Killer's Pov.
Ang saya sa feeling na maging isang killer,ang sarap sa pakiramdam kapag nakakarinig ka ng sigaw!ang sarap sa pakiramdam kapag nakaka amoy ka ng sariwang dugo!ang sarap sa pakiramdam kapag nakikita mo ang mga mukha nila!ang sarap sa pakiramdam na ikaw mismo,sa sarili mong kamay,pinapatay mo sila!
Kabaliktaran sa nararamdaman ko noon..
Lungkot
Sakit
Mga bangungunot na di ako nilulubayan
Panlalalit
At pag ka miss..
Nung una hindi ko matanggap pero ngayon iba na!gusto ko araw-araw na akong pumatay dahil sa tingin yun lang ang nagiging dahilan para makompleto ang araw ko
At ngayong araw,may papatayin na naman ako.Si Ianna,Hahaha!
Kahit kailan talaga yung babaeng yun!higad,psh!Parang linta,ahas na rin,haha!
Porket KorNadian kala mo naman eh!tss. (A/N:tama ba yung term ko na,KorNadian??XD)
Inihanda ko na ang kutsilyo,isinuksok ko ito sa ilalim ng pantalon ko,ngayon ako lang ang papatay sa kanya para masaya,alam narin naman siguro ng iba na dalawa kaming silent killer diba??naglakad na ako papuntang room#7,unti-unti kong binuksan ang pintuan at nakita ko siya na nag-iisa sa kwarto,nakaharap sa malaking salamin sa pader at tinitingnan ang kanyang sariling repleksyon.Hawak niya ang kanyang gitara at ngumiti bago simulan ang pag tugtog rito.
Umatras ako ng kaunti para bumwelo,itinaas ko ang kutsilyong hawak ko,gusto kong ibaon ang kutsilyo sa kanyang likod.Bago pa ako makapasok ay bigla na siyang nagsimula sa pag-tugtog,napatigil ako dahil pamilyar ang tono,imbis na pumasok,ay sinilip ko sa kanyang repleksyon sa salamin,nakapikit ang kanyang mga mata at tila'y niraramdam ang bawat tono na kanyang nagagawa sa pagpapatugtog ng kanyang gitara,ibinalik ko ang kutsilyo sa ilalim ng aking pantalon at napatitig ng maiigi sa kanya,bigla siyang kumanta.
"Sa lahat ng luha lagi kang may kasama.."
Sa bawat linyang kinakanta niya ay may mga alaalang bumabalik sa aking isipan
"Umiiyak ka na naman" inabot niya sa akin ang kanyang puting panyo at ngumiti
"Naaalala ko kasi yung pamilya ko"
"Wag kang mag-alala,diba i told you na mag sister na tayo,na dapat we should treat each other na magkapatid?" nag cross arm siya tyaka tinagilid ang kanyang ulo
"Thank you"
Niyakap niya ako,at feeling ko meron na akong kakampi,karamay at pamilya sa mga oras na yun
"..sa gitna ng ulan karamay mo ako kaibigan.."
"Uy!bat ka nag-papaulan??" may biglang sumigaw sa likod ko,dahilan para matawag ang pansin ko
"Paki mo" pagtataray ko
"Baka sipunin ka!" taray naman niyang sagot
Isinilong niya ako sa payong niya na maliit,yung parang pang kinder lang ang size??
Lumabas ako sa ilalim ng payong niya at nagsalita
"Kung gusto mo akong maging kaibigan,wala akong time" walang ekspresyon akong nakita sa mukha niya
Tinagilid niya ang kanyang ulo
"Well ako,may time eh" nakangiti niyang sabi
"I can be your friend,bestfriend" dagdag pa niya at isinilong ulit ako sa maliit niyang payong
Napayuko ako,dahil nahihiya ako sa kanya,sa ginawa kong pagsusungit sa kanya ay hindi siya natinag at gusto niya paring makipag kaibigan sakin
"Talaga.." nakayuko kong sabi
"Yes!bestfriends~" halata sa boses niya ang saya
Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya
"Thank you ah?bestfriend" ngumiti ako sa kanya
Humakbang ako paatras para hindi na kami magsiksikan sa ilalim ng payong niya
"Bff na diba tayo,sige na silong ka na!" sabi niya sabay hila sa aking braso
Umiling-iling ako
"Ang liit niyan eh,sayo nalang" biro kong sabi
Nagulat ako sa sunod niyang ginawa,tiniklop niya ang payong at nag-paulan narin
"Ayan,patas na tayo,para na taong basang sisiw" biro niya at nagtawanan na kami
"..sa tatahakin mong daan di kita iiwan,di ka na mag-iisa kaibigan.."
Nagdadalawang isip akong tumuloy sa pinakadulong bahagi ng library,nandun kasi ang libro na pwede kong gamitin para sagutan ang assingment ko,pero kasi!patay-sindi yung ilaw
Halos lumabas kaluluwa ko dahil 'me biglang humawak sa balikat ko,nang tingnan ko ito,si Ianna lang pala,hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti
"Samahan kita" sabi niya
Tumango ako at saka ngumiti
"..Peng yu yi shen yi chi zhou
Na xie re chi bu zhai you
Ating pagkakaibigan,di mag babago kailanman.."
"Bestfriend kita diba?" tanong ko sa kanya
"Oo naman,forever na yun" nakangiti niyang sabi saka niyakap ako
"..Peng yu bu cheng gu tan gou
Yi shen peng yu ni hui dong,
Kahit na magkalayo,nandito ka saking puso.."
"Anong plano mo ngayong sembreak?" tanong ko habang kumakain kami ng chichirya sa daan pauwi
"Mmm,babalik muna ata akong Seoul kasama si Rhane" malungkot ang kanyang boses
"Oh!bat parang di ka masaya??" takang tanong ko sa kanya
"Eh!matagal-tagal din yung sembreak,di kita makikita" nakanguso niyang sabi
"Kala mo naman,taon bibilangin bago tayo magkita ulit eh" pagsusungit ko,lumapit naman siya sakin saka hinawakan ang isa kong braso
"Ma mi-miss parin kita.."
"..Ichiwa ipei chu,
Kaibigan kahit kaylan ~"
"Mas naniniwala akong may poreber ang pagkakaibigan"
"Tama!"
"Kaya patunayan natin sa kanila"
"Tama!"
"Forever Friend,Forever Bestfriend"
Natapos na siya sa kanyang paggigitara at agad na humiga sa kanyang higaan..
Ano to??umiiyak ako,hindi ito maari!Ano yung mga naaalala ko?mga bangungunot yun -_- pero bat ako umiiyak??!
Hindi ko na kaya ang emosyon ko kaya tumakbo ako palayo sa kwartong yun,palayo sa flooe na yun,palayo sa building na yun.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang malawak na garden
Hindi ko parin alam kung bakit hanggang ngayon hindi parin tumitigil ang mga luha
Mahina kong iniuntog ang aking ulo sa pader at sinabunutan ang sarili kong buhok
Bat ako nagkakaganito??!
Lumipas na ang dalawang araw at hindi parin ako nakakapatay,parang may kung anong pumipigil sakin,hindi ko alam kong ano yun?!
Dahil ba ito sa mga ala-alang yun?Masayang ala-ala..
No!Hindi,isa yung bangungunot at pinag sisisihan ko yun
Maghanda na kayo,PAPATAY NA NAMAN AKO!
To be continued...