The Coolest Guy (ON GOING)

By DianaAranda

36.4K 798 138

Hindi naman ganun ang pagkamuhi ni Cream sa love. Simple lang ang pinaglalaban nya. She will believe in it wh... More

The Coolest Guy
Prelude
Chapter One :)
Chapter Two :)
Chapter Three:)
Chapter Four :)
Chapter Five :)
Chapter Six :)
Chapter Seven :)
Chapter Eight :)
Chapter Nine :)
Chapter Ten :)
Chapter Eleven :)
Chapter Thirteen :)
Chapter Fourteen :)
Chapter Fifteen :)
Chapter Sixteen :)
Chapter Seventeen :)
Chapter Eighteen :)
Chapter Nineteen :)
Chapter Twenty :)
Chapter Twenty One :)
Chapter Twenty Two :)
Chapter Twenty Three :)
Chapter Twenty Four :)
Chapter Twenty Five :)
Chapter Twenty Six :)
Chapter Twenty Seven :)
Chapter Twenty Eight :)
Chapter Twenty Nine :)
Chapter Thirty :)
Chapter Thirty One :)
Chapter Thirty Two :)
Chapter Thirty Three :)
Chapter Thirty Four :)
Chapter Thirty Five :)
Chapter Thirty Six :)
Chapter Thirty Seven :)
Chapter Thirty Eight :)
Chapter Thirty Nine :)
Chapter Forty :)
Chapter Forty One :)
Chapter Forty Two :)

Chapter Twelve :)

1.1K 20 1
By DianaAranda

Copyright © Diana Aranda

From Dating to Stalking

Ginising ako nung katulong namin kasi may naghahanap daw sakin. Saglit ko munang tiningnan ang sarili ko sa salamin. Baka magulo ang buhok ko or something. Nang makuntento na ako, nagmadali na akong bumaba. Sino naman kaya yung naghahanap sakin?

"I knew you were lying." salubong nya sakin habang nababa ako ng hagdan. Wala sa oras na napairap ako. What the hell is Ice doing here?

"Fine! I lied. I just really want to go home early. Hindi mo alam ang pinagdaanan ko ngayong araw." padabog akong nag indian sit sa sofa namin sabay kuha ng isang throw pillow at pinatong iyon sa lap ko.

"Eh bat kailangan pang magsinungaling?" Knowing Ice, trip na naman ako netong istorbohin kasi bored sya. Dapat ko bang ipagpasalamat na pangalan ko unang naalala nya kapag nabobored sya? Ugh.

"Wala ka na dun. Ugh! What the hell are you doing here anyway?" Hindi ba halata ng isang to na hindi sya welcome dito sa bahay? Baka mamaya, mapagkamalan pa ng mga tao dito na boyfriend ko to.

"Wala lang. Bored ako eh. Practice na lang tayo ng talent." muli akong napairap. Hindi pa ba nagsasawa ang isang to sa kapapractice? Nakakawalang gana kaya ang paulit ulit na pagkanta ng isang single!

"A.yo.ko. Wala ka namang gagawing matino dito, umalis ka na." Dumating naman yung isa sa mga katulong namin at naghain ng juice sa harapan ni Ice. Presko namang tinanggap nung huli ang inalok sa kanya at ininom iyon.

"Mamaya ako uuwi pag naubos ko na to." pinatong nya ang baso sa lamesa. Kalahati na ang nainom nya dun. Thinking about what he said, may balak ang isang to na wag ubusin ang juice na iyon.

"Ano ba yelo? Umalis ka na sabi!" gigil na gigil kong sabi sa kanya. Kulang na lang talaga eh tumayo ako sa kinauupuan ko ngayon at itulak sya palabas ng bahay namin.

"Bakit ba atat na atat kang paalisin ako? Hindi mo man lang ba ako itou-tour sa bahay nyo? Halos kasing laki to ng bahay namin." inikot nya ang paningin at umarteng interisado sa bahay namin.

"Hindi ba halata sa boses ko na gustong gusto kitang paalisin?" tiningnan nya ako at nailing.

"Meron ka ba? Rain is usualy like that kapag meron sya." Why is he talking like menstruation is just a normal topic between a guy and a girl?

"Yelo, ilang beses ko ba sasabihin sayo na ayaw ko na nandito ka? Baka mamaya, makarating pa kay Mommy na pumunta ka dito." nag ayos ako saglit ng tayo dahil nangalay bigla ang mga binti ko.

"So? Masama bang bisitahin ang crush ko?" ngumisi sya sakin. Im glad walang epekto ngayon ang lintek na Ice Effect. Malikintikan na ako pag nagkataon.

"Oo. Masama. San ka naman nakatala ng lalaki na bumibisita sa crush nya?" nag cross arms ako sa kanya sabay taas ng kilay.

"Ganito talaga ako. Madalas kong bisitahin ang crush ko. Ayaw mo nun? May bisita ka palagi?" tumayo sya at naglakad papunta sa grand piano na nasa gitna ng living room. Hinawakan nya iyon at pinagmasdan.

"Ayaw ko ng may bumibisita sakin. Besides its not visiting! Binibwisit mo lang ako!" tumayo ako at sunundan sya. Mamaya san pa sya makarating eh.

Tumigil ako sa harap nya at humalukipkip. Humarap sya sakin at nagtanong. "Nakakailang boyfriend ka na?" Saan naman nanggaling ang tanong na yun? Ano ba talagang trip ng isang to?

"Why are you asking? Mag aapply ka?" ngumisi sya at tumapik sa grand piano.

"Maybe." Nainis na ako sa lakas ng trip ng isang to kaya hinigit ko na.

"That's it! Lalabas ka na!" derederetso ko syang hinila papuntang harap ng pinto namin sabay bukas nun.

"Wait lang! Di ko pa nauubos yung juice!" tatakbo syang lumapit sa lamesa at kinuha yung baso sabay lagok sa natirang laman nun. Talagang lahat gagawin nya magtagal lang dito sa loob.

"So? Naubos mo na. Alis na." I motioned him to go outside but he still stood there and stared at me.

"Sagutin mo muna ang tanong. How many boyfriends have you had?"

"Ugh! Fine! Pag sinagot ko yan, aalis ka na talaga at di mo na ko kukulitin!" dahan dahan syang tumungo habang nakangisi pa din.

"Two. I had two okay? Anong pangalan? Noah and Tim. Happy? Now, leave!" itinuro ko ang pinto. Sumunod naman sya at lumabas. Ibabalibag ko na sana ang pinto ng humarang ang kamay nya.

"Wait, huli na talaga." Napatingin ako sa may tenga nya. Kelan pa sya nagsuot ng itim na hikaw? And why am I thinking that it looks good on him. Scrap that thought Cream.

"Ano na naman ba??????" Sa history ng temper ko, ngayon lang talaga ako umabot sa ganitong boiling point. Kahit si Mommy di pa nagagawa sakin to.

"Pede manligaw?" nanahimik lang ako at tinitigan sya. Pag di ka nakuha sa tingin, bubugbugin talaga kita.

"Ice." I tried to calm myself pero bago ko pa mabitawan ang mga sasabihin ko, tatakbo syang umalis na habang natawa. The nerve of that guy!

Padabog kong isinara ang pintuan namin "Argghhhhhh!" nakita kong nabigla sa pagsigaw ko si Manang na nagliligpit ng baso na ginamit ni Ice dahilan para mabasag yun.

Inis akong umakyat ng hagdan at gustong gusto ko ng patayin si Ice ngayon.

Anong trip ng yelo na yun???!!!???

Naisipan kong mag heels ngayon dahil naalala kong kailangan ko na nga palang sanayin ang sarili ko sa matataas na sapatos para sa pageant sa gaganapin sa mga susunod na araw.

Nagpadrive na ako sa driver dahil tinatamad ako. Pagkababa ko ng sasakyan, una kong nakita si Ice na ngising ngisi na naman. Dont tell me, agang aga pagtitripan na naman ako neto??

"Nuxx. Naka heels!" tiningnan nya ang suot kong five inch na sapatos dahilan para tumangkad ako ng kaunti sa kanya. Although, mukha pa ring magkasing tangkad kami. Madaya talaga ang height ng mga lalaki.

"Tumabi ka yelo kung ayaw mong ibalibag ko sayo tong suot kong sapatos."

Tinaas lang nya ang dalawa nyang kamay sabay tabi sa dadaanan ko. Akala ko naman ,tatantanan na ako ng isang yun matapos ko sya pagsabihan pero matigas talaga ang apog ng isang to.

"So, nag heels ka para magpa impress sakin?" napatigil ako sa paglalakad at tiningnan sya ng walang emosyon sa mukha.

"Yelo, tigilan mo na ngayon yang kahibangan mo habang mabait pa ko." napahigpit ang hawak ko sa shoulder bag na dala ko. Konting tiis na lang Cream. Maihahampas mo na din ang bag na yan kay Ice. Naisip ko bigla.

"Ayoko nga." Hindi ko na talaga napigilan at hinampas ko na sa kanya ang bag ko.

"Nakakainis ka! Kahapon ka pa! Alam mo bang di ako natulog ng maayos dahil sa pinag gagagawa mo? Nabibwisit ako sayo! Bakit ka ba ganyan ha?" Nakatayo lang sya dun at tinitigan ako habang nagpipigil ng tawa.

"Aha! Crush mo din ako! Best feeling in the world! Malamang crush ka din ng crush mo. Tweet ko kaya to?" OMG. Hindi talaga sya tumigil.

"Ughhh!!!" napapadyak na lang ako sa inis. Maiging pagpipigil ang ginawa ko para di ko masabunutan si Ice. Nagmadali akong umalis sa harapan nya bago pa ko makagawa ng pagsisisihan ko habang buhay.

I tried to calm myself as much as possible. Buong klase kong tinuon ang pansin ko sa peofessor. Mabuti na lang at naperfect ko ang nakahandang surprised quiz nya kahit na wala akong aral kagabi dahil sa kagaguhan ni Ice.

Seryoso? Anong huling kinain ng gagong yun at balik pagka asshole nya? Ito na talaga ang pinaka nakakairitang Ice na na encounter ko. Sya lang talaga ang nag iisang tao na kayang umubos sa pasensya ko.

Pagkalabas ko ng klase ay syang taqag naman ni Rain sa phone ko. Ano naman kayang kailangan ng kapatid ni yelo sakin?

"Ate Cream, may napansin ka bang kakaiba kay Kuya Ice?" Ni Hello eh di ko na nagawa dahil umimik na agad sya. Masyadong atat sa sagot.

"Yes. He has unusually being an asshole today." inis kong sagot. Napapikit ako ng maalala ko ang lakas ng trip ng yelong yun.

Dinig ko ang pagtawa ni Rain sa kabilang linya. "That's not unusual Ate Cream, that's the usual."

"What the hell." Normal na Ice na ang nakakaharap ko simula kahapon? Normal na yun??

"Oo. Kuya Ice is back Ate." muli syang tumawa sabay paalam na din dahil mag start na daw ang shooting nya. What is happening on Earth?

Pagtunghay ko eh mukha na naman ni Ice ang nakita ko. Di ba talaga ako titigilan ng isang to?

"Ice. Yung level ng patience ko, malapit na sa boiling point. So please lang. Kung ano man yang trip mo, saka mo na lang ituloy after pageant. Just please!" Ibinuhos ko na lahat ng gigil na meron ako sa sinabi kong iyon. Mukhang naintindihan naman nya kaya tahimik na lang nya akong sinabayan papunta sa cafeteria.

"I'll buy you snacks. Anong gusto mo?" tanong nya ng makaupo kami sa pwesto namin. "I want spagetti and red iced tea." Binaba lang nya ang bag sya sabay pila na sa counter. Kaya naman palang pigilan ang pagiging makulit, hindi pa napigilan kagabi.

Tahimik kaming kumain parehas. Minsan lang namin naoag usapan ang huling practice para sa talent naming dalawa. Umoo na lang ako para walang gulo. Bukas gaganapin ang practice, sa bahay pa di  nila Ice. Sa wakas! Malapit na matapos ang kahibangang to.

Naghiwalay kami ni Ice after ng snack dahil may klase pa sya. Ako naman, nagdesisyong makipagkita kay Trisha na ngayon ay nakatambay na naman sa may Kiosk.

Binaba ko ang bag ko sa lamesa at umupo. Busog ako pero inagaw ko pa rin ang hawak nyang junk foods. Kahit kelan talaga, mahilig sa finger foods ang isang to. Tas super maaalat pa. Mamaya, magkakasakit yong isang to.

"Girl, paano ba mag move on?" mangiyak ngiyak nyang tanong sakin. Okay naman sya nung inagawan ko sya ng junks tapos bigla syang magdadrama?

"Ano bang nahithit mo Trisha?" walang interes kong tanong sakin. Panigurado akong heart broken na naman to dahil yung isa sa mga lalaki nya sa kpop eh napapabalitang may ka date.

"Kainis naman kasi! Bakit dun pa sya nakipag date? Huhu!" pinunasan nya ang luhang tumakas galing sa nga mata nya. I cant believe this girls addiction sa kpop. Hindi ko ata talaga maiintindihan kung paano sya nalulong sa mga kpop. Thats better naman kesa sa paghithit ng drugs diba?

"As if naman may magagawa ka? Besides, no need for move on. Di naman naging kayo." inalog ko yung junk food at naghanap ng peas.

"Bakit? Porket di naging kami di na ako pede mag move on? Yung mga naging mag syota lang na ang pedeng mag move on? Nasaktan din kaya ako! I have the right to move on. Kahit papaano naman meron ako nun. Di na nga sya naging sakin, hindi pa ko pedeng mag move on. Bigte na!"

Lately naisip ko, saan kaya pinaghuhugot ni Trisha ang mga kadramahan nya sa buhay? Masyado syang engrossed sa kpop, sa fictional characters, sa idea ng love pero takot namang mag take ng risk.

Ivan has been courting her for two years na according to Adam. Hanggang ngayon, wala pa ring progressed. Hindi ko alam kung tanga ba si Adam o dakilang martir para maghintay kay Trisha. In the first place, may hinihintay ba naman sya?

"Whatever Trisha. Tigilan mo na yan. Maghanap ka na lang ng bagong kababaliwan. O baka gusto mo, this time kay Ivan ka na lang mabaliw. At least sya, totoo. Eh yang mga fictional characters mo sa novel ni John Green, totoo ba?" inirapan nya ako sabay agaw nung junk food.

"Im scared okay? Sometimes I think gusto ko sya but sometimes hindi din. Ewan ko ba! Mahirap talaga ako intindihin. Ayaw ko syang mawala pero di ko naman magawang ibigay yung oo sa kanya kasi hindi pa ko handa. I dont feel like entering a relationship. I want to experience life. I want to live my life. Engrossed myself with fictional characters and make myself believe that true love could exist. Whats the point of reading romance stories? Naghahanap ako ng story na sasakto sa pinagdadaanan ko ngayon. Im torn Cream. I need to know. I need to feel. Di ko kayang maging unfair kay Ivan. He's a nice guy and I just feel like Im not the one for him."

Nabigla ako sa sudden outburst nya. I never though of Trisha like this. I know her for being quirky and talkative. The characters that made me decide to be friends with her. She's weird but sometimes, sya pa yung nakakapagpaliwanag ng mga nararamdaman ko na hindi ko din maintindihan.

"Why do you have to find a story that would fit yours if you could make your own?" tinitigan nya ako sabay ngiti.

"May kwenta ka palang kausap. Akala ko, pambabara lang ang alam mong gawin eh." tumayo sya at niyakap ko. Isang awkward kind of hug pero hug na gigising sa puso mo.

"Finally! I found someone na masasabihan ko ng nararamdaman ko."

Trisha and I decided na umalis na sa Kiosk at pumunta na sa room since magkaklase naman kami sa susunod na subject. Napagusapan namin ang tungkol sa long quiz na hindi ko alam. Mananalig na lang ako sa phoyographic memory ko. Hindi ako nakapag aral kagabi kaya kakapit na lang talaga ako sa patalim. Siguro naman, di ako babagsak. Math naman yun kaya walang sauluhin.

Sa may hallway, napukaw ang pansin namin ng maingay at naghihiyawang mga lalaki. "Oh no! Ginagawa na naman nila." Nakita kong napasapo sa noo nya si Trisha.

Hinanap ko kung saan nanggagaking hiyawang iyon. Nakita ko si Adam kasama si Ivan at ang ilang dota buddies nila. Sa harapan nila ay isang mahabang lamesa. Tigi tigisa sila ng sharpie at nagsusulat ng kung ano sa isang maliit na white board. Maging white board ay kanya kanya din sila. Pati pambura. Anong ginagawa ng mga ito?

Lumakad ako papalapit para mas makita kung ano ang kaguluhang ginagawa ni Adam at Ivan. May isang babaeng naka dress ang dumaan sa harapan nila at sabay sabay silang tumungo at nagsulat ng kung ano sa board nila. Sabay sabay nila itong itinaas. Numbers like 3.5.7.8 and 2 flashed. I get it. They are ranking girls. What an asshole!

"They like doing that. Kahit nung highschool kami. Grabe, old habits die hard talaga." comment ni Trisha. Naglakad ako lalo papalapit sa kanila. Busy sila sa pag high five at pagbibigay ng komento sa babaeng dumaan.

Nang malapit na ako ay dumaan si Blue. Mukhang iritado pero maganda pa din. Naka dress din sya na hapit na hapit sa katawan nya. Sabay aabay ulit silang tumungo at nagbukas ng sharpie nila. Nakataas ang apat na 10 at ang zero ni Adam. Dinig kong sinabihan nya ang mga ito ng asshole. Muli silang nag high five at nagtawanan.

Nang makita ako ni Adam ay binulungan nya ang mga kasama nya. Muli, sabay sabay silang nagsulat ng numbers sa board sabay taas nun.

"Tada! Perfect ten para kay Cream!" tuwang tuwa na sabi ni Adam. Mukhang nagkakatuwan nga sila sa trip nilang to. Magkapatid nga sila ni Ice. Parehas malakas ang trip.

"Oh? Masaya na kayo nyan?" pagtataray ko. Sa likod ko ay ang natatawang si Trisha. Kita ko pa ang pag belat nya sa mga boys.

"Naman!" sagot ni Adam sakin sabay kulbit sa katabi nyang Adam at tinuro ang isang babae na dadaan din. The girl looked familiar though. Black rimmed eyeglasses, pink backpack. Ito yung babae ni Adam!

Napatigil yung babae sa harap ng boys at tiningnan ito isa isa. Agad na nagtaas yung apat ng ten pero si Adam, one ang tinaas. Mukhang nagtaka naman yung babae kaya agad na nagpakiwanag si Adam.

"Ikaw kasi ang number one sa puso ko." naghiyawan ang boys na katabi nya pero mukhang di naman natinag si Adam at ngiting ngiti pa ding nakatingin dun sa babae.

"Gago." comment nung babae sabay lakad palayo sa kanila. Di namin mapigilan ni Trisha ang pagtawa. Did that girl just call Adam, gago? Hilarious!

"Kunwari, I love you na lang narinig ko." sabi ni Adam sabay ligpit ng mga gamit nila sa kahibangan. I cant believe Adam put that show for that girl!

"Hatid na kita?" Alok ni Ice ng makita nya akong nakatayo sa may parking lot at iniintay ang saaakyan namin. Bakit ba naman kasi umalis pa si Manong?

Iba din tong si Villarasa. Sala sa sobrang kulit, sala sa sobrang seryoso. Baka mamaya, nay split petsonality nga ang isang to hindi ko pa din alam.

"Ice, can you just...act normal? Yung...normal na Ice. Hindi sobrang kulit. Hindi sobrang seryoso." Huminga sya ng malalim sabay pindot ng keys ng sasakyan nya. Binuksan nya ang pinto noon at bumaling sa akin.

"Ice cream tayo?" aya nya. Agad akong napangiti. Salamat naman. Balik na sa normal si Ice.

"Fine. But this is not a date." natawa sya sa sinabi ko.

"Wala akong sinabi na date to." umikot ako at sumakay sa sasakyan nya. Ganun na din ang ginawa nya.

"Again, hindi ito date."

"Hindi date." pag ulit pa nya sabay start ng kotse.

"Hindi ka nainiwala sa love eh bakit nagkaboyfriend ka na?" tanong nya sakin. Nandito na kami ngayon sa Ice Cream shop nya. Napairap na naman ako. Akala ko ba, bibitawan na nya ang topic yan?

"Im just curious okay?"

"I dont believe in love but that doesnt mean na Im prohibited to enter relationships. Naka dalawa na nga ako oh." sumubo ako ng Ice Cream.

"No I love you too's?" tinaasan ko sya ng kilay at inarapan.  Binaba ko ang hawak kong spoon at huminga ng malalim.

"I dont say I love you okay? Like oo pero love? Nah. Mahirap magbitiw ng salita." sagot ko. Pero mukhang di naman sya nakatingin sakin. Sinundan ko ang tingin nya at nakita ko si Kendy Ramirez. Ang babaeng pinagkaka abalahan ni Adam ngayon. Pumasok sya sa loon ng shop at kasunod nya si Adam. Great thing at wala kami sa bukana para di agad kami makita ni Adam.

"Lakas ng tama ni Adam sa Kendy na yan ah." natatawa kong sabi. Kitang kita ang iritasyon sa mukha ni Kendy. Ayaw nya kay Adam. Maybe because Adam is too good to be true. Isa pa, magkaiba ang buhay nila. Gusto ni Adam sa maingay at wild and Kendy is more of the tahimik na type.

"Kendy Ramirez, pangarap nyang maging vet someday. Meron syang isang dosena ng pusa sa bahay nila. Lahat pinulot nya lang sa kalsada at inalagaan. She has two dogs. Isang siberian husky at isang askal. She also has insects and fossils ng butterflies. She's not afraid of animals. She loves them like she's their mother." pagkukwento ni Ice. Suddenly, I want to applaud this guy for informations na nakuha nya. Kahit naman pala papaano ay alam nya ang nagyayari sa paligid nya,

"Wow. You sound her stalker." comment ko dahilan para mapatingin sya sakin.

"I'm not. Im curious. Hindi pa tumagal ng ganyan ang babae kay Adam. Believe me. Tinamaan yang kapatid ko." muli kong tiningnan ang dalawa na palabas na ng shop. Nag take out sila ng ice cream at mukhang si Adam lang naman ang nag eenjoy sa moment nila.

"I have an idea!" sinubo ko ang huling ice cream na medyo tunaw na at tumayo. "Sundan natin sila!" poker face nya akong tiningnan. "Why do we always end up stalking Adam kapag nasa date tayo?":

"Hey! I though I made myself clear that this.is.not.a.date." pinanlakihan ko sya ng mata at tinawanan lang ako.

"Yeah right." tumayo na din sya at sinundan ako.

We're going to stalk Adam!

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 78.3K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...
786K 28.5K 40
Heartbreakers Series #3: Alaric Reuben Frontera Aquila "Aki" Esqueda is one of Alaric Reuben "Abe" Frontera's friends since Grade 11. Nasa iisang bar...
3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
61.1M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...