She Was Bitten

By fbbryant

1.3M 48.4K 5.1K

Nang dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari ay napilitang lumipat ang pamilya nina Savannah sa Hellville... More

Disclaimer
...
1: Savannah
2: The Strange City
3: Glass Window
4: Party, T and Dream
5: Matteo Brigham
6: The Founding Families of Hellville
7: Town Council Meeting
8: Upstate Party
9: First Day of School
10: A Simmons Witch's Role
11: Simmons Mansion
12: Rights
13: A Puzzle
14: Coffeeshop
15: She Should Not Care
16: Council Meeting with Outsiders
17: O 💜 G
18: Upside Down World
19: Pleas and Intruder
20: Forgotten Secret
21: Truth and Awkward Dinner
22: Blood Moon
23: Side Effect and Gratitude
24: A Visitor
25: A Long Lost Friend
26: Mysterious Yaddie
27: Channeling
28: Vampire-Witch
29: Fitzgerald Vampires
30: Gratitude and Loyalty
31: A Bite In the Back
32: ISOP
33: ISOP President
34: Attack of the Turned
35: Amongst Them
36: The Hunt
37: Truce
38: Grand Plan
39: Lost Lives
40: Goodbye
41: Ghost From the Past
42: Sisters
43: Family Trouble
44: Moved On
45: Pain and Regret
46: Vacation
47: Love Wins
48: Bloody Town
50: Reinforcements
51: The Battle
52: Ultimate Power
53- Death and New Beginnings
Epilogue
Special Chapter
Note
Announcement

49: For the Ultimate Power

20.3K 696 67
By fbbryant

"What happened?" niyakap ako ni Titus habang patuloy sa panginginig ang katawan ko. Ni hindi ako makasagot.

"Savannah, may nakita ka bang vision?" usisa ni Matteo kaya isa-isa ko silang tiningnan bago tumango.

"What did you see?" seryoso akong tiningnan ni Titus sa mata kaya napalunok ako.

"Just... Just how Fredrick and the other Purebloods were killed. I-I have to find the others. Tama ka, your parents are probably still alive," itinulak ko nang bahagya si Titus and focused.

Pumikit ako at una kong nakita ang sementeryo. I moved forward.

And I saw it. I saw them. I didn't need details. I knew where they're being kept.

I opened my eyes. Nakakahilo itong ginagawa ko. Clairvoyance after clairvoyance. Nakaka-exhaust. But they needed to know. ASAP.

"Your... Your parents. They're being tortured right now by Lucinda and Florence," nanginginig kong sagot kaya napasinghap sina Nadine at Matteo samantalang napatiim-bagang naman si Titus.

"Nakita mo ba kung saan?" aniya.

Kumunot ang noo ko. Nakatali ang mga kamay at paa nina Rosamund Bloodworth, Mrs. Clementine at Mrs. Penelope habang nakasubsob sila sa lapag. Sina Mr. Horton, Mr. Brigham at Ambrosia naman ay nakatali rin ang mga kamay sa kadena na konektado sa bubong kaya tila nakasabit sila at sapat lang na nakaapak sila ng konti sa sahig.

Lahat sila ay duguan at may mga natuyong dugo na nga sa katawan nila at kahit na hindi ko naging kaibigan si Ambrosia ay naaawa pa rin ako sa kanya. Mukhang hirap na hirap na siya idagdag pa ang napakalaki na niyang tiyan.

"Savannah, please alalahanin mo kung saan," naiiyak nang sabi ni Nadine.

"Don't force her, Nadz," mahinang sabi ni Titus

"Alam kong nasa sementeryo sila. Inalala ko lang kung saan exactly. Sa mausoleum ng founding families. Nandoon sila."

"Tayo na," anxious na yaya ni Nadine. She was still shaken by Fredrick's death.

"Hey, calm down. Hindi tayo pwedeng padalos-dalos," hinawakan ni Matteo ang kamay n'ya kaya huminga siya nang malalim.

"Savannah, how are they?" baling ni Nadine sa akin.

"Ah... They're not okay," I said honestly. Mas mabuti nang alam nila ang nangyayari sa mga pamilya nila.

"But they're alive, right?" ani Matteo.

Tumango naman ako. "Barely. We have to hurry."

"Okay. It's just gonna be the four of us against Lucinda and her people. Be careful," sabi ni Titus saka ako hinawakan sa kamay. "Rocco, find some Purebloods who can be our backup."

"Okay, T," mabilis na sagot ni Roco saka nauna nang lumabas.

Sumunod kami agad sa labas. Sa isang kotse na naroon kami sumakay. Si Titus ang nagmaneho n'on at agad na naming tinalunton ang daan papuntang sementeryo.

Kabado ako buong byahe kaya hindi ko binibitawan ang kanang kamay ni Titus habang ang kaliwa naman ang nakahawak sa manibela.

"Malilintikan talaga sa akin ang Lucinda na 'yun," nanggagalaiting sabi ni Nadine at naiintindihan ko kung bakit.

"Let's just be alert and reasonable when we get there. Hawak nila ang mga pamilya natin. We can't risk it by being reckless," ani Matteo at sumang-ayon naman kami lahat.

Malayo pa lang ay kita na namin na pinapalibutan ng mga Turned ang sementeryo. Kung nasaan ang mga witches na sakop ni Lucinda ay hindi ko alam. But for sure, they were just lurking around here somewhere.

Watching.

Ito ang mahirap. Tila pumasok kami sa yungib ng mga leon. We didn't have the element of surprise. Hinintay kami ng mga kalaban. Inabangan. At ngayon ay pinapanood.

They were waiting for the right time to attack us.

Napahigpit ang hawak ko kay Titus habang palapit na kami sa destinasyon namin.

Sa harapan mismo ng gate ng sementeryo inihinto ni Titus ang sasakyan.

"Nichola, Nadz, you wait here. Kami na ni Matt ang papasok."

"No, T. Sasama ako," agad na sabi ni Nadine.

"Ako rin," ayoko kayang maiwan dito.

Nagkatinginan muna ang dalawang lalaki bago sabay na bumuntung-hininga.

Agad na kaming bumaba at sinalubong kami ng mga Turned na mukhang mga gutom na hayop. Sa totoo lang, nakakatakot ang mga hitsura nila. Parang any moment lang ay sasakmalin na nila kami.

"We're here to see Lucinda," matigas na sabi ni Titus kaya nagtanguan ang dalawang nasa gate.

This wasn't part of the plan we created while we were in the van. Hindi namin inaasahan na wala kaming madadatnan kahit isa man lang miyembro ng founding families.

We had to improvise.

"Sumunod kayo sa akin," sabi ng isa na kalbo saka kami tinalikuran. Pareho silang mukhang normal. Walang crack ang kanilang mga mukha.

Tahimik naman kaming sumunod. As much as possible ay pinipigilan ko ang panginginig ko. Ayokong mahalata nina Lucinda na takot ako.

No, I wasn't just scared. I was terrified.

This was my life now. But nobody could get used to this.

Tahimik lang kaming tinitingnan ng mga bampirang nasa paligid. Alam kong naghihintay lang sila ng utos mula sa pinuno nila.

Habang naglalakad ay panay din ang tingin ng mga kasama ko sa paligid. Mukhang nag-oobserba sila.

"I can see some witches hiding in the dark," mahinang sabi ni Matteo.

Alerto kaming lahat sa aming paligid.

"It's about time," 'yun ang una kong narinig nang makapasok kami sa mausoleum.

"T," mahinang usal ni Tita Rosamund. Mukhang nanghihina na ito. At katulad nito ay gan'on din ang sitwasyon ng iba. Puno ng pasa ang katawan nila at duguan. Kahit wala na silang sugat dahil naghilom na panigurado ang mga 'yun ay nanatili sa katawan nila ang natuyo na nilang dugo. Hindi ko kayang isipin ang pagpapahirap na ginawa sa kanila.

Narinig ko ang mahihinang mura ng mga kasama ko habang nakatingin sa nakakaawang hitsura ng mga pamilya nila.

"What do you want?" mababa ang boses ni Titus pero puno iyun ng galit.
Tumawa si Lucinda saka kami tiningnan na para siyang nababaliw.

"Power."

"So, you want our city," sabi ni Nadine.

"No," she said, smirking. "Not just the city. Power."

"Then what kind of power do you want?" si Matteo naman ngayon ang nagsalita. Tulad ni Titus ay puno rin ng galit ang boses n'ya.

"The ultimate power," anang babae saka lumapit kay Florence na nakatayo lang sa tabi at may hawak na wooden stake. Napakatulis n'on at alam kong vulnerable kaming mga bampira d'on.

Ultimate power?

"What are you talking about?" ani Titus.

"Let's make a deal, Mr. Bloodworth. I will set everyone free except you and your friends, of course."

Napatingala ako kay Titus at napansin ko ang pagsulyap niya sa kanyang ina.

"T, d-don't..." dinig kong sabi ni Mr. Brigham.

"Hindi namin hahayaan na mamatay kayo dito," matigas na sabi ni Matteo sa kanyang ama.

"That doesn't sound like a fair deal to me, Lucinda," ani Titus.

"Oh, believe me, it is. You can be assured that your families will be safe and free."

"And what do you want from us?"

"Your blood, Mr. Bloodworth. The blood of the four founding families."

Napakurap-kurap ako sa narinig. Anong gagawin n'ya sa dugo namin?

"Just leave us alone. We don't want to give you our blood."

"Oh, Mr. Bloodworth, wrong move," nakangising sabi ni Lucinda. At bago pa kami makakilos ay naagaw na niya ang stake na hawak ni Florence at isinaksak n'ya iyun sa may tyan ni Mr. Horton.

"Daddy!" malakas na sigaw ni Nadine. Nakita ko ring nag-react sina Ambrosia pero masyado na silang nanghihina.

Galit na itinaas ni Titus ang kanyang kanyang kamay kaya agad kong nahulaan na gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan.

Pero walang nangyari. Tumawa lang sina Lucinda nang sobrang lakas.

Nagkatinginan kami ni Titus. He looked confused.

"Sa tingin n'yo hahayaan namin kayong makalapit dito knowing na meron kayong kapangyarihan?" Florence asked while smirking.

"Just a few herbs and crystals and poof, a spell that inhibits your powers to be used. I already saw that coming kaya may proteksyon kami dito," Lucinda said while grinning from ear to ear.

"Damn you," mahinang usal ni Titus.

Dahan-dahan na ring bumangon ang matinding galit sa dibdib ko. Yung takot ko kanina ay napalitan na ng galit. Upang pigilan ang sarili ko ay naikuyom ko na lamang ng mahigpit ang mga kamay ko.

"I will give you five seconds to decide. Madali lang naman eh. The four of you need to surrender then your family can go."

"Ano'ng gagawin mo sa dugo namin?" lakas-loob kong tanong.

"Iinumin namin, of course. And with my spell, I can make us the most powerful beings," ani Lucinda nang nakangisi saka hinaplos ang mukha ni Florence.

"Three, two, one," biglang sabad ni Florence.

"Oopps," ani Lucinda sabay saksak ng hawak niyang stake sa may kaliwang  dibdib ni Mr. Brigham. Malapit sa puso.

"Ugh!" kita ang sakit sa mukha ng lalaki lalo na at hindi iyun tinanggal ni Lucinda.

Gulat kaming napasinghap.

"O-Orson..." mahinang usal ni Tita Penelope, ang ina ni Matteo.

"Damn you," malakas na sigaw ni Matteo at agad na sinugod ang babae.

Kikilos na rin sana kami nang biglang napaluhod si Matteo. Napadaing ito habang sapo ang ulo.

"Don't you dare," seryosong sabi ni Lucinda. Nakaharap kay Matteo ang kaliwa niyang palad.

"Stop it!" sigaw ko sa kanya.

"Itigil mo 'yan. You can have my blood," ani Titus. "I'm the most powerful among us."

"T... anak h-huwag..." nanghihinang sabi ni Rosamund.

"Like I said, I want the four of you," turo ni Lucinda isa-isa sa aming magkakaibigan. "Pwede naman sana ang dugo nina Mr. Brigham, Horton at Ambrosia but I realized that having the four of you instead will be much more fun."

"Ahhhh!" naagaw ng malakas na tili ni Ambrosia ang atensyon naming lahat.

"S-She's having a premature labor,"  natatarantang lumapit si Nadine sa kapatid pero tulad ni Matteo ay napaluhod din siya nang itapat ni Lucinda ang kanang kamay sa direksyon n'ya.

"By the way, kayo lang ang walang kapangyarihan dito," ani Lucinda nang nakangisi.

Hinahawakan ko ang kamay ng katabi ko na kanina pa pala nakakuyom. Nanginginig na s'ya sa galit at alam kong pinipigilan lamang niya ang pagsabog dahil hindi n'ya magagamit ang kapangyarihan n'ya dito. Hindi sapat ang lakas at bilis namin lalo na at may kapangyarihan si Lucinda. Baka mas manganib lang kami dito.

"T-Titus..." sambit ko sa pangalan n'ya kaya napatingin s'ya sa akin.

"Ahhh!" halos magkakasabay na sigaw nina Nadine, Matteo at Ambrosia.

"Mga...anak ko..." umiiyak na sambit ni Mrs. Horton.

Tinanguan ko si Titus kaya huminga siya nang malalim bago binalingan ang dalawang nakangising babae.

"Fine. You can have what you want. Just let them go now," mwestra niya sa direksyon ng mga nakatali nilang kapamilya.

Humalakhak ang dalawang babae saka tinanggal ang stake mula sa dibdib ni Mr. Brigham na agad namang nakahinga nang maluwag. Nakita ko pa ang paghilom ng kanyang sugat sa ilalim ng kanyang napunit na t-shirt. Pero hindi na 'yun gan'on kabilis. He must had been exhausted.

"Al! Lance!" malakas na sigaw ni Lucinda at ilang sandali lang ay may pumasok na dalawang lalaki. Malalaki ang katawan nila at matatangkad pa. "Tanggalin n'yo ang mga tali nila pagkatapos ay sila naman ang itali n'yo sa inihanda natin," dagdag niya na itinuro nanaman kaming magkakaibigan.

Inihandang ano?

Nang matanggalan ng tali ang mga pamilya nila ay agad na silang inilabas ng mga tauhan ni Lucinda na sumunod dito sa mausoleum. Panay pa ang tingin at tawag nila sa amin pero mabilis na silang nailayo ng mga tauhan ni Lucinda. Nahabol na lang namin sila ng tingin at nang kami naman ang hinarap ng iba pang mga Turned ay hindi na kami pumalag. We made a deal. Kailangan naming tuparin iyun.

Itinulak kami ng mga tauhan ni Lucinda sa pader kaya napasandal kami doon. Unang kinuha ng lalaki ang kanang kamay ko at itinaas iyun. Sa may bandang itaas ay may nakakabit na metal ring sa pader. Gan'on din sa kaliwang side. Bumukas ang ring kaya ipinasok n'ya ang kamay ko doon. Saka ko lang na-realize na parang mga posas ang mga rings na 'yun na konektado sa pader.

Wala akong nagawa nang ang kaliwang kamay ko naman ang inilagay n'ya sa ala-posas na ring na 'yun.

Sunod na ginawa ng lalaki ay ang mga paa ko naman. Meron din pala n'ong mga rings na 'yun sa paanan ko.  Medyo magkalayo ang pagkakaposas ng mga paa ko kaya nagmukhang letrang 'X' ang hitsura ko ngayon.

Nang tingnan ko ang mga kaibigan ko ay gan'on din ang sitwasyon nila.

"Okay ka lang?" kahit nahihirapan ay nagawa pa rin akong tanungin ni Titus kaya nginitian ko na lang s'ya.

Hindi ako okay pero hindi ko 'yun sasabihin sa kanya. Ayokong mas mag-alala pa s'ya.

"Tamang-tama. Mamayang gabi ay fullmoon. Magagawa natin ang ritual," masayang palatak ni Florence.

Ngumisi naman si Lucinda saka hinaplos ang mukha ng babae. "Gagawin ko ang lahat para sa'yo, mahal ko. Anuman ang hilingin mo ay ibibigay ko."

Napaubo si Matteo kaya napatingin kami sa kanya. Ang loko may balak pa yatang maging smartass.

"Ladies, okay ako for threesome. How about now, huh?" aniyang nakangisi.

Bakit palagi na lang may naiisip na kagaguhan itong si Matteo?

"Hahayaan kita, Mr. Brigham, sa pantasya mo tutal naman, maya-maya lang ay ako naman ang masisiyahan," ani Lucinda.

Matteo might had been acting like a smartass, but his eyes were full of hatred, and anger.

"Not long from now, you will all be dead It's because of exsanguination. Are you familiar with the term?"

Exsanguination? Ano naman 'yan?

"It is commonly known as bleeding to death," sagot ni Lucinda sa sarili niyang tanong at sabay silang nagtawanan ni Florence.

Bleeding to death? Papatayin pala nila kami? Nanlaki ang mga mata ko sa realisasyon na 'yun.

What else did I think? Na magsasayaw kami sa rainbow pagkatapos ng lahat ng ito?

Napatingin ako kay Titus at nalaman kong nakatingin din pala siya sa akin. He gave me a small smile and that somehow gave me a little comfort.

It was like he was saying that everything would be alright.

"Hey Nadz, you alright?" dinig kong tanong ni Matteo kaya napatingin ako kay Nadine.

She looked angry but she was on the verge of crying.

Napahinga ako nang malalim. We all seemed hopeless. Hindi man lang kami nakalaban.

"Mayor Montgomery, nandito na po sila," isang lalaki ang pumasok ng mausoleum kaya natigil sa paglalampungan ang dalawang babae.

"Papasukin n'yo," inayos ni Lucinda ang brown niyang scarf na nakabalot sa katawan niya.

Lumabas ang lalaki at nang bumalik ay may kasama na itong dalawang babae at dalawang lalaki na kaedad lang yata nina Noura.

And speaking of Noura, hindi ako makapaniwalang hindi ko na makikita ang mga kapatid ko. Sina Max, Rianah, Noura at Saide. Kailangan pa naming magkaayos ng huli. Pati na rin si Daddy. At kahit na ayaw ko sa kanya, most of the time, si Orpheus, siya pa rin ang grandfather ko.

Sumikip ang dibdib ko sa naisip.

Huli na yata ang lahat.

Isa-isang pomosisyon ang mga bagong dating sa aming magkakaibigan. Iyung babaeng may blue mohawk na buhok ang nasa harapan ko.

Wait. Blood bags ba 'yang hawak n'ya? May mga needles din at tubes.

"Kayo na muna ang bahala dito. Tawagin n'yo kami 'pag may problema," ani Lucinda saka hinila na si Florence palabas.

Gulat akong napatingin sa kanang palapulsohan ko nang bigla akong tusukin doon ng karayom na may nakakonektang tube. Agad na dumaloy ang dugo ko roon na dumeretso sa blood bag na nasa paanan ko lang nakalapag.

"Gaano katagal kaya bago mamatay ang mga 'to?" nakangising tanong ng isa pang babae na s'yang kumukuha ng dugo ni Matteo.

"Baka matagalan tayo rito. Alam n'yo naman ang pamilya ng mga 'to," sagot n'ong lalaki na nasa harapan ni Titus.

"Damn. May laro pa akong poker mamayang alas-siyete ng gabi. Kailangan kong makahabol," sabi naman n'ong lalaki sa harapan ni Nadine.

Hindi ako makapaniwala sa pinag-uusapan nila. Heto at may pinapatay sila pero poker pa rin ang nasa isip?

Hindi nagtagal ay nakaanim na bag na sila. Nagsimula na rin akong mahilo. Tila sumasayaw na 'yung paningin ko at kahit na paglingon kay Titus ay nahihirapan na ako.

"N-Nichola..." mahina na rin ang boses niya.

Naririnig ko rin ang mahihinang ungol ni Nadine. Dama ko ang paghihirap n'ya.

Titus... Gusto ko s'yang tawagin bago pa man ako mawalan ng malay pero hindi ko magawa.

Tuluyan na akong tinakasan ng lakas.

"Nichola... h-hold on," Titus's voice sounded so muffled but at least it was the last voice that I heard before darkness totally devoured me.

***

Continue Reading

You'll Also Like

51.9K 1.4K 50
Devyn Jimenez was a simple woman living with herself and sustaining her life with paychecks every month. Polluted river, war-freak neighbors, and noi...
107K 2.6K 36
Jane: He's a demon..And Im a hunter. I hunt his kind and he kills mine...He hurted me physically until I came to the point that I already begged him...
532K 9.1K 43
Aryaniah, Princesang iniwan ang marangyang buhay niya sa Italya at namuhay ng simple nang hindi kinokontrol ng sariling batas na meron ang pamilya ni...
28.7K 513 48
Ano bang problema sa pagiging mataba? Kapag ba mataba na ikakahiya niyo na? Pano kung pumayat yung matabang nilalait niyo? ...