The Gorgeous Nanny (The Neigh...

By jglaiza

7M 141K 5.5K

PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Mee... More

Author's Note
Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two
Twenty-Three
Twenty-Four
Twenty-Five
Twenty-Six
Twenty-Seven
Twenty-Eight
Twenty-Nine
Thirty
Thirty-One
Thirty-Two
Thirty-Three
Thirty-Four
Thirty-Five
Thirty-Six
Thirty-Seven
Thirty-Eight
Thirty-Nine
Forty
Forty-One
Forty-Two
Forty-Three
Forty-Four
Forty-Five
Epilogue
Special Chapter I
Special Chapter II
Published under Pop Fiction

Seventeen

134K 3.2K 301
By jglaiza

Chapter 17
Kiss

**

Matapos naming makapagpaalam sa mga magulang ni Joseff ay umalis na kami. Inihatid na lang kami ng driver nila sa airport para bumiyahe papuntang Camiguin. Babiyahe muna kami papuntang Cagayan De Oro pagkatapos ay saka kami sasakay ng ferry papuntang Camiguin.

Alas tres na ng hapon nang makarating kami sa beach resort kung saan kami magpapalipas ng ilang araw para sa aming bakasyon. Isang kwarto na may dalawang malaking kama na lang ang kinuha ni Joseff para sa amin. Of course, magkatabi kami ni Nana Sonia at magkatabi naman ang mag-ama.

Pero pwede rin namang tabi na lang kami ni Joseff tapos tabi rin sina Nana Sonia at Zoey. Hehe.

Gusto ko sanang mag-swimming pero dahil sa pagod ay nagpasya akong matulog na muna. Mukhang ganoon din naman ang ginawa nina Joseff kaya hindi na kami lumabas lahat.

Iyon nga lang, hindi ko maiwasang manghinayang dahil three days and two nights lang kami rito. Ibig sabihin ay uuwi na rin kami sa isang araw. Nakakapanghinayang dahil hindi man lang namin mae-enjoy ang unang araw namin dito dahil sa pagod sa biyahe.

Nagkibit-balikat ako at hindi na lang inisip iyon. I don't know what we'll do tomorrow but I'll try to enjoy everything that Joseff planned for us.

Dahil sa sobrang pagod sa biyahe, nakatulog ako agad. Tingin ko nga ay mas nauna pa akong nakatulog kaysa sa kanila. Paggising ko ay nakita ko sa bintana na madilim na. Nakabukas na rin ang ilaw rito sa kwarto. Nang ilibot ko ang paningin ko ay napansin kong walang tao sa kwarto maliban sa akin. Marahil ay nasa sala sila. Nakahiwalay kasi ang kwarto at ang sala rito. Ang banyo naman ay nasa labas din ng kwarto, malapit sa pinto.

Tumayo ako at nag-inat. Nang tingnan ko ang wall clock na naroon ay napansin kong malapit nang mag-alas siyete ng gabi. Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ng kwarto ay nagulat ako nang makita ko si Joseff na nakahiga sa sofa. Nang ilibot ko ang tingin ko ay napansin kong wala roon sina Nana Sonia at Zoey. Wala rin sila sa terrace. Saan naman kaya sila nagpunta?

I shrugged. Baka lumabas lang sila at naglakad-lakad.

Tumingin ako kay Joseff. His eyes are closed. His heavy breathing told me that he's asleep. Lumapit ako sa kanya at huminto sa kanyang harap. I sat beside his face and looked at him.

Ang gwapo niya talaga. He looks peaceful. Parang wala siyang kahit anong inaalala dahil sa itsura niya ngayon. Parang hindi siya si Joseff na mayroong cold persona at laging nakakunot ang noo. Parang ang sarap na lang niyang titigan habambuhay.

I wonder why he slept here. Pwede namang sa kwarto siya matulog. Dalawa naman ang kama roon at wala naman sina Nana Sonia at Zoey. Bakit mas pinili pa niyang dito sa sofa matulog? Halata namang hindi siya kumportable rito. Matangkad siya at lampas na sa sofa ang legs niya.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang imulat ang mga mata niya. Hindi agad ako nakatayo dahil doon. Nahalata ko rin na mukhang nagulat siya nang makita ako pero nawala rin agad ang reaksyon niyang iyon.

He creased his forehead. Dahil doon ay hindi ko rin mapigilang mapakunot-noo. Bakit ba kasi siya laging nakakunot? Gusto ba niyang tumanda ng maaga?

"Why are you watching me sleep?" he asked.

"Wala. Masama bang panoorin kang matulog?" tanong ko. "Ang gwapo mo kasi kapag tulog kaya sinamantala ko na ang pagkakataon para panoorin ka."

Mukhang hindi niya inaasahan ang pagsasabi ko no'n ng diretso. Well, what can you expect from me? I am this straightforward.

Tumayo siya at umayos ng pagkakaupo. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong mamangha sa itsura niya ngayon. Bakit ganoon? Bagong gising siya at magulo ang buhok pero bakit ang gwapo niya pa rin? His looks are killing me.

Tumayo ako. "Anyway, nasaan sina Nana Sonia at Zoey? Paggising ko kasi wala na sila. At bakit nga ba diyan ka natulog? May kama naman."

"They're out. Nagpaalam sila sa akin kanina na lilibutin lang nila ang resort," sagot niya. "Hindi ko naman namalayan na nakatulog na ako rito kaya hindi na ako nakapunta sa kwarto."

Napatango-tango ako. "I want to stroll around, too pero mukhang nauna na sina Zoey. Ayoko naman ng walang kasama. Anyway, I'm hungry. Hindi pa ba tayo kakain? Oras na rin naman ng hapunan."

"I'll call Nana Sonia, then. You should get ready. Sa restaurant na lang tayo kumain. Papadiretsuhan ko na rin sila doon," sagot niya bago tumayo at kinuha ang cellphone. Nagkibit-balikat na lang ako at nagpasyang maligo na.

Pagkatapos kong maligo ay sumunod naman si Joseff. Nang parehas na kaming nakaayos ay lumabas na kami ng kwarto at nagpunta sa restaurant ng resort.

Nang makarating kami sa restaurant ay napansin kong malapit pala iyon sa dagat. Nadama ko agad ang malamig na hangin kaya bigla akong nagsisi na hindi ako nagdala ng jacket. Naka-black shorts at white off-shoulder top lang ako kaya naman ramdam ko ang lamig.

Pagpasok namin sa restaurant ay nakita namin agad sina Nana Sonia at Zoey na nakaupo sa dulong mesa. Dumiretso kami roon at nakangiti naman kaming sinalubong ni Zoey. I smiled and kissed her cheeks. Hinalikan naman ni Joseff ang kanyang noo.

Hindi ko naman mapigilang mapaisip sa ginawa namin kay Zoey. Parang nagmukha yata kaming isang pamilya dahil doon. Ako ang nanay at si Joseff ang tatay. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa naisip.

Napailing ako. I shouldn't be thinking about that. Bakit naman iyon ang iisipin ko? Ah, ewan!

Umupo na lang ako sa harap ni Zoey. Si Joseff naman ay umupo sa tabi ko. Pagkaupo niya ay nagtawag agad siya ng waiter para humingi ng menu. Tahimik kaming namili ng kakainin namin.

Maya-maya lang ay tahimik na kaming kumakain. Paminsan-minsan ay nagkukwento si Zoey tungkol sa mga nakita niya habang naglilibot sila ni Nana Sonia. Napapangiti na lang ako dahil mukhang nag-enjoy siya kahit na naglakad-lakad lang naman sila. Mukhang maganda nga yata talaga ang resort na ito.

Pagkatapos naming kumain ay nagpasya kaming bumalik na sa room. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad namin pabalik ng kwarto ay bigla kong naisipang maglakad-lakad. Huminto ako sa paglalakad at hinarap sina Joseff. Huminto rin sila sa paglalakad.

"Uh… maglalakad-lakad lang ako. Mauna na kayong bumalik sa kwarto," sabi ko.

"Yaya, where are you going?" Zoey asked. Napangiti ako.

"Diyan lang, baby. Maglalakad-lakad lang ako saglit. Babalik din ako agad," sagot ko.

"Okay," nakangiti niyang sagot. Ginulo ko ang buhok niya dahil doon.

Tumango naman sina Nana Sonia at Joseff kaya tumalikod na ako para umalis. Naisip kong maglakad-lakad sa dalampasigan ngayon. Hindi naman masyadong madilim dahil sa liwanag ng buwan at mga ilaw sa paligid.

Nagsimula na akong maglakad-lakad. Damang-dama ko ang lamig ng simoy ng hangin habang naglalakad ako. Hinimas-himas ko ang braso ko para kahit papaano ay maibsan ko ang lamig na aking nararamdaman.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapansin ang ginagawa ng mga tao. May mga magbabarkadang nakapalibot sa isang bonfire, may mga batang hinahabol ng kanilang magulang, may mga kumukuha ng picture kahit gabi, at mukhang may mga couples na nagtatago sa dilim. Mayroon ding mga naglalakad-lakad tulad ko at mayroon namang mukhang naghahanap lang ng kung sinong mapagti-trip-an.

Binalewala ko na lang ang lahat ng iyon at nagpatuloy sa pagmamasid sa paligid. Pero natigilan ako sa paglalakad nang biglang may lumapit sa akin na isang lalaki.

"Hi, Miss," nakangiti niyang bati.

Pinagmasdan ko ng mabuti ang lalaki. Well, he's good-looking. And the look in his eyes told me he's ready to get laid.

Napangisi ako. Too bad, I'm not that kind of girl. But I can definitely let him taste my lips. Kawawa naman kasi siya. Minsan lang siya makakita ng isang tulad ko kaya pagbibigyan ko na siya. I'll let him taste the luscious and precious lips of the gorgeous Sapphire Briones.

Besides, wala naman akong ibang gagawin. Nakaka-miss na  ring makipag-make out. Hindi ko naman pwedeng halikan na lang basta si Joseff. Baka magwala siya kapag ginawa ko iyon.

Lumapit ako sa lalaki at nginitian siya ng pagkatamis-tamis.

"Hi."

Mas lumapit pa siya sa akin at mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya. Kinagat ko ang labi ko bilang pang-aakit sa kanya. Napansin ko namang napatingin siya doon nang ginawa ko iyon. He even licked his lips before looking straight into my eyes.

"Why are you out here alone? Hindi ka ba natatakot na baka may mangyaring masama sa'yo?" tanong niya.

I shrugged. "Why would I? Pwedeng-pwede naman akong sumigaw kung sakali. I'm sure people like you will come immediately."

Ngumisi siya. "Well, you don't need to scream anymore because I'm here. Pwede kitang samahan sa paglalakad. I can even walk you to your room."

"Aww. You're so sweet," nanunuyang sabi ko.

Mas lalo siyang napangisi. Lumapit pa siya sa akin at hinapit ako sa bewang. Napakapit naman ako sa balikat niya. Itinapat niya ang kanyang labi sa tenga ko at bumulong.

"Yes, I am. But I think my lips are sweeter than me. Do you want to taste it?" he said. Napapikit ako nang bigla kong maramdaman ang pagkagat niya sa tenga ko. Fuck! It's turning me on.

Pero bago pa ako makasagot sa kanya ay bigla kong narinig ang pagtawag ng isang pamilyar na boses sa pangalan ko.

"Sapphire!"

Sabay kaming napalingon ng lalaki sa tumawag sa akin. And there, I saw Joseff walking towards us. As usual, nakakunot na naman ang noo niya. Pero parang may kakaiba sa kanya ngayon na hindi ko malaman kung ano.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay sumulyap siya sa lalaki bago tumingin sa akin. Nahalata ko ang iritasyon sa kanyang mukha at hindi ko alam kung bakit.

"Zoey is looking for you. Hindi raw siya matutulog hangga't wala ka pa," sabi niya sa akin.

Oh. Mukhang hindi ko maitutuloy ang pagpapaligaya ko sa lalaking lumapit sa akin. Unfortunately, Zoey needs me. At ayoko rin naman talaga siyang pabayaan. Pero okay lang. May ibang araw pa naman para makipag-make out sa iba. For now, I need to take care of Zoey.

"Wait. Who are you?" dinig kong tanong ng lalaki. Bumaling ako sa kanya at napansin ko ang masamang tingin niya kay Joseff. Dahil doon ay naisip kong ako na lang ang kakausap sa kanya.

Lumapit ako kay Joseff at kumapit sa braso niya. I felt him stiffened. Napangiti na lang ako at saka kinausap ang lalaki.

"Uh… sorry. Sinusundo na kasi ako ng honey ko, eh. Mukhang hinahanap na ako ng anak namin kaya kailangan ko nang umalis. Hindi kasi siya nakakatulog kapag wala ako sa tabi niya," nakangiti kong sabi. Gulat na gulat naman siyang napatingin sa akin.

"May anak ka na?" gulat niyang tanong.

"Yep. Sorry talaga," nakangiti kong sabi. Kumaway ako sa kanya. "Bye."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Hinila ko na si Joseff at tumalikod na sa kanya. Well, hindi ko na kasalanan kung hindi niya naituloy ang binabalak niya. Hindi ko naman alam na darating si Joseff. Maghanap na lang siya ng ibang babae diyan.

"You really have the guts to seduce a guy, huh?"

Napalingon ako kay Joseff nang sabihin niya iyon. Napataas ang isang kilay ko.

"Ha! I didn't seduce him. Siya kaya ang lumapit sa akin. Kasalanan ko bang ganoon ako kaganda at hindi nila mapigilan ang lumapit kapag nakikita nila akong mag-isa? They're actually the ones who're trying to seduce me," I replied,

Napailing siya. "Tss! And you're willing to be seduced?"

"Bakit naman hindi? Kung gusto nilang makatikim ng halik sa isang magandang katulad ko, bakit ko sila tatanggihan? Aba! Once in a lifetime lang silang makakakita ng babaeng tulad ko kaya okay lang naman na pagbigyan ko sila. Besides, it's just a kiss."

"You're really that desperate to get a kiss?"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong niyang iyon. Huminto rin siya at nilingon ako. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy! Sino naman ang may sabing desperada akong makakuha ng halik? Hindi ako ganoon, 'no! Sila nga itong desperadong makahalik sa akin, eh," sabi ko.

"Pero pumapayag ka. It means you also like them to kiss you."

"Oo nga. But that doesn't mean I'm desperate to get a kiss," I said before walking away.

Nakakainis! Ano bang problema niya? Talagang naisip niyang desperada akong makakuha ng halik? My gosh! Hindi ko talaga alam ang pumapasok sa isip niya. At ano ba kasi ang pakialam niya kung gusto kong magpahalik sa kung sino-sino?

"If you really want a kiss, why can't you just kiss me instead?"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa kanyang sinabi. Napakunot-noo ako. Tama ba ang narinig ko? He wants me to kiss him instead of kissing other guys? At bakit naman niya sinabi iyon?

Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. "What did you say?"

He cleared his throat. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko at diretso niyang sinabi ang mga katagang hindi ko inaasahang sasabihin niya sa akin.

"Instead of seducing other guys, why don't you try to seduce me instead?"

Continue Reading

You'll Also Like

349K 10.8K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
285K 15.5K 38
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
741K 15.9K 18
(Finished) To everyone, I'm the famous womanizer and for all those years, she thought I played her heart because of the bet. No, I didn't. In fact, s...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...