Sakura

By LaraMelissa

1.1M 43.7K 6.3K

Sakura Lee is the queen bee of Strafford University. She's beautiful, smart, athletic and overall popular. No... More

Sakura
Chapter 2: The Accident
Chapter 3.1: I'm dead?
Chapter 3.2: Rest in Peace Sakura Lee
Chapter 4: First Day
Chapter 5: Alpha Kappa Omicron Fraternity
Chapter 6: Kanluran
Chapter 7: Don't touch her
Chapter 8: Brand
Chapter 9: You like me
Chapter 10: Fiancee
Chapter 11: I will run
Chapter 12: I like you
Chapter 13: Baseball
Chapter 14: Girlfriend
Chapter 15: Good
Chapter 16: Devil Kanluran
Chapter 17: Kriminal
Chapter 18: Who are you, Alexei?
Chapter 19: Inuman tayo
Chapter 20: Pinky Promise
Chapter 21: Serious Kanluran
Chapter 22: Magandang View
Chapter 23: Kinikilig
Chapter 24: Wala Ng Bawian
Chapter 25: Joke Lang
Chapter 26: No Words
Chapter 27: Can you make me happy?
Chapter 28: Don't drink alcohol

Chapter 1: I am Sakura

110K 2.4K 194
By LaraMelissa

Chapter 1: I am Sakura

Rose University

Sakura Holman's Point of View

Huminga muna ako ng malalim bago ako bumaba, pagbukas ko sa pintuan ng kotse ay lahat sila ay napatingin sa akin.

Hindi ko sila initindi at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom. Habang naglalakad ako sa corridor, malalakas na bulungan ang aking narinig.

"Nandiyan na siya."

Huminto ako sa paglalakad at mahigpit na niyakap ko ang mga libro.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon.

I am Sakura Holman.

Sikat ako sa school namin.

Hindi sa itsura ko, sa katalinuhan ko o sa yaman ng aking pamilya kundi sa...

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nadulas at hindi na rin ako nagulat sa sumunod na nangyari, isa-isa nila akong batohin ng mga itlog.

Wala akong nagawa at pumikit na lamang ng mariin. Nang maramdaman ko na tumigil na sila ay tumayo ako pero hindi ko maiwasan na mapaiyak. Tinungo ko ang ladies room.

Pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang kanilang mapanuring mga mata. Umiwas ako ng tingin at diretso ako sa isang cubicle. Mabilis na ni-lock ko iyon.

Akala ko matatapos na pero hindi pa pala dahil nakaramdam na lang ako ng pagbuhos ng tubig mula sa itaas. Kasunod noon ang malalakas na tawanan nila.

Naiiyak na niyakap ko na lang ang aking sarili dahil sa lamig na aking naramdaman.

Sikat ako dahil... ako ang paborito nilang binubully.

Araw-araw ganito ang nararanasan ko at walang sawang pambu-bully dahil sa isang desisyon na ginawa ko na malapit ko nang pagsisihan.

Nang kumalma na ako at sa tingin ko ay wala ng tao sa labas ay nagpasya na akong lumabas ng cubicle. Tumingin ako sa salamin. Isang nakakaawang babae ang nakikita ko.

Kailan ba akong matututo na lumaban?

Nakakapagod na lang ang paulit-ulit na nangyayari sa akin.Kung may lakas lang ako sana ng loob na kalabanin siya edi sana tapos na ang dilemma kong ito. Huminga ako ng malalim para mapanatag ang loob ko. Sana maging okay ang araw ko ngayon.

Palabas na sana ako pero nang pihitin ko ang seradura ay bigla akong kinabahan.

Hindi ko na ito mabuksan!

Naiiyak na napaupo na lamang ako sa sahig.

Lord, please help me!


Sakura Lee's Point of View

Inaantok na naglalakad ako papunta sa school na may mapansin akong mga grupo ng kalalakihan na mukhang may inaabangan.

Sila yung grupo na mukhang hindi gagawa ng matino, tinatawag na mga gangster.

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero napatigil ako na isa sa kanila ay humarang sa akin. "What?" tanong ko sa kanya.

" Sakura?" maangas na tanong niya sa akin.

"Yes," naging malikot ang aking mga mata. Kailangan kong maging alisto dahil mukhang mapapalaban ako ngayon.

"Sumama ka sa amin ngayon din."

Tinignan ko sila isa-isa at napangiti ng matamis. "Ayaw ko!"

Hindi makapaniwala ang lalaki na nasa harapan ko. "Ang isang babaeng katulad mo dapat pagpapaganda ang ginagawa hindi ang mambully," sabi niya sa akin.

Napataas ang aking kilay sa sinasabi niya. "So, hinintay niyo ako para turuan ako ng tamang gawain ng isang babae?"

Umasim ang mukha nito. "Itigil mo na ang kalokohan mo dahil baka hindi mo magugustuhan ang susunod na mangyayari."

"Wow!" sabay palakpak ko na kinaseryoso ng kanilang mukha. "Let me remind you mister, hindi ako nakikinig sa mga professor ko lalo na sa mga katulad niyong mga gangster na nangangaral," tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Kung mangangaral ka lang, magpari ka na lang at baka doon pakinggan pa kita," at taas-noong nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Stop pretending that you're strong, Sakura. Babae ka lang!"

Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niya iyon. "Gusto mo bang patunayan ko sa inyo ang pagkababae ko?"

Naguluhan silang lahat sa sinabi ko.

Samantala ako ay napangiti ng makahulugan.

Stafford University
Karol's Point of View

Seryoso akong gumagawa ng assignment para sa next subject. Habang ang mga kaklase ko ay masayang nagkukwentuhan, nag-aasaran at naglalaro. Ganyan naman talaga sila, kapag wala pa si Sakura.

Biglang nagbukas ng pinto na kinahinto nilang lahat.

Nakahinga ng maluwag ang babaeng maarte na classmate ko. "Pwede ba, huwag ka nga manggugulat ng ganyan," inis na sambit niya.

"Nandiyan na siya," natatakot na sabi niya.

Napahinto ako sa ginagawa ko at tumingin sa bintana maging ang mga classmates ko.

Malayo pa lang ay kita ko na si Sakura na papasok sa gate ng Strafford University. Nakataas-noo siya habang naglalakad. Bawat madaanan niyang estudyante ay umiiwas na sa kanya at ang iba naman ay nagbibigay galang sa kanya.

Napangiti ako sa loob na makita ang mga classmate ko na natataranta na bumalik sa kani-kanilang upuan. Ganiyan sila katakot kay Sakura. Kung sino man kasi ang bumangga sa kanya ay impiyerno ang kanilang kakaharapin.

Napailing na lang ako.

Malakas na pagbukas ng pinto ang narinig naming lahat. Hindi ko na kailangan tignan kung sino ang dumating.

Nakaramdam na lamang ako na may umupo sa tabi ko.

"Yo!" bati niya sa akin na kinatingin ko.

Nagulat ako na makita na may scratch siya sa kanyang mukha.

"Ano'ng nangyari diyan?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Napalaban lang naman ng konti."

"Kanino na naman?"

Matagal bago siyang nakasagot. "May isang grupo kasi ng gangster ang humarang sa akin kanina," pasigaw na kuwento ni Sakura na nakatingin sa isang lalaki na parang pinagpapawisan na.

"So, ano ang nangyari?" tanong ko sa kanya.

Ibinalik ni Sakura ang tingin sa akin. "Dahil weak sila, ayun, hindi na nila hinintay ang gabi at nakatulog na silang lahat ngayon sa kalsada."

Pero nagulat na lamang kaming lahat ng tumayo si Sakura at pumunta sa harapan ng lalaking tinitignan niya kanina. "Kung sino man ang nag-utos sa kanila. Maghanda ka na ng lilibingan mo!" galit na sabi niya. "Ganyan ka ba ka-weak at nagpatawag ka pa ng back-up mo?"

Tahimik pa rin ang buong klase at kitang-kita ko na galit na galit siya ngayon.

"Pasalamat ka dahil busy ako ngayon," pagkatapos ay lumabas na siya ng classroom namin tila nakahinga ng maluwag ang mga kaklase namin na mawala si Sakura.

Napatingin ako ulit ako sa lalaking nanginginig at pinagpapawisan na ng malapot.

Naalala ko na, siya yung lalaking nakabangga ni Sakura sa canteen. Natapon ng lalaki ang pagkain niya sa damit ni Sakura. Nagalit si Sakura sa nangyari at sinapak ang lalaki.

Tumayo ako at hinabol ko si Sakura.

"Sakura," malakas na pagtawag ko sa kanya.

"What?" singhal niya.

"Nagawa mo na ba ang assignment natin sa Math?"

"No. Kailan pa ba ako gumawa ng assignment?" balik na tanong niya sa akin na kinangiti ko.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. "Matanong ko pala, Karol."

"Hmmm?"

"Ano'ng gagawin natin ngayon?"

"Lecture?" di siguradong sabi ko sa kanya.

"Boring!" mabilis siyang naglakad.

"Wait Sakura!" malakas na tawag ko sa kanya ulit. Mabuti na lang ay huminto siya.

"Yes?" nakataas na kilay na tanong niya

Nahihiyang inabot ko sa kanya ang isang regalo.

"Ano ito?" kunot-noong tanong niya sa akin.

"Anniversary gift para sa friendship natin."

"Anniversary gift?" nang uuyam na wika niya

"Yes. Dumaan ako kanina sa temple at nakita kong nagbebenta sila niyan. Ang sabi ng matandang babae ay ilalayo ka daw sa kapahamakan ang sinoman na magsusuot niyan."

"Friendship?" mahinang bulong niya at bigla siyang lumapit sa akin.

"Friendship? Yeah right," sabay haplos niya sa aking mukha na kinagulat ko. "Kailangan mo ako, kailangan kita. That's a definition of our friendship," mahina na bulong niya sa akin at walang sabi na tinalikuran na niya ako.

Napangiti ako at hindi na nasaktan sa sinabi ni Sakura. Ganyan talaga siya kahit noong mga bata pa kami. Masaya naman ako dahil tinanggap niya ang regalo ko at hindi tinapon.

Sakura Lee's Point of View

Ramdam ko ang paglingon ng lahat ng mga estudyante sa akin habang binabagtas ko ang hallway. Bale-walang nagpatuloy lang ako sa paglalakad papunta sa cafeteria ng eskuwelahan para makipagkita sa isang tao na kailangan ko. Sanay na ako sa mga pinupukol nilang tingin ng halos buong estudyante ng Strafford University.

Napataas ang sulok ng labi ko pagdating ko sa naturang lugar.

Tama nga ang aking inaasahan dahil nanahimik ang buong tao na kumakain sa cafeteria na makita nila akong papasok. Halos lahat ay nakatingin sa akin at nang tignan ko sila ng masama ay agad silang nag-iwas ng tingin. Samantalang ang mga lalaki ay pasulyap-sulyap sa akin nang may paghanga.

Naiirita ako kapag tinititigan ako at kapag nahuli ko silang nakatitig sa akin ay hindi ako mag-aatubili na dukutin ko ang kanilang mga mata.

Tumigil ako sa paglalakad at nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng cafeteria.

Napangiti ako nang makita ko ang aking hinahanap ko. Si Ara, ang nakilala ko sa labas ng school. Papunta na sana ako sa kanya ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay muntik na akong mabangga ng babae na may dala ng tray na puno ng pagkain. Marami ang napasinghap sa nangyari at napatigil sa kanilang ginagawa, tinignan ko naman ang babae na nanginginig na ngayon sa takot.

"I-I-m s-sorry, S-Saku-ra," nauutal na sabi niya.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "What?" mapang-uyam na tanong ko sa kanya.

"I'm sorry," mangiyak-iyak na sabi niya.

Napataas ang aking kilay sa nakita ko. So, ako na naman ang kontrabida?

Sa inis ko ay walang sabi na kinuha ko ang isang baso na puno ng softdrinks at binuhos sa kanya. Gulat na gulat siya sa ginawa ko. "Sa susunod, ayaw kong makita ang pagmumukha mo dito sa school, kundi mas matindi pa ang mararanasan mo," iniwan ko siyang tulala at pinuntahan ko na si Ara sa kanyang table na pumapalakpak.

"Hanep! Wala akong masabi sa iyo, napatigil mo ang lahat sa magarbo mong entrance."

"Shut up!" sabi ko sa kanya.

Natawa lamang siya sa sinabi ko.

"Nasaan na?" agad na tanong ko sa kanya.

Nag-abot siya ng isang maliit na papel sa akin.

"Ano ito?" inis na tanong ko sa kanya.

"Hindi mo nakikita, papel iyan," sarkastikong wika niya. "Basahin mo kaya."

Tinignan ko siya ng masama at natatawang nag-peace sign lamang siya. "Death Bar?" kunot noong tanong ko.

"Yes. Nakalagay diyan ang address na pupuntahan mo."

"Nababasa ko nga," pang-iinis ko sa kanya na kinasimangot niya.

"Take note dear, lahat ng pupunta diyan ngayong gabi ay puro anak mayaman at balita ko maraming guwapo diyan," tuwang-tuwa na pagbabalita niya sa akin.

"So what?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ka man lang natuwa?" napasimangot na tanong niya. "Malay mo, diyan mo makita ang soulmate mo."

"Wala akong panahon sa mga kalokohan na naiisip mo," nagkibit-balikat na wika ko at tinago ko sa aking bulsa ang papel na binigay niya.

"Sakura, payong tao lang ah. Try to fall in love baka magbago iyang puso mong bato."

"I want a job. That's all," sabi ko sa kanya. "So fuck off."

Malakas na pagtawa ang narinig ko nang iwan ko siya.

Napangiti ako dahil may bago na naman akong trabaho. Kailangan kong kumita ng pera para umalis sa bayan na ito at mahanap ang tunay kong pamilya.

Hindi na ako papasok dahil nakakatamad na lecture na gagawin naming maghapon.

Paulit-ulit na lang!

Nagpasya akong pumunta ng locker room para kunin ang paborito kong laruan, ang skateboard. Napangiti ako nang hawakan ko ito. Regalo sa akin ng nanay ko ito kaya pinaka-iingatan ko ng lubos dahil ito na lang ang natirang alaala niya sa akin.

Palabas na ako ng campus habang nakasakay sa skateboard ko na mabilis na tumatakbo. Napangisi ako na mapansin ko na may humps, agad akong bumuwelo na tatalon para maiwasan ito.

Napahiyaw ako sa tuwa nang umikot ako sa ere.

Masayang lumanding ako skateboard ko at nang makarating sa gate. Ginamit ko ang aking isang paa para patigilin ang skateboard ko.

Sumeryoso ang expression ng mukha ko na makitang may naghihintay sa akin. Mga nakaunipormadong kalalakihan.

Damn!

Bawat estudyante na dumadaan ay nagmamadaling tumakbo papasok sa school namin.

Dahil takot sila...

Takot na baka mapatay sila ng mga tauhan ng kinikilala kong ama.

"What?" inis na tanong ko sa kanila.

"Miss Sakura, pinapatawag po kayo ng daddy niyo."

Patabog na sumakay ako sa kotse. Lumipas ang isang oras ay nakarating din kami sa mansion niya.

Mabilis bawat hakbang ko na makababa ako sa kotse. Dare-daretso ako at wala akong pakielam sa bawat na madaanan ko. Napansin ko na hinabol ako ng isang bodyguard. Pipigilan sana niya ako kaya lang tinignan ko siya ng masama na dahilan na pag-atras niya. Hindi na akong nag-abalang kumatok at binuksan ang pinto kung nasaan siya.

Gulat na napalingon sa akin ang mga taong nasa loob ng conference room, samantalang siya ay patuloy pa rin sa speech niyang bulok. Matapos niyang magsalita ay nilingon na niya ako at sumeryoso ang kaniyang mukha na kanina ay nakangiti.

Tinangohan niya sila at mukhang naiintindihan naman nila ang nais ipahiwatig niya. Isa-isa silang umalis, nang kami na lang matira ay tinanong ko siya agad. "What do you want?"

Hindi siya nagsalita at may tinapon na mga pictures sa kinaroroonan ko.

Mga larawan kung saan ako nagta-trabaho.

"Ano ibig sabihin niyan?"

"Hindi mo ba nakikita, nagta-trabaho ako para mabayaran na ang utang ng nanay ko sa iyo," sabi ko sa kanya.

"Isa lang ang gusto ko Sakura, ang kuwintas," seryosong saad niya.

Kahit na kinabahan ako sa sinabi niya ay hindi ko ito pinakita sa kanya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," malamig na wika ko. "Kung wala ka ng sasabihin ay aalis na ako," at tinalikuran ko siya.

Susundan sana ako ng kanyang kanang kamay pero pinigilan siya.

Nang makalabas ako ay nakahinga ako ng maluwag. Aalis na sana ako kaya lang nakarinig ako ang hindi ko dapat marinig.

"Ano na ang plano niyo boss., mukhang wala talagang alam si Sakura sa kuwintas ng kanyang yumaong ina."

"Hindi ako puwedeng magkamali. Naalala ko ang sinabi ng kanyang ina na si Sakura ang magmamana noon. Sigurado ka bang wala sa kuwarto ni Sakura iyon."

"Siguradong-sigurado po ako boss, hinalungkat na namin ang lahat ng gamit niya."

Naikuyom ko ang aking kamao sa aking narinig.

Sa inis ko ay agad akong umalis sa kinatatayuan ko at tinungo ang aking kuwarto. Ang walang hiya! Naghalungkat pa sa mga gamit ko. Ano akala niya sa akin? Tanga?

Hindi niya makukuha ang necklace na iyon! Dahil iyon na lang ang huling katibayan sa tunay kong mga magulang.

Sa inis ko ay agad akong nagpalit ng damit. Kumuha sa atensiyon ko ang tattoo ko sa likod. Kitang-kita ko ang pag-apoy sa galit ng aking mga mata sa nakita ko. Dahil sa tattoo na ito kaya ako iniwasan ng mga classmates ko na kagagawan ng demonyo na iyon!

Inis na lumabas ako ng room ko na may humarang sa akin.

"Bawal po kayong lumabas, Ms. Sakura."

Napataas ang aking kilay sa sinabi niya, sa inis ko ay sinuntok ko siya na kinagulat niya. Mukhang nainis ko yata siya dahil balak niya hawakan ang aking mga kamay ngunit hindi ko siya binigyan ng pagkakataon at binigyan ko siya ng high kick na kinatulog niya.

Nang makita ko siyang nakabulagta na sa sahig ay dahan-dahan ko siyang hinila papunta sa isang kuwarto. Bigla akong may naisip na kalokohan at naghanap ng lubid. Ginamit ko iyon para itali ang kanyang mga kamay sa likod at paa.

Tignan natin kung masusundan mo pa ako.

Masayang-masaya akong lumabas at nagpunta na sa lugar kung saan ako magta-trabaho.

Death Bar

Iritang irita ako sa damit na kanilang pinasuot sa akin. Masyadong maiksi at kulang na lang makita ang aking kaluluwa. Kung hindi lang talaga malaki ang kikitain ko ngayong gabi ay hindi na ako papayag. Napatingin ako sa bracelet na binigay ni Karol sa akin, tinititigan ko ito ng matagal at napailing sa ginawa ko. Isinuksok ko na lamang ito sa aking bulsa.

Madali lang naman ang trabaho ko ngayon, kailangan ko lang makabenta ng mga sachet na hawak ko.Hindi ko alam kung ano laman nito, basta ang sabi nila kapag pinahid sa balat mo ay tataas ang iyong energy.

Tinignan ko ang mga tao na nasa paligid na high na high sa malakas na tugtog ng DJ. Sino naman ang bebentahan ko nito? Eh mukhang lahat naman sila ay high na high at hindi na kailangan nito.

Napansin ko ang isang babae na nakaupo sa isang sulok na mukhang malalim ang iniisip. Napangiti ako at lumapit sa kanya pero hindi pa ako nakakarating sa kanyang puwesto ay may grupo ng kalalakihan ang huminto sa table niya.

Napaangat ng tingin ang babae at kitang kita ko sa kanyang mga mata ang sobrang takot.

"Oh... nandito pala si Ms. Popular," rinig ko na sabi ng isang lalaki na kinatawa nilang lahat.

Hindi man nila gustong kunin ang atensiyon ng lahat ay nagawa na nila.

" 'Di ba taga Rose University sila?"

"Oo nga! Kasama nila si Alexei," kinikilig na wika ng isang babae.

"Bakit kaya sila nandito?"

Tinignan ko ang nangangalang Alexei na hindi man lang sumulyap sa babaeng nakaupo sa sulok at tuloy-tuloy na naglakad kung saan sila naka-reserve.

"Kung alam ko lang na hindi ka ganoon kainosente," aniya ng lalaki at malaswa niyang tinignan ang babae mula ulo hanggang paa.

Biglang niyakap ng babae ang kanyang sarili ng marinig niya iyon. Hindi ko alam pero bigla kumulo ang dugo ko sa nakikita ko.

Walang atubiling lumapit ako sa kanila at sinadya ko talaga na dumaan sa harap nila. Sa sulok ng aking mga mata, nakita kong sinusundan nila ako ng tingin. "Hi Miss," nakangiting bati ko sa kanya na kinagulat niya.

Tumabi ako sa kanya. "Baka gusto mong bumili," sabay pakita sa kanya ng mga sachet na hawak ko.

"E-Eh?" gulat na tanong niya.

"500 pesos ang tatlong piraso nito. Kapag pinahid mo sa iyong balat ay magiging high ang iyong energy, katulad nila," sabay turo sa mga taong nagsasayaw sa dancefloor.

"A-Ano-"

"Trust me, Miss. Magiging masaya ka ngayong gabi kapag ginamit mo ito," nakangiting wika ko.

"Miss, ako na lang ang bibili," ani ng lalaki na nasa likuran ko. "Bibilhin ko ang lahat na meron ka basta isang gabi sa piling ko," malaswang sabi niya sa akin.

Nagtawanan pa ang lahat ng mga kasama ng lalaki.

Kalmadong tumayo ako at lumingon sa kanila. "Talaga?" at ngumiti ako sa kanya ng nakakaakit.

Mukhang natulala naman siya sa ginawa ko. Walang atubili na hinawakan ko ang kanyang kuwelyo at pinalandas ko ang aking daliri doon. Kitang-kita ko na napalunok siya.

"Bibilhin mo talaga lahat?" nang-aakit na tanong ko sa kanya.

"Oo naman," sabay hawak niya sa braso ko, naningkit ang aking mga mata sa ginawa niya.

"Aj, stay away from her," sigaw ng lalaking nangangalang Alexei.

Pero sorry na lang, huli na para lumayo dahil binalibag ko na siya. Napahiyaw siya sa sakit at ang nangangalang Alexei ay lumapit pa sa akin. Alam niya siguro ang balak ko na sapakin ang lalaki.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at ako? Galit na tinignan ko siya.

Nagkatitigan kami ng matagal.

Nanayo ang balahibo ko dahil sa pagkakahawak ng lalaki na nasa harap ko at ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya.

"A-Alexei," mahinang pagtawag ng babae sa kanya na kinalingon naming dalawa.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito, Sakura!" nag-aapoy sa galit na sabi niya.

Teka? Sakura? Ako ba ang tinutukoy niya?

"I-I'm so-rry, Alexei," umiiyak na sabi niya.

Magsasalita sana ako ng magsalita ulit ang lalaki. "Hintayin mo ang parusa mo sa school bukas, Sakura," nanggagalaiti na sabi niya. "At ikaw naman, umalis ka na ngayon kundi hindi ka na abutin na buhay dito sa bar," pagbabanta niya sa akin.

"Oh really?" sabay tuhog ko sa kanya na kinahiyaw niya ng malakas. Namimilipit siya sa sakit ngayon.

"Tang ina mo! Baka ikaw ang hindi abutin bukas," sabay hawak sa babaeng tulala.

Ang kapal na bantaan ako, hindi niya ako kilala.

I am Sakura Lee.

Ang walang kinatatakutan at ang...

Queen ng Strafford University.

--------TO BE CONTINUED------------

Ano ang mangyayari sa first meeting nila Sakura Lee at Sakura Holman?

(c) Lara Melissa

Continue Reading

You'll Also Like

336 2 1
Tagalized version ng naunang "Deus Ex Ludos(English)"
485 7 18
Noong una. Ang mga tao ay nagtayo ng iba't ibang relihiyon sa iba't ibang panig ng mundo. Ang masasama ay mapupunta sa impyerno, at ang mga mabubuti...
700K 25.6K 70
EDITED "Usually, people think that I'm a strong person. But behind my strong aura they just don't know how much im in pain and almost damn broken."...
52.6K 8.9K 94
Panibagong hamon at bugso ng damdamin upang patunayan sa kanilang sarili ang pagiging adventurer. Samahan ulit si Axel sa pakikisapalaran at paglakba...