ANG PAPEL NI KAREN

By 01fah93Yeah28

774 7 11

ang papel ni Karen "ikaw pala si Karen." sabi niya na para bang hindi siya makapaniwala. "it's great to final... More

ANG PAPEL NI KAREN

774 7 11
By 01fah93Yeah28

ANG PAPEL NI KAREN

by: 01fah93Yeah28

PARA SA MGA MAMBABASA:

ang istoryang ito ay resulta NG imahinasyon ng manunulat. walang halong katotohanan maliban na lang sa pangalan ng mga karakter na nasa istoryang ito. inuulit ko po. kathang-isip lamang ang istoryang ito. maaring ginamit ko ang pangalan ng mga kaibigan ko dito, pero hindi ibig sabihin nun ay ito ay naka-base sa buhay nila.

ginamit ko lamang ang kanilang mga pangalan sa kadahilanang gusto ko lamang. haha.

i-de-dedicate ko po ito sa kanila kaya naman po ginamit ko ang kanilang mga pangalan. maraming salamat po. sana po magustuhan niyo.

_______________

"oy, ano na naman yang sinusulat mo?" tanong ni Deah sa kanyang kaibigan na si Karen.

"obvious naman di ba?" sarkastikong sagot nito sa kaibigan.

kasalukuyang nasa loob sila ng kanilang silid at nakakaroon ng diskusyon ang propesor. pero tila ata walang ganang makinig si Karen.

"makinig ka nga. 'pag tayo nagkaroon ng surprise quiz...hindi talaga kita pakokopyahin." pagbanta naman nito kay Karen.

"hindi yan bibigay si sir. kay sir ka pa?"

tama nga naman si Karen. ang tanging ginagawa lang ng kanilang propesor ay ang magsalita ng magsalita. ang ibang kaklase nila ay halatang tinatamad ng makinig. kaya naman nagkakaroon na ng ingay sa loob.

"aba! yan pala ang pinagkakaabalahan mo dyan." pabulong na sabi ni Deah. nakita kasi nito na sinusulat ang pangalan ng 'IMAGINARY CRUSH' sa isang buong papel. 

"makinig ka na lang nga dyan." iritang sabi nito sa kaibigan. patuloy pa rin siya sa pagsulat ng pangalan ng 'CRUSH' niya. pinupuno niya iyon sa papel na sinusulatan niya. minsan pa ay inuukit niya ang hugis puso saka isusulat ang mismong pangalan. habang sinusulat nito ang kanilang pangalan ay hindi maalis ni Karen ang ngiti sa kanyang mukha.

"hoy. para ka ng ewan dyan. tumatawa mag-isa." pabirong sabi ni Deah.

"tumatawa ba ako? ngumingiti lang. ngiti." diin naman ng kaibigan. "alam mo kasi, Deah, simula nung napanaginipan ko yung pangalan ng 'IMAGINARY CRUSH' ko pakiramdam ko talaga na totoo siya."

"panaginip lang yun. wag mong damdamin." sita naman niya na tila pinapalabas niya na hinding-hindi magiging totoo ang panaginip ni Karen.

"che. palibhasa kasi ang 'PESSIMIST' mo." sabi naman nito sabay labas ng dila upang maasar si Deah.

"che! palibhasa kasi 'DAYDREAMER' ka." nagkakasagutan na ang dalawang magkaibigan. mabuti na lang at hindi sila nakaupo sa harapan, kung hindi baka pinaalis na sila ng kanilang propesor.

"at least hindi ako pessimist gaya mo." totoo naman kasi ang sinasabi ng dalawa. si Karen ay mahilig mag-daydream, habang si Deah naman ay puro negatibo na lang ang naiisip. sa likod ng kanilang angking talino ay may natatagong sikreto rin ang dalawa. na tanging sila lang ang nakakaalam.

saktong pagtunog ng bell ay agad agad nagligpit ang mga estudyante. hudyat lang nun na tapos na ang isa't kalahating oras ng diskusyon.

matapos ng ilang paalala ng kanilang propesor ay umalis na ang dalawang magkaibagan.

"hay naku. hindi ka pa ba nagsasawang basahin ang pangalan ng crush mo na yan?" pang-aasar ni Deah habang naglalakad na sila sa may school grounds.

"pakialam mo ba?" tumigil si Karen sa paglalakad upang humarap sa kaibigan na kanina pa siyang iniinis. "ito..." inilahad niya ang papel sa harap ng mukha ni Deah. "ito ang tanging kaligayahan ko." saad niya. "kapag nakita ko ang taong ito..."

"paano mo makikita yan, eh hindi mo nga alam ang itsura nun." pagsisingit ni Deah.

"patapusin mo muna ako." pagpapaliwanag niya. tango na lang ang tanging sagot niya kay Karen. "o kapag nabasa ko ang pangalan niya kasama ang litrato niya...hahanapi't hahanapin ko siya."

"maniwala ako sayo." sambit nito habang tinanggal ang papel na hawak ng kaibigan palayo sa mukha niya.

"bahala ka. kung ayaw mong maniwala, ipupusta ko ang sarili ko sa...sa..." palinga-linga siya sa paligid nang may nahagilap na siya. "sa lalaking yun!" turo nito sa lalaking nakaupo sa may damo habang tumutugtog ng gitara.

"talaga lang ah? sige. 'pag nahanap mo yan...lalapitan ko ang lalaking yun at sasabihing crush ko siya." sabi ni Deah na medyo may tiwala na siya ang mananalo.

"sige. 'pag hindi ko siya nahanap...lalapitan ko rin ang lalaking yun at sasabihing crush ko siya."

napagkasunduan na ng dalawa ang ginawang pustahan. itatago na sana ni Karen ang papel niya sa kanyang bag nang nilipad ito ng malakas na hangin.

"yung papel ko!" sigaw naman niya sa kaibigan habang tinuturo kung saan papunta ang direksyon ng papel.

sinundan ng magkaibigan ang papel. at nang huminto ito, ay huminto rin sila. gulat na nakatayo ang magkaibigan sa kadahilanan natangay ng papel ni Karen sa lalaking pinagpustahan nila.

nakita nilang kinuha ng lalaki ang papel at binasa ito. maya maya't pa ay tila natatawa na ang lalaki.

"hoy. kunin mo na yun." sabi ni Deah sa kaibigan habang sinisiko siya. humakbang ng ilan si Karen, nahihiya pang lumapit sa lalaki.

nang makalapit na siya ng kaunti, nagulat muli si Karen dahil gwapo naman pala ang lalaking pinagpustahan nila. bago pa tuluyang makalapit si Karen, huminga muna siya ng malalim.

"ah..." pasimula niya ng makalapit na siya. narinig naman siya ng lalaking yun at napatitig sa kanya. biglang bumilis yung tibok ng puso ni Karen, para bang may kakaiba sa lalaking ito.

para bang nakita niya 'to. hindi nga lang niya maalala kung saan at kailan. sa isip niya napaka-pamilyar ng lalaking ito.

"sayo ba ito?" biglang tanong ng lalaki habang tinayo niya sarili niya para hindi na niya kailangan pang tumunganga sa babaeng nasa harap niya.

dala ng pagkagulat, ang tanging nasagot lang ni Karen ay ang simpleng pagtango lang. pinakita ng lalaki sa kanya ang sariling papel.

"ikaw ba si Karen?" tanong ulit ng lalaki. at katulad kanina, ang simpleng pag-angat baba lang ng ulo ni Karen, ang tanging maisagot niya sa lalaki.

nang nalaman ng lalaki ang pangalan ng dalaga ay bigla naman siyang ngumiti. ngiti na nakakatunaw. yung ang nararamdaman ni Karen. mas lalong bumilis ang tibok ng puso nito, na para bang ilang segundo na lang ay tatalbog na palabas sa kanyang sistema.

"ikaw pala si Karen." sabi niya na para bang hindi siya makapaniwala. ibinigay na ng lalaking yun ang papel ni Karen, kinuha niya na ito. "it's great to finally meet you." dagdag nito sabay abot ng kamay sa kanya. ayaw naman ni Karen na maging bastos, eh kinuha na rin niya ang kamay ng lalaki. "ako nga pala si Clark." ngiting sabi nito. "yung pangalan na nasa papel mo."

__________

ano sa tingin niyo? maganda ba?

actually, gagawa din ako ng mga ganitong klase ng stories.

gusto ko po ng comment. what do you think? hehe. pwede na ba siyang ONE-SHOT SHORT STORY?

anyway...gagawa rin ako ulit ng ganito...

next title is...

ANG BALLPEN NI JUDIE.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 85.5K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
226M 6.9M 92
Officially now a series! Watch it for free on MediaCorp's Youtube Channel- MediaCorp Drama. ...
281K 6.9K 101
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #1- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
2.9M 71.9K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...