WILLING VICTIM

By MissBlackWidow

40.7K 855 198

Matapos nyang makuha ang gusto nya iniwan nya ako after that night. Hindi ako nasaktan sa ginawa nya sa akin... More

Giving my Heart,Body and Soul to my Husband
Prolouge
1. PAST...
2. Fail
3. Revelation
5. You're My Slave
6. Only Love can hurt like this
7. The Scape
8. Goodbye Mommy
9. Present
10. Present Part II
11. Unforgotten Love
12. I'm your mom (Re-written)
13. He's back
14. Save Me

4. Nightmares

2.2K 61 14
By MissBlackWidow

LUIS' POV

I always have this dream na may babae akong sinasaktan at ginagawan ng masama.

I had insomnia and depression. I used to have session with a psychiatrist twice a week. It's just that it feels like it really happens.

Nagising ako ng pinapapawisan at nanlalamig. Hindi ko alam kung bakit ako binabangungot na meron akong sinasaktang babae. Hindi ko na alam kung totoo ba itong nangyari.

Kinuha ko ang gamot ko sa cabinet at ininom ito.

Ang naaalala ko lang ay ang aksidente at inuman namin ng mga kaibigan ko at si Jessica. Aminado akong gumamit kami noon ng ipinagbabawal na gamot.

Sumasakit ang ulo ko. May parte kasi sa pangyayari sa buhay ko ang hindi ko maalala. Kaya sigurado akong totoo ang panaginip ko.

Damn it.

Biglang pumasok sa isip ko si Abegail. I don't know why pero parang may itinatago sya sa akin. Iniisip kong baka may kinalaman sya sa nangyari sa akin many years ago bago ako umalis patungong America.

Pero naiinis pa rin ako sa kanya. Nagpakasasa sya sa pera ng pamilya ko.

__________________________________

GAIL'S POV

Hindi pwede ganito. Hindi ako sanay na walang ginagawa at nasa bahay lang. I used to be very busy managing the company. I am thinking about Luis' offer.

Magtatrabaho lang naman ako sa kumpanya. No more, no less. Wala naman sihurong masama. Isa pa I need to work for Eugene's future. Paano kami mabubuhay kung wala akonv trabaho? Though may nakuha ako sa divorce namin ni Luis hindi pa rin sapat iyon, isa pa hindi ko gagamitin ang perang hindi ko naman pinaghirapan.

I dialled Luis's number.

"Hello."

"Oh, Hi ex-wife." Bungad nya. Ex-wife talaga? Nang-aasar ba sya?

"I was thinking to take your offer." Napakagat labi ako, baka kasi nagbago ang isip nya.

"Oh yes, pero walang bakante ngayon. If you want pwede kitang bigyan ng trabaho as my secretary." Ano? Secretary?! From president to secretary? Naloloko na ba sya? Pero nag-isip ako saglit. Do I have a choice? Siguro alam nyang natameme ako kaya muli syang nagsalita. "Don't worry it's temporary. I will give you Mr. Lim's position." Tinutukoy nya ang isa sa mga board members ng kumpanya. "I'll buy his share." What? Napaisip ako. Bakit naman nya yun gagawin. Bibili sya ng share tapos ako ang hahawak. Baka sira na ulo nito or maybe para mas lumakas ang power nya sa kumpanya.

"Okay, I'll take it." Pinal na saad ko.

"Good. See you on Monday."

_____________________________________

Naglakad ako papunta sa elevator paakyat sa pinakamataas na floor kung nasaan ang dati kong opisina. Binabati ako ng mga empleyado dahil ako pa rin ang kilala nilang dating may-ari nito. Ngumingiti lang ako sa kanila.

"Good Morning Mam!" Bati ng mga kababaihang kasama ko sa elavator.

"Good Mor--" naputol ang sasabihin ko dahil biglang sumulpot si Luis sa harap ko pasaka na kasi sana ang elevator. Tumabi sya sa akin.

"Good Morning Ex-wife." Napairap ako. Ang gulo din ng utak ng damuhong ito. Nung isang linggo lang parang okay namab kami tapos ngayon parang nang-aasar nanaman sya.

Nagbulungan naman ang mga taong kasama namin sa loob. Alam kong nagulat sila. Kahit kailan hindi nila nakilala ang asawa ko noon pero alam nilang asawa ako ng talagang may-ari ng kumpanya.

"Stop." Sabi ko. Ngumisi naman sya.

"Stop what?" Inosenteng tanong nya.

"Stop calling me your ex-wife." Pabulong ko sagot. Naiirita ako kaya nauna akong lumabas ng elevator. Alam kong nakasunod sya sa akin. Nakalimutan ko. Sya ang boss ko.

He should take the lead, not me. Ooops. Hindi nanaman ako nag-iisip. I stop. Tumikhim ako.

"You should go first." Sabi ko.

"Yeah right." Tumatawa sya. What the hell? Napahiya ako dun ah. Arrrgh! Ano bang problema nya?

Naka-maternal leave na si Cedes kaya ako muna ang papalit sa kanya. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko sa table ng biglang tumunog ang intercom.

"Gail, where's my coffee?" Aba! Secretary ako hindi achay! Nag-isip naman ako. Teka, nung sekretarya ko si Cedes ginagawa nya din yun sa akin. Napasimangot ako. Agad na pumunta ako sa canteen.

Nakita ko si Doris na nasa Canteen kasama ang mga chismosang empleyado, head sya ng HR department. Lagi ko syang sinusungitan dahil ang hilig nyang kumuha ng mga palpak na empleyado kahit. Kahit undergrad tinatanggap nya dahil lang sa kakilala nya.

Alam kong pinagbubulungan nila ako. Siguro naman alam naman na sekretarya na ako ng dati kong asawa.

"Tingnan mo nga naman. Ang bilis talaga ng karma!" Parinig nya. Hindi ko sya pinansin. Bakit ko sya papatulan? Ang cheap lang at walang class kung papatol ako sa kanya.

"One black coffee please." Sabi ko sa babaeng kumukuha ng order ko sa counter. Binayaran ko sya matapos ji makuha ang coffee.

"Shit!!!!" Mura ko dahil natapon ang kape buti nalang nailayo ko kaagad kaya konti lang natapon sa akin kung hindi baka nalapnos na ang balat ko.

"Ayyyy! Sorry." Agad naman kami pinagkumpulan ng mga tao. Tiningnan ko sya ng masama.

Bitch.

"Ano nasan na ang tapang mo? Kung sindakin mo ako noon parang ikaw ang totoong may-ari  nitong kumpanya! Eh pinakasalan ka lang naman ng tunay na amo namin. Isa kang Gold digger!" Nagtitimpi ako dahil hindi ako pinalaking palengkera at manghamak ng ibang tao ng mga magulang ko. Kaya kahit nga na pwede kong kasuhan si Luis at Jessica  noon ng concubinage ay hindi ko ginawa.

May mapapala ba ako? Wala diba?

"Doris kung may nagawa man ako saiyo noon, Sorry. Pero talaga namang palpak ang mga trabaho mo noon." I'm just being honest. Sa totoo lang pwede ko na syang tanggalin noon pero hindi ko ginawa dahil alam kong pamilyado syang tao.

"Aba! Ang kapal din naman ng mukha mong sabihin mali ang ginawa kong trabaho dito sa kumpanya. Sino ka ba? Sampid ka lang dito."

Okay she's talking nonsense already at hindi ko na nagugutuhan ang pagkakatabs ng dila ng babaeng ito.

I look around. Parang sumasang-ayon sila sa sinasabi Doris. Okay, I admint it. Naging masungit ako sa lahat ng empleyado pero alam kong nirerespeto nila ako. Except for Doris na pinaplastik lang pala ako at ngayong halos makalebel na kami ay lumabas ang sungay.

"You know what I don't have time for this." Tinalikuran ko na sya. Pero bago ko pa man ako lumabas ay pinatid na nya ako. I was expecting na lalagapak ako sa sahig but I was wrong isang matikas na bisig ang sumalo sa akin.

Inangat ko ang mukha ko. It's him.

Nakita ko ang galit sa mukha nya. "What the hell did you just do?!" Sigaw nya kay Doris.

"S-Sir..." nauutal na saad ni Doris.

"I am very dissapointed with you Mrs. Lopez. Marami na akong naririnig tungkol saiyo. Akala nyo ba hindi ko kayo minomonitor? Lahat ng profile nyo at kilos nyo ay binabantayan ko! Ngayon sa ginawa mo you are fired!"

"Luis huwag." Tiningnan nya ako ng may pagtataka."It's my fault. N-nadapa ako at natapon ko kape mo." Pagsisinungaling ko. "Ibibili nalang uli kita."

_________________________________

Nagdadabog na pumasok si Luis sa opisina. Nakasunod naman ako sakanya.

"What is your problem?" Tanong ko.

"May problem is you! Masyado ka pa ring mabait Gail. Hinahayaan mo pa rin na abusuhin ng ibang tao ang kabaitan mo." Naiinis na sabi nya. "Look at you." Tumikhim sya. I look at myself. Damn. Bumakat pala ang suot kong panloob sa damit kong pang-itaas. Medyo manipis kasi ito at hinubad ko rin ang blazer ko.

Napakagat labi ako. "Uhmm. Punta lang ako sa restroom."

"Wait!" Lumingon ako sa kanya. "Wear it." May ibinigay sya sa akin na paper bag. Sinilip ko ito may laman itong dress. A beautiful fitted dress actually.

Tumingin naman ako sa kanya. Parang humingi ng explaination kung bakit may dala syang dress.

"Kay Jessica. It's actually for Jessica. Anniversary namin next week." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko.

"Hindi ko matatanggap ito. Uuwi nala-"

"Don't worry, hindi naman matutuloy dahil ayaw nyang umuwi sa Pilipinas. Ibibili ko nalang uli sya." Ngumiti sya ng mapait sa akin.

Mukhang nasasaktan sya. Naisip kong mahal na mahal nya talaga si Jessica. Napakaswerte ni Jessica sa kanya.

"I'm sorry about that. Sige ibabalik ko nalang o papalitan." Sabi ko.

"No need. Sige magpalit ka na."

Agad nama. Akong pumunta ng restroom at nagpalit. Tamang tama lang ang pagkakahapit nito sa katawan ko. Halos parehas na pala kami ni Jessica ng katawan ngayon. Medyo skinny kasi ako dati. Si Jessica naman masasabi kong parang coka-cola ang katawan.

Lalong nakita ang kaputian ko sa damit. Kulay maroon kasi ito. Buti nalang ay bumagay ito sa kulay Nude stiletto shoes ko.

Naglakad ako pabalik. Pero sumalubong sa akin si Luis.

Nakatitig lang ito sa akin. Tumikhim ako.

"Aalis ka?" Tanong ko.

"Tayo." Anong Sabi nya? Kami?

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Kila Mommy at Daddy." Ano? Sa Cebu pa yun eh.

"Walang magbabantay kay Eugene. Ikaw nalag--"

"Mommy!" Nilingon ko si Eugene. Anong ginagawa nya dito? Tumingin ako kay Luis.

"Pinasundo ko sya kay Jomar. Sasama sya sa aten." Naloloko na ba sya? Bakit naman kami sasama sa kanya?

"Luis, hindi kami sasama. Kasi ano-- may pasok si Eugene hindi sya pwedeng umabsent."

"Balikan lang tayo. Naghihintay yung chopper sa taas." Napanganga ako. Matagal na akong hindi nagpapakita kila Mama. Simula nung naghiwalay kami ni Luis. Minsan dinadalaw ako ni Mama kapag pupunta sya ng Manila. Pero saglit lang pag-uusap namin. Hindi rin nila alam na nagkaanak kami ni Luis. Binilinan ko si Manang na wag sabihin sa pamilya ni Luis.

Ngayon nakakaramdam ako ng takot. Baka malaman nila. Wala akong pakialam kung isipin nilang nagtaksil ako sa kasal namin ni Luis ang importante maprotektahan ko ang anak ko.

Selfish na kung selfish. Ipagdadamot ko anak ko dahil hindi ko kakayanin kapag kinuha nila sa akin si Eugene.

"Luis, thank you talaga. Pero kasi--"

"Abegail may problema ba?" Nakakunot ang noo nya. Natatakot na talaga ako.

"W-wala. Kaya lang kasi nakakahiya. Wala na tayo Luis wala nang dahilan para makipagkita ako o kami ng anak ko sa pamilya mo."

"It's their silver wedding anniversary and they are inviting you. Naiisip kong isama na din si Eugene."

"Mommy sige na po. Sama tayo kay Tito Luis, please mommy gusto ko pong sumakay sa chopper." Hinawakan naman nito ang kamay ko at nag puppy face.

Ugh. Mag-ama nga ang dalawang ito.

Mabilis kaming nakarating sa Cebu. Kinarga ni Luis si Eugene dahil nakatulog na ito sa chopper. Nakakatawa ang batang ito kanina lang excited syang sumakay sa Chopper ngayon naman knockout na.

Agad na sumalubong saamin sila mama at papa pati na rin ang mga kapatid ni Luis na si Lexie, Lyla, Lucas at Liam. Kambal si Lexie at Lyla.

"Anak, Abegail!" Yinakap nila ako at nakipagbeso."Oh, who is that kid?"

"A-anak ko po." Sabi ko. Nagtinginan naman silang lahat at natahimik. Alam naman nilang wala si Luis sa Pilipinas ng maraming taon. Isa pa ay hiwalay din kami ng kwarto noon kahit mag-asawa na kami.

"Omg! May pamangkin na kami?" Inosenteng saad ni Lexie. Bata pa sila noon ni Lyla noon makilala ko sila.

Nagkatinginan kami ni Luis.

"No. Silly."

"Eh bakit hindi kuya? Kamukha mo kaya. Tingnan mo! I have a picture pa nga eh when you were little. You have the same face with him." Si Lyla. Kinabahan ako.

Nakakahalata na ba sila?

"O sya tama na yan hinihintay na tayo ng mga bisita." Sabat ni Papa.

Halos hindi ako mapakali buong araw. Nakikipaglaro naman si Eugene sa kambal at pinapanood ko lang sila. Gustong gusto ko na talagang umuwi.

Nakita ko si Manang Caring. Tinawag ko sya. Pumunta kami sa garden kung saan walang masyadong tao.

Yinakap nya ako. "Anak bakit ka nagbalik?"

"Manang may alam ba sila mama?" Tanong ko.

"Hindi. Wala akong sinabi sa kanila na anak nyo ni Señorito Luis si Eugene." Nakahinga ako ng maluwag.

Tumango ako. "Salamat sa Diyos." Tugon ko.

"Pero mag-ingat ka Hija. Naalala ko isang beses ay tinanong ako ni Señora kung kumusta daw ang bata. Nagtaka ako noong mga oras na yun dahil hindi nya naman alam na nanganak ka. May pumupunta noon ditong lalaki at nakita kong may litrato mo sya." Damn it. Isa lang ibig sabihin nito. Pinababantayan ako ni Mama.

"Sige po manang gagawa po ako ng paraan makaalis kami ni Eugene dito para hindi na sila makahalata."

"Sige Hija. Tawagin mo lang ako kung may problema."

Unti unti na nang nagsisialisan ang mga bisita pero hindi pa rin kami umuuwi nag-aalala na din ako dahil hindi ko makita si Eugene. Late na kailangan na naming makaalis. Si Luis din ay hindi ko makita.

Nagpatulong na akong magpahanap kina Manang at sa ibang katulong.

Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib parang may mali.

Ayoko man ay pinili ko nalang umakyat sa hagdan. Para saakin kasi ay wala na akong karapatan pang tumungtong sa pamamahay nila.

Bago pa man ako makarating sa tuktok ay sumalubong na saakin si Luis. Galit na galit ang itsura nito at masamang nakatingin saakin.

"L-luis.. gabi na. Aalis na kami ni E-Eugene." Hindi sya sumagot. May inihagis sya saakin na papel.

It's a DNA test. Nanginginig kong binasa iyon. "Bakit mo itinago sa akin ang anak ko?" Hindi ko alam kung bakit sya meron nito.

Hindi ko sya sinagot. "Bakit!" Ganitong ganito syang magalit noong malaman nyang gusto ko sya at pinagbintangan nya akong pera ang habol ko sa kanya at wala akong balak na makipag-divorce.

Hindi ko pa rin sya sinagot. Dire-diresto lang akong umakyat noong malapit na ako sa kwarto kung saan sigurado ako kung nasaan si Eugene ay hinarangan ako ni Luis.

"Saan ka pupunta? Kinakausap pa kita." Hinigit nya ako sa braso.

"Pupuntahan ko ang anak ko! Kukunin ko sya dahil wala kang karapatan sa kanya."

Sinampal nya ako at hinila papunta dati nyang kwarto at isinara yoon.

"Ang kapal ng mukha mo. Matapos mong gamitin ang pera ko, ngayon naman ay gagamitin mo anak ko? Para saan? Para sa pera? Dahil alam mong hindi na kami magkakaanak ni Jessica? Alam mong pwede mong magamit si Eugene." Napamaang nalang ako sa pinagsasabi nya.

"Hindi totoo yan!" Sigaw ko. I feel so helpless. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang anak ko.

"Sinungaling ka pa rin." Nakalimutan na nya ba ang ginawa nyang pangwa-walanghiya saakin? "Totoo ang sinabi ni Jessica tungkol saiyo. Tama lang na iniwan kita dahil wala kang kwenta."

Nasasaktan na ako sa mga sinasabi nya. Paano ako? Balewala nalang ba sa kanya yung ginawa nya saakin? Bakit ba hindi nya maisip yun?

"Alam mo kung bakit? Dahil ayokong malaman ni Eugene na bunga sya ng kawalanghiyaan mo!" Sigaw ko. Ayoko man manggaling mismo yun saakin ay hindi ko na napigilan. Dahil parang balewala nalang yun sa kanya.

"A-anong sinasabi mo?" Nakita kong hinawakan nya ang ulo nya na parang sumasakit ito. "S-sinungaling ka!!! Aaaaagghhhh!!!!!" Sumigaw na sya sa sakit. Bigla naman pumasok sa kwarto sila mama at papa.

"Luis! A-anong ginawa mo sa anak ko?" Saad ni mama. Patuloy pa rin sa pagdaing si Luis habang nakatunganga ako. Bakit sya nagkakaganyan?

Tumakbo ako sa papuntang kwarto pero hinarangan ako nina Liam at Lucas.

"Liam, Lucas please kailangan ko si Eugene." Lumuluhang saad ko.

"Wag nyong ibigay ang pamangkin nyo kundi tatamaan kayong dalawa sa akin!" Sigaw ni Luis. "Umalis ka na Gail." Napamaang ako.

"Hindi! Hindi ako aalis hanggat hindi ko kasama ang anak ko." Saad ko. Pinatawag nya ang guard. Halos magwala ako habang kinakaladkad ng mga guards papuntang helicopter. Gusto kong bumababa pero hinahawakan nila ako.

"Eugene! Eugene!!!!!!"

__________________________________

COMMENT FOR NEXT UD. :)
Handa na ba kayong maging willing victim si Gail.

Continue Reading

You'll Also Like

26.5K 1.1K 32
basa na lang
96.9K 293 72
PART 1 Naghahanap ka ba ng pangalan para sa character mo? Well feel free to browse this and find the name you're looking for! -- Do you need names fo...
579 27 8
OPEN. This is open for Filipino authors to review each other's stories.
211K 855 7
Gagawin ko lahat just to F-ck her!