Class Starts When the Game Is...

By pingreads

25.1K 360 146

It's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basket... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
chapter 28
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45
chapter 46
chapter 47
chapter 48
chapter 49
chapter 50
chapter 51
chapter 52
chapter 53
chapter 54
chapter 55
chapter 56
chapter 58
Epilogue

chapter 57

277 6 4
By pingreads

"One for you, one for me." Sabay abot ni Jen sa'kin ng ticket. Tumabi s'ya sa'kin habang nagre-review ako ng notes. Nasa classroom kami nun. Medyo maagang nagdismiss yung prof namin ng previous class bago yung klase ni Sir so may time pa naman kami ni Jen na magkwentuhan. Pero hindi ako nakipagkwentuhan sa kanya nun kasi may exam kami kaya nagre-review lang ako. So, nasa kanya lahat ng privilege na magsalita. "Two tickets pala for you. Kay Ejay yung isa."

"Ticket para saan toh?" tanong ko habang nakayuko. Wala na akong alam sa mga events na nangyayari sa school these past few days. Busy sa sariling buhay eh? Pero kung ticket pa toh ng concert ni Katy Perry, siguro mas magiging excited ako at baka ihagis ko pa yung notes ko sa loob ng bag. Ang kaso hindi eh.

"College ball, saan pa? Grad ball na din yata yun eh." Nagkibit-balikat lang ako. Wala akong balak pumunta sa college ball pero dahil ayun na din yung grad ball namin, baka pumunta na din ako. "Grabe! Ga-graduate na tayo. Parang ayaw ko pa. Ganito na talaga tayo katanda? Anyways, kahit na hindi natin sure kung makakaabot pa si Ejay ng grad ball, ibigay mo na din sa kanya yang isang ticket, huh? Nagbabakasakali lang. At tsaka di ba last time libre yung ticket natin nung Basketball League? Kaya ayan, libre ko na kayo sa ticket para sa grad ball."

Napahinto ako sa pagre-review dahil sa sinabi n'ya. Hindi namin sure kung makakaabot pa si Ejay sa grad ball. Tama hindi namin sigurado kung kelan s'ya aalis. Hindi ko alam kung dahil ba hindi n'ya pa alam kung kelan o ayaw n'ya lang talagang sabihin sa'kin kung kelan ang alis n'ya. But either way, I need to cherish all the remaining moments na makakasama ko s'ya. Pinili kong wag pansinin yung tungkol kay Ejay na sinabi ni Jen. "Hindi ka makaka-graduate kung babagsak ka sa majors. Kaya kung ako sayo magre-review na din ako. Inuuna mo pa yang grad ball na yan. Para namang sure kang ga-graduate ka eh?"

"Yabang nito. Hmp," tapos tinago n'ya sa wallet n'ya yung ticket. "Anyway, alam mo ba, balitang-balita na sa buong school yung pagpunta dito ni Chelle last week?"

"So?" Binalik ko na yung tingin ko sa notes ko but my mind is flying. Hindi kay Chelle o sa rumors pero sa pag-alis ni Ejay.

"Wala kang pakialam? Kahit na akala ng lahat na magjowa si Sir at Chelle?"

"Wala," syempre kunyari wala. Ipapakita ko ba sa kanyang meron? Eh di inasar naman ako nito. Pero sa ngayon nga siguro, wala. Kasi hindi pa masyadong nagsi-sink in sa'kin kasi si Ejay pa ang iniisip ko. Mamayang konti siguro si Sir Alfred naman. One at a time lang. Pwede?

"Wehh? Pero kahit wala kang pakialam, iku-kwento ko pa din sayo. To feed your curiosity." Binaba n'ya yung notes ko nung iharang ko yun sa mukha ko kasi tinititigan n'ya ako sa mukha. Alam kong nababasa n'ya yung laman ng isip ko. Ganun na n'ya ako kakilala eh.

"Sino may sabi sayong curious ako? Duhh," pero curious naman talaga ako. Kunyari lang ngang hindi. Pabagsak kong nilapag yung notes ko sa arm chair ko. Tapos tinignan ko s'ya.

"Bali-balita na jowa daw ni Sir si Chelle kasi nga napapadalas na yung pagpunta dito ni Chelle di ba? Kahit hindi s'ya inaaya ni Ejay na pumunta dito, pumupunta pa din s'ya. At si Sir pa talaga yung pinupuntahan n'ya."

"Mas okay na nga yung kay Sir s'ya ma-link eh. Wag lang kay Ejay." Pero ewan ko. Siguro kahit na kanino kay Sir at kay Ejay ma-link si Chelle, hindi okay sa'kin. Feeling ko pag-aari ko sila pareho eh, kaya wag s'yang makikialam.

"Wehh? Eh ba't parang kabaligtaran yata ng mukha mo yung sinasabi mo?" ano daw? Kabaliktaran ng mukha???

"Hindi ahh--" Tinulak ko yung mukha n'ya palayo pero lumapit ulit s'ya. Hindi pa pala s'ya tapos magkwento.

"Tapos. May nakakita pa sa kanilang dalawa sa mall kahapon. Alam mo ba yon?"

"Hindi," sagot ko. Tapos bigla akong may naalala.

FLASH BACK.

Nakalimutan ko kung ano yung assignment namin sa Logic so nag-decide ako na tawagan si Jen pero hindi s'ya sumasagot. Grabe, tinadtad ko na nga ng text, wala pa ding reply. Porket birthday ng boyfriend n'ya ngayon, hindi na n'ya ako papansinin? Bakit? Anong ginagawa nila? Hmm. Yari toh sa'kin bukas.

Wala naman akong ibang mapagtanungan kasi wala naman akong number nung iba naming classmates. Tsaka ba't ko naman din kasi hihingiin yung number nila? Eh ang ganda ko kaya, baka ipagkalat pa nila yung number ko :P Hindi ko naman matatanong si Ejay kasi wala namang alam yun kundi basketball. So isa na lang talaga ang solution ko, tatawagan ko si Sir.

At pagkatapos ng napakaraming pag-iisip at pakikipag-away sa sarili ko... Tinawagan ko nga s'ya.

"Hello?" sabi ko pagka-answer n'ya. Medyo maingay sa background ha. Nasaan ba s'ya? Club? Bar? Saan ba?

"Yes baby?" sagot ba naman! Maka-baby wagas.

"Sir, pwede pong magtanong?" tanong ko. Nagtanong na nga ako eh, so magtatanong ako ulit.

"Yes, what's that baby?" sagot naman n'ya. Kelangan talaga may baby sa dulo? Badtrip toh!

"Pwede wag mo akong tawaging baby? Pwede?" sabi ko bago ako magtanong. Nakuha ko pa talagang magsungit eh, noh?

"Bakit? Di ba kaya ka tumawag para marinig mong sinasabi ko sayo yun?" he's chuckling. Nakakainis toh, pinagtatawanan pa ako.

"May itatanong ako about sa assignment," sabi ko. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa kasi bobolahin na naman ako nito eh.

"May hindi ka ba maintindihan, baby? I-tutor kita?" tanong n'ya ulit. At ang nakakainis pa, may kasamang paglalambing yung boses n'ya. At ang super nakakainis pa, kinikilig ako. Tsk. Landi.

"Kahit wag na. Itatanong ko lang kung ano ba yung assignment kasi hindi ko na-gets yung--"

Tapos may nagsalitang familiar voice sa kabilang line na hindi ko maintindihan. At dahil nga medyo maingay sa kung nasaan mang lupalop si Sir, minsan hindi kami magkaintindihan.

"Sino yun? Nasaan ka ba?" tanong ko. Hindi ko talaga binalak na magtanong ng ganun kasi nga ang itatanong ko lang is about the assignment not about him.

"E-mail ko na lang sayo yung assignment. Unless gusto mong ako, personally, yung magdeliver dyan sa bahay--"

"No, thanks! Hihintayin ko na lang yung e-mail mo. Salamat."

"Are you mad?" tanong n'ya.

"Naaah. Nakakahiya naman dyan sa kung sino man yang kasama mo. All this time may kausap ka sa phone. Sige na, bye."

"I'm sorry. Okay baby. Bye." Tooot... tooot... tooot.

Badtrip. Baby talaga eh. Tsk.

END OF FLASH BACK.

"So, nakikipagdate na si Sir ngayon without your consent?" Yung tanong ni Jen na nakapagpabalik sa'kin sa katotohanan.

"Bakit naman n'ya kelangan ng consent ko? Ano ako? Guardian n'ya? Tsaka matanda na yon. Bahala na s'ya sa buhay n'ya." Tapos biglang dumating si Sir so bumalik na si Jen sa upuan n'ya.

Pagkaupo ni Sir, binuksan n'ya yung class record n'ya para magcheck ng attendance. Pero bago n'ya pa matawag yung unang tatawagin n'ya - syempre - nagtanong na si Liezel. Alam kong selos na selos na s'ya at napakadaming allowance na n'ya ang sinayang n'ya para lang bumili ng gayuma at ng kung anu-ano pang bagay. Tapos sa huli, mauuwi lang din naman pala ang lahat sa heartbreak </3.

"Sir, totoo ba yung balita?" tanong n'ya. Parang alam ko na kung saan mapupunta tong usapang toh ah. Napapailing na lang ako sa itsura ni Liezel. Maganda naman s'ya kaya bakit s'ya mag-aaksaya ng precious time sa isang katulad ni Sir? Ahh, but come to think of it. Medyo worth it naman na pag-aksayahan ng oras si Sir. Medyo lang ha.

"What news?" Pero alam naman n'ya kung anong news yon. Pakunyari pa toh eh. Pinapahaba lang yung usapan.

"Girlfriend mo daw yung babaing maganda na palaging nagpupunta dito?" babaing maganda talaga yung description? So pag sinabing maganda si Chelle na kaagad? Hindi ba pwedeng ako muna?

"Oo nga Sir. Selos ako," sabi nung bakla kong classmate. Naka-pout pa ang baklita. Nangiti si Sir. Si Sir lang ata ang lalaking kilala ko na nangingiti kapag nilalandi ng bakla. Hindi ko sinasabing walang lalaking hindi nangingiti sa bakla, may mga ganung lalaki naman. Ang kaso nga lang hindi ko sila kilala. Si Sir lang ang kilala kong ganun kaya ko sinabing s'ya lang yung kilala ko.  Ano daw? Haha. Yung ibang lalaki kasi, naiinis kapag nilalandi ng bakla eh.

"Bakit gusto n'yong malaman? Kayo talaga," sagot naman ni Sir. Pa-showbiz naman toh. Mukha ka lang artista pero hindi ka artista so wag kang mag-feeling. Pwede?

"Sige na, Sir. Sagutin mo na. Ano mu nga s'ya?" tanong ulit ni Liezel. Napailing na lang ulit ako. Tsk, lovelorn. Pathetic.

Tapos biglang dumating si Ejay. Kahit sa back door s'ya pumasok, alam kong dumating na s'ya. Hello, ang lakas kaya ng dating nun, noh. "Actually, friend s'ya ni Ejay. So, wag na kayong mang-intriga ha. Magchi-check na ako ng attendance."

And all those times na nagchi-check s'ya ng attendance, I was glaring at him. Pagkatapos n'yang mag-check ng attendance, pinapasa n'ya yung assignment namin. Habang nagpapasa yung mga classmates ko, nagte-text s'ya. At alam kong ako yung tinext n'ya. Syempre ako naman palagi yung tini-text n'ya, at nakangiti pa s'ya habang nagti-text. Hinintay kong mag-vibrate yung cellphone ko pero hindi yun nag-vibrate. Delayed? O baka naman hindi talaga ako yung tinext n'ya? At sino yun? Gusto ko tuloy s'yang sigawan at ipaalala sa kanya na bawal magtext sa klase n'ya. S'ya pa mismo yung nagsabi nun tapos s'ya pa mismo yung hindi susunod? Kakaiba ka Sir!

Nakatingin pa din ako sa kanya. Eh pag-angat n'ya ng ulo, sa'kin s'ya unang tumingin. So, nagkatinginan kami. Whew. Ako yung unang nagbawi ng tingin. At sa wakas, nag-vibrate yung cellphone ko. Hindi ko muna binasa kasi tumayo na si Sir.

"I know you're busy, guys, kasi exam week na next week and Foundation Week na after that so I don't wanna stress you out. Wala na tayong gagawin ngayon hanggang sa matapos yung Foundation. Mag-review na lang kayo sa mga subjects n'yo. Okay?"

"Yes Sir."

"Pero bibigyan ko na lang ulit kayo ng long assignment para hindi n'yo ko makalimutan."  Wehh? Kakapa-assignment n'ya lang tapos assignment ulit? Ano toh? Joke? Tapos nagsimula na s'yang magsulat sa board. At binasa ko na yung text n'ya.

"Are you mad, baby?" text n'ya. Talagang pinanindigan yung baby ah? Dati naging 'big girl' na ako ah. Back to baby na ulit?

"Why will I be mad?" reply ko. Habang nagsusulat s'ya sa board, nagti-text s'ya. Wow, multi-tasking.

"Hindi ba? Don't deny it. Halatang-halata kaya sa pagkakatitig mo sa'kin. Unless, gusto mo lang kabisaduhin yung every angle ng mukha ko."

"Duhh. Wag kang feeler."

"Sabagay. Angry and jealous are two different words. Hindi ka nga siguro galit pero nagseselos ka, right?" akalain mo nga naman, nakakapagtext pa talaga s'ya ng mahaba habang nagsusulat.

"Wag ka ngang magulo dyan. Magsulat ka na lang nang magsulat, pwede?"

Tapos hindi na s'ya nagreply hanggang sa matapos s'yang magsulat sa board. Nagreply lang s'ya paglabas n'ya sa classroom.

"I'll wait for you at the parking lot. I'll make it up to you. No more buts."

Ganun? Taray, parang nag-aaya lang sa kung saan. At kung makapag-aya sa'kin akala mo hindi prof eh. Hindi na ako nagreply. Pero sasama ako sa kanya. Hindi ko na lang sasabihin kay Ejay para hindi s'ya magalit sa'kin. At inaamin ko, I miss Alfred's company kaya ako sasama sa kanya. Tapos naglakad na ako palabas ng school. At dumiretso ako sa parking lot...

-------------------

Ganto pala talaga kapag may gagawing kalokohan, nagiging paranoid. Kahit walang nakatingin sa'kin, feeling ko lahat ng taong nakakasalubong ko, alam yung gagawin kong kalokohan. Tumingin muna ako sa left and right side bago ako sumakay sa kotse ni Sir. Mahirap na, baka may makakita sa'min di ba? So ayun nga, sumakay na ako.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko pagkapaandar n'ya ng kotse. Palabas na kami sa parking lot ng school. Medyo nakayuko at kinu-cover-an ko pa yung mukha ko nun. Taray parang Bradley Cooper at JLo lang na nagtatago sa mga paparazzi.

"Didn't I told you? I wanna make it up to you--"

"You know, you don't have to make it up to me. Okay?" sagot ko habang tinatakpan ko yung mukha ko ng kamay ko.

"Really? Eh bakit ka pumayag na lumabas with me ngayon?"

Kasi nami-miss na kita. "Para lang manahimik ka na. So, pinagbigyan na kita. Tsaka hindi ka din naman titigil di ba?"

"Baka naman nami-miss mo lang din ako?"

"Ba't kita mami-miss? Eh halos araw-araw naman kitang nakikita sa school."

"Sabagay, ba't mo nga naman ako mami-miss kung gabi-gabi naman akong laman ng mga panaginip mo." Tumawa s'ya. Medyo mabilis yung pagda-drive n'ya or siguro kaya kami mabilis na nakarating sa restaurant na yun, kasi medyo malapit lang naman sa school.

"Kapal mu." Bumaba na s'ya ng sasakyan pagkatapos n'yang i-park yung car. Tapos binuksan n'ya yung passenger door para sa'kin. Sweet pa din naman pala kahit papano.

Okay na sana eh. Kikiligin na sana ako. Kaso hindi lang pala kaming dalawa yung magdi-date.  At talagang akala ko date yun ah? Hindi ako makapaniwalang kinosider ko yun as a date. Umaamin na ba ako ngayon?

"Hi!" greet ni Chelle sa'ming dalawa ba? O kay Alfred lang? At talagang tumayo pa s'ya sa upuan n'ya para ibeso si Alfred. Pero hindi ako dun na-bother eh. Sa kasama ni Chelle... Si Ejay.

"Kanina pa kayo?" tanong ni Alfred. Umupo ako sa tabi ni Ejay. Kasi nakaupo si Chelle sa tabi ni Alfred eh. So understood na yun. Wala akong pwesto. Pang-apatan yung table namin. At alangan namang makisingit pa ako sa tabi nila? Hindi balance, tatlo kami sa isang side at mag-isa lang si Ejay sa kabila. Parang kawawa naman si Ejay nun at masyado na akong halata.

"Hindi. Kakadating lang namin," sagot ni Chelle. Hindi ako makatingin kay Ejay kasi nakatingin s'ya sa'kin. Nahihiya akong salubungin yung tingin n'ya.

Tumingin ako kay Alfred with what-the-hell-is-this look. Kung kelan napag-desisyunan ko nang wag sabihin kay Ejay na makikipagkita ako sa kanya, tsaka naman kasama pala s'ya dito. BV. At pwedeng pakisabi at paki-explain kung pano s'ya babawi sa'kin ngayon? Pano kung apat kami dito? Pano kung kasama si Chelle at Ejay? Anung klaseng pagbawi ang gagawin n'ya? O baka naman na-misunderstood ko lang. Baka naman yung sinasabi n'yang gusto n'yang makabawi eh, para magkaayos kami ni Ejay ulit? Baka yung sa'min ni Ejay yung ibig n'yang sabihin at hindi yung sa'ming dalawa? Ang gulo! Pero nginitian at kinindatan lang ako ni Alfred. He's not taking this seriously. Tapos naramdaman ko na lang na may binulong sa'kin si Ejay since busy naman sa pag-order yung dalawa.

"Why are you here?" bulong ni Ejay sa tenga ko. Kunyari medyo nakikiliti at kinikilig ako sa binubulong ni Ejay nung lumingon si Alfred.

"Inaya n'ya ako."

"Sumama ka naman?"

"Eh ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Kung alam ko lang na kasama s'ya dito, hindi na sana ako sumama kay Che. But it's not about me, it's about you--"

"Ba't ako?" maang-maangan din.

"Sa school kayo galing? Pano kung may nakakita sayong sumakay sa kotse n'ya?"

"Sinigurado kong wala."

Tapos nung dumating na yung order namin, nanahimik na kaming dalawa ni Ejay. Si Alfred naman and Chelle, nagku-kwentuhan. Hindi ko alam kung kaya ba nila kami sinama dito para makita namin yung bond nila sa isa't-isa o para lang masabi na may kasama silang dalawa. Tahimik akong kumakain, kaming dalawa ni Ejay, habang silang dalawa enjoy na enjoy sa pinag-uusapan nila tungkol sa kung anu-anong mga bagay.

Hindi ko alam kung selos or whatever yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ganito din ba yung hate na naramdaman ko towards Liezel nung mga panahong nilalandi n'ya si Sir at nagpapalandi si Sir. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, ayaw kong may ibang babaing nakakapagpatawa ng sobra kay Alfred bukod sa'kin. Ang alam ko lang ayaw kong bukod pa sa'kin, may iba pang babaing nage-enjoy si Alfred na kasama. Ayokong may ibang babaing tinitignan s'ya, kagaya ng pagtingin n'ya sa'kin.

Tapos tumingin ako kay Ejay. Tumingin din s'ya sa'kin. At nawala lahat insecurities ko nung ngumiti s'ya.

Continue Reading

You'll Also Like

334K 4.1K 75
Prologue Waiting for someone is the sweetest, yet the hardest thing that you can do for your loved one. Lalo na kung hindi mo alam kung meron ka nga...
1.5K 184 48
Love has no gender choice, anyone can be love and everyone can love, but let us choose the person that is faithful and love us, the person we don't...
14.4K 177 65
Welcome
5M 152K 56
KISSING MY KRYPTONITE • WRITTEN IN TAGLISH • SAPPHIC ROMANCE [Dark Femme Fatale x Female Casanova] Ezra Meziah Veneracion breaks hearts for sport. I...
Wattpad App - Unlock exclusive features