TURNING PAGES

Door freespiritdamsel

80.8K 2.9K 501

In the middle of destiny, chances and secrecy, Kathryn Bernardo was given a cardboard box and inside it is ca... Meer

p r o l o g u e
Overstressed(?)
In perpetuum
Impaired
Kiss away those tears
temporarily
here
i'm fine
worries
flowers
invitation
beautiful
unsure
promise
kathryn
daniel
memories
comfort
familiar
absence
is it really?
his side
eyes
great love
if you are happy
one fine morning
by your side
time
crush
friends
perfect time
Epilogue

scared

2.2K 100 40
Door freespiritdamsel


**


PAGKABUKAS ko ng pinto, si Tita Min agad ang nakita ko. Nginitian niya ko pero kitang-kita yung maga ng mata niya. "Sorry na late ako." She smiled at me as if she knew already what happened. Alam niyang umiyak ako at umuwi dahil kay Mama. Yun pa. 

"Ayos lang. Kumain ka na ba DJ?" Medyo namamaos si Tita. Kita ko yung lungkot sa mga mata niya at parang 'di tumalab yung mga positive thoughts ko kanina habang nasa daan. 

Nakalulungkot. Nakawawasak. Nakababaliw. Nakapanghihina. 

Huminga ako ng malalim at tumango. Nang makapasok na ako ng tuluyan, nakita ko si Kathryn na hinihintay rin ako. Parang sa moment na 'yon, gusto ko siyang yakapin at yakapin at yakapin agad. Gusto ko siyang halikan at paulit-ulit na sabihan kung gaano ko siya kamahal. Kung gaano ko siya gusto pakasalanan agad. Dalawang taon nalang, e. Ikakasal na kami. 25, 26 pa ang plano kasi saktong importanteng mga petsa 'yon sa buhay namin. 

Nagliwanang ang mukha niya nang makita ako. Ngumiti siya sakin at ganon din ako. 

Kita mo 'yang gandang 'yan, Lord? 'Yan yung mga gandang pinapanatili sa mundo dahil konti nalang sila. Konti nalang yung maganda sa panlabas at panloob. 

Pero sa gandang 'yan, hindi kita masisisi kung bakit gusto mo na siyang ilista bilang anghel. Ang gusto niya pa kasi ngayon masali sa Victoria Secret Angels. 

Pero sabi ko nga hindi kita masisisi. 

Pero balik tayo sa una. 

Dito muna siya, oh. Sakin muna siya, Lord. 

Naglakad ako palapit sakanya at agad siyang hinalikan sa noo. "Sorry, Love." 

"It's okay. Will you sleep beside me?" 

Kita mo, Lord? Ganda diba? Ganda lalo? Wala pang make up 'yan. Partida, may sakit pa ang mahal ko niyan. Sakin muna ah? Wag muna ah? Di ko kasi kaya. 


"Oo naman." Sabi ko at hinalikan siya ulit. This time, sa lips na. "Smack lang kasi andito si Tita." Bulong ko sakanya at bahagya siyang napatawa. 

Tumayo ako at pumunta kay Tita Min. "Tita, tabihan ko si Kathryn, okay lang?"

"Oo, nagpaalam na 'yan sakin kanina." Sabi niya at tinapik ang balikat ko. "Dito na ako. Medyo pagod rin ako, DJ." Umupo siya sa couch at inayos ang unan niya at blanket. "Okay ka lang diyan Tita?" She smiled at me at tumingin kay Kath. "Sige na, matulog na kayo." Humiga na siya at bago pa man din ako makabalik sa kama ni Kathryn ay hinalikan ko siya sa noo. 

Si Tita Min na andiyan pa lagi. Si Tita na hindi ako pinapabayaan. Si Tita, nakita ko'ng sobrang sakit para sakanya lahat ng nangyayare ngayon. Mas matatag pa 'to sa Narra eh. Si Tita na magiging Mama ko na soon. 

Nakapikit si Kathryn pero halatang gising, hinihintay lang ako. Tinanggal ko ang sapatos at inayos ang mga kung ano mang nakalagay sakanya para di ko masagi or matanggal. Dahan-dahan akong humiga sa tabi niya at pinayakap siya sakin. "You should sleep na, Mahal." Hinalikan ko siya. "Kailangan na raw agad ikaw mag proceed sa chemo. Bukas na agad, diba?"  Hinaplos-haplos ko ang buhok niya.

Naramdaman ko ang pagtango niya. "Can you tweet, Love?" 

"Bakit?"

"Tweet naman for our fans. I don't want them to feel forgotten." 

By those words, parang maiiyak na naman ako ah. Siguro kung may mga taong masasabi kong minamahal kami ng walang kakundi-kundisyon, sila 'yon. Hindi kami magka ano-ano pero andiyan sila. Hanggang ngayon. Pwede nilang isa walang bahala kami, kasi hindi nila kami responsibilidad pero hindi nila kami iniwan sa ere. Hindi nila kami pinabayaan. 

Dumoble yung sakin na naramdaman ko. Mas dumami. Kasing dami ng mga taga suporta namin. Kasi naman, alam kong mas masakit sakin pero... nasasaktan din sila. Alam kong ayaw nilang makitang nagkakaganito si Kathryn, kami. 

Yung mga pinagdaanan namin, wala lang 'yon sa nangyayare ngayon. 

Dati laban lang ng fandom, laban lang sa ibang taong mapanghusga, laban lang sa mga may ma sabi lang tungkol sa relasyon namin. Hindi na eh. Hindi na ganoon ka babaw. Laban na 'to ng buhay ni Kathryn. Laban na 'to ng pananatili o pagalis. Laban na 'to ng pagpapatuloy at paghinto. 

Na isang segundo lang, pwedeng mawala lahat sakin. Pwedeng ikalugmok din nila. 


Lumunok ako, trying not to cry. Hindi ngayon. Hindi dito. Hindi habang yakap-yakap ko siya. Hindi habang nakikita niya. 

Mamaya na. Lagi sigurong mamaya na kasi ayaw kong makita niya. 

"Picture tayo gusto mo?" Sinubukan kong pasiglahin ang tono ng boses ko. Sana mahawa siya. Sana mahiya rin yung cancer cells niya't lubayan na siya. 

"Sure, sige." Nakangiti niyang sambit at niyakap pa ko nang mas mahigpit. 

Kinuha ko yung cellphone at inopen ang front cam. Pinagdikit ko ang ulo naming dalawa. "Ngiti, Tangiiii." Sabi ko sakanya and we did. We smiled like we are not pained. Like it doesn't hurt. Pero yung totoo pinipiga na ako. 

Ayaw kong magbilang kung ilang ngiti nalang ang ibibigay niya sakin. Kasi itong mga ngiti lang na 'to ang gugustohin kong makita habang buhay eh. Ito lang. Sakanya lang. 

Ngumiti kami ng wagas. "Tapos isa pa." Sabi ko. Nakangiti pa rin siya sa cam tapos ako, nakahalik na sa ulo niya. "I love you." Bulong ko pagkatapos.

"I love you too, DJ. I love you." What I love most about her eyes is when she looks at me like I was the best man in the world. She makes me feel like it though. Kaya nawala lahat ng insecurities ko sa katawan dahil pinaparamdam niya sakin na wala akong dapat ikabahala. 

Pero ang hindi niya alam kaya nawala lahat ng pangamba ay dahil sa kanya. Kinukompleto niya kasi ako. Sakanya pa lang, ayos na 'ko. Kontento na 'ko. 


"Sleep na.." Hinalikan ko siya sa labi at pinapikit. "Good night, my Love." 


Pagkatapos ay pinost ko sa instagram ang picture namin. It was no longer in black and white. 

*picture of dj kissing kathryn's head* 

Tomorrow's her first chemo therapy, please include her to your prayers, KathNiels. She misses you all and always remember that she loves each one of you. 

Good night from me and my Tangi. Your smile gives me strength, my love. I wish I'm giving you the same. I LOVE YOU SO MUCH. 


--

KINABUKASAN, nauna akong magising kaysa kay Kathryn. Gising na rin si Tita Min at andito sila Kuya Kevin at Ate Shannen, Si Mama at si Tita Anna. Nakaupo lang ako habang natutulog pa rin ang Kathryn ko. 

"Kailangan niyang kumain ng mga low fat diba?" And also carbohydrates. Hinihimas-himas ko lang ang buhok niya, stroking her hair. Ang ganda ng buhok niya talaga. I heard eventually kailangang gupitin ang buhok niya. 

Napakahilig ko pa namang amoy-amuyin 'to. Pang-apat 'to sa paborito ko eh. Alam mo ba? Tapos tatanggalin lang? Hinalikan ko ang buhok niya. 

Dati-rati gusto kong ginigising siya agad para malandi ko siya pero ngayon gusto ko na siyang magising agad kasi walang kasiguraduhan kung sa susunod na taon andito pa siya. Kung may aamuyin pa 'ko, kung may kukulitin pa 'ko, kung may haharutin pa 'ko, kung may yayakapin pa 'ko, kung may hahalikan pa 'ko, kung andito pa siya sa tabi ko. Hindi ko alam. Pero kaya 'yan, lapit na mag pasko oh, baka regalo 'to sakin. 


"Yung food niya, Den? Okay na ba?" Andito na rin ang glam team niya. Sila JV at sila Ate Boop at Kim. "OO, okay na." Sabi nito na may malungkot na ngiti sa labi. Tinignan ko yung iba, tangina, ba't lahat sila malulungkot? 


"Guys, ano ba? 'Wag natin ipakita 'yan. Dapat pag gising ni Kath lahat tayo masaya." Kasi masi mas nakalulungkot  pala kapag dinadamdam mo yung lungkot. 

"Dapat di niya makitang lahat tayo malungkot. Okay ba 'yon? Tita?"

Ngumiti sila sakin at tumango. Si JV napa "Wooh!" pa. Nag stretching pa nga eh. "Oo nga naman. Sorry, na carried away kasi ako. Sobrang nakalulungkot lang." Huminga ng malalim si Ate Den. 

"For sure naman maganda pa rin si Kathryn Ford kahit na wala na siyang hair." Ngiti ni JV. 

"Oo naman, siguro yun." Sabi ko sakanya. "Balak ko nga rin magpakalbo, eh." 

"Alam mo namang ayaw ni Kathryn, DJ." Paalala sakin ni Tita Min. I sighed. Oo, ayaw niya. "Pero kasi Tita--"

"Sabi niya sayo magtatampo siya kapag nagpakalbo ka." 

"Sundin mo nalang si Kathryn, nak." Segunda ni Mama. "Subokan ko." I said. Ayaw ko rin naman kasing sumama loob niya sakin eh. 


--


NANG magising si Kathryn, para kaming tanga lahat na sobrang energetic. Kala mo nagka sugar rush lahat eh. "Oh, Kath. May Chemo ka ngayon. Blush on muna." Hagikhik naman ni Kathryn ang sunod na narinig ko. "Ate Den talaga." 

"Yung hair mo Kath, i bun natin!" Sunod ni JV. 

"Kath, yung may slit ngayon yung isusuot mo ah." Nakangiti lang naman ako habang pinagmamasdan siyang nakangiti. 

"Wala ka nang is-style, JV." Sabi niya sabay hawak sa buhok niya. 

"Ano ka ba! Pwede pa rin!" 

"Tsaka hind na bagay sakin. Ang panget ko na nga eh." Lahat sila napahinto dahil sa biglang paglungkot ng boses niya. Agad naman akong umeksena at niyakap siya mula sa likod. 

"Love, ano bang pinagsasabi mo? Ang ganda mo nga lalo." Sabi ko sakanya at hinalikan siya sa noo. "Don't ever say that, okay? Hindi yun totoo." 

"Eh totoo naman, e. Once na wala na akong hair--"

"Beautiful. You will remain the most beautiful woman in my eyes. In my life. In my heart." Sinabi ko yung huling dalawang sentences na may pag untog sa kanya. She likes it when I do that, at sakanya ko rin naman ginagawa 'yon. One way of showing my 'lambing'. 

Hinalikan ko siya sa lips ng mga limang segundo and I am sure na nakunan yun ni JV. "Nakakakilig naman!" Tinulak pa niya ko. "Ang lakas nun ah."

"Hahaha!Pwede ba ipost?" Alam kong nagjo-joke siya since marami nang beses na may nakunan siya saming sobrang intimate or sobrang sweet na to the point na bawal ipost. Like kapag ikikiss ko siya. 

Pero this time. "Sige ipost mo." 

"Love!"

"Bakit? Hayaan mo na." Sabi ko at pumikit at inuntog-untog ulit ang ulo ko sakanya. "Eh sure ka?"


"Oo, ayos lang 'yan, Love." 

"Seryoso ba?" Hindi makapaniwalang tanong ni JV. 

"Oo nga, post mo na." Parang excited ko pang sabi. Lol. 

"Mahihimatay na naman mga fans niyo sainyo." Nakangiti niyang sabi. 



"KATH, are you ready?" Tanong ni Mama sakanya habang nakaupo siya sa wheel chair. Hindi niya man sabihin, halatang kinakabahan siya. "Yes po." And as always, ngumingiti pa rin siya. 

Nakaupo siya kaya naman humarap ako sakanya at bumaba para mas magkalevel kami. 

"Kinakabahan ka?" Kaming dalawa nalang ang nakakarinig dahil lahat sila naguusap. 

"Uhm, ano.." 

Sabi na eh. 

Hinawakan ko ang kamay niya. "Are you, Love? Tell me what you feel."

"I'm..I'm scared, Tangi." 


This is the first time that she told me she was scared. 

Ako rin, Mahal. Ako rin. 

Parang tinutusok yung puso ko nang sabihin niya 'yon. Scared. Alam mo yung wala kang magawa sa takot niya kasi ikaw mismo takot din? 

I breathed deeply and tried to smile. "Don't be. Andito lang ako, okay?" Dahan-dahan kong sabi para talagang maintindihan niya. "Andito lang ako, Mahal. Okay?" 

"What if...What if.."


"Ssssh," Tumayo ako and lowered myself. I cupped her cheeks. "We got you. I love you, Kathryn. So much." 


"Gusto ko paglabas ko, ikaw agad makita ko ah?"

"I will. I will wait for you." 

Ipinagdikit ko ang noo naming dalawa at wari ko'y pareho kaming nakapikit. "Can you do me a favor?" 

"What is it?"

"Please don't give up. Please tuparin mo yung pangako mo saking sasamahan mo ko sa altar, sa pag tanda, sa habang buhay...ayaw kong kinabukasan nasa dulo na tayo. Please, Kath. Please." 


"Pangako" 


**


THIS STORY IS SERIOUSLY BREAKING MY HEART. HAHAHA. 

Finally done with the plot. Hihihi <3 

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

1.3K 50 25
MY LOVE STORY TRILOGY #1 "When our eyes met for the first time, I knew he is "The One" for me. I knew I found my love of a lifetime. I knew that I'll...
102K 7.6K 32
Fiction. English/Filipino Dialogue
228K 4.6K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...