RoseBlood (..one drop fulfill...

By Marikit07

343K 6.9K 1.8K

Kayang kayang talunin ni Daniel, ang pinakamalakas na bampira, si Kathryn, ang taong nakatakda raw na tumalo... More

RoseBlood (..one drop fulfills a lifetime..)
Prologue
~ † First Encounter † ~
~ † Discovery † ~
~ † The Warriors † ~
~ † Dark Intentions † ~
~ † Dark Intentions † ~
~ † Unlikely Union † ~
~ † The Sacrifice † ~
~ † Kiss of a Vampire † ~
~ † Confusing Intentions † ~
~ † Kiss from a Rose † ~
~ † Predestinated Couple † ~
~ † His Only Chance † ~
~ † The Test † ~
~ † Awakening † ~
~ † The Fight Is On † ~
~ † The Power of a Rose † ~
~ † The Antidote † ~
~ † Changes † ~
~ † A Warrior's Death † ~
~ † Consequence of Immortality † ~
~ † Daughter of Light † ~
~ † The Light Temptress † ~
~ † Starting Over † ~
~ † Fear † ~
~ † The Counterpart † ~
~ † When Right Choice Is Not Always The Best † ~
~ † The Unexpected † ~
~ † Blue Moon † ~
~ † A Lover's Sacrifice † ~
~ † One Drop Fulfils a Lifetime † ~
Epilogue

~ † One Step Closer † ~

12.6K 206 33
By Marikit07

~ † One Step Closer † ~

Nagkulong si Julia sa kwarto nya pagkatapos ng meeting kanina ng mga “Warriors”. Parang hindi pa rin sya makapaniwala na sa tagal na nyang nakatira sa bahay na toh hindi man lang sumagi sa isip nya may ganung klaseng misteryo pala dito. Sa halip na takot ang maramdaman, pagkalito ang pumupuno ngayon sa naguguluhan nyang isip at pag ganitong mga panahon alam na nya kung sino ang matatakbuhan nya.

Kahit hindi sila laging magkasama dahil sa bahay nila Kath tumira si Julia habang ang tatay naman nya ay may sariling laboratory na nakalaan para sa company ng mga Fuentebella, may kakaibang bond pa din silang mag-ama na kahit hindi masyadong nag-uusap, pag nagkasama naman sila parang kayang kaya nilang maka-cope up sa isat isa.

Naisip na tuloy ni Julia na baka hindi naman talaga obsessed sa vampire stuffs ang tatay nya kundi dahil ito talaga ang trabaho nito sa Fuentebella Group of Companies. Baka sya yung tumutuklas ng kung anu-anong mga gamot na laban sa mga bampira o pangpatay sa bampira?

Napakadaming tanong sa isip nya at gusto nya lahat sabihin sa tatay nya bago pa sa kahit sino sa paligid nya. Gusto nyang kausapin ang tatay nya tungkol sa desisyon nya na sumama sa grupo bilang vampire warrior at nararamdaman din nya na may maitutulong ito para gumaan ang loob nya.

“Julia…” Mahigpit na niyakap sya ng ama pagbukas na pagbukas ng pinto. Kahit maggagabi na pinuntahan pa rin nya ang tatay nya.

“Pa…namiss kita…hmmmmm!” Mas mahigpit na yakap ang ginanti nya dito. Totoong lagi nyang namimiss ang tatay nya dahil konti lang ang oras na meron sila dati pa dahil sa pagkabusy nito sa laboratory.

“Pumasok muna tayo…malapit nang dumilim…mahirap na.” Bigla namang naging alerto ang tatay nya. Kumawala ito sa yakapan nila at luminga linga habang pinapapasok sya sa loob. Siniguro muna nitong nakakandadong mabuti ang pinto bago sya hinarap ulit.

Wala pa ring nagbabago sa laboratory. Mejo madilim, puno ng mga gulo-gulong libro ang mahabng table na nasa kaliwang gilid ng room. Sa gitna naman isang mahabang table na puno ng mga containers, cylinders at kung ano-anong mga aparato. May ibat ibang kulay ng chemicals at testing kits. Nagtuloy si Julia hanggang maabot nya ang isang maliit na pinto na nagcconnect sa laboratory at sa simpleng bahay ng tatay nya. Laboratory at the same time bahay. Yan ang buhay ng tatay nya dito.

“Kumain ka na? Anong gusto mo?” Excited na tanong ng tatay nya pagupo nila sa sofa. Halatang miss na miss din sya nito.

“Ok lang po ako…Pa, straight to the point. May alam po ba kayo tungkol sa ginagawa ng Fuentebella Group na may kinalaman sa mga bampira?” Tanong ni Julia. Napangit ang tatay nya na parang hindi man lang nagulat sa sinabi nya.

“Natutuwa ako na alam mo na. Sinabi din sakin ni Matriarch na naorient ka na ng Warriors. Hays… sa wakas… hinihintay ko tong pagkakataon na toh…” Napatingin sa bintana ang tatay nya na parang malalim ang iniisip. Kita  mula sa bintana ang papaangat na buwan sa langit.

“Alam kong iniisip mo na wala akong panahon sayo dahil maliit ka pa lagi na kong nakasubsob dito sa laboratory… ngayon maiintindihan mo na… Anak… ito ang tadhana natin. Nandito tayo para magtrabaho sa mga Fuentebella…para tulungang mailigtas ang lahi ng mga tao laban sa mga bampira na nagiging suwapang na sa kapangyarihan. Kaya ako busy lagi dahil marmi akong gustong tuklasin na makakatulong para maging payapa ulit lahat.” Matahimik na nakikinig si Julia sa tatay nya na parang nagbabalik tanaw pa.

“So…alam nyo na po na magttraining ako para maging warrior din?” Siniguro muna nya na magkakaintindihan nga sila. Tumango ang tatay nya.

“Hindi biro yun anak… pwede kang mamatay dun. Pero proud ako…dahil isa sa mga mahusay na warrior ang nanay mo…” Ikinagulat ni Julia ang narinig nya. Ang Mama nya? Vampire warrior?

“Pero bakit napatay sya ng isang bampira?” Gulat na tanong nya. Akala nya pinakanakakagulat at mahirap paniwalaan ang nalaman nya kanina pero mayroon pa palang mas hihigit pa.

“Malakas ang nakalaban nya… madami sila at pinagtulung tulugan ang nanay mo… wala naman akong magawa dahil mas iniisip namin na ingatan ka… kya tayo nagtago nun at pinanood na lang kung pano mamatay ang nanay mo..” May pumatak na luha sa mga mata ng tatay nya.

~~~Flashback~~~

“Nagustuhan mo ba Julia ko?” nagniningning ang mga mata ng batang si Julia habang inaabot ang kwintas na regalo ng nanay nya.

“Wow Mama para na talaga kong prinsesa! Ang ganda nito! Salamat po! I love you!!!” Yumakap ng mahigpit si Julia sa nanay nya.

“Oo naman anak! Isuot mo toh lagi ah..kapag nalulungkot ka, isipin mo nasa loob nang pendant na yan lahat ng pagmamahal sayo ni Mama at Papa.” Tinulungan sya ng nanay nya na isuot ang kwintas na may pendant na maliit na glass bottle na may lamang transparent liquid at nakapalood ang isa maliit na kulay pulang hugis rose petal.

“Syempre hindi kumpleto ang birthday ng prinsesa namin kung wala ang chocolate cake!” Mula sa kusina pumasok sa living room ang tatay nya na may birthday cap sa ulo at dahan dahang naglalakad hawak ang cake na may kandila na nakahugis ng number 5.

“Happy na…birthday pa…!” Kinantahan pa ni Julia ang sarili nya at nagkatawanan ang masayang pamilya nang biglang may bumato sa  bintana at nabasag ito.

“Mama!” Napatakip sa tenga si Julia at napapikit ng madiin.

“Franco! Itago mo si Julia bilis!” Nagkatinginan ang mag-asawa. Nalaglag sa sahig ang cake na para kay Julia nang bitawan ito ng ama para buhatin sya.

Pagdilat ni Julia itinatakbo na sya ng tatay nya sa basement ng bahay nila.

“Anak wag kang iiyak…wag kang maingay madidinig tayo ng mga bampira…wag kang matakot nandito si Papa..” Sinusubukan syang kalmahin ng ama dahil nagsisimula na syang umiyak. Pilit namang sinunod ni Julia ang ama kahit na takot na takot.

“Pano si Mama…” Tanong nya nang mapansing inilock ng tatay nya ang entrance sa basement.

“Shhh…wag maingay anak. Eto..nandito si Mama.” Nagpunta sila sa isang maliit na table na may parang maliliit na tv screen. Binuksan ito ng tatay nya at nakita nila ang nangyayari sa bahay nila. Sa isa sa mga screen makikita ang living room kung nasan ang Mama nya.

Nakita ni Julia na may mga taong nakaitim na nakapalibot sa nanay habang sinusubukan nitong lumaban pero kahit bata pa alam nya na hindi kaya ng isang tao lang ang ganung karami.

“Mama!” Napasigaw sya ng mabuwal sa sahig ang nanay nya dahil sa isang malakas na sipa.

“Shhh anak wag…wag maingay magagalit si Mama pag nakita ka ng mga kaaway nya.” Mabilis na tinakpan ni Franco ang bibig ng anak.

Walang nagawa ang mag-ama kundi umiyak ng tahimik habang nakikita kung anong ginagawa kay Rose…ang nanay ni Julia…asawa ni Franco.

Hindi malilimutan ni Julia kung anong klaseng takot at kilabot ang bumalot sa katawan nya nang saksakin ng isa sa mga kalaban ang nanay nya sa dibdib nito. Bumagsak ulit sa sahig ang nanay nya at tuluyang nawalan ng malay habang dinumog ito ng mga kalaban at sa gulat ni Julia, parang mga gutom na nagppyesta sa pagkain na kinagat ng mga ito ang katawan ng nanay nya.

Hanggang dun lang an nakita nya dahil naalala ni Franco na takapan ang mga mata nya.

Nang mag-alisan ang mga kalaban, may mga tao pang dumating at lumabas sila sa basement para salubungin ang mga ito.

Kinabukasan pag gising ni Julia nasa isang malawak na bahay na sila ng isa sa kaibigan ng nanay nya….si Matriarch Divya.

Binigyan ng bagong trabaho ang tatay nya bilang isa sa mga doctor ng company nila at pinatira naman sya sa bahay kasama si Kathryn na itinuring nyang pamilya na din. Si Matriarch ang sumagot sa lahat ng gastusin ni Julia at itinuring din syang parang tunay na anak.

At simula din nung araw na yun nabuhay si Julia na puno ng takot twing maririnig ang salitang bampira.

~~~End of Flashback~~~

Hindi namamalayan ni Julia na napahawak sya sa pendant ng kwintas nya… huling regalo ng mahal nyang ina.

“Pa…” Tinawag nya ulit ang atensyon ng tatay nya na nalulungkot nanaman.

“Natatakot po kasi ako… alam kong malakas sila… wala naman akong kapangyarihan na katulad ng sakanila… pano kung makagat nila ko? Either mamatay ako or magiging katulad ako nila? Ayoko…” Halatang nalilito si Julia. Napabuntong hininga ang tatay nya habang nakatitig sa kanya.

“Parehas lang kayo ng Mama mo…wala naman syang kapangyarihan. Pero lahat ng kalaban may kahinaan. Yun ang alamin mo Julia..isa pa, ikaw na lang ang natitira saken..hindi kita pababayaan…alam kong dadating sa puntong ito kaya nga inaral ko nang mabuti ang tungkol sa kanila para maging handa ka.” Napatigin si Julia sa ama at napakunot noo.

Hinatak sya ng ama patayo at inakay sya pabalik sa laboratory. Sumunod naman si Julia. May binuksang cabinet ang tatay nya na malapit sa pinto at kumuha ng isang maliit na glass container na may lamang asul na liquid.

“Ito…sinusubukan kong maperfect…hindi ko pa natetest pero sa tingin ko ayos ito.” Inabot ito sa kanya ng tatay nya.

“Ano po ito?” tanong naman ni Julia. Tinignan nyang mabuti ang loob ng bote.

“Kapag nakagat ka ng bampira anak, hindi tatalab sayo ang kamandag ng pangil nila. Babalik ka sa pagiging tao basta wala pang 24 hrs na nakagat ka, kailangan mainject sayo yan” Proud na sabi ng tatay nya. Isinoli ni Julia ang bote.

“Pero kung papatayin ako? Pano na yan?” Nakasimangot si Julia.

“Kaya ka nga may training. Mas malaking problema kung gagawin kang bampira diba?” Napangiti na ulit ang tatay nya. Halatang gustong ipakita sa kanya ang mga nadiscover nya.

“Ito pa anak, mga libro at researches ko tungkol sa mga bampira…hindi ko lahat binibigay pa kay Matriarch yan… basahin mo… kung alam mo ang kakayahan ng kalaban mo mas madali kang makakaisip ng paraan para matalo ito. Yan ang tatandaan mo anak…” Dinala sya ng tatay nya sa table kung nasaan ang mga hindi nakaayos ng libro. Kumuha ito ng ilang mga libro ang ibinigay sa kanya.

“Pa… ang dami nito… babasahin ko ba lahat?” Parang nalula naman si Julia sa inabot sa kanyang mga libro. Kanina iniisip nya maaksyong training ang pagdadaanan nya para makalaban sa mga bampira kahit papano pero mukhang iba ang mangyayari. Magpapakabookworm yata sya para dito.

“Kailangan mo yan… Proud ako sayo anak…alam ko magiging mas magaling ka pa kesa sa Mama mo…” Hindi pinansin ng tatay nya ang reklamo nya. Seryoso itong nagsalita sabay yakap ng mahigpit.

“Basta lagi kang mag-iingat…” Yun ang huling sinabi sa kanya ng tatay nya bago sya pumunta sa isang bakanteng kwarto sa bahay nito para dun na magpalipas ng gabi.

Hindi naman din nakatulog si Julia dahil pinilit nyang basahin na kaagad ang mga libro. Naaaliw din sya dahil ang dami palang mga katotohanan tungkol sa bampira ang taliwas sa mga ordinaryong librong nababasa nya. Hindi sila takot sa bawang. Hindi rin sila kaagad nasusunog sa araw pero kapag nasa araw sila unti-unting nag-iinit ang mga balat nila at pag nasobrahan ng exposure tska palang sila masusunog. Kapag nakabalik sila sa dilim at nakainom ng dugo mabilis namang gagaling sa mga sugat nila. Hindi lahat ng bampira kayang mag-ibang anyo. Yung mga puro lang talaga ang pinanggalingang lahi at talagang malalakas ang nakakagawa nito.

Nalaman din nya na may ibang bagay na tugma din sa mga nababasa nyang vampire novels. Totoo pala si Dracula pero hindi sya ang hari ng mga bampira isa lang syang ordinaryong bampira. Napagalaman din nya na mas mabango ang dugo ng taong babae sa lalaking bampira.

‘Teka…kaya siguro…’ napaisip nanaman sya. Kaya siguro sinundan sya ni DJ sa library.

Sa pagpapatuloy nya, nalaman nya na may ibat ibang epekto din pala ang dugo ng tao sa mga bampira. Merong pwedeng magpahina, meron pwedeng magpalakas.

‘So hindi lahat trip nilang kagatin?’ naisip nya.

Nabasa din nya ang kasunduan ng tao at bampira na aatake lang ang isa’t isa kung may magsisimulang manakit. Sinusubukan pa rin nilang mamuhay ng matahimik.

‘Walang basagan ng trip!’ sabi pa ni Julia sa isip nya.

Nagpatuloy sa pagbabasa si Julia at nawala sa loob nya ang oras. Nakakatatlong libro na sya at nakakaramdam na sya ng antok kaya minabuti na lang nyang tapusin ang hawak nyang libro at natulog na.

~~~

“I’m late, I’m late, I’m late!” Parang sirang plakang nirerecite ni Julia habang nagtatakbo papasok sa gate nila. Hindi na nya pinapansin ang mga taong naggreet sa kanya sa daan. Kailangan nya pa kasing bumalik sa bahay nila kath para gumayak for school galing sa bahay ng tatay nya kaya nalate sya.

“I’m late!” Halos pasigaw na sabi nya nang mapahinto sya dahil mabubunggo nya si Kath na sakto namang kasalubong pala nya.

“You’re not!” Natatawang sabi naman nito. Humihingal pa si Julia habang nakahawak ang dalawang kamay sa balikat ng best friend nya.

“Ha?” nagtatakang tanong nya ng makarecover.

“May program ang Red Cross ngayon..” umpisa ni Kath. Napansin ni Julia na nasa likod nito sila Neil at ang iba pang mga prefect na nalaman lang kahapon na mga vampire warriors. Naisip nya malamang binabantayan si Kath.

“anong program? So walang klase?!” Hindi nya alam kung alin sa tanong nya ang gusto nyang unang sagutin ni Kath.

“Blood donation.. yes walang klase.” At nang nasagot ni Kath hindi nya alam kung matutuwa sya. Nagmamadali pa sya kanina kahit hirap na hirap syang bumangon dahil sa puyat tapos wala palang klase.

“Great! Just great!” Nasabi na lang nya pero ok na din yun kesa naman mapagalitan sya sa pagiging late. Terror pa naman teacher nila sa English.

“Bakit ang daming tao? Excited lang? Tumingkad si Julia para Makita nang mabuti ang mga nagkakagulo sa pila na mga students sa yard ng malaking school nila.

Naalala nya nung bata sila pag may blood donation nagtutulakan kung sino mauuna kasi masakit. Ngayon naman naguunahan pa yata mga estudyante.

“Kaya nga maging alerto kayo ngayon. Mga night class students ang nasa booth?” Napataki si Julia sa bibig nya nang marinig ang sabi ni Kath.

“Teka, teka, anong kalokohan ba toh akala ko bawal-” Magsisimula nanaman sana syang magreklamo pero lumapit sa kanila si Neil.

“Di ko rin alam pero si Sir Dimitri ang may gusto nyan. Pumayag din si Matriarch sa plano na yan. Hindi ko alam kung bakit. At hindi rin ako sigurado kung yung mga dugong idodonate nila ay para talaga sa red cross club…” Maingat na nakatingin si Neil sa mga nagkakagulong estudyante na parang nakahandang kumilos kung may mangyaring hindi maganda.

“Sh*t ayan na sya!!” Nagtilian ang mga kababaihan nang biglang may humintong sasakyan sa tapat ng gate ng school.

Maya-maya pa, bumaba sina Diego at DJ. Mga nakaschool uniform ito pero nakashades.

‘Hindi sila kaagad nasusunog sa araw.’ Nirecite pa ni Julia sa sarili nya ang nabasa kagabi habang tinitignan ang mga paparating na…bampira.

 Nakakailang hakbang pa lang si DJ nang biglang luminga linga ang ulo nito na parang may hinahanap hanggang sa nahinto ang tingin nya…kay Julia na kung tutuusin nasa malayo pa!

‘Naamoy nya kaaya ako? Ibig sabihin ganitong kalayo alam na nya kagad kung nasan ako?’ Nagiging active nanamana ng isip nya at hindi nya napansin na papalapit sa kanila sina DJ pero may mga iba pang night class sa likod nya na sa tingin ni Julia nakabantay din kay DJ.

“Julia, bantayan mo si Kath ha.” Bumulong si Neil sa kanya bago ito lumapit din sa naglalakad na mga bampira. Panay naman ang kilig at bulungan ng mga day class habang tinitignan sila DJ.

Hinawakan ni Julia ang kamay ni Kath at pinaatras ng ilang hakbang.

‘Wag mong ipapahalata na kasama ka na sa warriors, wala ka pa ngang alam eh!’ Naisip naman nya. Dapat pala cool lang sya na parang wala pa ding alam masyado tungkol sa nangyayari sa pagitan nila.

“Kumusta?” Nagulat si Julia sa ginawa ni Neil. Naghigh five pa sila ni DJ at Diego na parang mga magkakabarkada pero hindi pa rin maiaalis na mahalata ni Julia ang mga tingin nila sa isat isa na parang misteryoso at nagtatantyahan kung may aatake ba o wala.

“Anong drama yun? Close?” Bulong nya kay Kath habang unti-unti na nyang inaakay palayo ang kaibigan.

“kailangan yan para hindi mahalata ng day class tska ang rule naman basta walang magsisimula ang gulo ayos naman tayo kung nageexist sila.” Inexplain ni Kath pero palingon lingon pa din ito na parang natatakot.

“Di ko alam ang plano ni Mama kung bakit pumayag sya.” Nag-aalalang dagdag pa nito.

“Hindi nila dapat hinayaan…kung alam lang nila. Nakakatakot sila. Lalo na pag lumapit sayo… tapos naging pula na yung mga mata…at humaba yung pangil….pag hinawakan ka sa braso, tapos ilalapit yung mukha nya sa leeg mo…tsk!” Parang magkumareng nagchichismisan na ang itsura nila Kath habang nagbubulungan.

“Relax ka lang… una sa lahat hindi sila gagawa ng gulo dahil maraming tao…advantage natin kasi umaga pa. Kaya lang naman sila aatake pag kailangan nila ng pagkain…o pag sinaktan sila…pero may iba lang talaga na greedy na at prang mga halimaw na talaga…” Natawa si Kath sa reaksyon ni Julia habang nagkkwento with matching actions pa.

“Ayan sila!” Bigla namang sabi ni Kath. Mabilis na lumingon si Julia at nanlaki pa ang mga mata nya nang makitang papadaan sina DJ kasama si Neil. Dali-daling tumabi sya sa gilid at pinapunta si Kath sa likod nya na parang protective na ate.

Nagtanggal ng shades si DJ at nakakunot noong tumingin sa kanya na parang nawiwirduhan sa kinikilos nya. Lalo namang kinabahan si Julia.

“Bumubulong ka pa…dinig na dinig naman kita.” Mahinang sabi nito habang dumadaan sa harap nya sabay iling at ngiting nakakaasar pa. Nagtawanan din ang mga kasama ni DJ.

Para namang nainsulto si Julia sa ginawa nito at unti-unting nawala ang takot nya at napalitan ng pagkaasar.

‘Parang tao din sila na nasasaktan… ang advantage lang mabibilis kumilos ang mga bampira pero kung mattyempuhan mo magagawa mo din silang masaktan… hindi sila aatake lalo na maraming tao… advantage natin kasi umaga pa…’ naghalo halo ang mga nasa isip ni Julia at unti-unting naniningkit ang mata nya sa bawat tango at ngiti ng mga nagdadaan sa harap nya.

Kahit sya hindi nya inaasahan ang sumunod na nangyari. Biglang na lang nya hinampas ng malakas sa balikat si DJ. Yung pinakamalakas na kaya nya.

“Ah!” Napahawak ito sa balikat at mabilis ding nagbago ang ekpresyon ng mukha nito. Bigla itong lumingon sa gawi ni Julia at aktong aabutin sya pero nagtatakbo kagad si Julia palayo hanggan sa tantya na hindi na sya maamoy nito. Nakita pa nya na nakahawak si Diego sa magkabilang braso ni DJ na masama ang tingin sa kanya.

Kumalma din kaagad si DJ at nagtuloy sa loob ng school. Sinundan nina Kath at Neil si Julia at gaya ng inaasahan nya,  sermon ang aabutin nya.

“Nagpapakamatay ka ba ha?!”  galit ang boses ni Neil. Halatang kinabahan sya sa nangyari.

Hindi kumibo si Julia. Kahit naman din kasi sya nagulat sa naging reaksyon nya. Isa pa, alam nyang out of curiousity kaya rin siguro naisipan nyang itest kung totoong masasaktan nya toh pero pagkatapos narealize nya na napakachildish ng ginawa nya.

“Ano? Ieexpose mo talaga yung nangyayari satin?” Tumingin muna sa paligid si Neil kung may nakakapansin sa kanila bago bumulong nang pagalit kay Julia.

“Ang tapang tapang mo na wala ka pang napapatunayan! Ni hindi pa nagsisimula ang training mo bilang warrior!” mangiyak ngiyak na si Julia. Pinakaayaw nya yung nagagalit si Neil dahil sobrang bait nito pero masamang magalit.

“Sorry Kuya…nakakainis kasi eh…tska sinubukan ko lang naman kung totoong masasaktan sila… hindi kasi ako tiwala na kaya ko din silang labanan balang araw..” Nakayukong sabi nito.

“Hays…Julia, Julia, Julia…. Ano bang dapat gawin… pano yan? Pinaiiral mo kasi yung takot mo… anong gagawin mo ngayon? Unang salang mo sa training kasama ka samin pag may umatake na bampira… alam mo ba na mas mabango sa kanila ang dugo ng tao pag takot?” Nagtaas ng mukha si Julia. Hindi nya nabasa yung sinabi ni Neil sa mga libro kagabi ah.

“Sorry….Kath, sorry din.” Yun lang nasabi nya. Alam nya tinakot nya lahat dahil sa ginawa nya at malamang pag-iinitan sya ni DJ sa ginawa nya. Yun pa naman daw ang pinakamalakas sa lahat.

“Nag-aalala kami sayo Julia… sabi ko naman kasi kay Mama wag na lang muna sabihin sayo… Kilala kita at ineexpect ko na magkakaganito. Pero ang nangyayari kasi, sa halip na ako yung protektahan mo, nagkakabaligtad pa tayo…” Hindi alam ni Julia kung inis o pag-alala yung nasa tono ng pananlita ni Kath.

“Ganito na lang… dapat maalis yang takot at pag-aalala mo eh. Mamaya sumama ka samin. At please lang wag kang susuway sa sasabihin ko.” Biglang sumingit si Neil. Kahit hindi masyadong naintindihan ni Julia, pumayag na lang sya para matapos na ang usapan.

~~~

“Tandaan mo, dito ka lang. Walang masamang mangyayari sayo dito basta wag kang lalapit samin hanggang dito lang maliwanag?” Bilin ni Neil.

Kakatapos lang nilang magcheck ng school kung may day class students pa. Nang masiguro nilang wala na, kasama si Kathryn, pinagtago sila sa isang lugar na tanaw ang yard ng school kung saan dadaan ang mga night class students.

“Ito ba yung unang training ko?” Parang nanginginig ang boses ni Julia. Natatakot sya pero alam nyang walang masamang mangyayari sa kanya hanggat nandito sila Neil.

“Hindi Julia…ito ang 2nd stage ng training ko. May pageekperimentuhang tao ang mga bampira at kailangan naming iligtas yun. Pamangkin sya ng isa sa co-owners ng Fuentebella group. Wag kang mag-alala saken, mahusay sila Kuya Neil tska nakaback-up sila Mama sa kanila. Dito ka lang ha!” Sumang-ayon na lang si Julia sa sinabi ni Kath kahit wala sya sa focus.

Kahapon parang okay lang sa kanya yung salitang vampire warrior…parang ang cool..pero ngayon mukhang gusto nyang magback out. Seryoso na toh at pwede syang mamatay kung sasamain talaga sila.

‘Si Kath kasi sya nga yung tatalo kay DJ kaya malakas ang loob…eh Ikaw Julia, wala namang special sayo!’ sabi nya sa sarili habang tinitignan ang mga prefect na puwesto sa mga lugar na pinagtataguan nila.

Naisip ni Julia, hind kaya maamoy sila ng mga bampira? Kung sya nga nasa malayo pa parang naamoy na ni DJ yung dugo nya. Sila pa kaya na mas malapit sa dadaanan nga mga bampira?

Mejo nangangawit na si Julia sa pinagtataguan nya, sa likod ng maliit ng puno na napapaligiran ng bushes, at madilim na din ng dumating ang mga night students.

Mukhang tama nga ang sinabi ni Neil kanina. May kakaibang gagawin ang mga bampira ngayon. Hindi sila nakauniform. Mga nakaitim at mga pormal ang suot. Parang may party at kapansin pansin din ang bitbit nila na isang mahabang kahon na may takip na tela.

Kinilabutan si Julia…

Pagpasok ng mga bampirang may buhat sa mahabang parang kahon na dala nila, kasunod naman ang limang bampira na halos iisa lang ang itsura ng damit.

Inaninag ni Julia sa dilim kahit na malayo sya sa mga ito. Ito yung mga malalakas na bampirang ipinakita ni Neil sa kanya nung meeting.

‘Wag matakot..di nila alam na najan ka di nila maamoy..’ Kinalma nya ang sarili.

Maayos na sana pero muntik na syang mapasigaw nang sabay sabay na naglabasan ang mga vampire warriors.

“Bilis kunin nyo si Charlotte!” Sigaw ni Neil, leader ng mga warrior.

Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Julia habang pinapanood nya kung anong nangyayari.

Mabilis na kumilos ang limang bampira papalayo sa isat isa. Halos hindi na Makita ni Julia kung saan sila nagpupunta dahil na din sa distansya nya at siguro, dahil mas malakas sila pagkagat ng dilim.

Mabilis na nabawi ng apat na warrior ang mahabang container na dala ng mga bampira. Binuksan nila ito at mula sa loob binuhat ang walang malay na batang babae.

Nagtago sa loob ang mga bampira ng may buhat nito na parang natatakot. Tumahimik bigla ang paligid at hindi alam ni Julia kung bakit biglang nawala ang limang bampira.

Nagtabi-tabi paikot ang mga warrior na sa tantya ni Julia nasa labing walo lahat. Labing walong warriors laban sa lima?!

Titingin tingin sa paligid ang mga warriors at nakadepensa na. Nakapalibot sila sa isang warrior na may buhat sa bata.

“Neil sa taas!” Dinig na dinig ni Julia ang sigaw ni Kath. Mabilis na napatingin silang lahat sa taas.

Sabay sabay na tumalon mula sa bubong ng school ang limang bampira at bumagsak sa lupa nang nakapaikot sa kanila. Ipinasok ng mga warrior si Kath sa loob ng circle na binuo nila para depensahan ito.

Unang umatake ang isa sa bampira na sa pagkakaalam ni Julia, yun si Deity, maganda, mahaba ang buhok, matangkad at nag-iisang babae sa grupo. Nagsunuran nang umatake ang mga warriors. Suntok at sipa, parang nanonood ng naglalaban ng martials arts si Julia. Parehas mabibilis pero mas mabilis ang mga bampira at laging tinatamaad ang mga warrior. Isa sa kanila nasugatan na sa balikat nang ihampas ni Deity ang matatalim na kuko nito.

Kahit lima lang ang nakikipaglaban na mga bampira, unti unting humihina ang pwersa ng mga warriors hanggang sa nasira ang circle na ginawa nila. Dun nagsimulang kumilos ang leader ng grupo…si DJ.

Nakita ni Julia na naglalabasan na din ang mga studyanteng bampira na nagtatago kanina nung lumusob ang mga warriors. Parang tumapang sila nung nagsimula nang kumilos ang pinakamalakas sa kanila. Dahan-dahang pinalilibutan ang mga warriors.

“Kuya Neil tulong!” bumalik ang tingin ni Julia kay Kathryn at sa batang hawak nito na umiiyak na sa takot ngayon.

Hindi makalapit si Neil dahil inaatake sya ni Diego.

Nagpanic si Julia nang hawakan ni DJ sa leeg si Kathryn na parang sasakalin. Kailangan nyang gumawa ng paraan para mapigil si DJ.

‘Bahala na!’ Alam ni Julia na hindi sya dapat umalis sa lugar nya pero kailangan ng mga warriors ng kahit anong tulong! At bakit wala pa yung sinasabing back-up ni Kathryn?!

‘Pagnaamoy ka nya baka sakaling madistract sya. Lumapit ka lang ng konti Julia tapos tumakbo ka na pag nakita ka…’ Sabi ni Julia sa sarili nya. Sinimulan nyang humakbang..isang hakbang.

Wala pa rin…hawak na ni Kathryn ang leeg nya at pinipigil si DJ.

Kinakabahan si Julia… pero kailangan wag syang matakot.

“One step closer…” humakbang pa ng isa si Julia….wala pa din…

“One step clooooooserrr…..” Sinubukan pa nyang kantahin ang sinasabi sa tono ng a thousand years ni Christina Perri para mawala ang kaba nya. Music ang pampakalma nya at mejo umeepekto naman.

“One step…closer…” sa ikalimang hakbang ni Julia napahinto si DJ.

“yes!” Napalundag si Julia nung lumingon sa gawi nya si DJ. Binitawan nito si Kath at sinimulang hanapin si Julia.

“Takbo!” Sigaw ni Julia sabay takbo palayo pero natigilan sya nang mapansin na hindi na pala sya nag-iisa sa lugar na yon.

Tatlong bampira ang papalapit sa kanya pero di tulad ng mga naglalaban sa school yard, dahan dahang lumalapit ito sa kanya na parang tinatantya kung lalaban sya o hindi.

“Julia! Takbo na!”  Narinign nyang sabi ni Kathryn na nakita na sya. Paglingon ni Julia halos hindi nya na nakita ang mga pangyayari.

Isang malaking itim na paniki ang lumipad lagpas sa kanya papunta sa tatlong bampirang nakaabang sa likod. Nagmamadaling nagtatakbo palayo ang mga bampira kasabay nito nagtatakbo na din si Julia papunta kay Kathryn at sa bata.

Lumipag pabalik sa gawi ni Kathryn ang panicking itim at naisip ni Julia na aatake nananamn ito. Para maprotektahan ang kaibigan, saktong pagtapat nito sa taas nya sinubukang tumalon ni Julia para abutin ito.

“Ah!” Sabay na bumagsak sina Julia at DJ.

Pagdilat ni Julia nasa normal na anyo na si DJ. Nakaibabaw pa sya dito habang namimilipit sa sakit ng pagkakabagsak sa lupa ang isa. Mabilis na kumilos si Julia palayo pero bago pa sya makatakbo nahawakan ni DJ ang paa nya kaya nabwal nanaman sya. Naramdaman nya gumapang ito papunta sa kanya at pagtingin nya hawak na nito ang magkabilang kamay nya at nakadiin na sa lupa.

“Kuya Neil! Kath! Tulong! Ahhhhhh!” Bumalik ang takot na nararamdaman nya kanina. Lalo syang natakot ng Makita nya ang mga pangil nito at sinimulang ilapit ang mukha sa leeg nya. Kung hindi lang bampira, iisipin nya na rape ang ginagawa nito.

Naramdaman na nyang sumayad ang ilong nito sa leeg nya nang biglang may humatak kay DJ palayo sa kanya.

“Bilisan nyo!” Bago pa makarecover narealize na lang nyang buhat sya ni Neil habang tumatakbo na lahat palabas ng school papunta sa nag-aabang na sasakyan.

~~~
Panoorin nyo yung bgong video.. thanks po…
~Marikit

Continue Reading

You'll Also Like

103K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
10.6K 376 29
Ivhan Alcarez is a playboy. He play along with the girls he met. Pinaglalaruan niya ang mga babaeng matipuhan niya. Gagawin niya ang lahat, makuha la...
11.9K 828 38
I'm His Tutor✔️ Start: May 27, 2020 End: July 24, 2020 I hope you enjoy my story, i love you! ! THIS IS TAGALOG FANFICTION !