Mag-a-attend ng party sina Christie at Kevin.
Isa daw kaibigan ni Kevin way back from college ang nag-imbita dito.
Magpo-propose daw kasi sa girlfriend nito.
Habang nasa sasakyan sila ni Kevin ay pareho lang silang tahimik.
Bigla nitong hinawakan ang kamay niya.
"Kevin, nagda-drive ka." natatawang sabi niya.
"I can manage it with my one hand." pagyayabang nito.
Natawa siya.
"Christie..."
Lumingon siya kay Kevin.
"Ikaw? Gusto mo na bang magkaroon ng pamilya? As in, bubuo ng family." --Kevin
"Sino ba naman ang aayaw doon? Karamihan naman ay gustong bumuo ng sariling pamilya."
"Saan mo gustong ikasal? Something simple? Beach wedding?"--Kevin
Nag-isip siya.
Parang may nagtanong na sa kanya ng ganun, ah.
Pero...
Another piece of memory came into her mind.
"Kung magpapakasal tayo, saan mo gusto? Church wedding, beach wedding, garden wedding,
o kahit na ano pang lugar basta dudugtungan ng wedding sa huli?"
Naipilig niya ang ulo.
Nag-flash na naman ang lalaking blurred ang mukha.
Napahawak siya sa ulo.
"Christie, masakit ang ulo mo?" nag-aalalalang tanong ni Kevin.
"Hindi naman. It's j-just that...I'm confused already. Ang daming nagfa-flash na scenes sa utak ko.
But I can't understand it. And I saw this particular man but I can't see his face. Mga lugar na alam
kong pamilyar ako pero hindi ko matandaan. Kevin, ano'ng ibig sabihin ng mga nakikita kong
flashbacks?"
Natahimik si Kevin.
Mayamaya pa'y nagsalita na ito.
"Christie, huwag mo na lang pilitin ang mga bagay na hindi mo matandaan. Time will come na
mataandaan mo rin ang mga bagay-bagay."
"But Kevin--"
"We're here."
Nag-park ito sa malawak na parking lot ng mansion ng kaibigan nito.
Obviously, ayaw nitong pag-usapan nila ang mga "bagay-bagay" na sinasabi niya.
___________________________________________________________________________
Imbitado si Ryan sa engagement party ni Raffy, kaibigan niya noong college.
Magpo-propose na kasi ito sa girlfriend nito.
Pagpasok niya sa mansion nito ay sinalubong siya ni Raffy.
"I'm glad you did it." --Raffy
Nakipag-high five siya dito.
"Syempre, ikaw pa! Nasaan na ang girlfriend mo?"
"Mamaya pa iyon. Surprise 'to eh." ngiting-ngiti si Raffy
He's glad na ang maloko niyang kaibigan ay lalagay na sa tahimik. For good.
Hindi pa niya mapuntahan si Christie dahil madami pa siyang dapat asikasuhin.
After that night ay aayusin niya ang schedule niya para makita na niya si Christie.
Hindi niya ito tinawagan para i-surprise ito.
"Sige, pare. May gagawin lang ako. Maiwan muna kita dito."
Nagpunta siya sa balcony ng mansion.
Kumuha siya ng wine nang may dumaang waiter na may dalang tray ng wine.
Iniisip niya, paano kaya niya isu-surprise si Christie?
Sinabi kaya dito ni Jhane ang tungkol kay Trixie?
He could explain to her.
Huminga siya ng malalim.
Life's full of surprises.
Parang magnet na napatingin siya sa narinig na boses.
Boses ni Kevin.
Nilingon niya iyon.
Si Kevin nga.
Nakikipagkamay ito sa kakilala nito.
Pero nagulat siya nang makita si Christie sa tabi nito.
Holding hands ang mga ito.
Mayamaya pa'y may ibinulong ito kay Kevin at umalis.
Sinundan niya ito.
Papunta pala ito ng ladies' room.
Hinintay na lamang niya ito sa labas.
Hindi nagtagal ay lumabas na ito.
"Christie..." tawag niya dito.
Lumingon naman ito sa kanya.
Lumapit siya dito at niyakap ito.
"I missed you so much. How are you? Isu-surprise sana kita pero hindi kita ma-contact."
Pero wala man lang kasali-salita si Christie kaya binitawan niya ito.
When he saw her face, all he saw was confusion.
"Sino ka? Sorry ha. Nagka-amnesia ako eh. Are you one of my friends?" --Christie
"Christie." --Kevin
Napalingon siya kay Kevin.
Lumapit ito kay Christie.
"Kevin, sino siya?" --Christie
Tumingin sa kanya si Kevin.
"He's... a friend. A very important friend." --Kevin
"But--"
"Long time no see, Ryan. Kailan ka pa dumating?" --Kevin
"W-wait, Kevin. As long as I can remember, girlfriend ko pa rin si--"
"Let's just talk later. May kailangan kang malaman." seryosong sabi ni Kevin bago nito
hilahin si Christie palayo.
Seriously?
Did that just really happened?
____________________________________________________________________________
Iniwan muna nila ni Kevin si Christie sa table nila at nagpunta sila sa balcony.
"Damn it Kevin! Bakit ganun ang nangyari? Girlfriend mo na si Christie? But we never had--"
"Ryan, gusto mo bang ma-stressed si Christie? Na iyong boyfriend niya, nakikipag--"
"Stop it! You took advantage with Christie, isn't it?"
"I'm just trying to save her. Sa ngayon ay kailangang wala siyang maramdamang emotional
stress."
"Bakit kailangang ligawan mo pa siya?" --Ryan
"Kevin..." tawag ni Christie
"Yes, baby?" --Kevin
"Gusto ko nang umuwi."
Tumingin sa kanya si Kevin.
Sa mahinang boses, "Kung mahal mo si Christie, wala kang sasabihin sa kanya na kahit na ano
mula sa nakaraan niya hangga't hindi pa siya nakaka-recover."--Kevin
Tiningnan lamang niya ito ng masama.
Damn Kevin!!
May pagtapik pa ito sa balikat niya na akala mo'y nagkasundo sila sa sinabi nito.
Lumapit na ito kay Christie at si Christie naman ay kumapit sa braso nito.
Parang gusto niyang bigwasan ng suntok si Kevin.
He longed for Christine for so long.
And now, ito ang nangyari?
May iba na itong boyfriend?
Hindi niya ito masisisi...
She had an amnesia.
But still...
He swear, gagawin niya ang lahat para maalala siya ni Christie.
Na mahal siya nito at hindi si Kevin.