Mission: Finding Mr. Superman

By AlonaLadeeda

861 21 20

Si Melo Lelina ay isang babaeng 'No Boyfriend Since Birth' at kwinekwestiyon ang meaning ng love and soulmate... More

Prologue
1. Pink Envelope
2. Three Suspects
3. Wonderwall
4. For Hire?!
5. Apology Accepted
7. Instant Ligaw?!
8. Scarlet Letter

6. Reality Check

80 1 0
By AlonaLadeeda

"Miss Lelina!!"

"Yes Ma'am?!!" napatayo ako bigla sa pagkakalupasay ko sa table ko at humarap sa nakakatakot na galit na itsura ni Mrs. Villanueva, ang English teacher namin. May hawak-hawak siyang meter stick sa kanang kamay niya. Nakuu po~!! Wag naman niya ako sana paluin sa pwet nyang dambuhalang ruler na yan!! ( TT  ^ TT )

"Before everything else, I would like you to wipe off the drip on the left part of your lip," sabi ni Ma'am Villanueva. Hanu daw?!?! Straight english e! Nakakadugo. Pwede paki-ulet? Sa language naman na maiintindihan ko.

"Ma'am, Pardon?" sagot ko naman sa kanya.

Akala niya ha! Siya lang marunong mag-English? Kaya ko din ata yan! Maruong naman ako ng onting-onting English. Onti na nga lang yung alam ko, wrong gramming -este wrong grammar pa! San ka pa?! The best na ako ee!

"I said, would you like to dispose of that drool on your face!" sabi niya ulet.

Di ko pa rin maintindihan. British accent kasi siya, kaya ang dating sa isang unggoy na katulad ko na hindi masyadong magaling mag-English e nagsasalita na siya ng Marsian Language. Anong magagawa ko? Bagong gising na nga ako tapos mag-maMarsian talk pa siya.

"Ma'am, can you please repeat?" sabi ko ulet sa kanya. Di ko kasi talaga maintindihan.

"Ang sabi ko punasan mo yang laway na tumulo sa gilid ng labi mo!!! Is that so much to ask Ms. Lelina? You're already a fourth year student and you cannot even understand a simple sentence!" sabi ni Ma'am habang napa-kamot ulo na lang ako ( = 3 = )

"Hindi ka na nga ganun kabihasa sa English language, and you even dared to sleep in my class?! This is costing you a lot of demerits Miss Lelina!! After class, I would like you to spend your lunch break in the detention room," utos ni Ma'am.

"But Ma'am I - " nag-try akong magpaliwanag.

"No buts!" sabi ni Ma'am at pinaupo na ako habang pinagpapatuloy niya ang pagdi-discuss tungkol kay Shakespeare.

DETENTION?!?! Never pa akong nakapunta dun! Mula kasi bata clean ang record ko kahit di ako ganun katalino. Tapos ngayon, naglaway lang ako sa klase, detention agad?!?! Huhuhuhuhuhuhuh ( TT ^ TT )

Tapos lunch break pa ako pupunta sa detention room? Atat lang?! Pwede namang uwian na lang para makakain ako ng lunch diba?! Nagugutom pa naman ako. ( TTTT ^ TTTT ) Di ako pwedeng mag-skip ng lunch, mamamatay ako sa sobrang gutom!!

Hindi ko naman intensyon na matulog sa klase e. Nakatulog lang ako sa sobrang antok!! Pano ba naman kasi, si Jarrod the demonyito chi-nat ako kagabi sa Facebook. Binulabog pa ako eh stino-stalk ko pa yung wall ni Enzo!

Flashback:

*ting!*

Napatingin ako sa lower part ng monitor ko at nakita na nag-message si Jarrod sa akin. Haist!! Ano nanaman ang problema ng demonyitong ito?! Nambubulabog nanaman!! Jeez! Bakit ko nga pala siya inadd sa FB? Well, blinack-mail lang naman niya ako na sasabihin niya kay Enzo ang tungkol sa pagpasok ko sa shower room ng boys para magtapat. Hindi ko naman kasalanan yun e! Peer pressure lang!! ( > . < )

Pinindot ko yung pangalan niya at ang ganda ng bungad niya sa akin:

Jarrod: May iuutos ako sayo

Grabe ha?! Di man lang niya piniling mag-good evening?! Simpleng hi lang okay na ako dun e!

Melody: Ano pong kelangan nio mahal na princpe??

Tss. Kung pwede ko lang talagang tadyakan on the spot yang demonyitong yan nagawa ko na e. Kaso, gateway to Enzo nga pala siya. Wag muna sipain ang grasya. Saka na lang pag nakakuha na ng blessings..

Jarrod: I want you to make a fifteen-page report on Aristotle ASAP. More on opinion yun kaya di mo pwedeng i-copy paste sa net.

Melody: Cge, sa susunod na araw merun n... -.-

Jarrod: No. I need it TOMORROW... >:)

Leche kang demonyito ka! Bukas na pala kelangan ngayon mo lang sinabi!! Alam niya ba kung gaano kahirap gumawa ng opinionated na report! Namfufu naman o! Atsaka, bakit ako yung gagawa nito?! Siya kaya estudyante!!

Melody: Yoko nga!!! bkit ako gagawa nyan? report ko ba yan?! dba di nman?! gawin mo yan mag-isa! leche, lam mo b kung anung oras na? alas syete na ng gabi tas ipapagawa mo yan skin? wla pa kming prnter d2 sa bhay tpos magpapaprint p ako sa lbas. gusto mo b akong mamatay ha?!

Namfufuno talaga ng pasensya itong isang ito e! Alas syete na ng gabi, mga two hours ko gagawin yung report niya tapos alas nuebe na nun. May bukas pa ba na computer shop ng ganung oras?! Leche talaga o!!

Jarrod: I won't be able to make it because I have important matters to attend to.

Hindi ba importante yang lecheng report na yan?! Hayaan ko kayang wala siyang assignment bukas??

Jarrod: Kapag di mo yan ginawa, isang salita ko lang kay Enzo, turn off ka na. Gusto mo ba yun? >:)

Mind reader ata etong isang ito! Pano niya nalaman na binabalak kong iwan sa ere yang report niya? NAKAKATAKOT!!! Gagawin ko ba o hindi?? Alam na kasi ni demonyito kung sino weakness ko e, at best friend niya pa! Tengne this! Gagawin ko ba o hindi? Gabi na kasi at nakakatamad!! ( ~ _ ~ )

Melody: Ou n! gagawin n.. pnu ko ipapaprint? wla nang bukas ng computer shop pag ntapos ko ung report mu? pwede bng ikaw n lng magprint? send ko n lng sau ung file...

Naghintay ako ng ilang minutes pa at di pa rin siya sumasagot.

5 minutes . . .

7 minutes . . .

10 minutes . . .

Natapos ko na yung first three paragraphs ng report niya wala pa rin

12 minutes . . .

15 minutes . . .

20 minutes . . .

Seen 7:24 pm

Tengene!!! SEENZONED BA NAMAN AKO?!?! LECHUGAS NA PETCHAY YAN OHHH! Bahala siyang magprint ng lecheng report niya! Basta ako, gagawin ko lang yung part ko!

End of Flashback

Ako naman, uto-uto,ginawa ko yung report ni Jarrod. Natapos ko yung report niya ng mga alas nuebe na. Dapat ise-send ko na kay demonyito yung file, pero ang nangyare, sinendan niya ulit ako ng message sa FB na nagsasabing:

I-print mo na rin yan. I want it to be on a clean short folder. Kapag di mo yun ginawa, ise-send ko kay Enzo yung pic mo nung first year ka nung Christmas party. Yung tumatawa ka ng malakas habang kita yung gilagid..

Lechugas. Yan lang naman ang nakakatakot kapag alam ng taong hate mo ang kahinaan mo. Hindi naman na nagpapa-under ako kay demonyito. Sadyang pag sinabi niya, gagawin niya. Katulad last year, nung merong taga-varsity ng basketball na kumalaban sa kanya, binantaan niya ito na magsisisi ito na kinalaban niya si demonyito. Ang nangyare? Binully lang naman ni demonyito yung guy at napilitang lumipat ng school. Diba? Demonyito Sungay Forever!

Natatakot lang ako na baka gawin niya talaga yun!! Huhuhuhu!! Ampanget ko pa naman dun sa picture na yun!! Mukha akong nakangangang hippoppotamus!! Kaya ayun, napilitan akong maghanap ng computer shop ng ten o'clock kagabi. Kinatok ko pa yung computer shop sa tapat ng bahay namin para mag-paprint. Tapos yung may-ari nung computer shop, sinermonan pa ako. Sabi niya:

"Iha, dapat bago pa mag-alas nuebe, nagpaprint ka na. Natutulog na ako nambubulabog ka pa. Ang lakas-lakas pa ng pagkakakatok mo sa gate namin. Sa sobrang lakas parang gusto mo nang gibain ang bahay namin. Pasalamat ka at magkaibigan kami ng nanay mo dahil kung hindi pinalayas na kita dito sa computer shop ko," sabi nung may-ari with matching hand gestures pa. PUT YOUR HANDS IN THE AIIRRR!!

Kuya, gusto ko lang po magpa-print. Sa Linggo pa po ang misa, wag niyo po munang simulan. Advanced masyado e. ( = ___ = ) Turns out, wala na palang ink yung computer shop na pinuntahan ko. TENGENE YEN!! Anong klaseng computer shop ang walang ink?! Paki-explain naman sa akin. Nasayang yung pakikinig ko sa sermon ni Kuyang May-ari ng Computer Shop.

So, ang ginawa ko, pumunta ako sa bayan at dun nagpa-print. Nagpasama ako kay Kuya kasi medyo late na. Baka may mangyari pa sa akin. Pag may nangyareng masama sa akin, si demonyito talaga sisisihin ko!! ( > ^ < )

Mga thirty minutes lang naman ang biyahe papuntang bayan kaya ayun mga alas jis na ako nakauwi. Nakakainis talaga!! Hmph!! ( > 3 < )

At sa buong thirty minutes na iyon, habang nakasakay kami sa jeep, sinesermonan lang naman ako ni Kuya Park. Kesyo, di ko raw ginawa ng maaga yung assignment ko. Kesyo, ang tamad tamad ko daw, bakit ko pa daw pinagabi yung paggawa ko ng assignment na pati daw ang isang busy na tao na katulad niya ay naistorbo ko. Busy ba? Talaga lang ha??

Grabe lang yung sermon eklavu na inabot ko kay Kuya Park na pinagtitinginan na kami ng tao sa jeep.. Kahiyaaa!! ( > 3 < )

Di ko rin naman masabi kay Kuya Park na hindi naman sa akin yung assignment na yun e. Baka mas lalo pa akong sermonan ng aking madaldal monster kuya!!!

Kaninang umaga, hinampas ko sa pagmumukha ni demonyito yung assignment niya este assignment KO! Wala akong pake kung sa harap ng maraming tao ko inabot yung assignment niya. Nakakainis na e!! Ganto lang naman ang ginawa ko:

Step One: Lumakad kung nasaan ang target.

Step Two: Tawagin ang pangalan niya.

Step Three: Pag tumingin na siya, give him a serious death glare.

Step Four: Sabihin mo: "O, ayan!!" tapos ihampas sa kanya yung folder.

Step Five: Walk away, taas noo. Be proud that you just slapped a jerk with a folder. >:)

I, Melody Juliette Lelina, slapped Jarrod Chace the biggest, most annoying jerk ever born.

Riiiiiiiiinnnnnnnnngggggggg!!!

Hayt! Ayan na. Ang death bell ko. Eto na ang araw na magugutom ako ng lunch break. Kaawaan niyo po ako Lord!! ( ~ . ~ )

Nauna nang lumabas sina Minjie at nag-good luck pa sa akin bago sila pumunta sa cafeteria. Para namang makakain ko ang mga good luck nila. Tss.

Kinuha ko na ung backpack ko at lalabas na sana nangtawagin ako ni Mrs. Villanueva. Andito pa pala siya?! Akala ko wala na.

"Miss Lelina, would you kindly bring these folders to the school publications room? I am needed elsewhere which is why I cannot bring them in personally," sabi niya.

Bakit Ma'am?? Di niyo na ba itutuloy ang field trip ko sa detention room kung dadalhin ko yan sa school pub?? ( * u * )

"After you bring those to the school pub, you can go to the detention room,"

( ~ . ~ ) Hindi rin naman pala maca-cancel yung field trip ko e. Nawalan ako ng PAGASA. At dahil sa likas na mabait akong tao, dinala ko na lang yun sa school pub.

Sa School Pub...

Pumasok ako sa loob ng school pub. Ang daming teacher's tables dun. Saan kaya yung table ni Mrs. Villanueva? Tiningnan ko kung saan yung table niya, pero di ko mahanap e! Uso kasing maglagay ng label sa table..

Sa isang table sa may sulok, may nakita akong estudyante. Nagbabasa siya ng libro kaya natatakpan ng mukha niya. A Midsummer Night's Dream, mahilig sa classics ang isang 'to. Siguro yung taong ito, romantic at madaling pakisamahan.

"Excuse me, pwede magtanong?" tanong ko sa kanya.

Bigla niyang binaba yung binabasa niyang libro. Hmmm, parang kilala ko itong lalaking to ah! Siya si Joacquin Ward. Nakilala ko siya dahil miyembro siya ng Reality Check at kaibigan din siya ni Enzo.

Heartthrob siya dito sa school at lapitin ng babae, kahit na tinataboy niya ang mga ito palayo. Hindi naman sa bakla siya or anything, sadyang SNABERO lang talaga. Matalino at gwapo pero in the same time, tahimik at masungit.

Minsan matatagpuan mu na lang siya sa library or sa school pub or kahit saan na tahimik, nagbabasa.

"Ahhm, gusto ko sanang magtanong kung alam mu kung nasan yung table ni Ma'am Villanueva?" tanong ko sa kanya.

Tinitigan niya lang ako at bumalik sa pagbabasa. Psh! Typical Joacquin Ward!! Sadyang isnabero plus masungit. Hmpp!! Magsisimula na sana akong maglakad palabas

"Yung pangalawang table mula dito sa kinauupuan ko," sabi bigla ni Joacquin.

"H-huh??"

"Sabi ko yung table ni Ma'am Villanueva yung pangalawang table mula dito sa kinauupuan ko," ulit ni Joacquin habang busy sa pagbabasa.

Lumakad ako papunta sa sinabi ni Joacquin at nilapag yung mga folders sa table. Tiningnan ko si Joacquin. Wala, ayun pa rin. Busy sa pagbabasa.

"Thank you," sincere kong sinabi at pumunta na sa may detention room.

Sa may detention room. . .

"Miss Lelina, you are late!!" sabi ni Ma'am Alamario, ang guidance counselor.

"Sorry Ma'am," sabi ko at pinaupo ako ni Ma'am.

Di naman pala ako mag-isa na nasa magla-lunch sa detention. Dalawa naman kami. Kaso nga lang, tulog siya ( ~ . ~ )

Nakatitig ako ngayon sa isang natutulog na Gino Chen, ang drummer ng Reality Check at katropa na rin nina Enzo at Jarrod.

Kilala si Gino dito sa school na ito bilang the Playboy Prince. Yun ang tawag sa kanya dahil nga PLAYBOY siya. Every week, may bago siyang babae na tinatawag niyang Flavor of the Week.

Nandito siguro yang si Gino dahil:

1. Sumagot ng pabalang sa teacher

2. Nakipag-away

3. Natulog sa klase

4. All of the above.

Sa tingin ko number four yung sagot. Masayahin, gwapo (pweh), malakas tumawa at bolero. Yan si Gino Chen.

"Tinititigan mo ba ako?" bigla na lang bumukas yung mga mata niya at tinitingnan ako.

"A-ako? Hindi aahh," depensa ko. Di ko naman namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya.

"Weh?? Di ngaa??" sabi niya habang nakangisi.

"Hindi nga sabi ee!!" napasigaw ako.

"Miss Lelina! One warning!!" sinamaan ako ng tingin ni Ma'am Almaro at naptahimik ako.

"Sabi ko nga e, hindi. Masyado ka namang defensive," natatawang sinabi ni Gino at bumalik sa pagtulog.

Magkapareho siya ng kaibigan niyang si Jarrod. Pareho silang masarap hampasin ng folder. ( ~ . ~ )Pagkatapos ng detention, pumasok na ako sa Math Class, nang hindi kumakain ng lunch!! ( TT ^ TT ) Kanina pag pasok ko ng room, inabutan ako ni Nayeli ng tuna sandwich, kainin ko daw dahil di pa ako nagla-lunch.

Pano ko kaya kakainin yung sandwich eh nagsisimula na yung Math Class? Atsaka mahirap pa namang kumain ng patago sa Math Class kasi super strict yung teacher namin. Pinipilit kong makinig nang mabuti sa tinuturo nung teacher namin. Yung nga numbers sa board, feeling ko nagmumukha nang meatballs at chicken nuggets. Tapos yung nga kaklase ko nagmumukha nang carrots, broccolli, chicken legs at hotdog.

Gruuuuuuuuuuu~!!

Yun na ang tiyan ko na nagsasabing pakainin ko na yung mga uod ko sa tiyan. Kasalanan talaga ito ni demonyito e! Kung di ako napuyat, di ako makakatulog sa klase. Kung di ako nakatulog sa klase, di ako mapupunta ng detention. Kung di ako napunta nang detention, edi nakakain ako. Kung nakakain ako, edi hindi na ako gutom!!

Tinitigan ko yung sandwich na nasa ilalim nang desk ko. Nakakatakam!! Hinawakan ko ang magkabilang dulo neto at dahan-dahang binuksan. Wala na akong pake kung mahuli man akong kumakain sa klase, basta kakain ako ng patago!!

May mga steps naman e kung pano ka successfully kakain ng patago. Ito ang tinatawag kong Melody's Special Technique Number 42

Step One: Buksan ang lalagyan ng sandwich

Step Two: Kumuha ng kapiranggot na piraso ng tinapay.

Step Three: Isubo nang mabilis ang tinapay kapag di nakatingin yung teacher.

Step Four: Nguyain ng mabuti ang tinapay pero wag magpahalta.

Step Five: Act as if nothing happened.

Step Six: Maging proud sa sarili at ulitin ang steps one to six.

Note: Mga bata wag niyo itong gagayahin. Ang technique na ito ay nagagawa lang ng mga eksperto at ginagamit lamang kapag desperado na.

Masaya akong kumakain ng patago nang biglang may kumatok sa front door ng classroom namin. Napatigil ako sa pagnguya at napaupo ng maayos.

Hindi pa binubuksan nung teacher namin yung pintuan nang bigla itong bumukas at sumilip ang isang hingal na hingal pero gwapo pa rin na Enzo Santiago!! ( * u * ) Bakit parang bigla akong nabusog? Isang tingin pa lang kasi ni Enzo, ulam na!! Kyaaaaaahh!! ( > u < )

Naghihiyawan yung mga babae sa classroom nang makita nila si Enzo at yung teacher naman namin, sinusubukan silang patahimikin. Yun na ang pagkakataon ko na titigan at pagpantasyahan si Enzo at in the same time kumain.

Halfway na nakasubo na sa bibig ko yung tinapay nang bigla na lang tumahimik ang lahat at nakatingin sa akin. Sinubo ko na lang yung tinapay at linunok ito. Sheett! Nahuli ako!! Napangiti na lang ako sa kanila at tinago sa ilalim ng desk ko yung tinapay.

"Ikaw ba si Melody Lelina?" nakangiting tanong sa akin ni Enzo.

Totoo ba ito? Tinatanong ako DIRECTLY ni Enzo at in the same time nakangiti sa akin?? Heaveennn~!! ( = w = )

"A-ako... Ako nga," mahina kong sinabi pero sa tingin ko narinig na niya yun.

"Kanina ko pa tinatanong kung sino si Melody Lelina, di ka naman sumasagot. Mamaya mo na kainin yang sandwich mo. Sumama ka muna sa akin," sabi ni Enzo at hindi pa rin nawawala sa mukha niya yung ngiti. Seriously?? Ipapasok ko na ang isang to sa toothpaste commercial pag di tumigil sa kakangiti.

Sinundan ko si Enzo habang naglalakad siya sa hallway, siya yung nangunguna. Actually, hindi ko alam kung saan ba kami pupunta at kung bakit niya ako pinapasama sa kanya. Pwede naman kasing sabihin kung anong kuno ang meron siya diba??

Dumaan kami nang room ng Fourth Year - Einstein, ang first section ng buong senior level. Tumingin ako sa loob ng classroom nila, nakabukas kasi yungga bintana nila e. Kaya nga exposed na exposed kung anong nangyayari sa loob.

Merong teacher na nagtuturo pero parang wala lang silang pake. May nagkwekwentuhan, may nagtatawanan, may mga naglalandian, may mga nagkukulitan at yung iba naman nanananaginip. Isa na dun sa mga natutulog si demonyito. Aba!! Naka-heads down siya at natutulog na para bang sarili niyang bahay ang tinutulugan niya.

"Hi Melo~!!" nagulat na lang ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Darren.

Oo nga pala, taga-first section din ang best friend ko. Nakaupo rin siya malapit sa bintana. Pakaway-kaway naman ang loko sa akin. Kumaway naman ako pabalik sa kanya. Nang makita ako ni Brent, ang isa sa mga kaibigan ni Jarrod, ginising niya ito at ngumuso sa direksyon ko. Tumingin naman ang naalimpungatang si Jarrod. Nakakunot lang ang noo niya habang nakatingin siya sa akin at bumalik na sa pagtulog. #MedyoBastos

"Hello Melody Lelina," bati sa akin ni Brent, siya nga pala yung lalaki sa audition kuno ni demonyito. Kelangan talaga buong pangalan??

Yung mga babae naman ang sasama ng tingin sa akin. Bakit? Well, marami-rami din naman ang mga rason.

1. Nag-hi sa akin si Darren, na isang heartthrob.

2. Nag-hello sa akin si Brent, na isa ring heartthrob.

3. Nakuha ko ang attention ni demonyito na NATUTULOG naman.

4. Dahil kasama ko si Enzo ( ~ u ~ )

Naglakad-lakad pa kami ni Enzo hanggang sa tumigil kami sa tapat ng music room. Nasabi ko na ba na ang music room na ito ay exclusive lang sa mga Reality Check band members?

"Tara na sa loob?" alok sa akin ni Enzo.

"Diyan sa loob ng music room??" gulat na tanong ko sa kanya. Ako???! Makakapasok sa music rom ng Reality Check??!

"Saan pa ba?" sabi naman ni Enzo at binuksan na ang pintuan.

Saloob, nandun na ang dalawa pang members ng banda na sina Joacquin and Gino.

"Welcome to Reality Check!!!" sabay sabay nilang sinabi at biglang may confettinna nahulog.

Si Joacquin naka-pokerface lang habang nakatingin sa akin at tamad na tamad sa paghawak nung kaliwang dulo ng banner habang si Gino naman ang may hawak ng kabilang dulo. Sabi nung banner nila:

Welcome to the band, Melody Lelina!!!

"H-huh?? Anu meron?" yun na lang ang nasabi ko dahil sa pagkabigla.

"Eto ang welcome party mo sa band. Kasali ka na ngayon sa amin!" malumanay na sinabi ni Joacquin.

"That's right, Detention Girl!!" masayang sinabi ni Gino.

"A-ano?!" hindi makapaniwalang sambit ko.

"You're one of us now. Miyembro ka na ng banda," sabi naman ni Enzo.

Huuuuuwaaaaatttt?!?!? Ano daw?! Member na ako ng Reality Check?! Imposible naman yun. Ako?! Isang nobody na si Melody Lelina, makakasali sa mapilit na Reality Check?! Di pa nga nila ako naririnig kumanta e, tinanggap na nila ako?? ( O ____ O )

"H-ha?! Pano??" tanong ko sa kanila.

"Ang dami mo namang tanong detention girl! Kilala mo si Jarrod diba?" - Gino. Tumango naman ako.

"Jarrod is my best friend. Siya ang nagpasok sayo dito sa bandang ito kaya dapat siya ang pasalamatan mo," - Enzo

"Malaki ang tiwala namin kay Jarrod. Kung hindi niya sinabi sa amin na magaling ka, hindi ka namin tatanggapin," - Joacquin.

Aba! May grasya din palang dinadala si demonyito?!? Akalain mo yun oh, tinupad niya yung part ng deal niya. Nakaka-touch nemen! Pero parang di na ako naniwala dun sa part na; Malaki ang tiwala namin kay Jarrod. Wehhh??! Di ngaa...

"Ako nga pala si Lorenzo Santiago, Enzo for short. Ako ang lead vocalist and bassist ng band. Nice to meet you at sana magkasundo tayo," sabi ni Enzo at inextend yung kamay niya. Nakipag-shake hands naman ako sa kanya.

"Nice to meet you too," nagpapa-cute akong ngumiti sa kanya.

"My name is Joacquin Ward, ang guitarist ng banda. Nagkita na tayo diba?" sabi ni Joacquin.

"Yup! Sa school pub," sabi ko naman sa kanya at tumango-tango naman siya.

"Hi~!! Ako nga pala si Gino Chen, ang napaka-gwapong drummer at chick magnet ng banda. Diba nagkita na tayo kanina?? Oo! Nagkita na tayo, sa detention room?? Kung may kelangan ka lang sa akin, lapitan mo lang ako ha? Okay ba yun, detention girl??" sabi ni Gino sabay kumindat pa.

Napa-oo na lang ako sa mga sinabi niya. Ang haba kasi ng introductory speech niya. Ang daldal-daldal pala niya pag nakausap mo na. Madaldal na nga, hambog pa. Sigurado ba kayong lalaki to? Daig pa kasi ang babae kung dumaldal.

"Would you like to hear our newest song?" alok sa akin ni Enzo. Totoo ba ito?? Inaalok ako ni Enzo na marinig ang kanta na isinulat nila ng mga kabanda niya?

"Ikaw ang unang makakarinig neto," sabi ni Enzo at pinaupo ako sa upuan sa tapat ng mala-mini stage sa loob ng music room. Hohohohohohohoho~!!!Ako pa ang unang babaeng makakarinig ng bagong kanta nila!! \( ^ U ^ )/ Other fangirls, mainggit na kayo!

Nagsipuntahan na sila sa kani-kanilang mga pwesto at nag-ready na. Maraming beses ko nang narinig na tumugtog ng live ang Reality Check pero ito ang unang beses na napakinggan ko sila ng malapitan! VIP lang ang peg?

Sumignal na si Enzo at nagsimula na silang tumugtog. Ang gwapo pala ni Enzo pag tumutugtog ng malapitan noh? At ang cool pa nung pagtug-tog nila. Fufufufufu ( > 3 < )

She's walking over to me I'm too scared to move or look in her eyes

She wants to see me tonight

I'm counting down the minutes they pass like hours stuck in time

Stomachs filled with butterflies

Ang galing pala talaga nilang kumanta~!! Lalo na si Enzo!! More on rock kasi ang tinutugtog ng Reality Check e. Kaya nga nagustuhan ko sila e. Hindi sila yung typical boy band na sumasayaw. Sa instruments nila linalabas yung talent nila, and i love it!

(Is it cool if I kiss you)

I'm counting on chances

(Is it cool if I kiss you)

I'm waiting on time

Nagsimula na ring kumanta sa background sina Gino at Joacquin. Ang ganda ng blending ng mga boses nila at ang cool pa ng tune!

Is it cool if I kiss you now maybe some way some how

Tell me that you want me more than I know

Hold your breath we don't need to know whats next

I just want to live this moment with you tonight

Can't sleep can't wait to wake up, no I can't wait to start my day

Knowing I will see your face

Over thinking feeling nervous hope I don't slip and screw this up

Worst of all I'd fall in love

Tumingin sa akin si Enzo habang kumakanta. Diretso lang ang tingin niya sa akin. Pati rin ako, napatingin din ako sa mga mata niya. Ang sincere nilang tingnan at parang matutunaw ako sa titig niya sa akin. Para bang mas nahuhulog ako sa kanya sa bawat segundong tititigan niya ako sa mga mata ko.

(Is it cool if I kiss you)

I'm counting on chances

(Is it cool if I kiss you)

I'm waiting on time

Patuloy lang sa pagkanta si Enzo pero sa akin pa rin siya nakatingin. Napa-iwas ako bigla ng tingin dahil feeling ko nag-iinit na ang mukha ko sa titig niya. Bakit ba hindi siya pumapalpak pagdating sa pagpapa-ibig sa akin? > /////////// <

Is it cool if I kiss you now maybe some way some how

Tell me that you want me more than I know

Hold your breath we don't need to know whats next

I just want to live this moment with you tonight

Naalala ko tuloy yung unang beses na napakinggan ko ang pagkanta ni Enzo at ang pagtugtog ng Reality Check. Student's Fair nun at second year high school pa lang ako nun. Naglilibot ako sa mga booths kasama sina Minjie nang bigla silang tumugtog at isang boses ng anghel ang narinig ko. Ang boses ni Enzo. Katulad noong araw na iyon, nakatingin din siya sa akin nung tumutugtog sila. Yun yung araw na unang tumibok ang puso ko.

I want to live this moment with you

I want this moment to last forever

I want to live this moment with you

I want this moment to last forever

I want to live this moment with you

I want this moment to last forever

I want to live this moment with you

I want this moment to last forever

Dumating na sila sa bridge ng kanta at pagkatapos nun nagsimula na ang guitar solo ni Enzo. Naghe-head bang siya habang tumutugtog, and he does it in a very attractive way.

Is it cool if I kiss you now maybe some way some how

Tell me that you want me more than I know

Hold your breath we don't need to know whats next

I just want to live this moment with you tonight

Tinapos na nila yung kanta nila at pumalakpak naman ako dahil sa ang galing nilang kumanta.

"So, did you like it?" tanong sa akin ni Enzo at tumabi sa akin. Tumango naman ako sa kanya at napaiwas ng tingin. Di pa rin ako maka-get over sa aming titigan session kanina.

"Dude, scoooore!! Mananalo ka na neto!! ( ^ U ^ )" sabi bigla ni Gino at hinampas ng pabiro si Enzo sa balikat. Nahiya naman si Enzo at umiwas ng tingin sa akin.

"H-huh? Mananalo saan??" nagtataka kong tanong at napatingin naman silang tatlo sa akin.

"Shut up, bro! Ang daldal mo talaga. . . A-ahh, wala yun Melody. Gumagana nanaman ang kabaliwan netong si Gino e," singit naman ni Joacquin at tinangay palayo si Gino. Nang makalayo na sina Gino at Joacquin, humarap ulit sa akin si Enzo.

"You've been a really good help Melody," - Enzo

"Huh? Eh wala pa nga akong ginagawa," totoo naman e. Naupo lang ako dito na parang tanga.

"Did you know that that song we performed was the first song I wrote alone. I was so nervous na magiging palpak ito. Salamat sa iyo, dahil ito ang unang beses na naging komportable ako sa babae na nakikinig sa kanta. Parang pag nandyan ka, nawawala yung worries ko," sabi ni Enzo.

"Wala yun!! ( ^ 3 ^ ) Natural powers lang siguro,"

"Atsaka bago ka pa dumating dito sa banda namin, disaster kami. Buti na lang at dumating ka, may aayos na sa magulo naming buhay. Andito ka na kasi e," wala yun! Alam mo naman Enzo diba na tayong dalawa, we're destined for each other. Kaya naman ako talaga ang aayos sa buhay mo~!

"Atsaka meron nang maglilinis netong music room, hindi na rin kami o-order ng fast food kapag Weekend Meetings kasi nandyan ka na para magluto, tapos hindi na rin kami mamomoblema sa mga outside gigs namin kasi nandyan ka na para asikasuhin yun, atsaka-"

"Teka, teka nga! Ano bang ibig mong sabihin?? ( O ____ O )" tanong ko sa kanya.

"Ang ibig kong sabihin, simula nang naging personal assistant ng banda e-" hindi ko na napatapos si Enzo dahil bigla na lang akong napasigaw.

"PERSONAL ASSITANT?!?!"

Turns out, ipinasok nga ako ni Jarrod Demonyito sa Reality Check pero as personal assitant naman slash muchacha slash alalay. Akala ko pa naman as vocalist or guitarist man lang. Marunong naman akong kumanta at mag-gitara e! ( TT ^ TT )

Ang kwinento pala ni Demonyito kina Enzo ay magaling daw ako maglinis, magluto, mag-organize at maglaba. Ano ako?? Katulong?!? Kainis naman yun si Demonyito!! Umasa pa namna ako sa kanya na bibigyan niya ako ng magandang pwesto sa Reality Check.

Pagka-uwi ko, napahiga na lang ako sa kama at nag-isip. Siguro okay na ito. Mas okay na yung maging PA ako ng banda at makasama si Enzo kesa naman sa hindi. Makakasama ko naman siya e, kaya okay lang. Ganun na ba ako ka-desperada? Biglang tumunog ang phone ko at may nag-text.

From: Demonyito

Enjoyed your first day as an official member of Reality Check?

To: Demonyito

Member nga, PA nman. Kla ko p nman vocalist

From: Demonyito

Well sabi mo lang naman ipasok kita sa banda. Hindi mo naman sinabi kung anong gusto mong role...

May point nga naman si Demonyito. Bakit nga ba di ko sinabi kung anong gusto ko diba? Hindi ko na lang siya rineplyan, baka mabara pa ulit ako. After a few minutes, nag-text ulit siya. Teka nga?! Pano nalaman ng lalaking ito ang cellphone number ko?? ( O _____________ O )

From: Demonyito

We need to talk. Meet me sa labas ng gate ng campus 4:00 pm sharp. DON'T BE LATE!

Ano nanaman kayang pakana ang meron itong lalaking ito?!

Author's Note:

Finally!! After weeks ng hindi pagupdate, nakapag-update na rin. Eto na ang handog kong chappie para sa Valentines. Advanced na para masaya!!

Read, vote and comment!! Support MFMS!

~AlonaLadeeda

PS: Hindi na ako matatagalan sa pagupdate, promise! Nabalik na si laptop e

Song: First Kiss by Dave Days

Enzo -------------->

Continue Reading

You'll Also Like

60.9K 630 80
Lumaki si Princess sa isang madilim na mundo ng mafia, kung saan ang lakas at kalupitan ang sukatan ng respeto. Siya ang bunsong anak, ang nag-iisang...
93.9K 2.3K 15
Al FALCON. Naghahanap ng tunay na pag-ibig ng makita at makilala si Rossana, akala niya ito ang babaeng mamahalin pero hindi pala dahil nakalaan na i...
95.4K 1.2K 157
Lumaki si Lingling na buhay prinsesa sa kanilang probinsya. Ngunit dahil sa nangyari sa kanya ay lumuwas siya ng siyudad para doon na muna manirahan...
129K 1.6K 16
Isang babaeng simple at napakasayahin kasama ang kanyang ina ,mga kaibigan Pero ng dumating ang isang mafia boss sa buhay ay nagbago lahat,,naging ta...
Wattpad App - Unlock exclusive features