Ang Mutya Ng Section E

By eatmore2behappy

134M 5.3M 3.3M

Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung... More

eatmore2behappy
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Not an update!
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 123
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 125.02
Chapter 125.03
PART TWO
Part Two

Chapter 109

959K 35.1K 27.2K
By eatmore2behappy

Watson vs Hanamitchi

Jay-jay's POV

Hay...

Kelan pa kaya? Kelan pa kaya matatapos lahat ng isipin ko? Tungkol kay Percy at tungkol kay Papa.

At kelan din kaya titigil tong katabi ko sa kakayugyog sakin?

"Dali na... Jay-jay." Sabi ni Ci-N habang patuloy sa pagtulak sakin.

"Ayoko nga... Kayo nalang." Walang gana kong sagot.

Kasi naman! Nagyayaya na naman sila sa Mall. Manlilibre daw ng ice cream si Kit.

Sya na mayaman sa ice cream.

"Sama kana... Please..." Paki-usap pa rin ni Ci habang naka-pout at puppy eyes.

Ayoko kasi talaga. Kailangan kong mapag-isa para mapag-isapan kung ko kung panu ako makakabalik sa Hemilton University ng hindi nalalaman ni Kuya.

"Sumama kana Jay... Kailangan mo din ng pahinga mula sa mga problema mo." Sabi ni Felix.

May punto sya sa sinabi nya. Kailangan ko nga din naman ng pahinga. Pero kung gagawin ko yun, baka huli na ang lahat para sakin.

"Sumama kana... Tutulungan kita'ng makabalik sa Hemilton University." Biglang sabi ni Keifer dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"P-panu?"

He smirked. "I have my ways."

Yan na naman yung pang-bangko nyang linya. Gusto ko yung inaalok nya. May tiwala naman ako dito sa Hari ng mga Ulupong kaya...

"S-sige... Sasama na ko." Sagot ko dahilan para mapatayo sa tuwa si Ci-N.

"Wala ng bawian yan ah?" Sabi ni Felix.

Tumango naman ako sa kanya. Nag-apir pa sila ni Ci-N ng kamay.

Kung titignan si Felix parang hindi sya apektado nung usap tungkol kay Percy. Pero sinabi sakin nila Kit at ng iba pa na ilang beses na syang nagpapakalasing at hahanapin si Percy sa iba't ibang lugar.

Alam ko yung nararamdaman nya. Mahirap talaga, idagdag pa yung iisipin mo pa kung kelan mo sya pwedeng makita.

Naku Percy!

Pagnakita kita ulit, kukutusan kita ng malakas-lakas. Gatong-gatong na stress tong binibigay mo samin.

Stress na nga ako sa bahay, dito sa school, kay Papa at pagkatapos sya pa. Isa pa palang problema namin, uuwi na daw sila Tita Gema at Tito Julz. Yun nga lang Bad news ata ang dala nila.

Ilang beses ko ring naririnig si Kuya na may kausap sa phone nya. Puro problema sa kumpanya.

Hay...

Maaga natapos ang klase namin ngayon. Tinamad yatang magturo yung mga teacher. Pero pabor samin yun, makakapunta kami ng Mall ng maaga.

Naglalakad na ko palabas ng makasabay ko si Blaster.

"Punta tayo sa arcade... May mga bago daw silang games." Sabi nya habang nakangiti sakin.

Ngumiti lang din ako bilang sagot. Patuloy kami sa paglalakad ng mapatingin ako sa lalaking palapit samin.

Keigan?

Naka-uniform pa sya ng school nila. Hindi kasi sya dito nag-aaral sabi ni Yuri. Galit na galit yung mga mata nya at parang susugod sya sa gera.

Pare-pareho kaming napatigil at napatingin sa kanya. Paglapit nya, bigla nalang syang nanuntok. Akala ko para sakin yung suntok na yun kaya hindi ako nakagalaw, pero iba yung bumagsak.

"Blaster!" Sigaw nila mula sa likod.

Medyo late na nagrespond yung katawan ko sa mga nangyayari.

"Keigan! Anu bang problema mo?!" Sigaw ko at akmang lalapit kay Blaster pero tinignan ako ni Keigan ng masama.

Natigilan ako. Nakakapanginig yung tingin nya sakin. Para bang tingin pa lang, kaya ka ng saktan.

"Wag kang maki-alam dito." Madiin nyang sabi.

Binalikan nya si Blaster pero agad itong nakaporma at nakaganti ng suntok sa kanya. Yun nga lang parang hindi tinablan or nasaktan si Keigan. Nakatayo pa rin sya.

Ang weird nya ngayon. Para kasing hindi sya yung Keigan na nakaharap ko dati.

Bigla nalang nyang tinadyakan si Blaster. Natakpan ko nalang ang bibig ko sa gulat. Namamalipit na sya sa sakit at hirap ng makagalaw.

Agad na lumapit sila Kit at Eren para tulungan sana si Blaster pero pati sila nakatanggap din ng suntok at matalim na tingin galing sa kanya.

"TUMIGIL KANA! ANU BANG PROBLEMA MO?!" Galit na sigaw ko sa kanya.

Binalik nya yung tingin sakin. Unti-unti syang humakbang palapit. Gusto kong humakbang palayo pero nanigas ang tuhod ko.

"Tawagin nyo si Keifer!"

"Pare pagtulungan na natin."

"Kapatid ni Keifer yan! Anu kaba?!"

Huminto si Keigan sa harap ko, at aaminin ko. Natatakot ako, natatakot ako sa mangyayari o sa gagawin nya sakin.

"Paki-alamera ka... Try to mind your own business." Bulong nya na nagbigay ng sobrang kilabot sa katawan ko.

Napalunok nalang ako bilang sagot. Tuluyan na kong hindi nakagalaw pero hindi din nagtagal yun ng marinig namin ang boses ni Keifer.

"Keigan..." Tawag nya dito.

Bahagyang lumayo sakin si Keigan at dun lang ako nakakuha ng pagkakataon para makahinga ng maluwag.

Agad akong inalalayan nila Ci-N.

"Ayos ka lang?" Bulong nya sakin.

Nag-nod naman ako agad. Tinignan ko si Keifer na nakikipagpalitan ng titig kay Keigan.

"Explain..." Mahinahong sabi nya sa kapatid.

"I have nothing to explain to you." Matigas na sagot na Keigan.

Nagsalubong ang kilay ni Keifer at aaminin ko may kung ano sa presensya ni Keifer na nagbibigay ng panibagong kilabot sa sakin.

"Explain." Ulit ni Keifer pero hindi kagaya kanina na mahinahon. May diin sa boses nya na parang nag-uutos.

Nakakatakot si Keifer.

Hindi sumagot si Keigan pero agad nyang nilapitan ang namamalipit sa sakit na si Blaster. Hinawakan nya sa kwelyo at akmang susuntukin.

"KEIGAN!" Sigaw ni Keifer na napatigil saming lahat.

"Damn it Bro! I want to teach this Blaster a lesson! Ayaw nyang layuan ang girlfriend ko!" Inis na paliwanag nya.

"I-ikaw ang dapat lumayo sa kanya! Baliw ka!" Sigaw ni Blaster dahilan para magalit si Keigan at sipain na naman sya.

"Aahhh... Tama na!"

"KEIGAN!" Sabay na sigaw namin ni Keifer.

Umiiyak na sa sakit si Blaster. Wala man lang makalapit sa kanya dahil kahit sila natatakot din kay Keigan.

Siguro nga totoo yung sinasabi nilang baliw sya.

Susundan pa sana ulit ni Keigan ang ginawa nya pero isang malakas na suntok ang nagpabagsak sa kanya. Galing kay... Yuri?

"Ilayo nyo si Blaster dito!" Utos ni Yuri.

Nagdalawang isip pa sila nung una. Pero agad din nilang kinuha yung pagkakataon para buhatin si Blaster at itakbo sa clinic.

Naiwanan kami nila Ci-N, Felix at David.

"Naku! Baka mag-away si Keifer at Yuri." Sabi ni Ci-N habang nagtatago sa likod ko.

Teka nga!

Bakit sya yung ngtatago sa likod ko?! Ako dapat yung gumawa nun. Ako yung babae.

"Hindi mo dapat ginawa yun." Sabi ni Yuri kay Keigan.

Tumayo sya mula sa pagkakabagsak at ginantihan si Yuri pero naka-ilag sya.

Bigla nalang tumawa si Keigan, yung tawang naiinis. "Bakit hindi mo ko labanan?!"

"Alam mong hindi ko gagawin yan. What i did is enough."

"Sabihin mo, duwag ka lang talaga! Natatakot kang kalabanin ako dahil kapatid ko si Keifer!"

Nagkuyom ang kamao ni Yuri. Wag na sana nyang patulan dahil hahaba pa ang away na to.

"Tumigil ka na." Mahinahong sabi ni Yuri.

"Titigil ako kung titigil si Blaster sa pagdikit sa girlfriend ko."

Napaka-*bleep* naman pala ng batang ito. Madadaan naman sa maayos na usapan yun ay. Pumunta pa sya dito para lang mang-away.

Akala ko nag-uusap pa rin sila tungkol don pero nagulat nalang ako ng magpalitan sila ng suntok. Napakapit ako kay Felix na nasa tabi ko.

"Awatin nyo sila!" Utos ko.

Pero sa halip na sundin ako, tumanga lang sila at nanuod pa.

"Yuri! Tama na yan!" Sigaw ko ulit.

Tuloy-tuloy lang sila sa pagpapalitan ng suntok ng biglang nakisali si Keifer at suntukin si...Yuri?

Bakit si Yuri ang sinuntok nya?!

"Keifer!" Halos sabay-sabay naming sigaw.

"Anu'ng ginagawa mo?!" Inis na tanung ko.

Tinignan lang nya ko. Tumayo si Yuri at ginantihan ng suntok si Keifer. Sumunggab din ng suntok si Keigan. Nagrarambulan na silang tatlo.

Pvtang'na naman!

"Mga punyeta kayo! Awatin nyo sila!" Sigaw ko sa tatlong kasama ko na nunuod lang.

"Hindi mo naiintindihan... Mahirap awatin ang tatlo na yan." Sagot sakin ni Ci-N.

"Eh anung gagawin natin?! Tatanga lang?!"

Walang sumagot sa kanila. Eh pvtang'na! Mamatay na sa pagsusuntukan tong tatlo tapos wala man lang gustong umawat.

Bigla nalang bumagsak si Yuri. Hindi na ko nakatiis sa kinatatayuan ko kaya naman agad akong tumakbo palapit kay Yuri.

Buong lakas kong tinulak si Keigan na naka-amba ng sipa. Bahagya syang napaatras sa ginawa ko kaya kinuha ko yung pagkakataon para yakapin si Yuri at i-cover sya.

"Jay... Anung ginagawa mo?!" Nag-aalalang tanung ni Yuri.

"Umalis ka dyan!" Sigaw ni Kiefer.

Tinignan ko sya ng masama. "Ikaw ang umalis! Kayo ng baliw mong kapatid!"

"What did you said?!" Galit na tanung ni Keigan.

Ramdam ko ang paglapit nya pero sa hindi ko maintindihan na dahilan huminto sya.

Sandaling tumahimik at pare-pareho kaming nakikiramdam.

"I-i h-have to go..." Sabi ni Keigan at mabilis na tumakbo paalis.

Bumitaw ako ng yakap kay Yuri at tinulungan syang bumangon.

"Okay ka lang?" Tanung ko.

Nag-nod sya sakin. "H-hindi mo na dapat ginawa yun. Panu kung ikaw naman yung nasaktan?"

"Anu bang pumasok dyan sa isip mo?!" Inis na tanung ni Keifer.

Tumayo ako agad at hinarap sya. Nakatitig ako sa mata nya.

Kaylangan makatagal ng titig.

"Ikaw! Sa halip na awatin mo sila nakisali kapa! Ang galing mo dyan sa part na yan!" Sermon ko sa kanya pero hindi man lang sya natinag.

"You don't understand!"

"Edi ipaintindi mo!"

Hindi sya sumagot pero ramdam ko yung pagnanais nyang ipaliwanag yung ginawa nya. Yun nga lang may kung anu na pumipigil sa kanya.

"Damn it!" Sigaw nya. "...Why do i need to explain myself to you?! You're nothing! You're just a piece of shit just like Yuri!"

Parang may kung anung sumampal sa puso ko. You're nothing! What a wonderful word. Ang lakas maka-pvta ng sinabi nya.

"Atleast hindi ko pinababayaan yung mga kaibigan ko! Sa bagay hindi nga kaibigan ang tingin mo kay Yuri. Piece of shit lang naman sya sayo!"

Namumuo na yung luha sa mga mata ko. Nasasaktan din ako sa hindi ko malaman na dahilan. Asar! Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Galit pa rin yung tingin nya sakin. "Bakit ba ang hilig mong maki-alam?!"

"Dahil concern ako! Nag-aalala ako sa mga kaibigan ko! Wala akong balak na pabayaan silang banatan ng banatan ng kung sinong baliw dyan!"

"Stop calling Keigan like that!"

"May binanggit ba kong pangalan?!"

Lalung nang-galaiti sa galit si Keifer. Natatakot ako sa kanya pero nananaig yung nararamdaman kong sakit at galit sa mga pinagsasasabi nya.

"You don't know what Keigan is being through! You don't have the right to judge and call him crazy!"

"Bago mo ko sermunan sana inawat mo muna sya kanina! Hindi yung nanuod ka lang na banatan nya si Blaster! Tapos kapag nasaktan sya ikaw tong galit na galit!"

"Bakit kakampihan mo ba ko kung banatan ako ni Aries?!"

"Oo! Lalu na kung si Aries ang mali! Wag mo kong tatanungin ng ganyan! Hindi ako bias na kagaya mo----"

"Jay!" Tawag sakin ni Yuri.

Tinignan ko sya. Kasalukuyan syang inaalalayan ni David at Felix. Mukang hindi maganda yung lagay nya.

Mas kailangan naming unahin ang kalagayan ni Yuri ngayon kesa makipag-talo sa kumag na to.

Tinignan ko muna ng masama tong kaaway ko bago maglakad palapit sa kanila.

"Tara sa clinic!"





Author's Note: Blaster Madrigal..


++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Continue Reading

You'll Also Like

705K 24.7K 44
Limang taon ng ginugulo ang isip ni Atlas ng isang babae sa kanyang nakaraan. Pilit nyang kinakalimutan ito at tinuon na lang ang pansin sa ibang bab...
537K 19.7K 43
Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong sinusumpa. Kulang na lang ay ipakulam nya...
26.5M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
1.3M 54.7K 56
WARNING: THIS STORY IS NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 16/ NARROW MINDED PEOPLE/ HOMOPHOBICS/ BIGOTS. THIS IS A TRANSGENDER WOMAN X STRAIGHT MAN STOR...