Thalia's POV
"Oh tapos? Anong nangyari?"
"Eh ayun nga napagalitan ako ng bonggang bongga ng librarian. Sinamaan pa ako ng tingin."
"Eh yaan mo na lang besh, menopausal stage na yan eh. Sooner or later retired na yan. Lola na, kaya ibalato mo na lang sa kanya ang pagkakasigaw sayo."
"Ehhh kainis naman kasi besh eh! Chansa ko nang ma solo si Ken."
"Eh kung bantayan mo kaya ulit bukas sa lib? Baka pumunta siya ulit dun?"
"Besh! ang talino mo talaga! Ba't di ko naisip yun?"
"Eh kasi puros na lang Ken ang nasa isip mo o di kaya naman todo buhos ang oras sa praybeyt personal journal na yan!"
"Sheesh! Oo na besh! byeeee!!" Binaba ko na ang telepono.
Sa lahat ng tao kay Mimi ko lang ipinagkakatiwala ang sekreto ko. Ooops! di ko pwedeng sabihin kung ano yun kasi secret nga devah?
May secret bang pinapakalat at pinagsasabi?
Oo meron. Kapag sinabi mo sa di katiwatiwalang tao ang sekreto mo paniguradong kakalat yan mabilis pa sa showbiz news report.
Hoy, subconscious ko tumahimik ka diyan! Wala ka sa posisyon magpahayag ng opinyon mo. Tandaan mo, dahil sayo kanina napagalitan ako ng librarian na nasa menopausal stage at napaalis tuloy ako ng labag sa kalooban ko.
********
Kinabukasan bumalik ako ng lib para silipin kung andun si Ken, my prince charming.
Ikot ikot, ikot ikot lang.
Kanina pa ako ikot ng ikot daig ko na ang ikot ikot ni Sarag G. Pero di ko talaga ma sight si Ken. Awwww :'(
Nagmadali pa naman akong umalis pagkatapos ng klase baka sakaling maabutan ko siya. Pero wala :'(
Umalis na ako ng lib at uuwi na ng may naghagis sa akin ng bag.
"Aray! Sinong langyang nagtapon nito?"
"Ako bakit, may angal ka?"
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ba't mo ko hinagisan ng bag ha?!"
"Bitbitin mo yan. May practice ako ngayon."
Wow anong akala niya sa akin, yaya niya? Dakilang tagabuhat ng bag niya? Edi sana nagpalagay na lang siya ng sign na "Wanted: Tagabuhat ng Bag" sigurado naman na maraming magkakandarapa maging yaya niya.
"At sinong may sabing susundin kita? Sino ka ba sa akala mo?"
"Ayaw mo kong sundin?"
Ay naku po gods, pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko baka sumabog ako sa harap ng lalakeng ito.
"Ayaw! Hinding-hindi kita susundin!"
Humanap ka ng yaya mo na uutusan at papasweldohan. Di naman mababa ang standards ko para lang maging yaya at utusan mo. I have high standards, excuse me!
Kahit nerd ako may dignidad pa rin naman ako noh.
"Sigurado ka ba na hindi mo ako susundin?"
Aba kung makangisi at pagtaasan ako ng kilay parang may maitim na balak! Kala niya gwapo siya? Tanga lang ang magkakagusto sa taong ito na may maitim na budhi at ugali!
"Hindi ako susunod sayo!"
"Okay, your choice."
Parang hindi ko ata gusto ang mga titig niya!
********
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! IBABA MO AKO DITO! MICHAEL HAUTEA!!!!"
Lang konsensya talaga ang lalakeng yun! Isabit ba naman ako dito sa may basketball ring!
Waaaaaaaaa! Pinanganak pa naman akong may takot sa heights! Jusko po!!
Wag sana maputol yung lubid baka bali-bali na ang katawan ko nito bukas sa pagkahulog ko dito.
Humanda ka sa akin pagnakaalis ako dito! Wala akong pakialam kung ma kick out man ako, mapapatay talaga kita!
Langya ka! Potcha! Bumuka sana ang lupa at lamunin ka ng impyerno!!
*** After 12345 years***
"May tao ba diyan?! Tulong! Tulong naman diyan oh!" huhuhuhu :'(
Bwesit ka talaga Michael John Ford Hautea! Ang sama mo! Right hand ka ba ni Lucifer???
huhuhuhuhu :'(
Tiningnan ko ang malaking orasan na nakasabit sa kabilang wall. Quarter to six na.
Siguro kanina pa ako inaantay ni Manong.
May narinig akong ingay sa labas.
"Tulong!! Tulungan niyo ako!!!"
Huhuhuhuhu!! :'( Di ako narining! Iyak na lang ako dito. Huhuhuhu :'((
Ken's POV
"Mr Reyes! Tinulugan mo na naman ang klase ko."
"Inaantok lang po sir pasensya na."
"Mr. Reyes, hindi sleeping hour ang klase ko. And for your punishment pumunta ka sa gym at mop-an mo ang floor."
Binigay niya sa akin ang mop. Tsk!
"But sir! it's already 6pm!"
"I don't care Mr. Reyes. That's what you get for sleeping during my class. Now, let this be a lesson for you."
Tsk!!!....kinuha ko yung mop sa kanya. Sabagay mas mabuti na nga lang na mop-an ko yung gym kesa naman linisin ko yung CR.
Actually malinis naman sila eh, kita mo yung CR ng mga 5-star hotels? Yun ang itsura ng mga CR's dito sa FA at ganun din kalinis so there's really no point na ipalinis pa sa mga students as a punishment.
Same goes for our gym, malinis, makintab pero wala lang talaga sigurong maiutos si prof as my punishment kaya napagutusan akong mag mop.
Kala ko pa naman free na ako at makakauwi na. Plano ko pa naman matulog buong magdamag sa bahay.
Kulang na naman ako sa tulog. Nagskype kasi ako.
Papunta na ako ngayon ng gym. May sign na nakalagay sa pintuan.
Don't open OR ELSE.-MH
Tsk. To talagang si Michael ano na naman kaya ang ginawa niya? Don't tell me may sinabit na naman siya sa basketball ring?
Pagbukas ko ng pinto, nakita kong may nakasabit nga sa ring.
Nag-ala sadako pa ang peg ng babaeng nakasabit. Pano ba naman kasi eh natabunan ng buhok ang mukha niya.
Lumapit ako, yung mop napabayaan na. Bahala na si prof, di rin naman niya malalaman kung hindi ko ni mop-an yung floor. Makintab naman eh.
*poke* *poke*
Grabe naman kung makatulog ang babaeng to. Parang mantika lang.
Kinalas ko na lang ang lubid at dahan-dahang ibinaba ang babae.
*poke* *poke*
Tulog pa rin? tsk! ahhgh! Ang bigat niya! Dumudulas na ang lubid sa kamay ko.....
*dgsjhfsfjllasjhsg* Nabitawan ko ang lubid!
*Booogsh!*
ouch! ansakit ata ng pagkahulog niya. Medyo tumaas ang palda niya.
OY!! alam ko ang iniisip niyo! Pwes nagkakamali kayo! Di ako pervert ah! Tsaka may leggings siyang suot. Kaya di lumabas ang undies niya..
Nagising na siya.
"A-asan na ako?"
Amnesia? Pwede ba yun?
"Sa heaven na ba ako?"
Mukhang napalakas nga ata ang bagsak ng isang to. Kung ano ano na lang ang sinasabi.
"Nasa gym ka."
END OF CHAPTER 3
COMMENT. VOTE. FAN.