WILD RUSH (Wild Series #2 : L...

By Soulful_Eyes

313K 6.4K 512

" when love and hate collide" More

NOTE's
TEASER
The Beginning
W.R - 1 (Selos)
W.R -2 ( The Kiss)
W.R - 3 (Basilica)
W.R - 4 (Pakialamero)
W.R -5 ( Elevator)
W.R -6 ( Flight)
W.R -7 ( Hunting Girls)
W.R - 9 (Fight)
W.R -10 ( Pasado)
W.R - 11 (Feelings)
W.R -12 ( Beside you )
W.R -13 (The Call)
W.R -14 ( Confrontion)
W.R - 15 (Hey Carlos)
W.R -16 ( Picture )
W.R - 17 ( First )
W.R - 18 ( Burn )
W.R -19 ( Action )
W.R -20 ( Halik)
W.R -21 ( Photoshoot )
Note
W.R -22 (Steal)
W.R - 23 ( Tears )
W.R - 24 ( Rush )
W.R 25 - ( The Exe's )
W.R - 26 (Song & Roses)
W.R - 27 (Antidote)
W.R -28 ( The Family)
W.R - 29 (Pregnancy)
W.R - 30 ( Don't want to lose you )
Epilogue

W.R -8 (Home)

7.3K 213 11
By Soulful_Eyes

Chapter 8

halos mag-isang buwan din ako sa New York. pagkababa ko ng eroplano agad kong nakita si mommy at daddy, sa may gilid naghihintay sa akin.

" mom! dad!.."

wala akong pake sa mga tao, tinakbo ko kaagad ang distansya namin nina mommy. niyakap ko sila ni dad. namiss ko talaga silang dalawa.

" we missed you, baby.."

sabi ni mom. si dad naman niyakap ko pagkawala ko sa yakap ni mommy. iba talaga ang nasa pamilya ka. lumingon ako sa likuran nila, baka sakali kasama si Kuya kaso wala.

" where's Kuya Liam, mommy?."

" naku! hindi ka niya masundo. pumunta sa bahay ng Ate Camille mo. "

tumango na lamang ako sa sinabi ni mommy. kinuha ni dad ang aking mga bagahe, kasama niya kami ni mom sa pagtulong.

" bakit hindi niyo, sinama sina manang Lucia para may kasama kayo mom?."

" naku anak! huwag na. kasi excited sila ng yaya Belen mo..hindi kasi kayo nagpa-abot noon. ayun nagluto ng espesyal para sayo..."

" really,.mom?. oh' i can't wait..lets go?."

niyakap ako ni mommy sa beywang at pumasok na sa sasakyan namin. nakatulog ako dahil sa pagod, kaya naman hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa aming mansion.

" iha?..gising na. we're home, anak.."

kinusot ko ang aking mata. at nilinga ang paligid.

" i'm so sleepy mommy..pasensya na nakatulog po ako."

" its okay..come on. para makapagpahinga ka na."

lumabas kami ng sasakyan, habang tinawag ni daddy si manang Lucia at tatay pancho para kunin ang aking dalahin.

" welcome back ma'm, Lianna.."

sabi ni tatay pancho sa akin. ngumuso agad ako sa gilid ng sasakyan at inirapan siya.

" Tatay Pancho, how many times did i tell you po na ayoko tinatawag mo ako maam..."

i pouted my lips at natawa lamang ito ng makita parang bata akong benelatan siya. pati si daddy natawa na din dahil kakamot kamot ang ulo na pumunta sa likuran si tatay pancho para kunin ang gamit ko.

" anak! nandyan ka..na miss ka namin."

i can't help not to roll my eyes ng sabay pa talagang nagsabi sina manang lucia at yaya belen. sa lusog ng kanilang katawan dinamba ako ng mga ito at niyakap.

" namiss ko din kayo po..manang and yaya, naku! may pasalubong ako sa inyo..mamaya po ibigay ko iyon."

" naku iha' baka kung ano na naman iyan..naalala ko last time na pasalubong mo sa amin eh, bikining itim. alam mo naman matanda na kami."

nagtawanan sina mommy at daddy sa sinabi ni yaya belen. napahagikhik ako sa sinabi nito. naalala ko ang kapilyuhan kong iyon. binilhan ko sila ni manang ng tigisang pares ng bikini swimsuit.

" oh! siya alam kong pagod ka. nagluto kami, bago ka magpahinga kumain ka muna."

si yaya, na agad pang tinulungan si tatay pancho ng makitang nahihirapan iyo dalawang box na dala nito. iginiya ako papasok nina daddy. agad kong naamoy ang familiar na bango ng aming bahay.

" nothing feels like home.."

i muttered, hindi na ako nag-abala magpalit ng damit. dahil ng makita ko ang nakahandang pagkain para sa lunch ay agad akong natakam at nagutom.

i went to the faucet sa may lababo para maghugas ng aking kamay. bigla kong narinig ang boses ni mommy mula sa may living room.

" iha?. Lianna! your Kuya Liam is here."

agad kong pinunasan ang aking kamay. narinig ko ang tunog ng kotse ni Kuya na nag-park. bumaba ito, habang nakasout ng kanyang aviator sunglass. pumunta ito sa kabilang side at nakita ko mula doon iniluwa si ate Camille.

" hey! baby sis..welcome home."

ngiting sabi sa akin ni Kuya Liam at niyakap ako nito ng mahigpit. kiniliti ko siya sa tagiliran ng bigla nitong guluhin ang mahaba kong buhok.

" Kuya!" asik ko dito.

binaling ko ang aking tingin kay ate camille.

" akala ko hindi kayo makarating ngayon. mom told me na may problema daw kayo.?"

" okay na iyon..naayos na, welcome back bunso."

ngiting sabi sa akin ni ate camille. ngumiti ako at niyakap ito. sabay sabay kaming lahat kumain sa hapag. ang daming kwento sa amin si Kuya Liam. may isang bahagi ng utak ko, kung may alam ba siya sa ginagawa ni Carlos Gabriel sa akin.

" did you pass the exam, Li'?"

biglang tanong sa akin ni Kuya Liam. bumaling ako dito habang nginunguya ang aking kinakain.

" next month malaman Kuya."_

sagot ko dito pagkatapos kung lunukin ang aking pagkain.

" if you can't passed it, magtatrabaho ka sa kompanya..whether you like it or not."

serysong biglang sabi nito. agad akong napangiwi sa sinabi nito, iisipin ko pa lang araw-araw akong papasok, tapos mag-memeeting with other people. at magsasign ng mga papers parang gusto ko na masuka.

" Kuya Liam naman..kahit hindi ako makapasa still i'll pursue my dreams..you know that i am not into business, not like you. para mo na din ako tinapon sa dagat at pinakain sa mga shark na nandoon..kapag papasok ako sa kompanya niyo."

i pouted my lips at yumuko lamang para tingnan ang aking pagkain. narinig ko ang pagtikhim ni mommy, agad itong nagsalita sa harap namin.

" Liam..huwag mo nang ipilit,.daddy mo nga kinausap na iyan. but still she's stubborn ayaw niya talaga.."

pinagpatuloy ko lamang aking pagkain. ayoko ma-badtrip dahil nandito si ate camille nakakahiya. ayoko din ma-upset sina mommy at daddy, kapag nakipagtalo pa ako kay Kuya Liam. napahikab ako pagkatapos kong kumain.

" maybe you want to take a rest, Lianna..magpahinga ka muna anak..alam namin pagod ka."

biglang sabi ni daddy. nginitian ako nito at nagsenyales na magpahinga muna ako. tumango ako, as i excuse myself para makatulog muna ako. mabigat na ang talukap ng aking mata, i want to lay down and just shut my eyes.

umakyat na ako sa taas ng aking kwarto. pagpasok ko kaagad kong naamoy ang familiar na sweet scents nang aking kwarto. malinis nakaayos ang aking higaan pati loob ng aking kwarto.

alam ko si Yaya belen, naglinis nito. alam ko kasi ang pino ng paglilinis niya sa paglilinis ni manang lucia. hinubad ko ang aking damit para, makapag-shower muna.

hindi na ako nag-abalang nagbabad sa bathtub. agad akong naligo, pagkatapos nun' nagsout lamang ako ng manipis na shorts ko at puting sando. pagtingin ko pa lang sa higaan ko para na akong hinihila nito.

agad akong nahila ng antok pagdantay ng pagal kong katawan sa aking kama.

nagising ako sa gitna ng pagtulog. hindi ko alam kung ilang oras ako nakatulog, nagising na lamang ako na madilim na sa labas. tiningnan ko ang aking dino clock sa aking kaliwa na nasa bedside table ko.

alas-nuwebe na ng gabi. halos apat na oras din ako natulog. bumangon ako at hindi na nagabalang magsout ng roba. nasa baba mga bagahe ko kanina, nandito pa kaya si ate camille?.

habang pababa ako narinig ko ang pagtawa nina Kuya Liam. nandito pa sila kung ganoon. i brushed my hair with my own hand, at kinusot kusot ko ang aking mata. sout ko ang aking barney slippers. sinadya ko talaga ito bilhin ng makita ko sa new york.

" oh' iha, good evening..napahaba ang tulog mo?..akala namin ma-deritso na pahinga mo hanggang umaga."

sabi ni mommy na nakaupo sa living room katabi ni daddy. habang sina Kuya Liam at ate Camille nasa papag at naglalaro ng scrabble. kaya pala maingay sila dahil madaya sa paglalaro si Kuya Liam. millineum na ngayon scrabble pa din laro ng mga ito.

tiningala ako ni Kuya Liam. agad nitong sinipat ang aking sarili pagkatapos ay ngumisi.

" oh? anong ngini-ngisi ngisi mo diyan Kuya?. Ate Camille batukan mo nga iyan si Kuya Liam..naghahunting iya ng ibang babae ate Camille."

biro kong sabi ng umupo ako sa tabi ni daddy at ini-on ang Tv. kinuha ko ang pillow cushion at niyakap ito. biglang napatigil sina Ate Camille, sinamaan ako ng tingin ni Kuya Liam.

" how did you know Li'?"

hindi pa ako nakasagot, biglang nagsalita si Kuya Liam.

" come on, hon..she's just pestering me. wala akong hina-hunting na babae.--"

" wala daw.,A.L told me when i was in New York, girls hunting daw kayo ni Carlos Gabriel."

" fuck! that asshole..hindi ako kasali si Carlos lang iyon at ibang kaibigan namin."

" see? that is why i hate that guy. masyado siyang perv and womanizer."

agad nila akong tiningnan lahat habang tila nahihilo na si daddy sa kakalipat ko ng channel at nagstay ako sa M channel para manuod ng korean dramas. tumikhim bigla si mommy.

" whoah' baby sis..what was that for?..napapansin ko talaga na highblood ka kay C.G, may ginawa ba sayo ang tukmol na iyon?. tell me and i twitched his head off.."

" iniiba mo ang usapan Liam!..oras na malaman ko niloloko mo ako, ipapalapa ko sa aso namin ang babae mo..naku sinasabi ko sayo.."

mahinhin at sweet pa din ang boses ni ate camille kahit pinagsasabihan na nito si Kuya Liam. agad naman siya nito niyakap at nilambing. kinuha ko muli ang remote at nanuod ng f1 race.

" ate camille? dito ka matutulog?."

" yes! Li' syempre ang jimmy choos ko hindi mo pa binibigay.."

tumawa ako dito at binalingan ang malaking box kung saan nandoon mga pasalubong nila. excited akong binuksan iyon para ibigay sa kanila ang aking pasalubong. muli akong bumalik sa kwarto para kunin ang aking phone, at ang aking isang bag. kinuha ko doon ang pasalubong kong replica flowers para kay mommy.

saglit kong dinial ang number ni Mavey, habang pababa ako sa hagdan.

" hello?."

sagot nito sa akin. parang maingay ang paligid.

" Mavz? si Lianna 'to. nasaan ka? bakit maingay yata?."

" ohemgee! Li' i missed you. nasa bar kami, kasama ang mga models ni Ria.."

" aw! why didn't you invite me?."

natatampo kong sabi dito. agad ko narinig ang paglayo nito sa maingay na backgound.

" haleer? nasa NYC ka kaya, so paano ka namin invite?."

" Mavz  nakauwi na ako..para kang timang hindi mo man lang tiningnan ang number ko..kanina lang tanghali ako dumating."

" really?..then come, and join us.."

'' okay Mavz..magpapaalam ako kay dad at mom."

bumaba na ako ng tuluyan habang kausap ko pa din si Mavey.

" okay Li' see ya!"

" sige, bye.."

agad kong pinatay ang tawag at muling umupo sa gitna nina daddy at mommy. nagkakagulo sila sa kani-kanilang mga pasalubong. ngumiti ako ng nagustuhan ni ate camille ang binili ko sa kanya.

" mom? i bought you something.."

pinakita ko dito ang isang paper bag na may lamang maliit na box.

" ano 'to anak?."

" open it mom..dagdag sa collection mo."

agad gumuhit dito ang mulagat sa mata niya at isang malaking ngiti ng mabuksan nito ng tuluyan ang box, tumambad dito ang pasalubong ko sa kanya.

" thank you, my baby girl.." niyakap ako ni mommy at bumaling kay dad.

" mahal look?..ang ganda nitong mga replica ng mga bulaklak..buti pa anak mo marunong bumili.."

" nakakatamad maghanap ng ganyan.."

ngiwing sabi ni daddy. natawa kami nina Kuya, ng biglang batuhin ng pillow cushion ni mommy si dad. i bit my lower lip, habang kinukuha ang tyempo magpaalam sa kanila. alam kong hinihintay na ako nina Ria.

"mom? dad?..can i go out tonight?..ini-invite kasi ako ni Ria po.."

" gabi na Lianna.."

biglang sabat ni Kuya Liam. ito ang mahirap kapag may Kuya kang strikto. alam kaya ng ungas na ito na nilalandi ako ng kabigan niyang tukmol na iyon?.

i can't help myself not to give him a deadly glare. he just smirk at me, at muling tinoun ang pansin sa girlfriend nito.

" sige na anak..basta before 2 AM nakauwi ka na okay?."

sabi ni daddy, na nakangiti kay mommy. agad kung niyakap si dad at hinalikan ito. aapila pa sana si Kuya Liam, pagkatapos kung yakapin at halikan din si mommy kaso agad siyang piningot ni ate Camille.

" what?.." asik nito.

" leave her, hon..malaki na si Li' she knows how to handle herself."

ngumisi ako kay ate camille at nag-flying kiss sa kanya. agad akong tumakbong pataas sa aking kwarto para makapagpalit ng damit. narinig ko pa ang malakas na sigaw ni Kuya Liam sa akin.

" wear decent Lianna.."

whatever Kuya! sigaw ng aking utak. naghilamos lang ako saglit. i just wear my ripped jeans, at pinaresan ko ito ng isang plunging blouse spaghetti strap. para akong cowgirl dahil na din sa isang leather boots ko na may takong. kinuha ko ang aking flannel at nilagay sa beywang ko.

i put some wine lipstick sa labi ko. i lazily bun my hair at hinayaan ang ilang hibla na mahulog sa gilid ng mukha ko. hindi na ako masyado naglagay ng make-up. nang ma-satisfy ako sa hitsura ko, kaagad kong kinuha ang susi ng kotse ko.

bumaba ako mula sa kwarto at nadaanan ko pa din sila nagkukwentuhan. nagpaalam ko kina mommy. sinipat ako ni Kuya Liam, hindi naman ito nagsalita ng makita ang sout ko.

" ang ganda mo talaga..bunso"

nakangiting sabi ni ate camille. ngumisi ako sa kanya, habang mariin itong tinitingnan ni Kuya.

" syempre mana iyan sa akin..gwapo ako eh. nasa dugo iyan, right daddy.?".

ngumisi naman si daddy sa Kuya ko.

" biglang lumakas yata ang hangin. alis na ako, bago ako tangayin ng kayabangan ni Kuya.."

he just rolled his eyes on me. at biglang nagsalita ng naglakad na ako sa may pintuan namin.

" don't drink too much, baby girl.."

" copy that Kuya.."

" very good..."

pagkatapos nun' tuluyan na akong pinakawalan ng mga ito. tinungo ko ang kotse ko, agad akong nakita ni tatay pancho. gising pa pala ito. siya na ang nagbukas ng gate sa akin.

pagkatapos kong mag-drive ng kalahating oras at higit pa, narating ko sa wakas ang aquarius bar. i parked my car, ng maayos sa gilid. lumabas na ako at binulsa ang aking susi.

the bouncer of the club smiled at me ng makilala ako nito. i pulled out my phone from my purse, luminga linga ako sa loob ng bar, kaso wala sina Ria. i dialled Mavz number, hindi nagtagal sumagot ito.

" where are you, Li'?"

" nandito na sa bar, where are you guys.?."

" nandito kami sa taas, Li'.."

tumingala ako sa second floor at nakita sina Ria. nilakad ko ang gitna ng dance floor kung saan may mga nagsasayawan at nagkakasiyahan doon. agad ko naman nakita ang table nina Ria. nagulat pa ako nandoon, din sina Frondie.   

" hey' guys!.."

agad naman sila nabaling sa akin, at tila na-estatwa pa sina Frondie at Ian ng makita ako. while Joana and Ria agad akong dinamba ng yakap.

" Li' you are so back..we missed you.."

ngumisi ako sa mga ito pagkatapos ko silang yakapin. doon na nakita ko tumayo sina Ian at Frondie.

" damn! why so gorgeous, Li'...hindi kita nakilala.."

si Ian na agad pa akong sinipat nito. hindi naman nakakabastos ang tingin nito sa akin, pero namula ako dahil sa paraan ng tingin nito. habang si Frondie agad, lumapit at umakbay sa akin.

" gusto mong mabalian ng braso.?."

diin kong sabi dito. agad naman nitong tinanggal ang pagkakaakbay sa akin, at napakamot sa ulo. hindi iyon nakaligtas sa tatlo, agad nila nitong tinudyo.

" your charm will not effect, when it comes to Lianna..poor Frondie."

sarcastic na sabi ni Joana. lumabi pa ito at tinaasan ng kilay si Frondie.

" shut up! or i'll punish you again..and--"

" fuck you! Frondie, don't dare.."

binigyan nito ng nakakamatay na tingin ang huli. nagtataka man kami sa paraan ng tinginan at bitaw ng mga salita nito. pinagwalang bahala ko na lang.

" where's Mavey?."

" nasa counter nag-order ng drinks..kanina pa iyon ah."

sabi ni Ria. agad akong nagpaalam sa mga ito, at pinuntahan si Mavey para makapag-order na din ako ng inumin ko. gusto ko man uminom ng hard liquor ngayon, hindi pwede dahil baka mapagalitan ako nina Kuya.

agad ko din naman nakita si Mavey, na mukhang nilalandi ang isang bartender doon. dahil panay ang pa-cute nito. tumikhim ako ng nasa likuran na ako nito. nang hindi ito lumingon, at mapansin niyang biglang natigil ang bartender agad ko siyang kinalabit.

" who are you?."

sabay tikwas pa ng isang kilay nito.

" ako lang  naman kikitil sa kalandian mo ngayong gabi..bakla! na ito, nawala lang ako nagka-amnesia na agad.?"

" oh my god!..Li'?. hindi kita nakilala, ang ganda mo Ms. Finley."

ngumisi ito at pinakilala ako sa kausap niyang bartender kanina. nginitian ko lang naman ito pabalik. bata pa ito at mukhang ka-edad ko lang. niyakap ako ni Mavey, at hindi na magkandatuto kwentuhan ko siya ng aking escapade doon sa NYC.

nag-order lang ako ng isang women's drink para hindi masyado malakas ang tama. bloody mary sana or cosmo, kaso masyadong malakas iyon at baka hindi ako makauwi ng bahay.

binalikan namin ni Mavey ang mga kasamahan namin. nang patungo na kami doon napadaan kami sa isang table na puro kalalakihan na nagtatawanan ang nandoon. they're good looking kaso mukhang maniac ang tatlo, lima sila nakaupo doon.

nang mapadaan kami biglang hinawakan ng isa ang pigi ko at pinisil ito. nagtawanan ang mga ito ng bigla akong sumigaw. naagaw na ng ibang nandoon ang atensyon namin. nagulat pati si Mavey.

" bastos ka ah!.." himutok ko dito.

binuhos ko sa kanya ang laman ng aking inumin sa kanya at malakas ko itong sinampal.

" nobody dares to touch me like that, asshole!.."

duro ko dito at hinila na si Mavey na natulala sa pangyayari. hawak hawak ng lalake ang panga nito. hindi pa kami nakakalayo ni Mavz ng biglang saklatin ng lalake ang braso ko. and before he could do something to me, agad may isang lalake ang sumuntok dito.

natakip ko sa aking bibig ang aking mga kamay. nang makita kong inayos pa ng lalake ang necktie nito, habang ang manggas na sout nito ay nakatupi hanggang siko lang.

" next time you messed up my girl,.i will not hesitate ko kill you bastard!."

agad naman mukhang natakot ang lalake sa kaharap. agad nitong inayang umalis ang mga kasama ng makilala ang sumuntok sa kanya. bumaling ang tingin nito sa akin. as our eyes met, ang tanging naririnig ko lamang ay ang mabilis na pintig ng puso ko.

" welcome back, baby..but next time don't come to this place without me..though i like the way you slapped that bastard, but still i hate it when all the men in this bar staring at you."

the intensity of his words hits me. i can hear the gasp of Mavey at my back, parang huminto ang lahat ng makita ko siyang muli.

heck! Carlos Gabriel Montevallo









* S_E*


wanna read more?...Follow me and be a fan..:) ( sa mga may gusto lang naman..we can be friends also..:0 add me at my Fb account :  Soulful Eyes

https://www.facebook.com/profile.php?id=100006077568812


Thanks for reading guys! till next update!..ciao!

Continue Reading

You'll Also Like

22.6K 508 23
COMPLETED WARNING: This story contains vulgar words and adult contents that are not suitable for young readers. Is it pure lust, or is it what other...
14.4K 411 42
Lumaki sa isang mahirap na pamilya si Luna. Sa murang edad, inabandona sila ng kanyang Hapon na ama kaya maaga siyang natutong magbanat ng buto para...
35.5K 1.5K 18
..sometimes,the ending is just the beginning..
16.9K 1K 93
SYPNOSIS Isang simpleng babae si Lalaine Gomez o kung tawagin sa kanya ng mga tao bilang si "Lala" mabait, maganda, balingkinitan ang katawan at mabu...