My Possessive Boyfriend

By CeyTinne

48.5K 644 15

"Gusto ko akin ka lang. Wag mo na akong iiwan ulit ha? Hindi ko kakayanin. Sa akin ka lang." Anong mararamdam... More

My Possessive Boyfriend
Chapter 2: It seems broken.
Chapter 3: Are you lost?
Chapter 4: I will hold you.... Goodbye.
Chapter 5: the Falling and the Rising
Author's note
Chapter 5: The Falling and the Rising (Part 2)
author's kachuchuhan

Chapter 1: I don't know what to do.

9K 129 3
By CeyTinne


Mae's POV

" Hello Hon! " Sabay halik sa cheeks ko.

hindi ako tumitingin sa kanya.

" Late ka nanaman "

" Sorry na Hon. Traffic kasi eh " Tsk. Sabi niya.

" Traffic nanaman? " Hindi pa rin ako natingin sa kanya.

" Ano bang meron diyan sa dinadaanan mo at laging traffic pag magdedate tayo? " nasambit ko nalang. Eh sino ba naman ang hindi maiinis eh 2 oras kang pinaghintay ng boyfriend mo tapos ang rason paulit-ulit nalang. Sabihin nyo nga sakin readers, kayo ba hindi maiinis don? Grrr.

Inirapan ko siya nung hindi siya sumasagot sa sinabi ko. I crossed my arms at tinalikuran sya.

Niyakap niya ako mula sa likod at sabing " Sorry na Hon. Sorry na. Please patawarin mo na ako. " Pag sinasabi niya yan parang alam niyang bibigay din ako. Tsk.

napangiti ako. Tapos inalis ko yung pagkakayakap niya sakin at humarap ako sa kanya. Ngumiti lang ako sa kanya at may kukunin ako sa bag ko. At siya kumunot naman ang kilay niya, confused siya kung ano ang kukunin ko sa bag ko. Pagkalabas nung kinuha ko inihaya ko ito sa kanya.

Ang hitsura naman niya eh ganito >>>>>> o.O

" Happy 1st Anniversary Hon! " naisigaw ko iyan. napatingin naman yung mga tao samin at si Marco naman napatingin din sa mga taong nadaan.

naghihintay ako ng sasabihin niya. Kinuha niya ang inihaya ko sa kanya.

" Ahhmmm. Happy Anniversary Hon. Hmmm. " Nadisappoint naman ako kasi parang alam ko na kung bakit ganiyan ang reaksyon niya. yung ngiti ko unti unting nawawala. tinignan niya ako looking disappointed.

" You forgot? " Naiiyak kong sambit. Hindi siya sumagot at bumabaling baling ako tingin niya. Sabi ko na nga ba eh. Tsk. Wala nang sense ang pagiistay ko dito. Lalakad nalang ako paalis. Tumutulo na yung luha ko. Gosh! Hindi niya man lang ako hinabol. Pinagtitinginan na ako ng mga tao dito sa mall. Pumunta ako sa favorite naming resto ni Marco at sumalubong sakin yung lalaking nakausap ko kanina. Organizer siya.

" Ma'am ihahanda na po ba? "

" Hindi na. Hindi na tuloy. Cancel nyo nalang lahat. " sabi ko.

" Pero Ma'am pasensya na po. Hindi po pwedeng irefund eh. " sabi niya.

" Okay lang. Alis nako. " Lumakad na ako palayo.

Tinignan ako ng mga tao at nagbabadya nanaman ang mata ko para lumuha. Alam ko ang iniisip nila. Naawa sila sa akin. Alam nila na 3 araw ko itong pinaghandaan at binayaran ko silang lahat para lang magacting at pasayahin si Marco sa Anniversary namin. He's my first boyfriend kaya pinaghandaan ko talaga. Halos hindi na nga ako kumain sa tuwing may break time kami sa school para lang dito tapos mapupunta lang lahat ng inipon ko sa wala? Tapos ang nakakatawa pa doon yung taong sosorpresahin mo at pinaghandaan mo ng sobra sobra eh nakalimutan ang pinakamahalagang araw niyo bilang magkasintahan. Funny right? so funny!!!!!

Nakauwi ako ng bahay na maga ang mata ko. dumiretso ako sa kwarto ko at nagkulong. sa pagiyak ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Geez! 9pm na pala at gutom na ako. bumaba nako at dumiretso naman sa kusina. Nakita ko si Manang na dala-dala yung bag niya.

" Mae alis na ako ah? Magiingat ka dito" sabi niya.

oo nga pala. weekend pala ngayon.

" Sige po. Magiingat po kayo. " sambit ko. ngumiti siya at umalis na.

Kung nagtataka kayo kung bakit wlang sumalubong sakin kaninang paguwi ko at ngayong nagising nako eh wala akong kasama sa bahay bukod sa isang katulong at yun si Manang Pecha na kakaalis lang. Tinatamad akong magdrama kaya next time ko nalang ikukwento kung bakit.

kasalukuyan akong kumakain nang may biglang nagdoorbell. Iniwan ko muna yung kinakain ko at bubuksan muna ang pinto. Pagbukas ko akala ko si Manang, may nakalimutan lang. ngayon pala etong Boyfriend kong nakalimot ng anniversary namin. napacross arms ako nang makita ko siya.

" Anong ginagawa mo dito? " tumalikod ako at naglakad habang sinasabi yan.

hindi siya sumagot kaya hinarap ko siya. pinagtaasan ko siya ng kilay.

" Hon, flowers oh. " iniabot niya sakin ang bouquet na flowers. at kinuha ko naman yun. Red flowers eh. kaya kinuha ko na. " Sorry na. " sabi niya.

tinalikuran ko lang siya at pumunta na sa kwarto ko. Ayoko siyang patawarin. Lagi nalang ako yung nageeffort, tapos siya puro sorry? nakakasawa.

bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok. umupo siya sa kabilang side ng kama. linapag ko sa sahig ang flowers. tinitignan niya lang ako. at ako naman nakadiretso lang ang tingin ko. Tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ko pero hindi parin ako lumilingon. Tumayo siya at hinarap ako akala ko kakausapin niya ako pero hindi. Hinalikan niya ako na ikinabigla ko naman. Tinulak ko siya.

" Anong ginagawa mo? ha? " pasigaw kong sambit. hindi niya ako pinakinggan at hinalikan niya ulit ako. marahas yun at hindi ko nagustuhan tinutulak ko siya pero ang lakas niya, hindi ko siya kaya. Naiiyak na ako. nang magtagal. binuhos ko lahat ng lakas ko para maitulak siya. at natulak ko naman siya. kasabay ng pagtulak ko eh ang pagsampal ko sa kaniya ng malakas. Pati kamay ko nasaktan sa ginawa ko. humihikbi nako sa takot. natakot ako. sa isang taon na relasyon namin, ngayon lang ako natakot.

" Uma*sniff*lis ka di--to!!!!! " tinuro ko ang pinto. sa sobrang lakas ng sigaw ko nagulat sya. lumabas siya ng kwarto ko at habang bumababa siya binabato ko sa kanya yung flowers na binigay niya sakin.

" Umalis ka dito!!! Wag na wag kang babalik dito!!! " I manage to utter those words kaht masakit sa paghikbi at sa nararamdaman ko.

Nasa harapan na siya ng pinto.

" Umalis ka na. " matigas kong sabi. humarap siya sakin.

" Mahal mo ba ako? " sambit niya. lumapit siya sa akin. " Mahal mo ba ako Mae? " sabi niya ulit.

" Mahal kita *sniff* pero hindi sa ganung paraan. Nahhrapan na ako Marco. *sniff* ako nalang ba lagi ha? " sabi ko.

" Kung mahal mo ako. Ibigay mo sakin ang gusto ko. " sabi niya. Bakit parang hindi niya narinig na nahhrapan nako.

tinulak niya ako sa pader at linagay yung dalawang kamay ko sa pader at hinalikan ako ng marahas mas marahas pa kaysa kanina. hndi ako makalaban dahl malakas siya hndi ko makuha mga kamay ko sa higpit ng pagkakahawak niya. Umiiyak na ko. humihikbi. bumaba ang halik niya sa leeg ko. " Tama na *sniff* Marco!!!!!!!! " sobrang lakas niyan pero hindi parin siya tumitigil. Ayoko na!!!! Ang sakit ng gnagawa niya hndi lang sa pisikal kundi sa puso. minahal ko siya pero eto ang igaganti niya? sinasaktan niya ako.

Nang hindi ako makatiis. Sinipa ko na ang maselang parte ng katawan niya.

" Ahhhhh!!!!! Aray!!! Ang saket!!! ugggggghhh!! " Sigaw niya sa sakit. nakapilipin siyang nakahiga sa sahig.

kinuha ko yung matulis na gunting malapit sakin.

" Aalis ka o tutuluyan kita neto!!!! " sigaw ko. tapang kong sigaw.

" Walangya kang babae ka!! Sa akin ka! sa akin ka lang!!!! " sigaw niya. tumayo siya pero hawak padn ang maselang parte ng katawan niya.

" Sige!!! Lumapit ka!!! Tutuluyan kita neto!!! " Tinutok ko sa kanya ang hawak kong matulis na malaking gunting. Napaatras siya. " Umalis ka dito!!!! Wag kang babalik!! Umalis ka dito!!! " sigaw ko at lumalapit ako sa knya habang tutok ko nang gunting sa kanya at sya namang hakbang niya paatras. Tuluyan na siyang umalis sakay ng motor niya. masama ang tingin niya sakin habang palayo...

Pumunta ako sa kwarto ko at humiga ng kama at umiyak.....

Papa!! nasaan ka? Sabi mo poprotektahan mo ko sa mga lalaking sasaktan ako. Nasaan ka na? Papa ko! Bakit ba lahat nalang kayong mahal ko eh iniiwan ako? Hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Hndi ko na alam pa ang gagawin ko sa buhay ko. PAPA!

Continue Reading

You'll Also Like

184K 3.6K 21
Dice and Madisson
792K 40.8K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
763K 37.6K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
40.5K 1.2K 34
Layla Rios is in her mid- 20's and is a very feisty and temperamental woman. At the age of 23, she got married to a certain man for many various reas...