SHE'S THE GIRL

By zhidez

2.6M 31.8K 3.8K

Lhaine Lee Ramos had just adjusted to a new life after her Nana died a year ago. Now, she must face another s... More

Introduction
Foreword
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65: FINALE
Afterword
FAQ
Announcement #1
Announcement #2
Announcement #3
Book Giveaway

Chapter 14

36K 470 52
By zhidez

Lhaine Lee Ramos – POV

Nagising ako dahil sa malakas na kulog at kidlat. Napatayo ako agad at napatakbo palabas ng kuwarto ko hanggang sa tapat ng pintuan ni Lee. Takot na takot ako at ang kasama ko ngayon dito sa bahay ay 'kaaway' ko pa. Kumidlat at kumulog nanaman! Pinihit ko agad ang knob ng pintuan niya at nang bukas iyon, pumasok ako agad ng hindi man lang nag-iisip. Nasa harap siya ng computer niya at naglalaro. Hindi pa nga niya yata napansin na pumasok ako dahil naka-headset siya. Lumapit ako at kinalabit siya.

"May kailangan ka?"

"Ha? Auhm, manghihiram sana ako ng notes."

"Half day lang ako kanina," tumayo siya at dinampot ang bag niya. Inabot niya ang ilang notebooks sa akin. Aba, nag-notes talaga siya.

"Salamat," kinuha ko ang notebooks pero hindi ako umalis sa harap niya. Kumidlat at kumulog nanaman— I cringed.

"Hindi pa ako kumakain. Magluto ka," pautos na sabi niya at lumabas ng kuwarto. Sumunod agad ako sakanya. Isinantabi ko nalang muna ang fact na hindi siya 'magso-sorry' sa mga sinabi niya kanina. Oh wait, minura ko rin pala siya.

"Psst. Kanina, I meant every word I said except the cuss. So sorry sa pagmumura," sabi ko habang pababa kami ng hagdan.

"Hmm, not angry anymore?" huminto siya sa pagbaba at nilingon ako. Ilang dipa nalang tuloy ang layo namin sa isa't-isa.

"Ano ba ang ginawa mo para magalit ako?" I want him to apologize. Maybe if I push him he would.

"Iniwan kita sa highway at sinigawan kita. Nag-alala lang ako, siguradong sisigawan ka rin ni Dad kung sakaling nasa delikadong sitwasyon ka pala at hindi ka manlang nagtext," seryosong sabi niya. Ganito na talaga siya mag-sorry huh.

"Okay, quits na tayo dahil nag-notes ka. Tara na sa baba para makapagluto na ako."

"Yeah, gutom na ako," diretso kaming dalawa sa kusina. Alam niya siguro na natatakot ako dahil sinamahan niya ako. Nafli-flicker- flicker pa ang ilaw kaya naman mas nakaka-paranoid.

"Takot ka sa kulog at kidlat?"

"Oo, sobra."

"Bakit?"

"Nagsimula one day after Nana's death. 'Yun ang first time na mag-isa ako at puro kulog at kidlat lang ang bumalot sa bahay."

"Paano noong ikaw lang noong nakaraang taon?"

"I'd hide under my blanket. Wala naman kasing— Ouch!" nasagi ng kutsilyo ang daliri ko at nasugat. Tumayo siya agad at lumapit para tignan ang sugat ko. Hinila niya ako papunta sa sink at pinaraanan ng tubig ang daliri kong nasugat.

"Hindi malalim, mag-ingat ka kasi," may nilabas siyang panyo mula sa bulsa niya at ibinalot iyon sa daliri ko.

"Daplis lang naman. Kuhanan mo naman ako ng band aid?"

"Uutusan mo pa ako?" binitiwan niya ang kamay ko at umalis. Nagpatuloy nalang ako sa paghihiwa at nasimula na sa pagluluto. Maya't-maya ay bumalik siya, lumapit sa akin at hinila ang kamay ko.

"Nangalkal pa ako. Last one na 'to, hayaan mo, bibili ako ng ilang carton dahil clumsy ka," nakangiting sabi niya habang nilalagay ang band aid. Dapat galit ako sakanya pero dahil sa maliit na actions niyang ito, parang naglaho ang lahat ng 'yun.

"Nakausap mo na si Brix? Wala akong sinabing detalye sakanila," bumalik siya sa inuupuan niya kanina habang ako naman ay nagpatuloy sa pagluluto.

"Ah, nasabi ko na lahat sakanya. Si Yaj?"

"Gusto mo bang sabihin ko sakanya ang tungkol sa buhay mo?"

"Banggitin mo lang ang katotohanan at mga importanteng bagay."

"Umuulan na sa labas, check ko lang weather report," iba niya ng usapan. Umalis siya at may hawak ng laptop pagbalik niya. Ang galing rin niyang umiwas sa usapan, napunta sa mga bagyo ang topic namin. Pagkaluto ng ulam, sabay kaming kumain. Nagprisinta pa nga siyang maghugas ng pinggan eh. May multo yata dito, parang nasasapian 'tong kasama ko eh.

"Boss ako na, baka masira yang kamay mo," pigil ko sakanya.

"Shut up, gamutin mo nalang yang sugat mo," pagsusungit nanaman niya. Mabilis akong umakyat sa kuwarto ko para kumuha ng ointment. Hihintayin ko nalang siya sa sala habang nanonood pangdivert ng attention sa kulog at kidlat.

"Nice," sabi niya nang makita ang pinapanood ko.

"Tapos ka na? Aral na tayo."

"Pagpahingain mo naman 'yang utak mo. Manood nalang tayo," umupo siya sa tabi ko. Binuksan niya ang hawak niyang chips.

"May project pala tayo, due in three weeks. May groupings na rin."

"Sinong ka-group ko? Anong project?"

"Shh, ingay mo."

"Fine, tatanungin ko nalang si Brix."

"Magka-grupo tayo nina Yaj, Diane, at Czar. 'Yung iba tanungin mo nalang kay Czar. Aabalahin mo pa si Brix eh. Music video pala para sa English."

"Seriously?" mahinang sabi ko. SERIOUSLY! Tutok na tutok siya sa movie at kahit ako rin ay doon na napunta ang full attention ko. Sa kalagitnaan ng panonood namin ay biglang bumigat ang balikat ko. Ay, nakatulog siya sa climax pa ng movie? Hinayaan ko lang siyang sumandal sa balikat ko. Team Lee is really weird huh.

* * *

Ryan Lee Sanchez - POV

Pasukan na ulit matapos ang dalawang araw na suspended ang klase dahil sa malakas na bagyo. Akala ko nga kakaladkarin ako ni Lee na mag-aral pero imbes ay puro movie marathon ang ginawa niya. Mukhang nahatak siya dahil sa pinanood namin noong isang araw. Dahil boring at nawawala ang internet, nakinood din lang ako sakanya. Ang masama pa, netong mga nakaraang araw, hindi siya mawala sa isip ko. Bigla ko nalang inaalala ang unang araw na nagkakilala kami, sa retreat, study sessions—

"Huwag ka namang matulala, mamaya niya ma-aksidente tayo!" nagulat ako sa kalabit niya kaya gumewang kaunti ang sasakyan.

"Mas ma-aaksidente tayo sa ginagawa mo eh!"

"Kanina pa kaya kita kinakausap. Kinalabit lang kita kasi natutulala ka nga."

"Tsk, oo na. Ikaw lang yata ang excited pumasok ah."

"Sa daan ang tingin," sabi nito at humikab.

"Tinapos mo pa 'yung dalawang movies kagabi?" tanong ko. Tumango siya at saka humikab nanaman. Kinuha ko ang jacket kong nasa lap ko at tinakip sa mukha niya, "Matulog ka muna."

Ginising ko siya nang malapit na kami sa school. "Mauna na ako, may kukunin ako sa club room," sabi niya agad pagkatigil ng sasakyan. Nagmadali ako para maabutan at masabayan siya. Tama nga ang hinala ko, si Brix ang sasalubungin niya. Sa harap ng maraming tao ay inabutan siya ni Brix ng bouquet of roses. Ayaw ko 'tong makita, damn it.

"Hey, good morning," kumapit si Yaj sa braso ko habang paalis ako sa 'eksena' nila.

"Morning. Kamusta na Dad mo?"

"The garden here is really pretty. You want some fresh air?" aya niya.

"Yeah, good idea," sabay kaming pumunta sa garden. Ang ganda ng araw ngayon kahit na mahangin parin konti.

"Do you like Lhaine?"

"Walang kinalaman si Lee sa nangyayari sa atin."

"Really? Rai, thank you for not leaving me that day. I reflected on my actions, I'm sorry for not considering your feelings. From now on, I will try harder. But I need an assurance na ako parin," pumunta siya sa harap ko at hinaplos ang mukha ko. Nakita ko si Lee at Brix na papunta sa direksyon namin. Crap, ang saya niyang tignan.

"This is your assurance," yumuko ako at hinalikan si Yaj sa labi. Sinara ni Yaj ang mga mata niya samantalang ang tingin ko naman ay kay Lee. It felt like I was getting back at them with the apparent reason that I don't like seeing them together.

---

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 199 32
MOON SERIES #1| COMPLETED (NOT EDITED) Arely Vittales has no experience in this thing called Love, her friends tease her and here she is proves herse...
82.2K 1.6K 55
Love is home and life, it never fails. Though shall not seek for love. Love will always defy all the odds no matter what happens. So, let love find y...
31.7K 2.2K 33
Mataas ang standard sa lalaki. Check. Gusto ng mala-pocketbook na love life. Check. Medyo may hang-up pa sa past. Check na check. Iyan ang mga dahila...
1.1M 48.1K 152
Pa-like po ng status, miss maam. An epistolary.