"Kre, may scheduled seminar ka pala sa Cebu.",sabi ni Jasmin kay Krezia habang nagmamadaling inaayos ang kanyang bag. "Bakit ngayon mo lang sinabi?Kailan ba yan?",iritadong tanong nito kay Jasmin dala ng pagkagulat sa surprise appointment. "Bukas.",sagot nito. Nandilat ang mata ni Krezia sa sinabi ng secretarya.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Ano oras flight ko?",sagot nito habang patuloy na nag-aayos. "7 am po.",sagot nito habang nakayuko. "Sa susunod sabihin mo na sa akin Jas para hindi ako natataranta..",mahinahong sabi nito at agad na umalis para sa isang meeting kasama sina Boss Phillip at iba pang Djs.
Tahimik at nakapikit na nakikinig ng Music sa kanyang IPOD si Krezia gamit ang kanyang headset. Biglang naramdaman niyang may nakaupo sa kanyang tabi ngunit hindi niya iyon pinansin. Di nagtagal ay dinalaw siya ng antok dahil sa pinapakinggan ng biglang lumapit ang stewardess at may inabot na menu. Naiiritang tinanggal ni Krezia ang kanyang headset at binalingan ng tingin ang katabi ng napansin niyang panay ay pangangalabit nito sa kanya. Imbis na magulat ay mas nabigla pa ito sa kanyang nakita, Si Resty!
"Miss, she would like you to sit properly, you're slouching.",sabi nito sa isang pormal na boses. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa nakita kaya agad rin siyang umayos sa pagkakauupo. "Thank you maam, would you like to order something?",magalang na tugon ng stewardess. "Pancakes with black coffee Miss, Thank you.",pormal rin nitong sagot. Biglang nailang si Krezia sa katabi na nagbabasa ng newspaper habang kumakain ng sandwich kaya mas ibinabaling niya ang atensyon sa mga ulap.
Hindi rin nagtagal ay dumating na rin ang kanyang order. Agad niyang nilagyan ng butter ang pancake atsaka nilagyan ng maple syrup. Bigla namang gumalaw si Resty dahil inililipat niya ng pahina ang newspaper ng natapon ang maple syrup sa newspaper na binabasa niya. Nagulat si Krezia sa kanyang nagawa at awtomatikong ipinupunas ang tissue sa may pantalon ni Resty. Nailang naman si Resty sa ginawa nito kaya kinuha na lamang ang tissue at siya nagpatuloy sa pagpupunas.
"Di ka pa rin talaga nagbabago.",pabulong na sabi into habang pinupunasan ang pantalon. "Excuse me?",iritadong tanong nito.
Isang ngiti lang ang iginanti ni Resty sa kanya. God knows how I missed his smile!Di man niya aminin ay namimiss nya na ang ngiting ginawa niyang mundo niya. Kahit malaki ang ibinagsak ng katawan nito ay di parin maikukumbli ang sobrang gandang lalaki nito. Di rin niya maiwasang tingnan ang kanyang pag-itim pero bagay naman ito sa kanyang puting polo shirt na sinusuot tama rin upang lumabas ang kanyang kulay moreno.
Patuloy na lamang siyang kumain, kahit masarap ang pagkain ay hindi maiwasan ni Krezia ang kumain ng nakausmod ang nguso. Nang biglang napansin niyang nakatingin na pala si Resty sa kanya.
"Bakit?",tanong niya rito. Isang iling lang ang isinagot ni Resty sa dalaga. Siguro ay napansin nitong naka-make up siya dahil noon ay hindi naman siya naka-make up kapag lumalabas. Biglang na concious si Krezia sa kanyang mukha kaya mas yumuko siya.
Buong oras ay nagkailangan lang ang dalawa dahil sa sobrang dikit ng kanilang upuan. Hindi naman maiwasan na magnakawan sila ng tingin. Hanggang sa dumating na sila ng Cebu at dahan-dahan lumapag ang eroplano sa Cebu Airport. Unang umalis si Resty ngunit hindi na nasundan ni Krezia kung saan na nagpunta dahil sa sobrang napakaraming taong bumababa sa eroplano.
Sa Arrival Area ay pilit na pinapasyal ang mata sa paligid dahil tila wala pa ang kanyang sundo. Mahigit na Alas 11 na ng tanghali ay wala parin ang sundo niya kaya napagpasyahan niyang pumara ng taxi. Akmang papara na siya ay may isang puting Mitsubishi Montero sa kanyang harapan. Kumunot ang kanyang noo ng makita kung sino ang nasa loob.
"Halika na.", aya ni Resty sa kanya. "Don't bother.",tanggi nito habang pilit na naghahanap ng taxi. "Dali na, sulod na ba.",sabi nito sa wikang Cebuano. "Ano?",naguguluhang tanong nito. "Tingnan mo,sasakay ka ng taxi tapos di ka nakakaintindi ng cebuano. Halika na.",aya nito habang binubuksan ang pintuan.
Wala na ring nagawa si Krezia kundi sumakay dahil sa sobrang kakulitan nito. Hindi naging kumportable si Krezia sa suot niyang palda kaya pilit niyang hinihila ito pababa upang di makita ang kanyang makinis na legs.
"San ka ba pupunta? Atsaka bakit ka andito sa Cebu?",tanong nito na parang ipinapasyal ang kanyang mata sa magandang tanawin na nasa kanyang harapan.
"Waterfront, may seminar ako.",sagot nito habang umiiwas sa tingin ni Resty. "Hatid na kita.",sabi nito. Tahimik lamang si Krezia sa buong byahe, hindi rin naman siya kinakausap ni Resty. Bakit kaya nasa Cebu si Resty? Kahit gusto niya itong tanungin ito pero may pride na pumipigil sa kanya. Kahit na sa panaginip ay hindi na inisip ni Krezia na sasakay pa siya sa iisang sasakyan si Resty. Di maalis sa kanyang isip ang pagkakaroon nito ng anak kay leslie ngunit ng kanyang tingnan ang daliri nito ay wala naman itong suot na singsing. Naguguluhan na siya sa nakita buti na lang ay nasa Waterfront na sila.
"Andito na tayo, ilang days ka ba dito?",tanong nito habang ipinapark ang sasakyan. "four days lang, usuall seminar.",ilang na sagot nito. "Okay then, alam mo pwede mo naman ako maging driver mo while you're here.",pagbabakasali nito. "Wag na. Salamat sa paghatid.",sagot nito pagkatapos ay bumaba na rin at dinala ang mga gamit.
Isang nationwide seminar ito ng mga Radio broadcasters at Djs na kabilang sa NRAA o National Radio Analyst Association. Tanging si Krezia lang sa kanilang station ang nagkaroon ng pagkakataon na mapabilang sa nasabilang sa grupo dahil na rin sa mga award na nakuha niya bilang DJ. Sa buong araw ay nakinig lamang si Krezia kaya naman di matatago sa kanya ang pagkapagod galing sa seminar.
Habang nakahiga sa kanyang kama, may kumakatok sa kanyang pintuan.
"Hello, I'm one of the organizers, I would like to inform you to be in your sports attire in central stadium tommorow morning.",sabi nito. "Okay, thank you, goodnight.",kunot-noong sumagot si Krezia sa Organizer.
Sports attire? May corporate team building? Naku naman talaga!
Kinabukasan, isang malabnaw na mukha ang ipinakita ni Krezia sa lahat. Tila may natatawa rin naman sa kanya dahil alam nilang unang beses pa lamang ito sasali sa seminar kaya di alam na may team building.
Nagsimula na ang team building, ang unang challenge ay ikinalat silang lahat sa buong Mandaue Cebu para hanapin ang isa't isa gamit lamang ang 50 pesos na pamasahe. Tila wala namang kaalam-alam si Krezia sa buong Cebu kaya alam niyang matatalo lang sila sa challenge na ito lalo pa at wala silang means of communication. Napunta si Krezia sa Ayala Mall sa Cebu, hindi niya alam kung ano ang gagawin basta nagtanong lang siya ng nagtanong hanggang sa may isang trycycle driver na lumapit sa kanya.
"Miss, alam ko kung saan yan. Pwede kitang ihatid doon, magkano ba pera mo? ",alok ng isang driver. "50 pesos lang po, pwede na po ba to?",tanong niya.
"Oo naman, halika. ",aya ng driver. Tumagal ang byahe nila ngunit tila wala siyang mahanap na red flag. Nakikita niya ring parang pati ang driver ay nalilito na rin sa daan.
"Ang alam ko kasi miss,diretso ka lang diyan sa may dulo,tapos doon, madami ng mga kasamahan mo doon.",turo ng driver. "Okay po, salamat.",bumaba ito.
Agad naman itong naglakad hanggang sa dulo ng sinasabi ng driver ngunit tila nagulat siya ng wala na ang kanyang mga kasamahan doon. Natataranta na siya sa kakahanap ng paraan pero walang taong nagagawi sa park na iyon. Tila isnag pinaglumaang park na ito. Hindi niya alam ang gagawin, kaya umupo na lamang muna siya para maghintay ngunit tila didilim na ay wala paring taong nagpupunta doon. Nagsimula na siyang mag-alala sa nangyayari, hindi niya na alam ang gagawin kaya naisip niya nalang na maglakad at maghanap ng taxi para ihatid sya sa Hotel. Ngunit kahit isa ay walang taxi na dumadaan.
Kumakain na ang buong kasamahan ni Krezia sa hotel ay hindi parin nila makita si Krezia. Nagsimula na rin silang mag-alala sa kasama. Nagpatulong sila sa pulis upang makita si Krezia.
Habang naglalakad ay umiiyak si Krezia dahil sa sobrang pag-aalala niya na baka anong mangyari sa kanya. Hindi na niya alam ang gagawin. Kaya umupo na lamang siya sa isang bench katapat ng kalsada.
"Di ka parin talaga nagbago, tanga ka parin.",sabi ng isang lalaki mula sa likuran. Alam niya kung kaninong boses iyon pero pilit niyang hinahanap dahil sa sobrang dilim. Nang maaninag na ang mukha ni Resty ay agad niya itong niyakap ng mahigpit.
"Salamat talaga.",sabi nito habang isinusubsob ang mukha sa kanyang dibdib. "Wag kang mag-alala.",bulong nito sa kanyang tainga. Nakangiti siyang nakasakay sa sasakyan nito, hindi naman maalis ni Resty ang ngumiti sa kanya.
Imbes na sa Hotel siya nito ihatid ay nagpunta sila sa isang malaking bahay. Natataka ang mukha nito ng pagpasok sa buong bahay, tila isang mansyon ang nakikita niya. Mula sa garden hanggang sa loob, malalaman mong pinagagastusan.
"This is my Dad's house.",sabi niya habang hinahawakan ang kamay ng dalaga. "Why're we here?",takang tanong nito. "Magbihis ka muna sa taas, tapos kakain din tayo.",agad namang bumungad sa kanya ang isang dalagang nakauniporme ng isang kasambahay. Agad naman siyang sumunod dito kahit hindi niya alam kung anong gagawin sa kanya.
Matapos magbihis ay inalalayan siya ng babae sa kusina upang kumain, nandoon na rin si Resty na nakaupo na.
"Come here.",aya nito sa kanyang tabi agad naman din siyang umupo. "Kain ka ng marami, pumapayat ka na.",sabi nito habang itinatapat sa kanya ang mga pagkain sa round table. Pormal namang kumain si Krezia at pagkatapos ay sumakay na rin sa sasakyan.
"Are you okay?",tanong ni Resty sa kanya. "Yes.",isang matipid na sagot lang ang sinabi nito. Tahimik na nagdrive si Resty papunta sa Hotel, panay ang pagnakaw niya ng tingin sa dalaga na napupuna naman ng dalaga. Matagal ang walang imikan nilang dalawa kaya hindi na napiligilan ni Resty na mapabuntong-hininga at pinahinto ang sasakyan sa tabi.
Nagulat si Krezia sa pagpihit nito ng brake. Hindi niya alam kung ano na naman ang susunod na plano ng binata.
"Kre, I can't do this anymore.",sabi nito sa isang mahinang boses. "Can't do what?",sarkastikong tanong ni Krezia.
"I can't be silent if my hearts goes wild whenever I see you!",sigaw nito habang iniuuntog ang ulo sa manibela.
Natahimik si Krezia sa sinabi nito. "You heard it right, I'm still in love with you, so madly inlove you Kre.",sabi into sa basag na boses, dahil tila umiiyak na ito. "Hindi mo lang alam kung gaano ako nakokonsyensya sa ginawa ko sayo. Araw-araw iniisip kita, araw-araw naaaalala parin kita.",dagdag na nito.
Hindi maiwasan ni Krezia ang magalit sa sinabi ni Resty, sobra siyang nasaktan sa ginawa niya ng lalaking minahal niya at ngayon andito siya upang sabihing mahal niya ito?
"How could you say that, isa lang ang totoo sa atin Res. Minahal kita ng sobra-sobra, pero niloko mo lang ako. Hindi mo alam ano ang pinagdaanan ko para makawala lang sa pag-ibig ko sayo pero heto ka bumabalik na parang walang nangyari?It's way too late Res.",sabi ni Krezia habang umiiyak. Hindi niya mapigilang tingnan si Resty ng masama.
"Kre, ikaw ang buhay ko, kaso naging tanga lang ako para isiping saktan ka. Mahal kita, kung alam mo lang ang totoo.",sabi nito habang hinahampas ang manibela. "Mahal kita Kre.",bulong nito. "Stop Lying.",sagot nito habang humahagulgol.
Matagal na naging tahimik ang dalawa, tila naman di na nakaya ni Krezia at bumaba sa sasakyan at pumara ng Taxi. Walang nagawa si Resty kundi pakawalan ang taong pinakamamahal niya.
Di paman tapos ang seminar ay naisipan na ni Krezia na umuwi ng Manila dahil sa sama ng pakiramdam. Pinayagan naman siya ng lahat dahil na rin sa nangyaring pagkawala niya sa kalagitnaan ng Team Building.
Mahal siya ni Res? Impossible. Kung mahal niya ako, hindi niya ako tatalikuran para kay Leslie. Pero ginawa niya.