OPERATION: Make Ligaw to him

Von yashnii

21.8K 755 39

"Liligawan kita!" sabi ng weirdong babae sakin. Dale Fontanilla, a handsome young student had a normal life w... Mehr

Operation: Make Ligaw to him
PROLOGUE
First Move
Third Move
Fourth Move
Fifth Move
Sixth Move
Seventh Move
Eighth Move
Ninth Move
Tenth Move
Eleventh Move
Twelfth Move
Thirteenth Move
Fourteenth Move
Fifteenth Move
Sixteenth Move
Seventeenth Move
Eighteenth Move
Nineteenth Move
Twentieth Move
Twenty-first Move
Twenty-Second Move
Twenty-third Move
Twenty-fourth Move
Twenty-fifth Move
Twenty-sixth Move
Twenty-seventh Move
Twenty-eighth Move
Twenty-ninth Move
Thirtieth Move
Epilogue

Second Move

800 25 0
Von yashnii

C02: Pursuing him 

Kinabukasan, naging mailap ako sa school. Sinusubukan kong itago yung mukha ko sa kahit na sino. Dire-diretso lang akong naglakad papasok ng room namin at binati ang iba sa mga kaklase ko.

"Hey Dale.." Napalingon ako sa tumawag sakin. "I saw your vid last night. Nice one dude!" ani Gin na may malisyosong ngiti.

"Tsk, it's my worst nightmare."

"Ikaw nang mahaba ang buhok." Umalis siya na tatawa-tawa.

Hindi lang siya ang nagtangkang magtanong. Andami ring nakiusyoso sakin na mga kaklase ko. Ugh! Just what I needed.

Kaya nang maguwian na ay wala na akong mas isasaya pa. Finally, I can get away from their questions. I hope this rumor dies fast. I swear this is so annoying.

Dumiretso ako sa room nila Honey para sunduin siya ngayon. I wonder what she's doing now? Sobrang kalat na talaga sa school yung video na iyon. I need to make things clear to her.

"Uy, Dale? Anong ginagawa mo rito?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Honey.

"Susunduin ko lang sana si Honey. Nasaan siya?"

"Ah, si Honey? Busy siya ngayon. May mga inaasikasong paperwork. Sabi niya sakin kanina mamaya pa daw siya uuwi. They got a bunch of load works. And I'm so relieved na hindi ako nanalo sa election..." mahabang paliwanag niya.

"Ganun ba?" Maybe next time then. I can already hear her sighing with so much to do. Tsk, napapagod ang prinsesa ko. What should I do to help her ease a little bit? Maybe I should buy her food... naalala kong mahilig siya sa salad or anything that's leafy.

"Dale..." Napatigil ako sa pag-iisip nang tinawag ako. "I saw the video last night. Are you really serious with Honey?" Naging malamig na ang tingin niya.

"Yes..."

Kailanman ay hindi ko siya lolokohin o ipagpapalit man lang. I love her and I'm furious sa ginawa ng babae na yun sakin. She totally ruined my peaceful school life with Honey. Or worse, she could've ruined my chance of Honey ever saying yes to me.

"Hindi ko alam kung sinong nagpakalat ng video na yun pero one thing's for sure, si Honey lang ang gusto ko. Ni hindi ko kilala yung humalik sakin."

Nagulat siya sa sinabi ko. "Talaga? Hindi mo siya kilala? Then who is that girl?"

I don't know. But I hope I never see her again... I wish I won't have to see her again. Umuna na akong umuwi total may kasabay din naman daw umuwi si Honey.

Hindi ko alam kung bakit sobrang workaholic niya pagdating sa school... she is the President of the Student Council. It's like palaging may bago siyang gagawin and that bothers me. Masyado niyang inaako lahat ng responsibilidad na pwede rin namang ipagawa sa iba. I'm not saying that the others are not doing anything. Para kasing siya na lahat ang gumagawa.

"Hi Dale!" Napapitlag ako nang may magsalita sa tabi ko. Isang babae ang malawak na nakangiti sakin habang winawagayway niya ang kanyang kanang kamay. Wait, siya yung babae nung isang araw ah!

Dinuro ko siya habang nanlalaki ang mata. "You!"

Bigla na lang kumulo ang dugo ko sa kanya. How dare she show up her face after that embarrassing move that she did! Hindi pa siya nahiya. Imposibleng hindi niya rin napanood yung video! Everyone saw it! Not just our school but the others as well!

"Me! Uuwi ka na ba?" tanong niya.

I started to look around and almost heaved a sigh when there's no one around... buti na lang. Hindi nila makikitang kasama ko siya. Ginaya naman niya ang aking ginawa na nakangiting tumingin sa paligid namin.

"What are we looking at?" she said with a jolly tone.

"Ikaw..." panimula ko. "Anong ginagawa mo rito? Paano mo nalaman na kung anong oras ang uwian ko, ha? Hindi ka ba nadala sa ginawa mo nung nakaraan?"

"What did I do?"

Tumaas ang dalawang kilay ko habang nanlalaki ang mata. "Hindi mo maalala? Pinahiya mo ako sa harapan ng buong school ko!"

"Oh! That one... what's wrong with it? I was just expressing my love."

Tumagal ang titig ko sa kanya pagkatapos ay inilagay ang kamay sa aking baywang. I clicked my tongue two times before I looked at her again. She's just standing at her spot like a good little dog waiting for her master to call her.

"Yeah? Well, you've ruined my reputation! What's wrong with you?" galit kong tanong.

She raised up her hands in a defensive stance. "Op! Don't be mad at me, please? Liligawan pa kita eh." Ligaw?

Napakunot ako ng noo sa pinagsasabi niya. "Ligaw? Anong ligaw ka dyan?"

"Bakit, payag ka bang ligawan mo ako?" Tiningnan niya pa ako na parang inosente.

"Of course not!"

"Edi ako na ang manliligaw." Then she smiled like a little kid. What? I ruffled my hair out of frustration. What nonsense is she speaking?

Anong sinasabi niya manliligaw siya? Do I look like a freakin' maiden to her? Can't she see or is she just stupid?

"You're unbelievable! Please, just get out of my way. Dahil sayo hindi na tahimik ang buhay ko sa school." I have to endure months of teasing and staring at my schoolmates and not too mention that a girl is willing to throw herself just for a guy! For a guy!

Aalis na sana ako para umiwas sa kung ano na namang issue nang hablutin niya ang braso ko. "Hindi ko kayang gawin yun. Liligawan nga kita diba?" 

Ano bang pinagsasabi ng babaeng to?

Tinanggal ko ang pagkahawak niya sa braso ko. And it took me a few seconds to process what she's talking about. "Are you out of your mind, lady?"

"Yes." Sinabayan niya pa ng isang tango.

I facepalmed. She's worse than I thought. I cannot take this kind of person. Ayoko na ng panibagong kahihiyan. Gusto ko lang ng matiwasay ang buhay estudyante. Is that too much to ask? 

"Meron na akong girlfriend," saad ko na lang para tigilan niya na ako. 

"No, you don't. May nililigawan ka lang and her name is Honey, right?" Nanlalaki ang matang tinitigan ko siya. Bakit alam niya yon? Hindi lang pala siya weird, crazy, and scandalous. She's also a stalker.

"I know that look. I am not a stalker. Admirer lang." Sabay nagpacute sakin. That weird batting of her eyelashes and pouty lips. Napangiwi ako kahit pa na bagay naman sa kanya.

"Alam mo naman pa lang may nililigawan ako tapos andito ka at sinasabi mong liligawan mo ako? Disente ka pa ba? Hindi ka ba marunong rumespeto? Do you even hear yourself right now? Liligawan mo ako? It sounds crazy!"

Medyo nahingal ako dahil sunod-sunod ang pagbigkas ko pero hindi man lang siya natinag at nakangiti pa rin.

"Ang gwapo mo pala sa malapitan." Sa haba ng sinabi ko yun lang ang sasabihin niya? What am I gonna do with her? She's hopeless.

Nagsimula na akong maglakad at hindi na lang siya pinansin. Tumaas ata ang blood pressure ko sa narinig. She's gonna court a guy? I scoffed. That's even more ridiculous when I heard it come out of her mouth.

"So where are you going?" Aish, like I haven't seen that coming. Alam ko namang susundan niya ako. It's a stalker's nature. 

"Home. Now, please just get out of my way." Man, kung hindi lang babae 'to kanina ko pa siya binantaan. Saan ba 'to nanggaling at parang hindi ko nakita? 

"Susunduin ba kita bukas?" Napatigil ako sa paglakad sa narinig ko.

"What?"

"I'll fetch you tomorrow at your house. Anong oras ba?" Mataman siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko.

Nakahawak pa siya sa strap ng backpack niya. Ako naman 'di makapaniwala sa naririnig ko. She sounded like she's really courting someone. Or better yet... just annoying the heck out of me.

I touched my forehead creasing into a knot. "Look miss, enough with the prank. It's not funny. Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag mo akong idamay 'cause I talk serious here. I don't even know you." 

Seriously, this is all starting to give me a headache.

She gave me a timid smile in return and looked at her shoes. "Talaga ngang hindi mo ako naaalala."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. So I do know her. Or maybe I have encountered her before. Hindi ko talaga siya maalala kahit na pilitin ko... at hindi ako basta-basta nakakalimot ng mukha. Hindi ko matandaan kung sino siya.

"Ah, sige. Una na ako bye. Sorry for the inconvenience." Nagsimula na siyang umalis.

She looks disappointed and tired. Nakayuko siyang umalis sa harapan ko... I wonder what's wrong with her. She seems to be off. Well, I'm glad she's out of my sight. It's for the better. Wala siyang mapapala sakin kundi pangangaral. 

Dahil magandang tingnan na ang babae ang unang gumagawa ng move para mapansin siya ng taong gusto niya. That's my opinion.

Nagsimula na ulit akong maglakad pauwi. This day is so tiring, especially with her around.

* * * * *

"Nagpakita ulit siya sayo? Anong sabi?" tanong ni Erik na biglang-bigla sa sinabi ko. Nakatambay ulit kami sa bahay habang hinihintay yung dalawa.

"Liligawan daw niya ako." Umiwas ako ng tingin at ilang segundo lang ay nakarinig ako ng halakhak sa kanya. I know, it's hilarious.

"Dude, seriously? She said that?" he asked.

Naiinis ko siyang tiningnan. "Oo nga! Bigla na lang sumulpot sa harapan ko and she claimed to court me." Kahit ngayon, ang weird pa rin pakinggan. It's so absurd! Siya pa talaga ang manliligaw. A petite girl like her?

I heard Erik controlling his laugh, said, "You should've said yes." Then he laughed once again.

"Alright I get it, it's funny. Can you please stop laughing now?"

Hindi naman niya ako pinakinggan at tuloy pa rin ang hagalpak ng tawa. Oo na, it's ridiculous of me to let a girl say that she's gonna court me. Hindi ba siya na-inform na lalake lang dapat ang gumagawa non?

"But I gotta admit, she has guts. Can you imagine? Ang lakas niyang umamin ng ganun sayo. She must really like you, bro. Sinong babae ang bigla na lang sisigaw at aamin ng nararamdaman niya sa harap ng maraming tao? She's pretty brave to do that."

Tinapik niya pa ako sa balikat bago humiga sa couch namin. That got me thinking. Paano ba niya ako nakilala? Saan ba kami nagkita dati? I'm really trying to remember her pero hindi talaga siya pumapasok sa isip ko. I cannot remember her.

So she's not really playing a prank on me. She's serious. But why me? Andami naman dyan na pwede niyang magustuhan, ako pa na may nililigawan na. 

Okay I know, back to the point na nakilala niya ako who knows where pero alam niya na meron na akong nililigawan. Bakit hindi pa siya tumigil? Manhid ba siya?

"By the way, what's her name?" I was interrupted by what I was thinking when Erik spoke.

Umiling ako habang isinandal ang kaliwang kamay sa likod. "Hindi ko alam. Hindi naman niya sinabi." 

Even that, I don't know about her.

"What? Tsk. I guess, she will remain as your mystery girl for now..." He said it. She's a mystery to me. I don't know who she is but I know what is her intention to me. "Boto ako sakanya."

Bigla akong napatingin kay Erik na prenteng nakahiga. Akala mo naman bangkay. "What?"

"Kahit hindi ko pa siya nakikita alam kong mas bagay kayo kesa kay Honey."

Napakunot ang noo ko. "Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Honey? She hasn't done anything to you, has she?"

He got up as he was talking.

"Dude I'm telling you, something's wrong with her. I can feel it, here..." Tinuro niya ang tyan niya. "Here in my gut."

"Don't judge her that easily. Baka kasi hindi mo pa siya nakakasama ng mabuti kaya ganyan na lang 'yang mga pinagsasabi mo o baka naninibago ka na may kasama akong babae palagi. Mabait siya, dude. Please don't say things like that."

I'm really bothered when he's telling me something about Honey.

"Okay, maybe I'm exaggerating a bit. Maybe something's not wrong with her but you still have to be careful."

Hindi ko talaga alam kung anong pinagsasabi ni Erik but I choose not to argue with him and just nodded.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
956K 19.7K 60
Gaano ba kahirap maging batang ina? Ano ba ang mararamdaman mo lalo na kung natatakot ka dahil ang pamilyang dapat nasa tabi mo para gabayan ka ay wa...
144K 5.1K 68
A romantic-comedy with-a-touch-of-drama. Basahin ang nakakatawa at nakakakilig na kwento nina Kevin Lee at Steffanie Yoo. This story is based on the...
32.4K 744 79
LIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-i...