Faith Academy (Completed)

By Peyyyytttt_82

48.6K 2K 430

Are you a God's child? Would you like to enroll in a school where you could make friends with Christians? Wh... More

Prologue
Chapter 1: Past
Chapter 2: Invitation
Chapter 3: Enrollment
Chapter 4: First Day of School
Chapter 5: Pag-aaway at Pagtatanggol
Chapter 6: The Second Name
Chapter 7: R.W.G. Subject
Chapter 8: Do you believe in God?
Chapter 9: The Story Behind the Bullies
Chapter 10 : Pray with all your heart
Chapter 11 : Best friend?
Chapter 12 : Bakit ?
Chapter 13 : All About God (1st quarter)
Chapter 14 : One Month Later
Chapter 15 : "Birthday Mo?"
Chapter 16 : Elisha's Attitude
Chapter 17 : Pray More, Worry Less
Chapter 18 : Mr. & Ms. Intrams
Chapter 19 : Accepted
Chapter 20: Flashbacks
Chapter 21: Trials/Pagsubok
Chapter 22 : Sharing
Chapter 23 : Cousins?
Chapter 24 : Past is Past
Chapter 25 : Sports
Chapter 27 : Goodbye
Chapter 28 : Friends?
Chapter 29 : Seperation
Chapter 30 : Meet the New Friends
Chapter 31: Oral Report
Chapter 32 : "Queen of Bully"
Chapter 33 : Daniel Constancio and Mattias
Chapter 34 : Role Play
Chapter 35 : Mystery Girl
Chapter 36: A Frienemy?
Chapter 37 : Spoken Word Poetry
Chapter 38: Weird Events
Chapter 39: Intramurals: Mr. and Ms. Intrams
Chapter 39.5: Intramurals: Question and Answer
Chapter 40: Intramurals: Sports
Chapter 41: Madamdaming Usapan
Chapter 42: Life Verse
Chapter 43: Sancuals' Side
Chapter 44: Revelation #1
Chapter 45: Helping in Each Others' Burdens
Chapter 46: Lorraine
Chapter 47: Meet the barkada: Hashtag, The Bible Friends
Chapter 48: Revelation #2
Chapter 49: Long Lost Sister
Chapter 50: Feelings
Chapter 51: Second Quarter Test
Chapter 52: Sem Break
Chapter 53: Bunotan
Chapter 54: Devotion/Journal
Chapter 55: The Reason
Chapter 56: Open Forum
Chapter 57: Christmas Party
Chapter 58: Mission Possible
Chapter 59: Foundation Day
Chapter 60: The Last Pages
Epilogue
Writer's Note

Chapter 26 : GC (Group Chat)

552 27 4
By Peyyyytttt_82

"Elisha, anong oras libing ni papa mo?" Nawala ang pagiging lutang ko sa katanungan niyang ito. Napatingin ako sa oras sa cellphone ko, alas-tres na pala ng hapon, kakalabas lang ng aming guro kanina. May isa pa pala kaming klase, hays.

"Alas-nuebe ng umaga," normal kong sambit. Hindi ko sukat akalain na Sabado na bukas. P-Papa, I will miss you. I love you. I regret the things that I did–

"Hindi, 'di ba?" Nagulat ako sa tanong niya. May sinabi siya? Ano ba ang iniwika niya?

"H-Ha? Ano 'yun?" Taka kong sambit.

"Lutang ka na naman. Hays. Ugali mo na talaga 'yan," halatang naasar siya sa pag-uugali ko. Sorry.

"Pasensiya ka na," walang masabing sambit ko. Ganito talaga ako. Madalas lutang, kahit may klase pa. Kung saan-saan dako ng mundo nakakarating ang isip ko.

"‛Uy! Biro lamang! Sabi ko, sa palagay mo, pupunta sina Lorraine sa inyo bukas– hindi, 'di ba?" At ngumisi siya.

"Akala ko kung ano 'yun. Don't think about it," ang tanging nasambit ko.

"Iiyak ka bukas? Baka hindi ko rin makaya, umiyak din ako," sabi niya. Ano sa palagay mo? Napakacommon sense talaga nitong magtanong.

"Anong gusto mong gawin ko, magsaya?" Sarkastikong tugon ko sa tanong niya.

"Peace," at nagsensyas siya ng peace sign.

LUMIPAS na ang isang oras ay sa wakas uwian na rin. Kailangan ko na kasing umuwi. Sabi ni mama e, maaga akong umuwi.

"Uwi na ako, ha?" Pagpapaalam ko kay Janelle. "Pinapauwi ako ng maaga e,"

"Ah ganun ba? Hindi ka na ba sasabay sa amin– ah, okay ingat ka ha?" Sabi niya sa akin at hinawakan ang kanang balikat ko.

"S-Salamat, sige mauna na ako,"

"Ingat," pag-ulit niya at ako'y nagwave na.

Habang papalabas ako, naglakbay muli ang utak ko. Iniisip ko ang maaaring mangyari bukas. Baka hindi ko matanggap na wala na si papa. Matagal na panahon siyang nawalay sa amin. Ngayon-ngayon lamang siya bumalik, ipinagtabuyan ko pa. Ano ba klase akong anak? Bakit ba kasi ko 'yun ginawa?

Madalas kong naiisip ang mga 'yan sa tuwing tulala ako. Hindi ko pa rin maiwasan. Idadag mo pa sila Lorraine. Matahimik akong nagtransfer dito e ginulo nila. Balak ko ngang makapagmove-on sa paglipat ko rito– hays, I need to be strong.

"Uwi ka na, Elisha?" Tanong ni Jona. Nakasalubong ko sila ni Ella pagkalabas ko ng classroom.

"Oo e," tipid kong tugon.

"Sige, ingat ka ha!" Sabi naman ni Ella sa akin. Tumango ako at nagwave ako sa kanila.

Naalala ko ang bawat detalye ng mga ginawa sa akin ng tatlong bibe na 'yun. Pero hindi dapat ako magtanim ng galit. Turo sa akin ni mama– speaking of them–

"Where are you going?" Nang-aasar na tanong ni Lorraine. "Uuwi ka na?" Sabay tingin sa relo niya. Binabadtrip niyo na naman ako. Panira talaga kayo. Wala kayong alam gawin kundi ang asarin ako.

"Ano sa palagay mo? Hindi mo ba nakikita na dala ko ang bag sa likuran ko at ang direksyon ng nilalakad–" naputol ang sarkastikong paglalahad ko.

"Gosh!" Naiinis na wika ni Sarah.

"Pilosopo ka rin, ano? At nakukuha mo nang sumagot ng ganyan. Just, wow." Sarkastiko ang tono ni Lorraine sa huling salitang binanggit niya.

"Pwede ba? 'Wag niyo akong asarin ngayon dahil asar na asar na talaga ako. Makuntento na kayo kasi naiinis na ako sa inyo– 'yan ang gusto niyo, hindi ba? Ang magpapansin sa akin? Ang mainis ako? Hindi ba?" Nakangising saad ko at nabalisa sila saglit at kumunot ang ang kilay nila. Agad ko namang itinulak ng bahagya si Lorraine sa may bandang baba balikat niya sa kanan sa paningin ko.

Naririnig ko pa ang naiinis nilang tono sa akin at mukang napikon pa. Hays. Sa wakas, makakalabas na ako ng tahimik sa campus na ito.

Hindi ko na sila inisip pa. Sayang ang oras ko sa pag-iisip pa sa kanila. Hindi ko maimagine kung ano ang mangyayari bukas. Lord, sorry po nawalan na ako ng pasensiya sa tatlo. Lord, please help me.

****

Janelle's POV

Nasa bahay na ako. Pinag-usapan kanina sa school ang pakikipaglibing pagkaalis ni Elisha.

Tapos ko na ang lahat ng mga dapat gawin. Hays. Time to relax. I opened my cellphone and I started to chat with my classmates. Dalawang group chat : sa BFFs at Strongest 30 (this is our group chat section). Messenger muna ako. Hays, madalang mag-online si Elisha. Kaya hindi niya nababasa ang kaganapan dito. Kasali siya sa dalawang GC na ito.

Strongest 30 ♥

Janelle : Guys, sino ba ang pupunta kina Elisha bukas para makilibing sa Papa niya? Magsend ng heart.

Marami ang nagsend ang heart. Ito kasi ang naka-set na emonji. Seen lamang sila Lorraine, Sarah at Theresa. Hays, ano pa nga ba ang inaasahan ko?

Nagulat ako nang makita na nagsend si Sarah ng heart. Baka nangtitrip ito?

Lorraine : Pupunta ka pala, Sarah?

Nakarating ang chat niya next to Sarah's heart emonji. Nakakatawa sila. Nagtalo sila ni Sarah sa group chat. Maya-maya nag-appear na ang pangalan ni Theresa. Tss. Nalakabagot lamang basahin kaya hindi na ako nag-abalang basahin pa. Uso ang PM, Bes! Kailangang ipabasa sa lahat?

Pumunta ako sa isang group chat. Buti rito, malaya ako. Bida-bida kasi sina Lorraine sa GC na 'yun. Kaya mga mahahalagang chat lamang ang isine-send ko.

#BFFs#

Janelle : mga bes, saan tayo magkikita bukas para makilibing?

Jona : Sa tapat ng school, bes?

Ella : Anong oras?

Aaron, Joshua, David at Abraham : (like emonji)

Caleb : Mga 08:30, sa palagay niyo?

Janelle : Sige. 8:30 bukas. May umaangal? Wag like sign, bes.

Jona : Okay na 'yan. Announce na sa GC.

Janelle : Sige. Announce mo na, Caleb. You're the president.

Caleb : Sige.

Elisha : Pwede bang pagbawalan ang nag-aaway sa GC? Janelle? Caleb?

Nagulat ako sa chat ni Elisha. Nag-online rin siya sa wakas. Ang dalang mag-online ng babaeng ito.

Janelle : Ganda ng bungad sa GC? Hahaha! Matagal nang ganun ang tatlong 'yun. Madalas ka pang pag-usapan.

Jona : oo nga. Sarap nilang tirisin.

Caleb : Don't say that. Love your enemies, kahit mahirap. (Sad emoticon).

Janelle : (Like sign)

Jona : Sorry Bes!

Elisha : Kailan ba sila titigil?

Janelle : Hindi ko alam.

Caleb : Magtiwala ka sa plano ng Diyos, Elisha. Hindi mo pa maiintindihan ang lahat sa ngayon.

Jona at Ella : Amen!

Aaron : Saan nahugot 'yan?

Caleb : Kay God, why did you ask?

Janelle : Nabara hahaha!

David : At tuwang-tuwa ka pa? Diyan ka naman magaling, sa pang-aasar.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng lalaking 'yan. Nga pala, ang lalaking ito ay nantitrip sa akin. Binabara ako. Kung alam niyo lang, badtrip na badtrip ako sa lalaking 'yan.

Flashback...

Lumabas ang AP teacher namin, kahapon, may kinausap lamang saglit. May pinapadrawing siya sa amin. Inilibas ko na ang pencil case para kuhain ang lapis. Pagkapatong ko sa lamesa, nakita kong may kamay na nanggaling sa mesa ko. Pagka-angat ko ng mukha, nakita kong hawak ni David ang lapis ko at iniikot pa ito gamit ang dalawang daliri niya.

Hindi ako nagsayang ng oras, tumayo ako at hinabol siya. Nang maramdaman niya ang presensiya ko, agad na bumilis ang paglakad niya– tumakbo na.

"Akin na ang lapis ko! Ano ba!" Pagmamaktol ko. At ngumisi siya sa akin. "H-Hindi ako matatapos!" Buong pwersa akong tumakbo, ngunit mas mabilis talaga siyang tumakbo.

Nag-ikot-ikot kami sa classroom. Ang mga kaklase namin ay nakatingin sa amin, bumubungisngis. Halata sa mga mukha at reaksyon nila na nang-aasar sila.

"Yiiieeeee!"

"Kyaaaahhhh!"

"Oh my gosh!"

Ilan sa mga naririnig kong komento at pang-aasar ng mga kaklase ko. Nakakainis, huh? Nagulat ako nang huminto siya sa pagtakbo. Kinuha ko na ang chance na 'yun para mapasaakin ang lapis.

"Ibibigay mo rin pala! Pabebe ka pa, kainis!" Naiiritang wika ko. Hawak ko na ang lapis at tumakbong pabalik sa kinauupuan ko.

"Alam mo ba kung bakit ako huminto?" Tanong niya. Sa palagay niya ba alam ko? Tanga rin minsan 'to.

Tumigil ako sa paglalakad. Hindi pa ako nakakabalik sa upuan ko. "Sa palagay mo, alam ko?" Sarkastikong tono ko.

"Nabara, Bes!"

"Hahahaha! They're cute!"

"Janelle and David tandem!"

"Bakit ba!?" Mataray kong sambit. "Not interested, tsk."

"Kasi baka kiligin ka sa pang-aasar ng classmates natin e. Kaya tumigil na ako, hahahaha!" At nagtawanan ang mga classmates namin. Ako naman, nabalisa saglit at iniintindi ang mga sinabi niya kanina.

"Kapal ng face mo! Hindi ka gwapo. Huwag masyadong mataas kapatid pakibaba ng kaunti," nang-aasar na sambit ko. Narinig ko ang tawanan nila. At ang huli kong nakita ay ang hindi maipinta na mukha niya na nakatingin sa akin.

End of flashback.

Nagbalik na ako sa katinuan. Bakit ko ba naalala ang bagay na 'yan? Nababadtrip lang ako, tsk.

"Bakit ka nakangiti, Janelle?" Halos mapatalon ako sa nagsalita. Anong sinabi niya? Nakangiti ako? Duh!?

"Mary, ano bang pinagsasabi mo?" Nagtatakang wika ko. Opo, kasama ko siya rito sa bahay. By the way, magpinsan kami. Lingid sa kaalaman nila.

"Hahahaha ako pa ang niloko mo," nang-aasar na sambit niya. "Sino ang maswerteng lalaking 'yan?"

"Ano? Porket nakangiti, lalaki na?"

"Defensive,"

"Pwede ba Mary Levinne Dantes-Hernandez?" Pagkumpleto ko sa pangalan niya.

"Kailangang kumpleto?"

"Hmp. D'yan ka na nga," naiinis na wika ko at itinuon ko na ang atensyon ko sa messenger.

David : Hindi na nagreply, baka iniisip pa rin ang nangyari kahapon.

Caleb : ?

Elisha : Hahahaha! Grabe ka naman David. Pero, nakakakilig kayo hehe!

Jona : Kyaaaahhhhh!

Caleb : Ano ba ang nangyari?

Ella : Seriously, hindi mo alam?

Hanggang diyan ang pagbabackread ko. Nakakainis na sila ha. Hindi makamove-on sa mga nangyari kahapon. Badtrip, tsk.

Janelle : Seriously?

David : May gusto ka ba sa akin? Bakit namula ka sa pang-aasar ng mga kaklase natin?

Janelle : ?

David : Wahahaha! May sakit sa isip hindi makaalala?

Janelle : Pwede ba. Manahimik ka na lang at magmove-on na.

David : Manahimik? Hahaha! Hanggang diyan naririnig mo 'ko? At bakit ako magmomove-on? Naging tayo ba?

Napangiwi ang labi ko sa sinabi niya.

Janelle : Tss

Pumunta na ako sa GC ng section namin. Nagback read ako, nag-aaway sila, napakasarkastiko pa, at hanggang sa nabasa ko ang chat ni Elisha. Tapang niya ha?

Elisha : Uso ang PM, guys. Mukhang wala kayo sa uso hahaha!

Pfft! Natatawa naman ako sa kanya. Grabe, napakasarkastiko na niya ngayon kina Lorraine. Ibang Elisha na talaga ang nakikita ko ngayon nang mulang maisiwalat ang nakaraan niya na saksi ang mga kaklase namin.

Lorraine : Aba nag-oonline ka na pala, Bes?

Elisha : Ang layo ng sinabi ko sa sinasabi mo. Anong connect niyan? Tumigil kayo sa pag-aaway dito at sa PM kayo mag-away, okay?

Caleb : Huwag na kayong mag-away-away. Hindi niyo kinaganda 'yan.

HAHAHA! Grabe, napatawa ako sa sinabi ni Caleb. Hindi ko na kinakaya pa.

Marami ang nagsend ng emoticon na umiiyak na tumatawa na madalas i-send kapag nakakatawa ang sinambit.

Sarah : Wag mo nang pakialaman ang desisyon kong pumunta. Kung ayaw mo, 'wag ka lang pumunta. Madali lang naman. Anong ipinaglalaban?

Lorraine : Aba! Sinabi kong walang pupunta sa tatlo, wala!

Sarah : Sinabi mo lang at hindi requirement na sundin.

Theresa : Ano bang problema? Gawa tayo ng GC nating tatlo at doon pag-usapan. Hindi 'yang nagpapakasarkastiko kayo.

Elisha : Mabuti at naisip niyo 'yan.

Lorraine : Hindi pa tayo tapos.

Elisha : Para saan ba ang pakikipag-away mo sa akin?

At nagsimula na ang emoticon na pinagsesend nila kanina. Hindi ko nga talaga kilala si Elisha. Hindi ko inaasahang may side siyang ganito.

"Grabe, iba talaga si Elisha," nagulat ako kay Mary ngunit hindi ko ipinahalata. Nakita kong nagbabasa siya ng chat sa messenger.

"Kaya nga. Napakasarkastiko niyang tumugon kina Lorraine. Ang pagkakilala ko sa kanya ay matahimik na tao. Grabe," namamanghang wika ko.

At nagkwentuhan na lamang kami ni Mary tungkol sa kanya at nag-offline ako.

****

Elisha's POV

Kakagising ko lamang. Tumingin ako sa wall clock, alas-singko medya pa lang ng umaga. Maaga pa pala ngunit ako'y bumangon na. Naghilamos saka ako lumabas sa kwarto ko.

Tumingin pa ako sa kabaong ni Papa. Biglang nangilid ang luha ko. Ayokong pigilan ito at hinayaan kong umagos ito sa mukha ko pero hindi ko ipinagtunguhan ng pansin.

Nagulat ako na may yumakap sa likod ko. "M-Mama," unexpected na pagkasabi ko.

"Aga mo atang gumising, 'nak?"

"Opo e. Sana may kapatid ako para may kasama akong karamay. Paano nalang kung mawala kayo sa akin nang hindi ko inaasahan? Paano–"

"Anak, don't say that. Nandito pa naman ako. Don't be negative," pangungumbinsi niya sa akin. "Everything happens for a reason, 'nak." At umupo kami malapit sa kabaong ni papa.

"Tama Ma. Pero iba pa rin ang may kapatid,"

"Anak, siguro panahon na para sabihin ko ito sa iyo," nagtataka ako sa sinasabi niya at hindi ko maunawaan. "Dapat ko nang sabihin ito," pag-ulit niya.

"Ano 'yun Mama?" Taka kong tanong.

Bumuntong hininga siya, "Paano ko ba ito sasabihin?" tanong niya sa sarili niya. Hinantay ko siya hanggang sa magsalita siya.

"Anak, may kapatid ka." nag-ulit-ulit ang katagang binanggit niya sa utak ko ngunit hindi pa rin ma-absorb ng utak ko ang binanggit niya. Deretsa ang pagkakasabi niya. At nakatingin sa mga mata ko.

Tila hindi maintindihan ang mukha ko sa mga oras na ito. Tumingin ako kay mama na para bang nagtatanong na, 'Ano ang ibig mo pong sabihin?'

"Noong 2 years old ka, may kapatid ka. Her name is Zephaniah Kath Racineño. Isang taon pa lamang siya noong nawala siya sa akin," pagkwento niya na tila binabalikan ang nakaraan. "Kamukha ko nga siya noon e. At nagpanggap na naiinis pa noon ang papa mo kasi kamukha ko si Zephy. At tinawanan ko nga pa siya ng time na 'yun,"

"Totoo ba 'yan Mama? Nasaan na siya? Anong nangyari na sa kanya? Bakit hindi ko alam?" Sunod-sunod na tanong ko. Tila hindi ko lubos maisip na may kapatid pala ako. May kapatid ako, pag-ulit ko pa.

"Anak," mukhang napansin niya ang pagtatatad ko ng mga tanong. "Nakidnap siya,"

"What?" Halata sa tono ko ang pagkagulat ko. "Paano po?"

"Nalingat lamang ako saglit. Iniwan ko siya saglit sa may labas lang ng hardin natin. Doon ko lang siya iniwan kaya hindi ko maiisip na makukuha siya. Naaalala ko lang na may sinasaing ako– saglit lang akong nawala! Wala pang isang minuto ay nawala na siya! Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko dahil sa pagiging pabaya ko. Maging si papa mo, sinisi niya ako. Pero nagka-ayos din kami pero matagal 'yun," pagkwento niya habang lumuluha na siya. Napasakit naman talaga. Maging ako ay nasaktan sa kwento niya dahil may kapatid pala ako na akala ko ay wala.

"Sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyaring 'yun," malungkot na tinig niya. "Sana hinayaan ko na lang na masunog ang sinaing ko. Di bale na masunog 'yun, ang mahalaga nandito si Zeph,"

"Huwag mo pong sisihin ang sarili niyo," hindi ko alam ang dapat sabihin. Niyakap ko siya. "Hindi niyo naman po 'yun ginusto. Pero dumating din nawa ang time na makikita natin siya," pero sa totoo lang, hindi ko alam kung may pagkakataon pang makilala ang kapatid ko.

"Matanda ka ng isang taon sa kanya," sabi ni mama. "Siguro kasing year mo siya kung nag-aaral man siya. Na-late ka kasi ng isang taon,"

"Sana nga mama nakakapag-aral siya. Sana hindi ko siya katulad na nabubuli sa school,"

"Hindi natin alam, 'nak. Basta ang alam ko, hindi siya papabayaan ng Panginoon."

"Amen!" Bigla ko na lamang nasabi ang salitang 'yan sa isip ko. "Pero sana makita ko pa siya,"

"Faith. Faith, 'yan ang kailangan mo. Maniwala ka. Siguro, hindi pa ito ang panahon para makita natin siya. Manalig lang tayo, 'nak. Huwag tayong mawalan ng faith sa Kanya," at kumalas siya sa pagkayakap.

"Yes mama. Hindi ko na uli gagawin ang nangyari sa nakaraan," pagtukoy ko sa pagtalikod ko sa Diyos. "Mali talaga ako. Ano ang ginawa ko kay Papa. Nawalan na pala ako ng kapatid, hinayaan ko pang mawala ang ama ko. Pakiramdam ko, ang sama ko na."

Bigla niyang hinaplos ang likod ko. "Huwag mong isipin 'yan 'nak. Lahat nagkakamali, hindi ka exempted doon," pangungumbinsi niya sa akin.

"T-Thank you, mama." Walang masabing saad ko. Tama nga siya, pero ang mga ginawa ko ay sinadya ko. Pwede naman na hindi ko gawin 'yun.

"Hindi mo ginusto 'yan. Siguro, nabigla ka lamang kaya nagawa mo 'yun. Isipin mo na lang na nangyari ito kasi may dahilan,"

"Salamat Ma. Hindi mo po ako sinisi,"

"Para saan pa? Wala na rin mangyayari kung sisihin pa kita tsaka hindi mo ito sala. Talagang mangyayari na ito," at biglang tumulo ang luha niya.

****

Lumipas na ang ilang oras ay alas-otso medya na. Marami-rami na rin ang mga tao na nasa bahay na sinisikaso namin. Tatlongpung minuto na lamang, paalam Papa.

Nangilid ang luha ko at agad ko itong pinunasan. Hindi ko mapigilang hindi umiyak kapag naiisip ko si papa. Napapatingin ako sa kabaong niya. Hindi matanggap ng sistema ko na wala na siya. At ang masaklap pa, maiisip kong kasalanan ko pa ang pagkawala niya.

"Ma, CR lang ako." Pagpapaalam ko kay mama. Agad akong tumungo sa CR. Tumingin ako sa salamin at agad na inayos ang sarili. Kailangan kong maging handa.

Lord, please help me to be stronger more. Ikaw lamang ang magiging lakas ko. Maling-mali ang ginawa kong bagay na pagtalikod Sayo. Lord, ipinagkakatiwala ko na ang lahat sa Iyo.

Lumabas na ako sa CR na 'yun na may pundasyong lakas sa loob ko. Mukha akong mahina sa panlabas na anyo, ngunit malakas sa loob.

"Elisha!" Pangbati sa akin ni Janelle. Nandito na pala sila. "Kumusta?" Sinisikap niya na positive ang aura niya ngunit batid kong malungkot siya at nag-aalala sa akin.

"Okay pa naman. Kinakaya, ikaw?"

"Ako? Nag-aalala sayo," hindi ba? Pero syempre, naiisip ko rin siya.

"Huwag ka nang mag-alala. Wala akong sakit!" Sinikap kong magpatawa kahit alam kong walang nakakatawa sa sinambit ko.

"Elisha!" Narinig ko naman ang pagtawag ni Caleb. "Hindi ko akalaing wala na si tito. Ang kapatid ng may-ari ng Peter Academy," malungkot na tinig niya. Ang Peter Academy ay eskwelahan ng mga elementary pa lamang.

"Naging close rin kami noon," pagkwento niya. "Kagulat-gulat na wala na siya ngayon. Matagal ko nang hindi nakakusap. Bakit ang aga niyang nawala?"

"Mas madrama ka pa ba kay Elisha?" Pang-aasar ni Janelle.

"Ang galing mo talagang mang-asar 'no?" Sarkastikong sabi ni David kay Janelle. "Laging nasa timing,"

"Pwede ba?" Nairitang wika ni Janelle. "Wala kang pakialam,"

"Eh di wala! Ganyan ka naman," makahulugang sabi niya kay Janelle.

"Diyan muna kayo lovebirds," pang-aasar na pagpapaalam ko. "Punta lang ako kay mama,"

Narinig ko ang tinig ni Janelle na nagrereklamo sa sinabi ko kanina pero hindi ko na binigyang atensyon.

Niyakap ko si mama. Nakamasid kami habang hawak-hawak ang kabaong ni papa na buhat nila para maisakay sa sasakyan na siyang gagamitin mamayang libing.

"W-Wala na si Papa," walang masabing nasambit ko. Tumulo ang luha ko. Niyakap ko pang mahigpit si mama at agad na kumalas.

Hindi ko na kaya. Baka mamaya ay tuluyang bumigay ang mga luha ko na nagbabadyang tumulo muli. Ang hirap pigilan.

Karamihan sa mga tao na nasa loob ng bahay ay lumabas na para makapaghanda na para sa pagsisimula ng paglalakad.

Huli kaming lumabas ni mama. Isinara na ni mama ang bahay. Sila Tita at mga kapatid ni Papa ay dala ang mga ipapakain mamaya at inilagay sa tricycle. Nagdecide akong maglakad. Si mama, ganoon din.

Handa na ang lahat at maya-maya ay magsisimula na ang libing. Sumama muna ako sa mga kaibigan ko habang hindi pa nagsisimula.

_________

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 25K 199
this account was made because of my boredom.some of the stories here are fictional and some are share stories. enjoy reading guys!
40.8K 3.6K 69
Cursed Stories #2 | Mistakes are unintentional, but you pay for it. *** An epistolary, short story. "Order now, die later." When a stranger was added...
64.6K 2.5K 32
#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang...
934K 36.5K 99
"I prefer to be alone and to be left alone. I like reading books, I can cook, I can't swim, I don't play any sports, I can't play any instruments, I...