Teenage Greek gods: The Dark...

Por invadersim

15.2K 474 112

[THE FINAL BOOK OF THE SAGA] Nakabalik na si Amber, Zeus at Poseidon, pero hindi pa tapos ang lahat. Ang espi... Más

Teenage Greek gods: The Dark Spirit
Chapter 1 : White Page
Chapter 3: The Riddle
Chapter 4: Icarus
Chapter 5 : Prophecy 2.0
Chapter 6 : Take the Reins
Chapter 7 : Puppet
Chapter 8 : Rest in Peace
A NEW BEGINNING
Chapter 9: The Funeral
Chapter 10: Letters
Chapter 11: The Lone Poseidon
Chapter 12: The Prisoner
Chapter 13: Under
Chapter 14: Mentors and Helpers

Chapter 2: A Gloomy Dinner

1.4K 49 9
Por invadersim

Chapter 2 - A Gloomy Dinner

Nawalan na kami ng gana ni Kat para sa lunch kaya nagdesisyon na lang akong umuwi. Matapos naming makita ang mensahe na iyon ay agad kaming umuwi sa kanyang bahay para maghanda sa aking pagalis. Hindi na rin namin alam kung nasaan ang batang naghatid sa akin ng regalo. Basta ang alam ko ay kailangan naming making mapagmatyag at well, kailangan kong i-report ito kay Zeus.

Matagal na niyang sinabi sa akin ito, na nagmamatyag ang Fates pero hindi namin alam ang dahilan. Pero ngayon...tila mas masidhi pa ang pagabangers nila sa amin. Ano bang trip nila?

Palubog na ang araw nang ihatid ako ni Kat sa may daungan. Nandoon ang Confederate ship na naghatid sa akin. May kaunting crew dito na nagmadali nang makita ako.

"Ahoy, Ma'am Hestia! Mukhang maaga ho ang inyong paguwi!", sabi ng isang crewmate na bungi.

"Ah, oo, najejebs na ako eh.", iyon ang nasagot ko dahil sa gulo ng aking isip.

Napakamot na lang ng ulo ang crewmate at nagpatuloy sa pagaayos ng barko para sa aming paglalayag pauwi ng Mount Olympus. Sinukbit ko ang aking backpack at niyakap si Kat.

"Magiingat ka, Kat."

Naghiwalay kami.

"Sigurado ho ba kayong ayaw niyong samahan ko kayo. Ako po ang bodyguard ninyo. Nais kong gawin ang aking tungkulin, lalo na't may nangyari!"

"Hindi ko na babawiin pa, Kat. This is a well-deserved vacation. Isa pa, kayang kaya ko ang sarili ko."

Tumango na lang siya. Ngumiti ako pabalik, nagwave at umakyat na pataas ng barko. Patuloy pa rin ang pagmamadali ng crewmate, inaayos ang mast at naghahatid ng orders sa may captain. Lumingon muli ako at nakita si Kat na binabantayan pa rin ang kilos ko. Napabuntong hininga ako at pumasok sa loob ng barko patungo sa aking kuwarto.

Sinara ko ito at itinapon ang aking backpack sa kama. Humarap ako sa salamin. Teenage form pa rin ako. Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko at hinayaan itong lumugay. Umupo ako sa aking kama. Pabalik na ako sa Mount Olympus. Si Hades. Nandoon siya. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na siya'y nagbabalik. Iniling ko ang ulo ko, pinipilit na huwag siyang isipin. Gumapang ako sa mainit na mattress at binagsak ang ulo ko sa unan at hintay ang sarili kong makatulog ng mahimbing.

***

Nagising ako sa ingay ng mga crewmate, may mga mabibilis na pagyabag sa itaas at may malalakas na sigawan. Tila dumating na kami sa Mount Olympus. Sumilip ako sa bilog kong bintana at nakita na ang daungan, may kaunting mga barko at mga naglalakad na mga residente ng Olympus. May mga satyrs at nymphs na naghahabulan at may mga merchants na haggard sa pagtitinda.

Maliwanag na. Mukhang napasarap ang aking tulog. Agad akong naghilamos sa isang stainless na timba at pinunasan ang mukha ko gamit ang isang tuwalya. Sinubkit ko muli ang aking backpack sa aking likuran at naghanda na para lumabas.

Napakaaliwalas. Pinanood ko ang mag seagulls na umiikot ikot sa ere. May ilang cremates na nag-bow at may ilan na sumigaw sa akin ng "Good morning!", binalik ko naman ang pabor. Bumaba ako sa barko, patungo sa may dock at tumingala, nagtatago sa mga ulap ay ang Mount Olympus. Naaninag ko ang ilang parte nito, ang mga bintana at mga matataas na pillars.

Matapos lang noong Hera-Olympian War ko nalaman na may lift para sa mga gustong umakyat sa palasyo, para lang ito sa mga ordinaryong mamamayan dahil aabutin ka ng ilang oras bago ka makarating sa Mount Olympus gamit ang steps. Naalala ko noong pinahirapan akong paakyatin nila Hades dito! Ngunit kapag may mga espesyal na okasyon tulad ng handaan o pagtitipon ay ginagamitan ng charm ang mga steps, nagiging mas mabilis ang pagakyat ng hindi namamalayan ng mga tao. May mga ilang beses na rin sigurong ginamitan ito ng charm kaya ako'y nakaka-akyat dito dati.

Pero hindi ako gagamit ng steps ngayon. Ako'y magteteleport. Pangatlong beses ko pa lang itong gagawin at hindi pa rin ako sanay o siguradong magagawa ko. Noong una kong sinubukan ito ay napunta ako sa harap ng isang pader at humampas ang ulo ko dito. Hindi rin ako lumayo, mga ilang inches lang ang nateleport ko. Noong pangalawa naman ay medyo malayo ang narating ko. Sa China! Sa loob ng cubicle ng men's room! At may kasulukuyang dumudumi noon! Kaya hindi talaga madali magtiwala sa kakayahang ito.

Huminga ako nang malalim. Ito na, gagawin ko na. Pumikit ako at inisip ang lugar na gusto kong puntahan. Sa pagkakataong ito ay hindi ko tatawagin ang hearth, hindi ako hihingi ng tulong. Gagawin ko mag-isa ito.


Parang may humila sa ulo ko ng paurong. Nakaramdam ako ng suka sa aking lalamunan hangga't sa dumilat ako at nakitang nasa ibang lugar na ako. Teka...teka nga? Success! Ginala ko ang aking mata, isa ito sa mga hallways ng Olympus, alright. Pero tama bang hallway? Tumingala ako at nakita ang pintuan sa harap ko. Tama ako. Ito ang pintuan ng kuwarto ni Hades. Dito ko gusto pumunta.

Umubo ako at lumunok matapos ay dahan-dahang lumakad papunta doon. Kumatok ako. Mga dalawang beses. May pagkalabog sa loob. Anong nangyayari?

"Hades...? Si Ambe — este, si Hestia ito. Alam mo na naman, diba?"

Walang sumagot.

Kumatok akong muli.

"Hades? Kung kailangan mo ng kausap ay nandito lang ako."

Bumukas ang pinto, nagulat ako. Ngunit hindi ito bukas na bukas. Kalahati lamang at doon ko rin nakita ang kalahati ng mukha ni Hades. Teenage form pero balbas sarado.

"Anong...kailangan mo?", sabi niya na parang may plema siyang hindi niya mailabas.

"Hades. Kumusta ka na? Ilang araw noong huli kitang nakita. Ayos ka na ba? Pwede ka na ba naming makausap?"

Tumitig lang siya sa akin.

"Hades — "

"Bigyan niyo muna ako ng oras. Hindi ko pa naiintindihan ang mga nangyayari. Pasensya na." at sumara ang pinto sa mukha ko.

Pinunasan ko ang luha ko at umupo at sumandal sa pintuan ni Hades, na para bang kakanta na ako ng last part ng Do You Wanna Build A Snowman. Miss na miss ko na si Hades pero ganito ang nangyari sa kanta dahil sa pag time travel namin. Bumalik nga siya ngunit iba ang kanyang pagiisip, may bumabagabag sa kanya at hindi namin maintindihan kung ano iyon. Sabi ng resident psychiatrist ay bigyan muna namin siya ng panahon.

Hindi ako umalis. Pinapakinggan ko lang ang bawat ingay sa loob ng kuwarto ni Hades. Mostly ay tahimik ito, may kaunting pag-galaw sa loob at paghatsing. Binuksan ko ang backpack ko at inilabas ang sketchpad at lapis ko. Nagsimula akong magsketch.

Matapos ang ilang minuto ay natapos ko na. Itinaas ko ito upang makita ko nang may biglang humablot sa sketchpad ko. Mabilis akong tumayo at nagulat dahil hawak ni Paris ang sketchpad ko.

"Paris...", bulong ko.

Nakangiti ito, "Anong dinadrawing mo, huh?" At nang makita niya ito ay nawala ang kanyang ngiti. "Seriously?"

Hinarap niya sa akin ito at nakita ko ang ini-sketch kong mukha ni Hades. Mabilis kong hinablot ito pabalik sa akin.

"Nandito ka na pala."

Bumuntong hininga siya. He's trying to keep his cool. Napansin kong nakasuot siya ng makinang na robe at may maliit na korona sa kanyang ulo.

"Oo. Gusto ko sanang isorpresa ang girlfriend ko pero tila ako ang nasorpresa."

"Isorpresa?"

"I've been crowned today."

Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Lumapit ako at hinagkan siya. Kahit prince na si Paris ay natagalan ang kanyang coronation dahil nga sa mga kalokohan niya noon. Matagal pa lang proseso iyon. Matapos ko siyang hagkan ay hinaplos ko ang korona niya.

"Congratulations.", sabi ko.

Hinalikan niya ako, humalik ako pabalik pero naiinis ako dahil ang god pa rin sa likod ng mga pintong ito ang naiisip ko.

"Siya nga pala.", sabi niya, hawak ang mga balikat ko. "Nagpatawag si Zeus ng dinner. Special dinner daw para sa pagbabalik ni Hades."

"Heh. Kung pupunta ang mga Olympians, busy sila."

"O si Hades mismo.", dagdag niya.

"Tama. Kung pupunta si Hades."

***


Buong araw kami magkasama ni Paris pero ang dinner pa rin ang naiisip ko. Kung darating ba si Hades o kung anong mangyayari. Hindi ako makapaghintay. Hangga't kumagat na nga ang dilim at mas tumaas ang energy ko!

Matapos ko maligo at maghanda ay tumungo na kami ni Paris sa dining area. Simple lang ang kasuotan ko, pants, denim jacket at shirt sa ilalim. Nagpalit na rin si Paris sa mas komportableng kasuotan.

Tahimik na naghahain ang maids. Paikot ang pader ng dining area at may malaking skylight. Ang mesa ay mahaba na parang galit galit ang mga magkakasamang kakain. Nakita ko ang mga pagkain na nakahanda, may prutas, meat at mead at keso. Kumalam ang tiyan ko, hindi dahil sa gutom, kundi dahil sa kaba.

"Umupo na tayo.", sabi ni Paris.

Tumango ako at umupo na nga. Tinabihan ako ni Paris. Sa dulo siguradong uupo si Zeus, ala padre de pamilya.

"Gutom ka na ba?", tanong sa akin ni Paris.

"Hindi pa naman.", balik ko.

Halos mapatalon kami mula sa aming mga upuan nang may biglang sumigaw. Lumingon kami at nakita sa pinto ang isang lalakeng kulay kahoy ang buhok at may malalaking mata na puno ng pagkamangha.

"GUAAARDIAAANNNNNN!"

Si Poseidon.

Nakasuot ito ng blue sweater at boxers na printed ng mga iba-ibang pose ni Nemo. Poseidon talaga. Tumayo ako at niyakap siya. Nakipagkamay naman siya kay Paris.

"Waddup, bro!", pagbati ni Poseidon.

Tinanggal niya ang suot niyang shades at umupo sa tabi ko.

"Nasaan ang lahat?"

"Wala pa sila.", sagot ko.

"Hmm. Bummer. Sobrang busy ng mga Olympians. Baka indiyanin tayo.", sabi ni Poseidon na nagsimula nang kumagat sa keso.

"Kumusta?", tanong ko.

"Well, hectic. Buong araw ako nakinig sa mga hinaing ng Merpeople. Daming gusto. Ayusin daw ang Water Park, chenes, chenes. Nang nalaman ko ang dinner na to ay naexcite ako. Buti pinayagan ako ni Amphy."

"Ayos lang ang lahat sa inyo ni Amphy?"

"Yep. Never been better. Next week ay manonood kami ng Mga Pantastikong Halimaw at Kung Saan Sila Mahahanap."


Isang matingkad na ilaw at next thing we know ay lumalakad na si Zeus papunta sa kanyang upuan.

"Kuya Zeus! Late ka!", sigaw ni Poseidon.

"Shatap. Mas matanda ka sa akin.", diretsong sabi ni Zeus na parang ready na siya sa tirada ni Poseidon.

Umupo nga siya sa dulo at napabuntong hininga.

"Zeus.", pagtawag ko sa kanya. "Ayos ka lang? Parang stressed ka?"

"May mga inasikaso lang ako."

Alam kong may nangyari. Nababasa ko sa mga mata niya. Bigla kong naalala na may i-rereport pala ako kay Zeus. Nakita kong tumingin siya sa isang pocket watch.

"Lagpas lagpas na ang oras. Kung may darating man ay dumating sila. Let's eat."

Tinaas ni Zeus ang kamay niya at mas binilisan pa ng mga maid ang paghain. Naglapag ng fruitcake ang isang Maid sa harapan ko. Pero hindi ko ito pinansin.

"Teka, Zeus. Wala pa si..."

"Hades? Kagaya ng sinabi ko dumating ang dumating."

"Pero...", bulong ko.

"Huwag mo na siyang isipin.", rinig kong sabi ni Paris.

"Nandito ka pa pala? Kayo pa rin?", biglang tanong ni Zeus kay Paris.

"Master Zeus naman.", hindi pabiro ang sabi ni Zeus kaya alam kong may halong inis din ang pagkasabi noon ni Paris.

Uminom na lang si Zeus sa kanyang baso ng wine. 


"Zeus. Kung gusto mo ay pupuntahan ko si Hades.", tumayo ako.

"Sit down!", sigaw ni Zeus.

"Zeus!", sigaw ko pabalik sa kanya.

"Nandito na ako."

Sabay-sabay kaming lumingon at nakita doon si Hades sa may pinto. Nanginginig. Clean shaven na siya at itim ang suot mula ulo hanggang paa. "Hindi niyo na kailangang magtalo. Ready na ako."

"Hades.", hindi ko alam kung gaano kalaki ang ngiti ko.

"Kuya Hades!", sabi ni Poseidon na pakaway-kaway. Hindi pa ito nakuntento. Tumayo ito at niyakap si Hades na napangiti din. Matapos ay hinalikan siya ni Poseidon sa pisngi. Umupo na sila pareho, pati na rin ako. Hindi nagsasalita si Paris at Zeus. Nagsimula na kaming kumain.

Sa mga nagdaang minuto ay halos marinig mo na ang pagtibok ng puso ng bawat isa. Walang nagsasalita. Tanging pagtama ng mga kutsara at tinidor sa mga plato ang nanaig. Hindi ko naman mapigilan ang pagtingin kay Hades na tahimik na sumusubo ng steak. Sa dulo rin siya nakaupo, so magkaharap sila ni Zeus ngunit napakalayo ng agwat. Ano bang nangyayari?

Hangga't sa nagsalita na si Zeus.

"So, ready ka na, Hades?"

"Oo, Zeus. Noong bumalik ako ay naguluhan ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, kung sino ako, kung nasaan ako. Pero ngayon alam ko na. At handa na kong harapin ang bagong buhay na ito."

"Good.", sabi lang ni Zeus at bumalik na naman kami sa tahimik na pagkain.

Kahit si Poseidon ay tahimik na hinahalo-halo ang kanyang soup at pabulong na kumakanta ng Maging Sino Ka Man.

Nagpatuloy ang katahimikan at habang tumatakbo ang oras ay parang nagiging malapot na shield ito na unti-unting bumabalot sa aming lahat. Pasubo na ako ng fettucini nang may pagsabog na nagpayanig sa amin. Nanggaling ito sa taas, sa may skylight. Since hardwired na kami sa mga ganitong bagay ay agad kaming tumalon sa aming mga upuan at nagka-kanyang fighting stance.

Lahat kami ay tumingin sa taas ng mesa at akita dito ang namumuong isok. Kulan berde ito at parang ulap na nagbabadya ng sama ng panahob.

"Ano ito?", tanong ko habang tumitingin sa mga reaksyon ng kasama ko. Lahat sila ay nakanga-ngang nakatingin lang, maliban kay Hades na hindi naka-stance at tila hindi gulat, maaaring naguguluhan pa rin.

At mula sa berdeng usok ay lumabas ang isang silhouette — silhouette ng isang tao. Lumulutang ito. Transparent at kulay berde din.

Isang...espiritu?

Nabuo ang mukha ng espiritu, may edad na ito, may mahabang mga balbas ngunit kalbo na ulo. Ang damit niya ay gula-gulanit at parang isang sako. Napansin kong puro ugat ang kanyang mga kamay. Nawawala-wala siya. Para siyang usok na tinatangay ng hangin ngunit bumabalik din matapos ang ilang sandali.

"Sino ka?!", bulahaw ni Zeus dito.

"Oh my wet wipes.", bulong ni Poseidon.

"Isang spirit.", sabi naman ni Paris.

Ang mga mata niyo ay tila puti ang lahat pero hindi ko sigurado dahil kulay berde ang kanyang kabuuan. Gumala ang mga nito sa amin. Animo'y nagtataka kung bakit siya nandito. Hanggang sa nagsalita ito.

"NASAAN SIYA?!", ang boses niya ay nage-echo.

"Sino?! Anong kailangan mo?", sagot ni Zeus.

"Nasaan siya? Ang sumira ng buhay ko! Si Minos!", matapos niya sabihin ito ay lumutang siya nang mas malapit sa amin. Kami naman ay sabay sabay na napaurong.

"Minos? He's dead.", sabi ni Poseidon.

"Dead?", napatigil ang espiritu. "Hindi pwede! Hindi pwede!"

Nawala ang espiritu at muling lumabas, sa pagkakataong ito ay sa harap ko. Napasigaw ako sa gulat.

"Ako ang papatay sa kanya! Hanapin niyo siya! HANAPIN NIYO SIYA!", tumitirik ang mga mata nito. Napalunok ako.

"Sino ka?", si Hades. Ang kanyang pagsabi noon ay straight at tila walang emosyon. After all, marami siyang experience with ghosts and spirits.

Natuon ang atensyon nito kay Hades, dahan dahan itong lumipad sa harap niya.

"Sino ako? Ako — ako si Daedalus."

Si Daedalus? Ang great inventor na si Daedalus? Tila namatay na din siya. Pero bakit siya nandito? Bakit siya nagbabalik na espiritu? Sa pagkakaalam ko ay hindi nakakawala ang mga tulad nila mula sa Underworld.

"At ano naman ang kailangan mo sa amin?", si Zeus na ang nagsalita.

"Kailangan niyong hanapin si Minos. Kung hindi ay papatayin ko ang bawat isa."

"Sino ka naman para utusan kami? Baliw ka, alam mo yon? Baliw ka!", balik ni Zeus sa kanya.

Ngumanga ang espiritu ni Daedalus at kasabay nito ang pagyanig ng kinakatayuan namin. Lumakas ang hangin. Kumidlat at kumulog sa labas. Tumilampon ang mga nakahandang pagkain. Pati na rin ang mga upuan at ang iba pang furniture. Ang stained glasses ay sunod-sunod na nabasag.

"HINDI NIYO ALAM ANG LAKAS KO! I AM THE GREAT INVENTOR! NOTHING'S IMPOSSIBLE WITH ME!", sabi ni Daedalus at tila maraming boses ang sumasabay sa kanya.

Nakita kong tinaas ni Zeus ang kanyang kamay at lumabas ang kanyang lightning bolt. Si Paris ay pilit na prinoprotektahan ako mula sa mga bagay na maaaring tumama sa akin habang si Poseidon ay nagtago sa ilalim ng mesa. Si Hades naman ay nakatayo lang at pinapanood ang chaos na may kunot na noo.

"Bumalik ka sa pinanggalingan mo!", sabi ni Zeus at akmang gagamitin ang kanyang lightning bolt.

Nakita siya ni Hades na agad tumakbo sa kanya at hinawakan ang kanyang mga braso.

"Huwag!", sabi sa kanya ni Hades.

"Teka — ano ba! Bitawan mo ako!", pagprotesta ni Zeus.

Umatungal muli si Daedalus at tumayo ang aking mga balahibo. May pagsabog at nawala sa paningin ko si Daedalus at ang usok niyang dala ay tila hinigop ng ere. Tumigil ang paggalaw ng lupa, bumagsak ang mga nagliliparang plato at kubyertos at naging maaliwalas ang hangin. Mga ilang minuto din bago kami makarecover.

"Ayos ka lang?", tanong sa akin ni Paris. Tumango ako.

Tinulungan niya akong tumayo. Si Poseidon ay gumagapang na palabas ng mesa. Una kong hinanap ay si Zeus at Hades. Inalis ni Zeus ang mga kamay ni Hades sa kanyang braso at nawala din ang kanyang lightning bolt.

"Ano bang ginagawa mo? You're the god of the Underworld. Kayang kaya mong kontrolin ang espiritu na iyon!"

"Sinubukan ko. Pero hindi ko kaya. Mahina pa ako. Isa pa, may kakaibang lakas na nanggagaling sa espiritu ni Daedalus na iyon. Hindi siya pipitsuging espiritu. May malakas siyang kapangyarihan.", sabi ni Hades na unti-unti ay lumakad palayo sa kanyang kapatid.

Sinipa ni Zeus ang isang upuang nakahandusay malapit sa kanya. "That's it! I've had enough! Tapusin na agad natin ito!"

"Anong ibig mong sabihin?", tanong ko sa kanya.

"Una pa lang ito sa mga haharapin natin. Kayang kaya natin 'tong mokong ito so let's get this over with."

Lahat ng atensyon ay na kay Zeus na. Hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Lahat kayo maghanda. We're going to Crete."


TO BE CONTINUED

Seguir leyendo

También te gustarán

47K 1.9K 42
[COMPLETED] Following the broken engagement with the Crown Prince while struggling to adapt to her new environment, Myrtle Edelwyse now needs to marr...
10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
265K 7.8K 55
What if a mafia queen got reincarnated as a weak? bitch?slut? princess....... and that body becomes her body??? will she accept the truth??or not?? S...
41K 1.6K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...