MsButterfly's BHOCAMP One-Sho...

By MsButterfly

788K 13.5K 761

A collection of one-shots by MsButterfly More

We Can't Be ( Cathlea and Jarrence )
I Can't Forget You ( Ania Gabrielle and Terrence )
I Love You ( Aizel and Zachary )
Don't Break My Heart ( Eliza and Raze )
Mask Girl ( Krincy and Wayne )
Benta Girl ( Samantha and Ryder )
Key Chain ( Cassopea and Kael Paul )
Slave Girl ( Dee and Dex )
Sleeping Handsome ( Amhie and Zane )
I Love scaring- este loving you. ( Cristel Joy and Hale )
Special Chapter (My First Story At The Age Of 13 or 14)
Inday Minie Mouse at Axel Puruntong ( Leenie and Danielle )
Love Hate ( Tricia Andrea and Sly )
Then and Now ( Bea Roque and Xhide Montero )
Mister and Miss Japan ( MeiTohShie and Zhiro Sato )
Christmas Special: Whirlwind
Valentine Special: Tender Love

New Year Special: Competition of Love

31.5K 650 72
By MsButterfly

DEDICATED TO: Shaina Louise
I love BHO&The CAMP because, it gives a sound of family. Na kahit hindi sila magkakadugo, they treat each other like they are blood related. Although fictional siya, parang nangyayari din sa totoong buhay. Ang galing rin po ni ate MsButterfly Watty ^____^. Keep writing stories po. Fighting! ^___^ - Shaina Louise

New Year Special: Competition of Love

Madlim at tahimik ang paligid ngunit nanatili ako sa mataas na puno kung saan ako naroroon. Kaunting minuto na lang....magaganap ang kanina ko pa hinihintay. 

I'm Shadow. Bago ako mapasok sa BHO CAMP, I killed a lot of people. I dont even remember their names anymore. I dont kill because I'm being paid....It's a way of revenge. Those people that I killed had a huge debt to me. Utang na kahit kailan ay hindi nila mababayaran ng pera. A debt that only their lives can pay. So I took it.

And no...I dont have a surname. I dont even know if that's my real name since my parents didnt had the chance of naming me. They were killed a day after I was born. Hindi na nila nagawang ihabilin ako sa iba at ipaalam kung anong ipinangalan nila sa akin. Suwerte ko na lang at nagawa akong iligtas ng matalik na kaibigan ng magulang ko na si Lira at Aston Luna. I grew up normally. Nang mag eighteen ako sinabi ni Mama Lira ang katotohanan sa pagkamatay ng mga magulang ko. Dati silang assasins...and when I came into their lives, they seeked a way out. Pero hindi nila nakuha iyon.

Katulad ng sinabi ko...normal ang naging buhay ko. Tinanggap ko na hindi ko na makikilala ang totoo kong mga magulang. I hava Mama Lira and Papa Aston. But even them...

...

...

was taken away from me.

They were killed like my real parents. They died in front of me. Hindi ko din alam kung bakit hindi ako namatay ng gabing iyon...I was badly hurt but I didnt die. Marahil ay dahil sa kailangan ko silang ipaghiganti. That became my mission. At that moment I hardened myself. Mira Luna...the name that my adopted parents had given me had succumb to her own shadow. I became the shadow.

I killed those who were involved. But when I only have the leader to kill...the last one I'm going to kill, I met one of the elite agents of BHO CAMP.

Mishiella Night.

Nakumbinsi niya ako na baguhin ang daan na tinatahak ko. I surrendered Terino to them and I became one of the agents of BHO CAMP. Something about Ma'am Mishy made me stop. Maybe because even though she's old enough to be my mother and at that time she's holding a gun while wearing her pajamas, one look at her eyes had told me that she knows what I'm going through.

"Psst."

Napapitlag ako mula sa malalim kong iniisip. Nilingon ko ang puno di kalayuan sa akin at tinignan ko ng masama ang taong hindi ko alam kung bakit lagi ko na lang nakakapartner.

Peniel Shin Paxon.

Hindi po siya Korean. Nagpapanggap lang.

-__________-

Pinoy na pinoy ang hudas na yan. Adik nga lang sa mga Korean. Siya lang ata ang lalaking nakilala ko na KPOP fan. Palibasa ang nanay niya sinasamba din ang mga Korean. Obvious naman diba? Pangalan pa lang alam ng adik ang nanay niya mga Korean Korean na yan.

Anong lahi ng asong kalye na to? Half canadian po siya. Gaya ng inaasahan malakas ang dugo ng tatay niya kaya walang magkakamali na may iba siyang lahi. Sa blue eyes niya pa lang alam na.

Kaya lang mukhang hindi talaga matatakasan ng lalaking to ang kahibangan ni Tita Sally sa mga Korean. Kaya ayan adik din sa Korean ang taong ito.

"Tumahimik ka."-me

"Tong babaeng to talaga. Ang laki ng galit mo sa gwapo ah."

"Hindi ako galit sa gwapo."

"Eh bakit galit na galit ka sakin?"

"Obviously dahil hindi ka gwapo."

Dahil sa contact lense na suot ko kitang-kita ko ang pag pout niya. I rolled my eyes at binalik ko sa tinitignan ko ang atensyon ko.

"Sungit."-peniel

"Shut up. Nasa mission tayo, umayos ka."

"Sorry Sorry Sorry Sorry Naega naega naega meonjeo nege nege nege ppajyeo-"

"Paxon!"

"Aray naman! Peniel Shin. P-E-N-I-E-L S-H-I-N."

"Itigil mo ang paghahaluccinate mo diyan. Tanggapin mo ng wala kang dugong intsik at habang-buhay ng Paxon ang apelido mo."

"Hindi sila intsik! Korean. Korean, okay? Hindi sila Chinese."

"Whatever. Just shut up. Wala tayong oras para sa Koreanese mo."

Pakiramdam ko pinapatay na niya ako sa tingin. Hindi ko na siya pinansin dahil nakita kong may biglang sumulpot na tatlong lalaki sa lugar kung saan kanina ko pa binabantayan. Mukhang oras na para sa meeting na gagawin ng tatlong underground drug lords ngayon.

"Manalo matalo tayo ulit."-peniel

"Fine."

"Mapapatumba ko silang lahat ngayon ng hindi kailangan ang tulong mo. Woot woot! Siguradong panalo ako niyan!"

"Fine."

Dahil nga sa lagi na lang kaming magkapartner, nabuo ang 'Manalo Matalo' game. Walang price. Basta masabi lang na nanalo, okay na. Palaging ako ang nanalo....malakas lang talaga ang fighting spirit ng nagpapanggap na korean na to dahil kahit kailan ay hindi pa siya nananalo.

"Annyong, Shadow-a."

"Babarilin kita kapag hindi ka pa kumilos."

Mahinang tumawa lang siya at bumaba sa puno na kinaroroonan niya. Itinutok ko ang baril ko sa tatlong taong nasa baba habang iniintay ang pagkilos ni Peniel. Sigurado namang magiging madali lang ito dahil sa wala namang mga tauhan na kasama ang tatlo. Kampante sila na hindi sila matatagpuan sa lugar na ito. Madali silang maigugupo ni Peniel dahil hindi nila alam na nandito kami-

"YAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"

"Fuck!"-me

Sumandal ako sa puno at pumikit ng mariin habang naririnig ko sa listening device si Rain na kasalukuyang tumatawa.

Parang gusto kong bumalik saglit sa dati kong gawain at patayin ang mapagpanggap na taong to. Binuksan ko ang mga mata ko at pinanood ko ang mga kaganapan. Napatumba ni Peniel ang isa habang nakikipagbuno pa siya sa isang lalaki.

At yung isa pa?

...

...

tumatakas na.

-_________-

Itinaas ko ang baril ko. Then I pulled the trigger. 

Humandusay sa sahig ang lalaki habang si Peniel naman ay napatumba na ang lalaking nasa harapan niya. Nanglalaki ang mga mata na nag-angat siya ng tingin.

"Idiot."-me

"Agent Sublime! YOU KILLED THE MAN!"

"He's not dead."

Tumakbo si Peniel palapit sa lalaki at pinulsuhan iyon. I did hit him at the chest. But he's not dead. He'll be fine.


"He's dead!"


"Paxon. I said he's not dead. Believe the person who killed a lot of people. He's not dead. There will be a lot of time to bring him to a hospital."

Napanganga siya habang pinapanood ang pagaba ko mula sa puno.

Hindi ko naman itinago sa lahat ng mga kasama ko sa BHO CAMP ang dating ginagawa ko noon. Though some agents had killed before...I dont think their past can be darker than mine. I refrain myself from letting them see a glimpse of what my past have done to me. Lalo na sa harap ni Peniel.

Why?

It's simple.

...

...

Because I'm in love with him.

I keep on trying to forget what I feel. Dahil alam kong kahit kailan ay imposibleng mahalin niya ang taong katulad ko. I dont think he can stomach to live forever with a woman who robbed a lot of people of their lives.

Sabi ko kanina....kahit kailan hindi pa niya ako natalo.

I lied.

We have this one competition....a competition of love.

~FLASHBACK~

"Ang sungit mo talaga Shadow. Para sasamahan mo lang naman ako sa party eh. Magpapanggap ka lang na date ko. Mahirap ba iyon?"

"Oo."

"Sige na shadow. Please? Wala namang meaning to eh! Kailangan ko lang talaga ng kadate. PLEAAAAAAAAAAASE!"

"Shut up Paxon."

"Peniel Shin!"

Lumuhod siya sa harapan ko at pinagsalikop ang mga kamay niya. Nang hindi parin umepekto iyon ay yumakap na siya sa binti ko.

"Sige na Shadow!"

"Magpapanggap tayong magkadate?"

"Yup!"

"Kailan ng yakapan?"

"Well...yeh."

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. "I cant be your date. I dont want to hug you o kahit na sinong lalaki. I dont need to complicate my life with men, got it?"

"Yakap lang naman eh! Sige na pumayag ka na. Let's have another competition para makampante na yang loob mo."

"Ano na naman?"

Ngumiti siya ng matamis sa akin. "I won't fall for you and you won't fall for me. Ang bumigay talo."

Tinignan ko siya sa mga mata. "Fine. At ang matatalo lalayo."

May kung anong dumaan sa mga mata ni Peniel bago sumilay ulit ang ngiti sa mga labi niya. "Araso!"

~FLASHBACK ENDS~

Hanggang ngayon hindi ko parin nagagawang lumayo sa kaniya. I just need to take care of a few matters...then I'll leave.

"Bring him to the hospital."-me

"How can you be that cold?"

Walang emosyon na tumingin ako sa kaniya. "That man you're holding now destroyed lot of lives. He's not better than I am. I'll kill him if I want to. But since I promised Ma'am Mishy before that I wont do that again....I wont kill him."

Tumalikod na ako at naglakad palayo.

This will be the last mission I'll have with him.

...

...

He'll never see me again.




NGINITIAN ko ang tindera na inabutan ako ng kakanin. Lagi akong bumibili dito ng rice cake kay Aling Marta kahit na medyo may kalayuan siya sa bahay na tinitirhan ko. Kailangan ko pa kasing magdrive ng malayo dahil wala namang kapitbahay ang tinitirhan ko. Actually nangungupahan pa lang ako....hindi pa kasi ako sigurado kung bibilin ko na talaga yung bahay.

Malapit sa dagat ang bahay na tinitirhan ko. Malaki ang bahay at maganda ang tanawin. Pero katulad ng ibang tinirhan ko sa loob ng tatlong taon....

parang may kulang parin.

"Mayap a abak."-me

Nginitian ako ni Aling Marta at tinanguhan. Katulad ng dati dinagdagan naman niya ang bigay niya sa akin. 

Sa Pampanga ako tumutuloy ngayon. Last month sa Bicol. Bago pa iyon nasa Valenzuela ako. Pero pakiramdam ko magtatagal ako dito. Dahil kailangan ko ng lumugar sa iisang lugar. I need to live my life.

May katagalan na nag usap kami ni Aling Marta. Magaan ang loob ko sa kaniya lalo na siya ang una kong nakilala rito.

"Eka ba malulungkut ika mung dili ka rin?"-marta

"Misane naku pu karin."

Ipinagpapasalamat ko sa dati kong co-agent na si Romaine na tinulungan niya akong matutuong magkapampangan. Though sa chat lang kami nag-uusap dahil mula ng matapos ang mission namin ni Pe-....ni Peniel...nag quit na ako sa BHO CAMP.

"Ano ba yan lola! Di ko naman po maintindihan eh!"

Napatingin ako sa batang hindi ko napansin na nakaupo pala sa counter. Pano ba naman ay nakasuot siya ng bear costume. Ngayon ko lang napansin dahil tinanggal na niya ang headdress niya.

Tumawa lang si Aling Marta.

"Apo ng kaibigan ko. Den ang pangalan ng makulit na batang ito."

"Hindi po ako makulit po! Matalino daw po ako kaya matanong po ako, lola."

Ginulo ni aling marta ang buhok ni Den. "Tinatanong ko lang dine kay Sha kung hindi ba siya nalulungkot doon sa tinutuluyan niya. Pagkatapos ay sinabi niyang sanay na daw siya roon."

"Aaahhh! Yun lang naman po pala iyon. KALURKI! Nauubos po ang kagandahan ko po pero dahil po love ko kayo lola marta kaya okay lang po."

Napailing na lang ako don sa bata.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kaniya o lalayasan ko na lang siya dahil mukhang hindi siya mauubusan ng tanong.

Bumaling siya sa akin.

"Ano pong surname mo po?"

"Erm....-"

"Den, wag makulit."-marta

Nag pout si Den pagkatapos ay tumahimik.

...

...

ng mga three seconds.

"May asawa ka na po? Sabi ng kakilala ko po dapat po may jowa na po ang mga magagandang katulad natin po."

"Maganda ako?"-me

"Ay paulit-ulit lang po? Opo nga maganda ka po. Lamang lang po ako ng isang paligo po. Sabi ng nanay ko kapag sinabihan ka daw po ng maganda wag mo daw itatanggi po. Kailangan daw pong ipagmalaki ang kagandahan po. Ayan na-explain ko na! LABYOW!"

Napangiwi ako ng tumalon siya mula sa counter at tumakbo paalis. Parang half pilosopo half Donya Ina ni Michael V ang batang iyon. Sigurdong naka wig na lang ang mga magulang niya sa kunsumisyon sa kaniya.

Nagpaalam na ako kaila Aling Marta. Lumabas na ako at kaagad na pumasok sa sasakyan. Pagkaraan ay tinatahak ko na ang daan pabalik sa bahay.

Hindi iilang beses na napapatingin ako sa side mirror ko dahil pakiramdam ko may nakatingin sa akin.

Which is imposible dahil wala namang pumupunta sa kinaroroonan ng bahay ko dahil wala naman akong kapitbahay.

"Relax, Shadow. Paranoid ka na naman."

Nang makarating sa bahay ay binitbit ko na ang mga binili ko at lumabas na. Walang lingon-lingon na naglakad ako paakyat sa front porch ng may marinig akong sunod-sunod na paghampas.

Nanglalaki ang mga mata na nilingon ko ang kotse ko. Hindi kaya may nagmumulto dito? Baka late reaction lang at ngayon lang ako naisipang takutin-

...

...

...

Peniel.

"What the hell?!"

Mabilis na lumapit ako sa sasakyan kung saan nasa backseat siya at kinakalampag ang salamin. Binuksan ko ang pinto at walang sabi-sabing hinila ko siya palabas.

"What are you doing here?!"

"Wait! Saglit muna. Hihinga muna ako at sasambihin lahat ng anito dahil akala ko tutustahin mo na ako sa loob ng sasakyan mo-"

"WHAT ARE YOU DOING HERE?!"

Ngumisi siya. "Hanggang ngayon hot na hot ka parin sa akin. Chill ka lang. Annyong ha seyo."

"Ewan ko sayo!"

"Uuuy! That rhymes."

Binigyan ko siya ng matalim na tingin. Nag peace sign siya at tumikhim na animo kakanta siya kahit na mag eexplain lang naman siya. Ilang sandali na nakatingin ako sa kaniya habang iniintay ang sasabihin niya.

After 13328274671276 years.

Wala parin.

"PENIEL PAXON!"

"Peniel Shin! Saglit lang naman! Nakalimutan ko yung mga sasabihin ko eh! Wait ka lang yoebo." Akmang bubuka ang bibig ko para barahin siya ng may inilaba siyang papel.

"Okay! Game! Shadow, Sha, Sublime, Mira Luna."

Dumilim ang anyo ko.

"Dont call me that name."

"Bakit ka lumayo?"

Natahimik ako. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya ngunit napigil iyon ng hinawakan niya ang kamay ko. Hinila ko iyon pabalik ngunit hindi niya ako pinakawalan.

"Let me go."

"Bakit ka lumayo, Shadow?"

"Let me go."

"After that night....why did you leave?"

"Let me go."

"Why-"

...

...

"Because I fell for you, you dimwit! Usapan na natin yon diba? Ang unang maiinlove siya ang lalayo. Hindi mo parin ba maintindihan? Bakit ka ba nandito? Para ipamuka sakin na talo ako? Sige...panalo ka na. Okay na ba?"

"No."

"Ano pa bang gusto mo? I fell for you even I dont want to. It's not my choice. Umalis ka na dito. You already got what you wanted."

"No I didnt."

"What-"-me

"Hindi ka natalo. Dahil simula pa lang ng larong to...simula pa lang ng lahat...Alam ko na ako ang talo. Tanga kasi ako. Basta pagdating sayo kahit na ano para lang mapansin mo ginagawa ko. Hindi ko lang akalain na magbibigay ka ng rule sa munting laro na iyon. I dont want that rule. Dahil alam ko na nagsisimula pa lang ang laro talo na ako.

...

...

Because I love you from the very start."

"No....n-no...that's imposible."

Mapait na ngumiti siya. "Nothing is impossible dont you know that? Ayokong mahalin ka...ang daming babae sa mundo na handa akong mahalin. I dont want to love you."

Para bang libo-libong kutsilyo ang tumarak sa puso ko sa mga binatawan niyang salita. Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko...mga luha na kahit kailan ay hindi pumatak.

"Then stop whatever it is you're feeling. After a year...months...you'll forget about me."

"I dont want to forget. Hindi mo ba naiintindihan? I love you. I tried to forget about you, but I couldnt. Instead...I waited for you. Pero hindi ka bumalik. I dont care about your past, I only care about the future I want to spend with you. The moment that I fell for you was the moment that I accepted everything about you. Hindi ko man mabura lahat ng pinagdaanan mo..but I'm willing to create happy memories with you that will bury all those that hurt you."

"Why?....Why me?"

Nakangiting hinaplos niya ang pisngi ko. "I have a million reasons to tell you. A life time wont be enough for it. After this life...I'll find you again and continue what we started. But first..."

"What?"

"Tell me you love me."

Pakiramdam ko namula ang buong mukha ko. "Alam mo na yon."

"Shadow."

"Basta."

"Shadow naman eh-"

I silence him with a kiss. Bahagyang napangiti ako ng maramdaman ko ang pagkagulat niya. Lumayo ako bago pa lumalim ang halik at bumulong ako sa kaniya. "I love you, Peniel Shin."

Sinugkit niya ang tenga niya na animo nabibingi siya. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"What?"-peniel

"I love you kahit na kadalasan hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo."

"What-"

"Abusado ka. Sumunod ka na sa loob dahil kapag hindi ka kumilos diyan hahayan kitang matusta ng araw."

Nangingiting tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa loob.

"Anong gagawin natin sa loob?"-peniel

Malagkit ang tingin na nilingon ko siya. "What do you think?"

Tumatawang pumasok na ako sa loob ng bahay ng marinig ko ang pagkatumba ni Peniel. Hahayaan ko muna siyang magpakalma sa labas.

Besides...

Siya lang naman ang nag-isip non.

Mga lalaki talaga. Tsk.

^_______^

Continue Reading

You'll Also Like

2M 32.5K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...
109K 5.2K 93
When boredom struck, Aila found herself messaging the popular Facebook page. Meanwhile, an admin decided to open it and to send replies to her series...
54.7K 3.1K 35
Isang babae ang hindi binayayaan ng katangkaran. Ngunit sa kabila ng kanyang anyo na mahahalintulad sa isang maamong pusa, nabibiyayaan naman siya ng...
57.9K 76 15
Smut May mga wrong grammar lang po dyan pag pasensyahan nyo🙂