Ang Mutya Ng Section E

By eatmore2behappy

134M 5.3M 3.3M

Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung... More

eatmore2behappy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Not an update!
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 125.02
Chapter 125.03
PART TWO
Part Two

Chapter 112

945K 37.1K 33.3K
By eatmore2behappy

Author's Note: wala pa sna kong balk mag-update kasi eto lang naipundar ko. Pero kung dadagdagn ko pa to then matagl kayong maghihintay, baka ma-disappoint lang kayo... So, ayan kahit kapiranggot sana mahalin nyo. Hahahahaha....

Sorry for the wrong grammar and spelling.

Feelings

Jay-jay's POV

Masarap sana tong frappe na iniinum ko. Pero walang talab yan sa gumugulo sa utak ko.

Hindi kinaya ng damdamin ko!

"Masarap ba?" Tanung ni Yuri sakin.

Tinignan ko sya. "O-oo.."

"Anung lasa?... Anung lasa ng hangin?"

Huh?!

Tinignan ko yung iniinom ko. Putik! Wala na palang laman. Napakamot nalang ako ng ulo sabay pilit ng ngiti.

"Speak now... I know something is bothering you."

Ganun ba ko ka-obvious? Tsk!

Halatang hinihintay ni Yuri yung sasabihin ko. Pero wala akong balak mag-salita. Hindi pa naman kasi ako sigurado sa nakita ko sa cellphone ni Eren.

Balak ko sana syang tanungin tungkol don pero hindi ko na nagawa. Sure talaga ako, sila din yung nakita ko nung gabi ng festival.

Sila nga ba?

"W-wala to... Kung anu-anu lang kasi naglalaro sa utak ko."

Parang nadisappoint sya ng bahagya sa sinagot ko.

"Nakakapang-tampo ka." Sabi nya.

Taka ko syang tinignan.

"...You still don't trust us. Were all here for you pero parang hindi mo kami nakikita."

Ay nagtatampo na nga sya.

Pero kung tutuusin tama sya. Andyan silang lahat para sakin.

"It's not that i don't trust you. Hindi pa kasi malinaw sakin kaya panu ko sasabihin sa inyo. Conclusion pa lang yung nabubuo sakin. Once everything is clear, dun ko pa lang masasabi sa inyo." Paliwanag ko sa kanya at ngumiti.

Nagpilit lang ng ngiti si Yuri. Alam ko namang nag-aalala sya sakin pero ayoko kasing basta magsalita. Panu ko naman sasabihin sa kanya na may hinala akong bakla si Mayo at Kit? Tapos mali pala ako.

Tsaka baka pagsinabi ko sa kanya, bigla syang gumawa ng action. O kaya sabihin nya kay Keifer. Lalu lang magkakagulo.

"Uy... Nagtatampo ka talaga?" Tanung ko habang nakatingin sa muka nya.

Sa table lang sya nakatingin habang umiiling sakin.

"Ay nagtatampo nga."

Bahagya akong lumapit sakanya. Pilit ko ring sinisilip ang muka nya pero panay ang iwas nya sakin.

"Patingin nga ako kung panu magtampo si Yuri Hanamitchi." Pang-aasar ko at patuloy sa pagsilip sa muka nya.

Kahit panay ang iwas, kitang-kita ko ang pamumula nya. Ang cute ni Yu----ko! Ang cute ko!

"Stop it..." Inis na sabi ni Yuri pero lalu ko lang syang kinulit.

"Patingin kasi..." Pilit habang nakangiti.

Hindi ko kasi mapigilan na hindi matawa sa itsura nya.

"S-stop it Jay..."

"Ayieh... Tampo-tampuhan."

"N-no... I-im not."

"Nauutal ka oh! Hahaha cute cute mo dyan." Pang-aasar ko na lalu nyang ikinapula.

Lilipat na sana sya ng upuan dahil sa ginagawa ko pero nahawakan ko agad ang pisngi nya at hinarap sakin ang muka nya.

"W-what are y-you doing?" Tanung nya.

Ngumiti lang ako ng matamis sa kanya. Kasi kung tutuusin, hindi ko talaga alam kung bakit ko to ginagawa.

Pero natutuwa akong gawin to sa kanya.

"Ma'am, Sir." Sabi ng kung sino, medyo nagulat ako dahilan para mapabitaw ako sa paghahawak kay Yuri.

Pareho kaming napatingin sa nagsalita.

Denzel?

"A-anung ginagawa mo dito?" Tanung ko sa kanya.

Tinuro nya yung uniform nya at ngumiti. Nakapang-waiter sya. Mukang dito na sya nagta-trabaho.

"Mukang hindi nyo na kailangang um-order... Sapat na yung ka-sweet-an nyo para mabusog kayo eh." Pang-asar nya samin.

Pareho kaming napa-iwas ni Yuri ng tingin. Lakas din kasing mang-asar nito'ng si Denzel.

"Anu na?! U-order paba kayo?" Mapang-asar na tanung pa nya.

"Y-yeah." Sagot ni Yuri.

Kayalang bago pa kami maka-order, bigla nalang bumukas ang pinto ng café at dire-diretsong lumapit samin si Keifer.

"K-keifer." Pabulong kong sabi.

"Jay-jay..." Tawag nya sakin. "...You need to come with me."

Taka ko syang tinignan. "H-ha?"

"Is there any problem Keifer?" Tanung ni Yuri bago tumayo.

Sakin pa rin nakatuon ang tingin nya. Seryoso'ng seryoso sya dahilan para kabahan ako.

"It's about my promise on bringing you back to Hemilton University."

Awtomatiko akong napatayo. Ngayon na kami babalik dun? Pero akala ko mga next week pa, dahil hahanap pa daw kami ng tyempo na hindi mahahalata ni Kuya Angelo.

"Nga-ngayon na talaga?" Tanung ko at napatingin ako kay Yuri.

"We have no more time for this. Tara na!" Sabi ni Keifer at bigla nalang nya kong hinawakan sa kamay at hinatak palabas.

Pero bago pa kami maka-abot sa pinto, panibagong kamay ang humawak sa isa pang kamay ko.

Yuri...

"Jay..." Tawag nya sakin habang nakiki-usap ang mga mata nya.

"Jay! We need to go!" Sigaw ni Keifer.

Tinignan ko si Keifer sandali at muling binalik ang tingin kay Yuri. Nakiki-usap ang mga tingin nya sakin samantalang mapursige naman yung kay Keifer.

Kailangan kong puntahan si Papa. Pero gusto kong mag-stay sa hindi ko maintindihan na dahilan. Tinignan ko sandali yung mga kamay nila'ng nakahawak sakin.

Bakit parang ang laking desisyon nitong gagawin ko?

Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko. Binawi ko yung kamay ko sa pagkakahawak ni Keifer at hinarap si Yuri.

"Kailangan ko lang puntahan si Papa. I hope you understand." Sabi ko.

Hinawakan ni Yuri yung isa ko pang kamay. "I know. But please, come back here."

Mabilis akong nag-nod bago bawiin ang mga kamay ko sa kanya. Dali-dali akong tumakbo palapit sa pinto kung nasan si Keifer.

"Let's go." Sabi nya bago kami tumakbo palapit sa kotse nya.

Ibang kotse na naman?!

Pagsakay sa loob, mabilis na pinaandar ni Keifer ang sasakyan. Agad kong kinabit yung seatbelt ko dahil pakiramdam ko kasali ako sa F1 racing.

Napaka-bilis! Hanep yan!

Mahigit dalawang oras ang naging byahe namin nun, nung University visit. Pero sa bilis magpatakbo nitong Hari ng mga ulupong feeling ko kalahating oras lang ang magiging byahe namin.

Seryoso'ng seryoso pa rin ang muka nya habang naka-focus sa daan. Hindi ko masabi kung galit sya o anu.

"K-keifer..." Tawag ko sa kanya.

Hinintay ko kung sasagot sya pero walang imik ang luko.

"Keifer..." Tawag ko ulit.

"What?!" Inis na tanung nya sakin.

"Wala lang."

"Tss."

Ay nainis yata. Binalik ko nalang yung tingin ko sa daan at hinayaan na sya. Naging tahimik lang kami sa buong byahe.

Pagdating sa Hemilton University, mabilis ang naging kilos naming dalawa. Tumakbo kami papunta sa receiving area ng pinaka-malaking building.

"Miss... S-saan po si Jasfher Mariano?" Bungad ko dun sa babaeng naka-pwesto sa receiving table nila.

Taka nya kong tinignan at si Keifer. "W-wala na po sya... Naka-alis na po kanina."

Nalungkot ako dun sa sinabi nya pero hindi ako nawalan ng pag-asa.

"Baka po pwedeng maka-kuha ng info tungkol sa kanya. Kung saan sya nakatira o kaya po contact number."

"Ay hindi po pwede." Mabilis na sagot nung babae sakin.

"Sige na Ate, kailangan lang talaga. Emergency kasi to!" Pagpipilit ko.

"Hindi po talaga pwede."

"Look Miss... We don't have time for this. We really need to talk to that guy." Singit ni Keifer.

Halatang naiirita na rin sya kasi ayaw mag-bigay ng info nitong si Ate. Naiintindihan ko naman sya kung hindi pwede kayalang kasi... Aaaiizzztt!

"May problema ba dito?" Tanung kung sinong lalaki.

Naalala ko sya! Isa sya dun sa nagsalita nung University Visit namin dito.

"Kasi sir nangungulit po sila... Nanghihingi po ng info ni Sir Mariano." Sumbong nung babae.

Tinignan nya kami pareho ni Keifer. "What for?"

"K-kasi po----"

"We cannot tell you... but please tell him that Jay-jay is here." Putol ni Keifer sa sasabihin ko.

Tinignan nung lalaki yung relo nya. "Kahit sabihin ko sa kanya, wala na ring saysay yun. Nakasakay na siguro sya ng eroplano."

Eroplano?

"Nahuli na tayo..." Bulong ni Keifer.

Naguguluhan ako. Anung nahuli na? Anung eroplano?

"Keifer..." Tawag ko sa kanya.

"Someone told me that your Dad is leaving for good."

Pagkasabi nya nun, kusa nalang nanlambot ang tuhod ko. Muntik na kong mapaluhod kung hindi lang ako nakahawak sa table.

Iiwanan na nya ko tuluyan. Ngayon pa talaga kung kailan kilala ko na sya. Bakit nya ginagawa to?

"K-keifer... Baka pwede pa nating puntahan sa airport? Baka maabutan pa natin sya?" Sabi ko habang nagpipigil ng iyak.

"Oh baka hindi na..." Mahinahong sagot nya.

Hindi na nagpapigil pa yung luha ko. Kusa na silang bumagsak. Kesa pagtinginan ako, mabilis akong naglakad palabas ng building at dumiretso sa parking kung nasan yung kotse ni Keifer.

Napa-upo nalang ako sa isang plant box.

Ang sakit kasi, ang sakit isipin na may chance na kayong magkasama pero pinili nyang umalis. May pagkakataon na syang bumawi sakin, pero hindi nya ginawa. Akala ko kapag nakita ko sya magiging okay na lahat sakin.

Mali pala ako.

Naramdam kong may naupo sa tabi ko. Hindi na ko nag-aksayang tignan kung sino yun.

"Jay..." Tawag nya sakin at bigla nalang nya kong inakbayan. Sinandal nya yung ulo ko sa balikat nya. "...Sana pala binilisan ko, baka naabutan pa natin sya."

"H-hindi rin... Aalis na talaga sya. Wala na tayong magagawa dun." Sagot ko.

"He have reason Jay... As of now, we don't know what it is."

Mas lalung bumigat yung pakiramdam ko at naging dahilan ng malakas na pag-iyak ko.

"Sige lang... Cry as long as you want."

Mas lalu pa kong umiyak. Naisubsob ko nalang ang sarili ko sa bandang leeg ni Keifer. Hindi ko alam kung panu ilalabas yung sakit na to.

Kung kailangan kong ubusin yung luha ko, ayos lang. Matanggal lang yung bigat sa dibdib ko.

Matagal kaming nasa ganung posisyon. Kusa ding akong huminto at nag-aya umuwi. Hindi na din nagsalita si Keifer o ang nagtanung ng kahit anu.

Ramdam siguro nya na wala ako sa mood na makipag-usap. Hinatid nya ko samin. Paghinto ng sasakyan, bigla nalang nya kong niyakap.

Nagulat pa ko nung una pero alam ko naman kung para saan yung yakap nya.

"Were here for you..." Bulong nya sakin.

"S-salamat."

Bumitaw sya sa pagkakayakap. Akmang bubuksan ko na yung pinto ng kotse ng hawakan nya ko sa braso.

Paglingon ko sa kanya, mabilis nya kong hinalikan sa noo.

Hindi ako nakapagsalita. Tameme! Gusto ko sanang tanungin kung para saan yun pero umiwas na sya ng tingin.

Napilitan akong bumaba at mabilis na naglakad papasok ng gate. Hindi ako agad pumasok sa loob ng bahay. Nakasandal lang ako sa gate at pinakinggan kung aalis na yung kotse nya.

Hindi naman ako nabigo dahil mabilis na pinaandar ni Keifer ang kotse nya paalis.

Y-yung puso ko...

Hindi na to maganda! Kakaiba na kasi, parang sobra na. Tama na yung inamin ko sa sarili ko na may kakaiba'ng nararamdaman nga ako sa kanya. Wala na kong balak aminin kung anu yung nararamdaman ko na yun.

Baka magkagulo lang kung pipilitin ko pang alamin yun. Mas mabuti na yung ganito.

Lumakad na ko palapit sa pinto ng bahay. Isang hakbang nalang sana nasa loob na ko pero napatigil ako.

Para kasing meron akong nakalimutan.

Shit! Si Yuri!

Mabilis akong umikot para tumakbo sana palabas pero biglang pumasok sa isip ko na baka wala na sya dun. Pero magtetext sya sakin kapag ganun.

Agad kong kinuha yung phone ko pero wala kahit isang text or tawag akong natanggap galing kay Yuri.

Nakagat ko nalang ang kuko ko. Hindi kasi ako sigurado sa gagawin ko. Gustuhin ko man kasing tawagan or itext si Yuri......wala akong load.

Haizt! Bahala na nga!

Kinuha ko yung bike ko at agad na sumakay. Medyo madilim na sa labas pero wala lang sakin yun. Mabilis akong nag-pidal kahit wala naman kasiguraduhan kung andun pa sya.

Pagliko ko sa kanto kung nasan yung café napahinto ako. Nakapatay na kasi yung ilaw at halatang wala ng tao sa loob.

Umalis na siguro sya.

Napabuntong hininga nalang ako. Aalis na sana ako para bumalik sa bahay pero parang may natanaw akong gumalaw sa loob ng café. Kahit hindi ako sigurado sa nakita ko, lumapit pa rin ako.

Pilit kong tinanaw sa salamin na bintana ng café yung loob.

Parang... Parang... Parang may tao.

Pinarada ko yung bike ko. Lumapit ako sa salaming pinto ng café. Sisilip lang sana ako pero aksidente kong natulak yung pinto. Dun ko lang napagtanto na bukas pa pala yung café.

Lalu ko pang itinulak yung pinto, sakto para makapasok ako. Bigla nalang akong napahinto ng makita ko yung paligid.

Puro christmas light na nakasabit sa kisame. Nagmumuka silang alitaptap at ang ganda. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti sa nakikita ko.

Puro scented candle din sa paligid.

Sino namang.... Si Yuri?!

Agad akong niligid yung mata ko para hanapin si Yuri. Sya kaya ang may gawa nito? Pero para saan? Bakit may ganito?

Nakapwesto sya sa sulok. Magisa at tahimik na nag-iinom. May apat na bote na ata yung nasa harapan nyang walang laman.

"Yuri..." Tawag ko sa kanya.

Agad syang huminto sa pagtungga ng alak at tinignan ako. Nagpilit sya ng ngiti at binaba yung bote'ng hawak nya.

"Maganda ba?" Tanung nya sakin habang nakatingala.

"Oo naman..." Sagot ko at ngumiti sa kanya.

Sa hindi ko maintindihan na dahilan para'ng kusa ko nalang napansin na meron syang problema.

Mukang hinintay talaga nya ko. Nahiya tuloy ako bigla. Umalis-alis ako pero nauwi lang din pala sa wala. Kung alam ko lang, sana pala hindi ko na sya iniwan.

Narinig ko syang nagbuntong hininga kaya napatingin ako sa kanya.

"May problema ba?" Tanung ko.

Nagpamulsa sya at tumingin sa sahig. "Jay-jay..." Panimula nya. "...Seryoso ka na ba sa feelings mo kay Keifer?"

A-anung...

"H-ha?"

Bigla nalang nyang ginulo ng isang kamay nya yung buhok nya. Para bang naiinis sya na hindi ko maintindihan.

Bubuka pa lang sana yung bibig ko para magsalita pero bigla nalang nilabas ni Yuri yung isang kamay nya galing sa bulsa.

Meron syang hawak na binaba nya sa lamesa. Maliit na box na kulay pula. Kusa nalang bumilis ang tibok ng puso ko.

"For you..." Sabi nya at naglakad palabas ng café.

Naiwan akong nakatanga at nakatitig sa box na binigay nya. Nilingon ko pa sya sandali pero nakaalis na sya agad.

Nakagat ko nalang ang ibabang labi ko.

Sana mali ako... Sana hindi ito yung iniisip ko.

Dahan-dahan kong kinuha yung box at unti-unti'ng binuksan yun. Nanlaki nalang ang mata ko nung makita ko yung laman.

Napaupo ako sa silyang malapit sakin.

A-anung ibig sabihin nito?

Bakit nya ko binigyan ng singsing?






++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Continue Reading

You'll Also Like

46.1K 416 38
Book 2 of The Good Step Father She knew it was her fault.Her step dad was locked in prison for the crime of rape against her.Young and vulnerable,she...
21.4M 699K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
23M 587K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...
405K 1.1K 16
Fullfil your sexual imagination with these different stories that'll make your feel good.