sa gitara lahat. Tumugtog siya habang iniisip lahat ng nangyari. Napapailing nalang siya. Napapaluha. Pero para saan pa? Ika nga.

Kumuha siya ng ballpen at isang papel. Tumugtog habang inaalala lahat ng nangyari. 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Good evening, people. The BAND-Aid is here!" bati ni Joaquin at pumalakpak, humiyaw lahat ng nasa loob ng Chocolate Bar. "Ngayong gabi, may bago kaming kantang tutugtugin. Bago ito kasi ako mismo ang gumawa"

Ngumiti si Joaquin at narinig niyang nag Wow ang karamihan sa audience. Napailing sabay tawa ulit siya ng maalala niya kung kanino niya ito para isinulat. Tiningnan niya ang paligid. Sakto, wala sila. Naisip niya.

"Itong kanta ito kasi ay isang kwento. Kwento ng pag-ibig sana. Pero di natuloy kasi misunderstanding lang pala pero yung isa nagmamahal pa rin. Ang pamagat po ng kantang ito ay Amats"

Bumilang ang drummer at nagsimula ang tugtugan.

(Ito po ay kanta ng favorite kong Parokya ni Edgar)

♪ Noong naginuman tayo, masaya ka. 

Masaya rin ako.

Ng barkada ko at ng barkada mo.

Lagi nalang tayong tinutukso. ♪

(Ang ibig sabihin po ng * ay flashback para sa mga mobile readers. It is in italic form)

*

"Nakikita ko na after 7 years..... Si Joaquin at si Aye? Sila na. Malamang. Sure ako don" paniniguradong sinabi ni Maku.

"O kaya naman, pwedeng bukas, sila na" sabi ni Lee na kinilig ang lahat.

*

♪ Ilang bote lang ang lumipas

Ang hirap mo nang makausap

Mapungay na ang iyong mga mata

Ang paligid ay maingay na

Tatlong beses mong ikinuwento

Nung madapa ka jan sa may kanto

Limang ulit kang nalito

Kung ano ang pangalan ko

Napangisi si Joaquin noong naalala niya ang mga kwento ni Aye noong gabing yon. Naalala niya yung bukas pa nga pala zipper niya noon no? Hahaha. 

*

♪ Pero biglang nawala ang amats ko

Nung madulas ang dila mo

Hindi makapaniwala ang teynga ko

Nung biglang sabihin m

Pumikit muna si Joaquin bago kantahin ang part na ito. Pilit niya man kalimutan, naalala niya noong lumapit sa kanya si Aye at gamuntikan ng halikan pero yon nga. Umamin lang bigla.

♪ Masarap kapalang kausap.

Buong aghapon o magdamag

Alam mo ba ang sikreto ko?

Matagal na kitang gusto. 

♪ pagkatapos ng isang linggo

binantayan ko mga kilos mo

tinanong ko ang mga kabarkada mo

wala akong nakuha kahit ano ♪

Gusto sanang idagdag ni Joaquin na "GASTOS LANG NAPALA KO" Hinatid hatid niya pa naman si Aye tapos kung ano anong libre ang ginawa niya pero ano? Ano napala niya? Wala. 

 ♪ tatlong beses kong pinagisipan

baka nagpapakipot ka lang

limang ulit kong sinabi sa sarili

ganyan talaga ang babae ♪

"Mga babae nga naman" nasabi ni Joaquin habang hawak ang gitara, gumagawa ng kanta. 

 ♪kayat biglang nawala ang duda ko

nadulas lang ang dila mo

hindi makapaniwala ang teynga ko

noong sinabi mo

masarap ka palang kausap

buong maghapon o magdamag

alam mo ba ang sikreto ko

matagal na kitang gusto

 ♪

At ito na. Ito na yung part kung saan gamuntikan na rin siyang mapaiyak habang ginagawa ang kanta. Paano ba naman? Napahiya siya ng sobra dito. Kaya lalong ginandahan ni Joaquin ang pagkanta niya. 

 ♪ di ko na mapigilan

kailangan kong malaman

tinulungan kitang aminin

ang matagal mo nang inililihim

tatlong beses mo akong minura

sa harap ng iyong barkada

limang ulit na nabasag ang puso ko

nung sabihin mong ang kapal mo

 ♪

"OO! OO NAGSESELOS AKO. NAGSESELOS AKO SA INYO. Ikaw ah!" pinitik niya sa noo si Aye. "Nangangaliwa ka na, porke't wala ako"

"What the fcuk? Nangangaliwa? Bakit tayo ba?" tapang ni Aye. Naramdaman nalang ni Joaquin na parang may kumirot sa dibdib niya.

"Hi..Hinde! Pero malapit na naman diba? Aminin mo na kasi! May gusto ka sakin diba?" 

Hindi na napigilan ni Joaquin. Kailangan na niya kasing malinawan.

"Tanginang yan! Saan mo naman nakuha yang pagiisip na yan?" minura siya ni Aye na kinagulat ng barkada.

"Aminin mo na kasi! Wag ka ng matakot. Gusto  rin naman kita e. Inaamin ko na. Kaya sabihin mo na. Umamin ka na. May gusto ka sakin. Matagal na. Yon ang sabi mo diba?" 

"Sabi ko?" tinuro ni Aye ang sarili niya. "Kailan yon ha? Gago?"

"Noong isang linggo noong nasa Chocolate Bar tayo. Muntik mo nga akong mahalikan non e! Sabi mo matagal mo na akong gusto. Oh tanggi ka pa?" 

Napahawak nalang sa mukha si Aye ng kanyang dalawang kamay pagtanggal niya nito ay natawa siya. Tawa siya ng tawa. At sa bawat tawa niya, kumikirot ang puso ni Joaquin. Nanginginig ang kamay niya habang hawak ang rosas. 

"Joaquin! Lasing ako non! Hahahahaha" tawa ng tawa si Aye.

"Diba pag lasing, sinasabi ang totoo? Umamin ka na Aye. You like me right?" 

"ANG KAPAL MO! HAHAHAHAHAHA"

*

 ♪kaya biglang nawala ang amats ko

nakagat ko ang dila ko

hindi makapaniwala ang teynga ko

sa mga sinabi mo

ang labo mo palang kausap

kapag may beer ka lang matapat

kahit maubos ang pera ko

maginuman na lamang tayo

 ♪

Yon. Yon naman talaga ang gusto niyang masabi kay Aye. Nagkasama sama na ang galit, lungkot, sakit, inis at pagkasura niya kay Aye. Bwisit na yon daw. Kailangan lang ng beer para mapaamin? Tapos itatanggi.

 ♪sana pag-ubos na ang pulutan

at tapos na ang mga kwentuhan

pag simot na ang laman ng bote ko  ♪

 ♪Sana'y...

Mahabang part kasi yung "Sana'y" at sakto naman napatingin siya sa pinto. Teka, si Aye yun diba? Pero siguro namamalik mata lang siya. Kaya di na niya pinansin. Sasakit lang ulo niya at dibdib niya sa kainisan at sakit sa pagaalala ng lahat ng katangahan at kapalpakan na ginawa niya.

 ♪Mahal mo ulit ako. ♪

* Music out *

"Thank you!" at nagpalakpakan ang mga tao sa pagbaba nina Joaquin sa stage. Kinakantyawan ng banda si Joaquin tungkol sa kantang yon pero hindi na niya pinansin ito at humiwalay ng ibang lamesa sa may sulok.

Iinom ko nalang lahat ng nararamdaman ko. 

Halos mapabuga siya ng makita niya si Aye sa lamesa sa counter na umiinom. Pero di niya naisip na lapitan yon. Uminom na lang siya. 

Kaunting saglit ang lumipas, nakita niyang papalapit si Aye sa kanya. Aba, ano problema nito? Mukhang lasing pa.

Laking gulat niya ng hinalikan siya nito sa pisngi. Lasing nanaman si Aye, sabi niya sa sarili.

"Joke lang yun, mahal talaga kita"

Heto nanaman tayo, Aye. 

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...