xristianbryan25 SHORT STORIES

By xristianbryan25

3K 205 56

Mga Short stories lamang po ito....sana magustuhan nyo. Vote and comments naman po. :) More

Ligaw Na Kaluluwa
MikMik - 1
MikMik - 2
MikMik - 3( Last Part)
KitKat - 1
KitKat - 2
KitKat - 3 (Last Part)
Kudukudu - 2
KuduKudu - 3
KuduKudu - 4
KuduKudu - 5
KuduKudu - 6 ( Last Part)

KuduKudu - 1

200 13 2
By xristianbryan25


Hapon na nang makarating akong muli sa isang baryo kung saan malayo sa kabihasnan at liblib na liblib ang lugar.

Dose años ako ng akoy huling makarating dito kasama ko ang aking ama noong malakas pa ito. Ako nga pala si Elijah Javier. Bunso sa tatlong magkakapatid. Sa ngayon ay Bente tres años na ako at kasalukuyang maganda ang aking trabaho bilang isang arkitekto sa isang kumpanya sa Maynila.

Pumanaw na ang aking ama at sa akin naipamana ang lupaing pupuntahan ko ngayon. Balak ko itong ibenta sa katabing may mga ari ng lupa sa lugar na iyon.

Sa bayan ay may bahay din kami, pero papunta sa baryong ito ay sasakay pa ng dyip kung saan hanggang sa bubong ay may sakay. Pagbaba ay maglalakad pa ng halos isang oras bago makarating sa kabundukang iyon.

Dala ang aking backbag ay bumaba na ako sa topload ng dyip. Sa gilid ng kalsada ay pinagmasdan ko ang kapaligiran. Tahimik at maririnig mo ang ihip ng amihang hangin. Sa di kalayuan ay makikita ang ilang kabahayan at may iilang tao na naglalakad. Tinignan ko ang oras sa aking relo at nakita ko na Alas kuwatro y medya na....hapon na at ilang sandali lang ay didilim na ang kapaligiran. Huminga muna ako ng malalim at inayos ang aking mga dala para simulan ang aking paglalakad para hindi ako abutan ng dilim.

Mula sa kalsada sa taas ay nagsimula akong bumaba sa gilid ng kalsada dahil pababa ang bahaging yun papunta sa tila nagsisimulang kumapal na kakahuyan na nakikita ko sa di kalayuan. Ang nilalakaran ko ay isang trail na marahil ay ginawa ng mga taong pumupunta sa lugar na iyon. May ilang kabahayan din akong nadaanan at nagbigay galang sa ilang tao na nadadaanan ko na tinugunan naman nila ng mga ngiti.

Sa aking paglalakad ay diko maiwasan balikan ang alaala ng aking kabataan ng huli kong punta sa lugar na ito sampung taon na ang nakakaraan.

------------------------------------------------------
" Papa ang ganda naman dito! Bakit ngayon mo lang ako isinama dito?!"

" Bata ka pa kasi, at mahabang lakaran ang gagawin natin. Ngayon ay sa tingin ko ay kaya mo na kaya isasama na kitang palagi rito."

" Yeheeeeeyyy! Gusto ko po yun."

Nagpatuloy ang paglalakbay namin ni papa at bago magtanghalian noon ay narating namin ang lupain na namana pa niya sa kanyang mga magulang na namana din sa kanununoan pa ng mga ito.

Ang lugar ay nasa paanan ng kabundukan na talaga namang napakagandang pagmasdan. May bahay doon sa paanan na mistulang bahay kubo na malaki. May dalawang silid iyon at may kusina. Pero ang lutuan ay nasa labas ng bahay. Isa itong elevated na tila box may lapad na 1 x 1 meters at lupa ang nasa loob at may nakaibabaw na tatlong bato.
May bubong ito na para kapag umuulan ay hindi mababasa ang nagluluto. Sa edad ko noon ay hanggang dibdib ko ang taas nito. Sa ilalim naman ay makikita ang mga nakasalansang mga tuyong kahoy na ginagamit na pang-gatong.

Tuwang-tuwa ako sa aking nakikitang napakagandang kapaligiran. Hindi maingay at hanging sumisipol, mga pagaspas ng mga dahon sa mga mayayabong na puno at mga huni ng ibat-ibang ibon ang aking naririnig.

" Papa ikot-ikot lang po muna ako sa paligid ha?"

" Sige, basta huwag kang lalayo kailangang nakikita mo pa rin itong kubo sa kinalalagyan mo."

" Opo."

Iniwan ko si papa na abala sa pagaayos sa loob ng bahay ng mga gagamitin namin na pananatili doon ng tatlong araw. Walang kuryente doon kaya inayos ni papa ang petromax at nilagyan ng gaas para ilaw namin sa gabi.

Agad akong naglakad habang may dalang patpat para panghawi sa mga damo na madadaanan ko. Sa aking paglalakad ay nililingon ko pa rin ang aming kubo. Hanggang sa narinig ko ang tila agos ng tubig at ang lupang nilalakaran ko ay pababa na. Labis akong namangha sa nakita kong ganda ng batis na may malinaw na tubig. May ilang puno na nakahapay ang mga sanga sa ilog kaya ang mga bulaklak na kulay dilaw at orange na maliliit ay mabagal na bumabagsak sa ibabaw ng tubig at tinatangay ng agos palayo. Lumusong ako at natantiya ko na hindi siya malalim. Napakalamig ng tubig at musika sa aking pandinig ang agos nito.

Umahon ako at nakita ko ang ilang bukal na may tubig na lumalabas marahil si papa na nagayos ng bukal dahil may kawayang nakatuon doon at dumadaloy ang tubig. Agad kong isinahod ang aking mga kamay para uminom.

" Huwaaaaawwww ang sarappp ang lamig!"

Nang matapos akong uminom ay muli akong naglakad pabalik at sa aking paglalakad ay may nakita akong puno ng papaya na may mga hinog na ang iba ay may mga butas na marahil ay kinain ng mga ibon. Agad ko itong inakyat dahil hindi naman kataasan nakakuha ako ng dalawa at agad ko itong dinala pabalik ng bahay. Hanggang sa narinig ko si papa na sumisigaw at tinatawag ako.

" Eliiiiii! Eliiiiii!!!"

Agad na akong tumakbo at agad akong nakita ni papa kaya tumigil siya sa pagtawag sa akin. Napangiti siya ng makita ang dala kong dalawang prutas na papaya.

" Ang galeng ah! Mana ka talaga sa akin. Mabubuhay ka na sa lugar na ito marunong kang dumiskarte."

" Wala po bang mga tao dito maliban sa atin papa?"

" Meron naman kaso magkakalayo...nakikita mo yung punong yun na mayabong na akasya? Malayo na di ba? May dalawang bahay diyan. Sa kanila naman ang lupang kinatitirikan nun at ang sinasaka nilang malapit. May sarili din silang daanan. Mababait ang mga tao dito at isang araw ipapakilala kita sa kanila."

" Sige po papa."

" Halika na sa loob magpalit ka na ng damit. Tulungan mo akong magluto ng tanghalian natin. May galon dito na dalawa sa palagay ko kaya mo na yung buhatin maski may lamang tubig."

" Opo at alam ko na po kung saan kukuha ng tubig."

" Ang galeng talaga ng bunso ko!" Sabay gulo ni papa sa buhok ko.

Nagpalit na ako ng damit at ng lumabas ako ay nakita ko na inaayos ni papa ang mga delata, tinapay, biskwit sa isang maliit na cabinet sa kusina. Nakita ko din na tila lulutuin na niya ang karne na dala namin dahil walang ref at kuryente. Agad kong kinuha ang dalawang galon.

" Kaya mo ba talaga?"

" Opo."

" Baka dalawang balik ka niyan. May tapayan dito lalagyan mo ng tubig. Malamig ang tubig sa tapayan kaya yan ang lagayan dito ng mga tao."

" Ok lang po papa. Malapit lang yun pagkukuhanan maski tatlong balik pa."

" Ok sige na at mamaya pagkakain natin ng tanghalian ay maliligo tayo doon at mamana tayo ng isda na puwedeng iulam."

" Yeheeeyyyy ang saya naman! Sige po papa!"

Agad akong tumuloy sa ilog at nakatatlong balik nga ako.

Magana naming pinagsaluhan ang tanghalian na adobong natural at kamatis.

Matapos ang tanghalian ay hinugasan ko na ang pinagkainan namin ni papa at tumambay kami sa Inilagay ni papa na duyan sa pagitan ng dalawang puno ng mangga sa harap ng kubo.

" Masaya ka ba dito anak?"

" Opo kasi po....ang ganda ng lugar....pero po baka pag tumagal ay malungkot din kasi walang masyadong tao wala akong mga kalaro dito at saka walang tv."

Bahagyang natawa si papa.
" Huwag kang mag-alala tatlong araw lang naman kasi tayo dito. Gusto ko lang kasi makita mo ang lugar at maranasang tumira dito."

" Ahhh! Sina kuya at ate po ba gusto nila dito? Kasi parang ayaw nila base sa kuwento nila."

" Tama....iba kasi ang hilig nila at pananaw at saka malalaki na din. Ang kuya mo kolehiyo na ang ate mo hs kaya iba na ang hilig nila."

" Ah basta ako kahit lumaki na ako at magasawa gugustuhin ko pa rin magpunta dito!"

Napangiti noon si papa na makahulugan na nakatingin sa akin pero hindi ko na lang pinansin.

Nakatulog kami sa duyan dahil sa masarap na simoy ng hangin. Nang magising kami ay alas tres na ng hapon. Agad kaming nagtungo sa ilog at naligo. Dala ang pana para sa panghuhuli ng isda ay masaya kaming nakahuli ng tatlong katamtamang laki ng dalag.

Nang gabing iyon ay inihaw namin iyon para iulam. Naghiwa si papa ng mangga at nilagyan ng kamatis kaya sobrang busog kami.

Alas syete ng gabi ay sobrang dilim na sa labas. Pero salamat mga alitaptap sa mga puno sa paligid ay naaliw ako sa aking nakikita. Para silang mga xmas tree at talaga namang andami ng alitaptap.

Sa hagdan ng kubo ay umupo kami ni papa at kinuwentuhan niya ako ng karanasan niya noong bata pa siya at siya ang isinasama ng papa niya sa lugar na iyon.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising na lang ako na nasa kama ako sa isang silid. May isang gasera sa ibabaw ng maliit na mesa. Kaya hindi ako natakot. Alam ko na tulog na rin si papa dahil naririnig ko ang hilik niya sa kabilang silid.

Nanatili lang akong nakahiga. Pinakinggan ko na lang ang mga kuliglig at mga ibong pang-gabi at paminsan-minsay pagihip ng hangin. Malamig ang gabi kaya balot ako ng kumot.

Hanggang sa may narinig akong kaluskos sa labas na tila galing sa lutuan.

Nanatili akong nakiramdam hanggang sa narinig ko ang isang tila maliit na boses. Mahina lang siya ngunit tila paulit-ulit ang salita na naririnig ko.

" kudu!kudu!kudu!kudu!kudu!"

Natakot ako at agad akong nagtalukbong. Hanggang diko namalayan nakatulog na pala ako at mataas na ang araw ng magising ako.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy.....
------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

48.6K 120 15
SPG
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
33K 143 8
Dalawang lalaki ang makikipag agawan sa dalagang kanilang inalagaan. Si Arthur, ay ang Ama ni Celia. Minahal at inaruga niya ang dalaga hanggang sa t...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!