The Stories In My Heart

By Eiramana325

5.3K 820 4.6K

The Stories In My Heart is a collection of short stories written by yours truly. This book has various genres... More

The Stories In My Heart: Author's Note
Table of Contents
OSS 30: Tears of Blood
OSS 29: Psychotic Angels
OSS 28: Spring and Autumn
OSS 27: Pangako
OSS 26: Baby Bear
OSS 25: Broken
OSS24: Masohista
OSS 23: Valentine's Card
OSS 22: Be Mystified
OSS 21: Their Fate
OSS 20: Being Ignored
OSS 19: Her Writer
OSS 18: You are Blessed
OSS 17: Divorced
OSS16: 21:13 [One-Shot for Nobelista]
OSS15: Maling Akala [One-Shot for Nobelista]
OSS14: Wetcum Bak (One-shot for Nobelista)
OSS 13: The Visitor
OSS 12: The Mark of the Summer Goddess
OSS 11: One Summer Night
OSS 10: A Death to Save
OSS 9: Unworthy
OSS 8: She'd Been Cursed
OSS 7: Faithful Love
OSS 6: Twin For My Heart
OSS 5: Hiwaga Ng Pasko
OSS 4: Pangako Ng Pasko
OSS 3: His Teenage Mother
OSS 2: My Guardian Angel's Kiss
18th Birthday

OSS 1: Walang Poreber

357 53 423
By Eiramana325

OSS 1: Walang Poreber


*|*|*|*

JOANNE'S POV

Ano bang araw ngayon? Bakit kaya bigla ko siyang napanaginipan? Ah, September 15 pala, kaya pala naalala ko siya. Nagpapaalala siya sa akin.

Napangiti ako na may halong panghihinayang. At kumirot ang puso ko sa lungkot.

Ito ang araw na tinakasan niya ko.

Hay buhay! Minsan ang saklap!

Naghanda ako para pumasok sa opisina at nag-tsaa lang. Sumakay sa Honda Civic ko at binuksan ko ang stereo.

🎶Time and again, there are these changes that we cannot end
As sure as time keeps going on and on
My love for you will be forevermore🎶

Wow! Pati ang kanta sa radio parang nananadya ah. Nagpapaalala sa isang nakaraan na matagal nang panahon na nangyari.

Ilan taon na nga ba ang nakalipas?

Marami na ang nagbago mula noon pati ang kantang ito ay revival na lang ni Juris.

Nagbago na rin ang estado namin sa buhay.

Pero bakit ang ala-ala ko sa iyo ay 'di ko malimutan?

Kung sana kaya kitang burahin sa isip ko. Sa puso ko. Pero kailangan 'atang magka-amnesia pa ko bago mangyari iyon.

Siguro, dapat masaya pa rin ako dahil kahit sa alaala ay nakakasama pa rin kita. Uulit-ulitin kong balikan ang ating nakaraan...

🎶There are times when I just want to look at your face
With the stars in the night
There are times when I just want to feel your embrace
In the cold night🎶

Sinasabayan ko ang kanta sa radio, with my golden voice, the talent given to me by our Almighty... Golden and sincere heart lang pala, walang golden voice. Okay lang! Nag-iisa naman ako, walang makakarinig at sasakit ang tenga.

Oo, radio na de baterya! Hindi naman ako rich kid, wala akong handy na casette player or CD player.

Kasalukuyan nga akong nakatoka na magbantay sa kariton na tindahan namin dito sa harap ng simbahan. Sabado kasi, wala akong pasok sa eskuwelahan.

Kung never heard mo ang karitong tindahan. Siguro naman nakakita ka na ng nagtitinda ng fishballs na naka-kariton din at naglalakad sa kalye. May portable kalan.

Parang gan'on lang din 'tong sari-sari store namin. Portable. Pero sa halip na maglako kami sa kalye, binigyan kami ng permiso nang mabait at super guapo namin Kura Paroko na si Msgr. Sañga na magtinda dito sa harap ng simbahan at gilid ng grotto. Hindi naman kami nakaka-istorbo sa misa. Paghapon, itutulak din namin pauwi at balik kami kinaumagahan.

Sobrang bait at talagang guwapo ang pari dito. Ang tangkad, siguro six footer, maputi, ang ganda ng boses at mas guapo pa sa mga artista. Ewan ko, ba't nag-pari siya? Pero hindi ko na pag-iisipan pa 'yon, hindi ako isa sa nagnanasa kay Monsignor. Ang bata ko pa kaya sa ganyan bagay.

Sunday to Saturday kami nagtitinda dito. Kailangan eh, pambaon din sa eskuwelahan ang kinikita namin dito. May Catholic School din kasi dito at ang mga mag-aaral dito ang mga suki namin. Pero hindi kami dito sa school na 'to nag-aaral sa Alma Mater ng magulang namin. Sa kabilang bayan, sasakay ka pa ng dyip, private school din.

Kahit mahirap kami at minsan walang makain, pinag-aaral kami ng magulang namin sa pribadong eskuwelahan dahil ang edukasyon lang daw ang kaya nilang ipamana sa amin.

Nagtitinda kami ng mga palamig. Gulaman, buko juice, pineapple juice, mga snacks at mga laruan. Pag Linggo, may tinda rin kami na puto sa bilao na inaabangan nang marami naming suki dahil masarap talaga ang pagkakaluto nina Nanay at Tatay.

"Hi, Joanne!"

Napatigil ako sa pagkanta dahil may isang guwapong nilalang ang bumati sa akin.

Dumaan lang siya dito sa harap ng tindahan para batiin ako at bigyan ako ng isang nakakakilig na ngiti. At ayun ang hinayupak, lumakad nang palayo.

Oo, ni hindi man lang bumili o makipagkwentuhan sa akin. Ganyan lang talaga siya, parang hangin na dadaan at babatiin ako ng "Hi, Joanne!"

Sino siya?

Siya si Liam. Ka-choir ko siya. Oo, choir ako sa simbahan. Ako ang choir na hindi maganda ang boses. Mabait lang talaga si Monsignor na nag-e-engganyo sa mga kabataan tulad ko na magsilbi sa simbahan sa pamamagitan ng pagkanta.

"God is not just listening to those with beautiful angelic voice but more to those with golden and sincere heart. And singing is twice the prayer."

Iyan ang laging pinapaalala sa 'min ni Monsignor. Siya rin ang nagtuturo sa amin sa choir. Grabe! Ang ganda talaga ng boses niya, nakakakilabot at very solemn ang misa pag kumanta siya. Kaya naman ang daming nagsisimba at ang dami rin kabataan tulad ko ang napasama sa choir.

Actually, ayoko sanang sumali kasi aminado naman ako na pangit ang boses ko. Mahilig akong kumanta pero walang hilig ang kanta sa akin. Iyan ang isang masakit na katotohanan na kailangan kong tanggapin. Saklap ng buhay ko, ano?

Ang mga kapatid ko kasi, kasali eh. Silang lahat magaganda ang mga boses, ewan ko bakit ako - hindi! Saklap lang talaga! Hindi kaya ampon ako? Ano sa palagay n'yo?

Ang Ate ko pa ang presidente ng choir sa barrio namin kaya kaysa tumambay ako mag-isa, napasali na tuloy ako. Buti na lang magaling akong mag-lip sync.

Balik tayo sa poreber ko na si Liam. Paano kami nagkakilala?

Ganito 'yon...

"Jo, may bagong choir member ang St. John Choir, ang gwapo!" Tsismis sa akin ng kaibigan ko si Aileen. Basta chika, hindi nagpapahuli 'yan lalo na sa mga gwapo. Ako, laging kulelat sa balita, hindi kasi ko ma-chika at 'di rin ako palakaibigan. Masyado kong tahimik at mahiyain.

Apat na grupo ang choir dito sa simbahan. Bawat isang baryo kasi ay may choir: St. John, St. Luke, St. Matthew at St. Mark. Hango sa apat na evanghelista at sa apat na baryo na nakapalibot sa simbahan.

Kabilang ako sa St. Mark Choir. May sari-sarili kaming ensayo pero pag Linggo ng hapon, may ministry (general) practise ang lahat ng grupo at si Monsignor nga ang nagtuturo sa amin. Pag may special occassion sa simbahan, ministry choir din ang kakanta. Ang ministry choir ay ang apat na grupo, magkakasama.

"Sino?" Syempre guwapo daw, na-curious ako. Sino ba hindi mahilig sa guwapo? Normal na teenager naman ako na nagkaka-crush din sa mga pogi.

"Ayun, oh! Naka-tshirt na dilaw at slacks na itim." Itinuro niya ang isang totoy na totoy na batang lalaki sa grupo ng Tenor. Alto naman ako. Parang si Jose Rizal pa ang pagkaka-ayos ng buhok na nakahati sa kaliwang bahagi ng ulo niya at parang may pomada pa.

At naka-black slacks pa talaga at rubber shoes. Daig pa ko sa kabaduyan manamit, ah. 'Di naman kasi ko kikay! Lagi lang ako nakapantalon at lumang t-shirt. Pero pwede rin naman mag-short na pambahay lang dahil ensayo lang naman ito. Ang ibang mga lalaki naka-short lang.

Oo, guwapo siya pero mukhang totoy talaga, kasing taas ko lang siguro nasa 5'2" lang 'ata height ko at payat din tulad ko. Kung sabagay mga bata pa kami. The ages of the members are from 10-20 years old. Alam ko mas bata siya sa akin. Kasi nga mukhang totoy na totoy. Pero mukhang neneng-nene rin ako, sabi nila.

Hindi nga ako nagkamali, 13 years old lang siya. Mas matanda ako ng dalawang taon. No. No. Ayoko sa mas bata sa akin. Siyempre, gusto ko ako ang bebe-beyhin hindi ako ang mangbe-baby sa kanya, ah!

Feeling ka naman masyado d'yan, hindi ka papansinin niyan, 'no! Aminado naman ako doon. Hindi naman kasi ako super ganda, cute lang ako dahil singkit ang mata ko at may dimples pero hindi naman ako maputi, mayaman o seksi. Kayumanggi, payat, hanggang gitna ng likod ang itim at makintab kong buhok, boyish manamit at kumilos.

Aminado ko d'on, hindi kaya ako pelingera.

Kaya lang mahaba ang buhok ko kasi iyon gusto ng tatay ko dahil nga boyish ako. Para akong si badboy Robin Padilla kung maglakad. Siga. Boyish lang ako pero hindi ako tomboy, may dahilan ako kung ba't ako ganyan.

Pero alam mo ba iyong feeling na parang may nakatingin sa 'yo? Pero pagluminga-linga ka, wala naman! Kainis, 'di ba? Nakakahinayang! Isa rin palang akong feelers. Hay naku!

Pero kakabahan ka rin pala pag nahuli mo kung sino ang lihim na salarin, ang nagnanakaw ng tingin sa 'yo.

Kikiligin din pala ang tumbong mo kung mahuhuli mo na ang crush mo ang nakatingin din sa 'yo, biglang iiwas ng tingin na namumula ang mukha at nakangiti.

Oo, nahuli ko si Liam na nakatingin sa akin. At oo, crush ko na rin siya. Hindi lang ako ang may crush sa kanya, ang dami kaya. Kasi guwapo nga talaga siya kahit bata pa. Paano nga ba ko nagka-crush na rin sa kanya?

Ano? Baka asyumera lang ako? Hindi kaya.

Ako talaga ang ninanakawan niya ng tingin.

Paano ko nasabi? Simple lang...

"Hi, Joanne!" Huh? Si Liam ba yon? Nakangiti siya sa akin at dadaan lang dito sa harap ng tindahan namin. Ba't ako lang binati n'on, eh nandito rin ang kapatid ko na ka-batch niya sa eskuwelahan at choir din.

Nagkakataon lang ba na dumadaan siya dito sa patio ng simbahan? May ibang daan naman pauwi sa bahay nila, ah. Mas malapit pa 'yon. Dito iikot pa siya - ang layo din lakarin 'yon.

Nagkataon lang ba na ako ang tao dito sa tindahan pag napapadaan siya?

I don't think so! It was not just a coincidence. Hindi ako pelingera! Pero parang ganon na rin kasi wala naman akong concrete proof, eh.

Pero kasi isang gabi, pagkatapos namin kumanta sa simbahan, ministry choir. Naki-sabay siya sa grupo namin pauwi. Sa kabilang baryo ang bahay niya at hindi dito sa amin.

"Uy, Liam bakit ka nakikisama sa amin? Malayo ito sa bahay niyo!" tanong ng kalog na si Aileen sa kanya. Oo, opposite kami ng kaibigan ko. Kalog siya, maingay at halos lahat kaibigan. Ako naman sobrang tahimik at mahiyain. Hindi ko kayang tanungin si Liam ng ganyan.

"Sinasamahan ko lang si Kuya Ben," sabi niya na nakatingin sa akin. Kung sabagay magkatabi lang kami ni Aileen. Banlag lang siguro siya kaya akala ko sa akin nakatingin.

Si Kuya Ben, ang nobyo ng Ate ko na kasamahan ni Liam sa choir. Ewan ko kung magkalapit sila ng bahay.

Eighteen na ang ate ko kaya pinayagan na siya ng parents namin na makipag-nobyo pero medyo mahigpit sa kanya ang parents namin lalo na ngayon may nobyo na siya.

Ayun, kasabay namin siya umuwi. Hindi naman kami nag-uusap, nakangiti lang siya at nakasunod sa amin. Makahiya ako masyado kaya mapapanisan ka ng laway sa akin. Si Aileen ang kumakausap sa kanya at nakikinig lang ako.

Kaya nalaman ko na sa isang public school siya nag-aaral. Binanggit pa niya kung sino ang kaklase niya na ka-choir din namin sa kabilang baryo, sa St. Luke. Si Arlene. Kasing edad niya, maputi, maganda, sexy manamit kahit bata pa, magaling din kumanta at hayagan pinagkakalat na may gusto siya kay Liam.

Ouchy! Nakaramdam ng kirot ang puso ko. Ano nga ba laban ko kay Arlene sa pagandahan? Wala! Kung patalinuhan pa, puwede! Pilot section ako, eh.

Pero hindi naman iyon ang pinag-uusapan. Bakit 'di nawawala ngiti ni Liam nang banggitin niya ang pangalan ni Arlene? At bakit kailangan pa banggitin na magka-klase sila, sabay sulyap pa talaga sa akin?

Bakit? Gusto ba niya makita ang reaction ko? Deadma! Nungka na ipahata kong nagseselos ako. Kahit totoo. Hindi lang nagseselos, nagse-self pity pa! Wala talaga kong confidence sa sarili ko. Hay!

Ang isang gabi na 'yon ay nasundan pa ng ilang gabi na lagi siyang sumasama kay Kuya Ben. Magkalayo naman pala ang bahay nila. Nag-umpisa na rin manukso si Ate ko at Kuya Ben, dahil daw sa akin kaya nakabuntot sa kanya si Liam.

Siyempre, kinilig ako at d'on na nag-umpisa na aminin ko sa aking sarili na kahit na mas bata siya, nagka-crush na rin ako sa kanya.

Doon na nag-umpisa ang nakawan namin ng tingin sa isa't-isa at biglang iwas pag nahuli ka. Magbi-blush ka at mapapangiti ng lihim.

Doon na nag-umpisa ang gustong-gusto ko nang magbantay sa tindahan tuwing Sabado na hindi pinipilit ng aking Nanay. Dati, lagi akong nakasimangot pero ngayon, inaabangan ko na ang pagdaan ni Liam para batiin ako. O pakiligin ako!

Lagi rin siya sumasama sa choir namin, nakabuntot pa rin kay Kuya Ben pag may kainan sa amin o sa mga ka-choir namin o may outing ang grupo namin.

Makulit siya at palabiro. Lagi niya kong napapatawa sa mga korning jokes niya. O mababaw lang talaga ko. Mabilis mapaiyak pero mabilis din mapatawa.

🎶I just can't believe that you are mine now
You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with
Anything in this world
You're all I need to be here with forevermore🎶

"Joanne, gusto kita! Noon pang una kitang makita." Pagtatapat niya sa akin. Nasa likod kami ng kumbento sa ilalim ng puno ng Chesas. Hindi ako mahilig sa chesas kasi kulay dilaw ang bunga. Iba nai-imagine ko pag kumakain nito. Parang kalabasa rin. Ay, bastos! Alam n'yo na iyon.

"Gusto rin kita, Liam," nahihiyang sagot ko, palagay ko mukhang makopa na ako sa pula. Ay, hindi nga pala ko maputi, 'di halatang nagbi-blush ako!

"Talaga? Ibig bang sabihin, nobya na kita?" Kimi akong tumango. "YES! YES!" malakas niyang sigaw na naka-agaw pansin sa mga ka-choir namin.

"Joanne, anak, gising na! Magtitinda na tayo!" Pupungas-pungas akong tumayo. Ay, takte! Panaginip lang pala 'yon. Akala ko nag-umpisa na ang poreber namin.

Ayos lang Linggo naman ngayon, magkikita kami sa choir practise mamaya.

Akala ko, panaginip lang na hindi matutupad ang pagtatapat niya. Pero isang gabi, nakabuntot na naman siya kay Kuya Ben. Hindi naman ministry choir ang kumanta, bakit nandito siya? Eh, umaga ang schedule ng misa nila.

Naka-short sleeve polo pa siya, as usual, black slacks at rubber shoes. At plantsado pa rin ang buhok.

"Hi, Joanne!" Nasilayan ko na naman ang killer smile niya. Lalo siyang gumu-guwapo pag nakangiti siya. Kung sabagay, kelan ko ba siyang nakitang seryoso o nakasimangot? Wala, masayahin talaga siya at naka-ngiti lagi.

Tumango lang ako at nahihiyang ngumiti.

Nauuna ang mga ka-choir namin at nakasunod ako sa kanila, wala kasi si Aileen ngayon. Nakasunod naman sa akin si Liam. Sina Ate at Kuya Ben, ang nahuhuli, para kasi silang naglalakad sa liwanag ng buwan. Eh, ang dilim kaya, walang buwan.

"Ah, Joanne!" tawag ni Liam sa akin. Huminto ako at lumingon sa kanya.

"Bakit?" painosente kong tanong. Hindi pa uso pabebe. Kinakabahan kasi ko na kausapin siya.

"Ah, kasi... Puwede ba kitang ligawan?" tanong niya at kiming ngumiti. Napakamot pa siya sa buhok niyang plantsadong-plantsado. Teka, sayang - baka magusot.

Ako naman masyadong bumilis ang tibok ng puso sa kaba. Liligawan n'ya ko? Buti na lang hindi gaano maliwanag ang mga poste sa kalsada kundi baka makita niya ang pamumula ko. Ooppss, 'di nga pala halata sa akin mag-blush!

Pero liligawan daw niya ko? Oo, gusto ko 'yon kung siya manliligaw pero sobrang bata pa namin. Baka hindi na ko palabasin ng magulang namin? Ayokong mapaghigpitan tulad ni Ate. Kaya nga ako boyish para walang manligaw sa akin, eh!

"Hindi. Ayoko!" Sa kaba ko iyon lang masabi ko.

Nasilayan ko ang biglang pagkawala ng ngiting laging nasa mapula niyang mga labi. Ang biglang paglungkot ng kanyang mga mata. Ang pagbagsak ng kanyang balikat at panlulumong napayuko.

Gusto kong magpaliwanag pero walang salitang gustong lumabas sa aking bibig. Napatungo lang ako.

Tumalikod siya sa akin at lumakad palayo. Narinig ko pa ang tanong ni Kuya Ben sa kanya. "Oh Liam, uuwi ka na?"

"Oo, binasted kasi ko ni Joanne." malungkot niyang sabi habang nakatungong lumakad palayo sa amin.

Ganoon ba 'yon? Binasted ko na ba siya? Ayoko pa lang naman magpaligaw ngayon ah! Pambabasted na ba 'yon?

Tumalikod na ko kina Ate at Kuya at humabol sa ibang ka-choir namin na masayang naglalakad, walang alam sa nangyari. Hindi puna ang lungkot ng puso ko.

Tinanong ako ni Ate at Kuya Ben tungkol sa nangyari, sinabi ko lang na sobrang bata pa namin at gusto ko makatapos muna ng pag-aaral bago ko magpapaligaw. Ba't ba siya nagmamadali?

Mula ng gabi na 'yon, nagbago siya sa akin. Hindi ko na masilayan ang ngiti niya. Madalas umiiwas siya pag nakikita ko. Hindi na rin siya dumadaan sa tapat ng tindahan namin pag-Sabado.

At ang pinakanasaktan ang murang puso ko nang ipagkalat ni Arlene na nililigawan siya ni Liam halos ilan buwan lang nakalipas mula ng gabi na 'yon. Kanino ko nalaman? Kay Aileen na wala rin alam sa nangyari noong gabing 'yon.

Bakit ganon? Sumuko siya agad? Hindi niya ba ko talagang gusto? Ganoon nga siguro 'yon? Komo't ayaw ko magpaligaw kaya iba na niligawan. Mga lalaki talaga!

Sana kaya kong ipaliwanag ang ibig kong sabihin. Gusto ko magkaibigan muna sana kami. Sobrang bata pa naman namin eh.

But I always don't have that enough self-confidence. Hinayaan ko na lang masaktan ang puso ko. Manghinayang!

Oo, hindi siya ang una kong crush. Pero siya ang unang crush ko na naglakas loob na nagsabing liligawan ako.

Pagdumadalo pa rin siya sa choir, nahuhuli ko pa rin siya minsan nakatingin pero hindi na ko nginingitian.

Dumalang ang pag-attend niya ng choir. Hindi rin naman 'ata totoong niligawan niya si Arlene. Baka pelingera lang ang maarteng babae. Hindi naman kasi naging sila. At nalaman ko nga kay Aileen, na hindi nga.

Nagtaka ko ba't ang tagal niyang hindi uma-attend sa choir, wala siya sa ministry practise at kahit sa mass na ang grupo nila ang naka-assign na pinipili kong simbahan. Nagbabakasakali akong makita ko siya. Pero bigo ako at nagkaka-stiff neck lang ako sa katitingin sa choir loft.

Gusto kong magtanong. Alamin kung nasaan siya. Pero kusang dumating sa 'kin ang kasagutan. Biyaya sa akin ang magkaroon ng kaibigan tulad ni Aileen, alam lahat nang kaganapan sa paligid.

Ikinuwento niya sa akin na lumipat na pala ng school si Liam. Doon daw nakatira sa Tatay niya na nasa Maynila. Hiwalay daw ang mga magulang nito. Kaya minsan lang ito nakaka-attend pag dinalaw ang Mama niya. Broken family pala siya, hindi halata dahil nga lagi siyang nakangiti.

Tahimik lang akong nakikinig, kunwari ay hindi apektado sa mga nalaman ko. Hindi naman niya halata dahil I am always a great listener and a girl with few words.

Mabilis lumipas ang panahon. Marami na rin ang nagbago sa simbahan. Iba na ang Kura Paroko namin. Matanda na pero mabait din. May mga scholar siya na pinag-aaral. Isa ko sa mapalad na napili dahil sa matataas na marka noong magtapos ako sa high school.

Magku-kolehiyo na ko. Malaking kaginhawahan sa magulang na wala nang iintindihin tuition fee sa akin. Buti na lang din ay nakapasa ko bilang scholar ng bayan. Iyon ang tawag sa amin pag d'on ka nag-aral sa unibersidad na iyon dahil mura lang ang tuition fee.

Ang sobra sa ibinibigay ni Monsignor ay nagagamit ko pambili ng gamit sa school o libro.

Ang hindi lang gaano nabago ay ang pag-attend ko sa choir. At hindi pa rin nahasa ang boses ko kundi ang galing ko sa pagli-lip sync lang.

Sabi ng guwapong Assistant Priest na siyang bagong nagtuturo sa amin, dahil inisa-isa niya kaming pakantahin. Sobrang kaba ko talaga dahil hindi ako puwedeng mag-lip sync...

Hindi daw boses ko ang problema kundi ang pandinig ko sa tono. Hay naku! Wala akong uwido sa musika. Pero gora lang ako, at least, 'di pala 'yung golden voice ko problema. Ito lang ang pinagkakaabalahan ko sa simbahan, eh.

Ang hindi nabago sa paglipas ng halos tatlong taon ay ang pagtitinda pa rin namin sa patio ng simbahan.

🎶All those years, I've longed to hold you in my arms
I've been dreaming of you
Every night, I've been watching all the stars that fall down
Wishing you would be mine🎶

"Hi Joanne!" Nag-summersault ang puso ko nang marinig ko ang boses na 'yon makalipas ang poreber na pangungulila.

May inaayos kasi ko sa ilalim ng kariton at matagal na kong nag-give up na magkikita ulit kami. At matagal na kong hindi umasa na dadaan ulit siya sa harap ng tindahan namin.

Nasilayan ko na naman ang matamis niyang ngiti sa labi? At ang laki na ng ipinagbago niya.

Ang tangkad na niya, siguro 5'8". Tuli na siguro siya kaya tumangkad. Ganoon daw 'yon eh. Ako, konti lang itinaas ko, 5' 3" lang ako.

Hindi na rin siya gaano patpatin, medyo matikas na ang pangangatawan niya. Hindi na rin plantsado ang buhok niya at mas bagay sa kanya ang unruly hair niya pero clean cut pa rin.

Hindi na rin siya baduy manamit. Naka-short sleeve polo, denim pants at topsider na kulay brown. Grabe! Ang kahinaan ko ang porma niya. Gustung-gusto ko pag naka-topsider ang boy. Disenteng tingnan.

Nalaglag na naman ang puso ko, lalo na't lalo siyang gumuwapo at pumuti. The guy who always caught my attention! Guwapo, matangkad at maputi.

"Hi Liam, kamusta?" Improving 'di ba? Nangamusta na ko. Nadagdagan na ang salita ko.

"Ayos lang, napasyal lang. Sige!" Pamamaalam niya agad at lumakad na palayo. Ganoon lang 'yon?

Pinatibok lang niya ulit ang puso ko at tatalikuran ulit? Hindi man lang ako kinamusta?

Bakit binati niya ulit ako at nginitian? Hindi na kaya siya galit sa akin? Ibig kayang sabihin, posibleng may crush pa rin siya sa akin? Puwede na kong ligawan ngayon, Liam, 18 na ko. Okay lang kahit 16 ka pa lang, mas matangkad ka na naman sa 'kin eh! Sana puwede kong sabihin sa kanya 'yon. Pero wala akong guts sa ganon bagay. Mahina ang loob ko at hinding-hindi ko kayang unang magpakita nang motibo sa lalaki.

Nagbabakasyon lang pala siya dito. Kaya uma-attend ulit siya ng choir pero hanggang ngitian lang kami. Hindi na siya nagtangkang ihatid ako sa gabi o lalo na ang manligaw. Kung sa bagay, nagkahiwalay na rin kasi sina Ate at Kuya Ben.

Pagdating nang pasukan, hindi ko na naman siya nakita. Kada bakasyon lang siya bumabalik at uma-attend ng choir.

Ang puso ko patuloy na umaasa na sana hindi puro ligaw-tingin ang gawin niya sa akin. Handa na kong mapaghigpitan ng magulang ko kung siya naman ang kapalit.

🎶Time and again, there are these changes that we cannot end
As sure as time keeps going on and on
My love for you will be forevermore🎶

Minsan, palabas ako ng unibersidad na pinapasukan ko. Nakita ko siya may mga kasamang ibang mga lalaki, mga kaibigan niya siguro. Oo nga pala magka-college na rin siya. Siguro mag-i-inquire siya dito. Alam kaya niya na dito ko nag-aaral? Sana makapasa siya para posibleng magkita kami lagi. Kahit pa sobrang laki itong unibersidad na 'to. Ngayon nga na halos 'di mahulugan karayom ang tao, nakita ko pa rin siya. Sa lugar na 'di ko inaasahan makita siya.

Gusto ko sana siya tawagin pero umiral na naman ang pagka-mahiyain ko at saka kasama ko rin ang mga kaibigan ko. I'm not very open with them regarding my crush or crushes. Ayoko kasing tinutukso ako.

Every summer vacation lang talaga kami nagkikita. Ganon pa rin, hi, hello, ngitian. Lihim na sulyapan, hindi na ba siya manliligaw sa akin?

Ah, 'di kaya sinabi ni kuya Ben sa kanya na gusto ko makatapos mag-aral bago magpaligaw? Dahil alam din ni Kuya Ben na binabasted ko agad ang nagtatangkang manligaw sa akin na ibang choir. Magkakaibigan pa rin kasi kami kahit nagka-break na sila ni Ate.

Siguro nga ganon. Iniintay niya na makatapos ako bago siya ulit manligaw kaya hanggang ligaw-tingin na lang muna. Wala rin naman ako na nababalitaan na girlfriend niya dito. Kung meron man sa school niya, okay lang. Hindi pa naman kami.

Twenty na ko at eighteen na siya. Isang taon na lang gi-graduate na ko ng college. Hindi siya sa unibersidad na pinapasukan ko nag-aral.

Noong huling bakasyon kami nagkita at binabati pa rin niya ko nang walang kasawaan, "Hi, Joanne!" Laging kasama ang napaka-tamis na ngiti sa mapula niyang labi. Siguro hindi siya naninigarilyo. Which is good, ayoko sa smoker.

Hindi ko akalain na iyon na ang magiging huling kita ko pala sa kanya...

Isang umaga ng Biyernes, papasok ako sa unibersidad kasama ko bestfriend ko si Emz. Bestfriend ko siya mula high school at magkaklase kami sa college. Si Aileen kasi hindi nag-kolehiyo pero bestfriend ko siya sa lugar namin.

Nakasabay namin sa PNR Train ang isang ka-choir ni Liam na babae. Mas matanda siya sa akin. Ang lungkot-lungkot niya na parang maiiyak. Kaya kinamusta ko siya. "Ate Tere may problema ka po ba?"

Hindi ko akalain na oras na iyon nadudurog ng pinung-pino ang puso ko.

"Kilala mo ba si Liam, isa sa ka-choir namin?" balik tanong niya sa akin na lalong nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Bumilis ang tibok ng puso ko at kinabahan ako bigla. "Opo. Bakit po? May nangyari ba sa kanya?"

Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya. "Wala na siya... Kagabi lang, kanina lang namin nalaman."

Hindi na ko nakapagtanong kung bakit. Tumulo na ang masaganang luha sa mga mata ko at sobrang sakit ng dibdib ko. Hanggang sa unibersidad ay 'di ko mapigilan hindi umiyak.

Wala na siya? Napakabata pa niya para mawala. Eighteen lang siya eh.

Bakit?

Bakit naman tinakasan niya ko agad? Kaya ba nagmamadali siya noon na manligaw dahil maiksi lang buhay niya?

Ba't ang unfair ng mundo?

Usapan kinabukasan sa choir ang pagkamatay niya. Maraming umiiyak, lalo na ang mga nakakakilala sa kanya. Ang ibang hindi nakakakilala ay napaiyak nang malaman kung ano ang sanhi ng pagkamatay niya.

Namatay siya sa napakaraming saksak sa katawan mula sa grupo ng kalaban fraternity na sinalihan niya. Tinambangan siya at walang kalaban-laban ginulpi at pinagsasaksak. Hindi na siya umabot ng buhay sa ospital. Iyon ang kuwento sa amin. Nasa pahayagan pa daw ang balita na 'yon.

Nang gabi na iyon, tahimik pa rin akong umiiyak sa higaan ko. Hindi ako matapang but that night, I wish to see him. Gusto kong maniwala na may multo at hinihiling ko na magpakita siya sa akin. Gusto kong magkausap kami. Gusto kong aminin sa kanya ang nararamdaman ko.

Pero hindi nga yata totoo ang multo, gawa-gawa lang 'yon ng malikhaing pag-iisip para takutin ang mga bata.

Kinabukasan, Linggo, may lamay para sa kanya sa Kapilya ng kanilang baryo bago siya dalhin sa Maynila at doon itutuloy ang burol at libing.

Halos lahat ng choir ng apat na baryo ay nandoon, nag-iiyakan habang kumakanta kami at nadadasal ng rosaryo para sa kaluluwa niya.

Doon ko unang napatunayan ang kasabihan, nasa huli ang pagsisisi.

Takot akong tumingin sa labi na nasa kabaong pero ito na ang huling pagkakataon na nakikita ko siya. Tinitigan ko siya, habang walang tigil ang pagbagsak ng mga luha ko. Bakas sa mukha niya ang matinding paghihirap niya bago siya malagutan ng hininga. Sobrang kirot ng puso ko sa katotohanang naghuhumiyaw na kahit kailan, hindi ko na masisilayan ang matamis niyang ngiti.

Kahit kailan, wala ng isang Liam na dadaan sa tindahan namin para batiin ako ng 'Hi, Joanne!'

Kahit kailan, wala ng Liam na magpapakilig sa akin sa pagnanakaw ng tingin.

Wala na siya... Iniwan niyang sugatan ang puso ko.

🎶You were just a dream that I once knew
I never thought I would be right for you
I just can't compare you with
Anything in this world
As endless as forever
Our love wil stay together
You are all I need to be here with forevermore🎶

Ito sana ang gusto kong maging theme song namin noon kung naging kami. Pero paano pa mangyayari 'yon?

Hindi na kahit kailan...

Pang-ilan death anniversary na ba niya ngayon?

Guilt and regret enveloped me until these days.

A lot of what ifs...

...Were repeatedly lingering on my mind from that time until now!

What if, pumayag akong magpaligaw sa kanya noon? Baka hindi siya lilipat ng school. Baka nag-stay siya dito. Baka hindi siya napasama sa mga fraternity group. Hindi siya mapapag-tripan. Hindi siya mawawala. Baka masaya pa kami at magkasama.

Kung sana puwedeng ibalik ang nasayang na panahon.

Kung sana nasabi ko sa kanya nang harapan ang totoong naramdaman ng puso ko. Ang ibinulong ko sa harap ng kabaong niya, "Mahal kita, Liam."

Hindi ko man lang alam kung saan siya inilibing. Ni minsan hindi ko nadalaw ang puntod niya sa Maynila. Hindi ko naman kasi kakilala ang mga magulang niya.

Kaya mula noon, natutunan ko na...

Walang poreber!

Dahil lahat tayo ay may hangganan!

Death is the enemy that we human, cannot win over!

Pero kahit walang poreber...

Ang mahalaga ay ang aral na natutunan ko. Ang pahalagahan at ipakita sa mga taong mahal ko ang nararamdaman ko, sa aking magulang at mga kapatid.

Ang mga alaala mo, Liam, ay mananatili nakatago sa isang bahagi ng aking isip.

May espesyal na espasyo ka lagi sa aking puso habang nabubuhay ako.

Regret always come after the battle of oneself uncertainty.

I regretted my young decision before but what are the chances that his fate will not gonna happen?

Siguro tama lang na hindi naging kami noon dahil mas mahihirapan siguro akong mag-move on kung mag-nobyo kami at nangyari 'yon.

Pero kahit anong isip at pagsisi ko ngayon, isa lang ang sigurado ko...

Walang permanente sa mundo kaya -

Wala talagang poreber!

15-17.09.2016

*|*|*|*

Sept. 30, 2016: This story was declared First (1st) Place Winner in WP_Lights Challenge! Yeeeheeey!

My Inspiration song for this entry is FOREVERMORE by Juris: Song #38

My story might contrast to the song lyrics and title but this is how I interpret the meaning of this song to me!

This one-shot story was based on the REAL LIFE STORY of someone very dear to me! I just changed their names.

Sinadya kong gamitin sa title ang unknown dictionary word na POREBER which is FOREVER in proper English. Para kahit paano, maki-uso! Lol!

*|*|*|*

Walang Poreber
Copyrighted © Sept. 2016
By Eiramana325
All Rights Reserved.

Date Started: 15 Sept 2016
Date Finished: 17 Sept 2016

Total words: 4,985

Continue Reading

You'll Also Like

8.4M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
13.4M 641K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
5M 342K 54
Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia, being honored as the queen and goddess o...