Behind That Mask

By LittleMissPauu

393K 5.1K 600

Growing up, Cindy Anne Lopez had it all. Fortune, prestige school, loving and protective parents. She was the... More

Crazy In Love
Is it worth it?
It all starts here
Family
Numbed
Lost
Bad Blood
Tomorrow
Memories
Chapter 12: Free again.
Chapter 13: The new friend
Chapter 14: The new life
Chapter 15: Partner in crime
Chapter 16: Death
Chapter 17: Justice
Chapter 18: If we ever meet again.
Chapter 19: Family
Chapter 20: Agent
Chapter 21: Attracted
Chapter 22: Stay
Chapter 23: Blue
Chapter 24: Lost
Chapter 25: Better together
Chapter 26: His Eyes
Chapter 27: I want you
Chapter 28: No feelings involved
Chapter 29: Note
Chapter 30: He's back
Chapter 31: Future
Chapter 32: Not worthy
Chapter 33: Never an option
Chapter 34: Welcome to the family
Chapter 35: Falcon
Chapter 36: Identity
Chapter 37: Fight together
Chapter 38: Bittersweet
Chapter 39: Clueless
Chapter 40: Left behind
-I-
-2-
-3-
-4-
-5-
-Last-

Failed

9.7K 120 12
By LittleMissPauu

KABANATA SAMPU

Umihip ang malakas ng hangin habang naka tingala ako. Gumagamit ako ng isang lubid at isang ascender upang umakyat sa gusali mula sa ika-23 palapag hanggang sa rooftop. Nakarinig ako ng putok ng baril.
"Swing to your right Phoenix!" Narinig kong utos ni Centaur. Ginawa ko yung sinabi niya.
"Phoenix you're supposed to go down. Ano ang ginagawa mo?" tanong ni Sphinx.
Mas binilisan ko ang pag akyat. Nasa 25th floor na ako ngayon.
You can do it Cindy. Limang palapag na lang.
“Nasa iyo ang case Sphinx. You can all go but I will stay here to execute my plan." Mariin kong sinabi.
"Napaka delikado dito Phoenix. Don't go.” babala ni Eagle.
Tumigil ako saglit dahil sa malakas na hangin. Sa tingin ko nasa itaas na ang chopper.
It's now or never.
“Proceed with the plan b Eagle. Mag kita na lang tayo sa Maynila.” Sabi ko saka sabay na hinulog ang speaker at mic ko.
I looked up again and concentrated. I hooked my rope in the railing  when I reached the rooftop.
Sumilip ako upang makita kung anong nangyayari. I slowly slid on the big pipes.
Walang nakapansin sa akin dahil lahat sila ay abala sa pagtingin sa ama ni Leo. You can see in his face that he's so mad. I put a silencer on my guns. The noise from the chopper is perfect for my plan.
"Phoenix!" may humila sa akin.
I almost shoot Eagle on her face.
"Eagle fuck off!" sabay tulak sa kanya.
"This will be our death if you pull that trigger Phoenix. Think straight for God sake!" Pigil niya sa akin.
Binalik ko ang tingin sa ama ni Leo. Nasa chopper na siya. Nanginginig ang mga kamay ko.
"Phoenix, buntis ako." My mouth dropped.
I looked at her again.
"Are you fucking kidding right now?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Hinubad niya ang kanyang itim na jacket at doon nakita ko ang isang maliit na umbok sa kanyang tiyan.
"Fucking stupid!" Nasuntok ko ang railing sa tabi niya.
Napakalapit ko naa kay Arturo Montes! I just needed a good angle to fire away!
"Just think of this baby and calm down." sabi niya at kinuha ang mga baril na hawak ko.
Huminga ako ng malalim. Wala akong nagawa kundi pag masdan ang pag alis ng chopper.
"I thought I'm the crazy one here! But what the hell Eagle? Alam mo namang buntis ka pero tumuloy kapa din dito?” I hissed at her.
"Because I know that the plan is great! Kailangan lang nating sundin ito, bagay na muntik mo ng sirain. We know it's personal for you but think of others too! Lahat tayo ay may mga personal na dahilan kung bakit tayo naririto." aniya.
Umiling ako. Hindi ako makapaniwalang napalampas ko ang pagkakataong patayin si Arturo.
I'm willing to be a murderer just to kill them.
"Sinabi kong iwan niya na ako. Wala akong pakialam kung mamamatay ako ngayong gabi. As long as they die with me." sagot ko sa kanya.
"Hindi ka namin iiwan Phoenix. Ngayon itigil ang kabaliwan na ito at bumaba na tayo. Naghihintay na silang lahat sa van!" utos niya sa akin.
I did not talk back. Half of me knew that she was right but the other half wanted to shoot the chopper above us.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“That was selfish Phoenix.” bungad sa akin ni Sphinx.
Nasa meeting place na kami. Si Centaur at Griffin ay binibilang ang pera na nakuha namin.
I rolled my eyes.
“Because you did not listen to me. I already did my part in your plan. You got the money.” sagot ko.
Umiling si Eagle na nakikinig sa amin.
“I told you, mas mahalaga ang iyong kaligtasan dito. I want you all to be safe. Now if it’s really important to you. We will help you.” alok niya.
Tumayo ako.
"Hindi ko kailangan ang tulong niyo." Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng warehouse.
Eagle was calling me but I did not stop.
I started my bike and wore my leather jacket. I wonder around to calm myself.
Now, I need to plan again so I could kill Leo and his father. Damn.
Nakita ko ang simbahan na pinuntahan namin ni Leo noong nandito kami sa Cebu. He promised to marry me in that church once I turned eighteen. A simple but memorable wedding. I bitterly smiled. Sinira niya ang buong buhay ko.
Now, I can't see myself marrying another man. Gusto ko siyang makita ulit.
Just to torture and kill him with my own hands. Pinunasan ko ang luha sa mukha ko.
I'm so frustrated that I missed the chance to finally kill him.
Tumunog ang phone ko.
Binuksan ko ang bluetooth headset na suot ko bago mag salita.
“Yes?” tanong ko.
“This is Eagle. Nasaan ka?” tanong nito.
"Why?" I asked back.
“Babalik na ako ng Maynila mamayang hapon. Kailangan nating mag-usap." Sabi niya.
"I'll be back there. Bigyan mo ako ng isang oras." Sabi ko at binaba ang tawag.
I started the bike again and went to the motel. Kinuha ko lang ang aking mga gamit at bumalik na sa aming meeting place.
Nakita ko si Centaur sa sasakyan niya.
"I'll be going. See you in our hideout." paalam niya.
Nakita kong nag-uusap sina Sphinx at Eagle.
"Nasaan si Griffin?" tanong ko.
"Umalis siya ilang minuto pagkatapos mong umalis." sagoti ni Sphinx. "I will leave you two alone." Napatingin ako kay Eagle. May hawak siyang pulang bag.
Ano ang plano mo ngayon?" tanong ko.
Nagbukas siya ng isang pakete ng sigarilyo. Bago pa siya makakuha ng isang stick, inagaw ko na lahat ito sa kanya.
“Masama yan sa bata.” simple kong sabi.
"I don't think I could be a good mother." simula niya.
I frowned.
"It will come naturally. Huwag i-stress ang sarili mo." Sabi ko.
She started to walk back and forth.
"Alam na ba ng ama nyan?" tanong ako.
Umiling siya. "This baby will grow up without a father. Just like me." Nanginginig ang boses niya. "I'm an orphan. indi ko alam ang pakiramdam ng pagkakaroon ng isang pamilya. Iyon ang dahilan kung bakit ako hinikayat ni Sphinx na sumali sa grupong ito, hindi ako nag dalawang isip. Wala din naman mawawala sa akin. Then this baby came and my whole world changed. Hindi ko alam kung anong gagawin. "pagpapatuloy niya.
Medyo nabigla ako. Hindi ko inaasahan yun. "Hindi ko alam kung paano mag-alaga ng isang babyl! Hindi ko nga alam kung paano ko na aalagaan ang sarili ko! Oh my God!” Nagsimula na siyang umiyak.
Pinigilan ko siya sa paglalakad.
"Huminahon ka. Relax and breath." Niyakap ko siya.
I never saw her face or hear her real voice but I treated her as a friend.
"You know what? Ang baby na iyan ang magiging pamilya mo." Tinapik ko siya at hinarap sa akin.
Kitang kita ko ang luha sa mga mata niya. "Tama ang desisyon mo, the baby might be a surprise but he or she will be your new life. Your new hope." Pinunasan niya ang luha niya at hinawakan ang aking mga kamay.
"What happened to the Phoenix that I knew? You never talked like this before!" She said and pulled her voice changer device. Nagkibit balikat ako.
"Knowing that you're pregnant gives me hope too. Kaya alagaan mo ang sarili mo. Ilang taon mo nang ginagawa iyon! It's just a piece of cake to you. Pero kung kailangan mo ng tulong ko, you know my number. You can call me or bother me or whatever you want." Sabi ko at ngumiti.
Pinatay niya ang kanyang voice changer.
"I would keep that in mind Phoenix." sagot niya at niyakap ako ng mabilis.
"Salamat sa paniniwala sa akin. Iyon ang kailangan ko ngayon." Dagdag niya.
"The next time I see you, I won't be wearing this gorgeous mask anymore. Huwag masyadong matigas ang ulo at makinig ka kay Sphinx palagi. Goodbye Phoenix.” Sabi niya.
Tumawa ako at tumango.
"No smoking from now on!" Paalala ko sa kanya.
Naglakad siya papunta sa sasakyan niya.
Hindi siya lumingon ngunit tinaas ang kamay at kumaway sa akin.
You'll be fine Eagle. You'll be a great mother." Bulong ko, hangad ko at maayos at masayang buhay para sa kanilang mag ina.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinausap kaming lahat ni Sphinx nang bumalik kami sa aming hideout.
Centaur and Griffin were both shocked about Eagle quitting the team.
"Hindi man lang siya nagpaalam sa amin." Griffin sounded hurt.
"Maybe Phoenix knew it." Tumingin sa akin si Centaur.
"Hindi alam ni Phoenix ang tungkol dito. Kinausap ako ni Eagle noong nasa Cebu tayo. That's it. I know it's sudden but she has reasons that she didn't say. We can't force her guys." Sphinx lied to them. Alam niyang nag-usap din kami ni Eagle bago ito umalis.
I nodded my head.
“So, kailangan nating mag-recruit ng bago?" tanong ko.
"Yes but that's not our priority for now. Mayroon akong maganda balita at masamang balita. What news do you want to hear first?" Tinaas ni Sphinx ang kanyang kamay.
"We need good news." walang buhay na sagot ni Griffin.
"Okay, the good news is we're having a break. Pwede kayong mag bakasyon o gawin ang kung ano man ang gusto niyong gawin, let's say for at least three to five months." sagot ni Sphinx.
Anong pahinga?
Bakit?
"And the bad news is, the stunt that we made in Cebu went rival, you remember the "climbing the building scene" Phoenix? May nakapag record non at na-upload pa sa facebook.” napatingin silang lahat sa akin.
Oh great.
"You know the power of social media. Kaya kailangan natin ng pahinga. Magiging mainit ang grupo natin sa mga polisya at sa mga nakalaban natin. The money that we got is enough for all of us. We have two hundred fifty million in cash right now. I will distribute the money after this meeting. Phoenix pwede pang mag bago ang isip mo.” Alok ni Sphinx.
He opened the bags full of one thousand peso bills.
"Nah, okay lang ako. My five percent will be given to our next charity." sagot ko.
"After four years we finally have a vacation." Centaur said.
"And when I say break, it means no sudden move or impulsive decisions that might be bad for the group. Malinaw ba tayong lahat?" Tumingin sa akin si Sphinx. Waiting for my objection.
I just nodded my head.
Acknowledging my mistake.
I need to be extra careful for now because I know that Leo and his father were furious. Hindi biro ang dalawang daang milyon na nawala sa kanila. Sphinx ended the meeting. Iniwan ko sila habang binibilang nila ang kanilang pera.
Pumasok ako sa kwarto ko. I got every clothes and personal things that I have in this room. Nag-alok si Centaur na tulungan ako sa grupo ni Leo ngunit tumanggi ulit ako.
Kailangan ko lang ng perpektong plano. I have more evidence now about their illegal transactions. Ni hack ni Griffin ang mga recording ng cctv ng hotel sa Cebu. They won’t find any traces of our mission. That’s his expertise.  Matapos kong ayusin lahat ng gamit ko, bumalik ako sa meeting room para mag paalam sa kanila. Si Sphinx lang ang tao doon pag pasok ko.
“I’m going Sphinx. Sorry for the trouble.” sabi ko.
Tumango lang si Sphinx.
“Mag ingat ka Cindy.” Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa aking tunay na pangalan.
“You too Sphinx.” sagot ko at iniwan siya.
He was the one who recruited me in this group. He saw me fighting in the underground fighting pit. I almost died that night if the police didn't raid the place.
Tinulungan niya akong makatakas sa lugar bago ako makuha ng pulisya. That was five years ago.
Fighting in that pit gave me confidence.
Ang bayad sa bawat laban ay hindi bababa sa tatlumpung libong piso. Iyon ang aking unang trabaho. Tinanggihan ko ang alok ng aking Uncle na magtrabaho sa aming kumpanya. Hindi ako karapat-dapat sa kumpanyang iyon. My grandfather and my father worked hard to build that empire. I’m not worth it. I gave power to our family's attorney to transfer all of my inheritance to my three brothers. Iniwan ko ang lahat ng mga bagay, damit, gadget at pera mula sa aking pamilya. Nagsimula ulit ako sa wala. I deserved that punishment for what I’ve done.
Loving Leo was my greatest sin and I paid the ultimate price. My broken family.
Ginamit ko ang aking lumang pick up truck upang pumunta sa aming dating bahay.
“Ms. Cindy.” Mang Manoy, the caretaker greeted me.
Kumusta ka Mang Manoy?" Tanong ko at inabot ang binili kong mga bulaklak para sa aking mga magulang.
"Okay lang ako Ms. Cindy. Medyo matagal na mula nang huli kang bumisita. " Aniya at tinulungan akong buksan ang gate.
“Yeah, I’ve been busy for the last months.” sagot ko.
Salamat sa pananatili mo rito Mang Manoy." Ngumiti ako sa kanya.
Tinanggal ko ang aking shade at jacket. I asked him to close the gate immediately.
"Ang mga kapatid mo ay dumating dito noong nakaraang linggo. Tinanong ni Calen kung bumibisita ka ba dito dahil nakita nila ang mga bulaklak at kandila na dinala mo noong huling nandito ka." Sinabi niya at tinulungan ako sa mga kandila at pagkain na binili ko.
"What did you tell them?" tanong ko.
Naglakad kami at pumasok sa bahay.
"Na sinabi sa akin ng kanilang Tito Alfred na bumili ng mga bulaklak at kandila palagi." Sagot niya.
Tumango ako at dumiretso sa lumang silid ng aking magulang. Hindi namin hinawakan o tinanggal ang anumang kasangkapan dito sa silid. Gusto kong manatili ito ng ganito.
The way my Mom last decorated it.
Napatingin ako sa mga urns nila sa mahabang mesa. May mga bulaklak pa ito mula sa aking mga kapatid.
Hinawakan ko ang urn ng aking ina.
"I'm here again Mom. Sorry for keeping you waiting." bulong ko.
Inayos ni Mang Manoy ang mga kandila at sinindihan.
“Nasa kusina lang ako Ms. Cindy.” paalam ni Mang Caloy.
Tumango ako at hinawakan din ang urn ng aking ama. Niyakap ko ito pareho. I miss their warm hugs.
Umupo ako sa kanilang kama. "Sorry kung nabigo ulit ako. Pitong taon at wala pa rin." napaiyak ako.
I cried hard for the chance that I missed.
"Soon Dad. Mabibigyan ko din kayo ng hustisya. The next time that I will visit you, the boys will be with me." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.
Tumayo ako at ibinalik ang mga urn sa lamesa. Tumingala ako upang makita ang larawan ng aming pamilya na nakasabit sa dingding. Si Calvin ay baby pa doon. Hawak siya ni Mommy.
Si carlo ay kandong ni Daddy. Kami naman ni Calen ay mag kahawak ng kamay. Nakangiti kaming lahat sa larawan.
Huminga ako ng malalim at ngumiti sa kanila.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

565K 16.5K 35
Nakita kita noon pero hindi mo ako pinansin. Kaya ang sabi ko, ahh ganoon ha! Challenge accepted. Pero di ko akalaian na sa sobrang challenging mo...
19.5K 551 65
Season 2 ng After 10 Years Sampung taon na hindi sila nagkita Pero hindi sya nawalan ng pag asang darating sya Na gagawin nya ang ipinangako nya Lov...
166K 678 6
Ginawang pambayad utang si Yleena ng step-brother niyang si Virgo sa pinagkakautangan nito dahil sa pagkalolong sa sugal. Labag man sa loob ni Yleena...
48.2K 1K 12
They were the best of friends then, to the point that they were almost lovers. Pero iniwan siya ni Ryme. Ngayon ay nagbabalik ito. Patutunayan ni Jhe...